Kabanata 23

Kabanata 23

Di Makawala

"Manang..." Sabi ko habang nagsusuklay ng buhok at nilalagay ang earrings sa tainga.

Kinatok ko ang katulong namin. Ilang sandali pa bago nabuksan ang pintuan niya.

"Bakit, Trisha?" Tanong ni Manang.

"Manang, uhm, emergency lang po... Aalis muna ako. Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko. Uhm... Tatawagan ko na lang si mommy at daddy mamaya. Paki gising po kay manong Bert. Papahatid lang ako sa, ano, sa highway tapos mag tataxi na lang ako para makatulog na ulit siya."

Ginising ni Manang ang driver namin.

"Ihatid na lang kita kung saan ka pupunta." Antok na sinabi ng driver namin.

"Wa'g na po. Malapit lang naman yun dito. Sige na po... Wa'g na..." Sabi ko nang palabas na kami sa Domino Heights.

Tinigil ni manong ang sasakyan sa highway at pumara ng taxi.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya.

"Opo. Sige na po... bye!" Agad akong pumasok doon sa taxi.

At ngayon eto naman ang po-problemahin ko... Kung nasaan si Troy ngayon.

"Manong, Penthouse." Sabi ko.

Nang nakarating ako doon... tinanong ko agad ang guard.

"Manong may beerpong po ba dito?" Tanong ko.

"Wala po, eh."

"Ganun po ba? Saang bar po may beer pong?" Tanong ko kahit hindi ko talaga alam kung ano ang beer pong. Yun kasi yung narinig ko sa background.

"Marami, miss eh."

"Ha? Talaga? Uhm... pwede paki lista?"

Una, aayaw-ayaw pa siya pero nang binigyan ko ng tip, agad naman kumanta.

Nagbihis talaga ako ng maayos para papasukin ako sa bar. May ibang bar kasi na masyadong mapanghusga... pag di maayos ang bihis mo, sasabihing fully booked na (yun ang sabi ni Troy).

Mahaba ang listahan ni manong guard. Dumugo naman ang ilong ko. Mauubos yata ang pera ko sa kakataxi. Mabuti na lang at meron ding mga bars malapit dito sa Penthouse ang may beer pong.

Dalawang beses akong nahipuan sa tatlong bar na pinuntahan ko, kung saan wala si Troy. Damn shetttt! Mga walang hiyang manyak!

Sinubukan kong tumawag kay Troy pero patay na yata yung cellphone niya.

TING! May naalala ulit ako. Doon sa Hybrid Square (kung saan ko nakita yung sasakyan niya nung isang araw). Sinuyod ko ang buong Hybrid Square. Ilang libo na ang naubos ko sa kakapunta sa mga bar. Sheeeet! Uuwi ba akong walang napapala?

Inisip kong mabuti kung saan siya maaring nagpunta. Mayaman si Troy kaya malamang sa mga pinaka eksklusibong bar siya nagpunta. Well, wala siya sa Penthouse kaya maghahanap ako ng mas exclusive na bar.

Tribe Lounge. May event sa bar na ito. Yahoo Awards Party? Hindi ko alam kung ano yun.

"Okay." Tapos pinapasok ako ng bouncer.

"Manong saan po ba yung mga nag be-beer pong dito?" Tanong ko.

"Huh? Exclusive doon miss. Hindi ka pwede dun. Ano bang pangalan mo?" Tanong ng bouncer.

Maingay sa loob. Amoy alak at sigarilyo. Ang daming ala-model na mga babae. Walang duda, nandito si Troy.

"UH. Trisha, po."

"Walang Trisha sa invitations." Aniya sabay tingin sa isang papel.

"Ah? May Troy Ezekiel Salazar po ba diyan?" Tanong ko.

"Bakit?" Tumingin siya sakin na para bang mamamatay tao ako.

"Girlfriend niya ako." Sabi ko dahil wala na akong maisip na pwedeng makapagpapaniwala sa kanya.

Tumawa na lang ang walag hiyang bouncer, "Sorry, miss. Sa Party ka na lang. Wa'g ka ng mangarap sa exclusive section."

Sumimangot ako. Naiiyak na ako. Hindi ako makakapasok sa kung saan si Troy! Tapos may bumangga sakin!

"Sorry, Miss." Nagsecond look pa siya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko, "Uhm? Nash!" Tawag ko sa bumangga saking kaibigan ni Troy.

"Do I know you?" Tanong niya nang nakataas ang kilay.

"Uh-"

Ngumisi siya. Nag evil-smile. At alam ko agad kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niya.

"K-Kailangan kong makausap si Troy!"

Sumimangot siya. Mukhang na disappoint ko.

"Sorry miss, wala kang free pass na makukuha sakin." Aniya.

"PLEASE! O di kaya sabihin mo sa kanya nandito si Trisha." Sabi ko.

Halos hilain ko na siya kasi umaalis na.

"Trisha? Ikaw si Trisha?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo." Patay ako kay Troy nito. Malalaman ng kaibigan niyang magkakilala kami. Shet! Pero bakit ako kilala ng isang ito?

Mukhang malalim pa siyang nag-isip bago pumayag.

"Tara!"

YES! Tinahak muna namin ang maraming nagsasayaw. Mukha pang meron talagang fashion show dito kanina kasi kitang-kita ko ang mga kilalang artista at kilalang modelo. Pumunta kami sa mas secluded na lugar. May double doors doon. Closed ito at mas intimate kumpara doon sa party.

Hinarangan kami ng mga bouncer. Tumango yung bouncer kay Nash.

"She's with me." Sabi ni Nash at iminuwestrang ako ang mauna.

Pagkapasok namin, bumungad agad sakin ang isang malaking room na puno ng mga tables. Billiard tables...

"Dito..." Pumasok pa kami sa mas eksklusibo pa dito.

May nakita agad akong mga nag pi-pingpong. Ibang klaseng pingpong ito dahil sa magkabilang dulo ng pingpong table, may naka hilerang plastic cups na may lamang beer. Ito na siguro ang beer pong.

Nag tatawanan ang lahat habang naglalaro ng beer pong. Mukhang ang talo, ay iinom ng isa sa naka hilerang beer.

"Ayun siya." Sabay turo ni Nash sa kay Troy.

Naka black jacket siya. All black. Magulong-magulo ang buhok niya. Nakangisi at nakakagat labi. Isa sa kamay niya ay nakahawak sa upper thigh ng katabing babae. Ang isa naman ay nakahawak sa isang inumin. Yung mga mata niya naman ay nakatingin sa dalawang babaeng sumasayaw na halos hubo't-hubad sa harap niya.

"Sh1t!" Sabi ko.

"Tawagin ko siya para sayo?" Tanong ni Nash. Tumaas pa ang kilay niya habang tinitignan ako.

"Wa'g na." Sabi ko.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Naninikip ang dibdib ko. Gusto ko siya... Hindi ko alam kung anong extent... Pero gusto ko siya... Siguro bilang kaibigan... Si Jayden? Si Jayden na perfect! Hinding hindi niya ito magagawa sakin... Pero si Troy? Okay, I get it... Nung nakilala ko si Troy, ganyan na siya. Nakita ko na siya noong nakikipaghalikan siya sa isang babae pero ngayon parang ang sakit.

Unfocused na ang kanyang mga mata habang tumatawa sa nagsasayaw. Napalunok ako. Ilang sandali lang ay nakita kong hinahalikan na siya ng babaeng nasa tabi niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko... Sumugod na ako doon.

"TROY!" Sigaw ko.

Napatalon siya nang narinig ang boses ko. Talagang tumayo siya at nasabuyan pa ng inumin  niya yung babaeng humalik sa kanya kanina. Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga nang nakita ako.

"Na Wrong number ka ba kanina  o para sa akin talaga yung sinabi mo?" Sabay tulak sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinarangan ako ng babaeng humahalik sa kanya. Nakita kong isang sikat na rising star ito ng isang malaking network. Marami pa siyang commercial na sikat ngayon sa sobrang ganda niya. Feeling ko nga magiging idol ko siya kung hindi ko siya nakita dito!

"Excuse me, miss. Sino ka ba? Do we know you?" Tanong niya.

Hindi ko siya binalingan. Nakatingin lang ako sa mga mata ni Troy na sa wakas ay focused na sakin.

"Bakit ka nandito?" Ni head to foot ako ni Troy habang tinatanong yun.

Lintek! Pakiramdam ko ang tanga tanga ko para mag punta dito. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi para sakin yung tawag na yun. Inisip ko agad na para sakin. Kahit na may split second na nag isip akong baka hindi yun para sakin... na baka na wrong number lang siya... pero mas inisip ko ang gusto ko. Inisip kong para sakin iyon.

"Never mind." Sabi ko at tinalikuran siya.

Maraming nakatingin sakin. Nagbubulung-bulungan pa ang mga ito. Yung iba, hindi na talaga nahiya... wala silang pakealam kung marinig ko man.

"Sino yan?"

"Kilala niyo ba yan?"

"Bakit niya sinugod si Troy?"

"Siguro isa sa mga babae ni Troy na nainlove."

"Oo nga... Hay... Bawal ang mainlove para kay Troy... Ayan! Bagay sa kanya."

Nagmartsa agad ako papuntang pintuan. Aalis na ako. Matutulog sa bahay. Iiyak magdamag...

Pero hinila niya ako. Ayan na naman ang istilo niya. Kinaladkad niya ako palabas ng Tribe Lounge.

"What are you doing here?" Tanong niya at ginulo ang buhok nang hinarap ako.

Naiiyak na naman ako. Masakit. Masakit dahil nagkamali ako. Ang dami niyang babae. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Mahal ko naman si Jayden pero bakit naiinis ako sa mga babae ni Troy. Ibig sabihin ba nito ay mahal ko siya? Pero alam kong hindi pwede... Sobrang dami ng babae niya. Hindi siya naniniwala sa love.

"Wa'g mo nga akong tawagan kung ayaw mo akong nandito!" Sigaw ko.

Nalaglag ulit ang panga niya nang sinabi ko yun, "You came here cuz I called you?" Nagtaka siya.

Sinasabi ko na nga ba, na wrong number siya! "OO! YOU DRUNK DIALED MY NUMBER, YOU IDIOT! Now, I'm going home!"

Tinalikuran ko siya para maghanap sana ng taxi pero hinila niya na naman ako.

"You're going HOME with me!" Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya.

"You're drunk, Troy! Hindi ka pwedeng mag drive!" Sigaw ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya.

Hindi siya sumagot. Umikot siya at nagpunta sa driver's seat. Ni lock niya yung pintuan ko nang nakapasok na ako. Ni lock niya lahat ng pintuan nung nakapasok na siya. Pinaharurot niya agad ang sasakyan. Sa sobrang bilis ng takbo nito, kumpirmado ko na talaga kung gaano siya kalasing!

"TROY! SLOW DOWN!" Sigaw ko nang may muntik na kaming mabunggong sasakyan!

Hindi parin siya umiimik. Tinitignan ko ang magulo niyang buhok. Unfocused na naman ang mga mata niya. Half-open pa ang lips niya habang nag di-drive. Agad kaming nakarating sa Le Marcelle.

Pagtigil ng sasakyan niya doon, agad siyang lumabas at pinagbuksan ako at hinila na naman papalabas.

"TROY!" Sigaw ko nang papasok na kami sa elevator.

Wala masyadong tao na naglalakad-lakad sa Le Marcelle. Walang nakakita samin. Kung meron man ay mga walk-in guests lang na nasa restaurant sa mga oras na yun.

Hindi niya napindot ng maayos ang button ng elevator. Tumawa siya nang napindot niya yung '3' imbes na '30'. Tumawa siya at sumandal sakin.

"You're drunk, Troy! Hindi ka lang tipsy. Talagang drunk!" Sabi ko at sinimangutan siya.

Nilagay niya ang bibig niya sa tainga ko bago sumagot...

"No, I'm not." Humalakhak siya sa tainga ko.

OH GOD! Kinilabutan ako dun. Nakakakaba yung ginagawa niya. Natahimik na lag ako at ako na ang pumindot ng '30' sa mga buton.

"Ihahatid kita sa... uhm... suite mo. Tapos uuwi na ako. Magpahinga ka na lang doon." Matabang kong sinabi sa kanya nang natauhan na ako.

Kinakabahan parin ako hanggang ngayon.

"But I'm drunk? Take care of me, please?" Nakangising sinabi niya.

Ibang klase talaga ito pag nagkamood swing, ano?

"Tumigil ka, Troy at mabatukan kita. Umayos ka nga sa pagtayo. Wag kang sumandal sakin, matutumba ako nito."

"Edi matumba tayong dalawa..." Humalakhak ulit siya sa tainga ko.

"TROY!" Sigaw ko.

TING! Nakarating na kami sa 30th floor. Ayaw gumalaw ni Troy sa kinatatayuan niya. Para bang nakatulog na yata... Ugh! Nahirapan pa ako sa paghampas sa kanya para lang magising.

"WAKE UP! TROY!" Sigaw ko.

Dumilat ang isang mata niya at ngumisi siya nang nakitang nakarating na kami. Inakbayan niya ako habang naglakad kami papuntang suite niya.

Wala kaming nakasalubong na kahit sino. Malamang kasi tulog na ang mga tao ngayon. Pa ekis-ekis pa yung lakad niya.

"Kaibigan mo naman ako diba? Take care of me... Friends take care of each other." Tumawa siya.

He's drunk, I know... Pero pag lasing diba nasasabi mo ang tunay mong saloobin? Kung ganun kaibigan din ang tingin niya sakin. Kung ganun hindi totoo yung 'We were never friends.' na sinabi niya.

"Troy, keys?" Naglahad ako ng kamay sa nakangising si Troy.

"Oh yeah, sure!" Tapos siniil niya ako bigla ng halik.

WTF?

Yung lasa ng bibig niya ay halong alak, sigarilyo, at mint... Kung agresibo man siyang humalik noon, masasabi kong mas agresibo siyang humalik ngayon! DAMN SHET!

"Troy!" Pumiglas ako pero malakas siya kaya hindi ko nagawang umilag sa bawat atake ng kanyang labi.

Idinikit niy pa lalo ang sarili niya sakin. Nakasandal na ako sa pintuan niya kaya mas lalong di ako makawala.

Marami siyang nahalikang babae sa gabing ito at isa ako sa kanila. Nakakasuka. Ayokong isipin ang ibang babae pero hindi ko magawang kaligtaan. Hinalikan niya nga yung artista kanina... hindi mawala sa utak ko ang halikan nila.

Inangat niya pa ako para mas lalong mahalikan. Sinampal ko na siya... Sinampal ko kasi hindi ngustuhan ang ginawa niya at mas lalong hindi ko nagustuhan ang nararamdaman ko.

May boyfriend ako. At mahal ko si Jayden... Pero bakit iba ang pakiramdam ko para kay Troy. I know for sure na kailangan kong makipag break kay Jayden dahil sa puntong ito, hindi na talaga biro ang ginagawa ni Troy sa sistema ko. Naiiyak na ako, naiisip ko pa lang. Masasaktan ko si Jayden... Ang problema na lang ay kung kailan... Ngayon o bukas ko man gawin, masasaktan ko parin siya.

"WHAT DID YOU DO THAT FOR?"

Mukhang hindi lang ang mukha niya ang nasaktan ko... Pati na yata ang ego! Galit na galit siya. Hinihingal siya... yun nga lang, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa galit niya sakin o dahil sa agresibo niyang halik. Kasi maging ako ay hiningal doon.

Nanlaki ang mga mata niya nang sinabi niya yun pero pumungay ulit pagkatapos naming matigilan sandali. He's so drunk.

"Sabi mo kiss eh... Edi kiss..." Humalakhak ulit siya at sumandal sa pintuan.

May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sakin. Yung keys! Kinuha ko yun agad sa kamay niya at binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto, agad siyang humilata sa sahig. Nakasandal naman kasi siya sa pintuan habang binubuksan iyon kaya malamang matutumba siya pag nabuksan ko na.

Dinaluhan ko agad dahil hinawakan niya ang ulo niya sa sakin.

"Aray naman!" Tumawa siya.

"Troy! Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Umupo siya ng maayos at ngumisi sakin. Tinignan ko yung ulo niya. Inisip ko talagang may dugo doon or something. Thank God!

"Umayos ka nga! Wa'g kang mag inarte! Sige na! Pumasok ka na doon sa loob... Halika na!"

"Sure!" Tapos nilapit niya agad yung mukha niya sakin at hinalikan ulit ako.

Sa ngayon, naitulak ko na siya.

"Tama na nga yan, Troy!" Uminit ang pisngi ko dahil nakatitig, nakangisi, at nakakagat labi na siya nang tumingin ako sa kanya.

"Sabi mo halikan-"

"Tama na! Lasing ka na! Magpahinga ka na nga lang!" Sigaw ko.

Saludo din ako sa sarili ko dahil kahit na naghuhuramentado na ang sistema ko, nagagawa ko parin siyang sawayin ng ganito. Siguro dahil alam kong lasing siya. At hindi niya sinasadya ang mga ginagawa niya.

"Lift me up, will you?" Naglahad siya ng kamay sakin at nagpapatulong sa pagtayo.

Kinuha ko naman ang kamay niya at hinila siya patayo pero hinila niya ako pabalik sa kanya...

Akala ko hahalikan niya na naman ako pero yung tainga ko ang nilapitan ng labi niya.

"Stay for tonight, please... If you really are my friend. You'll stay." Seryosong sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top