Kabanata 22
Kabanata 22
Pupuntahan Ko Siya
Hindi na ulit nagsalita si Troy pagkatapos niya akong hinatid. Umiiyak parin ako. Ayokong umalis sa sasakyan niya. Natatakot akong pag umalis na ako, mawala na siya ng tuluyan sa buhay ko.
"Troy..." Hindi ko parin mapigilan ang paghikbi ko. "Troyyy..."
Kinalabit ko na. Nakatingin kasi siya sa labas.
"Troy..." Hinampas ko ang dibdib niya. Mahina lang kasi wala na akong natitirang lakas.
*KRIIIIIINGGGG*
Napatalon ako nang narinig ko ang cellphone kong nag ri-ring. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. As if makikita yun ni Jayden pag sinagot ko ang cellphone. Pero mas lalo akong napahikbi habang ginagawa ko yun kaya nagpasya akong wa'g na lang sagutin.
Nabigla ako nang umalis si Troy sa driver's seat para pagbuksan ako ng pinto. Lintek talaga... Magiging gentleman na nga lang sa pagpapaalis pa sakin.
"Troy, pag usapan natin 'to." Sabi ko.
Umiling siya. "Bakit di mo sinasagot ang tawag ng boyfriend mo?"
"Troy, mag usap muna tayo..." Sabi ko. Halos mag makaawa na ako sa kanya.
"Trisha, para saan pa? Bakit pa tayo mag uusap? Tapos na yung Training natin. Balik na tayo sa dati-"
"Troy, yung pinagsamahan natin..." Tumulo pa lalo ang luha ko nang sinabi ko iyon.
Padabog niyang sinarado ang pintuan ko. Para bang may na realize siya.
Nang nakabalik na siya sa driver's seat ay pinaandar niya ito agad. Lumabas kami sa Domino Heights at nag drive na siya pabalik yata ng Le Marcelle.
Natigil ako sa pag iyak. Hay! Salamat! Kahit ano na basta wa'g lang kaming maghiwalay muna sa ngayon. Baka pag naghiwalay kami ay tuluyan na siyang mawala sakin.
Niliko niya na naman sa daanan kung nasaan yung cafe na over looking ang syudad.
"Stop crying!" Aniya.
Hindi parin siya sumulyap sakin hanggang ngayon. Humupa na yung luha ko nang nakarating kami doon. Hindi siya lumabas. Tumunganga lang siya sa driver's seat... pati ako.
"Tapos ka nang umiyak?" Tanong niya.
Nanikip ulit ang dibdib ko sa sinabi niya. Why are you so harsh? Hindi naman ako tinatablan ng harsh words noon pero bakit masakit sa dibdib yung harsh words ni Troy?
Tinignan niya ulit ako. Pumungay ang mga mata niya nang nakitang namuo ulit ang luha ko. Hindi ko na maitsura yung mukha ko sa salamin. Naligo yata yung mukha ko sa luha kanina.
Habang tinititigan niya akong humihikbi... nilapit niya na naman ang mukha niya sakin. Unti-unti... dahan-dahan.
Natigil ako sa paghikbi. Naka tingin na lang ako sa kanya na dahan-dahang inilalapit ang kanyang sarili sakin. Nakatingin siya sa mga labi ko. Pumikit ako at naghintay...
Naghintay...
Naghintay...
"Okay... Umuwi na tayo." Umalingawngaw ang boses niya sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong pinaandar niya ulit ang sasakyan niya. Natigil ako sa pag iyak. Hindi ko na magawang umiyak ulit. Ang tanging naramdaman ko na lang ay kahihiyan at pagtataka. Nahihiya ako dahil pumikit ako kanina. Para bang inaasahan kong hahalikan niya ako. At nagtaka ako kung bakit hindi ko nagawang umilag sa kanya... bumigay ako. Hinintay ko ang halik niya.
Napalunok ako nang nakita ko na ulit ang labas ng bahay namin.
"Hinahanap ka na siguro, umuwi ka na." Sabi niya nang hindi nakatingin sakin.
Tumango ako at binuksan ang pintuan.
Bago ko iyon sinarado ay narinig ko na lang ang pabulong na sinabi niya... "Goodbye, Trisha..."
Pinagsisihan ko agad yung pagsarado ko sa pintuan niya kasi humarurot na ang sasakyan niya palayo sa bahay... palayo sakin...
Pinigilan ko ang sarili kong umiyak hanggang sa nakapasok na ako sa kwarto.
Pinaulanan pa ako ni mommy at daddy ng mga tanong kung kumain na ba ako o okay lang ba ako. Sa ngayon, wala akong pakealam kung maramdaman man nilang may problema ako.
Kinatok pa ako ni mommy pagkarating ko sa kwarto.
"Trisha? Okay ka lang ba? Umiyak ka ba?" Tanong niya.
Pinigil ko na ulit ang luha ko at pinagbuksan ko siya para hindi na mag alala.
"O-Okay lang po. Nainis lang ako sa isang costumer sa Le Marcelle..." Totoo naman... Hindi nga lang siya costumer doon.
"Bakit? Anong ginawa?" Humalukipkip si mommy at sumandal sa pintuan ko.
Ayokong gumawa ng kwento dahil baka sulungin niya lang ang 'costumer' na yun para kasuhan.
"Wala... uhm... wa'g na mommy. Normal lang naman iyon. Hindi ko naman first time ngayon. Sa Singapore at Thailand, ganito nga minsan doon. Okay lang..." Humiga ako sa kama ko.
Tumunganga muna si mommy bago nag pasyang umalis.
Nang umalis na siya, gumapang ulit sakin ang drama namin ni Troy kanina. Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot...
Totoo nga kayang iiwan niya na ako?
*Krrrriiiing!*
Agad kong sinagot sa pag aakalang si Troy yun...
"Hello?" Natigilan ako nang narinig kong hindi.
"J-Jayden?" Pinigil ko ang paghikbi ko.
"Trisha? Are you okay?" Tanong niya.
"Oo naman!" Nilamon ko ng tawa ang luha ko. "Bakit mo natanong?"
Natigilan siya ng ilang sandali...
"Hello?"
"Hindi mo kasi sinasagot yung tawag ko kanina pa. Nag-alala tuloy ako. Nakauwi ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. Sorry... Ginugutom kasi ako kaya nung dumating ako ng bahay kumain na ako ng diretso kaya n-nakaligtaan ko na ang cellphone ko." I lied.
Narinig ko ang pagsinghap niya, "Okay. Nag alala ako dun..."
"Sorry... Uhm, tapos ka na ba sa klase?" Tanong ko.
"Sa pangalawang klase na ako ngayon. Sige... tawag na lang ako mamaya pag natapos na ito, okay?"
"Okay."
"I love you..."
"I love you, too..." Binaba ko na.
Tumunganga na lang ako sa kwarto ko habang tinitignan ang cellphone ko. Tinext ko ulit si Troy...
Ako:
Anong klaseng goodbye yun? Sagutin mo naman ang mga tawag ko.
Tinawagan ko ulit siya... Limang beses. 10 minutes ang interval. Hindi niya sinasagot. Ugh! Tinigil ko na lang yung pagtawag ko nang tinawagan na ako ni Jayden.
Hindi na ulit napadpad si Troy sa Le Marcelle. Natutulala ako minsan tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Naaalala ko yung mga inya ni Troy.
"Ano ang nararamdaman mo para sakin? At bakit ganyan ka kung makaiyak?"
"Wipe your own tears cuz I quit on you."
"Goodbye, Trisha..."
Naluluha ako. Kung wala si Sunny dito, kanina pa ako umiiyak.
"Huy! Ayan ka na naman!" Aniya. "Tulala. Broken hearted ka ba?" Tanong niya.
"Ano? H-Hindi!"
Ngumisi siya, "Alam ko... Hmmm... Pero... hmmm" Binigyan niya ako ng makahulugang titig.
Sa lahat kasi ng tao dito sa Le Marcelle, siya ang pinaka nakakakita sa kasweetan ni Jayden sakin. Mukha ding alam niyang ayaw pa naming ipaalam sa mga tao kaya di siya nagtatanong.
"Buti ka pa may love life. I'm so broken..." Bumuntong hininga siya. "Mag da-dalawang linggo nang di napapadpad si Troy dito, alam mo ba yun?" Tanong niya.
"Hindi... Talaga bang di siya bumubisita dito?" Tanong ko.
"Hindi... Siguro umuuwi sa bahay nila. Haaay..." Umiling siya at bumaling sa isang costumer.
Minsan, 'naliligaw' ako sa 30th floor para tignan ang suite ni Troy. Pero malinis iyon at walang bakas niya. Kahit na amoy niya ay di ko na mahagilap... Ang unan niya na lang ang nagdadala ng amoy niya.
Dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita. Hindi na rin siya nag paparamdam sakin.
"You okay?" Tanong ni Jayden isang araw.
"Uhm... Oo. Bakit?"
"Matamlay ka kasi. May problema ka ba?" Tanong niya.
"W-Wala naman..." Ngumiti ako.
Nanood kami ng sine noong nakaraang Sabado. Naramdaman ko na rin sa wakas ang feeling na may boyfriend ka. Ang sarap! Yung parating may naghihintay at nakaabang sayo. Hindi ko alam kung dahil ba mature si Jayden o talagang ganito ang feeling pag nagkaboyfriend ka. Secure.
Gentleman talaga siya. Ni hindi niya pa ako nahalikan tulad ng pag halik ni Troy sakin. Hindi naman sa hinihintay ko yung halik niya... pero tama kasi si Troy, mature na siya, at malamang sanay siyang makipaghalikan... Alam niya din sigurong bata pa ako at siya ang una ko kaya nag iingat siya.
"Mag ingat ka." Aniya at hinalikan ako sa lips.
Mas matagal ito ngayon.
Halos marinig ko na si Troy sa tainga kong sinasabi ang, 'Open your damn mouth, Trisha.'
Ngumiti siya nang kumalas sa halik. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Halos manginig na ako sa habang umuupo sa loob ng taxi. Malulunod na ako sa bumabahang rainbow nito.
"Ikaw rin." Napalunok ako.
Tumango siya, "Text me when you get home. Tatawagan kita pagkatapos kong magtrabaho."
Simula nung naging kami ni Jayden, mas naging conscious ako sa pananamit at mas naging OC ako sa hygiene. Kung noon ay naglilinis ako sa katawan, mas dumoble na yun ngayon. Tuwing breaktime, nagsusuklay ako ng buhok. Noon kasi sa umaga lang ako nagsusuklay. Isang beses lang akong nagsusuklay ng buhok noon kaya siguro ako sinasaway ni Troy, pero ngayon, iba na.
Tinatawagan niya rin ako gabi-gabi bago matulog. Nag-go-goodnight ako kahit na isang oras pang dilat ang mga mata ko sa kakaisip sa mga nangyayari.
Tinext ko si Emma:
Ems, marami akong chika. Kailan tayo magkikita ulit?
Emma:
Bukas? Free ka? Pagkatapos ng midterms... Pwede na kami. Go?
Naalala kong busy si Jayden bukas sa school dahil sa pagpapasa ng grades at pag comply ng requirements kaya hindi kami makakapagdate.
Ako:
Okay game!
Emma:
Excited na ako! Ano ba kasi yang mga chika mo at bakit di mo na lang sabihin sa text. That better be life changing.
Ako:
It is.
Emma:
OMG! Excited na ako!
Sinubukan kong matulog... Wala sina mommy at daddy ngayon. Nagpunta sa Macau. Yung driver lang namin at katulong ang kasama ko tuwing anniversary nila. Sinabihan pa nga nila akong pwedeng mag sleep over sina Emma dito. Kaso tumanggi sila dahil may exam pa sila bukas ng umaga.
Nakaidlip na ako nang naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.
"Hello!" Galit pa yung boses ko.
Ginising ako eh.
Maungay ang background. Para bang may party... Tinignan ko yung screen para makita kung sinong tumatawag...
"TROY?" Napatalon ako.
Agad dumilat ang inaantok kong mga mata. Tinignan ko ang orasan. Nakita kong ala una na ng madaling araw.
"Troy?" Tawag ko ulit dahil walang nagsasalita.
Mejo humupa na yung ingay pero dinig na dinig ko ang pag hinga niya.
"Troy, nasaan ka?" Tanong ko.
"Troy, okay ka lang pare?" Dinig ko ang boses ng isang lalaki sa background.
"Pre, lasing na yan..." May bumulong sa background. "Troy, beer pong?" Dagdag niya.
"Troy?" Tawag ko ulit.
Naninikip na naman ang dibdib ko.
"Damn, I miss you..." Aniya. At naputol ang linya.
DAMN SHET! Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa... lasing si Troy at iinom pa siya! Nag bihis agad ako. Pupuntahan ko siya. Kung ayaw niya sakin, pwes ako, gusto ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top