Kabanata 20
Kabanata 20
Kung Papayag Siya
Natulala ako habang tinitignan si Troy na umaalis. Sinalubong siya ng mga security guards. Tinaboy niya ang mga ito kaya nag sialisan din hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
"Trisha..." Hinawakan ni Jayden ang kamay ko.
Nakita kong may pasa agad siya sa panga dahil sa suntok ni Troy. Troy must've been really angry. Hindi niya masusuntok ng ganun ka lakas si Jayden kung hindi, diba?
"I'm sorry... Please, forgive me, Trisha." Sabi ni Jayden.
Nakita ko ang katotohanan sa mga mata niya. Hindi ako makapagsalita. Tinulungan ko na lang siyang tumayo.
"May pasa ka sa panga... Uhm... Panu na yan? Diba may pasok ka pa-" Hindi na ako natapos sa pagsasalita.
Niyakap niya na ako.
"I don't care about anything anymore. I only care about you..."
Amoy na amoy ko yung pabango niya habang nakabaon ang mukha ko sa balikat niya. Mahigpit ang yakap niya. Para bang ayaw niya na akong pakawalan.
"This is crazy..." Bulong niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap para harapin ako.
"Sumama ka sakin, please." Aniya.
Hindi ako nakagalaw. Tinignan ko lang siya. Naiiyak ako. Sobra akong na touch sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung kinikilig pa ba ako sa pag apaw ng rainbows o naiinlove na ako. Talaga.
Nang hindi ako nagreact ay kinuha niya na agad ang kamay ko at hinila ako papuntang parking lot.
"Jayden, saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Hindi siya umimik. He opened the car door. Pumasok ako nang may pagaalinlangan. Binalewala niya ang titig ko habang pinapaandar niya ang sasakyan.
"Where are we going?" Tanong ko nang niliko niya sa ibang direction.
"Trisha, please forgive me..." Sabi niya.
"Jayden..." Bumuntong hininga ako.
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang flower shop. Walang imik siyang lumabas ng sasakyan. Ilang saglit lang ay bumalik siya nang may dalang white roses. Binigay niya yun sakin nang pumasok siya sa sasakyan.
"Alam kong nasaktan kita. Alam kong nasaktan ka. Pero believe me... Olivia is my ex girlfriend. Nalaman niyang may nagugustuhan na akong iba last week. She's stalking me. I'm sorry hindi kita na protektahan sa kanya. She's always been like that. Sa ilang taon naming magkasama, I got fed up with her insecurities. Sinubukan kong ayusin siya dahil minahal ko siya pero mas lalo siyang lumalala. I'm sorry. I'm sorry..." Tumingala siya at huminga nang malalim bago tumingin ulit sakin. "I know this is too fast, Trisha... Pero I think I'm falling for you. I can't deny that..."
Pansamantalang tumigil ang pag hinga ko. Sinabi niya ba talaga yun? In love siya sakin? No. Way... This is just a dream, right?
Natuyo lalo ang lalamunan ko.
Tahimik kaming dalawa. Tinitigan niya lang ako na para bang natatakot siya sa maaring sabihin ko. It breaks my heart to see his eyes look that way.
"Trisha... Please, say something. Natatakot akong mawala ka sakin. Hindi ko kayang mawala ka just by that stupid mistake."
Hindi ko na mapigilan ang luha ko habang tinitignan ko ang white roses na binigay niya. Honesty. Sincerity. White Roses.
"You are forgiven." Marahang sinabi ko.
Napalunok ako. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
He lifted my chin up. Hinuli niya ang tingin ko at ngumiti.
"Thank you..." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "Akala ko hindi mo na ako mapapatawad." Nabasag ang boses niya.
Tinulak ko siya para matignan ang mukha niya. I love him... I really think I'm falling in love with him.
Kung sana pwedeng mag joke habang tinitignan ang takot sa mga mata niya kanina ko pa nasasabing bumabaha ng rainbow ang buong mundo ko... cuz he loves me back...
"Alam kong mabilis... I'm sorry... I'm really sorry. Hindi ko rin alam kung bakit mabilis akong nainlove ngayon pero..." Umiling siya. "I'm madly in love with you. I can't stop thinking about you everyday... The way you move... The way your eyes sparkle... I can't seem to help it..." Napalunok siya.
Kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya.
"Please come with me..." Aniya.
Narealize kong kanina pa pala namuo ang luha ko. Nag blur agad ang paningin ko dahil sa luha hanggang sa tumulo na ang mga ito.
Agad niya namang pinunasan ang bawat luhang tumulo sa mga mata ko.
"S-Saan tayo?" Tanong ko.
Bumaling siya sa kalsada at pinaharurot ang sasakyan. Inisip ko tuloy kung ano na ang ginagawa ng mga estudyante niyang inindian ngayong gabi... Saan kami pupunta?
Agad namang nasagot yung tanong ko nang niliko niya ang sasakyan niya sa isang residential area.
"Let's go meet my parents."
Mas lalong lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. Parang naubos ang dugo sa mukha ko nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"It's gonna be okay." Ngumiti siya nang sumulyap ako sa kanya.
"Pero Jayden, uhm, bakit natin ime-meet ang parents mo?" Tanong ko.
"Dahil ayokong isipin mong nagsisinungaling ako. Sila lang ang makakapag patunay na hindi ko na girlfriend si Olivia."
Napalunok ako, "Pero naniniwala na naman ako sayo."
"It's not enough for me, Trisha. I want you to be confident about that. I want you to know that you're the only one."
I think I melted. Mamamatay na yata ako sa kilig. But I can't seem to fully smile. Parang kakagaling lang namin sa malungkot na pangyayari. Tapos na ba yung malungkot na pangyayari? Bakit pakiramdam ko hindi pa?
Masaya ako sa mga sinabi ni Jayden pero bakit di ko malubayan yung nangyari kanina?
"M-Masakit ba?" Tanong ko.
Busy siya sa pagliku-liko papuntang bahay nila, "Ang alin?"
"Yung sinuntok ni Troy?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya, "Yep... That boy... nangingialam siya. Magkaibigan na ba kayo?" Tanong niya.
Guilty ako kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Mabuti at hindi niya ako sinulyapan kaya nakaya ko pang magsinungaling, "Hindi... Uhm... Magkakilala lang kasi tinulungan niya akong makapasok ng Le Marcelle. Sinabi ko na yun sayo."
Tumango siya, "Napadaan lang siguro yun tapos badtrip kaya napagbuntungan ako. Tsk... Humanda yun sakin pag nagkita kami." Ngumisi siya at sumulyap sakin.
"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat na lang siya at tumawa sa reaksyon ko.
He pinched my nose... Ngumiti din ako sa ginawa niya.
"Bakit? Anong gusto mong gawin ko sa kanya... Upakan ko?"
"Uhm? Huh?" Hindi ako makatingin.
"Joke lang! Pagsasabihan ko lang siguro... Masakit din kasi talaga..." Sabay hawak niya sa panga niya. "Will you mend it, please?" Nagpacute pa siya kaya di ko na napigilan ang pagtawa ko.
Nakita ko ang isang puting gate sa harapan.
"And by the way, we're here." Aniya nang nakita ang pagtitig ko sa gate.
Ginapangan ako ng hiya at kaba. Lalo na nang lumabas na siya sa kanyang kotse para pagbuksan ako.
"Hindi nila alam na pupunta ka dito. We'll surprise them." Ngumiti si Jayden.
Napalunok ako. Tingin ko, masyado na akong kinakabahan para ngumisi.
"Hindi na ako dito nakatira. I have my own condo unit. Kaya mabibigla din sila sa pagbisita mo."
Tumango ako.
Bigla niya naman akong hinalikan sa pisngi. Napatalon ako sa ginawa niya.
"Don't be nervous, alright?" Humalakhak siya at pinasadahan ako ng tingin. "Kanina ka pa walang imik diyan."
"Uhmm... First time ko kasing maipakilala sa parents ng... uhm..." Uminit ang pisngi ko. Hindi ko matapos ang sinasabi ko.
"Right!" Tumawa siya. "Let's go!"
Hinila niya ako papasok sa bahay nila.
Pagkapasok namin, sinalubong agad kami ng isang magandang babae na kahawig ni Jayden. Mejo mas matanda siguro siya ng konti sakin.
"Maaaa, andito si Kuya." She said without taking her eyes off me. "May kasama!" Dagdag niya.
Tumawa si Jayden, "Jen, this is Trisha... Trisha..." Tumingin siya sakin. "This is Jennifer. Kapatid ko."
Tumango ako. Shucks! I'm not good at introductions! "Uhm, hello!" Kumaway ako.
Mabuti at naglahad siya ng kamay. Hindi ko naisip yun ah! Malaki ang ngisi niya habang nag kakamayan kami.
Ilang sandali lang ay nagpunta na rin ang ilan pa sa pamilya ni Jayden. Unang nagpunta ng sala ang kanyang mommy, tapos ang kanyang kapatid na lalaki, tapos ang kanyang daddy.
"Uhm, Trisha, eto si Jude, si Mama, atsaka si Papa."
Nakatitig lang sila sakin. Para bang nabigla sila sa pagpunta ko dito. Talagang nakakabigla naman. Pati nga katulong nila ay nandun sa pagpapakilala sakin.
"Hello po!" Ugh! I hate this!
"Eto nga po pala si Trisha..." Sabi ni Jayden.
Tumango ang mama at papa niya. Umupo naman yung kapatid niyang lalaki kasama si Jennifer.
"Naku! Hindi mo sinabi Jayden... Kumain na ba kayo?" Tanong ng mama niya. "Dito na kayo mag hapunan."
"Sige! Ginugutom na rin ako eh. Lika!"
Bumubungisngis si Jennifer nang papunta na kami sa dining table nila. Para bang may pinag uusapan sila ng kapatid na lalaki ni Jayden na si Jude. Nakatingin sila samin minsan... para bang kami ang pinag uusapan.
Kahiya naman ito!
"Kumain ka ng marami, hija!" Saway ng mama ni Jayden.
"Saan ba kayo nagkakilala?" Kulit ni Jen.
"Uhm... sa school." Sagot ko.
And it struck me! Pangit pala pakinggan na professor ko siya at estudyante niya ako! Hindi ko na alam kung anong idadagdag ko!
"She's an intern of Le Marcelle." Sabi ni Jayden. "Nagkakilala din kami sa school nila. Student ko siya." Dagdag niya.
Tumango si Jen at tumili, "Sweet. Sabi sayo eh." Sabay siko niya kay Jude.
Tumawa naman si Jude. Mukhang high school pa itong si Jude or kung college man ay first year pa lang.
"So HRM student ka?" Tanong ng papa niya.
"Opo." Uminit naman ang pisngi ko.
"Jayden, ba't may pasa ka?" Tanong ng mama niya.
Nakalimutan ko yun ah? Napatingin ako sa pasa ni Jayden... si Troy. Sumakit ang dibdib ko.
"Ah, nabunggo ako kanina sa Le Marcelle." Ani Jayden.
Tumango ang mama niya pero mukhang di naniwala, "Hot compress na lang mamaya."
Napatingin ang papa niya kay Jayden.
"Matagal-tagal na ring hindi nagdala ng babae si Jayden dito sa bahay. Huling dinala niya dito ay yung si Olivia. At matagal na yun... Kayo na ba?" Nalaglag ang panga ko sa straightforward na tanong ng papa niya.
Hindi ko alam kung kanino niya yun itinanong... Sakin ba o kay Jayden?
Hindi ako sumagot. Napatingin na lang ako kay Jayden.
"Pa, naman... Wa'g mo silang ipressure. Hindi ba pwedeng friends lang muna?" Tumawa ang mama ni Jayden.
Pero nakaabang sa sagot ang kanyang mga kapatid.
Kumakain lang si Jayden na parang walang narinig. Ilang sandali ay tumawa siya at umiling.
"Kung papayag siyang maging kami... syempre."
Tumindig lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. OMG! Napatili din yung kapatid niyang si Jen.
"Oh My gosh!" Aniya.
Natigil talaga siya sa pagkain para lang umabang sa sagot ko.
"Uhm, Trisha, will you be my girlfriend?" Tumaas ang kilay ni Jayden habang tinitignan ako.
Nabilaukan talaga ako sa kinakain ko.
Kinailangan pa akong daluhan ng tubig para makasagot. Nakakahiya! Sana nilamon na lang ako ng lupa!
"Tubig!" Sabi ni Jen.
Napa face palm talaga ako nang di ko na naiwasang umubo.
Uminom agad ako ng tubig na binigay ni Jayden.
Hinimas niya ang likod ko. Ngumiti naman ako kahit na nag aalab na talaga yung pisngi ko sa hiya.
"Again, Trisha, will you be my girlfriend?" Tanong niya nang humupa na yung ubo ko.
Mas lalo kong narealize kung ano ang nangyayari sa ngayon. Jayden is asking me to be his girlfriend in front of his family.
"Because I love you..." Dagdag niya nang di ako nagsalita.
Napahinto na pati ang papa niya sa pagkain. Uminom na lang siya ng tubig habang nag aabang sa sagot ko.
"Uhm..." Napalunok ako.
Kinakain ako ng takot, hiya, kaba at kung anu-ano pa. Confused ako... At ayaw kong mapahiya... ayokong mapahiya si Jayden at ang sarili ko. Gusto ko siya... I think I even love him. Hindi ako makapaniwalang sa harap ng pamilya niya ako tatanungin.
"I know it's too early to ask you this. But I'm really sure about you and my feelings." Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa.
"Yes..." Tumango ako at ngumiti sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, "Yes?" Para siyang di makapaniwala. "Yes? You're my girlfriend now?"
Hindi pa ako nakasagot ay niyakap niya na ako. Tumili ang kapatid niya si Jen at kumantsyaw naman si Jude. Tumawa na lang ang mama at papa niya samin.
He's finally my boyfriend!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top