Kabanata 19
Kabanata 19
Bakit Nasa Tabi Ka Niya?
Agad pumarada ang sasakyan niya sa harap ko. Lumabas siya agad nang nakitang umiiyak na ako at di makagalaw sa kinatatayuan ko.
Niyakap niya agad ako. Niyakap ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nasasaktan nung niyakap niya ako.
Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya. Wala na akong lakas. Naiwan ko na yata ang buong lakas ko kay Jayden. Sinaktan niya ako! Sinaktan ako ng taong pinagkatiwalaan ko. Akala ko di niya ito magagawa sakin.
"What the hell happened, Trisha?" Nakita ko ang galit na mukha ni Troy nang umupo na siya sa driver's seat.
Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko habang tinitignan ko siya. May kinuha siya sa likuran ng sasakyan niya at sinoot niya sakin ang isang itim na jacket. Kumuha din siya ng tissue at panyo para punasan ang buhok ko... at ang luha ko.
His jaw clenched, "Anong ginawa ni Jayden sa'yo?" Dinig na dinig ko ang banta sa boses niya.
Umiyak lang ako. Hindi ko masabi sa kanya. Gusto ko nang tumigil sa pag iyak pero tuwing susubukan kong magsalita, mas lalo akong naiiyak.
He cheated on me. And he cheated on her. Sabi niya matagal na silang wala nung ex niyang selosa?
Padabog na nagdrive palayo si Troy sa kinatayuan ko kanina. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero nagustuhan ko ang pag alis namin.
Ilang sandali lang ay tumigil siya sa 7eleven.
"Lika." Sabay hawak niya sa kamay ko nang pinagbuksan niya ako ng pinto.
Humupa na yung pag iyak ko pero ganun parin ka saklap ang nararamdaman ko.
Pumasok kami sa 7eleven. Maraming nakaagaw agad ng pansin samin. May ibang nakakakilala pa sa kanya. Syempre, si Mr. AAMD ay Mr. Popular din at the same time.
"Uy, Troy!" Sabay apir ng isang lalaki kay Troy.
Nakita kong mas lalong sumimangot si Troy nang tinignan ako ng lalaki. Hinila niya ako sa likuran niya na para bang pinoprotektahan sa tingin ng lalaki. Hindi siguro... Itinatago niya ako kasi ayaw niyang may makaalam na mag kaibigan kaming dalawa.
"Sino yan? Bagong babae mo?" Tanong nung lalaki sa naiiritang si Troy.
"Hinde. Alis na, dude. Ayoko ng istorbo." Nilagpasan niya ang lalaking nakatingin parin sakin.
"Wa'g mong tignan." Bulong niya sakin.
Sinunod ko naman siya.
"Sana nagpaiwan na lang ako sa kotse mo. Baka may makakita pa sating dalawa. Hinahawakan mo pa yung kamay ko." Napalunok ako.
Bumaling siya sakin habang nagbabayad ng binili niya, "Pagkatapos mong manahimik, ito yung sasabihin mo sakin? What the hell happened? Bakit basa ka? At wa'g kang mag-alala, wala naman si Jayden sa paligid kaya di ka masisira sa kanya." Umirap siya.
Kumunot ang noo ko. Kinuha niya agad yung binayaran niyang kape.
"Oh... Mainit yan. Inumin mo at baka siponin ka. Saan mo gustong pumunta? Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. T-Tapos na." Yumuko ako habang hinahawakan ang binigay niyang kape.
Binuksan ko yun at narealize agad na hindi pala yun kape... Hot chocolate ang binigay niya sakin. Hindi kape... Hindi kape... Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. He knows almost everything about me.
"Thank you." Tumulo ulit ang luha ko.
Tumingin siya sa paligid at kinuha ulit ang kamay ko.
"Stop crying." Kinaladkad niya ako palabas ng 7eleven.
Sobrang daming tumitingin at nakikiusyuso samin. Alam kong hindi kilala ng ibang tao si Troy pero kasi minsan nakakaeskandalo talaga yung mukha niya. Sa kagwapuhan niya, kahit na inaantok ka, lalaki talaga ang mata mo. Yung mga soot niya pa minsan ay tama sa hubog ng katawan niya. Alam mo talagang sa loob ng mga t-shirt, pants, o ano pa man diyan ay may nakakatakam na katawan.
Umiling ako para mawala ang hindi akmang pag iisip.
Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon habang nag da-drive ulit siya sa madilim na kalsada kung saan kitang-kita ang mga stars.
"May girlfriend na siya, Troy." Sabi ko.
I didn't cry. Tulala lang ako nang sinabi ko yun. Sumulyap siya sakin at tinigil ang sasakyan sa tabi ng isang cafe. Overlooking ang buong syudad dito. Kitang kita ko ang city lights... Kitang kita ko ang Le Marcelle. Kitang kita ko lahat ng skyscrapers ng buong syudad. At kitang kita ko rin ang mga mata ni Troy na nakatitig sakin.
"What?" Tanong niya.
"Binuhusan ako ng tubig nung girlfriend niya." Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
"Girlfriend?" Tanong niya.
Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang labi habang tinitignan akong umiiyak.
Kinuha niya ulit yung tissue para punasan ang luha ko. Ang init ng kamay niya.
"Oo. Niloko niya ako. Niloko niya kami, Troy." Sabi ko.
"Stop crying. He's not worth your tears, Trisha."
"Then who's worth the tears, Troy? I think I..." Napaluha ako lalo habang iniisip ang mukha ni Jayden nang umalis ako. He's a wreck. "...I love him." Kinagat ko ang sarili kong labi at pinikit ang mga mata.
"That's impossible!-"
"May love, Troy! Totoo yan. Dahil kung wala... ano tong nararamdaman ko ngayon? Bakit ako nasasaktan?"
Pumikit siya nang idilat ko ang mga mata ko. Ginulo niya pa lalo ang buhok niya at hinampas ang manibela.
"Damn! Damn!" Paulit-ulit niyang sinabi.
"I can't be just attracted to him. Right? Kasi nasasaktan ako. Umiiyak ako ngayon. At diba ikaw na rin ang nagsabi na you fell for someone? You must be in love then... At hindi ka niya magustuhan diba? You're broken, too. I'm broken, too."
"Stop it, Trisha!" Sabi niya at tinignan akong mabuti. "Just stop it."
Nagkatitigan kami. Naghalf-open ang bibig niya. Wala na akong lakas para tumanggi sa halik niya ngayon. Pero bago pa kami nagkalapit ng husto ay tumigil na siya.
"Stop crying, aryt? It's gonna be okay. Lagi akong nandito. Kahit anong mangyari. I know its cheezy but I think I won't be able to leave your life anymore, Trisha."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Ano tong nararamdaman ko?
"Stop thinking about him. Stop hurting..."
"Hindi, Troy. Di yun ganun ka dali... Kung sana ganun ka daling di masaktan edi pinigilan ko na ang sarili ko." Lumandas ulit ang luha sa mga mata ko.
Nakita kong nag iwas siya ng tingin habang hinahawakan ang sariling labi.
"Yeah. I-I guess you're right. Hindi nga ganun ka daling 'di' masaktan."
Natahimik kaming dalawa sa sinabi niya. Paano niya nasabi iyon? Ang alam ko di siya naniniwala sa Love. Bakit ngayon parang may pinaghuhugutan siya?
"Let's go! Gumagabi na. Hinahanap ka na siguro. At ako ang malalagot kung di ka bumalik ng bahay ninyo. Ayokong pangit ang impression ng parents mo sakin." Pinaandar niya ulit ang sasakyan niya.
I don't know how to thank him enough.
Hindi ko alam kung paano ako papasok sa susunod na araw. Pwedeng umabsent? Pwedeng mag pa excuse? Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jayden nang hindi umiiyak o di nagagalit. Naiinis ako sa kanya. Cheater! Liar! Umiyak ako magdamag sa kama. Buti hindi yun napansin nila mama.
Umaga nang narecieve ko ang text ni Jayden at Troy.
Jayden:
Trisha, Let's talk.
Troy:
Mag absent ka today. Akong bahala sayo. Don't worry, aryt?
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para bumangon at mag ayos. Pumunta ako ng Le Marcelle na parang walang nangyari. Alam kong namumugto ang mga mata ko kasi mahapdi at mabigat ang mga ito. Tinakpan ko ng make up pero alam nating lahat na walang make up ang makakawala ng eyebags pag buong gabi kang umiyak.
"Umiyak ka ba kagabi?" Salubong ni Sunny sakin nang nakakunot ang noo.
"Hindi. Napuyat lang ako." Sabi ko nang ngumingiti.
Nakita ko agad ang pagdating ni Jayden. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Malulutong na pagmumura ang binulong ko saking sarili habang humihinga ng malalim.
Diretso ang tingin niya sakin kaya nagpasya akong umalis sa front desk at magkunwaring mag CR.
"Sunny, bathroom lang." Sabi ko.
Bago pa ako tuluyang nakapasok sa bathroom, hinila niya na ang braso ko.
"Trisha, please, let's talk... Hindi ko siya girlfriend... Ex ko siya." Bakas sa mukha niya ang desperation.
Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya at umiling, "Tigilan mo ako, Jayden."
"Trisha, Please!" Hinila niya ulit ang braso ko.
Sinimangutan ko siya habang namumuo ang mga luha sa mata ko, "Hayaan mo na ako, please."
Huminga siya ng malalim at binitiwan ang braso ko.
Dumiretso ako sa CR. Doon, umiyak ulit ako. Shucks! Ganito pala pag heart broken? Parang tanga lang. Hindi ko alam na darating ako sa point na iiyak sa CR. Noon akala ko korny ang mga ganito pero ngayon narealize kong makatotohanan pala talaga ang pag iyak sa CR. Pinigilan ko ang pag hikbi at inayos ulit ang sarili.
Buong araw akong pinagmasdan ni Jayden sa malayo.
Nagtext din si Troy sakin:
Bakit di ka umabsent?
Ako:
Sayang ang duty. Okay lang naman ako.
Nang natapos na ang araw na yun, saka ako nakahinga ng malalim. Nakita kong umalis na si Jayden. Nasaktan ako kasi di niya man lang ako hinintay. Di man lang niya sinubukan ulit.
Argh! Ako na nga itong nasasaktan... ako pa ang parang nagmamakaawang kausapin niya ulit.
Mahinang-mahina ako nang umalis sa Le Marcelle. Naglakad ako palabas nang may biglang humila ulit sa braso ko.
"Trisha..." Hinarap niya ako.
"Jayden, tigilan mo na ako." Pagod na ako nang sinabi ko iyon.
True. Gusto kong habulin niya ulit ako pero masakit yung nangyari...
"Makinig ka muna, Trisha. Hindi ko girlfriend si Olivia. She's my jealous ex! Ganun siya palagi..."
Umiling ako at tinanggal ang braso ko sa kamay niya. Umiiyak na naman ako at ayokong makita niyang naapektuhan ako ng ganito ka tindi sa nangyari.
Masaya ako sa sinabi niya pero di ko mapigilang di umiyak. Sana totoo... sana hindi niya nga girlfriend... sana nagsasabi siya ng totoo... sana bawiin niya yung sakit na nararamdaman ko...
"I think ayaw niyang makipag usap sayo, Jayden." Malamig ang boses ni Troy sa likuran ko.
Sumimangot agad si Jayden nang nakita si Troy, "Wa'g kang manggulo dito. This is none of your business, Troy."
Hindi ko alam kung bakit pero sinuntok agad ni Troy sa panga si Jayden.
"Troy!" Sigaw ko at dumalo agad kay Jayden.
Tinamaan si Jayden at humandusay sa sahig. Mabilis at mabigat ang paghinga ni Troy habang umaamba pa ng isang suntok kay Jayden.
Napa sigaw ang ibang taong nakakita. Mabuti na lang at wala masyadong nakakita dahil madilim na. Nasa labas pa naman kami ng Le Marcelle. Syempre, may nakakitang mga guards pero inoobserbahan pa nila yung scene. Hindi sila makalapit dahil si Troy at ang Manager ang nag aaway.
"Ayaw mo na, diba? Bakit ka nasa tabi niya?" Sumugod si Troy para suntukin ulit si Jayden pero pinigilan ko siya.
"TROY! Wa'g!" Sigaw ko.
Tumigil naman siya. Kitang kita ko ang disappointment at galit sa mukha niya habang tinitignan ako.
"Troy! Please... wa'g na..." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.
"AHHHH!" Ginulo niya ang buhok niya at sinipa ang gutter. "Pathetic!" Sigaw niya nang tinalikuran kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top