Kabanata 18
Kabanata 18
Tahimik Lang Siya
Alam niyo ba kung anong naging kapalit ng paghatid ni Troy sakin? Hindi ko alam kung bakit naisipan niya ang trip na ito pero ito talaga ang hiningi niya sakin.
Nakaupo si mommy at daddy sa sala habang tinitignan kaming mabuti ni Troy.
"Mom, Dad, eto po si Troy." Uminit ang pisngi ko.
Ito ang unang pagkakataong nagpakilala ako ng isang lalaki dito sa amin. Ay, hindi pala. Naipakilala ko na si Earl at ang iba ko pang lalaking kaibigan nung highschool pa ako pero ito lang yata ang 'mukhang' espesyal na pakilala.
"Troy Ezekiel Salazar, po." Sabi ko at lumunok.
Confident na naglakad si Troy papunta sa kay daddy (na tumatayo na ngayon para salubungin si Troy). Naglahad si Troy ng kamay nang nakangisi sa nakasimangot kong daddy.
"Nice meeting you, Mr. Roncesvalles. Mrs. Roncesvalles."
Pagkatapos niyang i-shake ang kamay ni daddy ay si mommy naman ang pinaglaharan niya ng kamay. Laglag ang panga ni mommy habang nakikipagkamayan kay Troy. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Nginitian na lang siya ni Troy.
"Kaibigan ko po siya." Napalunok ulit ako.
Binalingan ako ni Troy.
"Nako, hijo, maupo ka." Sabi ni mommy at agad-agad hinawakan ang braso ni Troy para gabayan siya sa upuan.
"Salamat po." Naka killer-smile parin si Troy.
"Salazar? Diba Salazar ang CEO ng Le Marcelle, Trisha?" Tanong ni daddy.
"Opo. Uhm... anak po siya ng CEO." Sagot ko naman.
Tumaas ang kilay ni daddy habang tinitignan ang nakangiting si Troy.
"Manang... dagdagan ng isa pang pinggan." Sigaw ni mommy sa katulong namin.
"Ma... wa'g na po. Kakain... uhm... kami sa labas." Sabay turo ko kay Troy.
"Huh? Bakit? Dito na lang." Sabi ni mommy at hinila ako palayo kay daddy at Troy. "Jusko Trisha! Nagmana ka talaga sakin! Kay gwapo gwapo naman niyang boyfriend mo!"
"Huy! Mom! Di ko po siya boyfriend." Sabi ko.
"Santisima! Baket? Sagutin mo na!"
"HA?" Pumupula na yata ang pisngi ko na parang kamatis kasi nanunuya na ang tingin ni mommy sakin.
Padabog na lang akong umakyat sa kwarto ko. Nagkakaigihan na yata si daddy at Troy kasi nag uusap at nagtatawanan na sila nang bumalik akong nakabihis.
Tinitigan pa ako ni Troy nang pababa ako sa hagdanan. Nakangisi siya at kinakagat ang labi. Shet! Alam mo namang kahinaan ko yan, ginagawa mo pa! Hindi ko siya magawang tignan.
"Dad... uhm... alis na muna kami." Pinutol ko si daddy sa kung ano mang sinasabi niya kay Troy.
"Ha? Dito na kayo kumain?" Tumayo si daddy.
"Tito..."
NAKS! Bilis nitong si Troy, huh?
"May lakad pa po kasi siya. Sasamahan ko lang. Next time po, kung pwede sanang bumisita ulit ako dito."
"HAAAAAA?"
Tinitignan parin ni Troy si daddy. Binalewala ako ni daddy, mommy at Troy sa reaksyon ko.
"Oo! Sige! naku sayang naman! Next time kasi Trisha, sabihin mo naman nang di kami mawindang dito!" Sabi ni mommy.
"Opo." Di na lang ako nakipagtalo.
Hinayaan naman kami ni mommy at daddy na umalis. Yun nga lang, hinatid kaming dalawa palabas ng bahay.
"Saya ng mommy at daddy mo ah?" Tumawa si Troy nang palabas kami sa subdivision.
"Kainis ka talaga Troy! Para saan naman yan? Bakit mo hininging ipakilala kita?"
Nakangisi parin siya habang nag di-drive. Binalingan niya ako nang tingin nang nagtraffic. Kitang kita ko na naman ang pag kislap ng mga mata niyang kulay brown. Nakakahypnotize. Hindi niya na talaga kailangan ng Art of Seduction para maka akit ng babae. Walang hirap niyang maakit ang mga babae sa ngiti at mata niya pa lang.
"Gusto ko lang." Bumaling ulit siya sa kalsada at ngumiti nang naka kagat-labi.
May Diyos talaga dito sa mundo. Linikha niya talagang perpekto si Troy. Tinignan ko ng maayos ang features niya... Yung mga mata, ang kilay na tama sa kanyang mata, ang ilong na perpekto ang tangos, labing mamula-mula at mukhang laging ready-to-kiss, panga na sa bawat pagkainis niya ay nag ta-tighten. At wa'g na nating pag usapan ang katawan niya dahil baka mauhaw ako ng wala sa oras.
"We're here." Bumaling siya sakin at ngumiti.
Nag iwas ako ng tingin. Tumingin ako sa labas. Malayo ang Candy's. Ibig sabihin kanina pa ako nakatitig sa kanya.
Kinalabit niya ako.
Paglingon ko sa kanya, agad kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
"Open your mouth." His voice was husky. "And close your eyes, Trisha."
Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga. Damn! Ginawa ko ang sinabi niya dahil sa bawat segundong lumilipas mas lalong lumalalim ang halik niya, mas lalo akong na hi-hypnotize sa halik niya. Parang kami lang dalawa. Kaming dalawa. Wala nang iba.
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Ang isang kamay ko naman ay nilagay niya sa balikat niya.
OMG!
"Troy~" Hindi ko alam kung bakit mahina at lasing ang boses ko.
"Hmmm?" Tumigil siya sa paghalik.
Nakatingin na lang ako sa labi niyang nakangisi at kinakagat ang labi.
"No improvement yet. No kissing, aryt?" Humalakhak siya.
Tinulak ko siya palayo. Damn shet! Bakit? Ganito? Bakit? Ganyan?
"Walang hiya ka Troy!" Pinunasan ko ang labi ko. "Nabura tuloy yung lipstick ko!" Sabi ko.
"Kung mapansin yan ni Jayden, sabihin mo lang kasi hinalikan kita."
Binatukan ko na at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya, "Kainis ka talaga! Ewan ko sayo! Dyan ka na!"
Tumatawa pa siya habang padabog kong sinarado ang sasakyan niya. ARGH! Umiling na lang ako sa sarili ko. His kisses... Damn hot! Nasasapian na yata ako. Hindi ko alam kung saang parte ko maisisingit ang rainbow. Parang naubusan yata ako ng rainbow sa ginawa niya.
Tulala ako hanggang sa nakapasok ako sa Candy's! Right! I'm here with Jayden. Damn you, Troy! Umalis ka sa sistema ko. Yung lips mong nakahalik na ng milyun-milyong babae? Salamat na lang!
"Trisha!" Tawag ni Jayden sakin.
Ginapangan ako nang hiya nang nakita ko siya doon.
"Sorry, late ba ako?" Tanong ko.
"No... Kakarating ko lang din." Hindi matanggal ang titig niya sakin.
Hindi naman ako makatingin sa kanya. Nakakahiya. Nakakakaba.
"You look so beautiful, Trish." Mahinang sinabi niya.
Napatingin tuloy ako sa kanya.
Ngayon ko lang na realize na nasa fine dining section pala kami ng Candy's at may candles sa hapag namin.
"Thank you." Uminit ang pisngi ko.
Ngumiti siya.
Ilang sandali ay nag order kaming dalawa ng pagkain.
"Kumusta ang front desk?" Tanong niya.
"Okay lang naman. Uhm... mas busy kumpara sa 30th floor." Sabi ko.
Tumango siya, "Ganyan talaga. Mas okay nga sa front desk."
"Katamad lang minsan. Maghapong naka upo o tayo eh."
Nagtawanan kaming dalawa.
Pagkatapos ng tawanan ay awkward silence naman. Nag iwas ulit ako ng tingin habang tinititigan niya na naman ako.
"You're so cute."
Sinulyapan ko siya. Nakangisi siya habang umiinom ng tubig.
"At ambait mo pa..."
Tumawa ako, "Wa'g mo naman akong paulanan ng puri. Lalaki ang ulo ko nito."
Tumawa rin siya, "And funny, huh?"
Nagtawanan ulit kami.
"Trisha..." Seryoso ang mukha niya nang napawi na ang tawanan namin.
Agad kong narinig ang mabilis na pintig ng puso ko habang tinitignan siya straight sa mga mata. I really like him. Umaapaw ang saya sa puso ko tuwing pinagmamasdan ko siya. Umaapaw ang rainbow sa paligid tuwing kinikilig ako.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, halos di na ako nakagalaw. Bigla akong naligo ng tubig. May bumuhos ng tubig sakin.
"WHAT THE-, Olivia! What are you doing!" Nabigla ako sa biglang pagtayo ni Jayden at sa pagkabasa ko.
Natulala ako habang tinitignan ang mga nagbubulung-bulungang tao sa paligid. Parang naeskandalo ang mga mukha nila. May ibang awang-awa sa kalagayan ko. Nilingon ko na lang sa likuran ang dahilan ng lahat.
Nakita ko ang isang naka pulang dress na babae. Kulot ang kanyang buhok at na-smudge ang make up sa mukha dahil umiiyak siya.
"Is this the girl, Jayden?" Sigaw niya sa nag papanic na si Jayden.
Hinila agad ako ni Jayden papunta sa kanya. Basang basa ako. I have never been treated this way... ever. Maaring dahil wallflower lang ako kaya walang extreme na nangyayari sa araw-araw kong buhay noon. Pero simula yata nung nakilala ko si Troy ay nangyayari na ang mga bagay na hindi ko inisip na pwedeng mangyari sakin. Halimbawa doon ang pag aaway ng mga lalaki sa bar... at ito pa. Ang buhusan ako ng isang babaeng luhaan.
"Back off, Olivia-"
"Sino ka? Bitch! He's my boyfriend! Oh my God, Jayden! You're cheating on me!" Sigaw ng babae habang tinuturo si Jayden. "With this bitch! Oh my God! I can't believe you-"
"Olivia!" Galit na galit si Jayden habang pinagmamasdan ang umiiyak na babae. "get out here... right now!"
Tinanggal ko ang kamay ni Jayden na nakahawak sakin. Umiling ako at nagsimulang tumulo ang luha ko. Nanikip ang dibdib ko at nagbara ang lalamunan. Jayden is lying. May girlfriend siya. And he's cheating on her!
"No! No! Trisha-" His voice was almost a plea.
Umiling ako habang umaapaw ang luha sa mga mata. Tumakbo agad ako bago pa siya makapagsalita... bago pa ako masktan ulit.
Shit! He's perfect! Now I realized... He's too good to be true!
Tinawagan ko agad ang numerong tanging naisip ko sa oras na yun. Tumatakbo parin ako. Hindi ko alam saan ako patungo. Umiiyak ako habang tumatakbo. Sana hindi ako nasundan ni Jayden.
"Hello, Troy..." Tumigil ako dahil di ko na mapigilan ang paghikbi ko.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya ilang sandali bago sa wakas ay natauhan.
"Nasan ka?" Tanong niyang mas lalong nakapag paiyak sakin.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top