Kabanata 16

Kabanata 16

Pangalawang Halik

NagLunes at nagka-ilangan kami ni Jayden sa Le Marcelle dahil sa nangyari noong nagdinner kami. Mabuti na lang at busy siya dahil sa pagbabalik ng daddy ni Troy. Nang nag out ako, wala na rin siya pero may iniwan naman siyang text sakin.

Jayden:

Take care pauwi. Gusto kitang ihatid, but I can't. :(

Halos mapatili ako habang binabasa iyon. I can't believe it! Totoo ba talaga 'to? Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko na! Grabe! Ang bait ko talaga at deserve ko ang grasyang ito. Sobrang thankful ako sa mga magulang ko, sa mga taong nandyan noong ugly duckling pa lang ako, at sa lahat ng... kay Troy pala! Asan na nga ba yung ungas na yun? Tumatae na ako dito ng rainbow at wala siya para makipagcelebrate sakin?

Nireplyan ko si Jayden:

Take care din. Okay lang, kaya ko namang umuwi mag isa.

Tili ulit ako nang nasend na yun. Kaya ko talagang umuwi mag isa kasi nandito ako sa parking lot ngayon at sumasandal sa sasakyan ni Troy. Nasa suite niya siguro. At baka nagdala siya ng babae dun kaya di ko na lang iistorbohon. Dito ko na lang hihintayin.

Ilang sandali ang nakalipas may narinig akong suminghap.

"Oh no."

Paglingon ko. Nakita ko ang umiiling na si Troy. Naka wayfarers na naman.

"TROOOOY!" Hindi ko na talaga mapigilan ang pagburst ng emotions ko.

Wala kasi akong mapagbuntungan kaya si Troy na lang. Umilag siya sa salubong kong panggigigil.

"OMG! You won't believe this!"

Nagpatuloy siya sa pag ikot na para bang wala siyang pakealam sakin. Kumunot ang noo ko nang narealize kong naka wayfarers siya.

"Troy! Mag gagabi na! Bakit naka wayfarers ka parin?" Sinubukan kong tanggalin iyon sa kanya pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Tumigil ka nga! Ano bang pakealam mo?" Masungit na sinabi niya.

"Ito naman oh! Gusto ko lang namang makita." Sabi ko.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan kaya pumasok na rin ako sa loob.

"Let's celebrate! Libre ko!" Sabi ko.

Sumulyap siya sakin. Naaasiwa talaga ako sa soot niyang wayfarers kaya agad ko tong hinablot.

"TRISHA!"

Nabigla ako nang kinuha niya ito sakin at nakita kong bloodshot ang mga mata niya. WTF? Anong ginawa nito at bakit pula ang mga mata niya. Sinoot niya ulit ang wayfarers.

"Huy, Troy! Saan ka ba nagpupupunta at bakit para kang di nakatulog?"

"Wala! Ano bang pakealam mo?" Sabi niya.

"Huh? Siguro naglasing ka!?" Sabi ko.

Natigilan siya at agad kong nalaman ang sagot sa katanungan ko. Sumulyap ulit siya sakin.

"Ano ngayon kung naglasing ako?" Mas mahinahong sinabi niya.

"As in lasing na lasing talaga? Nag lalasing ka naman tuwing weekends diba? Pero di naman ganito ka lala na kailangang bloodshot ang mga mata mo. Siguro nasobrahan ka sa paglalandi sa mga babae no?" Sabi ko.

"Tss!" Umiling siya at tumingin sa labas.

"Well, anyway! Ayaw mo bang malaman ang good news ko?" Tanong ko.

Narealize niya sigurong useless nang mag wayfarers kasi nakita ko na ang mga mata niya kaya tinanggal niya ito at ginulo ang buhok.

"Ano? Hindi ba good news na yung nag date kayo? Ano pa bang pwedeng mas good news doon?" Tamad niya ako nilingon.

Napasinghap ako nang nagtagpo ang mga mata namin. Damn, shet! Bakit? Magulo ang buhok niya at bahagyang bloodshot ang mga mata. Mukhang puyat siya. Hindi nakatulog ng ilang araw. Magulo ang buhok at tamad na nakasandal ang kamay niya sa manibela. Hindi pa umaandar ang sasakyan pero umaandar na ang pagtataksil ng utak ko. He's so damn good-looking. May tao pala talagang kahit mukhang puyat, sobrang gwapo parin? In fact, mas lalo siyang gumugwapo.

"Ano?" Untag niya.

Nakatitig na pala ako sa kanya kaya umubo ako para di masyadong mahalata.

"N-Nagkiss kami." Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtili.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya nagsalita.

"He's my first kiss!" Sabi ko nang may tili na talaga.

"WHAT?" Sigaw niya kaya natigilan ako sa pagdiriwang.

Nalusaw ang rainbow na nagmamay-ari sa langit ko. Napalitan na lang ng kadiliman.

"Anong problem-"

"WHAT DID YOU JUST SAY, TRISHA?"

"Bakit ang OA mong maka react diyan? Parang ikaw yung na-first kiss ah?" Sabi ko.

Hindi siya gumalaw. Tinignan niya ako na para bang may halong disappointment sa mukha niya. Bahagya pang bukas ang bibig niya. Perpektong ekspresyon sa isang taong hindi makapaniwala sa nangyari.

"Well, hindi naman talaga yun sinasadya. Aksidente lang. Ano kasi inayos niya ang seatbelt ko-"

"Bakit? Di mo ba maayos mag isa?!" Naiiritang sinabi niya.

"Tinulungan niya kasi ako. Tapos ayun. Nagtama ang mga labi namin." Uminit ang pisngi ko.

"YOU DON'T EVEN KNOW HOW TO KISS!" Sigaw niya kaya napatahimik na naman ako.

Sinapak niya ang manibela.

"Ba't ka ba badtrip?" Tanong ko.

"EWAN KO SAYO!" Sigaw niya.

"Ano naman ngayon kung di ako marunong humalik. It was just a smack, Troy."

"Tuturuan kita." Parang biglang may umilaw sa utak niya pagkasabi niya nun.

Hinarap niya ako. Napakunot naman ang noo ko.

"I'll teach you how to kiss passionately, Trisha."

"WHAT? I don't need that lesson, T-Troy." Bakit na uutal ako?

Iyon na rin siguro ang ipekto ng titig niya ngayon. His intense gaze was intoxicating. Yung tipong hindi ka makakatanggi. Kahit seryoso ang mukha niya, tingin ko parin ay pinaglalaruan niya ako sa alok niyang iyon.

"Troy, di ako matalino, pero di rin ako estupida. Pwede bang maituro ang halik-"

Habang nagsasalita ako. Inatake niya na agad ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang init ng labi niya. Shet! Troy!

"Troy!" Sigaw ko. Bahagya ko siyang naitulak.

"Open your damn mouth, Trisha."

"HA?"

Inosente kong tinanong siya ng 'Ha?' dahil hindi ko siya maintindihan pero nang nabuksan ko nga ang bibig ko pa magsalita ng 'Ha?' ay agad niya na naman itong inatake.

This is it. I hate to say this to you, Trisha G. Roncesvalles but the Master of Seduction is kissing you passionately.

Itinulak ko siya pero di siya natinag. Naramdaman ko na lang na mas lumalim ang mga halik niya.

Hey, wait? So this is how kissing is? French kissing? Waiiiit a minute? Bakit parang pinupulupot ko na yung braso ko sa leeg ni Troy. Nang naramdaman niya yun ay ngumisi pa siya at hinuli ulit ang labi ko.

"Troy!" Sigaw ko at tuluyan na siyang naitulak pabalik sa upuan niya.

Oh my God! Ginulo ko rin pala ang buhok niya! Kinagat niya ang labi niya habang nakangising tinitignan ako.

"That's how you do it, Trisha."

"WHAT THE-, Troy?" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa na lang siya.

"And you don't kiss anyone on the first date. That's the rule. Aryt?" Sabi niya at ginulo pa lalo ang buhok niya.

"Ewan ko sayo! Troy! Hinalikan mo ako!" Halos mapanganga ako sa mga salitang gusto kong sabihin pero di ko mabanggit habang tinitignan siya.

Bakit mo ako hinalikan? You don't kiss someone you don't date? Parte ba ito ng lessons? Unethical talaga kahit saan ko tignan na maghalikan ang dalawang taong wala namang pakiramdam sa isa't-isa!

Nakita ko siyang tulala habang kinakagat yung index finger niya. Tulala siya sa mukha ko.

Nakaawang parin ang bibig ko. Para akong nagsasalita na walang lumalabas na sounds sa bibig ko. Naka mute na TV.

"TROY!" Buntong-hininga ko nang sa wakas ay nakapagsalita na.

"That was! Wow!" Umiling siya at ngumiti.

Tulala parin. Sinapak ko siya kaya natauhan siya.

"Bakit mo ako hinalikan? Oh my God! Troy!"

"It's not like its your first kiss, Trisha. Wa'g ka ngang OA!" Sabi niya.

I could not believe this guy! Alam kong hindi siya ang first kiss ko. Tingin niya man ay walang kwenta ang halikan namin, may kwenta ito sakin! Syempre dahil hindi naman ako araw-araw na nakikipaghalikan!

"Troy, kung akala mo tulad lang ako ng mga babae mong pwede mong halikan kahit kailan mo gusto, nagkakamali ka-"

"I was teaching you how to kiss, what is your problem?" Tumaas ang kilay niya.

"So? Iniexpect mong hahalikan ko ng ganun si Jayden?" Tanong ko.

"Nagkahalikan na nga kayo sa first date niyo, ano pa sa second date?" Umiling siya at nagsungit na naman.

"H-Hindi no! Troy! Hindi ganun si Jayden!" Uminit ang pisngi ko.

"Trisha, he's 24! What do you expect? Mag laru kayo ng bahaybahayan? For goodness sake! Be open-minded!"

"So ano? Sinasabi mo na sa second date namin ni Jayden ay maghalikan kami, ganun ba iyon, Troy?" Tumaas ang kilay ko.

"No..." Umiling siya at nag isip. "Ahhh!" Ginulo niya ang buhok niya.

Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Napailing na lang ako.

"Sige na! Tayo na nga lang! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Ililibre kita kasi masaya ako."

Lumingon siya sakin, "Bakit ka masaya?"

"Kasi nga ayun! Nagkahalikan kami ni Jayden at sinabi niyang gusto niya ako. Tsaka... wa'g mo nga akong halikan! Panira ka naman! Kainis ah!"

"Hahalikan kita kung tingin ko ay dapat. Lesson yan, Trisha. Unless lumalakas ang pintig ng puso mo pag hinahalikan kita. At hindi naman sa pagmamayabang pero nasarapan ka sa halik ko. Pero ako? Hindi. May kulang pa, Trisha. Marami." Napasinghap siya at umirap sakin.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Speechless na naman ako. "Troy, Seriously?" Napatikhim ako. Napabuntong hininga, iling at buntong hininga ulit.

Hindi ko kailanman maiintindihan ang sinabi niya. Tama ba talaga na tuturuan niya ako sa pag halik? ALAM NG UTAK KONG HINDI EH! Pero kung makapagsalita ang Master of Seduction na ito parang propesyunal!

"Huh? Anong may kulang? Sabi mo kanina, 'Wow' yung halik ko!?"

Nabigla siya sa sinabi ko. "Wow kasi... 'Wow! Hindi ka marunong!' Ganun yun! Tsss..." Umiling siya.

Maloloka na talaga ako! Well, hindi ko na lang siya hahayaang halikan ulit ako. Kahit na alam kong manyak siya, kilala ko na rin siya kaya alam ko ring hindi siya hahalik kung sasabihin kong hindi.

"And I don't let the ladies pay, Trish. Ako ang manlilibre."

"Huh? Hindi na Troy! Ako naman yung nag yaya! Tsaka... hindi mo naman ako 'lady' para magpaimpress ka sakin." Sabi ko.

"No, Trisha. I really don't let anyone pay for me. And I-I'm slightly happy." Seryosong sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko, "Bakit?"

Sumulyap siya sakin, "Wala ka na dun. Pag mejo happy ako, gusto kong manlibre. Pag sobrang saya ko na, bibigyan kita ng bahay, kotse, at kung anu-ano pa. You have to make me happy always kung gusto mo." Ngumisi siya.

Tumawa ako, "Hindi ko naman kailangan yan eh! So ibig sabihin, 'slightly' happy ka tuwing kasama ako kasi lagi mo akong nililibre eh?" Tumaas ang kilay ko.

Nag iwas siya ng tingin at di na umimik. Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko habang tinitignan ko siyang malungkot na pinaandar ang sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top