Kabanata 11

Kabanata 11

Laglag Panty

Hinintay ko talagang mag Friday dahil sa usapan namin ni Troy. Pero unti-unti ko ring nakalimutan ang excitement ko sa pagdi-daydream ko kay Jayden. Minsan, nauuwi ang pagdi-daydream sa katotohanan.

"Trisha!" Napadpad bigla si Jayden sa floor ko.

"Uy, Sir, I mean, Jayden."

Ngumiti siya at tinignan ang paligid. "Okay ka lang ba dito sa floor mo? Wala bang nanggugulo?" Bumaling siya sakin.

"Wala naman." Nag-init ang pisngi ko. Bungisngis pa ako ng konti.

"Hmm. Mabuti naman. Malapit na kayong mag shift diba? Saan ang susunod mong shift?" Tanong niya.

"Hmmm. Two weeks from now, sa reception na ako." Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya.

"S-Sir Jayden?" Biglang dumating si Jane.

Ngumiti si Jayden kay Jane. "Kamusta kayo dito ni Trisha, Jane? Wala bang problema?"

"W-Wala po naman. Magaling si Trisha."

Tumango si Jayden at, "Alam ko."

Umalis din naman siya pagkatapos magpakilig sakin. Nakiusyuso pa si Jane sa relasyon namin ni Jayden pagkatapos noon.

"Hindi... Wala. Professor ko lang si Jayden."

Nanlaki ang mata niya, "Hindi ka nag si-Sir sa kanya? OMG!" Niyugyog niya ako.

"Hindi. Talagang wala." Pero deep inside, nag diriwang na ang sistema ko. Nagtatapon na ng confetti ang puso ko.

Permanente na lalo ang rainbow sa langit ko nang dumating ang Biyernes.

Nakaupo si Sir Jayden sa upuan namin lagi doon sa restaurant. As usual, inaabangan niya akong pumunta doon. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Dumiretso na ako sa kanya.

Nakangiti na siya nang umupo ako sa harapan niya.

"I'm so tired." Sabi ko at ngumiti. "Yung isang foreigner kasi doon, masyadong makalat."

Ngumiti siya, "Ganyan talaga sila. I mean, hindi lahat, pero kung ikukumpara mo sila sa mga pinoy, di hamak na mas malinis ang mga pinoy sa kanila."

Tumango ako, "I agree. Nung sa Singapore ako, kahit na sa Restaurant yung shifts ko, nahihirapan talaga ako sa mga di-Asian. Although, okay sila dahil madaling makipag usap sa kanila, pero minsan sila yung sobrang demanding tsaka mayabang."

Narealize kong habang nagsasalita ako, tinititigan niya pa ako lalo. Sa init ng pisngi ko, pakiramdam ko pwede nang magprito ng itlog doon.

Natahimik kaming dalawa at nagkatinginan na lang.

"Oppps! I forgot to order." Humalakhak siya at sinenyasan si Eliz sa bar.

Tumango naman si Eliz at agad kaming dinalhan ng kape. Ayan na naman ang kape! Halos araw-araw kong pinipeke ang pag inom dito eh.

"Sayang, hindi kita mayaya mamaya sa dinner."

AYAN NA NAMAN. Nag li-leak na naman ng rainbow sa mga pores ko. "Huh?"

"Kasi malapit na yung preliminaries. Doubletime kami sa Major Subject na tinuturuan ko ngayon. Ewan ko lang kung may natututunan ba yung mga estudyante ko dun." Uminom siya ng kape.

"Meron talaga! Alam mo, nung ikaw ang prof ko? Dami kong natutunan! Syempre... Uh... ilang taon ka nga pala nung second year ako?" Tanong ko.

"Hmmm, 23. Last year palang naman yun. Ang bata ko pa para magturo sa inyo." Ngumisi siya.

"Oo! Bata tsaka successful na! Gumraduate ka ng MBA, 22 ka diba?" Stalker mode on.

Tumawa siya, "Oo. Mag MBA ka na rin."

Umiling na lang ako at umakmang iinom ng kape (pepekein na naman).

"Ano nga palang trabaho ng mommy at daddy mo?"

"Si Dad, doctor. Si Mommy, lawyer."

"Oh? Ayaw mong sumunod sa mga yapak nila?" Tumawa siya.

"Okay naman sakin yung pagiging doctor at lawyer pero I'm really into business. Tsaka... feel ko talaga yung course ko. Gusto ko ng mga hotels." Ngumiti ako. "Tsaka... wala na akong place sa Gozon Law Firm." Tumawa ako.

"Oh! Kasama ang mommy mo sa Law Firm ng mga Gozon?" Tanong niya.

Tumango ako, "Sina mommy at kanyang mga kapatid ang nagtatag nun." Umamba na naman akong iinumin ang kape. "Gozon ang middle name ko." May something na biglang tinapon ang kung sino sa kape ko kaya nag splash ng konti ang kape sa mukha ko.

Napatingala agad ako. Wala namang debris o kung ano.

"Sorry! Nadulas sa kamay ko." Sinabi ng nakawayfarers na si Troy sa kabilang table.

Umiinom siya ng shake na may maliit na payong sa gilid. Bakit kailangan ganyan ang scene pag siya ang nakikita ko? Palaging may disturbing things?

"Nadulas? Paano madudulas yun? Hinagis mo yun!? Ano yun?" Sabi ko.

Tinignan din siya ni Jayden. Nagkibit balikat na lang si Troy at ngumisi.

Mukhang pinapaalala niya sakin na mamaya na yung hamon ah?

"Troy, can you just leave Trisha alone?" Nabigla ako sa sinabi ni Jayden.

Nakita kong uminom si Troy sa shake at nang bumaling na siya samin ay seryoso na ang mukha niya.

"I'm doing that, Jayden." Umirap siya.

Humalukipkip si Jayden, "Really? Lagi kitang nahuhuling nangungulit sa kanya."

Trust me, nakatunganga lang ako ngayon habang pinagmamasdan si Jayden na pinagtatanggol ako.

"Hindi ako nangungulit gaya ng inaakala mo, Jayden. Kasi sa totoo lang, kung nangungulit ako sa kanya, wala siya diyan sa table mo ngayon." Sumulyap siya sakin at tumayo. "Kung kinukulit ko nga siya, di mo na siya makakausap pa. Kasi pag ako nangulit, sa akin ang buong atensyon."

Madramang nag walk-out ang unggoy. Wala akong pakealam sa kanya. Mamaya ko na siya pepektusan. Ang importante ngayon ay ang pagtatanggol ni Jayden sakin.

Kumuha siya ng tissue at tinignan ang pisngi ko.

"May kape sa pisngi mo." At pinunasan niya iyon.

Hindi niyo na talaga maimagine kung ilang kulay ang makikita niyo sa isipan ko.

"Bakit ka iinom ng kape? Para sumakit na naman yung tiyan mo? Damn, Trisha!" Pambungad na bati ni Troy sakin nang sinundo niya ako sa labas ng Domino Heights.

"Kaya mo ba hinulugan ng kulangot yung kape ko?" Sagot ko at padabog na sinarado ang pintuan ng sasakyan niya.

"Kulangot?" Suminghap siya at umiling. Disappointed na naman sakin.

"Well, salamat sa hinagis mo sa kape ko at laglag na naman ang panty ko kay Jayden." Tumili ako at gigil na sumayaw sa front seat.

Hanggang ngayon, hindi parin ako nakakarecover sa nangyari kanina. AHHHHH!

"WHAT?"

Nakakabigla ang ekspresyon niya. Ginulo niya ang buhok niya at tinitigan ako. Mas lalo akong kinabahan nang inilapit niya ang mukha niya sakin.

"WHAT DID YOU JUST SAY?"

"A-Ano?"

Isang pulgada na lang ang agwat ng mukha naming dalawa. I can clearly see his perfect brown eyes, perfect nose, perfect jaw, bakit puro perfect siya? Pati ang skin niya, perfect din!

"Anong nalaglag ang panty, Trisha?" Mas seryoso niyang tinanong sakin yun.

"HUH?" Tinulak ko siya pabalik sa personal space niya.

Napalayo siya ng konti pero ibinalik niya rin ang maliit na distansya namin.

"Expression lang yun! Hindi mo ba alam yan? Ganyan kaming mga babae. Nalalaglag ang panty... Kinikilig. Ganun yun." Napalunok ako.

Napabuntong-hininga siya at umayos na, "Damn!"

Tumitingin lang siya sa kawalan. Seryoso parin ang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top