Kabanata 10
Kabanata 10
Hamon
Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sa V-line ni Troy. At feeling ko naman nananadya siya. Alam niyang masyadong kaakit-akit yun kaya binalandra niya sa harapan ko.
"Okay," Halos di ko manguya ng maayos yung karne habang dinudungaw ang plato ko. "Enumerate natin. Una, ayaw mong pansinin ko siya masyado. Sunod, ayaw mong mag agad ko siyang samahan sa dinner. Ngayon ayaw mong magrereply ako agad sa text niya. Yung totoo, Troy. Sinasabotahe mo ba talaga ito?" Kumunot ang noo ko at di parin makatingin sa kanya.
"Kinikwestyon mo ba ang itinuturo ko sayo?" Nabigla ako nang umupo siya sa harapan ko at kumuha na rin ng pagkain.
Ito ang unang pagkakataon na nagsabay kaming kumain ni Troy dito sa suite niya. Half-naked pa siya kaya disturbing masyado sa paningin. Nakaka aburido namang gawain ito. Nagpatuloy na lang ako sa pagnguya ng karne.
"Haaay! Ginugutom ako." Sabi niya nang napansing natameme na lang ako sa pagkain niya.
Sinubo niya yung kapirasong steak. Bakit ang swerte ng tinidor na ginamit niya? OH MY GOD! Nagnanasa na ba ako sa kanya? Matindi talaga ang nagagawa ng tukso. Minsan kahit ayaw mo sa tao, matutukso ka parin lalo na pag nakahain siya sa harap mo. Bless my soul, O Lord!
Maingay akong napalunok nang nakita ko ulit siyang sumubo ng isa pang karne. Nakita kong may something sa gilid ng lips niya: Yung sauce ng steak! And from then on, nalaman ko kung gaano siya ka dangerous.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para makalimutan ang nakakagambalang pag iisip na iyon.
"Troy, how can you be so sure that this will work?" Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan parin yung sauce ng steak sa gilid ng labi niya.
Halos mag palpitate na yung kilay ko habang tinitignan yun. Naiinis ako. What's with that sauce? Bakit siya nandyan sa lips ni Troy? Bakit di siya pumasok na lang sa bibig niya? Bakit siya nag ha-hang-out diyan?
"May dumi ba ako sa mukha?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ipinilig ko ulit ang ulo ko para ilipad ng hangin ang iniisip kong weird, "Actually, meron, and, its annoying. Dito." Sabay turo ko sa sauce na malapit sa lips niya.
At imbis na kumuha siya ng tissue para tanggalin yun, dinilaan niya na lang! Napasinghap ako sa ginawa niya.
"Troy! Kadiri ka naman! Gumamit ka ng tissue!" Hiyaw ko.
Tumawa siya, "Malapit lang naman sa bibig ko!"
"Kahit na!" Uminit ang pisngi ko sa inis dun sa ginawa niya.
Humalukipkip ako at tumingin sa kawalan. Inis ako sa ginawa niya at hindi ko mahugot sa utak ko kung bakit.
"What's your problem?" Natatawa parin siya sa reaksyon ko.
Hinuli niya ang tingin ko at nang sa wakas ay nahuli niya, inirapan ko agad siya.
Tinignan ko na lang ang cellphone ko. 12 new messages.
Binasa ko yung mensahe nina Emma, Camille at Beatrice na puro 'I miss you'. Tapos isang unknown number.
"I told you, Trisha. Don't text when we're talking."
"We're not talking, Troy." Umirap ulit ako at binuksan ang mensahe.
Napabuntong hininga siya at tinitigan ako.
Unknown number:
Hi Trisha! This is Jayden. I hope you'll save my number. How's your dinner out?
"O! M! G! Si Jayden-"
Kinuha ni Troy ang cellphone ko at binasa ang mensahe ni Jayden, "Old fart!"
Kinuha ko ulit pero may pinindot siya doon bago ko nakuha, "Binura mo?" Nanlaki ang mata ko habang tinataas niya ang kilay niya at ngumiti.
"I told you. Don't reply! Bukas ka na magreply! Sabihin mo, 'Napasarap yung usapan namin ng kasama ko kaya di ko na namalayan ang cellphone ko. Sorry. Good morning!' Voila!"
Sinapak ko na ang demonyo, "Hindi ako naniniwala-"
"Why? Have you ever seduced someone, Trisha? Coz I've been seducing women all my life." Tumango siya sa huling pangungusap at ngumiti. That leering smile. Damn!
"Iniinsulto mo ba ako, Troy?"
"Well, siguro ininsulto kita kasi iniinsulto mo rin ako!"
Sinapak ko na ulit siya. Wala na akong pakealam kung matamaan itong mga pagkain namin sa gitna ng mesa. "At bakit mo binura yun? Sabi mo wa'g akong magreply? Hindi naman ako nagreply, ah? Kailangan ko ang message na yun! His first text ever! OH MY GOD! You ruined our history!"
Kumunoot ang noo niya na para bang di niya naiintindihan ang sinasabi ko. "You're crazy." Ngumiti siya.
Napa-face palm ako. Parang na flush sa inidoro lahat ng rainbow na nangyari ngayong araw na ito dahil sa Troy na ito. Nakakahawa din talaga yung Dalaw ano? "Okay, I won't reply Troy. At susundin ko lahat ng advice mo sa Training na 'to in one condition."
Humalukipkip ako. Humalukipkip din siya na para bang naghahamon.
"And what is that?" Tumaas ang kilay niya.
"Seduce women in front of me."
"I think that's invalid. I did that so many times, Trisha. Sa school. At nung naglinis ka dito."
Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Ginulo niya ang buhok niya at nanlaki ang mata ko. Tingin ko yung V-line ang dahilan ng lahat kung bakit gumwapo siya ng konti sakin ngayon. At mas gumugwapo siya pag magulo ang astroboy niyang buhok.
"Oh, don't look at me like that! Alam kong kilala mo ako noon pa. At alam mo kung anong mga ginagawa ko-"
"No Troy! I want you to do it, in front of me. Siguro na se-seduce mo lang sila dahil gusto ka na nila noon pa. That's easy. I want you to seduce someone else."
Napalunok siya sa sinabi ko. Para bang naging uneasy siya sa upuan. Ginulo pa niya lalo ang buhok niya at naramdaman ko ang tensyon sa features niya.
Napangiti ako. Good, Trisha. Kahit nakita mo ang half sa makarne niyang katawan, lumiligaya ka parin pag mukha siyang aburido! You're still you! Hindi ka nagpakain sa kadilimang dala ng Master of Seduction na ito.
"Who?" Tanong ni Troy.
"Friday night, punta ulit tayo sa Penthouse. Ako ang mamimili kung sino ang popormahan mo."
Pipili ako ng sopistikadang mga babae. Yung mukhang may boyfriend na? Pwede ring mga suplada. Kahit ano. Pipili ako ng mabuti. Tignan natin kung hanggang saan siya.
All out ang buntong-hininga niya sa balita ko at ngumisi ulit. Bumalik ang confident niyang mukha. Ginulo niya pa ang buhok niya. "No problem. Hanggang sa magsawa ka, Trisha. Kahit ilan."
Ako naman ngayon ang nadidismaya sa ekspresyon niya.
"In one condition. You won't go out with Jayden... yet... And don't wear that same fitting dress again... And you take this training seriously after that... and don't put make up on your... plain face-"
"Akala ko ba isang condition lang, Troy? Bakit marami?"
"Isang sentence lang yun, Trisha." Ngumisi ulit siya. "And... sa ngayon, you should still follow what I'll tell you."
"Whatever. O sige! Game ako sa hamon- I mean HA-MON... H-Hindi hamon." Kumunoot ang noo ko sa sinabi. BAKIT HAMON YUNG NASABI KO? HAMON! YUNG KLASE NG KARNE? What the heck is wrong with me?
Tumawa siya. Halos mamatay siya sa kakatawa.
Nininerbyos naman ako sa tawa niya kaya uminom na lang ako ng tubig. Still. Not. Good.
What the f? HAMON? Talagang yung hamon na pagkain? Oh my gosh! Such a big fat steamy fail!
Hindi ko nireplyan si Sir Jayden. Guilty ako at di ko matanggal sa isipan yung text niyang binura ng kurimaw na yun. At paminsan-minsan sumasagi yung maswerteng sauce sa nag hang-out sa labi niya minsan ngayong araw na ito.
Kinaumagahan, gumising ako para magreply sa text ni Jayden.
Ako:
Good morning, Sir! Sorry sa late reply. Hindi ko namalayan yung text mo kagabi. Hihi.
Nag reply siya agad!
Jayden:
No problem. Drop the 'Sir', Trisha. :)
Ayan! Buo na ang araw ko! Kakaulan lang ba? May rainbow kasi sa langit ko! Aw!
Inspired akong pumasok at makita ang kagwapuhan ni Jayden sa Le Marcelle. Unang bumati sakin ang ngiti niya pagkapasok ko. Ngumiti rin ako at kinabahan agad.
Kailangan kong isipin yung mga sinabi ni Troy. Nililipad naman kasi ng hangin tuwing nginingitian niya ako eh.
"Hi!" Aniya.
"Uyy! Good morning!" Kaswal na sinabi ko.
"Kamusta yung dinner kagabi? Okay ba?"
AHA-AHA-AHA! Masakit mang isipin pero unti-unti na talaga akong naniniwala kay Troy. Tumatalab talaga ang mga tips ng unggoy na yun! Bakit niya binabalik-balikan yung dinner kagabi? Over thinking ba ito o talagang may nangyayari na nga sa sistema ni Jayden?
"Okay naman." Napalunok ako sa sinabi ko.
Sigurado akong pupukpukin ako ni Troy sa ipinakita ko ngayon.
"Sino ba ang kasama mo?"
OVERJOYYYYEDDD! Hahaha! Bakit? Bakit ang daming rainbow? Para akong nakalunok ng ilang durian bago ko siya nasagot.
"O-Old friend---s..."
Napangiti siya nang narinig ang 's' sa huling sinabi ko.
Hindi ko kayang biguin ulit si Jayden. Masyado na akong nahuhumaling sa kanya.
Nakita ko agad ang pag gaan ng ekspresyon sa mukha niya. Mas lalong na emphasize yung damit niyang longsleeve at kulay light blue na naka fold hanggang siko niya.
Ngumiti siya at naglakad kasama ko papuntang elevator. Pero pakiramdam ko, hindi ako naglalakad... lumilipad ako.
Gosh! I think I'm in love!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top