Kabanata 1
Kabanata 1
Mr. Araw-Araw May Dalaw
"Hindi ako naniniwala na may sex tape ka sakin." Ngumisi siya nang nagkasalubong ulit kami sa school.
Ngumisi din ako. Alam kong marerealize niya ito. Kaya inutusan ko si Earl na gawin 'to para sakin.
"Eto oh," Sabay pakita ko ng isang flash disk sa kanya. "Gusto mong tignan? Bibigyan kita ng isang oras. At wa'g mong isiping ito lang ang kopya ko dahil marami pa yan." Ibinalandra ko ang flash disk sa ere.
Tinignan niya itong mabuti nang nakakunot ang noo. Kukunin niya na sana pero inilayo ko 'to sa kanya.
"Tandaan, hanggang mamaya lang ang letter ah? Magsisimula na ang interns bukas. Ito na lang ang kulang ko kaya dapat bilisan mo." Ngumisi ako at biglang may kumuha sa flashdisk.
"Huy!" Sigaw ko pero nakatingin ako sa ekspresyon ng mukha ni Troy.
Ginulo niya ang buhok niya at mas bumilis ang paghinga.
"Dude, what the fck!?" Sigaw niya sa kumuha.
Yun ang inutos ko kay Earl!
"Ano 'to, Trish?" Tanong niya at kinuha yung laptop sa bag niya. "Anong meron?" Tanong niya.
"Akin na yan, Earl!" Sigaw ko sabay kuha sa flashdisk, pero syempre, pinahirapan niya kuno ako.
"Akin na yan, dude! Di yan sayo!" Sigaw ni Troy.
Sumimangot si Earl.
"Titignan ko lang naman eh. Ano bang problema?"
Namutla si Troy habang tinitignang binubuhay ni Earl ang laptop niya para tignan kung anong meron sa loob ng USB.
Sinapak ni Troy ang kamay ni Earl kaya tumilapon yung USB sa isang makitid na kanal.
"Oh my god! Yung flashdisk ko!" Sigaw ko.
Humagulhol ako sa iyak. Nagmura at inakusahan si Troy.
"Nandoon lahat ng importanteng files ko, Troy!" Tinuro ko siya.
Tumingin siya sa paligid at namutla. Nakatingin ang iilang estudyante saming tatlo. Kinindatan ko si Earl bago siya umalis.
"Walang hiya yung kaibigan mo! Muntik niya nang makita yung sex tape!" Sigaw niya sakin.
"Ikaw ang walang hiya! Nasira na at nawala yung USB ko dahil sa katangahan mo!"
Sumimangot siya nang sinabi ko ang salitang 'katangahan'. "Iniinsulto mo ba ako?"
Fake tears ang umaapaw sa pisngi ko habang hinarap siya. Sarap tumawa. Nanginginig na nga ang bibig ko dahil sa pagpipigil ko nang tawa.
"I will ruin your life, Troy Ezekiel Salazar." Madrama ko siyang tinalikuran dahil di ko na talaga kayang hindi tumawa.
Humakbang ako palayo sa kanya. 5... 4... 3... 2... 1...
"Sandali nga Trisha!" Sabay hila niya sa braso ko.
Sabi na nga ba! Hindi siya makakatiis.
"Tayo na nga sa Le Marcelle! Freak!" Sabi niya.
Madrama ko siyang sinampal.
"What the fck, Trish?" Kitang kita ko ang pag aalab ng galit sa mata niya.
Kinagat niya ang labi niya at pumikit. Pinipigilan niya ang galit niya sa ginawa ko.
Napatingin ako sa paligid. May ibang natigilan na talaga sa ginawa ko. Paano ba kasi, sinampal ko ang the great Troy Ezekiel Salazar!
"Troy? Okay lang ba kayo? Sino yan?" Tanong ng isang modelo.
"Wala." Sabay hila niya sakin papuntang sasakyan niya.
"Hindi mo pa nga kinakalat yung sex tape, sinisira mo na ang buhay ko. I hate you! Damn!" Umiling siya at pinatunog ang sasakyan niya.
"The feeling is freakin mutual. I hate you, too." Sabi ko.
Pinunasan ko yung fake tears ko at kinapalan ang mukha sa pagsakay ulit sa sasakyan niya. Umiling siya nang nakita ako sa front seat. Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ganyan ba talaga ka expressive yung mata niya? Brown ang kulay ng mga mata niya at pag tinitignan mong mabuti ay parang makikita mo yung kaluluwa niya.
"Sinampal mo ako. Sa harap ng mga estudyanteng naglalakad!" Sigaw niya sakin sa sasakyan niya. "ANONG GUSTO MO? MASABIHAN TAYONG NAG E-LQ?"
"Oh my God! Gusto ko nga niyan kasi may lihim na pag tingin ako sayo!" Ngumisi ako at sumimangot. "Hinulog mo ang USB ko sa kanal at tinawag mo ulit akong freak, nararapat kang sampalin!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Suminghap siya at pinaandar ang sasakyan, "God! I hate you!" Bulong niya sa sarili niya.
Inayos ko ang sarili ko habang nag di-drive siya patungong Le Marcelle. Naka pony tail ang buhok ko at nilagyan ko ng pressed powder ang mukha ko. Sumusulyap siya paminsan-minsan. Naglagay din ako ng lipstick at blush on. This is it! Finally! Mag O-OJT na ako sa Le Marcelle. Makukuha ko ngayon ang letter pagkarating namin. Genius talaga ako sa pag gamit ko kay Troy!
"Labas!" Sigaw niya sakin nang nakapark na kami.
Tumaas ang kilay ko, "Ang sama mo! Bakit daming nagkakandarapa sayo? Eh ang sama mo!" Umirap ako at lumabas.
"Whatever!" Umiling siya at naglakad papasok ng hotel.
Ang laki ng Le Marcelle! Maraming pool. May Infinity pool pa! May pool pa sa rooftop. Pagkarating mo dito, kung guest ka, para ka talagang queen.
Yumuyuko yung mga nagtatrabaho dito. Hindi ko alam kung sa lahat ba ng guest or sa kay Troy lang na mayabang na tinatahak ang red carpet papasok ng main hotel.
"Mr. Salazar." Sabay yuko ng security guard ng Main Hotel.
"Call Jayden Corpuz, please." Salubong niya sa bati ng guard.
"Oh my God!" Napalunok ako.
Agad-agad? Di ba pwedeng upo muna tayo? Bakit tatawagin agad ang 24 years old na professor namin sa HRM at manager ng Le Marcelle?
Umupo si Troy sa sofa at sinandal ang ulo niya doon habang hinihintay si Sir Jayden.
Nanginginig ang paa ko at halos tumakbo na ang puso ko palabas ng dibdib ko sa kaba.
"What's your problem?" Tanong ni Troy.
Nilingon ko siya. Nakapikit siya habang sinasandal parin yung ulo niya sa sofa. May grupo ng mga babaeng interns din siguro galing sa ibang school na tumitili habang tinitignan siya.
Napailing na lang ako sa kanila.
"W-Wala!" Okay, wala ba talaga ngayong nauutal na ako.
Dumilat siya. Narinig niya siguro sa boses ko ang kaba ko. "Kinakabahan ka sa manager pero di ka natitinag sa acting CEO?" Kumunot ang noo niya at umiling.
"Iba si Sir Jayden sayo. 24 years old siya at professor namin sa Hotel Management. Ikaw, schoolmate kita k-kaya hindi ako kakabahan sayo-"
"I'm 20 years old, Trisha. Apat na taon lang ang agwat namin ni Jayden at ako ang acting CEO dito. You should atleast respect me."
Umirap ako, "Isang taon lang ang agwat natin, Troy. At di ka pa tapos ng college. Kwits lang tayo. Kung naka baon pa ako sa lupa, ikaw din. Si Sir Jayden, lumilipad na sa matayog na lugar. MBA graduate na siya kaya wala kang laban kahit na acting CEO ka pa. Ipinanganak ka lang na mayaman." Umirap ako.
Umiling siya at lumiit ang mga mata habang tinitignan ako.
"Ah! Jayden!" Ngumisi si Troy sa likuran ko.
Halos bumigay ang tuhod ko nang hinarap ko si Sir Jayden Corpuz. Yung tikas niya sobrang nakakahimatay. Naka white button down shirt siya. Simple lang pero gwapong gwapo. Kitang kita mo rin yung malalagkit na tingin ng mga receptionist sa kanya (na tumitingin din kay Troy). Iba talaga pag mejo older na yung lalaki. Ang lakas ng dating. Kaya crush na crush ko siya. Okay, well... ngayon ko lang aaminin sa inyo na kaya din ako desperadong desperado na makapasok sa Le Marcelle ay dahil sa kanya.
"Ito si Trisha Ronces-ano yun?" Natigilan si Troy at tumaas ang kilay sakin.
"T-Trisha R-Roncesvalles." Sabay lahat ko nang nanginginig na kamay.
Tinanggap ito ni Sir Jayden at nakipagkamayan sakin. Oh! My! Goodness! Parang na electrify ang buong katawan ko sa ginawa niya. Natulala ako.
"Ehe-Ehem..." Sabay tanggal ni Troy sa kamay ko kay Sir Jayden.
Binalewala yun ni Sir Jayden at ngumiti sakin, "Estudyante kita diba? Sa HR 41?" Tanong niya.
Tumango ako. Tuyo ang lalamunan ko at di ako makapagsalita.
Ngumiti ulit siya at tumingin kay Troy.
"Nireconsider ko yung internship niya dito sa Le Marcelle. Paki sabi sa HR na mag rerequest ako ng letter at i-notify ang school na nareconsider siya ngayon para bukas, makapagsimula na siya."
Tumango si Jayden at tumingin sakin, "Okay. Buti na reconsider mo siya, Troy. Sometimes, I'm not sure if your interns deserve to be part of Le Marcelle." Umiling siya. "But I'm sure, hindi ka magsisisi na tinanggap mo si Trisha. I heard A lahat ng internship mo sa Singapore at Thailand?" Tanong niya sakin.
Halos sumuka ako ng rainbow sa saya. "A-A-A Oo eh." Uminit ang pisngi ko.
Pinupuri ako ni Sir Jayden!
"Sorry, Jayden, pero ako ang masusunod dito-"
"Yeah, I get it, Troy." Tapos tinalikuran kaming dalawa ni Troy.
Halos magtatalon ako sa tuwa dahil pinaglaban ako ng gwapong si Sir Jayden. Tahimik si Troy na tinitignan ako habang pinipigilan ang pag burst.
Tinuro niya ako at, "Crush mo siya."
Napasinghap ako, "Ano ngayon?" Uminit ang pisngi ko.
Ngumisi siya. Malademonyong ngisi. Tumindig ang balahibo ko nang nakita ko ang mata niya.
Pure evil. I'm not sure which of the seven deadly sins... ang sin niya.
"At ano namang nagustuhan mo sa kanya?" Tumaas ang kilay niya.
"Wala ka ng pakialam dun!" Tumingin ako sa malayo. Sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon.
Ngumisi siya lalo.
"May pang bablackmail ka sakin, may blackmail din ako sayo. Paano ba yan?"
Namutla ako sa sinabi niya, "Troy! Utang na loob, professor siya. Hindi pwedeng magkarelasyon ang estudyante at professor kaya wa'g mong sabihin kahit kanino, lalo na sa kanya."
Halos umusok yung ilong ko nang sinabi ko ang salitang 'relasyon'! Ako at si Sir Jayden, may relasyon? KYAAAA! Mahihimatay na yata ako sa kilig.
"Pwes ano ngayon kung sabihin ko nga?" Tanong niya.
"Edi ikakalat ko yung sex scandal mo!"
Umiling siya at sumimangot, "God! I really, really hate you! Diyan ka na nga!" Sabi niya at iniwan ako.
"Troy!" Sinundan ko siya.
"What?!" Masungit niya akong nilingon.
"Ibalik mo ako sa school!" Utos ko.
Umiling ulit siya, "Freak!"
Sumimangot ako.
"Wa'g mo akong lalapit-lapitan sa school ah? Kahiya ka!" Aniya.
"Huy! Excuse me! Baka ikaw pang lumapit sakin. Kapal muks mo! Nilapitan lang naman kita para makapasok ako sa Le Marcelle. Yun lang yun. Baka akala mo isa ako sa fanatic sayo, nagkakamali ka huy, hater mo ako. Tseh!"
"Ang ingay ingay ng bunganga mo. Grabe ka!"
Buong drive papuntang school, halos mabilang na ang mga ngipin ko sa kakangiti. Siya naman, mura nang mura sa kahit anong bagay. Badtrip masyado si senyorito!
"Bakit ba sobrang galit mo? Ano bang problema mo?" Sabi ko nang nakangiti.
Nanlilisik ang mga mata niya nang ibinaling niya ang tingin sakin, "Pwede ba? For once, just keep quiet?" Umiling siya at nagmura ulit sa traffic.
"Para kang Araw-Araw May Dalaw." Humalakhak ako.
Ibinaling niya ulit ang tingin niya sakin.
"Araw-Araw May Dalaw. Mr. Araw-Araw May Dalaw." Tumawa pa ako lalo.
"God damnit! Shut up, Trisha! Ang ingay mo!" Ginulo niya ang buhok niya.
Masaya talaga pag badtrip ang taong hate mo ano? Music to my ears ang galit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top