37 - BOMB

Jisung's

Nung marinig namin ang usapan ng dalawang kalalakihan kanina. Agad kaming nagkatinginan ni Jinyoung. Parehas ang inisiip na baka yung black na bag malapit sa upuan ng CEO ang bomba.

Agad kaming tumayo at nagtatakbo palabas.

Nakakahiyang lumapit sa CEO dahil baka isipin nila na mukha kaming tanga na may kinukuha sa likuran nya.

"Pano natin kukunin?". Tanong sa akin ni Jinyoung.

"Hindi ko rin alam pero kailngan nating gumawa ng paraan!". Ani ko dito. At tsaka tumingin tingin s apaligid kung ano ang maaaring makatulong sa amin.

Music Playing : "Cherry Bomb".

Iyan pa talag yung nagplay habang sumasayaw yung NCT sa stage.

Aha! Nakakita ako ng vacant seat malapit sa CEO kaya inaya ko si Jinyoung na maupo duon at aliwin ang mga tao malapit sa amin tsaka ko pasimpleng kukuhain ang bag.

Napansin ata ni manager na may kinukuha ako sa likod nya kaya pinaulanan nya ako ng confused look.

Agad naman akong nagkunwariang nagsisintas ramdam kong nakatingin parin ito. Ng maalala kong..

Wala palang sintas yung sapatos ko.

"Lasing kana ata Jisung ah hahaha." Batibsakain ni Manager kaya tumawa lang ako kahit awkward.

Nung tumayo ito agad kong kinuha ang Bomba.

Inaya kona rin si Jinyoung, agad kaming tumakbo papalabas at dahil malapit kami sa dagat kung baga ba boho duon namin ihinagis ang bomba.

Sa pag-aakalang iyun lang ang nag-iisang bomba at ligtas na ang lahat. Nagkamali kami.

Kasalukuyan kaming pahakbang ng biglang sumabog ang buong venue. Nagkatinginan kami, nahirapan mang huminga dahil sa usok at natutupong mga apoy sa ibang bahagi ng gusali pinilit parin naming makapasok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top