Chapter 3 - The Day
Blake's Pov
The day has come.
Nandito na kami ngayon sa campus namin kung saan kami magkikita kita bago kami pumunta sa creepy campus na napagbotohan ng klase namin at maraming tao ang excited na magpunta doon.
"Hey bro.." sabi sakin ni Roberto habang magmamadaling tumakbo papalapit sakin at may itinuro sakin sa likuran ko.
"Si Janna." sabi nito at nakita ko nga si Janna, nakasuot ito ng blue long sleeves at red na jogging pants na bagay na bagay lang sa kanya. Wala paring pinagbago ang itsura niya, nananatili parin itong baby face gaya ng huli kaming nagkita.
"Hi guys." maikling sabi nito pagkalapit sa amin at nakipagyakapan ito sa iba naming kaklase, bukod sa akin.
"L..long time no see, Janna. Kamusta?" pautal kong tanong sa kanya habang kinakabahan.
"Yeah, I'm fine and doing great sa career ko. How about you? Medyo pumapayat yata tayo hindi katulad ng dati before our, break up." sabi niya na ikinabigla ko, the way she talk now is parang nakamove on na siya. sana oils.
"Hehehe okay lang naman ako. How I glad na okay na tayo at nakakapagusap na kahit papano, hindi kagaya last year." sabi ko na ikinatingin nito sakin ng diretso. awkward.
"You're still so funny, Blake. Btw hindi naman na kasi natin dapat ginagawang issue yang break up natin, we're here now to enjoy our reunion slash vacation trip noh." sabi niya na ikinatawa namin pareho.
Ilang saglit pa ay nagsidatingan na ang lahat sa klase namin, actually batch mates kasama na din ang ibang section dati at nagpasya na kaming sumakay sa kaniya kanyang mga bus according sa section namin.
"Hey bro, kamusta yung pakikipagusap mo sa kaniya kanina?" bulong sakin ni Roberto habang nakahalukipkip ang mga kamay ko at nakapikit sa loob ng bus. Tinutukoy nito ang paguusap namin ni Janna kanina. ahmmp think faster, Blake.
"She's fine." maikli kong sagot na ikinahagikgik nito ng mahina. Alam kong may ibig itong sabihin pero hindi ko na ito inintindi at itinulog nalang ang buong biyahe.
Kamusta kaya siya.
--
Janna's Pov
Kamusta kaya siya.
"Bebe, pansin namin na kanina ka pa tahimik diyan magmula ng makapagusap kayo ni Blake kanina. Okay ka lang ba?" sabi ni Rosie na katabi ko sa upuan habang nagbabasa ng pocket book. Nakatulala lang ako sa labas habang dire diretso ang biyahe at totoo naman walang masyadong paguusap ang nagaganap sa buong bus mula kanina, kaya nagpasiya ako na kausapin siya.
"It's all about him again? Bebe, he hurts you so much. He make you fall inlove then he le--"
"Rosie can you stop for a while, I'm tired. Matutulog na muna ako." sabi ko na pumutol sa balak nitong ungkatin ang nakaraan, kaya nagpasiya nalang akong iset yung earphones ko sa tenga ko at dumukdok sa bintana ng bus.
--
After 2 hours.
"Andito na ba tayo?" tanong ko kay Rosie ng biglang huminto ang bus. Ngunit wala itong imik habang nakatalikod sa akin.
Lumingon ako sa paligid at nakita ko na napakaraming dugo sa labas at mga taong patay, kaya dali dali kong hinila paharap si Rosie sa akin para itanong ang nangyayare pero pagharap nito sakin, napakalamig nito, duguan at may kagat sa leeg ng kung ano man habang dahan dahang binigbigkas ang..
"B..be..bebe."
WAAAHHHHH!!!
--
"BEBE!" sigaw ng isang babae kasabay ng isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko dahilan para magising ako.
Binangungot pala ako.
"Take a rest, mukang masama ang napanaginipan mo ah. Bababa na tayo, sabi ni Sir Gaite kailangan pa daw nating sumakay ng train bago tayo tuluyan makarating sa campus. It will take 12 hours ang biyahe." sabi nito at inabutan ako ng inumin habang hinihingal padin ako at hindi makapaniwala sa napanaginipan ko.
--
"Welcome to WAMAC Train Station, this is your Operator for today as your trip in Sta. Cruzan Campus. Just sit back, relax and enjoy our trip, Reunioners." sabi ng boses sa loob ng train na boses pala ng driver nitong train na sasakyan namin. Nakakaamaze itong experience para sakin tutal ito palang ang unang beses ko na sumakay sa loob ng tren.
"Bebe, kumikinang nanaman yang mga mata mo. Nakikita ko, ayan oh nasisilaw pa nga ako." sabi sakin ni Rosie habang nakatulala ako, bagay na ikinatawa namin pareho sabay upo namin sa bakanteng upuang pahaba.
--
Blake's Pov
"Wow, ang ganda dito sa loob. Ang lambot ng upuan, ang lamig pa ng aircon." sabi ni Roberto na sumabay pa ang pagiging isip bata at nagtatatalon pa sa loob ng tren na hindi naiisip na pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Tumigil ka na Roberto nakakahiya." sabi ko kasabay na nakuha ng atensiyon ko ang kinaroroonan ni Janna, katabi nito si Rosie at dali dali akong lumapit sa kanila.
Pero..
May isang pamilyar na lalaki ang agad na umupo sa pwestong bakante at inakbayan nito si Janna.
Si Mico, ang campus heartthrob sa campus namin noong mga estudyante palang kami. Gwapo sya, varsity player at magaling kumanta kaya hindi na mapagkakaila na isa siya sa ng pangarap mga kababaihan sa section namin.
Ang sakit.
Agad akong lumayo at nakita kong tumingin sa direksiyon ko si Janna dahilan para hablutin ko si Roberto at dali daling tumakbo papalayo sa kinaroroonan nila.
--
>>NEWS FLASH
Pansamantala namin pinuputol ang programang inyong pinapakinggan para sa isang mahalagang balita ang dapat na malaman niyo.
Agad akong napatingin sa taas kung saan ibinabahagi ng operator balita mula radyong pinapakinggan nito.
Isang lalaki di umano ang nasagasaan sa isang highway sa kasagsagan ng gabi sa bayan ng Wamac at..
Hindi na namin natapos ang balita ng biglang nagkaroon ng malfunction sa radyo ng operator, dahilan para mabahala ang ilan sa amin. Ilang saglit pa ng mayroong pumasok na babae sa kwarto namin na sa palagay ko ay parang stewardess dala ang isang cart at inalok kami ng kape.
Time check 6:32 pm
Matutulog muna ulit ako.
--
"Good evening, Sir." sabi ng stewardess mula sa isang lalaking nagmamadaling dumiretso sa Cr. Ngunit sa hindi inaasahang bigla itong tumumba kasabay ng pagbula ng mga bibig nito at pagsi seizure ng matindi.
Agad itong nilapitan ng stewardess para kumpirmahin ang kalagayan nito.
Dahan dahang sinuri nito ang kalagayan ng nasabing lalaki at nagulat ito sa kaniyang nakita. May malaki itong kagat ng kung ano mang hayop sa bandang kanang braso at agad nitong binendahan.
Kumuha ito ng injection at vaccine para sa rabies sa loob ng cabinet at agad nitong nakita at iniayos para sa lalaking nakabulagta sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top