Chapter 10 - Rescue

"Run, Duck and Roll guys!" sigaw ko sa kanila at walang takot na sumugod sa kanila. Agad naman itong nakuha ang atensiyon ng mga zombie dahilan para sugurin ako.

"Run, Duck and Roll!" sigaw ni Roberto kasabay ng isang malakas na hampas ng hawak nitong baseball bat sa ulo ng zombie na papalapit sa akin.

Agad naman itong ginaya nila Mico, Ethan at Angelo at sumugod sa mga zombie, habang naiwan naman sila Janna, Raine at Joshua.

Run.

Duck.

Roll.

Hampas.

Tapos run ulit.

Halos hindi kami mahawakan ng mga zombie sa likot namin.

Malapit na naming marating ang kinaroroonan ni John.

--

"John, tara na!" sigaw ko habang palapit dito pero wala itong imik at nakatitig lang sa akin.

"John!" sigaw ko at hinablot ang kamay nito pero nagtaka ako kung bakit parang ang lamig nito, tumingin ako sa mga mata nito at kitang kita ko na iba ito sa normal na itsura ng mata ng tao. Para itong mata ng.

Zombie.

--

"Blake!" sigaw ng mga kasama ko ng bigla akong sugurin ni John at balaking kagatin ako pero mabuti nalang at naisangga ko ang hawak kong baseball bat at isinaksak sa bibig nito. Ngunit hindi parin ito maawat at sinusugod padin ako sa kabila ng kahirapan nito.

Maya maya ay naramdaman ako na may mga lumalapit sa akin at idinikit nito ang muka nito sa akin, doon ko nalang nalaman na zombie pala ito kasabay ng isang malakas na hataw ng matigas na bagay ang tumama sa ulo nito dahilan para bumagsak ito. Paglingon ko ay nakita ko sina Mico at Ethan na palapit sa akin.

"ERRR!!!!!"

--

Janna's Pov

"ERR!!!!!" sabi ng boses malapit sa akin at nakita ko si Rocky ito na tuluyan ng naging isang zombie at kinagat nito sa leeg si Joshua.

"A..aray!" sigaw ni Joshua bago tuluyang bumagsak at patuloy na kagat kagat ni Rocky. Agad namin itong nilapitan para patayin ng bigla kaming sinigawan ni Blake.

"Janna, Reign, Rosie, lumayo kayo sa kaniya." sigaw nito habang patuloy na nakikipagbuno sa mga zombie. Maya maya pa ay tiningnan namin ang zombie at tapos na pala ito sa pagpatay kay Joshua at kasalukuyan namang nakatitig sa amin, na tila ba gutom na gutom.

--

Blake's Pov

"Kunin mo na yung susi kay John, Blake. Bilisan mo, kailangan nila Janna ng tulong" sabi ni Ethan habang hinaharap nila ang mga zombie na lumalapit sa amin.

"O..okay." pautal kong sabi at agad akong kumilos, hinugot ko ang baseball bat at walang takot na inihampas ng malakas sa ulo ni John dahilan para mapayuko ito. At dahil dun ay biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari last years at sa mga pang aapi nito sa akin.

"Para ito sa College days ko, makakabawi na din ako!" sigaw ko at pinaghahambalos ito hanggang sa mapadapa sa lupa at mamatay.

"Blake tama na!"  sigaw ni Roberto at inawat ako sa walang hanggang paghampas ko sa walang buhay na si John, sabog na ang ulo nito at hindi mo na makikilala sa kabila ng ginawa ko.

"Puntahan na natin sila Janna, nasa panganib sila." sabi pa nito at agad kong kinuha ang susi sa bulsa ni John at kumaripas na ng takbo papalapit sa kinaroroonan nila Janna.

--

Janna's Pov

"Hey girls, diyan lang kayo sa likuran ko at wag kang aalis diyan. Ipaubaya mo na sakin tong pagharap sa dalawang jutay na to." sabi ni Reign at ngumiti sa amin ni Rosie habang binabantay ang ikinikilos nila Rocky at Joshua na ngayon ay zombie na din.

"Ninja sword! Ninja slash!" sabi ni Roberto mula sa kung saan at hinampas ng baseball bat sa batok si Rocky dahilan para mapatumba ito at bumagsak sa sahig, kasabay naman ng isang hampas naman paharap sa muka ni Joshua ang pinakawalan ni Ethan na kagaya din ni Roberto na hindi namin alam kung saan nanggaling at nilapitan nito sila Reign at Rosie at agad na niyakap at kinamusta ang lagay. sana oils.

"Hey byy, kamusta." sabi naman ng boses mula sa likod ko at niyakap ko ito ng mahigpit. Si Blake ito kasama si Mico at Angelo at agad na kaming dumiretso sa Principal's Office kasabay ng iba pang mga zombie sa buong campus at ngayon ay palapit na ito sa amin.

--

"Hindi tayo maliligtas lahat sa dami nila, kailangang may manligaw sa iba para mas malaki ang tiyansang makaligtas kayo." sabi ni Roberto habang papaakyat kami sa hagdaanan ng second floor papuntang principal's office.

"No, bro wala ng mamamatay pa satin. Andito na tayo, malapit na at maililigtas na tayo." sabi ni Blake pero tila walang emosyon si  Roberto sa naiisip nitong paraan.

"Sigurado ka na ba talaga diyan?" tanong nito at tumango si Roberto bilang pagsangayon, bagay na ikinaiyak ng sobra ni Rosie.

"No, Dhie kung mamamatay ka din sasama nalang ako sayo. Mas gusto kong mamatay ng kasama ka kesa ang mabuhay ng wala ka." sabi nito at niyakap si Roberto.

"Guys malapit na sila kailangan na nating magmadali, maabutan na nila tayo tama na yang landian nyo. Horror po itong story at hindi drama, bawi nalang kayo sa series 3." sabi ni Ethan at nagpaalam na kami kina Roberto at Rosie, at agad silang tumakbo pababa at sinundan sila ng iba sa mga zombie habang kami naman ay tumakbo na sa papuntang office at madami parin ang mga nakasunod sa amin.

Mag iingat kayo Roberto at Rosie.

--

Roberto's Pov

Agad kaming bumalik sa Gymnasium at gaya nga ng pinlano ko ay may mga zombie na sumunod sa amin. hayy ang gwapo ko talaga masyado akong habulen.

Habang tumatakbo kami ay tiningnan ko ang muka ng mahal ko at kita ko dito ang takot at ganun din ang nararamdaman ko ngayon, pero wala na akong pake. Mamatay man o maswerteng mabuhay man kami dito ay okay lang dahil kasama ko siya at kuntento akong matapos ang buhay ko kasama siya.

"Mhie, andito na tayo." sabi ko at sinubukan kong nginitian siya sa kabila ng mga nangyari sa amin, ngunit wala siyang imik sapagkat ngumiti din ito sa akin ng pabalik at niyakap ko siya ng mahigpit.

"A..aray, Dhie wag masyadong mahigpit. Sumasakit kasi yung sugat ko sa balikat eh." mahinang sabi nito at agad kong tiningnan ang kanang balikat nito at totoo ngang may kagat ito. Napalunok ako ng laway ko at bumitiw sa pagkakayakap sa kanya saglit, tiningnan ko ang emosyon sa muka niya nakita ko ang kalungkutan dito na parang ito na ang huli.

"Mahal na mahal kita, Rosie." sabi ko at niyakap ko ulit ito ng mahigpit kasabay ng isang madiin at napakasakit na kagat mula sa leeg ko galing sa ngipin nito.

Paalam..

kita kita nalang sa series 3. sana meron pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top