Chapter 1 - The Continuation

Blake's Pov

A years after ng napanaginipan ko mas pinili kong lumipat ng school because of the sign that given to me.

FAST FORWARD>>

5 years later, wala akong balita sa nangyare tungkol sa campus na sinasabi ng panaginip ko, now I was graduated as a Engineer and mukang ang lahat ng yun ay panaginip nga lang.

"Blake, bro tulala ka nanaman." sabi sakin ni Roberto sabay tapik sa balikat ko na nagpabalik sakin mula sa pagkatulala.

"Pinapasabi nga pala ni Ma'am Elsa sa gc na magkakaroon daw tayo ng class reunion, sasama ka ba?" tanong pa nito na nagpaisip sakin para bumalik sa nakaraan habang ako ay nagaaral pa.

<<FLASHBACK 5 YEARS AGO..

"Andiyan na si Ma'am!" matinis na sigaw ni Patty habang papasok sa kwarto ng pinagaaralan namin.

"Bro, may assignment ka ba? Pakopya naman. Tinanghali ako ng gising nagkaroon kasi ng tournament sa Mobile Legends kagabi eh, ililibre nalang kita ng lunch mamaya." bulong sakin ni Roberto at dahil mabait ako ay iniabot ko ang notes ko.

"Ako din pakopya."

"Ako ren." sabi pa ng iba kong mga kaklase ko na sa akin din nakaasa sa Math.

"Good morning students!" sabi ni Ma'am Elsa, ang professor namin pagdating sa loob ng kwarto.

--

Recess.

"Eto na yung pagkain bro, salamat. Muntik na akong hindi makapagpasa, buti nalang pinakopya mo ako." sabi nito at inabot sa akin ang dala nitong burger at coke.

"Oh, look who's here. Ang weirdo kasama ang nerd guy na takbuhan ng mga assignments." sabi ni John, ang bully sa classroom kasama ang mga barkada nito at lumapit sa lamesa namin.

"Stop that, nananahimik si Mr.Big Eyeglasses oh. Eatwell." sabi naman ng syota nito si Shaine at tinitigan ako ng malagkit. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

--

After Class.

"Bro, tara sa comshop. May mga naghahamon sa akin ng laro kaso wala naman akong kasama, labanan natin." sabi nito habang naglalakad kami pauwi.

"Okay, sige. Tutal maaga pa naman, pero uuwi din tayo pagkatapos ah. Magrereview pa ako at may quiz pa tayo bukas." sabi ko at tinanguan niya. Hindi naman talaga ako marunong maglaro ng mga computer games pero wala namang masama siguro kung susubukan ko.

Agad kaming lumiko pagdating sa kanto papunta sa bahay namin at dumiretso sa Computer Shop na never pa akong nakapasok. Nang nasa tapat na kami ng pintuan dali dali akong nagtanggal ng sapatos, bagay na ikinapagtaka ng kasama ko.

"Hala hahaha, ano namang ginagawa mo? Bakit ka nagaalis ng sapatos mo?" sabi nito.

"Ahmp, may doormat kasi tsaka nakakahiya baka madumihan yung sahig pag pumasok tayo sa loob." sabi ko sabay pasimple nagkamot ng batok dahil sa hiya.

"Oy Robert, nakakatuwa naman yang kasama mo at nagaalis pa ng sapatos hahaha. Pero don't worry pate pwedeng magpasok ng sapatos, feel free kaibigan ka naman ng suki ko eh." sabi naman ng matandang lalaking lumabas, napansin siguro kami nito mula sa cctv sa labas.

"Blake, siya nga pala si Mang Marvin. Siya ang may ari nitong shop." sabi ni Roberto at nakipagkamay ako dito.

--

Pagpasok namin ay nagulat ako sa dami ng mga naglalaro, mga nanonood at mga nakikinood lang. Itinuro sa amin ni Mang Marvin ang bakanteng pwesto at saktong dalawa ito para sa amin. Umupo ako sa isang upuan katabi si Roberto at inopen ang pc

"Maglalaro tayo ng Rules of Survival, madali lang naman itong laruin. Wait gagawan muna kita ng account." sabi nito at hinayaan ko lang siyang magkalutkot sa pc ko.

Tumingin ako sa orasan.

Time check 4:40 pm

Maaga pa naman.

--

"Rush, rush na natin!" sabi ni Roberto at tinulungan ko ito sa pagsugod sa mga kalaban. nakakakaba!

At napatay kami.

nakakainis, sayang muntik na kaming manalo eh.

"Bawi tayo!" sabi ko at nakita ko siyang tumingin sakin na parang nagulat.

"O..okay." sabi nito at naglaro ulit kami, nananalo kami ng streak at napansin ito ng mga tao sa comshop at pinanood nila kami. win, we must win!

"Ang galing naman niyang kasama mo, pwede ba kaming sumali?" dinig kong tanong ng katabi ni Roberto habang naglalaro ako. Hindi ko ito inintindi dahil buong buo ang atensyon ko sa paglalaro hanggang sa..

Chicken Dinner.

Nanalo ulit kami.

Nakakapagod.

"Parang hindi newbie ang galawan ah, akalain mo yun inabot na pala tayo ng alas siyete sa pageenjoy sa paglalaro." sabi nito na ikinatawa namin pareho.

T..teka.

Alas siyete?!

Lumingon ako sa orasan at dun ko lang napagtanto na sira pala ito dahil naka set parin sa 4:40 pm ang oras nito. Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

It's already 7:08 pm at tadtad na ng text sila mama dahil sa pagaalala kung napano na ako.

damn!

Agad agad akong lumabas sa comshop at hinayaan na si Roberto na magbayad sa amin at dali dali akong umuwi sa bahay.

At..

"BLAKE FAULKERSON, BAKIT NGAYON KA LANG BATA KA HA? KANINA KA PA DAPAT NANDITO AH? NAG ALALA KAMI SAYO NG SOBRA, JUSMIYO KA!"

--

Someone's Pov

"Ang galing naman niyang kasama mo, pwede ba kaming sumali?" dinig ko mula sa isang player na nasa kabilang gawi ng kwarto. magaling pala ha?! sino kaya siya.

Akmang patayo na sana ako para lumapit dun sa tinutukoy nila ng may isang pamilyar na lalaki ang nagmamadaling lumabas at parang hindi pa nagbabayad. Nakita ko kasunod nito si Roberto at ito mismo ang nagbayad siguro sa kanilang dalawa.

--

Blake's Pov

Kinabukasan.

"Uy bro bakit bigla kang nawala, naubos yung perang iipunin ko sana dahil bigla ka nalang umalis." sabi ni Roberto habang naglalakad kasama ko papasok sa campus namin.

"Sorry late na din kasi, at saka ikaw ang nagimbita sakin maglaro kaya natural na libre mo yun." sabi ko na at napatapik siya sa balikat ko.

"Oo nga pala hehehe, hayaan mo na. Nanalo naman tayo ng ilang beses, ang galing mo pala hindi mo man lang sinasabi sakin." sabi nito na ikinatawa namin na maski ako ay hindi alam kung bakit at papaano ko nagawa yun. weird.

--

Pagdating namin ay nakita namin na may mga estudyante na nasa labas kabilang dito sila Mica, ang classroom President. Si Leo, ang Secretary. Si Rocky, ang Tech-Expert at si Shaine habang naghihintay siguro sa syota nito.

"Good morning Blake." sabi ni Shaine sa akin at nginitian ako. Nginitian ko din ito pabalik at pumasok na sa loob para makapaghanda na sa klase. Pagkapasok ko ay nakita ko ang isang babaeng kaklase din namin hindi ko nakakausap dahil sa nahihiya din akong magfirst move lalo na kung babae ang kakausapin ko.

She's cute.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top