Y

Nanginginig ang mga kamay ko nang pinihit ang doorknob ng hospital room ni Alvin. Matapos ang operasyon ay umuwi muna ako sa bahay. Kaya naman nang nakabalik na ako sa ospital ay double-double ang kabang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim at hinanda na ang sarili.

Binuksan ko na nang tuluyan ang pinto ngunit imbes na si Alvin at ang mommy niya ang makikita ko sa loob ay hindi. Isang attendant ng ospital ang nakita ko na nag-aayos ng kama.

"E-excuse me, miss. Asan ang pasyente dito?" Tanong ko at gumuho ang mundo ko dahil sa sagot niya.

"Nasa morgue na po ma'am."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Naramdaman ko rin ang panghihina ng mga tuhod ko. Napakapit ako sa sofa sa bandang gilid. Natulala ako sabay hikbi. H-hindi naging successful ang operasyon ni Alvin?

Tuluyan na akong napa-upo sa sahig. Hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Magmukha man akong katawa-tawa sa paningin ng iba ay wala akong pakialam. Parang pinipiga ang puso ko at dinidikdik ito ng martilyo. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na makayanan.

"Iyon po 'yung batang may dengue diba ma'am? Naku, di na po naisalba hindi po kasi nasalinan ng platelet."

Napabaling ako sa attendant at dahan-dahan na napatayo. "B-bata ang namatay?"

"Opo, siya po iyong huling pasyente na nandito sa room na ito."

Parang pinilipit muli ang puso ko nang marinig iyon. Naaawa ako sa bata. P-pero asan si Alvin kung ang bata na siyang huling nakaconfine dito ang namatay?

"Miss, may alam ka kung saan ang mga hospital room ng mga matapos lang operahan?"

"Katatapos lang po ba operahan ma'am? Tingnan n'yo po sa ICU."

Agad akong tumango. Right. Sa ICU. Ba't di ko iyon naisip?

"Condolence sa pamilya noong batang namatay." saad ko. May you rest in peace, child.

Lumabas ako ng hospital room na iyon at mabilis na nagtungo sa ICU. At nakita ko ang mommy ni Alvin na kalalabas lang doon.

Halos lakad-takbo ang ginawa ko palapit kay Tita. Medyo hiningal ako nang makarating na sa tabi niya.

"Gising na siya, hija." saad ni Tita at sinalubong ako ng malaking ngiti. "Maaari kang pumasok sa loob."

Tumango ako at bumaling sa nurse na siyang nakabantay. Pinasuot niya sa akin ang mga dapat isuot bago ako pumasok sa loob.

Nang buksan ko ang pinto ay kasing lamig ng kamay ko ang doorknob. Mabilis at malalakas din ang tibok ng puso ko. Pinagmasdan ko si Alvin na ngayo'y nakapikit.

Sabi ni Tita ay nagising na siya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa aking pisngi.

"Alvin..."

Naramdaman kong gumalaw ang  daliri niya at unti-unting bumukas ang kanyang mga mata.

"Sino ka?"

Agad na nalukot ang mukha ko sa naging pambungad niya sa akin.

"Nagpatransplant ka lang, hindi ka na na-comatose at nagka-amnesia." saad ko

Narinig ko siyang bahagyang humalakhak. Masuyo niya akong tinitigan. Pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"The doctor said that the transplant's successful." Maligaya niyang saad. "I guess I won the battle now."

Ngumiti ako at pinahiran ang mga luha ko na nag-unahan na sa pagtulo.

"You did, Alvin." saad ko habang ramdam ang kasiyahan sa puso ko. "You did win the battle."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top