Prologue

Leaving rehabilitation may lead to perspective that someone is getting better but, the real temptation lies beyond the white-wall institution.

///

A HEAVY THUD echoed into the dusty glass walls as Ralph's head hit against it. Kaharap niya ang lalaking naka-itim na jacket na siyang nagtulak sa kanya. Napasinghap ang binata sa pag-untog ng kanyang ulo sa hindi madaling mabasag na salamin. Ramdam din nito ang mainit na singaw ng araw na tila ba inaabsorba ang kabuuan ng katawan niya.

Agad namang hinawakan ng dalawa pang misteryosong lalaki ang magkabilang braso ni Ralph upang hindi na makawala pa ang binatang matagal nilang pinaghahanap. Ito na ang pagkakataon ng grupo na bumawi sa binata.

Nang klaro na sa kanyang paningin ay pinagsusuntok ng kaninang lalaki ang sikmura ni Ralph.

Kahit ayaw ipakita ay bakas na sa mukha ni Ralph ang pananakit ng kanyang tiyan. Gusto nitong punasan ang lumabas na dugo mula sa kanyang bibig subalit mahigpit ang kapit sa kanya ng dalawang dambuhalang lalaki. Kung wala sana ang dalawang kamay na nagpupumiglas sa kanya ay kayang-kaya nitong patumbahin ang demonyong pumasok sa condo unit niya.

Ten minutes ago, aalis na dapat siya upang magtungo sa bahay ng kaibigan nang bumulaga sa pintuan niya ang apat na miyembro ng gang kung saan siya kabilang dati. Subalit heto siya ngayon, parang pulutang pinagpasa-pasahan.

May balak pa siyang magsalita kung hindi lang dahil sa panibagong suntok na tumama sa tagiliran niya.

"I'm just testing how sturdy this wall is," nakangising wika ng lalaki habang mahigpit na pinipisil ang balikat ni Ralph sa pader.

"Matibay 'yan 'coz it's bullet and shock proof." Sinagot ni Ralph ang lalaki na para bang walang iniindang sakit.

Parang hindi pa sapat ang pamumula ng upper abdomen ni Ralph kaya't isang upper-cut ang pinakawalan ng nagliliyab na lalaki. Maririnig sa kabuuan ng unit ang pagtama ng ulo ni Ralph sa matigas na glass wall. Wala pang limang segundo ay nakaramdam na ng pagkahilo ang binata. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Ang pinakaayaw nito ay ang makita ang tagumpay na ngiti ng kalaban habang siya ay nilalamon ng pagiging talunan.

Nang matiyempuhan na nawawala na sa ulirat si Ralph ay lumuhod ang pang-apat na lalaki upang tanggalin ang susi na nakasabit sa pantalon nito.

"What the fuck are you doing?!" pagalit na sigaw ni Ralph. Sinisipa-sipa pa nito ang lalaki kaso biglang tumama muli sa mukha niya ang kamao ng isa.

"Boss, eto na 'yung susi." Nang matanggal ay iniabot ng ika-apat na lalaki ang susi sa lider. Tinernohan ng itim na leather jacket ang itim na sumbrerong nakapatong sa ulo niya. Bakas ang kaisa-isang kulay gintong ngipin niya, nagniningning ito kung masinagan ng araw.

Isang tawa ang umere sa kabuuan ng kwarto. Pinaglalaruan ng lalaking naka-jacket ang susi sa middle finger nito.

"Fuck you." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ni Ralph. Wala siyang laban, alam niyang talo na siya. Kahit magpumiglas pa ay wala itong magagawa; madaragdagan lang ang sugat sa katawan niya.

"Not my Heroine," patuloy ng binata, nagmamakaawa ang boses.

Hindi niya aakalaing ito ang una niyang gagawin matapos makalabas ng rehabilitation. Akala niya'y limot na ni Banerji ang mga utang niya. Subalit, nandito ang mga alagad —mga dati niyang kasama sa katuwaan na ngayo'y binubugbog na siya, tila may kanya-kanyang galit sa binata.

Hindi maiwasang ngumisi ng lider ng pangkat. Tuwang-tuwa itong makita ang nag-aapoy na mata ni Ralph. Mahigit isang taon na rin ang lumipas simula nang makita niya ito.

"Easy boy. I'm just teasing you." Tila kabayong nagwawala si Ralph nang pakalmahin ito ng lalaki. Agad na hinagis ng lider kay Ralph ang susi ng pinakamamahal niyang motorbike. Mahalaga iyon sa kanya dahil regalo ito ng kanyang paboritong lola.

"It's all yours. As long as this condo unit is ours," nakangising saad ng lalaki at dahan-dahang umikot upang pagmasdan ang malawak na living room ni Ralph. Pagkaharap ay dali-dali nitong sinipa ang tiyan ni Ralph na napaluhod na sa sobrang sakit.

♣♦♥♠

Nakabubulabog na metal music ang tugtog sa isang restobar na nakatayo sa isa sa mga busy streets sa Manila tuwing gabi. Kalalagpas lang ng maliit na kamay ng orasan sa siyam, nagsisimula pa lang magsidatingan ang kabataan at ibang nangangarap na mas bata pa sila kaysa sa tunay nilang edad.

Sa likod ng bar counter ay makikita ang dalagang hirap buhatin ang isang tray na naglalaman ng dalawang bucket ng beer. Walang gustong tumulong sa kanya dahil lahat ay inaasahan siyang gawin ang trabaho ngayong gabi. Hindi rin niya inaasahan na daragsa ang tao sa restobar sapagkat kinabukasan ay simula na muli ang unang semestre ng school year. Isinawalang-bahala ng dalaga ang pag-aalala, ang mahalaga'y magkaroon siya ng tip ngayong gabi.

"Erica, pakipunasan 'yung table nine, please," utos sa kanya ng nakasalubong na kapwa waiter. Tumango lang ito at ngumiti bago ilapag ang order ng grupo ng kabataan sa kanyang harap.

"Enjoy the night!" sagad sa tenga nitong bati.

Pagkatalikod ay agad niyang minasahe ang magkabilang pisngi. Kadarating niya lang kaninang umaga galing sa kanilang probinsya, wala pa siyang maayos na pahinga ngunit heto siya, nginingitian ang mga taong wala namang pakialam sa kanya.

Pagkabalik sa counter ay panibagong order na naman ang sumalubong sa kanya. Binasa nito ang papel na nakaipit sa plato ng mabangong sisig. Matapos makita ang numero ng lamesa kung kanino niya ibibigay ang order ay mahigpit na nitong hinawakan ang tray.

Malayo pa lang ay kita na nito ang tatlong lalaki na tahimik na nagkukwentuhan sa sulok ng restobar. May katandaan na ang mga ito kumpara sa mga kabataan na nagkakalat ngayon. Sa katunayan ay kilala na niya sa mukha ang mga 'yon. Isang araw sa isang linggo sila kung dumayo sa restobar, at aaminin niya, mataas magbigay ng tip ang mga mama.

"Hi, Sir." Binaba muna ni Erica ang tray sa katabing bakanteng mesa. Mainit kasi ang sizzling sisig kaya may pagdadahan siya sa pag-serve. Kumuha siya ng tissue upang hindi gaano mapaso sa dulo ng grill plate. "One sizzling sisi---"

Hindi natapos ni Erica ang sasabihin dahil bigla na lamang may dumaan na mataas na lalaki sa kanyang harap, nakalaglag ang mahaba at umaalon nitong buhok hanggang sa balikat. Hindi nakatulong ang piercing nito sa kilay upang mawala ang takot ni Erica.

Natulala pa ito bago tuluyang pumasok sa utak ang nangyari. Dahil sa pagkabangga sa lalaki ay natapon ang sisig sa damit nito. Malakas na mura ang nakapagpataas ng balahibo niya. Ang tatlong lalaki ay pinagmamasdan lang sila.

"S-sorry, Sir," nanginginig ang boses ng dalaga. Hindi ito kadalasang nangyayari sa kanya. Katunayan ito ang unang beses na may magawa siyang kapalpakan.

Namuo ang pawis sa gilid ng tainga ni Erica, mas malakas pa ata sa stereo ang mga malulutong na mura ng lalaki. Malamang ay napaso ang katawan nito sa init ng sisig, lalo pa't manipis na puting t-shirt lang ang nasa ilalim ng black jacket nito.

Idinikta ng adrenaline niya na punasan ng tissue ang puting t-shirt ng galit na customer. Napakagat siya sa kanyang labi dahil pati ang leather pants nito ay nadungisan ng mamantikang pulutan.

"Don't fucking touch me!"

Agad na umatras ang dalaga dahil sa malakas na paghawi ng lalaki sa kanya. Pansin nitong hindi na lang ang tatlong regular customers ang nakatingin sa kanila. Maging ang ilan niyang katrabaho at katabing mesa ay nakadikit ang atensyon sa kanila. Nang tumigil ang music pansamantala ay narinig nito ang bulungan.

Yumuko ito upang punasan ang madulas na sahig at kunin ang maliliit na piraso ng baboy.

"May problema ba?"

Marahan na tumingala ang dalaga. Mas lalong bumilis ang kabog sa dibdib niya nang makita ang manager na kausap na ang customer. Alam nitong malilintikan siya rito, napakadominante ng manager nila.

♣♦♥♠

Kung kaya niya lang pabalikin ang oras ay gagawin niya ngayon din. Ayaw nitong makaharap ang manager sa opisina nito, lalo na't may galit na customer.

Habang naglalakad papasok sa restricted area ay dinadasal na nito ang mga dasal sa rosaryo. It's her first time handling this kind of situation, Erica is not the usual problem employee.

Nakatayo siya ngayon kaharap ang lalaki. Hindi nito gaano makita ang itsura dahil natatakpan ito ng nakalugay na buhok. Ngunit ramdam niya na nag-iinit na sa loob ng kwarto.

Nakaupo ang lalaki sa malambot na upuan ng opisina. Magkalayo ang mga tuhod nito habang ang kamay ay minamasahe ang noo. Hindi mawala ang sakit ng ulo niya.

Samantalang ang manager ay nasa likod ng makinis nitong lamesa, nanlilisik ang tingin sa empleyado.

Sa sahig lang nakatutok ang mata ni Erica dahil ramdam nito ang intimidating na tingin ng customer. Alam niyang kung hindi pumagitna ang manager ay paniguradong mabubugbog siya nito. Pinaglalaruan niya ang mga daliri, binibilang ang segundo bago magsalita ang isa sa kanila.

Pekeng ubo mula sa manager ang senyalas niya upang magsalita.

"S-sorry, Sir. Pasensya na po talaga, hindi ako tumitingin." Kahit ilang pagpapaumanhin, alam niyang hindi mapagpatawad ang ganoong tipong customer. Mukha itong isa sa mga elitistang kabataan sa kanyang kolehiyo.

Nagtama ang mga mata nila. Agad itong umiwas at napatingin sa sugat sa labi ng lalaki. Sariwa pa ang pamumula nito na siyang nagpapahiwatig na kagagaling lang niya sa away bago pumunta sa restobar.

"How can you hire a fucking dumb waitress?" Sinuntok ng lalaki ang mesa ng manager ngunit napatikhim lamang ang lalaki sa likod ng mesa. "Makakarating 'to kay Samael."

Nanlaki ang mata ng dalaga. Si Samael ang may-ari ng restobar at ang nagpapasweldo sa kanya. Hindi nito kailangang malaman dahil baka tanggalin siya sa trabaho. Ayaw nitong makarating pa sa pinakamataas.

"You can just file a complaint, Ralph," suhesyon ng manager na halatang gusto na rin matapos ito. Hindi sigurado si Erica pero alam niyang may takot din na namumuo sa dibdib ng boss niya. Ngunit hindi iyon ang nagpagulat kay Erica. Hindi niya inaasahang kakilala nila ang isa't isa. Malilintikan na talaga siya.

"Sir, babayaran ko na lang po kayo sa damage."

Malinis ang record ng dalaga, ayaw nitong mabigyan ng complaint dahil mababawasan ng porsyento ang sweldo niya. Kapag dalawang complaint sa isang buwan ay kalahati na lang ang matatanggap niya. Kaya naman gagawin niya lahat makakuha lang ng buo. Ito ang pantustos niya sa araw-araw. Dahil sa trabahong ito kaya siya nabubuhay.

May kinuha siya sa bulsa ng pantalon. "Heto, Sir." Binilang nito ang tigbebenteng papel. "Galing sa tip ko, kung kulang pa ay babayaran ko po sa susunod na sweldo."

Nakatitig lang si Ralph sa gusot-gusot na kahel na papel bago pakawalan ang sarkastikong tawa. "Is she serious?" Humarap ito sa manager at mapanlokong umiling.

Napakunot lang ang noo ni Erica, nangungusap ang mata sa boss niya na tulungan siya.

"Woman, do you think I'm that cheap to wear a shirt worth of your tip for a night?" he hissed. "Give me one thousand or I'll give a complaint."

Binilang ni Erica ang nakuhang tip para sa gabing 'to. Kulang pa siya ng 700 pesos. Sa likod ng isip ay gusto na nitong tadyakan ang lalaki. Puting t-shirt lang ito pero isang libo na ang halaga? Hindi siya makapaniwala. Ipaglalaban nito ang tama.

Bago pa magtipon ang tapang sa kanyang katawan ay ninakaw na ito ng malalamig na tingin ng lalaki.

"Remember, you're the reason I won't get laid tonight." Hinawi pa niya ang buhok. Hindi mawari ni Erica kung seryoso ba o nanloloko ang tingin ng lalaki.

Binuksan ng manager ang drawer sa lamesa at inilabas ang complaint paper. "I'm really sorry about this Ralph. Don't worry, she'll be penalized accordingly."

Kakaibang ngisi lang ang pinaandar ni Ralph habang pinapaikot ang ballpen sa mga daliri, hinihintay magmakaawa ang babae. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa dalagang akala mo'y nakakita ng multo sa sobrang takot. Aaminin nitong sa una ay nagalit siya, hanggang ngayon ay banas pa rin ito sa nangyari, pero natutuwa itong makita ang sindak nitong ekspresyon.

"W-wala pa akong pambayad ngayon, Sir. Bukas po, susubukan ko..."

"Ano? Papabalikin mo pa ako bukas? It's now or never, missy."

"Meron po ata akong extra shirt sa locker. Kung gusto mo... pampalit pansamantala, tapos bukas..." Bakas na ang panginginig ng katawan at boses niya. Tila hindi na gumagana nang ayos ang bibig niya. Lahat ay handa niyang sabihin mapilit lang ang lalaki.

"Stop it! He will file a complaint so you can go back to work, now!"

Malakas na bumuntong hininga si Erica. Bago pa pumasok sa opisina ng manager ay alam na niyang ito ang kahahantungan. Kahit anong pagsasalita niya ay hindi na nito mauudyok na mapabago sila ng isip. Mukhang kailangan na lang niyang panindigan iyon.

"Alright. Let's go to your locker."

♣♦♥♠

Nakasuksok ang ulo ni Erica sa maliit na parihaba niyang locker. Walang kahit na anong t-shirt siyang pwedeng maibigay sa lalaking kasama niya ngayon sa employee rest area. Ang tanging laman lang ng locker niya ay ang luma niyang brown body bag. Hindi nito alam kung paano sasabihin sa lalaki na wala siyang maibibigay na pamalit lalo pa't naghuhubad na ito sa likod niya.

Tumikhim muna siya bago umikot. Nilakasan niya ang loob. Ipinasok sa isip na hindi niya na matatakasan ang kasalanan niya ngayong gabi. Kailangan niyang harapin ang complaint sa kanya. Hindi naman siya perpekto kahit pa pinipilit niyang maging employee of the month.

Tila nakain nito ang dila nang makitang wala na ang pang-itaas ng lalaki. Pinampunas pa nito ang t-shirt sa mamantikang parte ng leather pants. She can't take her eyes off the snake tattoo right under the neckline of him down to his bared chest. Erica gulped as she strayed her eyes down. Tuluyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang malalaking pasa sa toned abdomen nito. Hindi malayo dito ay ang isa pang tattoo na bungo na kasing laki ata ng palad niya. Hindi niya makita ang kabuuan ng tattoo dahil ang kalahati nito ay natatakpan ng pantalon ng lalaki. When he intentionally stretches his arms upwards, she noticed another tattoo on his inner left arm. Hindi ito kalakihan tulad ng iba ngunit may mga salitang nakalahad doon na hindi niya mabasa.

At that moment, she knows he is danger.

Isa siya sa mga barumbadong lalaki na walang ginawa kundi makipag-away. How did she not see it? Mula sa buhok, leather jacket at pants, piercing sa mukha, at tattoos na nagkalat sa katawa nito. Kung judgmental siya, pwede niyang sabihin na ex-convict ito. Lalo pa't ito ang unang beses na makita niya ang lalaki sa bar. Isang taon na siyang nagtatrabaho pero ngayon lang lumitaw ang lalaki upang guluhin ang maayos niyang gabi.

Sinuot muli ni Ralph ang leather jacket ngunit tinapon na ang maduming damit. Gano'n pa man, bukas pa rin ang katawan niya sa paningin ng lahat-sa paningin ng babaeng katapat niya.

Kusang lumabas ang ngisi sa labi ng binata nang makitang nakadikit lang sa katawan niya ang mata ng babae. Malas siya ngayong araw kaya nga't pumunta siya sa bar upang mag-desensitized, to look for pleasure that can help him forget that he's now homeless. Pero ang baguhan na waitress sa paningin niya ay mas lalo lang sinira ang gabi niya. Kaya ngayon, he will just get back at life by getting back at her. Afterall, it is all the dumb-lady's fault.

He does not find her attractive. One cannot easily single her out of the crowd because she does not belong in there. Her dull appearance with her straight hair down all over her chest shouts ungroomed. Her rectangular old glasses did not help her, as well. As matter of fact, for Ralph, it just made her look dork and naïve. The man would think that her body can compensate everything on her face, but the terror just thrives him more.

He sighed. He wished for a tiny tingling sensation but all he can feel is the pain in his stomach. Naalala niyang hindi pa pala siya nakakatikim ng alak ngayong gabi. Sinuksok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon upang kumuha ng isang stick ng sigarilyo at lighter. Sumandal ito sa pader habang pinagmamasdan ang dalagang kumpulin ang kanyang mga salita.

Tumikhim muli si Erica. Sanay na ito sa amoy ng sigarilyo dahil pupwedeng manigarilyo sa loob ng bar. Ngunit ibang usapan na kapag nasa rest area. Nagtitimpi ito dahil hindi niya kayang kausapin ang lalaki. Nasa iisang kwarto lamang sila, napakaliit na hindi mo man lang maihaba ang dalawang kamay mo. Kahit may namamagitan sa kanilang espasyo ay pakiramdam niyang napakalapit nila sa isa't isa. Lalo pa't sa kanya binubuga ng lalaki ang usok.

"Bawal po manigarilyo rito, Sir," bulong niya. She doesn't know if he heard it. Sarili lang niya ang kausap.

"Where's the shirt?" Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kanya.

"S-sorry, Sir. Babayaran ko na lang po talaga." Nakayuko pa rin ito. Iwas na iwas sa matatalim niyang tingin.

"You owe me, Betty La Fea."

Before she can say anything, before she can tell him that it's not her name, the door is already swinging in and out of the room.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top