Chapter 8 • The Heroine

INIWAN AKO NI Ralph mag-isa sa nakakatakot na sitwasyon. Lahat sila nakatingin sa akin. Kahit nakayuko ay alam kong pinagmamasdan nila ako— nakasiksik katabi ng pader, kung saan ako komportable.

Gusto kong umalis pero hindi ko alam paano gumalaw. Pakiramdam ko maging ang mga elitistang papasok sa loob ay ayaw na madikitan ang katawan ko. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay makakita ng mga lalaking naka-Amerikana at mga babaeng madudulas ang kumikinang na mga evening gowns. Ang huling experience ko na isang formal event ay noong high school graduation ball na ginanap sa basketball court ng school.

"Miss, ikaw 'yung kasama nung lalaking naka-grey na Amerikana kanina, diba?"

Nilingon ko ang nakapormal na security guard. Tumango ako sa kanya.

Tinuro naman niya ako sa magandang babaeng nasa likod. Tulad ng iba, napakaliwanag ng suot nitong dress na bababa hanggang sa itaas ng sakong nito. Tumiklop na ang balat ko nang pagmasdan ko ang mga makinis niyang balat. Pwede siyang sumali sa beauty pageants dahil sa perpektong hugis ng katawan niya.

Banayad niya akong nginitian at dahan-dahang nilapitan. "Are you Ralph's plus one?"

Kailangan ko pang tumingala dahil sa taas niya. Siguro'y magkasing tangkad sila ni Ralph.
Hindi ko alam ang isasagot. Ayaw kong aminin na ako nga ang date ni Ralph. Dapat pala ay tumakas na ako kanina pa. Baka mamaya ay may malaki palang kasalanan si Ralph at ako ang paparusahan.

"By the way, I'm Raine, his Ate." Nakipagkamay ito.

Ate siya ni Ralph? Samantalang mas mukhang matanda si Ralph. Pero kung susuriing mabuti, may hawig nga sila.

"Erica po," pakilala ko sa sarili.

"Where is he? The program's about to start." Pabalik-balik din ang tingin nito sa relo.
Kinagat ko ang labi dahil hindi ko alam ang isasagot. Maging tuloy ako ay natataranta. Nakakainis talaga 'yang Ralph na 'yan.

"H-hanapin ko po."

"Really? Thanks." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "I'm really needed inside. I informed the security so pwede na kayo pumasok."

Kabaligtaran ni Ralph ang Ate niya. Katunayan, kabaligtaran ni Ralph lahat ng taong nakasalamuha ko ngayon.

Wala akong nagawa kundi maglibot sa hallway. Sa paghahanap ay napadpad ako sa kabilang dulo kung saan may glasswall na humaharang sa balcony. Nakatalikod ang isang lalaking nakapusod ang mahabang buhok. Nandito lang pala ang demonyong nang-iwan sa'kin.

Ipinadulas ko ang sliding glassdoor at nilapitan siya. Ngunit napaubo ako dahil sa usok. Mukhang ito na ang impyerno. Kung may asthma siguro ako, baka namatay na ako.

"Why are you here?"

Alam niya na kaagad na ako ang pumasok, ni hindi man lang siya lumingon. Nakatingin lang siya sa langit kaya't tumingala rin ako. Walang mga bituin, hinanap ko ang buwan pero hindi ko rin makita.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Inaya-aya mo ako rito tapos iiwan mo ako na parang pusa," sagot ko sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit kahit hindi ko gusto ang amoy. Ramdam kong kailangan ni Ralph ng kasama kahit pa gusto niyang mapag-isa. Kumapit ako sa railings at tumingin sa ibaba. Nasa balkonahe kami ngayon ng pangwalong palapag ng isa sa malalaking hotel dito sa Pilipinas. Hindi ko akalaing ang unang beses na makakatungtong ako sa ganitong lugar, si Ralph ang makakasama ko.

Hindi naman siya nagsalita at pinagpatuloy ang paninigarilyo. Doon ay napansin ko ang ashtray sa bandang dulo ng balkonahe. Binilang ko ang upos ng sigarilyo at napakunot ang noo. Hindi ko alam kung naduduling ako. Lima ang bilang ko. Wala pang isang oras subalit ang dami na niyang naubos. Kung sa kanya lahat ng 'yon, paniguradong lung cancer ang kahahantungan niya.

"Hinahanap ka na ng Ate mo," saad ko.

I heard him scoff. "Really, uh?"

"Magsisimula na," pagpapaliwanag kong muli. Kung ayaw niya ay pupwede namang umalis na kami. Hindi itong nagsasayang lang kami ng oras.

"So? They can start without me." Binalik nito ang upos ng sigarilyo sa bibig bago muli bumuga ng mabahong usok.

Napakapit ako sa magkabila kong bisig nang humampas ang malamig na hangin. Naalala kong wala palang saplot ang bahagi ng katawan kong kinasanayan na may manggas.

Tumingala muli ako sa langit. Mukhang malapit nang umulan.

"Anong sinabi sayo ni Tam kanina?" pagbubukas nito ng topic.

Inalala ko ang pangyayari. Iyon ang kauna-unahan na nakita ko siyang galit. Hindi ko akalaing masisigawan nya nang gano'n si Tam, kaya't hindi ko rin siya nasisi kung bakit gusto niyang lumabas ng kotse.

"Wala naman kaming pinag-usapan," sagot ko habang hindi mapakaling pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.

Totoo naman ang sinabi ko, kulang lang ang detalye. Pinagsabihan lang ako ni Tam na huwag masyadong lapitan si Ralph. Tinanong ko pa ito kung isa ba ako sa bibiktimahin ni Ralph na akala mong isa siyang serial killer. Pero hindi ako sinagot ni Tam nung oras na 'yon.

"Tell me about yourself."

Hindi ko inaasahan ang sinabi nito. Bakit bigla siyang nagkaroon ng interes sa'kin?

"What is your dream wedding?"

Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa kakaibang tanong niya. Bigla rin itong humarap sa'kin at dahan-dahang umabante. Kasabay ng paglakad niya ang pag-atras ko habang pinapadulas ang kanang kamay sa malamig na barandang gawa sa bakal.

"Do you want something like this?"

Tumikhim ako ng ilang beses dahil ramdam kong dumikit na ang likod ko sa dulong bahagi ng beranda. Wala na akong kawala sa titig at mapaglarong tono ni Ralph.

"A grand, fancy wedding?"

Sa wakas, tumigil na siya sa paglalakad. Subalit ang puso ko naman ang nagsimulang bumilis, katulad kanina nang isuot niya sa akin ang kwintas.

"W-wala pa 'yan sa isip ko." Yumuko ako dahil sa awkward na posisyon naming dalawa.

Totoo ang sagot ko sa kanya. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makapagtapos ng pag-aaral upang maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.

"You have no desire for romance?" Rinig ko itong tumawa, nangungutyang tawa.

"M-meron pero hindi sa point na gusto ko nang magpakasal!" Sa sobrang gusto kong ipagtanggol ang sarili at magsalita laban sa pang-aasar ni Ralph, napagtaasan ko ito ng boses.

Hindi ko naman maitatago na hindi ko natitipuhan ang ilang lalaking nakakasalubong ko. Mayroon din akong palihim na inspirasyon. Hindi ako isang halaman na walang nararamdaman. Katunayan ay naghihintay lang ako sa tamang tao.

"You're no fucking fun." Agad itong umalis sa harap ko para patayin ang sigarilyo sa ashtray.

"I-if I'm not fun, bakit pa ako nandito?" Hindi ko pa rin maalis ang taas ng pananalita ko. Subalit nadagdagan ito ng garalgal.

Bakit ako naiiyak? Anong nakakaiyak sa sinabi niya sa'kin?

Matalas ang tingin niya sa'kin. Alam kong hinahanda na nito ang boses para sa sasabihin.

"You wanna be the life of a party? Then, prove it!" Tinulak ako nito palabas ng balkonahe. "Act like my fucking date." Puro ang boses niya na tumatak sa isip ko. Hindi lang ito basta utos na pupwede kong balewalain. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay mas lalo kong naramdaman kung gaano siya kagaling kontrolin ang bawat galaw ko.

Mas mabuti pang ibenta niya na lang ang lamang-loob ko. Siguro nga kung ano pa ang pinakanakakahibang na iniisip ko sa kanya, 'yon pala ang pinakamabuting nagawa niya. Dahil ngayon, alam kong ako na ang biktima ng laro niya.

♣♦♥♠

Nang makapasok kami sa loob ay halos mapuno na ang mga bakanteng silya. Mabuti na lang at may nakareserba ng upuan para sa amin. Bukod sa aming apat ay mayroon pang apat na bisita na hindi ko kakilala ang nakabilog sa lamesa.

Umupo ako sa tabi ni Tam habang ang demonyo kong kasama ay sa kanan ko pumwesto. Napag-alaman kong sila na ang umorder ng kakainin ko na siyang pinagtaka ko. Wala akong ideya na ganito pala ang pamamaraan nila, pipili ka sa mga nakalistang menu, hindi tulad sa probinsya na buffet style.

May malaking vase sa gitna ng mesa. Puno ito ng iba't ibang kulay na bulaklak. Ang tanging kilala ko lang ay ang calla lily na mahahaba ang tangkay at ang namumulaklak na dilaw na tulips. Sa loob no'n ay may ilaw na nagbibigay ng kulay ng ginto.

Nasaan na ba ang groom at bride? Nakakahiya naman na dumalo ako pero hindi ko man lang alam ang itsura nila.

Ilang saglit pa ay may nilapag na pataas na baso ang waiter sa harapan ko. Kulay kahel ito na parang orange juice lang. Samantalang ang nakahain lang sa tapat nila Ralph ay ang walang laman na wine glass. Mayamaya pa'y unti-unti itong binuhusan ng alcohol ng waiter. Pansin ko pang mabula-bula sa tuktok nito.

Bigla kong nilingon ang inumin sa harap ko. Agad ko itong kinuha dahil nauuhaw na rin ako.

"Dahan-dahan lang, Erica. It's Mimosa." Turo ni Tam sa hawak kong baso. Sa pagkakaalam ko ay uri ito ng cocktail, isa ito sa mga menu sa Samael's.

Tatanggalin ko na sana ang mahigpit na kapit sa ilalim ng baso nang magsalita si Ralph. "Let her. You wanna have some fun, right?" Ngumisi ito sa'kin bago lumikha ng taginting na tunog ang dalawang baso namin na siyang pinagtama niya.

Nilagok nito ang champagne habang ang mata niya'y hinahamon ako.

Hindi ko pa nasusubukan ang Mimosa dahil hindi naman ako mahilig uminom ng alak. Katunayan, dalawang beses pa lang ako nakakatikim ng alcohol sa buong buhay ko. At ayoko na muling maulit 'yon, kahit ano pang uri 'yan. Pero gusto kong patunayan sa Ralph na 'to na mali siya ng akala sa'kin. Ayokong ipamukha na wala akong laban sa kanya.

"Oh, God, Erica." Ito lang ang narinig ko mula kay Tam nang tunggain ko ang kulay kahel na inumin. Halos gusto kong ibalik sa baso ang ininom ko nang malasahan ang after-taste nito.

Kitang-kita ko naman kung gaano kasaya si Ralph dahil sa hindi maipinta kong itsura. Doon ko napagtanto na kahit ano man ang piliin kong gawin ay pabor pa rin sa kanya. Kakaibang klaseng bully talaga siya.

"I'm proud of you, Erica." Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Bukal sa puso niya akong nginitian subalit agad niya rin itong binawi nang mabatid nito na pinapakita niya ang tinatagong sinseridad. "I'll get us more drinks." Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa niya kaya't gusto niyang umiwas o may binabalak pa itong ipainom sa akin na mas matapang kaysa sa cocktail.

Saktong pagkaalis ni Ralph ay doon naman inihain ng waiter ang mga pagkain namin. Inobserbahan ko lang ang maliit na plato na nasa tapat ko ngayon. Hindi ko mawari kung anong putahe ito, malamang ay Italian ito or French. Basta alam ko lang ay puno ito ng kulay berde na halaman.

"It's spinach salad and goat cheese with walnut. You're not allergic naman with nuts, ano?" saad ni Tam. Umiling lang ako habang winawari kung ano ba ang ibang sahog na nasa salad.

"Ito na ba ang dinner natin?"

"Oh, no!" Mabilis nitong winagayway ang kamay. "Appetizer lang 'to. I ordered you a filet mignon. Okay lang ba?"

Tumango na lang ako dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sinasabi ni Tam at ayokong magmukhang mangmang sa harap niya.

Habang pinoproseso ng utak ko kung gaano kasosyal ang mga tao rito at paniguradong hindi ako nababagay sa kanila ay nagdesisyon muna akong pumuntang restroom. Tinuro naman ni Tam ang direksyon kaso ay napakalaki nitong hall. Hindi ko alam kung aling pinto ang nginunguso niya kanina.

Masayang nagkukwentuhan ang mga bisita sa kani-kanilang lamesa. Ang ilan pa ay mukhang sarap na sarap sa kinakain nila na wala akong kaide-ideya kung ano. May ilan din na kinukuhanan muna ng litrato ang magagandang platings ng kanilang hapunan. Para talaga akong nasa fine dining restaurant, idagdag pa ang malumanay na tugtog ng saxophone sa harapan.

Napangiti ako nang makita ang pamilyar na hugis ng katawan. Kahit pa nakatalikod siya ay saulo ko na ang nakapusod niyang buhok at kulay ng suot na Amerikana. Naglakad ito papasok sa pintuan na patungong terrace ng hall. Hindi ko gaano kita ang labas ng terrace dahil sa mga kurtinang humaharang sa salamin na bintana. Binabagabag ako ng utak ko sa kung anong mayroon doon. Dinidikta ng paa ko na usisahin ito.

Siguro'y maninigarilyo na naman siya. Kailan niya ba balak tumigil? Mamamatay siya nang maaga sa pinaggagawa niya.

Dahan-dahan kong pinadulas ang sliding door upang hindi niya malaman na papalapit ako. Akmang ihahakbang ko ang kanang paa sa labas nang may narinig akong panibagong boses.

"When did you start lurking off like a stray cat?" Masyadong malalim ang boses na nanggagaling sa lalaking kausap ni Ralph. Hindi ko makita ang itsura nito dahil nakatalikod siya sa akin. Ang alam ko lang ay may nakakatakot na diin ng hangin ang pumapalibot sa kanya.

"Why do you care? The last time I checked, you don't seem to be fond of my life activities." Mas lalong nanlamig ang boses ni Ralph kahit pa kitang-kita ko ang pag-aapoy ng mga mata niya. Tila ba wala siyang takot sa lalaking kaharap.

"To be frank, wala akong pakialam kung tumakas ka or you made a deal with the head of rehab---"

"Oh, rest assured, Dad, I'm not like you and Lolo. I don't---"

Agad kong tinakpan ang bibig ko nang muntik akong mapasinghap dahil biglang sinuntok ng lalaki si Ralph. Parang wala lang ito sa kanya dahil inayos niya agad ang suot na relo, na para bang mas mahalaga pa 'yon kesa kay Ralph.

"Yes, you are nothing like me. Umalis ka na bago ka pa mag-eskandalong muli," pagbabanta niya kay Ralph.

Aalis na sana ako dahil baka mahuli pa ako ng nakakatakot na lalaki nang may pumasok na sa may dulong kabilang pinto. Kahit pa mukha itong nasa mid-50's ay elegante pa rin ang katawan niya. Ang bumubusilak niyang polseras ay nagpapahiwatig na isa siya sa mga importanteng panauhin ngayong gabi.

"Armand! Let's not cause a nuisance on your son's wedding!" Bakas sa boses ng Ale ang pag-aalala, mukhang nakita niya rin ang ginawa ni Sir Armand kay Ralph.

"Paalisin mo ang walang kwenta at adik mong anak dito, Melinda."

"No need, Mr. Real. I can escort myself out. Afterall, ayokong ma-disappoint na naman sayo ang father-in-law mo." Nagliwanag ang nakabubunsod na ngisi ni Ralph. Mukhang balak niya talagang inisin ang mama. Hindi ba siya nasaktan sa suntok nito?

"Armand!" Daing ng babae. Tumama na naman sa pisngi ni Ralph ang kamao ng mama. Kita ko pang hawak-hawak lang nito ang ibabang labi, nagdudugo ito.

"Don't you ever show your face again to this family, you understand? Burado na ang pangalan mo sa pamilyang ito!"

Madali akong napatakbo paalis sa pwesto nang makita ang lalaki na papunta sa direksyon ko. Agad akong nakihalubilo sa mga bisita. I looked over my shoulder to see if he's already gone. Laking gulat ko nang nakikipagkamayan na ito sa isang senator, para bang wala siyang sinaktan sampung segundo ang nakararaan.

Gaano kaimpluwensya ang pamilya ni Ralph at may bisitang malalaking personalidad sa kasal ng kuya niya? At kaano-ano ni Ralph ang lalaki kanina? Tatay niya?

Sunod na lumabas si Ralph kasunod ang babae kanina. Siya ba ang nanay ni Ralph? Bakas ang panaghoy nito para sa kanya kahit pa hindi siya pinapansin ni Ralph.

Pansin kong bumalik si Ralph sa table namin habang hindi pa rin mapakali. Mukhang may tinatanong ito kanila Tam subalit pag-iling lang ang sagot nila. Ramdam ko ang nag-iinit niyang emosyon kahit pa limang metro ang layo ko sa kanya.

Mabilis akong tumakbo papalapit.

"Saan ka galing?" Mariin ang hawak niya sa palapulsuan ko, dumadaloy ang galit sa mga mata niya. "Let's get out of here!" Marahas niya akong giniit patungong pinto. Narinig ko pa ang suway nina Tam at Steven sa kanya subalit sarado ata ang tainga ni Ralph.

Pinagtitinginan kami ng mga tao, hindi ko man rinig pero alam kong nagbubulungan sila. Gumagawa siya ng eksena. Dahil ba 'to sa nangyari kanina? Maging ako ay maiinis pero hindi sa ganitong paraan. Mas lalo lang siyang pag-iisipan ng masama dahil sa ginagawa niya.

Nakapasok kaming elevator na walang umiimik sa aming dalawa. Minamasahe ko ang palapulsuan ko na namumula dahil sa hawak niya. Pero kahit nasaktan ako, gusto kong haplusin ang likod niya para pakalmahin siya. Ngayon ko lang siya nakitang nag-uumapaw sa galit. Walang-wala ang sigawan nila ni Steven sa kotse kanina.

Siguro nga't wala na ako sa tamang pag-iisip dahil pilit kong iniintindi ang akto ni Ralph. Pero ito ang kailangan niya ngayon. Kailangan niya ng taong makakaunawa sa kanya. At siguro nga'y ako ang tao na 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top