Chapter 6 • The Heroine
HINALIKAN ATA AKO ng kamalasan ngayong linggo. Una, nakilala ko ang mokong na si Ralph Real. Ikalawa, naholdap ako kahit pa naibalik sa akin ang ninakaw. Pangatlo, muntik pa akong mamanyak ng lasing na drug addict. At panghuli, kailangan kong sumama sa Ralph na 'yon sa kasal ng kapatid niya.
Si Ralph ang puno't dulo ng lahat. Kung hindi siya humarang sa daraanan ko, hindi ko sana siya mabubuhusan ng sisig. Edi hindi ako magkakaroon ng utang sa kanyang puting t-shirt. Hindi siya magkakaroon ng dahilan para lapit-lapitan ako. Dahil hindi dapat namin kilala ang isa't isa ngayon.
Ang hindi ko maintindihan ay bakit nababalisa ako kapag malapit siya at kakaibang tumititig. Para bang biglang namatay ang makinarya sa utak ko at wala akong ideya sa dapat kong gawin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali dahil sa sinabi niya nung isang araw. Bakit naman kasi ako ang naisip niyang makasama sa kasal ng kapatid niya? Kasalan 'yon, ibigsabihin puro kapamilya niya ang nando'n. Hindi ko naman kilala ang mga 'yon. Bakit hindi siya maghanap ng iba? Hindi niya pa nga ako lubusang kilala.
Isa na ba talaga 'to sa patibong niya? Ako na kaya ang sunod niyang bibiktimahin? Kailangan ko na bang kumonsulta sa mga kaibigan ko?
"Hindi ka pa papasok?" Natauhan ako nang magsalita si Claire. Nakatingin lang siya sa repleksyon ko sa salamin habang nagsusuklay ito. Nakaupo lang kasi ako sa kama. Iniisip ang gagawin ko kung sakaling sumulpot si Ralph mamaya sa Samael's.
Sabado na ngayon. Kahit pa hilingin ko na huwag niyang maalala ang napag-usapan namin alam kong imposible na. Binalaan na ako ni Ralph kagabi. Kahit pa sabihin kong may trabaho ako, wala akong lusot dahil pinagpaalam niya na raw ako kay Sir A-ang manager ko.
"Okay ka lang ba? Namumula ka," pagtatakang tanong naman ni Heidi. Nagsisintas ito, mukhang may date na naman sila ng jowa niya.
"O-okay lang." Nangininig ako.
Paano kung hindi pala kasalan ang pupuntahan namin? Paano kung subasta pala at ibebenta niya ang organs ko?
"Huy, Eka!" Ang pagpitik ni Claire sa aking noo ang nagpabalik sa akin sa realidad. "Kung masama pakiramdam mo, huwag ka muna pumasok ngayon," pag-aalala niya.
"Hindi, okay lang ako." Sinubukan kong ngumiti kahit isang pitik na lang sa ngala-ngala ko ay masusuka na ako.
Nagpaalam na ako sa kanila bago pa umatras ang dila ko. Ngunit hinihiling ko na sana pigilan nila ako, na itago na lang nila ako sa loob ng kwarto namin ngayon.
Bawat hakbang sa hagdan ay binibilang ko. Ilang ulit na malalim na paghinga ang hinahabol ko. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na motor sa tapat ng gate ng dorm. Halos hindi ko makilala ang lalaking nakasandal doon. Bumagay sa kompleksyon niya ang kulay grey na suit jacket, parang nagpapahiwatig ito ng matipunong dibdib sa ilalim ng malalambot na telang 'yon.
Ramdam ko na bumaba ang pawis sa'king batok. Nakailang lunok din ako dahil sa abnormal na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba o dahil sa nakakapanibagong itsura ni Ralph ngayon.
Sunod kong napansin ang nakapusod niyang buhok, hindi buhaghag tulad ng normal na araw. Hindi ko tuloy makita ang pagsayaw no'n kasabay ang ihip ng hangin. The disturbing facial hair in his chin is also shaved, making his cleft chin more visible to the naked eye.
Hindi ako makapaniwalang kaaya-aya ang itsura niya. Pwede na siyang maging model ng Amerikana dahil sa porma niya ngayon.
Tinaas ko ang tingin sa mga mata niya. Wala ang piercing sa kanang bahagi ng kilay niya.
"Is that what you're going to wear?" Hindi niya tinago ang pagkadismaya.
Inayos ko ang sarili. "Wala namang mali sa suot ko dahil sa trabaho ako didiretso." Hindi ako makapaniwalang hindi ako nautal.
"You're really testing me, Betty La Fea."
Sinimangutan ko siya. Bakit ba 'yon ang tawag niya sa'kin? Kamukha ko ba talaga siya?
Bago pa ako makareklamo ay hinagis na niya ang helmet sa bewang ko. Umigik ako sa sakit. Naalala kong siya pa rin pala ang Ralph Real na natapunan ko ng sisig. Kahit anong mukha ang iharap niya sa'kin, mananatili pa rin siyang Ralph Real na laging may hinihinging kapalit. At lahat ng gusto niya ay sisiguraduhing makukuha.
At ayoko siyang pagbigyan. Pero paano ko gagawin 'yon kung sa bawat tingin niya ay nawawalan ako ng boses? Tila isang terror teacher na iniiyakan ko nung elementary.
"Sumakay ka na bago pa kita buhatin pabaligtad."
Katulad dati, wala akong nagawa kundi sumampa sa motor niya. Bago tuluyang mawala sa paningin ko ang gate ng dorm ay kitang-kita ko pa si Heidi na nakatingin lang din sa'kin.
Patay ako nito!
♣♦♥♠
Tumigil ang motor niya sa parking lot ng isang napakataas na building. Agad akong bumaba at tinanggal ang helmet. Sa wakas, makalalanghap na ako ng hangin, makahihinga na ako.
"Come with me."
Umunang maglakad si Ralph. At dahil wala akong alam kung nasaang lugar ako, wala akong nagawa kundi sundan siya. Tahimik ko na lang dinadasal na sana'y buo pa ang mga lamang-loob ko pagkalabas ng gusaling 'to.
Napagtanto kong condominium pala ito nang makita ang ilang mga tao na nakapambahay lang habang sumasakay ng elevator. Ang suot lang ata ni Ralph ang kaisa-isang nangingibabaw dahil sa pagkapormal nito. Mukhang hindi naman ito den ng mga nagbebenta ng ilegal na organs.
Walang nagsalita sa amin hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang pintuan, kaharap ang pamilyar na babae, habang pinapakilala ako. "Tam, this is Betty. Betty, Tam."
Kaklase rin namin si Tam sa Business Law, hindi ko akalaing magkakilala sila ni Ralph. Mukha kasing studious si Tam at hindi mo maiisip na kumakaibigan siya ng taong sisira sa pag-aaral niya, katulad ni Ralph.
"Betty?" Ngumiti ang babae sa tapat namin subalit bakas sa mata niya ang pagtataka. She has a bubbly cheeks and small face na napakaputi. Kahit ako, paniguradong hindi babagay na maging kaibigan ni Tam.
"Ay, hindi. Erica." Balisa ko siyang nginitian.
"Erica? Your name's Erica?" Bakas ang gulat sa mata ni Ralph. Seryoso pala na ngayon niya lang nalaman ang pangalan ko. Kaya pala puro siya Betty La Fea.
Bwisit.
"My gosh, Ralph. Hindi mo alam ang pangalan niya?" Wika naman ni Tam na halatang inis din sa inasal ng kaibigan. Mahina namang tumawa si Ralph na mas lalo ko pang kinainisan.
Isasama niya ako sa kasal ng kapatid niya na hindi man lang niya alam ang tunay kong pangalan? Nakahithit ata talaga siya.
"I don't know. I just named her Betty." Nilingon niya ako upang ngumiti. "She looks like a Betty, doesn't she?" Pumasok na ito sa unit na sa tingin ko ay pag-aari ni Tam. Naka-bathrobe pa kasi ito subalit maayos na ang pagkakapinta ng kanyang mukha.
"Ralph, she's not a pet or a doll," mahinang saad ni Tam na rinig ko pa rin.
"Can you do a quick make over?" Pagbabago ni Ralph sa topic.
Parehas silang naglakad papuntang salas kaya nanatili akong nakatayo sa may pintuan. Hindi ako makapaniwalang idadala ako dito ni Ralph para lang humingi ng favor kay Tam. Ako ang nahihiya dahil sa mga katarantaduhan niya.
"Pretty, please? You're all set already," rinig ko ang pakikiusap ni Ralph. Bakas ang pagkakunot ng noo ni Tam. Para bang may binubulong ang mga mata nito.
"Ah, Tam, okay lang. Aalis na lang ako." Sinubukan kong ngumiti sa kahihiyan. Ayokong maging pahirap kay Tam dahil lang sa kalokohan ni Ralph. Mas mabuti pang umalis na ako dahil simula't sapul, wala naman dapat ako rito.
"What? No!" Nagulat ako nang mabilis na pumunta sa pwesto ko si Ralph. Tapos ay madali niyang hinila ang pulso ko papalapit kay Tam.
Malakas na bumuntong hininga ang babae sa harap namin. Tila hindi niya matiis ang lalaki na mahigpit ang hawak sa akin. "Erica, halika." Inaya ako ni Tam sa isang kwarto.
Halos mapanganga ako nang makita ang nagliliwanag niyang makeup table. Ang alam ko artista lang ang may mga ganito. Hindi ko akalaing ganito kayaman ang mga kaibigan ni Ralph.
"Tam, okay lang talaga. Mas mabuti kung aalis na lang ako." Napakagat akong labi nang taasan niya ako ng kilay.
"How long did you two know each other?" Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya o retorikal ito.
Bago pa ako matapos sa pangungutal ay mahinhin muli siyang nagsalita. "Not long enough, I guess. Kasi kung matagal na, you'd know malilintikan tayo if we don't obey him."
Tumango ako. Ramdam ko ang sinasabi ni Tam.
"Did he force you to go here?" saad nito habang may hinahanap sa kanyang cabinet.
Tango lang muli ang sagot ko.
May nilabas ito galing cabinet. "Here. Wear this." Binalandra nito ang isang spaghetti straps white dress na napakababa ng neckline maging sa likod nito.
Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ganito ang tipo ko sa damit. Hindi na nga ako mahilig mag-dress, tapos masyado pang revealing ang estilo.
"It's fine! You can change at my bathroom." Tinuro nito ang banyo sa loob ng kwarto. Wala akong nagawa kundi dahan-dahang pumasok sa loob. Sa tingin ko kasi ay masyado nang bastos kung hindi ko pa siya susundin. Baka pati si Tam ay mainis na sa akin.
Lumabas ako ng banyo matapos magpalit. Hindi ako mapakali dahil ramdam kong masyadong nahahanginan ang dibdib ko, hindi tulad kapag t-shirt ang suot ko. Inangat ko nang kaunti ang damit kaso biglang humarang ang kamay ni Tam sa akin. Ibinaba nito ang damit kaya't hindi na komportable ang pakiramdam ko.
Tinignan ko ang sarili sa salamin, halos makita na ang nasa pagitan ng dibdib ko. Sa buong buhay ko, hindi ko akalaing magsusuot ako ng ganitong damit. Wala akong kumpiyansa sa katawan ko. Alam kong hindi bagay sa'kin ang ganito, pero kakaiba ang damit na bigay ni Tam. Para itong may mahika na nagpabago ng tingin ko sa sariling repleksyon.
"Buti na lang at kasya sa'yo. You know I can't really pull this off dahil masyadong masikip sa'kin? Nawalan na rin ako ng time magpunta sa gym," pagpapaliwanag ni Tam bago niya ako paupuin sa tapat ng makeup table. Kahit ano pang sabihin niya, maganda pa rin ang hubog ng katawan niya. Hindi masyadong patpatin, kagaya ko.
Sinimulan niya nang idikit sa'king mukha ang iba't ibang uri ng brush na makikita sa mesa. Hindi ko rin mahinuha kung anong klaseng makeup ang nilalagay niya sa mukha ko.
"So, kelan pa kayo naging close?" Bigla itong nagsalita.
"Ha?" Alam ko naman ang tinutukoy niya pero hindi ko alam paano siya sasagutin. Hindi naman kami close ni Ralph.
"Never ko kayong nakitang nag-usap sa school, that's why I'm wondering." Ramdam ko ang paghinga niya pati ang malambot na brush sa ibabaw ng mata ko.
"Ah, magkatabi kami sa business law." I gave the only plausible reason that I can explain. Alangan namang sabihin ko na may utang na loob ako sa kaibigan niya at ito ang bayad ko.
"Talaga? Kaklase ka pala namin."
I'm that invisible. Plano kong maging gano'n hanggang makatapos kaso biglang umepal si Ralph sa buhay ko.
"Totoo ba talagang may kasal?" Ang kapal ng mukha kong mag-open ng panibagong topic. Hindi naman kami ganoon pa kakampante sa isa't isa. Nangangapa pa nga lang ako. Subalit ang gaan sa pakiramdam kausap ni Tam, parang wala siyang gagawing masama sa buong buhay niya.
"Uh-huh..." I saw her nod. "Ikakasal ang kuya ni Ralph. Hindi ko pa nga rin 'yon nami-meet. Invited kasi si Ven kaya plus one ako."
Ven. Panibagong pangalan na naman sa tainga ko. Gusto ko pa siyang tanungin kung sino 'yon kaso mukhang tapos na ang free trial ko para ngayong araw. Tumango na lang ako at pinagpatuloy niya ang pagpapahid ng kolorete sa aking mukha.
"Not my best but here you go."
Napanganga ako sa repleksyon ko sa salamin. Tila hindi ko nakilala ang sarili ko. Parang bumata ako nang dalawang linggo o dahil lang wala akong salamin kaya tingin ko ay umayos ang itsura ko.
Upang makita nang masinsinan ay kinuha ko ang eyeglasses ko.
"Hep!" Inatras ni Tam ang salamin. Napaangat ako ng kilay sa kanya.
"Mas better if wala n'yan," pagpapatuloy niya habang may inaasikaso sa kabilang dulo ng table.
"Try these." Ipinakita nito ang contact lens. Kahit kailan hindi ko pa nasubukan magsuot nito. Pakiramdam ko kasi ay mahirap hubarin.
Nilagay niya iyon sa mata ko kahit muntik na akong maiyak. Para lang pala akong nagsuot ng hikaw, pakiramdam ko ay nadagdagan ng bigat ang katawan ko.
"Ayan! Better, diba?" Tumingin muli ako sa salamin with contact lens. Mas lalo akong namangha sa sarili. Mas maganda pa ata ako ngayon kumpara sa makeup ko noong high school graduation.
Nang matapos na kaming mag-ayos ni Tam ay lumabas na kaming kwarto. Doon ay nakasalubong namin ang hindi pamilyar na lalaki. Biglang lumaki ang ngiti sa mata ni Tam bago magdikit ang mga labi nila.
"Hello?" Bakas sa mukha ni Steven ang pagtataka nang humarap sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito. Nagtataka kung sino ako, bakit ako nakapasok dito, at kung anong ginagawa ko rito.
"Si Erica nga pala. Friend ni Ralph," pinakilala ako ni Tam sa boyfriend niya na sa tingin ko ay ang Ven na tinutukoy niya kanina.
"Really? I'm proud of you, Ralph. May bagong kaibigan ka na kaagad, kaka-start pa lang ng sem." Nilingon niya si Ralph na nakaupo lang sa sofa habang kinakalikot ang cellphone niya, ni hindi niya man lang ako tinignan.
Ano naman sa akin kung hindi niya ako lingunin?
"Hi, Erica. I'm Steven, Ralph's bestfriend, and this girl's boyfriend." Inakbayan nito si Tam. Nginitian ko lang siya at bumati rin.
Hindi ko alam ang susunod na gagawin dahil mukhang nagba-bonding pa sina Steven at Tam sa kusina. Ayoko namang makigulo pa kaya't lumapit ako sa inuupuan ng lalaking nagdala sa'kin dito.
Agad na tumingala si Ralph nang harangan ng katawan ko ang ilaw sa ceiling na siyang kumalbit sa katawang lupa niya.
He scanned me. Pakiramdam ko bawat detalye ng suot ko ay hinahanapan niya ng butas. Agad kong niyakap ang sarili nang mapagtanto kung gaano kababa ang neckline ng damit.
"Decent," tumango-tango siya bago ibalik ang atensyon sa cellphone.
Alam kong ganito ang magiging sitwasyon namin hanggang mamaya. Wala siyang kapaki-pakialam sa'kin kahit pa siya lang naman ang matino kong kakilala. Mas magmumukha tuloy akong gatecrasher.
Nakakainis. Bakit pa ba kasi ako sumama sa adik na 'to?
"What. Is. That?" Nakangiwing tanong ni Ralph habang nakatingin sa katawan ko.
"Bag ko," sagot ko rito habang kapit-kapit ang sirang strap ng bag ko.
"Get rid of that. It ruins you." Tumayo ito at akmang pinlantsa ang suot gamit ang kanyang kamay.
Ruin talaga? Kung tutuusin, siya itong sumira ng araw ko.
"Ayoko! Nandito ang gamit ko," I refused. Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko kaso itong si Ralph ay pilit hinihila 'yon sa katawan ko. Pakiramdam ko ay bibigay na ang pardibleng nilagay ko roon.
"Are you guys ready? Let's go," pag-anyaya ni Steven, palabas na ito ng unit. Naglalaban lang kami ng tingin ni Ralph. Parehas kaming ayaw magpatalo.
"Susunod kami," saad ni Ralph na pinipilit pa ring alisin ang bag ko sa'king katawan. Pinaalalahanan naman siya ni Tam na i-lock sa pinto. Pasigaw lang itong umoo.
"Bakit pa tayo susunod, bakit hindi pa tayo sumabay?"
May pinaplano ba siyang hindi maganda?
Pasimple kong kinakapa sa bag ko ang cellphone ko. Kailangan ko nang makahanap ng tulong.
Binitawan niya ang strap. "Iwanan mo na lang 'yung gamit mo rito. Babalikan natin mamaya."
Babalik pa kami rito mamaya? Paano kung magsara na 'yung dorm? Alas-siete na, anong oras pa kami makakarating sa venue? Anong oras magsisimula? Anong oras kakain? May program pa. Magsasayaw pa sila at ihahagis 'yung bulaklak. Baka pasado alas-dos na matapos.
"Hindi!" Pagpupumiglas ko.
"Pwede bang sumunod ka na lang. Late na tayo, oh!"
Napakamot ako sa ulo. Kinonsensya pa ako.
Wala akong nagawa kundi iwan sa center table ng sala ni Tam ang body bag ko.
"Come on." Mahina niya akong tinulak upang umuna maglakad.
Para namang tatakas ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top