Chapter 50.1 • The Hero
NADATNAN AKO NI ERICA sa unit ni Ate kanina dahil nalaman kong sinuplong niya sa kaibigan niyang may mataas na pwesto sa NBI ang patungkol sa grupo nila Banerji. It made me furious. God knows what he'd do to my sister sa oras na malaman niya kung sino ang naninira ng pinakamamahal niyang gang. The only rational thing I thought of was to speak with her to know her reasons, and to reason out na itigil na ang binabalak niya bago pa kumalat sa media. Pero naunahan na naman ako ni Erica at ng mabigat niyang problema.
Ngayon ay nag-aalala ako na baka may mangyaring masama kay Ate habang wala ako sa Manila. Mabuti na rin at nakuha ko ang kotse niya upang hindi siya ma-track ng mga hayop na 'yon.
Hindi ko alam ano ang pumasok sa utak ni Erica at nagtatanong siya ng mga tanong na hindi ko pa kayang ibigay ang sagot. Can't she just be content of what we have right now? Ilang beses ko ngang isinasawalang-bahala kada pumapasok sa utak ko na aalis siya. Can't we just be happy now?
Napilitan akong ngumiti nang salubungin kami ni Aling Tina. She's not that old—mukhang nasa mid-50s pa lang siya pero dumadami na ang puti sa kanyang buhok, medyo manipis rin ang mga ito—because maybe she always asks her apo or pamangkin or whomever to pull those hairs out. She's wearing an old printed duster and a pair of worn-out slippers.
"Eka, kumusta ka na? Halika kayo, hinihintay ka ni Tonton sa loob," aya niya.
Nilingon ako ni Erica kaya't sumenyas ako na susundan ko siya sa loob ng bahay. Two-story ito ngunit wala pang pinta ang labas kahit pa mukhang matagal na ring naipatayo. Nang pumasok ako sa loob ay mas madilim ang paligid kumpara sa kung ano ang dapat—dahil maging dito ay walang pinta ang dingding. I saw Tonton on the small couch, he's staring at the TV screen flashing a Tagalized anime series. Napigtal ang pagtitig niya sa 42-inch flat screen nang marinig niya ang boses ni Erica.
Lumuhod siya upang mapantayan si Tonton. I can sense on their hugs how much they longed for each other. Erica's voice is full of apprehensions. Now, I wondered if I made her more anxious earlier.
How would I know how to cheer up someone? I'm not good with nice words. Hindi ako katulad niya na alam ano ang sasabihin tuwing may malungkot na pangyayari. I still need help on mastering this part.
"Sino kasama mo, Ate?" Tonton asked. "Uy! Si Kuya Rap pala 'to, e." Lumiwanag ang mata niya.
"Ton, naaalala mo si Ralph? Siya 'yung---"
"Oo naman! 'Yung tagabantay ko sa ospital." Tinaas-baba niya ang kilay sa akin. Pilyo.
"Oo. Kapatid siya ni Ate Raine," Erica explained.
Nakilala na rin pala niya si Ate, kung gano'n.
"Kuya Rap, dala mo 'yung selpon mo?"
Agad na sinita ni Eka ang kapatid niya. Tinawanan ko siya at saka ginulo ang buhok.
"You know, what? Instead of playing games---"
"---Ano ba 'yan, Kuya. Pwede 'wag mo 'ko inglesin? Nasa Pilipinas ka, oh?"
Napakamot muli ang noo ni Eka dahil sa kapatid niya na siyang tinawanan ko lang ulit ang kakulitan.
"Fine. Pupunta tayong theme park. Nakapunta ka na ba ro'n?" Sinubukan kong pantayan si Tonton.
"Ano 'yun, Ate?"
Pinabalik-balik ni Erica ang tingin niya sa'kin at kay Ton. I know she's against on my suggestion but this is the only thing I can think that could help them forget their problem for a while.
Nang ipaliwanag ko kay Tonton kung gaano sasaya ang araw niya ngayon ay hindi na nakahindi pa si Erica.
♣♦♥♠
It's already past seven in the evening and Tonton still can't get enough of the rides here in the theme park. Ilang beses siyang nagpaulit-ulit sa Vikings ride, which made me wonder if he's scared of anything. O baka naman nagpapakitang-gilas lang siya sa Ate niya. He acts too mature for his age, anyway. Sa tingin niya ata ay teenager na siya.
I learned a new thing about Erica. Hindi siya mahilig sa rides—lalo na sa puro paikot-ikot lang. Halos hindi nga niya ako kausapin buong hapon matapos niyang sumuka sakay-sakay ng umiikot na duyan na rides. Maski ferris wheel ay hindi niya na-enjoy dahil bukod sa umiikot ay takot siya sa height nito. Ako tuloy ang madalas sumasama kay Tonton sa mga rides at siya naman ang taganood. Mas nagmukha tuloy siya ang third wheel.
Bago kami pumunta rito ay dinala muna namin si Tonton sa dinosaur theme park na pinuntahan raw ng mga kaklase niya noong fieldtrip pero hindi siya nakasama dahil wala silang pambayad. I can say that he really enjoyed that one more than the rides here, it's more kid-friendly. Sino bang matured na tao ang naaaliw sa mga hayop sa Jurassic Park?
Natapos nang pagbihisin ni Erica si Tonton dahil basang-basa ng pawis ang damit nito kaya't hinila ko sila papasok sa isang photobooth. Honestly, this is not my thing. Pero nung nakita ko ang 'yung dalawang magjowa na masayang lumabas sa booth, para bang nakaramdam ako ng inggit—which is not my thing too. It made me feel that I need to savor this moment with Erica.
We made ourselves comfortable inside the close-fitted booth, even the ceiling is too short for my height. Tonton is seating between Erica and I, he made funny faces on all those four quick shots. Erica's just smiling from ear to ear and left no trail of naughty poses. So, I decided to touch my lips into her cheeks on the last click of the camera. We both smiled after.
Hinati ko sa dalawa ang printed four-framed photo paper at ginambala ang panonood niya sa iba't ibang liwanag mula sa kalangitan. Nasa harap niya si Tonton at kung magsasalita ako ay paniguradong hindi niya maririnig dahil sa lakas ng tunog ng fireworks.
"Salamat, Hero," bulong niya sa'kin habang pinagmamasdan ang litrato namin.
I bit my lower lip to keep myself from kissing her right now. I sublimated my desire instead by holding her familiar hands.
"Stay." I'm not sure if she heard my murmur. She bent her head into my shoulder. So, I whispered louder, "Stay here... with me."
♣♦♥♠
Nagmaneho ako pabalik sana sa Nueva Ecija ngunit dahil mukhang pagod na si Tonton ay nag-suggest akong mag-stay na lang kami sa isang condotel sa Gapan. Tatlong floors lamang 'to at 'sing laki lang ng mga regular rooms sa mga motel ang kwarto. Dalawang kwarto sana ang kukunin ko ngunit sinabi ng receptionist na isa na lang ang available.
Hinayaan ko muna sila na ayusin ang sarili at nagpaalam ako kay Erica na magpapahangin sa labas; na alam kong sa isip niya'y maninigarilyo ako. Ngunit hindi niya alam ang tunay kong pakay—alamin kung sino ang laman ng kulay itim na ranger na kanina ko pa pansin na sumusunod sa amin sa Candaba pa lang. Subalit mas lalo akong nagulat nang makita ang dalawa pang Mazda (isang grey at isang deep blue ang kulay) ang nakatigil sa likod ng ranger.
I cussed in exasperation. I fuckin' know that deep blue Mazda, nakatatak na rin ang plate number niya sa'kin. Ang nasa shotgun seat ay ang parehas na lalaki na nangungang pagkaisahan ako sa unit ko noong unang araw ng pagbalik ko galing rehab. He's the right-hand guy of Banerji's long-list of underdogs. He calls himself Lucifer but hates it when others address him by that name. He prefers Lucy—sounds feminine, but that's the opposite of what he's capable of.
Hindi na ako nakaatras pa dahil isa-isa nang lumabas ng kotse ang mga alagad ng demonyo. Kung tama ang bilang ko, sampu silang naghihintay ng utos mula kay Lucy.
I'll be bulldozed if I won't ask for help.
Tangina. Si Erica at Tonton.
Hindi na sila dapat madamay sa kagaguhan ng kapatid ko. Yes, I know that they'll gang up on me again because Banerji heard the news. Naunahan na ako ng pakpak ng balita sa plano kong pakikipag-areglo kay Ate. Ngunit hindi ko alam kung ako ba ang inaasahan nila rito sa sasakyan ni Ate o siya mismo. Heck, it doesn't even matter right now. I just wish she's safe wherever she is.
Pinakiramdaman ko ang kilos nila at naglakad palayo sa condotel.
Sa masukal na esknita ng mababang condotel at katabing lumang office establishment ko sila dinala. I left Adrian and Steven a text message regarding Erica's whereabouts. If I won't survive this, I need to make sure that they would.
"Woah! Sumusuko ka na, Hero? That's not hero-like," saad ng kanang-kamay ni Lucy, sapat na para marinig ko at ng sampu pa niyang kasama. "Anong gagawin natin dito, Lucy?"
Alam kong walang laban ang matatalim na tingin ko sa kanila. But I tried not to show any signs of weakness to them.
"Hold him off." I heard Lucy's command. He's taller and heavier than me but he doesn't want to dirty his fingers as much as possible, especially without Banerji's order.
Nagpumiglas pa ako pero alam kong wala pa rin akong laban sa dalawa pang pamilyar na malaking katawan na mariing pinipisil ang mga kamay nila sa balikat at braso ko.
"Alam mo na siguro kung ba't namin ginagawa 'to, right?" pag-aangas ng kanang-kamay ni Lucy bago ako tadyakan. "You're involving NBI, huh? Anong pumasok sa makitid mong utak?!" He hit me with his right hand and I sure felt the big fucking letter ring on his middle finger.
Akala ko'y manhid na ako sa panununtok sa mukha ko ngunit wala atang kakayahang magpapatay ng pandama ang mga suntok nila.
"We can talk about this," I pled.
"Then, kneel." He looks at me as if I'm a scanty one-night stand who seeks for pleasure that my partner cannot provide.
"You know I won't fucking surrender, Diez." Sinigurado kong may kasamang dugo nang duraan ko ang makapal niyang jacket. Since he's so conceited, he won't accept me having the last strike. He punched me twice on the abdomen until another voice interrupted his exclusive premiere show.
Pansin ko ang lalaking sumingit na bumubulong kay Lucy. Why do I have a bad feeling even though his excuse saved me from spewing more blood from my mouth?
Lucy showed his lunatic grin at me. "What a dramatic turn of events!" He extended his arms—like some kind of magician that teleported his female partner back to the stage.
I heard a familiar voice begging to let herself go.
"Tumahimik ka, you sneaky bitch!" A guy with a stick of cigarette on his ear pushed her.
"Let go of her, cunt!" asik ko. Sinubukan kong kumawala sa malabakal na mga kamay.
"Easy, Ralph. We're not going to hurt your Little Miss Heroine," ani Lucy.
Nang idikit niya ang palad niya sa mga balikat ni Erica ay hindi na ako nakapagtimpi pa. "You fucking stop it, Lucy! Let go of your hands!"
He didn't listen. Kinuha niya lang ang cellphone ni Erica at hinagis iyon sa lapag bago apakan ng combat shoes niya. I heard Erica whimpered like a kitten, it got louder when another jab of rage knocked out the sensation on my left eye.
"Tumigil na k-kayo, p-please." She tried to speak straight but the terror from Lucy's eyes prevailed. "Paparating na ang mga p-pulis. W-Wala na k-kayong m-magagawa..."
"Not if we kill you first," Diez taunted.
Parehas kaming nabigla nang sipain siya ni Erica. Alam kong parang kalabit lang 'yon sa kanya but it triggered his fragile masculinity.
The other guy reached for her and wrapped his arms around her.
She's making this worse. Wala na akong sapat na lakas para magpumiglas pa sa mga 'to lalo pa't lumabo ang paningin sa isa kong mata dahil sa suntok ni Diez.
"Diez, tara na."
"Ano?!" Hindi siya makapaniwalang umaatras na ang lider nila. "Punyeta, Lucy. 'Eto na tayo, oh!"
"Iba ang utos ni Banerji. Hindi natin 'to sakop. Scatter."
When they finally let go of us and drove as fast as they could, I turned to Erica—who's bent down over the concrete to pick up the scraps of her cellphone.
Gusto kong magalit sa kanya pero masyadong masakit ang sikmura ko.
"Ralph, ayos ka lang?" Inalalayan niya ako.
"Yeah. Let's go." Umuna akong maglakad nang hindi na niya makita pa ang pamimilipit ko; hindi ko na rin kayang pigilan pa ang sakit.
"Nakuhanan ko sila ng video, Ralph. Kailangan ko lang makuha 'yung memory card sa cellphone ko tapos ay pwede natin silang isumbong sa pulis."
Kung wala lang akong sugat sa pisngi at mata ngayon ay mapapahilamos na ako sa inis.
"Stop it, Erica," I retort.
"Bakit ako titigil, Ralph? Hindi ba dapat sila, na walang-awa tayong sinaktan kanina?"
Hinarap ko siya. "How many times do I need to tell you that you mustn't do anything? Masyado kang nagpapakabayani!" I coughed then, swallowed a taste of blood. "In situations like this, you should ask for help. You should run on the other side. You must think of yourself!"
Nakita ko ang pagkukuyom ng kamao niya. "Gusto kitang tulungan, Ralph!"
"Hindi pagtulong ang ginawa mo, Erica. You just involved yourself more on this mess!"
"Gamutin na lang natin 'yang sugat mo," she sniffled. Hindi na siya nagtanong pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top