Chapter 5 • The Heroine

PASMADO ANG KAMAY ko habang tumatawid pabalik sa university. Nangangatog pa rin ang tuhod ko dahil sa sobrang kaba. Ramdam kong hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin ni Ralph ang galaw ko.

Ano ba talagang trip ng Ralph na 'yan? Naka-drugs ba siya ngayon? High?

"Ano 'yun?!" Mataas ang tono ng pananalita ni Claire nang makalagpas kaming pedestrian lane.

"Hah?" Patay-malisya kong sagot na pinakagusot na palusot. Paniguradong pagsasabihan na naman ako niyan. Akala mong may gagawin sa'kin si Ralph, na parang meron naman talaga.

"Bakit bigla-biglang lumapit sayo si Ralph Real? Huwag mong sabihing siya ang may kagagawan niyan?" Nginuso nito ang sugat sa leeg ko.

Umiling ako. Nagsinungaling ako at sinabi ko na nakamot ko lang 'yon, na masyadong mahaba ang kuko ko sa kamay. Ayoko naman kasing mag-alala pa si Claire.

Kinuha ko kay Claire ang bitbit na supot na punong-puno ng photocopy ng mga libro namin para ngayong semester. Wala kasi kaming sapat na pera pambili ng mga libro kaya nanghiram na lang kami sa library para ipakopya. Alam naming mali 'yon, pero ito lang ang naiisip naming wais na paraan para makatipid.

"Hindi ko talaga gusto ang Ralph na 'yan. Mukhang may iba pa siyang binabalak, eh. Basta, huwag mo na siyang kakausapin, okay?" sunod-sunod na bilin ni Claire na para bang nanay ko.

♣♦♥♠

"What? Nilapitan ka ni Ralph?" Napasapo ako sa'king noo dahil chinismis na ni Claire kay Heidi ang nangyari kanina. Katatapos lang ng klase kaya nagpapahinga na kami sa dorm ngayon bago ako sumabak sa trabaho.

"Baka ikaw na ang next na bibiktimahin," pang-aasar naman ni Heidi. Di ko na lang siya pinansin at nagsimulang mag-ayos para sa shift ko mamaya.

Notorious din kasi 'yang Ralph na 'yan bilang playboy-slash-fuckboy na kinababaliwan ng mga pa-famous na babae.

"Oy, Claire, bantayan mo si Eka, ah? Wag mong hahayaang mahulog sa patibong ni Ralph!" Pagseseryoso ni Heidi ngunit may bahid pa rin ng pagbibiro ang tono.

Bakit naman ako mahuhulog sa patibong ni Ralph? Alam kong hindi siya ang tipo ng lalaki na gusto kong sisirin.

"Walang dapat bantayan kasi hindi ko naman siya tipo," depensa ko muli. Hindi ako tanga para magkamaling mahulog sa imburnal. Hinding-hindi ako mahuhulog sa mga tingin niya.

"Binabalaan ka lang namin kasi matinik siya," dagdag ni Claire.

Bakit ba parang wala silang tiwala sa akin? Alam ko kung ano si Ralph at kung ano ang gusto niya. At hindi ko siya pagbibigyan basta-basta. Alam ko sa sarili na hindi mangyayari ang iniisip nila.

At saka, biktima kaagad? Baka pinagtitripan niya lang ako kasi bored siya-pero parang gano'n din 'yun. So, biktima talaga ako?

♣♦♥♠

Nag-aabang na ulit ako ng masasakyan. Nakatayo lang akong waiting shed. Sana naman ay wala nang mangholdap sa'kin ngayon. Kinakabahan talaga akong umuwi ngayon. Sa sobrang pag-iisip ko pa, talagang pamasahe at payong na lang ang dinala ko. Ihahampas ko 'to sa kung sino mang sumubok lumapit.

"Ang tagal!" Inis kong bulyaw sa kalsada. Sampung minuto na akong naghihintay pero wala pa ring jeep na dumaraan. Bigla ba nilang napag-usapan na huwag pumasada ngayong gabi?

Baka matuluyan na akong abutan ng curfew.

Maalinsangan na hangin ang tumatama sa balat ko. Wala na rin gaanong sasakyan sa paligid, kaaunti lang din ang taong naglalakad. Sarado na ang mga estbalisyamento. Gabi-gabi ganito ang sitwasyon ko. Nasanay na rin naman ako, ngunit dahil sa nangyari kagabi, bumalik lahat ng kaba at pag-aalala sa utak ko.

Mayamaya pa'y may dumaan sa harap ko na lalaking pagewang-gewang. Mukha siyang lasing. Mukha siyang mga nahuhuling adik na ini-interview sa balita at kung ano-ano ang pinagsasabi.

Napayakap ako sa sarili. Nagsitaasan na naman ang mga balahibo ko sa katawan. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Nabigla ako nang tumigil siya sa harap ko at matagal na tumitig sa akin. Nakakatakot na titig. Kitang-kita ko ang mga ugat sa mata niya.

Sinulyapan ko ang kalsada, nagbabaka sakaling may padaan na jeep, o kaya'y mawala sa akin ang atensyon ng mama. Subalit naabutan lang ako ng pagbukas ng bibig niya.

"Hi, miss," malamya niyang saad.

Napaatras ako nang bahagya itong lumapit sa'kin. Nakatitig pa rin siya, 'yong tipong gusto niyang hubaran ako sa mga tingin niya. Mahigpit akong napakapit sa'king damit. Pilit kong sinasabi sa utak ko na tumakbo, pero ayaw gumana ng fight-or-flight system ko. Katulad kahapon ay para bang naka-glue ang mga paa ko sa lupa.

"Nakarating ka na bang langit?" Tanong niya at malakas na humagikgik.

Nang naamoy ko na ang alak sa hininga niya ay tuluyan akong napatakbo palabas ng waiting shed kung saan ako nag-aabang. 'Yung tapang ko kanina, napalitan ng takot. Iba pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon ka na. Hindi mo na kaya maging matapang.

Napabitaw ako sa hawak kong payong nang hilahin niya ako pabalik at iniharap sa kanya. Ngayon pa lang iniisa-isa na ng utak ko ang pwede niyang gawin sa'kin. Nangingilid na ang luha ko at nagbibilang na lang ng segundo upang bumaba.

Naiisip ko pa lang na maaari akong maging headline ng balita, umaatras na ang dila ko. Gusto kong sumigaw ng tulong subalit mas natatakot ako sa kaya niyang gawin.

"Tumingin ka lang." Ngumisi ito at dahan-dahang tinanggal ang sinturon sa pantalon niyang sobrang baba rin naman ng pagkasuot.

Nilingon ko ang paligid. Wala akong mahingian ng tulong. Napaka-perfect timing naman talaga, oh. Mukhang sinuswerte ang manyak na 'to ngayong araw. Samantalang ako, dalawang araw nang hindi mahal ng tadhana.

Napapikit ako nang tuluyan niyang matanggal ang sinturon. Hindi ko magalaw ang katawan ko pero ang mga kamay ko ay malakas na ang panginginig.

Nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko. Ramdam ko sa'king pisngi ang magaspang niyang kamay, kita ko ang madumi niyang kamay at kuko na puno ng lupa. Napangiwi ako at pilit na iniwas ang tingin sa kamay nito. Pinandilatan niya ako na parang sinasabing pag-obserbahan ko ang ginagawa niya.

Tinanggal niya ang kamay sa'king pisngi pero alam kong may naiwang bakas ng kadumihan niya doon. Para akong na-paralyze dahil hindi ko maiwas ang mga mata na hindi tumingin sa kanya. Pinagmamasdan ko ang lasing na adik na manyak na binubuksan na ang zipper ng kupas niyang pantalon.

Kailangan kong ipunin ang boses ko at sumigaw. Kailangan kong lumaban. Ano na bang nangyayari sa sympathetic nervous system ko?

Nang maproseso ng utak ko ang nangyayari ay napagpasyahan na nitong ilabas ang nawala kong boses. Napakalakas ng sigaw ko, sigaw na hindi ko inaakalang magagawa ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam na may kakayahan pala ang boses ko na sumigaw nang gano'n kataas.

Pumikit ako at tumakbo patalikod sa kanya. Ngunit may nabangga ako kaya agad kong tinignan kung sino 'yon. Matangkad siya kaya napatingala ako. Nanlaki ang mata ko.

"What the fuck are you still doing old man? Fuck off!"

Nakarinig ako ng yabag papalayo. Agad naman akong umatras nang mapansin na nakadikit pa rin pala ako sa katawan niya.

Si Ralph na naman. Pangalawang beses na niya akong tinulungan ngayong linggo. 'Yung totoo? Coincidence lang ba 'to o may kinalaman siya sa nangyari?

Nanginginig kong kinuha ang payong kong limang hakbang ang layo. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari. Natatakot na tuloy akong lumabas tuwing gabi. Dalawang magkasunod na araw may nangyari sa'king nakaka-trauma.

"Are you okay?"

Tinignan ko siya. Inoobserbahan niya lang ako pero bakas na nag-aalala talaga siya. Totoo ba itong pinapakita niya sa'kin?

Pinunasan ko ang patak ng luha sa pisngi ko. Sinubukan kong sumagot pero nanginginig pa rin ako.

Hindi pa rin mawala ang pangamba sa dibdib ko. Paano kung balikan ako nu'n bukas?Paano kung may mabiktima pa siyang iba? Dapat ay isumbong ang lalaking 'yon sa kinauukulan.

"Here." Napatingin ako sa kulay itim na panyo na kanyang inilahad. "Punasan mo 'yang dungis sa mukha mo," dagdag nito.

Kinuha ko na lang iyon at hindi nagdalawang-isip na ipahid sa buong mukha ko. Lalab'han ko na lang.

"Do you want a ride?"

May halong pagtataka ko siyang tinignan. Nakangiti lang ito. Hindi ko tuloy malaman kung seryoso ba siya o hindi. Hindi naman ako sumagot at sinabayan na lang siyang maglakad. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumunod sa kanya. Bigla na lang kumusa 'tong mga paa ko. Siguro dahil sa sobrang takot. Labis akong nagulat sa pangyayari kaya mas ginusto kong sumama sa "lesser evil force."

Nandito kami ngayon sa parking lot ng RestoBar. Sinimulan niyang paingayin ang motorbike.

"Sakay na," nakangising wika ni Ralph.

Bumuntong hininga ako bago sumakay sa motor. Siguro naman hindi niya ako pinagtitripan ngayon? Napakatigas naman ng ugali niya kung gano'n. Baka naman may kabaitan din sa puso ni Ralph.

Agad akong bumaba nang makarating sa dorm namin.

Habang bumabyahe ay paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi nila Claire, Heidi, at 'yung mga pinaggagawa ni Ralph-ang pagtulong niya sa akin.

"Anong kapalit?" Diniretsa ko na siya. Paniguradong may kapalit 'to. Ito ang nabuo kong konklusyon. Hindi naman kasi pwedeng maging mabait lang siya bigla sa akin. May gusto siyang makuha pabalik.

"Kapalit?"

"Huwag ka nang magmaang-maangan. Binalaan na ako ng mga kaibigan ko tungkol sayo."

Paniguradong may binabalak siya.

"Sikat talaga ako, ha?" wika nito sa pagitan ng pag-ayos ng buhok. Nakatingin lang ito sa side mirror.

Ang yabang.

"Sabihin mo na," nakapamewang kong sabi at umaktong siga rin.

"Be my date." Humarap ito sa'kin.

Nandilat ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nakangisi lang siya habang may nginunguya sa bibig.

"Anong date?"

"Date, when you're together with someone in some place, can be romantic or not but---"

"Alam ko! Pero, bakit ako?"

"Because you asked for it."

"Asked for it?" Hindi ako makapaniwala. Kailan ko pinahiwatig na gusto ko siyang maka-date?

"Yeah. Wala naman akong hinihinging kapalit. But here you are, begging me to spend more time with you."

Ang kapal ng mukha niya!

"Hoy mister..." Napatigil ako dahil hindi ko alam ang susunod na sasabihin.

"Now, you want me to be your Mister?" Tumawa ito. Mukhang gustong-gusto niya akong paglaruan.

Malakas akong dumaing sa pagkainis sa kanya.

"So, we're good on Saturday, then?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay sinamaan ng tingin.

"Alright, for the sake of knowledge." Sumeryoso ito. "My brother is to be wed this Saturday and I need a date," pagpapaliwanag niya pa.

Hindi naman ako makapagsalita dahil pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya.

"Then, ciao." Pinaandar na nito ang motor.

Ito na ba ang simula ng kabanata ng pagiging kawawang biktima ni Ralph?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top