Chapter 49 • The Heroine
DALAWANG LINGGO ANG LUMIPAS at hindi na muli nabuksan ang usapin tungkol sa pag-alis ko upang magtrabaho sa ibang bansa. Walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Ralph, tila ba kinalimutan niya ang pag-uusap namin-ang nalaman niya. Takot na rin naman akong pag-usapan muli ito dahil maging ako'y hindi sigurado kung papayagan ako ni Papa na umalis ng bansa. Kahit pa madalas ang pagkontak ko sa kapitbahay naming OFW upang magtanong kung may balita ang agency nila.
Samantalang ang tanging update na narinig ko mula kay Papa ay magpahanggang-ngayon ay wala pa ring tumatawag sa kanya upang imbitahin sa isang interbyu. Mukhang parehas lang ata kaming minamalas.
Malas dahil ngayo'y tuluyan na akong sinisante ni Janaya dahil may nahanap daw siyang mas magaling kaysa sa akin. Hindi ko na sana ipapaalam kay Ralph ngunit naalala kong hindi na ako dapat magsikreto sa kanya kung ayaw kong pagmulan na naman ito ng panibagong diskurso. Sinabihan ko na lang din siya na huwag na pilitin si Janaya na kunin ako pabalik kung talagang hindi niya na ako gustong katrabaho. Dinagdag ko rin na hindi rin ako komportable sa paraan ng pagtrato sa'kin ni Janaya. Nangako naman siya na hindi niya kakausapin si Janaya tungkol do'n.
Hindi ako komportable kapag nag-iinit ang dugo sa akin ni Ralph dahil hanggang ngayo'y kinakabahan pa rin ako sa matatalas niyang tingin, kaya't hangga't maaari ay tumutupad ako sa usapan namin.
Kagaya ngayong gabi. Pinag-ayos niya ako dahil mayroon daw kaming "double date" kasama sina Steven at Tam. May kasamang kaba ang excitement sa dibdib ko dahil paniguradong maraming katanungan ang itatapon sa amin nu'ng dalawa. Lalo pa't ang tagal na nang huli naming pag-uusap. Nito ko nga lang din nalaman na nagka-ayos na sina Steven at Ralph.
"Sa Italian restaurant kayo pupunta pero naka-jeans ka?" pangongontra ni Heidi sa suot ko.
Napakamot ako sa batok. "Hindi ako pwedeng mag-dress. Naka-motor lang si Ralph, okay?"
Baka kapag sinuot ko ang pinahiram ni Heidi ay ipagpalit lang ulit ako ni Ralph ng suot.
"Skirt na lang, 'te!" Nagsimula na siyang maghalungkat sa drawer niya.
Pahapyaw kong tinignan ang bago naming kasama sa kwarto. Tahimik siyang nag-oobserba sa amin kahit pa nakabukas ang makapal na libro sa tapat niya. Siguro'y naiingayan na siya.
"Sorry, hindi kami madalas na ganito," pagpapaumanhin ko.
Ngumiti lang siya at sinabing ayos lang.
Nakalipas na rin ang dalawang linggo simula noong makipagpalit si Claire ng kwarto sa kanya. Walang explanation na sinabi si Claire sa akin. Ni hindi niya ako kinausap noong nagmakaawa akong magpaliwanag sa kanya. Hindi ko man pinapakita kay Heidi pero hanggang ngayon ay dinadamdam ko pa rin ang paglayo sa akin ni Claire.
Pakiramdam ko tuloy ay masama akong kaibigan. O dahil 'yon ang pinaparamdam niya sa akin. Ako ang may mali. Ako ang naging dahilan bakit kami nagkawatak. Dahil mas pinili ko ang samahan si Ralph; ang tulungan siya sa problema niya.
Kalauna'y napapayag ako ni Heidi na magpalit ng high-waist long black skirt, na kung kailan ko sinuot ay doon ko napag-alaman na may malaki itong slit sa gilid hanggang sa itaas na bahagi ng hita ko. Napakamot muli ako sa ulo dahil sa mga pinapasuot sa akin ni Heidi na hindi naman bumabagay sa panlasa ko.
Nagulat ako nang hindi umalma si Ralph sa suot ko. Malaki lang ang ngiti niya na para bang fashion expert na aprubado ang style ko.
Mabilis kaming nakarating sa Italian restaurant na ayon kay Steven ay kahapon lang nag-soft opening. Libre ang pagkain namin ngayong gabi dahil ang kliyente raw nila ay isa sa mga investor ng restaurant at inimbitahan siyang mag-imbita ng mga kaibigan. Gusto ko pa sanang tanungin si Steven tungkol sa trabaho niya dahil mukhang pangmayayaman ang ginagawa niya ngunit hindi ko na nagawa dahil si Ralph lang ang panay salita sa amin.
Natatakot akong sumingit dahil baka bigla kong mabago ang mood niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kadaldal at kasaya. Kay tagal niyang tinago ang ganitong ugali niya na mas lalo lang nagpatunay na katulad ko lang din siya, may pagka-introvert din.
Nagpaalam si Tam upang magbanyo habang hinihintay pa rin namin na i-serve ang main course. Tanging appetizer na wine at mumunting tinapay na Panino ang tawag ang nilapag sa lamesa namin. Katunaya'y hindi ako sanay sa ganito ka-engrandeng service, ito pa lang ang unang beses na maranasan ko ito at base sa inaakto ng tatlo kong kasama, parang simula bata ay ganito na ang paghahanda sa hapag nila.
"So, you didn't tell Tam that we had a fight?" ani Ralph kay Steven habang inuusod nito ang upuan niya papalapit sa akin kahit pa magkatabi na kami. Ramdam ko rin na lumalakad sa kabilang balikat ko ang mga daliri niya hanggang sa manatili ito sa ibabaw ng malamig kong braso.
Pilit kong tinitignan si Ralph sapagkat hindi ako sanay na pagmasdan kami ni Steven na ganito kalapit. Maaaring alam na niya ang relasyon namin subalit hindi pa rin ako makakilos nang ayos. Halata kasing maging siya ay naninibago sa amin.
"Yeah, no. I was trying to save your face," pabirong sagot ni Steven bago nguyain ang hawak-hawak na tinapay. "So, you knew?" Baling niya sa akin.
Tumango ako.
"Siyempre." Nagulat ako nang tapikin ng libre niyang kamay ang hubad kong hita. "We don't keep anything from each other." He looked at me directly in the eye.
Tumikhim ako at napahawak sa katawan ng wineglass.
"You sure, Ralph?" Tinaasan ni Steven ng kilay ang katabi ko.
Mabilis na binitawan ni Ralph ang mga hawak niya sa katawan ko at umayos ng pagkaupo. "Yes," sagot niya.
"So, Erica, alam mo kung bakit ako sinuntok ng boyfriend mo? Eh, 'yung dahilan ng karera nila ni Ethan?"
Ginilid ko ang mata kay Ralph, sunod ay umiling kay Steven. Naramdaman ko ang pagbabago ng timpla ni Ralph. Mabuti na lang at dumating ang tatlong waiter na nilapag ang Penne pasta na may mga sea foods, ang Fettuccine, Toasted Ravioli, turkey, beef stew, at sikat na pizza na may mga toppings na sausage, pepperoni at puno ng cheese.
Sumakto ang pagdating ni Tam kaya't nagsimula na kaming kumain habang patuloy lang sa pagtatanong si Tam sa akin at ang mga kasama namin ay tahimik na nagmamatahan ngayon.
Karamihan sa mga nakahain ay unang beses ko pa lang matitikman at ngayon naiintindihan ko na bakit mahal sa mga ganitong lugar. Dahil katumbas nito ang kakaibang sarap na tatatak sa utak mo.
Pagkatapos kunin ang mga plato namin ay sinamahan ko si Tam sa restroom, dahil sabi ng waiter na 15 minutes pa bago ang dessert. Maaliwalas ang banyo ng restaurant ang kaso nga lang ay dadalawa lang ang cubicle nito na mukhang malaki naman.
Parehas kaming nakaharap sa salamin ni Tam. Naghuhugas ako ng kamay at siya naman ay inaayos ang kolorete sa mukha. Ngayon na lang ulit kami napag-isa ni Tam simula noong sinamahan niya ako papuntang ospital dahil sa nangyari kay Tonton.
Noong panahon na 'yon, masyado pang urong-sulong ang nararamdaman namin ni Ralph at hilig pa namin saktan ang isa't isa imbes na magpakatotoo na lamang.
"You and Ralph... Grabe, I cannot imagine."
Napatigil ako.
"I mean, you were crying the last time." Pinagdikit niya ang mga labi. "I really hope that it is last time that I'll see you cry because of him." Seryoso ang pag-aalala ni Tam. "I hope tama si Ven na he can still change."
"Hindi ka naniniwala?"
Imbes na sa salamin ay hinarap na ako ni Tam upang diretsa ang tingin niya sa akin. "'Yung totoo? I have doubts. But if Steven can, baka nga kaya rin ni Ralph."
"Kahit si Ate Raine wala ring tiwala. Pero 'yun kasi ang kailangan ni Ralph. Hindi na nga siya naniniwala sa sarili niya, eh. Kaya mas madali kung makita niya sa atin-tayong pinagkakatiwalaan niya na maraming may kumpyansa sa kanya."
"Oh my God." Umiiling sa akin si Tam habang hindi mapigilan ang abot-tainga na ngiti. "You're really in love."
Napayuko ako dahil alam kong namumula na naman ang pisngi ko.
"Basta, if he hurts you, magsumbong ka sa'kin or kay Ven. We know what to do." Kinindatan niya ako.
Gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Sa tingin ko'y may panibago akong kaibigan na mapagsasabihan.
Tapos na akong maghugas ng kamay ngunit hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin kay Tam dahil hanggang ngayon ay nag-re-retouch pa siya.
"By the way," saglit siyang tumigil upang ayusin ang mascara. "Steven mentioned that you're looking for a job?"
Tumango ako. "Oo. Hindi na kasi ako nagtatrabaho kay Janaya."
"My dad owns a small English school sa East Ave. You want to try? Tutal, nag-tu-tutor ka rin, right? Most of our students there are Koreans."
"Kung okay lang mag-apply."
"Ano ka ba, of course 'no! That's why I offered nga, eh. 'Tsaka I know how expensive maintenance medicines are."
"If gusto mo, you can do full-time as well. Usually naman night and weekend ang classes. 'Tsaka, para you can have good benefits din."
"Sobrang thank you, Tam. Parang kanina lang namomroblema ako."
Marahan niyang pinisil ang braso ko. "That's what friends are for."
♣♦♥♠
Malakas na tunog ang nagpagising sa akin. Hinanap ko iyon gamit ang kamay ko sapagkat tulog pa ang diwa kong ayaw pang dumilat. Nang makapa ko ang maingay ang nag-vi-vibrate na cellphone ay agad kong pinatay iyon sa pag-aakalang alarm lang ito. Ngunit nandilat ako nang makita ang call logs. Muling tumunog ang phone ko at lumitaw ang pangalan ni Papa.
Pinagmasdan ko ang mga kasama sa kwarto na parehas na napagalaw sa kama. Agad akong lumabas ng kwarto upang sagutin ang tawag ni Papa. Madilim pa sa labas kaya't paniguradong importante ang tawag na 'to.
"Hello, Pa? Bakit ho?" tanong ko.
Rinig ko ang mabibilis na paghabol niya ng hininga. "Anak, maaari ka bang pumunta rito?"
"Po? B-Bakit, Pa? Anong nangyari?"
"Bumalik 'yung mga pinagkakautangan ng Lolo mo at pinalayas kami sa bahay ni Tonton."
"Ano ho?! Hindi ba napagkasunduan na sa korte na wala na tayong babayaran?" Umurong-sulong ako sa paglalakad. "Tatawagan ko si Ate Raine."
"Hindi, anak. Huwag mo na siyang distorbohin. Mayroon akong kakilala na maaari tayong tulungan. Kailangan lang kita para bantayan ang kapatid mo ngayong araw."
"Pero Pa---"
"Eka, anak, pwede bang sumunod ka na lang?"
Napasinghap ako habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. "S-Sige, ho. Mag-aayos lang ako tapos ay luluwas ako pabalik d'yan."
Pagkababa ng tawag ay nanginginig kong inalalayan ang sarili ko sa pader. Maaaring mawalan kami ng tirahan at hindi ko alam ang plano ni Papa. Subalit para makatulong, kailangan may tiyak rin akong plano. At si Ate Raine lang ang kakilala kong makakatulong sa akin. Ngunit kaya ko ba siyang harapin kahit pa puno ako ng konsensya dahil hindi ko ginawa ang hinihiling niya?
♣♦♥♠
Ilang ulit kong tinatawagan si Ate Raine ngunit tanging pag-ring lang ang natanggap kong sagot. Sampung minuto na ang naaaksaya sa oras ko kaya't napagpasyahan kong pumunta sa tirahan niya. Ang tanging bitbit ko ay ang lakas ng loob at ang cheke na gusot-gusot na rin.
Dalawang beses ko lamang pinindot ang doorbell bago bumukas ang pinto ng unit. Ngunit laking gulat ko nang si Ralph ang nasa harap ko imbes na si Ate Raine.
"Eka? Why are you---Umiyak ka ba?" Inangat niya ang mukha ko upang mapalapit sa kanya. Bakas na hindi pa siya natutulog, at hindi rin maitatago ang sariwang sugat sa labi niya.
Nais ko mang usigin pa ang dahilan ng panibagong marka sa kanyang mukha ay hindi na kaya pa ng utak ko magproseso ng panibagong impormasyon.
"And'yan ba si Ate Raine?" Sinilip ko ang loob. "Kailangan ko lang siya kausapin."
"I'm waiting for her to come home as well. Bakit? Anong nangyari? Why are you here this early? It's only past four."
Dahil sa pagtatanong niya ay nakaramdam lang ako lalo ng lungkot kaya't hindi ko mapigilang hindi siya yakapin. "Si Papa... 'Yung bahay," sagot ko sa pagitan ng paghikbi sa kanyang dibdib.
Dama ko ang pagpapatahan ng mga hagod ni Ralph. "Come inside. Sa loob na natin hintayin si Ate."
Umiling ako at bumitaw sa kanya. "Hindi na. Kailangan ko talaga makausap si Ate Raine agad-agad. Kailangan ko ng tulong niya."
"What is it, Erica? Don't you think I can help?"
"Kasi sinabi noon ni Ate Raine na may kakilala siyang mag-po-pro bono sa amin. Kailangan namin 'yun ngayon kasi pinalayas sina Papa at Tonton sa bahay. Gusto nilang agawin 'yung ari-arian namin..."
"Erica? Ralph? What are you doing here?"
Nilingon ko si Ate Raine na kaaapak lang sa tapat ng unit niya. Balikuko na siya maglakad at mamula-mula pa ang kanyang pisngi. Mukhang may umanod na alak sa kanyang katawan.
"A-Ate Raine..."
"Ate, are you drunk?!" Nilapitan ni Ralph ang ate niya at inalalayan ito. "Did you drive here by yourself?"
"Yeah, why? Don't you do it too?"
"Fuck. Akala ko ba ikaw ang pinakamatalino sa'ting tatlo?"
"No. Kuya Chad's the smartest. I didn't even top the bar! As for me, I'm the stupidest submissive sibling-like our mother."
Lasing si Ate; paano ko siya makakausap nito?
"Halika na nga sa loob!" Hinila ni Ralph si Ate Raine papasok ng unit kaya't sumunod ako.
Pagkapasok ay napansin kong may mga lata ng beer sa lamesa na mukhang si Ralph ang umubos habang hinihintay makauwi si Ate. Pinaulo siya ni Ralph sa sofa at kumuha naman ako ng tubig upang mahimasmasan din siya. Hindi ko alam na naglalasing din pala si Ate Raine. Akala ko'y parehas kami na hindi sanay sa pag-inom ng alak.
"How drunk are you? Will you remember this when you wake up?" Sunod-sunod na tanong ni Ralph habang hinihintay maubos ni Ate ang laman ng baso.
"Yes. I'm half-sober."
"Shit. Ngayon lang kita nakitang gan'to."
"Well, you're not the only one who has problems, Rafielo."
"Erica needs to talk to you."
Nilingon niya ako. "Eka, seat beside me." Tinapik nito ang malambot na sofa.
Tinanguan lang naman ako ni Ralph kaya't sumunod na lang din ako.
"Eka, I'm so sorry." Nabigla ako sa paghablot niya sa dalawa kong kamay. "I'm really, really sorry." Mariin niya akong niyakap. Ngayo'y umiiyak na rin siya sa'king balikat.
Sinilip ko ang reaskyon ni Ralph at napapailing lamang siya.
"B-Bakit po Ate? Anong nangyari?" Sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
"What I said before, I meant it. You really are a little sister to me. Kaya lahat ng needs mo-niyo ni Tonton, I will provide it. Just tell me."
Makailang beses kumukunot ang noo ko sa pagtataka. Alam niya na ba ang nangyari sa bahay at lupa namin sa probinsya?
"And then, what? Paghihiwalayin mo kami? You'll play like a fucking God. Sabagay, forte naman ng pamilya natin 'yan, right?" galit na saad ni Ralph.
Mabilis na tumayo si Ate upang pantayan ang init ng ulo ni Ralph, kaya't muntik na itong matumba. Ngunit sinusubukan niya pa ring tumayo nang diretso. "Oh, Ralph, if you just know na I'm also trying to prevent your heart from tearing apart."
Ngayo'y parehas na kaming naguguluhan ni Ralph. Mahirap pagtagpiin ang mga nais ipahiwatig ni Ate.
"Just give me your keys. You're too drunk to help us right now." Inilahad ni Ralph ang kamay.
"Why? Pati ba ang motorbike mo binigay mo na sa pinagkakautangan mo?"
"Pwede ba, Ate! Mamaya na nga tayo mag-usap. I-text mo na lang ako kapag hindi ka na lasing." Hinalungkat ni Ralph ang bag ni Ate Raine at madali niyang nahanap ang susi ng kotse nito. "Let's go, Eka."
Tinignan ko si Ralph. Inihaba niya lang ang kamay sa akin, niyayaya akong umalis na.
"Pero..."
"I'll leave her a message. She'll come to her senses kapag nakatulog na siya," pangungumbinsi niya.
Sumunod na rin ako dahil malapit nang lumitaw ang araw at baka kung saan na napadpad sila Papa.
♣♦♥♠
Mahigit kalahati ng byahe ay tahimik lang kami ni Ralph, hindi ko rin namalayan na nakatulog ako. Ngunit hindi nito naalis ang panibagong ilang sa paligid. Apat na gabi pa lang ang lumilipas simula nang makasama namin sila Tam sa engrandeng hapunan. At sa nakalipas na mga araw ay maraming beses ko nang natanong sa isip ko ang rason ng away ni Steven at Ralph na hindi nabigyang sagot ni Ralph nang una ko siyang tanungin at noong tanungin ko muli nang gabing 'yon. Minsan tuloy ay naiisip kong marami pa ring tinatago sa akin si Ralph. Kahit pa napakalapit niya sa akin tuwing hinahaplos niya ang katawan ko, iba naman ang pinapadama ng mga salitang hindi niya sinasabi.
"Katatawag lang ni Ate. Nahimasmasan na ata. She said she cannot follow us to Nueva Ecija but she called her colleague na. She texted you the details," sunod-sunod na paliwanag ni Ralph.
Mabilis kong tinignan ang phone ko at tinawagan ang number na binigay ni Ate Raine. Maayos kong nakausap si Atty. Justo at pinakiusapan na puntahan si Papa ngayon. Mabuti na lamang at taga-Tarlac lang si Atty. kaya't agaran niya kaming matutulungan.
Sinilip ko ang labas na ngayo'y maliwanag na. Malapit na rin kami sa amin at dumadami na ang bukid na nasisilayan ko kumpara sa puro establisyimento ng Kamaynilaan. Tanaw na rin ang nagtataasang bundok ng Sierra Madre.
"Erica, let me know if tama 'tong dinadaanan natin," ani Ralph.
Tumango lang ako. At saka kinumpirma na nasa wastong ruta pa rin ang tinatahak niya.
"Ayos ka lang ba? Do you want to eat breakfast first?"
Umiling ako at nagbigay ng maikling hindi na sagot.
"Hey..." Nagulat ako nang ilagay niya ang kanang palad sa'king kaliwang balikat. "Everything will be alright." Pinagaan niya ang loob ko ngunit may bumabagabag pa rin dito. "I'm sure matutulungan kayo ni Atty."
Huminga akong malalim at napalingon sa kanya. Kaya naman dumiretso ang atensyon niya sa daan.
"Bakit kayo nag-away ni Steven?" lakas-loob kong tanong. Hindi agad siya makasagot kaya't sinundutan ko ng pagdadahilan, "Sabi mo sasabihin mo sa'kin pero wala akong narinig na explanation galing sayo."
"Is it that important?"
"Importante sa'kin."
Parehas naming hindi alam ni Tam. Paniguradong mas may malalim na pinanggalingan ang away na 'yon.
"I was mad at him because he told my sister the very thing I asked him not to."
"Ano nga 'yon? Hindi pwedeng sabihin?"
"Why do you need to know pa? It's just a petty fight!" Dama ko ang pagtaas ng tono niya. Mukhang nakukulitan na siya sa'kin.
"Kagaya ng away niyo ni Ethan?"
"What?" asik niya. "Paano na naman napunta sa gago na 'yon ang usapan? It's because you're always tutoring his niece!"
"Pinsan niya---" Itatama ko sana ngunit malakas ang impact ng pagpreno niya dahil may biglang tumawid na bata sa harap. Nang lingunin ko si Ralph ay napapakamot na siya sa ulo.
Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho ngunit tahimik na lang kami. Tinuturo ko sa kanya ang daan papunta sa bahay nila Aling Tina kung saan nananatili si Tonton ngayong umaga habang inaayos ni Papa ang pagsasampa ng reklamo.
"D'yan na lang. Sa may puno ng Kaymito." Nakarating na kami at doon ko napagtanto na hindi na ako makakakuha ng kasagutan sa kanya.
Hindi malawak ang daanan ng kalye at eksaktong dalawang sasakyan lang ang kakasya kaya't medyo natagalan si Ralph sa pagpaparke ng sasakyan.
Nang ipihit niya ang makina ay doon ako nagkaro'n ng lakas ng loob na magsalita muli, "Gusto ko lang naman malaman kung may problema ka kasi gusto kitang matulungan, gaya ng pagtulong mo sa'kin."
Hinarap niya ako at inayos ang buhok ko. "You've already helped me more than you can imagine."
Kahit kailan talaga ay hindi ako pinapalya ng mga nakapanlalambot na mga salita ni Ralph.
"Trust me when I say that you don't have to worry about that fight-those fights." Kinuha niya ang magkabila kong pisngi. "You don't need to save me. Just be with me...here."
-------------------------------------------------------------------
Salamat sa votes niyo! Three chapters to go!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top