Chapter 45 • The Hero
PAULIT-ULIT SA UTAK KO ang mga winika ni Erica. She doesn't want to lose me. It was the first time I heard those words came out of anyone's mouth. No one dared to say it to me, because none felt the yearn of wanting me enough. And I never thought I'd see that dauntless courage on Erica, the most timid person I know. But she still managed to upset me by still asking to keep our relationship secret. That fucking hurt my pride, ako ang nagpakababa pero ako itong nagmumukhang tanga kahihintay na ipagmayabang niya ako.
I understand that she's pressured. Dumagdag pa ako sa mga pasan niyang problema mula kay Ate at sa kaibigan niya. But all I'm asking is for everyone to see how close we are. I am not a cheesy person; this is far from being romantic. This is a basic necessity of a relationship. I need her to understand me this time.
Hinihintay ko siya sa labas ng gated village kung saan mayroon daw siyang tinuturuang bata para sa Filipino subject nito. Hindi ako pinapasok ng guard dahil wala naman akong kakilala sa loob. Wala naman na 'yon sa'kin dahil mas gusto kong dito na lang tumambay dahil bawal manigarilyo sa loob ng village na 'to. Ang kaso sa akin ay pinsan daw nung Ethan na 'yon ang bata. Gusto ko pa sanang magalit dahil paniguradong gumagawa lang ng paraan 'yung tarantado para magpapansin sa kanya ngunit hindi ko na nagawa kanina sapagkat binabaan na ako ni Eka ng telepono. Kaya nga't dali-dali kong tinakbo si Heroine sa exclusive village dito sa North.
I lit my 2nd stick of cigarette for the hour since I feel anxious for unknown reasons. May kakaiba sa lugar na 'to that makes me feel like I'm being watched. Ilang beses ko namang nilingon ang paligid pero walang kahina-hinalang SUV na naka-park kung saan, tanging 'yung mga gwardya lang ang pabalik-balik ang tingin sa'kin.
I don't know how many times I looked at my watch but I'm already stinging in curiosity as to what has she been up to. I can't imagine what I'll do if I ever see that Satan with Erica again. Right after she walked out that damn gate, I'll warn her one last time that she should avoid his presence. God knows what that douchebag is capable of, after causing that accident.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa kanang bulsa ng pantalon kaya't agad kong binasa ang text message, this could be from Erica, I told her I'm waiting outside. But I was disappointed when Adrian's name appeared at the notification bar. I read his message which immediately changed my mood.
I'll talk to him. But this costs another delivery.
Napahilamos ako. He's fucking milking my kindness for those damn favors I asked.
Dahil nga wala akong choice nu'ng isang araw, I risked my pride and reached out to Adrian so he could let us stay at his penthouse for a night. Pero dahil magaling siyang pusher, he forced me to accept a favor in return. At ang pabor na 'yon ay ang pagpahamak ko na naman sa sarili sapagkat ako na naman ang courier ng mga goods niya sa kung sinu-sinong malalaking politiko sa mga probinsya. That one fucking night costs three deliveries to Cavite and Batangas. Tapos ngayon may dadagdag na naman sa listahan ko kung sakali. I just want to verify if he knows Ethan and if he could find any dirt on him.
Mabilis akong nag-type ng reply: Forget about it. Ass.
Nahagip ng mata ko si Erica na naglalakad na patungong guard house ngunit she brought something. May karga-karga siyang pusa. Hindi lang basta-bastang pusang kalye kundi mabalahibong puti at may lahing pusa. Nagmukha itong mataba kumpara sa mga normal na pusa.
I clenched my fists. Why the heck is she carrying it?
Lumapit siya sa isa sa mga gwardya kaya't mabilis kong tinapakan ang sigarilyo upang makalapit lalo sa kanila.
"Whose is that?" I asked.
Kumibit siya sa'kin. "Nakita ko lang si Henna na palakad-lakad sa kalsada," kwento niya. Sunod ay lumingon siya sa mamang naka-uniporme. "Nakawala ho ata siya. Pinagtanungan ko ang buhay nila Mrs. Fermin pero hindi daw po nila kilala ang may-ari. Kanino ko po ba pwede i-report ito?"
Why does she need to report it? Bakit hindi niya na lang iwan sa mga gwardya?
"Sige, ma'am. Kami na ho ang bahala," sagot ng lalaki. Akmang kukunin nito ang pusa kay Erica ngunit umatras siya.
"Okay lang po ba na hintayin ko na makuha siya ng may-ari? Gusto ko lang malaman na magiging safe siya."
I raised my brow. "Eka, just let them do their job," I loudly said. Medyo malayo pa rin ang distansya namin dahil nasa loob pa rin siya ng property ng village habang ako'y naka-abang lamang sa tabi ng nakababang boom barrier.
Hindi ako pinansin ng kausap niyang gwardya. "Sige po, ma'am. Kung gusto niyo po samahan ko kayo sa opisina ng HOA," he suggested.
Malugod na tumango si Erica kaya't sumabat muli ako sa pag-uusap nila. "I'll come with you, too."
Hindi ako papayag na maburyo na naman ng ilang oras.
Nilingon niya ako habang hinihimas ang pusa na kulay asul ang mata na nasa bisig niya. Napapa-iling na lamang ako sa'king isip sapagkat hindi ko siya maaaring yakapin mamaya. Of all the pets that she chose to be obsessed with, why would it be with the only thing I'm allergic to?
I am about to cross the border of extravagant life of the elites but another guard blocked my way.
"Can't you let me in? Bawal ko bang samahan ang girlfriend ko?" Napatigil ako. It's my first time saying that label out loud and I'm still not used to it. It's been years since I called someone my girl.
"Pasensya na, Sir. Hintayin niyo na lang po ang girlfriend niyo rito," pagbabawal nila. Hindi pa rin mawala ang tingin ng dalawang gwardya sa tattoo ko sa bandang leeg. They're stereotyping me.
"You'll see me the whole time since sasamahan mo rin siya, right?" I tried to work something out.
"Oo nga, Sir. Baka pwede niyo rin siyang papasukin?" Erica went along with my negotiation.
"I'll even surrender my keys, if that's what you need." I am about to get my keys on my pocket.
"Huwag na, Sir. Hindi na kailangan. Sige, sumama na kayo," pagpayag ng isa at saka nagradyo sa kasama niya.
Lumapit ako kay Erica ngunit siniguro kong may distansya pa rin sa amin dahil mahirap na at baka madikitan ako ng balahibo ng pusa. Malaki lang ang ngiti niya sa akin habang hinehele ang pusa. Napansin niya atang pinagmamasdan ko lang siya kaya't nagsalita ito, "Gusto mo siyang hawakan?" She offered while petting the head of the cat.
"No," I firmly answered. "Bakit ba kailangan mo pang dalhin 'yan? You should just leave it to the guard," I added while we continue to follow the guard in front of us which will take us to the office he's talking about.
"Mahirap na 'no," she whispered. "May lahi si Henna. 'Tsaka, gusto ko lang talaga malaman na makakabalik siya sa may-ari sa kanya."
"Seems like you're close with it already." She even knows the name of it.
Tumango siya. "Naalala ko sa kanya 'yung dati kong pusa. Si Mais."
"Mais?"
"Oo. Lagi kasi niyang kinakain ung mais na ani ni Lolo noon." She laughed in between but there's longing in her eyes.
"What happened?"
"Namatay siya. Tapos no'n, di na ulit ako nagka-alaga."
Parehas kaming nabigla nang tumalon ang pusa and runs on our opposite direction. Mabilis siyang hinabol ni Erica habang sinisigaw ang pangalan nito. While I'm only watching the cat play with her. It's not just Erica who seems close with it. The cat is comfortable with her too.
When it runs towards my side, she shouted so I can reach her. But I just stood and avoided it from having its fur touch my skin.
Buti na lamang at nakuha siya ng guard kaya gumaan ang loob niya.
"Bakit hindi mo siya kinuha?" Tanong niya nang ibigay muli ito sa kanya ng guard.
"No reason." Iniwasan ko siya ng tingin at umunang maglakad. She doesn't need to know.
Sinabayan niya ang bilis na lakad ko at may kakaibang ngiti na sa kanyang mukha ngayon. "Sigurado ka? O baka naman takot ka sa pusa?"
"Hindi 'no!" Why would I be scared to that small creature? Well, besides from the fact that it can kill me because of my allergies.
"Talaga? Pwede mo ba siyang hawakan?"
Agad kong nilayo ang pusa nang ihanay niya ito sa harap ko. "Erica, get that thing away from me!"
Shit. I accidentally touched its head.
Hinele ni Erica ang pusa na parang baby. "Aww, ba't kaya ayaw sayo ni Rafielo? Ang lambing-lambing mo naman." It's my first time hearing her pa-cute voice, at sa pusa niya pa talaga ginawa 'yon.
"How about ako ang lambingin mo?" Kanina pa ako naghihintay sa kanya pero ang tanging nakuha ko lang ay ngiti?
Alam kong narinig ni Erica ang sinabi ko dahil saglit siyang napatigil sa paghimas sa malambing na pusang sinasabi niya.
"Ma'am, Sir, dito na po." Tumigil si Mamang Guard sa tapat ng isang puting gusali na may tinted na sliding door. Sunod ay pinapasok niya kami at pinaupo sa mga nakahilerang monoblock sa loob.
Tumabi ako kay Erica ngunit hiniwalay ko pa rin nang kaunti ang upuan sa kanya.
"Alam mo, Ralph, wala namang nakakatakot kay Henna, eh. Hindi naman siya tulad ng aso na nangangagat o nananahol agad. Gusto nga nila 'yung laging hinihimas 'yung tiyan nila." Malaki ang ngiti niya habang nag-eesplika sa akin. She's really fascinated by that being.
"How many times do I need to repeat that I'm not scared of cats?" I said while I watch the cat jump off her lap then walk around the tiled floor.
Rinig ko ang pagtawa ng katabi ko, maybe because of my reaction.
"Ganito na lang, kapag hinawakan mo si Henna, ipapaalam ko na kay Claire 'yung sa'tin." Bigla siyang naging seryoso at iniwas ang tingin sa akin.
"Why do you need me to touch that cat?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Masaya lang isipin na hilig mo rin 'yung hilig ko. Kung iisipin, parang walang isang bagay na magkaparehas nating gusto, ano?"
Bumuntong hininga ako. "For crying out loud... I'll touch it. Kandungin mo siya ulit."
Lumiwanag ang mukha niya at buong-galak na kinuha ang pusa na dinidilaan na ang sarili nitong katawan sa sahig.
"You swear that you'll tell Cruella?"
Tumango siya habang masayang inaalog sa hita niya ang pusa. "Oo. 'Tsaka, Claire kasi."
"Why? Bagay naman sa kanya 'yung Cruella."
Tinaasan niya ako ng kilay at marahan na tinulak ang bisig ko gamit ang gilid niya. "Basta, intindihin mo na lang si Claire. Huwag mo na lang din sabayan 'yung galit niya."
That, I can't promise. Masyadong mapanghamon ang mga mata ng Claire na 'yon na ayokong hindian dahil wala akong plano na magpatalo sa mga tingin niya. She's the type of person that thinks that she can control me just because I let my pride down a little. And I can't let her belittle me like that. Kahit babae pa siya.
"Let's just get this over with." Hinanda ko na ang palad upang himasin ang maliit at flat na ulo ng pusa.
"Namumula ka na," she teased.
"Hold her still!"
Ngayon ko lang nakitang manginig muli ang mga kamay ko at sa harap pa ng walang kalaban-laban na nilalalang. I just hope that I won't end up in a hospital bed after this. Well, I also hope that there won't be any itching right after. Ayokong malaman ni Erica na allergic ako sa balahibo nito. This would be a big disappointment to her if ever she finds out.
Nang maramdaman ko ang mga balahibo ng pusa ay akmang aalisin ko na ang kamay sa ulo nito subalit pinatong ni Erica ang palad niya sa akin at ginabayan ako kung saang parte ko maaaring himasin ang pusa na 'to.
"O diba? Ang sarap niyang hawakan? Ang lambot."
Hindi ko masuklian ang ngiti niya sa akin sapagkat tila nakararamdam na ako ng pangangati. Fuck. Tell me this is just all in my mind. Hindi pwedeng magka-dark spots ako agad.
Wala pa atang limang segundong lumalagi ang kamay ko sa mala-ulap na pusa ay kinuha ko agad ito at tinago sa bulsa ko.
Sakto ang pagbukas ng pinto at pagluwal nito sa matandang babae na nakabestida. Well, hindi naman siya ganoon katanda, I guess she's just around the age of my mother. She mentioned that she's the owner of the cat which seems true since that thing immediately come to her arms.
Nang maisoli niya ang pusa ay agad ko na siyang inaya palabas ng lugar.
"Bilisan mo." Hindi ko sinasadyang mapagtaasan siya ng boses. I'm just getting irritated since I can't hide the itchiness of my body. Nakapolo shirt pa man din ako at madaling mapapansin ang pamumula ng braso ko kung sakali.
Kailangan kong makabalik sa unit ni Ate dahil paniguradong may antihistamine sa first aid kit niya.
Sumampa na ako sa motor nang makalabas kami sa gate ng village.
"Hop in," utos ko nang nakatigil lang siya sa gilid ko. "Erica, sasakay ka ba?!"
"R-Ralph, namumula 'yung kamay mo?"
"Sumakay ka na. Please."
Sumampa na siya sa likod ko at mahigpit na kumapit sa balikat ko nang mabilis kong pinatakbo ang motor.
When we arrived at my sister's condo unit, I run to the bathroom as fast as I could. Hinanap ko sa mga cabinet sa loob kung saan niya tinatago ang mga gamot. Ngunit wala 'yon rito. Sunod kong tinignan ang first aid kit na nakadikit sa malapit sa pintuan pero wala ring laman 'yon.
"Where the fuck is it?" Malakas kong saad habang hinahagis ang mga laman ng first aid box.
I feel like my insides would get out of my body if I scratched those rashes one more time. Kaya't kailangan ko na ng panabla.
"Fuck it!" Napasabunot ako sa sarili nang walang makita kahit cream man lang.
Bumalik muli ako sa banyo upang tignan sa salamin kung gaano na kadami ang kumalat na rashes. Wala pang 30 minutes at buong katawan ko na agad ang namumula. Nararamdaman ko na rin ang pagbahing ko at paniguradong hindi na rin 'to titigil kung wala pa akong gagawin. I tried to bathe it with water as if it would remove the itch away.
Napatigil ako nang marinig kong may kumatok sa pinto ng banyo. "Ralph? Ralph, okay ka lang ba d'yan?"
Fuck. Nakalimutan kong andito pala si Erica. Now she knows the reason why I wouldn't touch that cat.
"Ralph, buksan mo 'tong pinto, please." She's sobbing.
I sighed. Kahit ayaw ko mang ipakita sa kanya ang kaawa-awa kong sarili ngayon ay wala akong magagawa sapagkat hindi ko maaaring isawalang-bahala ang pag-aalala ni Erica.
Namuo ang pagkagulat sa bibig niya nang buksan ko ang pinto. "Ralph, anong nangyari? Bakit ang dami mong rashes?"
Isn't it self-explanatory?
"Nothing," I coldly answered then looked away.
"Ralph naman, may allergy ka pala sa pusa ba't hindi mo sinabi?" Tuluyang umagos ang luha sa mukha niya. "Kasalanan ko 'to, eh. Pinilit pa kasi kita. Sorry. Pasensya na talaga. A-ano bang pwede kong gawin?"
Umalis ako sa harap niya at tumungong kwarto upang maghanap ng pamalit pang-itaas.
"Galit ka ba?" Nagulat ako dahil sinundan niya pala ako.
I felt that my eyes are becoming watery as well. If hindi pa ako makakainom ng gamot in fifteen minutes, I'll be burning with fever in an hour or so. Then, I'll have a problem breathing.
"Ralph..." Her warm hand starts caressing my back. "Bakit kasi pumayag ka pa na hawakan si Henna?"
Hinarap ko siya. "Because I fucking want us to be exclusive without hiding in the corner."
Napatigil siya at ilang beses na pinahid ang luha. "Ano bang kailangan kong gawin? Nakainom ka na ba ng gamot? Ano bang gamot d'yan? Meron ka ba? Gusto mong bumili ako?" Sunod-sunod ang tanong niya. Mas mauuna pa ata siyang mawala sa sarili kaysa sa akin.
"Antihistamine," mahinahong sagot ko.
"Okay. Noted. Bibili ako. Dito ka lang." Hiniga niya ako sa kama.
Hindi ito 'yung paglalambing na sinasabi ko.
I'm not sure how long I dozed off but I opened my eyes because Erica's tapping my shoulders to wake me up. Her eyes emit the worries that surrounds her shoulders. Her lips are trembling in conscience.
"Nakabili na ako ng gamot. Bumili din ako ng cream."
Inangat ko ang likod sa kama upang ilebel ang mata ko sa kanya. Subalit kung saan-saan napapadpad ang tingin niya. Doon ko napagtantong hinubad ko pala muli ang t-shirt ko kanina sapagkat nakararamdam ako ng init sa katawan.
"Kukuha akong tubig," saad niya at agad na tumayo.
"Ako na," pagprisinta ko. Subalit inunahan niya na akong lumabas ng kwarto kaya't sinundan ko na lang siya.
Naghanda siya ng basong puno ng tubig sa counter. Lumapit ako sa kanya na hindi makatingin nang ayos sa akin. Is she still being killed by guilt? O may ibang dahilan na kaya't di niya ako kayang tignan nang matagal?
Mabilis kong hinagis patungong bibig ko ang tablet at nilunok iyon.
"Eto din 'yung cream," pagpapaalala niya muli. "Nangangati ka pa rin ba?"
Dahil sa pagkakabanggit niya ng salitang 'yon ay napakamot muli ako sa aking balikat.
"H-huwag mo nang kamutin." She pressed her lips.
"Just put the cream on my back," utos ko sa kanya't tumalikod ako.
Hindi na abot ng mata ko ang reaksyon niya ngunit sigurado akong nag-aalinlangan siya. This will be a challenge for her since it's obvious that she's not yet comfortable on the touch of my skin unto hers, but this is the very thing she should overcome if she wants to continue our relationship. This might not be a love language for her but this is where I excel.
I felt the warmth of her skin pressing my back. She's just using a finger to spread the cream, and I can still feel gaps whenever our skins are together. Yet, I can't help but to close my eyes and savor each tap her little finger do onto my back. I swear, I will never get enough of her heat.
"Sorry talaga, Ralph," saad niya habang pinapahiran ako. "Dapat nagtanong muna ako. Dapat hindi kita pinilit."
Humarap ako kaya't natigilan siya. "Can you stop apologizing? You asked for a bargain and I accepted. It's not your fault," wika ko sa pagitan ng pagbahing.
Ngayon nama'y ang balikat ko at pababa ang pinagmamasdan niya. "N-namumula rin 'yung dibdib mo." Nagulat ako sapagkat hinila niya ang kamay ko. "Pati 'yung braso mo."
Our eyes met and I understand that she cannot do what I'm about to ask.
"Akin na." Kinuha ko ang maliit na lalagyan na hawak niya. "You can go home now. Baka maabutan ka pa ni Ate."
"Pero paano ka? Sure kang okay ka na?"
So, uuwi nga talaga siya? Tch.
"I'll just go to my room. Just lock the door," utos ko dahil mukhang desidido na siyang umalis. Naglalakad na ako sa hallway nang pigilan na naman ako ng tawag niya.
"Bukas, magsisimba kami sa simbahan ng Quiapo. B-baka gusto mong sumama."
Why is she asking me to go to church with her? Didn't she know already that I'm partly the son of Lucifer?
"Kasama ko si Claire. Pero kung ayaw mo, okay lang din naman." Napakamot siya sa batok. "'Tsaka, baka hindi ka pa pala magaling bukas. Huwag na lang pala---"
"No. I'll go with you."
Ngumiti siya at saka nagpalaam.
This means that she's now ready to expose our relationship to that grumpy friend of hers, right?
Umupo ako sa sofa at doon nilabas ang pangangating kanina ko pa pinipigilan. In all honesty, I'm still far from being fine. Pakiramdam ko nga'y nilalagnat na ako. But I do hope that drug I drank earlier will stabilize me.
Wala pang sampung minutong nakakaalis si Erica ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto at niluwal ang magaling kong kapatid. Nanlaki ang mata niya nang makita ako sa sala niya.
"What the? What happened to you, Ralph?" Ibinaba niya ang handbag at attaché case sa coffee table. At umupo sa tabi ko.
"Nothing." I was about to get up when she pushed my shoulder to the headrest.
"Nothing? You're full of rashes! Did you touch a cat or something?"
"Yeah, something," I murmured drowsily.
Pansin kong kinuha niya ang cream na hawak ko at pinahiran ang bakanteng lugar sa katawan ko na wala pang gamot.
"Why did I see Erica at the lobby?" She opened out of a sudden.
"Why not?" My melatonin sucked the sleepiness back when I heard her name. Hindi ko pa nga pala siya nakokompronta sa pangongompronta niya kay Erica.
"Are you serious with her?" She stopped and just looked at me straight in the eye.
Iniwasan ko siya ng tingin. "Why are you suddenly curious?"
"Steven told me the truth." Tumayo siya upang pagbabaan ako ng tingin.
"What truth?"
"About the deal, Ralph."
I clenched my jaws.
Putangina! Bakit sinabi sa kanya 'yon ni Steven? It's not even on the table right now!
"You can't just play with someone's feelings like that, Ralph!"
Tumayo ako upang siya na ngayon ang nakatingala sa akin. "Really? Is that why you asked her to stay away from me?!"
"I want to protect her from your recklessness. How much did you really owe for you to trade Erica's feelings for some money?!"
"How much did I owe? Why? Did Steven forget to share that information to you too?" I bumped my shoulders unto hers while walking away from her nosiness. "Wala ka nang magagawa, Ate. So just keep your nose out of someone's business."
"Then, I'll tell her. I'll let her know regarding your deal with Adrian."
Hindi na ako nakapagpigil pa at mahigpit na pinisil ang isa niyang balikat. There's a visible pain on her eyes.
"I don't need Adrian's money. Matagal ko nang tinigil ang deal namin," I clarified. "So, stop now because you're just going to make this worse for her." I let her go.
"Why? Are you going to sell the property? So, you'll have the hard-earned money you're trying so hard to get?"
I smirked. "So, it really boils down to jealousy. You're all ganging up on me. Una si Sofie na pinadala ni Kuya to get in my head. And now, you. Who's next? Mom?"
Ilang beses niyang iginalaw ang ulo pakaliwa't kanan. "You're wrong. Where did you get that idea? This is about keeping you from hurting anyone."
"Tangina, Ate! I'm not a fucking wild animal who hunts its predator for fun. Why are you assuming that I'll hurt her? I don't get your obsession." Is that a fantasy she wants to fulfill?
"Because I know you, Rafielo. I know that rehab couldn't do anything to remedy you."
"Edi lumabas din, huh?! Does our mother share your thoughts too?" I bit my hand to keep it from punching her. "Fuck this, I'm out." Nagmadali ako papuntang kwarto upang hanapin ang leather jacket at susi ng sasakyan ko.
Kung magtatagal pa ako rito ay paniguradong hindi ko na mapipigilan ang sarili na saktan siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top