Chapter 42 • The Heroine
DALAWANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang maulanan kami ni Ralph. Hindi pa rin mawala ang kabog sa dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga sinambit niya. Hindi ko mawari ang nararamdaman kong saya sa umaga na napapalitan ng nag-aalalang pag-iisip tuwing gabi. Oo nga't pinapahiwatig niya na gusto niya ako. At umamin siyang gusto pang higitan sa pagiging magkaibigan ang estado ng relasyon namin subalit pumayag din siya sa kagustuhan ko na hintayin muna humupa ang galit ni Claire; na kaming dalawa na lang muna ang makaalam ng nararamdaman namin para sa isa't isa. Hindi ko tuloy mapagtanto kung katulad ko ba siyang hindi pa handa na ipagsigawan sa lahat ang damdamin ko, o baka naman hindi talaga siya gaanong kaseryoso sa inaaalay niyang damdamin.
Papunta ako ngayon sa loob ng parking area sa university. Patago kaming nagkikita ni Ralph sapagkat hindi maaaring malaman ni Claire na magkasama kami. Wala na rin naman akong ibang bakanteng oras para makausap pa siya dahil pagkatapos ng mga klase ko ay may kailangan pa akong itutor o hindi kaya'y may ipag-uutos si Janaya.
Ang tanging nakaaalam lang ng sitwasyon namin ay si Heidi sapagkat hinintay niya pala akong makauwi nung Linggo upang hindi magtaka si Claire na hindi kami sabay umuwi. Kaya't nasaksihan ni Heidi ang paghatid sa akin ni Ralph at pinilit muli akong magkwento sa kanya.
Nakasandal si Ralph ngayon sa motorbike niya—si Heroine—na pinagpilitan niya pang iyon ang itawag ko rito kahit pa nakapagtataka na iyon din ang tinawag niya sa akin nang ilang beses. Nakuha na niya ito mula sa talyer at mukhang maayos naman na ang lagay.
Mabilis nitong inalis ang kamay sa bulsa upang kawayan ako nang mapansin niyang papalapit na ako sa pwesto niya. Agad niyang kinuha ang isang helmet na nakasabit sa motor grip at binigay iyon sa akin.
Nang hindi ko iyon kunin ay mas nilapit niya pa ito sa akin. "Let's eat, somewhere," pag-aaya niya.
"Uhm..." Nag-iisip ako ng maayos na paraan ng pagtanggi. "Ang paalam ko kasi kay Claire ay may babalikan lang ako sa dorm. Hinihintay niya rin kasi ako sa library."
Katunayan ay nauubusan na rin ako ng ipapalusot kay Claire kahit pangatlong araw pa lang ito ng pagsisinungaling ko. Madalas nga akong kabahan kapag tumatakas sa kanya sapagkat hindi naman ako sanay na magsinunungaling.
"So, are you not going to eat?" Kinuha ni Ralph ang kanang palapulsuan ko. "Don't tell me magpapalipas ka ng gutom?" Isinabit niya ang helmet pabalik sa handle at hinaplos ang magkabila kong braso na siyang kinagulat ko. "Come on. If you want, we can just drive thru somewhere."
"Next time na lang siguro? One-hour lang din kasi ang vacant namin. 'Tsaka kumain naman ako ng egg sandwich kanina." Nginitian ko siya upang maalis na ang pangamba niya. Subalit hindi mawala ang pagkadismaya ng kanyang mukha.
Napakagat ako sa'king labi nang sumandal muli ito sa motor at bumuntong hininga. "Fine," pagsang-ayon niya. "Just come with me at my family's house later. They'll have the last will testament reading there."
Napataas ako sa'king kilay. "Pero may itututor ako mamayang hapon."
"Reschedule it," utos niya.
"K-kailangan ba ako do'n? Baka para sa'nyong pamil---"
"I'll introduce you as my girlfriend."
Napatigil ako sa sinambit niya. Hindi ko alam ang tamang reaksyon. Dapat ba akong matuwa? O dapat ba akong kabahan dahil tila ang bilis ng nangyayari? May pag-aalinlangan pa rin ba ako sa nararamdaman ni Ralph para sa akin o ako itong hindi sigurado sa tinitibok ng puso ko?
"Your friend won't be there; my circles won't be there. Only my family will know," pagpapaliwanag niya nang hindi ako makasagot.
"P-pero Ralph..."
"That's what you want, right? To not tell anyone you know."
Tumingin ako sa ibaba. Handa na ba akong maging nobya ni Ralph? Subalit hindi ba dapat ay ligawan niya muna ako? Kailangan din malaman ni Papa.
"H-hindi naman sa ganu'n. Pero kasi---"
"Are you going to reject me again?" May tonong panlalamig ang boses niya at halata ang kalungkutan sa mata niya kahit pa pilit niyang tinatago.
Bigla tuloy akong nakonsensya. Iniwasan ko siya ng tingin. "Hindi. N-natatakot lang ako na baka hindi ako magustuhan ng pamilya mo." Tinago ko sa'king likod ang mga kamay at pinag-iipit ang mga daliri upang pigilan ang kalungkutan sa'king boses at mata.
Inangat ni Ralph ang aking baba at pilit akong pinatingin sa mga mata niya. "Would you like to be liked by those hypocrite and corrupt politicians? They are narcissists who only thinks of their reputation. So, it's impossible for them to like someone unless sila ang makikinabang. The only approval I need is from my sister's and mother's. And my sister is already pleased at you. As for my mother, you have met her, and I'm sure na magkakasundo kayo."
Idiniin ko ang aking mga labi at hindi namalayang napayakap na ako kay Ralph dahil sa mga salitang binanggit niya na nagpagaan sa'kin.
"Paano 'yung Kuya mo?" Bumitaw ako sa pagkayakap. "At saka 'yung asawa niya?"
Umiwas siya ng tingin. "Tch. Why do you care about them?"
"Siyempre, parte pa rin sila ng pamilya mo. Pati ang Papa at Lolo mo, kahit pa galit ka sa kanila..." Humina ang boses ko sa dulo. Natatakot akong bigla kong makalabit ang init sa kanyang puso.
"Don't worry about it. Ako na ang bahala. Basta, you'll go with me?"
Tumango ako. "Paano 'yung libing ng lola mo? Hindi ka talaga pupunta?" Pagtatanong ko. "Hindi ba't ngayon din 'yun?"
"Yeah, later at 2 o'clock. But I'm not invited so what's the point?"
"Ang point ay makasama mo ang lola mo sa huling sandali niya rito."
"Ayoko na rin mag-eskandalo. I'll just give her a quiet day, it's what my Nana deserves. Besides, I can visit her anytime I want after."
Malungkot ko siyang nginitian. "Siguro, close talaga kayo ng lola mo, ano?" Tinabihan ko siya sa pagsandal kay Heroine.
"Yeah. But I fucked it up."
Hinagod ko ang kanyang kamay at sinandal ang aking ulo sa bisig niya upang damayan siya.
♣♦♥♠
Nagmamadali na akong maglakad pabalik sa library sapagkat halos 30 minutos na akong nawawala at paniguradong magtataka si Claire. Dire-diretso ang lakad ko sa hallway nang may tumawag sa'kin at doon ko nilingon si Ethan na papalapit.
Siya ang iniiwasan ko ngayon dahil hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa nalaman ko kay Adrian.
"Erica, puwede ka bang makausap?"
Hindi ko siya sinagot. Kagaya ng pagsasawalang-bahala ko sa calls at texts niya.
"Erica, hindi ko alam kung ano ang sinabi sayo ni Ralph. But I just want to let you know that I didn't do any foul play sa nangyari nung Sunday. Parehas kaming nasugatan and---"
"S-sorry, Ethan. May kailangan pa akong gawin."
Akmang maglalakad na ako paalis subalit hinawakan niya ang braso ko. "I'm sorry, Erica. Pero alam kong walang magagawa kung sabihin ko mang giniitan ni Ralph ang sasakyan ko kaya't hinamon ko ulit siyang makipagkarera. At alam kong hindi kami dapat nagpustahan para sa atensyon mo."
"Anong ibig mong sabihin? Anong pusta?"
Nanlaki ang mata niya, tila nagsisisi sa sinabi sa akin. "Y-you don't know? Hindi sinabi ni Ralph?"
"Hindi pa namin napag-uusapan 'yung nangyari."
"Don't mind it, then."
"Sabihin mo sa'kin, Ethan. May karapatan ako kung ako man ang dahilan kung bakit siya sinugod sa ospital."
Pansin kong napaismid siya at napailing. "Kahit pa siya ang may kasalanan ay ayos lang sayo? Okay, sige!" Bumuntong-hinga ito. "Gusto niyang makipagkarera para kapag natalo niya ako ay hindi na kita kakausapin at lalapitan pa."
"At kung nanalo ka?"
"I'll get his motorbike."
"A-anong meron sa motor niya at gusto mong makuha?"
"Well, wala rin naman talaga akong mabigay na kondisyon since he was the one who challenged me. And my uncle wants to have that model."
"Pero walang nanalo sa'nyo."
"Yes, that's why I'm still here, talking to you."
"Pero may hindi ka pa sinasabi sa'kin, Ethan." Nakikipagpalitan ako ng tingin kay Ethan at sa mga taong dumadaan, baka mamaya'y may makarinig sa sasabihin ko.
"Ang alin?"
"Hindi mo sinabing kakilala mo si Adrian."
"Of course, you've met Ralph's best friend."
"At hindi mo sinabing isa ka sa mga... sa mga..." Hindi ko mabanggit ang tamang salita.
"Yes, and so was Ralph. Pero gusto mo pa rin siya, hindi ba? So, bakit magbabago ang tingin mo sa akin? Dati pa 'yon, Erica. I was too young back then."
Hindi ako nakapagsalita agad. "Ngunit nagsinungaling ka pa rin. Matagal mo nang kakilala si Ralph dahil kay Adrian, tama?"
Bumuntong-hinga siya. "Yes. I've known him for a while but he doesn't know me. Madalas ko lang din siyang nakikita na kasa-kasama ni Adrian. Plus, he also got famous because he was caught selling drugs inside the school premises yet, he's still here." Tila may pahiwatig ng pagkainggit at pagkainis ang boses ni Ethan. "So, ano ba talagang nagustuhan mo sa kanya, Erica? You're too good to be with an asshole guy like Ralph."
"H-hindi mo pa siya gaanong kakilala kaya mo 'yan nasasabi."
Sarkastiko itong umismid sa akin. "Just want to remind you that he was the one who started this. Not me." Umalis na siya sa harap ko habang umiiling ang ulo pakaliwa't kanan.
♣♦♥♠
Kanina pa malalim ang aking iniisip dahil sa mga iniwang babala ni Ethan kanina. Pinapagulo nito ang isip ko kaya't binabagabag na ako kung dapat pa ba akong tumuloy sa pagsama kay Ralph. Tila ang galit ni Ethan para kay Ralph ay lumilipat sa akin dahil may punto naman ang mga sinambit niya kanina.
"Huy! Eka, okay ka lang?"
Bumalik ako sa ulirat nang pumitik si Heidi sa tapat ng aking ilong. May hawak-hawak itong blusang kulay-abo na katatapos niya lang plantsahin. Nagpatulong kasi ako sa kanya sa pagpili ng susuotin kong damit mamaya. At dahil wala siyang napili mula sa akin, papahiramin niya ako ng isa sa maaayos niyang damit.
"Eto na!" Inabot niya sa akin ang dress. "Isang beses ko pa lang nasusuot 'to, ha? Kaya ingatan mo."
Tumango ako at nagpasalamat kay Heidi.
"Buti na lang at nakalusot ka na naman kay Claire. Mukhang lagi na siyang tambay sa library, ano?"
"Nanonood lang 'yun ng K-Drama sa e-lib."
"Osiya, sige, magbihis ka na at baka dumating pa si Ralph!"
Pagkalabas ko ng banyo ay hila-hila ko ang dulong bahagi ng blusang suot sapagkat naiiksian ako rito. Hindi ako sanay na magsuot ng dress at mas lalong hindi ako sanay na halos isang palad mula sa aking tuhod ang taas nito.
"Huwag mo hilahin 'yung laylayan at baka lumuwag!" Pinagsabihan ako ni Heidi.
Napakamot naman ako sa aking ulo sapagkat wala na nga itong manggas ay masyado pang napepreskuhan ang mga hita ko.
"Parang hindi naman kasi ito bagay sa pupuntahan ko," pagdadahilan ko.
"Ikaw na ang nagsabi, diba? Ipakikilala ka sa pamilya niyang yayamanin. Kaya ayos lang 'yang suot mo, 'no!" Maya-maya pa'y hinalughog nito ang maliit na drawer katabi ng kama namin. May kinuha itong kwintas. "Suotin mo 'to."
'Yung kwintas na binigay ni Ralph na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin naisoli dahil sinabi niyang sa akin na lang. Hindi ko na ulit 'to sinuot simula nang imbitahin niya ako sa kasal ng Kuya niya.
"Dali na! Para mas highlighted ang neckline mo," dagdag pa ni Heidi.
Ginawa ko naman ang gusto niya at hinayaan din siyang lagyan ng make-up ang mukha ko.
Dahil sa magagandang salitang sinabi ni Heidi ay medyo tumaas naman ang kumpiyansa ko sa aking itsura habang suot ang pinahiram niyang kulay gray na dress na ayon sa kanya ay bodycon daw ang tawag. Sa pangalan pa lang ay alam ko nang makapit ang tela nito sa hugis ng aking katawan na hindi rin ako sanay dahil bumabakat ang aking tiyan at masyadong masikip sa bandang hita. Hindi naman manipis ang strap nito subalit hindi pa rin ako sanay sa walang manggas na kasuotan.
Tinakpan ko na lamang gamit ang aking body bag ang tiyan at harap ng katawan ko upang hindi ako masyadong balisa habang naglalakad.
Nang makababa ako ay pansin ko agad si Ralph na naninigarilyo na naman katabi ang poste ng Meralco kung saan malapit na nakaparada ang motor niya. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko bago bumalik sa'king mata.
"Change," saad niya.
Hindi ko naintindihan agad ang nais niyang sabihin.
"Change your dress."
"B-bakit?" Hindi ko namalayan na hinihila ko na muli ang laylayan ng aking damit.
Ano bang mali sa utak ko at tinanong ko pa siya ng dahilan? Malamang ay hindi niya nagustuhan sapagkat hindi naman ako bagay sa mga ganitong estilo na damit.
"Mag-pants ka, or shorts. Not that dress."
Walang anu-ano akong umakyat sa dorm upang salubungin ni Heidi na takang-taka sa biglaang pagbalik ko. Sinabi ko na lamang na nagbago ang isip ko at hindi ako sanay sa damit—na totoo naman, kaya't kinuha ko ang lumang pantalon at pinakamaayos na blouse ko.
Nang makapagpalit na ako ay wala namang sinabi si Ralph at pinasampa lang ako sa motor. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o malamig na naman ang pakikitungo sa akin ni Ralph.
Sa isang executive village kami nakarating kung saan hinarang pa kami ng guard sa gate. Kahit sinabi ni Ralph kung sino siya at ano ang pakay niya sa lugar na 'yon ay hiningan pa rin siya ng I.D. at pinababa pa kami sa motor upang i-check ang mga laman nito. Pansin kong naiinip na rin si Ralph sapagkat dapat pa raw nilang i-confirm sa mismong may-ari ng bahay na inimbitahan nila si Ralph roon.
"Hindi ba't dati ka rin namang nakatira rito?" pagtataka ko kay Ralph. Nasa tabi kami ngayon ng guard house upang sumilong dahil mainit pa rin ang sikat ng araw kahit pa lagpas alas singko na.
"I lived on my own since I graduated senior high school. But I do visit a lot before since I'm not good at taking care of myself."
"Sinabi mo naman ang pangalan mo sa kanila. Bakit kailangan pa nila ng confirmation?"
"It's likely my grandfather's doing. I am banned from setting foot at their premises, remember?"
"Pero ininvite ka naman nila, hindi ba?"
"My mom invited me. Not his father nor my father. There's a big difference."
Napayuko ako. Kung ganoon pala, ang may huling salita pa rin sa kanila ay ang lolo niya. Ilang beses tuloy akong napalunok at napakapit pa sa polo ni Ralph sa sobrang kaba. Parang ayokong makilala ang lolo at tatay niya.
"Ipapakilala mo pa rin ba ako sa kanila?"
Tinaas niya ang kilay sa'kin. "To whom?" Bumaba ang tingin niya sa mga daliri kong mahigpit ang kapit sa gilid ng polo niya.
"Sa Lolo at Papa mo?"
"I'll introduce you to everyone." Bigla nitong kinuha ang kamay ko na nanginginig na nakakapit sa kanyang damit. "If you're scared, just hold my hand." Humigpit ang hawak ni Ralph sa'king kamay na tila ba siya itong takot.
"Ralph, totoo ba 'yung sinabi ni Ethan?" pagbabago ko.
Binitawan ni Ralph ang hawak niya sa akin. "You're still talking to that guy?"
Hinarap ko siya. "Alam kong ayaw mong pag-usapan 'yung nangyari. Pero pinaliwanag niya sa akin. 'Yung dahilan bakit kayo nakikipagkarera sa isa't isa."
"I'm sure he just mentioned his side. Ano? Am I the evil again?"
Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. Subalit bago pa ako makasagot ay tinawag na kami ng guard upang papasukin sa loob.
Laking gulat ko na may mga establisyemento pala rito bukod sa mga residential houses. May iilan kaming nadaanan na restaurant, convenience store at sikat na coffee shop. May nakita rin akong street sign patungo sa chapel. Tila naging maliit na city ang lugar na 'to.
Ang mga bahay ay kawangis ng mga nakikita ko sa international movies. Napakamoderno ng estilo at kulay. Habang tumatagal ay tumataas na ang mga pader na binabaybay namin. Kada tatlong metro ay may puno o halaman malapit sa walkway subalit wala na akong natatanaw na bahay. Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa harap ng malawak na gate. Hindi katulad ng ibang nadaanan naming bahay, may malalaking awang ang bawat rehas ng malapad na gate ng mansion na nasa harap namin. Napakalawak ng espasyo rito na kahit pa may apat nang sasakyan ang nakaparke ay pwede pang pagdausan ng birthday party ang espasyo sa damuhan sa harap ng bahay.
Bago kami pinayagang papasukin ng security ay pansin kong may niradyo muna ito.
Hindi mawala ang buka sa bibig ko sapagkat para akong nasa ibang bansa sa disenyo ng bahay na ito. Isa itong palasyo sa aking panaganip. Hindi pa ako nakakarating sa Malacañang ngunit parang mas malaki pa ito roon. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong lugar lumaki si Ralph. May mga taong nagtatrabaho para sa pamilya niya na sinisiguro ang seguridad nila. May mga taong naghahanda ng kakainin niya sa araw-araw. Iba pa ang pangkat ng tao na naniniguro ng kalinisan ng buong bahay. Ngayon lang unti-unting pumapasok sa isip ko na masyado ngang magkalayo ang mundo namin.
Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay na siyang kinuha ko na rin para kahit papaano'y mawala ang panginginig nito. "Just stay beside me."
Hindi pa kami nakaaakyat sa malawak na balkonahe ay bumukas na ang mataas na pinto mula sa kabila.
"Erica..." Bakas ang gulat sa mukha ng nanay ni Ralph.
Mabilis kong binitawan ang kamay ni Ralph sapagkat nabaling doon ang tingin ng nanay niya.
"Good afternoon po," bati ko at bahagyang ngumiti.
"Come in, hija." Sinuklian niya ang ngiti ko at inaya akong tumuntong sa loob ng kanilang mansion. Hindi tulad ng pangkaraniwang mga bahay, hindi sala at television set ang bumungad sa'min. Bagkus malaking espasyo ng entratang pasilyo kung saan walang gaanong nakalagay na kagamitan bukod sa dalawang magkatabing couch at mga maliliit na halaman.
Imbes na litrato nilang pamilya ang nakasabit sa haligi na siyang una mong makikita pagkapasok ay mga paintings ang sumalubong sa amin. Hindi ko wari kung ito ba'y bahay o sosyaling hotel. Tila mas maaliwalas pa rito kaysa sa lobby ng condo building ni Ate Raine.
Speaking of Ate, lumabas siya mula sa isang silid upang batiin kami ng nagtataka niyang mukha.
"Erica, why are you---" Naputol ang sasabihin niya dahil kay Ralph na napunta ang atensyon niya. "Ralph, can I speak with you, outside?"
Napakagat ako ng labi dahil mukhang hindi nagustuhan ni Ate Raine ang biglaang pag-imbinta ni Ralph sa'kin dito.
"Ah, Ate Raine, ang totoo po ay aalis din ako agad. Nagpasama lang ako kay Ralph dahil malapit dito 'yung---"
Masama akong tinignan ni Ralph bago humarap muli sa kanila. "We're dating, alright? So, I asked her to come here with me."
Bago pa matapos ni Ralph ang pangungusap ay may bumaba na mula sa malawak nilang hagdan. Ang kuya niya at ang asawa nito na pawang nagtataka.
"You really love to gatecrash, huh? What, is this your new hobby now?" Lumapit ang matangkad na Kuya ni Ralph na may kakaibang ngisi sa mukha. Nakakatakot ang aura niya, parang si Adrian ngunit alam mong nasa mas mataas na pangkat siya ng society. Alam mong dekalidad at edukado ang kausap mo—na siyang nakaka-intimidate para sa akin.
"Come here, Ralph." Hinila ni Ate Raine si Ralph palabas kaya't naiwan ako kasama ang pamilya niya. Ngayo'y para akong yelo na gustong matunaw sapagkat hindi ko alam kung paano ako kikilos.
Hanggang sa nilapitan ako ng asawa ng kuya ni Ralph. Malawak ang ngiti niya sa akin.
"Did Ralph bring you here?" curious niyang tanong.
Tumango ako.
"I'm Sofie. Ralph's sister-in-law." Nilahad niya ang kamay na siyang tinitigan ko lamang.
Sofie...
Hindi ba't 'yan ang pangalan na winika sa'kin ni Ralph? 'Yung sinasabi ni Adrian na ex niya. Ang babaeng halatang hindi niya malimutan dahil napagkamalan niyang ako ito kaya niya ako hinalikan noon.
Ibigsabihin siya rin 'yung Sophia na tinutukoy ng Aleng pinagbilhan namin ng goto noon. Ibigsabihin tama ang kutob ko noon pa.
Nanginginig ang kamay ko na inabot ang kamay niya. "E-Erica po."
Maganda siya. Mukhang mas mabait siya kaysa kay Janaya. Maaliwalas ang mga ngiti niya na tila kaya niyang kaibiganin ang kahit na sino. Sigurado ba si Ralph na nabaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Sofie?
Pansin kong napatitig ito sa bandang leeg ko. Yumuko ako upang tignan ang pendant na nakasabit doon at hinawakan iyon.
"Is that yours?" Tanong niya. Hindi niya maalis ang tingin sa leeg ko.
Tumango ako. "G-galing kay Ralph." Hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa kanya. Siguro'y nai-intimidate din ako dahil alam kong mas mataas ang antas niya sa buhay kaysa sa akin.
"It's beautiful. It suits you." Pinuri niya ako subalit hindi ko wari ang kalungkutan na sumama sa papuri na 'yon. "I guess, you make him melt now."
Hindi ko alam kung may iba pang nilalaman ang mga sinaad niya.
Napalayo sa'kin nang bahagya si Sofie nang bigla na lamang lumapit ang kuya ni Ralph. Mabilis niyang pinalibot ang buong braso sa bewang ng kanyang asawa na akala'y aagawin ko siya sa kanya.
Mapangmataas ang mga tingin niya sa'kin. "So, Ralph's bringing hookers here now, eh? At least bring someone hot." Mapanuya ang mga salita niya na dinagdagan pa ng tawa sa dulo.
Pinalo siya no Sofie sa balikat upang tumigil ito. "She's not a hooker. She's Ralph's date."
"So, does that make her not a hooker?"
"Chad, please!" Inalis ni Sofie ang akap sa kanya ng kuya ni Ralph at tumungo sa isa sa mga kwarto sa palapag.
"Fuckin' women," rinig kong bulong nito bago sundan ang asawa.
Naiwan akong mag-isa sa malawak na salas—na hindi talaga sala, kaya't naupo muna ako sa mamahaling sofa. Dahan-dahan pa nga ang aking pag-upo dahil baka mamantsahan o malukot ko pa ang tela nito. Nakakahiya dahil napakalinis ng lugar na para bang oras-oras atang may nagpupunas ng mga ito.
Bumalik si Ralph kasunod si Ate Raine. Bakas na galing sila sa away sapagkat parehas na nakakunot ang noo nila. Nagulat ako nang biglang hilahin ako ni Ralph tayo.
"Let's get out of here," aya niya.
Takang-taka naman ako. Ano kaya ang napag-usapan nila na nagpadesisyon kay Ralph na umalis na lamang?
"Ralph, what are you talking about? You just got here." Pati ang ina niya ay nalilito sa kanyang biglaang desisyon.
"Pumayag akong pumunta rito. But I did not agree on apologizing to them," paliwanag niya sa magulang. "You..." Tinuro niya ang kanyang ina. "And you." Sunod ay si Ate Raine. "When will you ever learn to defy them?"
Bago pa man makasagot ang isa sa kanila ay isang malaking boses na ang pumasok sa parisukat na salas nila.
"What is he doing here? Melinda, what is this?"
Natatandaan ko siya. Siya ang nanuntok kay Ralph. Ngayo'y naiintindihan ko na kung bakit ganito na lamang ang reaskyon ni Ralph.
Tinignan ko siya, nanginginig ang nakakuyom niyang kamao kaya't sinubukan ko itong pakalmahin sa pamamagitan ng paghawak ko rito.
"Your son has something to say." Hindi maikakaila ang takot sa tono ni Mrs. Real. Totoo ngang makapangyarihan ang ama ni Ralph. Kung ganoo'y paano pa ako makakalakad ng tuwid upang magpakilala na girlfriend ni Ralph?
Kung ganito na lamang ang galit na pinapakita niya, paano pa kapag napag-alaman niya na hamak na mahirap lamang ang kasintahan ng anak niya?
Mukhang tama si Ralph. Kailangan na naming umalis.
"Right, Rafielo?" Tinignan ng nanay niya si Ralph at sinenyasan na lumapit sa ama nito.
Pansin ko namang bumalik na rin ang kuya ni Ralph at si Sofie. Mukhang nagkabati na muli sila dahil nakasabit na naman ang kamay nito sa bewang ng asawa niya.
"Yes..." Nagulat ako sa saad ni Ralph. "So, where's our Lolo?" Tila umaliwalas ang mukha niya. Ngunit alam kong pinipilit na lang niyang ngumiti.
Hindi ko maiwasang pagmasdan si Sofie at kung paano pagmasdan ng asawa niya ang bawat galaw nito. Pansin kong panakaw ang tingin niya kay Ralph, samantalang si Ralph ay diretso lamang ang tingin sa kanyang mga magulang. Ayaw niya bang tignan si Sofie? Naiilang ba siya? Nahihiya? May nararamdaman pa rin ba siya para sa kanya?
Wala pang isang minuto ay pumasok na rin ang Lolo ni Ralph. Pamilyar ang mukha niya sa akin dahil sinabi naman ni Ralph na nasa politiko ang ama at lolo niya. Tinanong ko kasi ito noong isang araw sapagkat may ilang kilalang personalidad akong nakita sa burol ng lola niya.
Alam kong masyado pa akong bata upang maalala na senador ang lolo niya noon at hindi ko rin gaano kakilala ang ama ni Ralph dahil wala akong masyadong kakilala sa mga congressman.
Naka-wheelchair ang lolo ni Ralph at may nurse lamang na nag-aalalay sa kanya mula sa likod. Ngunit kahit na ganoon ay ramdam pa rin ang kapalaluan niyang kapangyarihan laban sa pamilya nito.
"Lolo, let me help you." Nilapitan ni Sofie ang lolo ni Ralph at ito na ang tumulak papalapit sa kinaroroonan ng kuya ni Ralph.
"Tsk." Tinanggal ni Ralph ang pagkahawak ko sa kanya at pinasok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya.
"Papá, before you say anything. Please hear your grandson first," rinig kong saad ng nanay ni Ralph nang lapitan nito ang lolo ni Ralph.
"Armand, better explain what's happening here." Hindi pinansin ng matanda ang nanay ni Ralph bagkus ay tinuon ang atensyon sa tatay ni Ralph.
"I can explain it myself." Nagulat ako nang magsalita si Ralph at iniangat ang baba niya. "I came here to hear my Nana's last will."
"How are you sure you'll receive an inheritance? Aren't you forgetting something, huh, Rafielo?"
"What? That you made those fuckers punch me to death?!"
"Ralph!" Halos sabay ang pagpigil ng nanay ni Ralph at ni Ate Raine sa kanya. Habang ang kuya naman ni Ralph ay may kakaibang ngisi na nagliliwanag sa kanyang mukha.
"Ralph, please, calm yourself down, anak." Lumapit na sa amin si Mrs. Real at hinawakan ang magkabilang balikat ni Ralph dahil unti-unti nang humihipig ang balikat niya patungo sa lolo nito.
"Fuck it, Mom! Until now hindi mo pa rin pagbabayaran 'yang ama mo sa ginawa niya sa'kin?!"
"Where are my bodyguards, Chad? Call them to escort your brother." Malalim ang titig ng lolo ni Ralph sa kanya na kahit alam kong hindi niya ako batid ay malakas pa rin ang tibok ng puso ko. "Or else, he won't just be in rehab this time."
Nakita kong mabilis na nilabas ng kuya ni Ralph ang cellphone niya.
"I'll be happy to escort myself out." Hinarap niya ako. "Let's go."
"Ma'am, Sir, andito na po si Atty." Natuon ang atensyon ng lahat nang may dumating na katulong—hindi ko inaasahan na nakauniporme ito tulad sa mga palabas, akala ko'y exaggeration lamang iyon ng mga director.
"Ralph, stay for a while." Pinigilan ni Mrs. Real na umalis si Ralph. Binaling niya ang tingin sa'kin na tila nangungusap na huwag kong hayaang makaalis si Ralph. Sunod siyang lumapit sa kanyang ama. "Papá, at least let my son stay until the end of the reading."
Pumasok ang lahat sa isang kwarto na estilong meeting room ng mga opisina. Sumunod ako dahil sa paghihila ni Ralph. Ang sumalubong sa amin ay isang lalaki na naka-Amerikana at may hawak-hawak itong briefcase sa kanan niyang kamay. Pinagmasdan niya pa ang lahat bago itanong kung handa na ba ang lahat mapakinggan ang huling habilin ng lola ni Ralph.
Hinintay ng lahat ang pagtango ng lolo ni Ralph bago nag-umpisa ang Atty. na kasama namin. Nang buksan ng abogado ang brown envelope at ilabas ang mga papel ay tumahimik ang buong pamilya ni Ralph na akala mo'y may hinihintay kung ano ang last draw sa lotto.
Isa-isang binanggit ng abogado ang mga ari-arian na ipinapamana sa miyembro ng kanilang pamilya. Wala akong masyadong naintindihan kung ano ang tinutukoy na ari-arian subalit isang pangalan lang ang nangibabaw. Ang buong pangalan ng nanay ni Ralph karugtong ang Melbel Foundation.
"Lastly, I give and bequeath my property in Kaybagal, Tagaytay—a two story rest house to my grandson, Rafielo Hero Real."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top