Chapter 4 • The Hero
MATAGAL NA RIN ang huling beses na may babaeng umangkas sa motorbike ko. Kaya naman parang nanibago pa ako nang mahigpit na hagkan ni Betty La Fea ang bewang ko kanina. Wala naman akong reklamo do'n dahil gusto ko ring maramdaman niya ang katawan ko, ang isa sa mga mabenta sa mga babae.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan paalis. Hindi ko akalaing dahil sa desisyon kong bumalik na sa condo unit ni Steven ay pagtatagpuin pa ang landas namin ni Betty La Fea. Swerte siya dahil ang daan na 'yon ay papunta sa lugar ni Steven. Kung hindi ay paniguradong magdamag siyang ngumangawa ngayon.
Sa una ay wala naman akong balak na tulungan siya. O kahit sino pang nasa panganib dahil ayokong makialam sa business ng iba. Pero dahil napagtanto kong tyansa ko na ito upang manipulahin siya, hindi na ako nagpatumpik pa. Ngayon, may panibagong utang na naman akong sisingilin sa kanya. At sisiguraduhin kong gabi-gabi siyang hindi makatutulog dahil sa akin.
Patay na ang mga ilaw nang makapasok ako sa unit ni Steven. Malakas kong binagsak sa sofa ang kulay puting t-shirt na inabot sa akin ni Betty La Fea kanina. Talagang sineryoso niya ang pagbibigay ng kapalit sa namantsahan niya. Is she that scared of me? O ayaw niya lang nagkakaro'n ng utang sa iba?
Steven is my childhood best friend. Baduy na kung baduy pero halos sa lahat ng bagay ay sabay kami. Sabay pumapasok sa school, nale-late, nawalan ng virginity, sumubok manghithit ng pot, pumasok sa college. Pero ang gago, inunahan akong umalis.
Kilala ako, si Steven, at Adrian noon bilang Lucifer's trinity. Pero nang tumuntong ng kolehiyo, nagseryoso na si Steven, kaming dalawa ni Adrian ang natirang kupal sa grupo. Pero kahit gano'n, siya lang ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Kaya nga't sa kanya ako nakikituloy.
Naghanap ako ng alak na maiinom. Hindi pa sapat ang nainom ko sa party ni Adrian kanina. Kailangan ko pang makarami dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakalimot. Until now, I haven't had the courage to delete her last text message to me.
♣♦♥♠
***One year and three months ago.
Are you busy? Let's talk.
Agad kong tinaob ang cellphone nang mabasa ang mensahe niya. Kahit pa nasa tapat ko siya ngayon ay hindi ko pa rin maalis ang tingin sa cellphone. Ang mensahe na 'yon ang dahilan kung bakit nandito ako-pinapakinggan ang kung anong kagaguhan ang lalabas sa bibig niya.
We were in private dining area. The light was dim, but the mood was romantic. We were surrounded by beautiful couples. But we're the only ones who aren't in love with each other, not anymore. Dahil masaya na siya sa iba.
"I'm going to be your sister-in-law soon."
"That's it? You texted me for that?" I don't want to sound bitter. But I sure am, right?
"Hero---"
"Don't call me that."
No. Call me by my second name. Please. I missed your voice. I missed you calling me that.
"Ralph---"
Tinignan ko siya, tapos sa singsing na suot-suot niya.
Bullshit. I can also give her that.
"Tell me, Sofie, anong pagkukulang ko? Anong nagawa kong mali? Anong nakita mo sa kanya na wala sa'kin?"
I said it. I fucking told her the words I never thought would come out of my mouth. I let my fucking pride down for her, not just this time. Heck, I don't even know if this would be the last time.
I suddenly feel tears streaming down. Inside my mind, I am hoping this is the side effect of snorting crack at Adrian's orgy party.
"Wala kang pagkukulang. It's just that, binigyan niya ako ng sobra."
"Huh. Sobra na hindi ko kayang ibigay because I'm still a student."
"No, Hero..."
"I said don't call me that!"
"No, Ralph. Hindi 'yon. You were too young that time. Too young to understand love. I think we're not meant for each other."
Not meant for each other? How about those times when you keep telling me how much a soulmate we are?
Malakas sa pandinig ko ang pagbuntong hininga niya. I miss feeling her breath beneath my neck. Handa akong ipagpalit ang paghithit ko maramdaman ko lang muli ang hininga niya malapit sa'kin.
"Gusto ko lang sabihin na, I'm gonna be your sister-in-law so respect me as how you respect your sister."
"Are you saying I'm disrespecting you?" Hindi ko napansin na tumaas na ang boses ko. Marahil epekto rin ng pagbilis ng tibok ng puso ko at pamamawis ng katawan ko kahit pa napakalamig sa lugar na 'to.
"Yes. Ever since your brother and I dated. You kept acting like a child, having tantrums and playing your little rebel games by joining a gang. Isn't that what being childish like? Isn't that what you are now?"
Bigla siyang napaatras sa inuupuan dahil malakas kong sinuntok ang lamesa.
Fuck. The violent behavior is kicking in. I need to fucking conceal it.
Mabilis kong pinikit ang mata upang ibalik ang postura. Tumayo ako at pinatong ang kaliwang kamay sa lamesa upang mailapit ang sarili sa kanya. Kitang-kita ko ang panginginig at takot niya.
How did it come to this?
"You want me to leave that gang? Sure! Is it the only way through your heart? Then, I will fucking leave it and be sure you fuck me again!"
I didn't expect what she did next. She slapped me.
♣♦♥♠
Binuklat ko ang mata ko nang maramdaman na may pumapalo sa balikat ko. Tinignan ko kung sino iyon, si Steven.
Napasinghap ako dahil sa sakit ng ulo.
Fucking headaches.
Hindi pa ako nakakaayos ng upo pero hindi ko mapigilang matawa sa buhok ni Steven. Naka-gel ito kaya para siyang bagong ligo. Wala ka ring makikitang gusot sa suot niyang puting long sleeves.
Magkasing edad lang kami ni Steven pero dahil sa ayos niya ay para bang sampung taon ang tanda niya sa'kin. Ito ba talaga ang nagagawa ng corporate world?
"Pucha! Anong style 'yan?" malakas kong bulyaw. Ibang-iba siya sa Steven na iniwan ko one year ago.
Sinikuhan niya ako kaya malakas akong napaaray. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang pasang binigay sa'kin ng mga alagad ni Banerji.
Pansin ko namang nililigpit lang ni Steven 'yung pinag-inuman ko.
"Pre, ako na d'yan," wika ko sa kanya habang hawak pa rin ang noo ko. Gaano ba karami ang nainom ko kagabi?
"Ako na. Kung ako sayo, maligo ka na," aniya.
Tumayo na lang ako sa sofa na pinaghigaan ko. Since I am crashing at his place, I have no choice but to sleep on the couch. I don't want to meddle with his private life by sleeping at his room. Lalo pa't may girlfriend na nagbabantay sa kanya.
"Sorry for drinking your vodka."
"Nah! Alam ko naman 'yan ang pinakakailangan mo."
Sinapo ko ang balikat ni Steven. Nag-mature na talaga siya. Parang pwede ko na siyang maging father-figure. "Tangina, pare, kung wala ka lang jowa, gagawin kitang sugar daddy," pagbibiro ko.
Malakas nitong pinalo ang likod ko. "Baklang-bakla ka na sa'kin. 'Yan ba ang nagawa ng rehab sayo?" Siya naman ang bumawi.
Malakas lang kaming nagtawanan bago ko siya tulungang pulutin ang nakalukot na wedding invitation sa sahig. Bumalik tuloy ulit sa utak ko ang gusto kong kalimutan.
"Pare, ikaw na bahala kay Tam, ha?" habilin niya.
Si Tam ang isa sa mga babaeng naloko niya kaya ngayon ay dalawang taon na niyang nobya. Naloko dahil sa dating app lang naman sila nagkakilala. Sa una ay sinabi nitong freshmen pa lang siya kahit pa graduating na talaga ang status niya. Takot kasi itong grumaduate nang hindi man lang nakaranas ng seryosong relasyon. Kaya heto, masyado na ata siyang nagseseryoso at balak pang pakasalan si Tam pagka-graduate nito.
Ngayon ay second year college pa lang si Tam, pero di tulad ko na irregular dahil barumbado ako. Katunayan si Tam pa ang nagsisilbing tagapangalaga sa'kin. Baligtad na talaga ang role ngayon.
"Huwag kang mag-alala. Makita lang nila na kasama ko siya, napapaatras na mga buntot ng mga 'yon."
Binuklat ko ang invitation na nakakalat sa sahig. Halos mapatawa ako nang makitang kay Steven pala naka-address. Ibigsabihin, hindi niya ako inimbita?
But, what if sa unit ko naipadala?
Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan at kumaripas palabas. May sinabi pa si Steven pero hindi ko na siya naintindihan.
Nang makarating sa dating condominium ay madali akong tumakbo sa mailbox ng unit ko na nasa first floor ng building. Napamura ako nang bumukas 'yon gamit ang dati kong code. Those poor pricks didn't know we have this kind of box in the building.
I can't help but to smile when I saw an envelope that's addressed to me. It gradually became a bitter wry. I still can't get over how they betrayed me, how she betrayed me. This is my fault for trusting her, for falling in love. She's the reason I won't fall again.
I still remember how she took me with her smile and laugh. I was Grade 12 then, she's already a college senior. I know, that made me a fool. And I'll always be if I continue on letting her consume my mind. Pero ayoko rin ibaba ang pride ko, I need to show her that I am fine without her. Kailangan kong magpakita sa kasal niya.
♣♦♥♠
Trying on suits is not my thing but if I wish to accomplish my plan, I need to do this.
Katapat ko ang repleksyon ko sa salamin. Halos hindi mabitawan ng babae sa tabi ko ang ngiti niya. My shoulder-length hair waves through the hands of the lady beside me-the head tailor's assistant. Hinarang niya ang sarili sa salamin upang siya lang ang mapansin ng mga mata ko.
Kapansin-pansin na bukas para sa mga mata ng lalaking katulad ko ang unang dalawang butones ng blouse na suot. She came closer to me and make a feign adjustment to my collar. She smiled flirtatiously. "Ang swerte mo, alam mo ba?"
"Yeah? Why is that?"
Muli siyang humarap sa salamin at doon ako pinagmasdan. Hindi niya tinatago ang nararamdaman. She even bites her lip to make me feel something.
"Kasi.... I really find long-haired guys hot." Ramdam ko ang mga kamay nito na dahan-dahang bumababa sa malalambot na tela ng grey trousers na aking suot. She's pretending to measure my hips to perfectly tailor the pants, but deep down she's tempting to touch my crouch.
Here's the thing about girls who like me, they will admit it immediately because they're afraid that someone might got my attention first. At itong babae sa tabi ko ay isa sa kanila. She's desperate for my affection, she wants me to be aroused as much as I incite her.
A fake cough disturbed the both of us. Napatalikod ako upang tignan si Tam na nakataas lang ang kilay sa akin. Kahit itago niya ay alam kong nagustuhan niya ang suot ko ngayon. A black polo inside the grey wedding suit, the pocket square's color injects a dash of dominance that is flawlessly balanced with the silk of its jacket. I bet my ex's shoulders will froze when she sees me.
"So?" I raised my brows at Tam. Hindi ko mapigilang mapakamot sa leeg. As much as I enjoy what I see in the mirror, I hate to admit that this isn't the type of clothing I'm used to. Pero salamat sa malanding assistant sa tabi ko, nagbago ang pakiramdam ko.
"Are those bridesmaids who aren't looking for romance will change their mind once they see me?" I continued.
She just rolled her eyes at me.
Hindi kami masyadong malapit ni Tam dahil kakaunting oras lang naman ang napagsaluhan namin bago ako pumasok sa rehab, and I'm not very sober that time. Pero madali siyang pakisamahan at kung sino mang lumapit sa kanya ay paniguradong gagaan agad ang loob. Masyado kasi itong mahinhin at walang nakakatakot na aura sa paligid.
"You bet." Sinakyan niya ang paandar ko.
"Thanks, Tam, for coming with me," seryoso kong pasasalamat.
Nandito kami sa tailor shop malapit sa university. Si Steven kasi ang inaya ko kaso he's busy doing his grown-up stuff kaya girlfriend niya na lang ang pinadala.
Hiram ko lang ang suot na suit jacket and blazer kay Steven. Ngunit dahil masyadong malaki, it should be altered to fit my body. Hindi ko rin naman masisisi si Steven sa biglang paglobo ng katawan niya, masarap magluto ang girlfriend niya. Minsan nga'y biniro ko pa siya na magtayo na lang sila ng catering services.
"You're welcome. You're my boyfriend's boyfriend, after all." Kung malakas mang-alaska si Steven, mas malakas ang jowa niya. Maliit man pero siya ang commander sa relasyon nilang dalawa.
Hindi ko pinansin ang pagbibiro niya at hinarap muli ang salamin. Nagkakamali si Janno Gibbs, ako ang pinakamagandang lalaki sa mundo.
♣♦♥♠
Pabalik na kami ni Tam sa university dahil mayroon pa raw siyang klase. Hindi na sana ako sasama ngunit kinokonsensya niya ako, she kind of reminds me of my eldest sister.
"Did you really do drugs inside the school?" she asked out-of-nowhere. Gusto kong matawa sa nasagap niyang chismis. Mga tao talaga, masyadong pinapakomplikado ang nangyayari just to sound outrageous.
"Matalino ka Tam, I know you wouldn't believe those kinds of rumors."
"But you really did drugs?"
"Bakit? Ipapahuli mo ako sa PDEA?"
Hindi na siya umimik pa. Magsasalita pa sana ulit ako kung hindi lang dahil sa pamilyar na tindig sa kabilang dulo ng pedestrian crossing. Nasa gilid ito ng lumang building kung saan may mga nagtitinda ng kendi at yosi sa tabi. Sa taas niya ay may malaking karatula ng photocopying shop.
Nakaupo siya, binabalanse ang sarili upang hindi dumikit ang pencil skirt sa maduming bangketa, habang may inaamong pusang-kalye sa tabi. May hawak itong tinapay na siyang hinahati upang ipakain sa pusa.
"She's really odd." Hindi ko alam na napalakas pala ang sabi ko, imbes na utak ko lang ang dapat makarinig.
Napatingin si Tam sa babeng inoobserbahan ko. "You know her?" I can sense her curiosity by the sound of her voice.
"Just random waitress at Samael's." Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng tinulungan ko sa holdaper kahapon. Gusto ko siyang puntahan upang mapagtripan.
"She's not your typical waitress at Samael's."
"Because she's not typical," I subconsciously answered. "Can you go ahead?"
Tinignan ko si Tam. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya.
"I know what you're planning, Ralph. She looks kind and innocent person. Don't ruin her life. Doon ka na lang sa babae sa tailor shop."
I won't ruin her life. I just need her so I can fix my problem and if I fixed that problem, I could shift my life. She's a little bit of a help, actually. If she really is a kind-hearted person, I know she'll understand.
"Did Steven tell you anything?" As far as I'm concerned, I made sure na hindi na makalalabas sa aming tatlong magkakaibigan ang deal namin ni Adrian. And I specifically told my best friend to keep it low.
"Nope. I just know you." Umalis na si Tam at naunang pumasok sa gate ng university.
Bago pa ako tumawid ay napansin kong tapos na magpakain ang good Samaritan. Ngayon ay nakatayo na lang siya sa silong ng lumang building habang hinihintay ang sunod na pulubing mapapakain.
Nang magtama ang mata namin ay kapansin-pansin ang pagbabago ng kilos niya. Kung kanina ay wala itong kapaki-pakialam sa bawat galaw, ngayo'y hindi na ito mapakali. She's being obvious. Gantong-ganto ang mga reaksyon ng babaeng nilalapitan ko na may gusto sa'kin.
"Are you waiting for someone?" tanong ko rito habang naglapag ng sampung pisong barya sa mababang mesa ng mamang nagtitinda ng yosi. Kumuha ako ng isang stick sa malamang kaha bago sinindihan iyon. Pansin kong hindi umimik ang babae sa tabi ko. Umaastang hindi ako kilala.
Inaabot ng tindero ang tatlong pisong sukli ko pero inilingan ko lang siya. I don't want to look cheap in front of this pauper philanthropist.
Kasabay ng pagbuga ko ng usok ang pagbaba ng tingin ko sa body bag niya. May dalawang malaking pardible ang nakasabit doon upang magamit pa rin niya.
I slowly slipped my arm around her shoulders, waiting for her reflexes to shun, which she did.
Napangisi ako. I'd be lying if I say I'm not enjoying this.
"So, nakatulog ka ba nang maayos kagabi?" Dumiretso ako ng tayo. Parehas lang namin pinagmamasdan ang mga estudyanteng mabibilis ang paglalakad.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Wow. She has the pretending-not-to-know-what-happened-last-night syndrome. This girl, she's quite something din, eh?
"Ang dali mo namang makalimot."
Mas lalo ko siyang inasar sa pamamagitan ng paglalaro ng mga daliri ko sa balikat niya. Tinanggal niya naman kaagad 'yon at sinamaan lang ako ng tingin-which is not intimidating and just made her look uglier.
Nang magtama ang mata namin ay bigla itong umiwas. Avoiding eye contacts, number two on how to know if a girl likes you.
"How is your neck?" Hinawakan ko ang baba niyang upang itaas, para makita ko ang sugat sa leeg, para kunwari'y may pakialam ako.
"Ano ba!" Nagulat ako dahil bakas na ang inis sa boses niya, napatingin tuloy ang ilang tindera sa amin. Mahilig siyang gumawa ng palabas, uh? Then, pagbibigyan ko siya.
"Erica? Anong nangyayari?"
Napagitla ako nang may lumabas na short-haired na babae mula sa photocopying shop. Masama niya lang akong tinitignan.
"W-wala. Tara na, Claire."
Akala ko'y ipakikilala niya ako sa kaibigan subalit ginamit niya ang fourth step on how to ditch your one-night stand.
Nauna itong maglakad ngunit hindi pa rin maalis ng kasama niya ang mapagmatyag na tingin sa akin. Ibang-iba ang personalidad nito kesa kay Betty La Fea, parang sa magkaibang breed sila galing. I just smiled at her and made sure she would know that I'm Mr. Congeniality. This smiley, easy-to-get-along façade will win me this game.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top