Chapter 33 • The Hero

TINAPON KO ANG SIGARILYO na kanina'y nasa pagitan lang ng mga labi ko. Sa tabi ko ay si Adrian na binubulong ang plano niyang gawin limang minuto pagkatapos ng paninigarilyo namin.

Nasa tapat lang kami ng munting kainan na sa taas ay ang bilyaran na hilig naming tambayan bago pa ako ipadala sa rehabilitation, at bago pa ako mabaliw kay Sofie. Oobserbahan ni Adrian ang mga bagong recruit niya kung paano magbenta ng droga nang walang nakakapansin. At dahil wala akong magawa sa buhay, pumayag akong sumama bilang alibi niya.

Nakatingin lang ako kay Quisumbing na siyang lumabas sa isang coffee shop sa katapat na kanto. She was with some random tall guy and she seems all smiley.

Who is that? Kailan pa siya may nginitian na lalaki bukod sa'kin? —Of course, her customers at Samael's but those were fakes, it doesn't count. I cannot fathom that she will drop her kind smiles to someone aside from me.

Talaga bang ayaw niya sa'kin? Nang sinamahan ko siyang maghanap ng masasakyan galing sa condo ni Adrian dati ay halatang pilit niya akong pinapalayo.

Whatever.

Sawang-sawa na ako sa urong-sulong niya. If she can never be honest with her feelings, she will just be a liability to me. And I don't want excess baggage. I quest for someone that can quench my cravings with astonishment. She is nothing. She is not worth for ruining myself over, no one will ever be. I cannot allow anyone to ever do it again on my watch. One round trip to hellhole is enough.

Even though the music is lewd and loud inside the room, it was never enough to replace the marked dullness on my face.

This is fucking boring. Obvious na bano ang kalaban namin at hindi rin nagseseryoso si Adrian. I'm pretty sure presensya niya lang ang habol ng mga babaeng naka-tight shorts para palibutan kami at panoorin.

Bakit pa ba ako sumama kay Adrian? He was the one who's play-pretending as some stupid-corny-destiny's child. Lahat na ata ng paraan na alam niya ay gagawin upang patuloy pa rin magtagpo ang landas namin ni Quisumbing. But I am not going to be a part of it. Not anymore.

Kinuha ko ang tisa na nakapatong lang sa tapat ko at saka diniinan ang ulo ng tako. Ginawa ko ito habang masamang tinitignan ang kalaban namin na mukhang baguhan lang dito. Masyado pa silang bata para makipagsapalaran sa laro namin.

Akmang yuyuko na ako para bumwelo ng tira nang kalabitin ako ni Adrian. Madali ko siyang tinignan sunod sa babaeng tinuro niya. Agad kong inalis ang tingin kay Erica na naliligaw ata. Sinusundan niya ba ako?

I am overanalyzing things, I need to focus on the game, lalo na't nakataya ang dalawang libo ko rito. Dati-rati ay wala lang sa'kin ang halaga nito dahil marami akong napagkukuhanan ng pera, subalit ang winawaldas ko ngayon ay hindi sa akin, kundi sa magaling kong Ate na may pagkatanga rin dahil alam niya naman na ang kahahantungan ko. Bakit kaya hindi siya matuto-tuto?

Even though I am getting weekly allowance from her, I don't want to be too dependent. Malakas siyang maningil ng utang na loob at ayokong nagbabayad nito lalo na kung sa pamilya ko. Maybe, I should reconsider Adrian's offer. Baka may iba pa siyang babae na gustong paglaruan bukod kay Erica.

My fingers slipped. Wala sa tamang tiyempo ang pagtama ng tako sa pamato. Nakadadagdag ng pawis ang pagkakulob sa lugar. Isang malaki at maingay na ceiling fan na nga lang ang gumagana, pinagkaitan pa kami ng may-ari ng bintana. Walang proper ventilation sa lugar na 'to. Pero gano'n pa man, walang gustong umalis.

Pansin kong nawala na sa amin ang atensyon ng ibang manonood. I crumpled my forehead to wonder, but I continued potting the ball to its appropriate hell-pocket. Dalawang bola na lang ang natitira sa'min ni Adrian.

"Tapusin mo na 'yan," lahad niya sa'kin habang ang mata ay pinagmamasdan lang ang isa sa mga dealer niya na iabot ang pakete sa customer nang patago. Pansin kong nasa katabing table ang tinitignan niya. Nakatalikod ang lalaki na naka-school uniform, pero mukhang galing siyang ibang university dahil iba ang suot niya. Ang kamay niya ay nasa likod at mahigpit na hinahawakan ang maliit na plastik na nagkakahalaga ng limang libong piso.

"Ano pa nga ba." Mayabang kong tinignan ang mga baguhan naming kalaban. Halatang pinagpapawisan ang mga ito. "Sinabi ko na sa inyo, dapat sa ibang table na lang kayo," paninisi ko sa kanila. Binalik ko ang sigarilyo sa bibig na parang lollipop.

Malakas na mura ang nagpawala ng konsentrasyon ko. Nang iangat ko ang ulo ay lahat ng tao ay nasa pinakaunang table na nakapalibot. Kaya't saktong naibigay ng dealer ni Adrian ang binebenta nito sa matandang customer. Nang matapos ang transaksyon ay dali-dali itong umalis.

Malaki ang ngiti ni Adrian bago kunin ang pera sa dealer niya at saka binigay ang parte nito.

"P're, anong nangyayari do'n?" Rinig kong pag-uusyoso ng kalaban namin sa isa sa mga kaaalis lang sa lipon ng tao.

"Pasikat na naman si Turbo. Babae naman ata gugulpihin ngayon."

"May sapak talaga 'yon," saad ng nagtanong na may halong tawa.

"Si Turbolencia?" Pagsingit ko sa usapan nila. Napatayo akong diretso dahil pamilyar ang apelyido na 'yon.

"Oo, 'tol."

"Sino 'yung babae?" Si Adrian naman ang nagtanong. Mukhang pati siya ay gustong malaman ang nangyayari.

"Ewan. Ngayon ko lang nakita 'yon dito, e."

Agad kong binitawan ang cue stick at sumingit sa kumpol ng tao sa kabilang table. Hindi ako nagkamali ng instinct, si Erica nga ang babae. May mga kamay na nagpupumiglas sa balikat niya. Kahit pa payat lang din ang katawan ng mga lalaki ay wala pa rin siyang laban.

Napakuyom ako ng kamao. "Hoy, Turbo, bitawan mo siya."

Humarap sa'kin si Turbo—tangina, bagay talaga sa itsura niya ang pangalan niya. Kung hindi lang niya hawak-hawak si Erica ay pagtatawanan ko ang itsura nito. Halatang walang ka-class-class ang pamumuhay niya dahil sa gusot-gusot niyang uniporme at kulay kahel na highlights ng buhok. Mas nagmukha lang siyang tumitira ng rugby sa gilid ng convenience store.

"Huwag kang mangialam dito, Real. Sa dulo ang puwesto niyo, hindi ba? Ibigsabihin, teritoryo namin 'to."

Matagal na rin naming nakakalaro si Turbo, bago pa ako pumasok sa rehab. Una't sapul ay talunan ang grupo niya kaya't malaki ang galit niya sa akin. Lagi ko siyang niyayabangan dahil mayroon akong ibubuga, hindi tulad niya na puro tunog ng lata ang binibigay.

"Hindi naman kita pakikialaman kung hindi ka isang malaking gago." Pinaalis ko ang harang sa harap ko para tuluyang makapasok sa gitna ng nabuong bilog ng mga tao.

"Bakit? Ano bang pakialam mo sa epal na 'to?" Hinarap niya si Erica.

Diniinan ko ang kuyom ng kamao nang makita ang takot niya sa mata. Sinuklian ko naman ng matutulis na tingin ang lalaki habang papalapit sa kanila. "Just bring her to me at ako na ang bahala sa kanya," utos ko.

Binaling ko ang tingin kay Erica na hindi makatingin nang ayos sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung paano nangyari 'to sa kanya. Hindi naman basta-basta nangtitrip ng babae 'tong si Turbo kung wala siyang ginawa na kinaiinisan nito.

"No fucking way. Ako ang unang nakakita sa putanginang 'to."

Napamura ako nang dampihin ni Turbo ang kamay niya sa mukha ni Erica. "Don't fucking touch her!"

Hinaharas niya si Erica pero itong mga gagong tao na nakikinood lang ay wala ata sa tamang pag-iisip—hinihintay na may magkasakitan sa amin. At mukhang makukuha nila ang gusto dahil hangga't nasa paligid ako ay hindi ko hahayaang may mangharas kay Erica. Not when I know how vulnerable she is.

"Ano? Sorry, hindi ko marinig," pang-aasar niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang nitong hinipuan si Erica.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at malakas na sinuntok ang magkabilang pisngi niya. "Putangina mo, manyak!"

Kada titingin siya sa'kin ay dalawang suntok sa mukha ang tinitira ko. Wala akong pake kung saang parte tumama. I am just giving the proper punishment for perverts like him. The next thing I knew, may mga tao nang pumipigil sa'kin at pinaglalayo kaming dalawa.

"Get off of me!" Hindi ko gustong kung kani-kaninong kamay ang humahawak sa katawan ko.

May nilabas na swiss knife si Turbo kasabay na lumitaw ay ang ngisi niya. Marami na ang lumabas ng dugo sa ilong niya pero nagawa niya pang paglaruan nang hindi nasasaktan ang hawak-hawak na patalim. Hindi pa rin pala sapat ang suntok ko para mapatumba siya.

Nagbabanta na siya. Kung sasaktan ko siya ulit paniguradong si Erica na ang sasampolan niya.

Fuck.

I am trapped.

Mas lalong nagliyab ang galit ko nang idiin niya sa hita ni Erica ang patalim.

"Ano nang gagawin mo?"

Napasapo ako sa noo. I can call the police right now, pero wala akong tiwala sa kanila. Sa ngayon ay wala akong ibang naiisip gawin kung hindi magpakumbaba kahit labag ito sa pilosopiya ko.

Tinignan ko si Adrian na naglakad palapit. Patago niyang pinakita ang libo-libong pera sa bulsa. "Mga 'tol, hindi na dapat tayo gumamit ng dahas. Ganito na lang, I will pay you then, pakawalan mo na siya. Agreed?"

Hindi ko itatanggi na magaling talaga sa negotiation talks si Adrian. Pinalaki siya ng pamilya niya para sa ganitong trabaho.

Pumayag na rin naman ang mga unggoy na mukhang pera. Limang libo lang pala ang katapat ng mga putangina.

I turn to Erica; she is still leaning her back on the billiard table. Nakatingin lang siya sa kawalan. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kanto ng mesa dahil sa malakas na panginginig nito pero pinigilan ko ang sarili.

"What the heck were you thinking? Bakit ka pinagtripan ng mga kupal na 'yon?"

She cannot look at me straight in the eye, neither am I. Nakapokus lang ako sa nanginginig niyang palad at mapula niyang bisig.

Tangina, Erica. Bakit ba hinahayaan mong saktan ka nila?

"Ano bang ginagawa mo dito, Erica?"

Hindi ako makapaniwalang pati si Adrian ay nag-aalala. Don't tell me na totoong napapalapit na rin siya kay Erica. Samantalang siya ang panginoon ng larong inimbento niya, siya ang gustong makakita kung paano ko paiiyakin si Erica.

"Patingin ng braso mo." Hindi ko mapigilan ang sarili. Akmang hahawakan ko ang braso niya nang agad niya itong itinago sa likod.

I was disappointed that she didn't let me support her. Binaling ko ang tingin sa sugat sa hita niya. Mahigpit ang diin ng kamay niya roon.

"Let's go to the clinic," pag-aalala ko.

Hindi ko na maatim makita siyang nagpipigil ng sakit. Pero masyado siyang nagmamatigas. Pinipilit niyang ayos lang siya. Hindi niya kailangang magpakatapang sa harap ko ngayon. Hindi ko kailangan ang pagiging matigas ng ulo niya.

"Puta! Anong ayos? E, hindi ka nga makatayo!" Nang sabihin ko 'to ay halatang sinubukan niyang idiretso ang tayo. "Huwag mo nang pilitin."

Lalo niya lang ata akong pinipilit na hilahin siya paalis dito at dal'hin sa ospital.

"Fuck, Erica. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" I asked again. Katunayan ay puwedeng-puwede ko siyang buhatin pero hindi ko gagawin hangga't walang permiso niya. All I need is a go signal from her, which I think is what I am getting desperate of right now.

"Sinundan kita, okay? Hinahanap ka kasi ni Janaya, Ralph. May dinner daw kayong pupuntahan."

Napasapo ako sa noo. "Shit! Oo nga pala." Nawala sa isip ko ang favor ni Jana. Nagpapasama ito sa family dinner niya mamaya dahil katulad ko, may issues din siya sa sariling pamilya. Siguro'y isa 'yon sa dahilan kaya kami magkasundo.

"Go. Ako na bahala kay Erica."

Tinaasan ko ng kilay si Adrian. Ano naman ang binabalak niya ngayon? Ilang beses ko nang pinahiwatig sa kanya na hindi ko hahayaang masolo niya si Erica. He has enough stupidity stored on his mind that might harm her on many ways.

"I'll stay," pagsalungat ko kay Adrian. I don't care kung hindi siya papayag. I will not let him take care of Erica.

"Pero paano si Janaya?"

"Kaya niya na ang sarili niya. Look at yourself, punong-puno ng dugo 'yang skirt mo." Hindi niya kailangang itago sa'kin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Pero nangako ka sa kanya."

"I don't care. Sino ba ang nasasaktan dito ngayon?"

"Nasasaktan mo din siya."

"Can you be selfish for once? Bakit ba nagpupumilit kang magpakabait samantalang wala namang nakaka-appreciate ng ginagawa mo?"

Kahit kailan ay hindi ko siya maintindihan. If only I can swim straight to her mind right now. But that's not possible. Kaya ngayon ang tanging gabay ko lang ay ang salita at gawa niya na sa palagay ko'y kabaligtaran ng tunay niyang nararamdaman. She fuckin' confess, for Peter's sake. Huwag na niyang taguin ang nararamdaman sa'kin. What is she so afraid of?

"Pupuntahan ko na si Janaya. Baka mamaya madamay pa ako sa lover's quarrel niyong dalawa."

I let out a deep sigh after hearing Adrian's right-minded decision.

When Adrian left, Erica was oblivious by how hard she breathes. She was almost panting and huffing in pain which led me to calm my voice and asked her one more time, "Tara na sa clinic."

She needs help right now. Kailangan niyang aminin sa sarili ngayon.

"Huwag na. Mababaw lang naman 'yung sugat. At isa pa, ayokong pagtinginan ng mga tao. Ayokong pagbulungan nila ako. Ang selfish ko, diba?"

She doesn't even know the meaning of the words that is coming off her mouth. Sinasabi niya lang kung ano sa tingin niya ang magpapabulaanan ng mga binanggit ko kanina.

"You know that's not being selfish. That's caring too much for their non-existent opinion about you..." I stopped to look at the lesion that she has been covering with her palms. "Shit! We need to stop it from bleeding. Eto, gamitin mo." Madali kong kinuha ang panyo sa bulsa ko. "Tara sa cr."

Inalalayan ko siya upang tumayo. Siguro'y napagtanto na rin niya kung gaano kasakit ang hita niya. Sa wakas at sumuko na rin siya.

Nasa labas lang ako ng banyo, hinihintay na matapos siya sa ginagawa. Sinandal ko ang ulo sa kahoy na pinto. Pumasok sa alaala ko ang mga posibleng dahilan ng kinikilos ni Erica ngayon. Simula nang halikan ko siya ay kakaiba na ang kinikilos niya, lagi na lang siyang umuurong na para bang nandidiri siya sa'kin.

I realized that was my fault. Sinigawan ko siya at pinagmalaki na paglalaruan ko ang damdamin niya. Just because I was offended by her shunning me away.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ng kirot ang dibdib ko nang marinig ko ang pagdaing niya. Hindi ko alam ang dapat gawin upang mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Bumwelo ako ng buntong-hinga. "I'm sorry."

I cannot believe I am doing this. But I cannot think of a right way to help her aside from letting my pride down.

"A-ayos lang. Totoo naman 'yung sinabi mo, eh."

"Not at what happened earlier. It's... I'm sorry for what I did at Adrian's party." I don't want to be this vulnerable. Not inside this ugly and stinky place.

"Okay na, Ralph. Tinulungan mo naman ako ngayon. Quits na tayo."

"That's not how it works, Erica. I was furious that time. Galit ako because I don't want you to stay away from me, I don't want you to forget about me—that's why I kissed you."

I finally realized. Sa isang linggong hindi ako makatulog kaiisip, napagtanto ko ang tunay kong nararamdaman. Bakas naman sa mga dati kong aksyon na gusto kong pigilan pa ang lintek na tinitibok ng puso ko ngunit binibigay na sa'kin ang pagkakataon na 'to.

"Edi narinig mo pala 'yung sinabi ko sa telepono? Sabi na at nagsinungaling ka lang na walang narinig."

"Yeah."

"Kaya rin ba nasabi mo 'yon sa labas ng ospital? Dahil sa pinahiwatig ko?"

"No. I want that label kasi nagugustuhan na kita."

Desidido na ako sa ospital pa lang. Kaso pinamukha niya sa'king mali ang desisyon ko nang paalisin niya ako. Wala lang dapat sa'kin ang ginawa niya. Oo, masakit para sa ego ko. Pero hanggang doon lang dapat. Hanggang noong araw na 'yon lang. Hindi ko na dapat siya iniisip pa. I shouldn't feel like a fucking loser. But I did.

Maingay kaya't hindi ko alam kung may sinasabi ba siya sa kabila. Ilang minuto pa akong naghintay para sa sagot niya. Napagdesisyunan kong umupo na lamang sa bangko at hayaang iproseso niya ang sinabi ko.

Maybe that's what she needs. Maybe this is too fast for her. But I just want her to speak, to tell me something—anything. Hindi 'yung iiwanan niya na naman ako sa ere. Hindi 'yung sasampalin niya na naman ako.

Kinuha ko ang nasira niyang bag. Inayos ko ang tatlong malalaking pardible at sinabit sa strap ng bag niya na hindi pa kulang-kulang ang sinulid. Napakaluma na nito pero ayaw pa rin niyang palitan. Kahit nga siguro mga nanlilimos sa kanto ay mas maganda pa ang bag kaysa sa kanya. Marami namang murang mabibili. Pinapahirapan niya lang ang sarili sa ganito.

Nang makita ko ang pares ng paa na nakatigil sa harap ko ngayon ay agad kong inangat ang ulo upang tignan ang hita niya. Puno na ng dugo ang paldang suot niya, kahit sino'y mapapatingin talaga sa kanya. Bakas sa ekspresyon ng mukha niya na may iniinda pa rin siyang sakit sa katawan.

"Kaya mo bang maglakad? I can get a wheelchair."

"Huwag na. Ayos lang ako." Peke siyang ngumiti.

Napakahirap talaga niyang kumbinsihin. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Ate kapag tumatanggi ako sa mga tulong niya sa'kin. I somehow feel offended. I feel like an unseemly suit not befitted to wear in a prestigious occasion. I feel like my fucking black sheep self.

"Ihahatid na kita sa dorm."

Patago akong napangiti nang tumango lang siya. Inalalayan ko siya sa pagbaba namin sa hagdan. Hinintay kong lumayo siya o kung ano pang pasimpleng kilos ang gagawin niya para lang umiwas sa mga hawak ko. Hanggang tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

"Salamat, Ralph." Nagtutubig na naman ang mga mata niya. I want to caress both of her cheeks while assuring her that I will never let someone hurt her again. I want to embrace the wholeness of her body and just let my warmth strike through her shivering thoughts. I crave for her lips to slip on mine because the last time was not enough. But it's not the right time and definitely not the perfect place.

"You should never be in a place like this. Hindi 'to tulad sa Samael's. There are no rules here. Walang security na magtatanggol sayo. Bakit ba ikaw ang napagdiskitahan ng mga gagong 'yon?" Pinangaralan ko siya.

Bago pa niya ibuka ang bibig para magsalita ay may dumaan nang dalawang babae sa pagitan namin. This is what I'm talking about. They are ruining the mood.

"G-gusto mong mag-usap sa ibang lugar?"

"No. Ihahatid na kita sa dorm mo. Magpahinga ka muna."

Kahit pa atat na atat na ang lamang-loob ko, pinigilan ko ang sarili. Mas kailangan niya ng pahinga. Makapaghihintay naman ako sa sagot niya, I guess.

Sinabayan ko siyang bumaba sa carinderia. I am about to hold her hand when a familiar face shows up in front of us. Her angry-faced friend. I forgot her name. I don't even remember if Erica introduced her to me. Pero hinding-hindi ko malilimutan ang mapanghusga niyang mukha.

Hinila niya palayo si Erica na parang mayroon akong nakahahawang virus.

"Eka, ba't kasama mo si Ralph? Bakit galing ka sa taas? Akala ko ba hindi ka na nakikipagkita sa kanya?" She didn't even bother to lower her voice. There's already a stain of disgust from her tone. She fuckin' hates me.

Hindi ko narinig ang sinabi ni Erica sa kaibigan niya pero bakas na gusto na nitong makaalis sa lugar.

"Ngayon naman inaaya mo na ang kaibigan kong magsugal? Bakit? Hindi ba successful ang pag-recruit mo sa kanya bilang drug dealer mo?"

I clenched my jaws, trying to rein my temper so I won't destroy her face. Hindi pa ako tuluyang nakakaahon sa tensyon kanina. Hindi ako satisfied sa panununtok ko kay Turbo, nangangati pa rin ang kamao ko.

Pinigilan ni Erica ang kaibigan, dahil sa kahihiyan o dahil sa awa, hindi ko alam alin sa dalawa. Pero mas mabuting sumunod na lang siya sa kung ano mang binulong sa kanya ni Erica.

"Hindi mo ako kilala, Claire. So, don't talk shit about me," I grunted.

"Sapat na ang nalalaman ko tungkol sayo upang malaman kung ano ang binabalak mo sa kaibigan ko."

Mariin niyang hinila si Erica sanhi nang pagwala ng balanse niya. Akmang hahawakan ko siya upang alalayan nang pinadulas ni Claire ang sarili sa pagitan namin.

She's like a lioness that's protective of her cub. But Erica's not hers to cage.

"Ano? Ginawa din ba 'yan ng gagong 'to?" Binigyang-diin niya ang huling salita.

"Hindi. Tinulungan ako ni Ralph, okay?"

"So, kada napapahamak ka laging and'yan siya sa tabi para ipagtanggol ka? Parang hindi na ata 'yan coincidence lang."

May iba siyang gustong ipahiwatig. But I am sorry for her because none of her conspiracy theories are true. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil alam kong 'yon ang gusto niyang makita—to engage me on her own prideful demise. I know it because I'm like her too.

Inilapag ko ang bag ni Erica sa silya sa gilid niya at nagpaalam, "Here's your bag, Quisumbing. Mag-iingat ka palagi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top