Chapter 27 • The Hero

THE INDISTINCT SOUND of my mother's cry is audible to the big four-walled room. Its gloominess possessed the whole surrounding which made it more depressive on my state. The white paint on the walls cannot remove my hellish situation.

Both my mother and sister are the first to visit me crippled in the hospital bed. It has been a day and a half since my greed grandfather and hypocrite father coincided to displace their uncured pre-adolescent daddy issues unto me. It does not concern them if I die as long as my stupidity will not subside the empire they built. The negative publicity will eat their prides whole.

Honestly speaking, I want no one else to see me having a hard time. I do not want them to treat me like a disabled person just because my left arm is covered in brace while a sling in my neck is supporting it. The doctor mentioned that it's not permanent, there's some dislocation in my shoulder that can be managed during therapy.

One thing I cannot believe is after they beat me like an animal, they still brought me to the hospital. Akala ko'y hahayaan na nila akong mamatay sa loob ng lumang bodega. Tutal wala na rin naman akong magiging silbi sa kanila. Hindi ba kaya ng konsensya nila? Samantalang ilang opisyal na rin ang pinapatay ng Lolo ko noong termino niya. It's common knowledge how corrupt he is. Hanggang ngayon nga'y hindi niya pa rin binabayaran ang milyon-milyong ninakaw niya sa sambayanan. Ito'y dahil lang ibinasura sa korte ang paratang laban sa kanya. Easy money nga naman para sa mga hukom, mabubuhay pa sila nang mahaba.

"How are you?" Salubong ng kapatid ko. Sabay silang lumapit sa kamang hinihigaan ko. Hindi naman ako makalayo dahil hindi pa rin ako makatayo nang ayos. Masyado pang masakit ang likod ko sa masasakit na palo ng dos por dos sa akin.

"Isn't it obvious?" I can't even look at myself in the mirror. Puro punit ang mukha ko. Hindi ko na makilala ang sarili. Hindi ko alam ang kasalanan ko sa mundo at binuhay pa ako. I should've died that night. They should've just killed me. Para tapos na ang problema naming lahat.

"Ralph, anak ko..." My mom tried to caress my cheek but I immediately shunned her.

"What's your agenda? Why did the two of you visit me?" Wala nga silang nagawa para pigilan mangyari sa'kin 'to. Then, now they act like a fucking god of empathy. What a bunch of hypocrites.

"Do you honestly think na pababayaan ka namin?" ani ng kapatid ko.

"Yeah. Sino ba sa pamilya natin ang nagkaro'n ng pakialam?"

"Mom and I cares for you, that's why we're here!"

"No. You're just here because of your conscience. You think visiting me will help you sleep at night."

She rolled her eyes. My sister is the only one who can tolerate my problematic conduct, sometimes. Samantalang ang nanay ko ay umiiyak lang sa gilid. Hanggang ngayon ay napakahina pa rin talaga niya.

"You know what's your problem? You're used to shutting people out. Then, you will fucking blame them for what's happening to you. That is your problem, you love to point fingers. You cannot acknowledge the fact that you're not as strong as you believe you are."

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. She's the equivalent of prim and proper in the family so she always makes sure to speak carefully. I guess she's really furious.

I looked down. "Get out."

I don't want to see their faces again. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila. Lalo na sa Ate ko. I don't know why I am fucking mad at what she said. Ang alam ko lang ay gusto kong manakit.

"Mom, tell him."

"Tell me what?" Agad kong nilingon ang ina kong nakaupo sa gilid. Mabilis siyang napatayo at diretsong tumingin sa'kin.

"We signed you up in a rehabilitation program."
I faked my laugh. "You're joking." My fists are grinding against the bed sheet to control my rage.

Hindi nga ako kinulong ng pulis, sarili kong pamilya pala ang gagawa. Sinong hindi magagalit?

"It will help you, son. There are many therapies available. Not just physically but psychologically as well. Experts will monitor you. This program has been proven to help drug dependents."

"Edi umamin din kayo. You're looking at me like I'm an addict. Fine, do whatever you want. Pera niyo naman ang sasayangin niyo."

♣♦♥♠

Akala ata nila'y tuluyan akong magbabago dahil lang pumasok akong rehabilitation program. Wala naman akong natutunan bukod sa mas lalo pang galingan ang pagsisinungaling. Kumuha pa sila ng mga eksperto na tutulong sa'kin, samantalang maging sila ay naloko ko. Dahil hindi naman ako makalalabas hangga't hindi sila siguradong "magaling" na ako. Hindi pa nga ako ulit nagpapakita sa Psychologist ko kahit pa may follow check-ups ako.

Ginawa ko lang ang gusto nila pero dapat pabor pa rin sa akin. Nagpanggap akong matino, nilandi ko ang mga nurse upang positive feedback lang ang ilalagay nila sa daily charts. I acted sincere on the most possible way. That's how hungry I am for the outside world. That's how mad I am towards my family.

Ngayon ay katabi ko lang si Steven sa carinderia katapat ng talyer kung saan pinapagawa ang nasirang Audi Q7 ni Adrian. Hindi namin pwedeng iwan 'yon dahil wala rin kaming sasakyan pabalik. Isa pa, isang oras lang naman ang binigay samin ng mekaniko.

Gusto ko sanang magpasensya kay Steven dahil nadawit pa siya sa kagaguhan ng alagad ni Banerji kanina. Pati tuloy siya ay napuruhan nang wala sa oras. Hindi kasi siya marunong makisama sa mga katulad nila na maliliit ang bayag. Sabagay, kasalanan din ni Steven dahil masyado siyang pakialamero. Kung nakinig lang sana siya sa sinabi ko edi hindi siya napagtripan ng gagong 'yon.

Kaya ko lang naman ginawa ang hininging pabor ni Adrian dahil kapalit iyon ng pabor ko—na siyang pakikipagpalit ng sasakyan sa akin. Hindi ko naintindihan ang ginawa ko, hindi nga ako nakahithit pero wala sa tamang ayos ang turnilyo sa utak ko. Wala nga akong napala sa paghatid kay Erica dahil mas lalo lang gumulo ang lahat. This damn trip made it complicated.

I'm just not comfortable seeing Adrian and Erica carpooling in an almost two-hour drive. Only the devil knows what my scum friend would do to her. He might sabotage my play and I cannot let him do that. Kaya't sa ayaw o gusto ni Quisumbing, ako ang makakasama niya. Sa tingin niya ba hindi lang siya ang nabibingi sa katahimikan kanina? Sa sobrang inis nga'y ilang beses kong pinalo ang busina kahit pa walang sasakyan sa harap namin.

Napalingon ako kay Steven na nasa kanan ko nang magsalita ito. 'Yun pala'y ang kabilang linya ng cellphone ang kausap niya. I am guessing it's Tam. Malamang nag-aalala na rin siya dahil halos tatlong oras na kaming hindi nakasunod sa kanila.

"What? Why are you going there?" Puno ng katanungan ang mukha ni Ven.

Hindi ko siya pinansin at tumayo upang bumili sa katabing tindahan ng sigarilyo. Kahit nakalaglag ang buhok ko ay kitang-kita ko pa rin ang malalagkit na tingin ng mga tagarito. Alam ko namang hindi lang  sa babae nagtatapos ang karisma ko.

"Miss, isang kaha nga ng mighty, pula," saad ko sa dalagang tindera. Sa likod ko'y rinig ko ang sitsitan ng mga tambay na bakla at babae. Hindi ko sila pinansin dahil mas nakakakuha ng atensyon ang tindera sa harap ko. I can tell on the way she looks at me that we both feel the arousing tension between us.

However, Steven ruined everything the moment he speaks. "We need to go to Nueva Ecija," he whispered.

Peke akong tumawa habang nakaipit ang piraso ng sigarilyo sa magkabilang labi ko. "Why? Andon 'yung kabit mo?"

Kinausap ko ang mga mata ng babaeng tindera upang sindihan ang sigarilyong nilalasap ng aking labi. Masaya namang tumugon ang babae at pasimple pang hinawi ang buhok ko.

"Nope. Come here!" Nang hilahin niya ako palayo ay doon ko kinindatan ang babae.

Dinala ako ni Steven sa lilim ng talyer.

"Tangina, p're, kill joy ka talaga." Reklamo ko sa kanya matapos alisin ang umuusok na sigarilyo sa'king labi.

"After all what happened nagawa mo pang lumandi? Wala ka talagang pinipiling lugar, e."

Bakit ba pinaparangalan na naman ako nito? Hindi pa ba siya sanay sa akin?

"After all what happened, I need some stress reliever. And we both know that smoking isn't enough."

"You really want Erica to get hurt, ano?"

Hindi ko siya sinagot bagkus pinagpatuloy lang ang paghinga sa usok ng sigarilyo. Siya nga ang problemang tinatakasan ko pero walang-patawad sa pagpapaalala itong kaibigan ko.

"Pupunta akong Nueva Ecija para samahan si Tam. Hinatid niya si Erica sa isa sa mga hospital there because her brother is in a critical condition. And they need blood donors."

Napatigil ako sa akmang paglanghap sa sigarilyo. So, that is what Tam's call was all about.

"Anong type?"

"B or O. Needs to be negative."

Hindi ko maalala ang blood type ko. Wala naman akong pakialam d'yan dahil hindi nito matutulungan ang bisyo ko. Kaya't nagpanggap ako kay Steven. "I'm B."

"Positive or negative?"

"Cannot remember."

Nagsinungaling ako upang makahanap ng palusot upang makasama sa kanya.

Tangina.

Hindi ko alam kung bakit unti-unti kong inaamin sa sarili na hindi ako mapakali hangga't hindi ko alam na ligtas si Quisumbing. I know how fragile she can be kahit hindi niya aminin sa sarili niya. Madali siyang basagin dahil madali rin siyang basahin. At ang mga katulad namin ni Adrian ang kahinaan niya.

Sakto naman ang pagtawag sa amin ng bantay ng talyer. Tapos na ang pinapagawa naming makina sa kotse. Parehas kaming nagmadali ni Steven na sumakay upang makaalis na.

I immediately call my sister to ask for her blood type. I need to inquire every person that I know just to be sure na meron pa rin akong maiaambag pagdating ko do'n. Lalo na't sinabi ni Steven na nahihirapan makahanap ng dugo sila Erica.

"Blood type for what, Ralph? Where are you?" Hindi magkakonekta ang magkasunod niyang tanong.

"Answer me first before I tell you." Kundisyon ko. Kilala niya ako, hindi ako kumikilos kung hindi umaayon sa'kin ang lahat.

"Fine. It's B."

"B, what? Positive or negative?"

"I can't remember, Ralph! Nasaan ka ba? Are you with Steven?"

Saktong napalingon ako kay Steven na pokus lang sa pagmamaneho, nakatapat sa 60 ang bilis ng sasakyan. Kahit bakas na nagmamadali si Steven, hindi pa rin siya sumusuway sa speed limit. He's really a changed person simula nang makilala si Tam. I don't even know if that's good for him. What I'm sure is it's bad for my health.

"Meet me at Nueva Ecija General Hospital." Nilahad ko ang ospital kung saan naka-confine ang kapatid ni Quisumbing. It's better to be safe than sorry. I just hope that my sister's blood type is negative.

"What? What happened?" She startled. "What did you do now?" Dala-dala ng boses niya ay pag-aalala.

Napasapo ako sa noo. Napaka-OA niya talagang tao. Pwedeng-pwede siyang manalo ng Emmys sa pagiging best supporting role niya, e.

"What if I tell you, I did something bad? Pupunta ka na?"

Minsan masaya rin paglaruan ang emotions ng kapatid ko. Pero ngayon, ginagawa ko lang 'to para masigurong pupuntahan niya ako. Dahil wala siyang pakialam kapag hindi ako ang malilintikan. She's obsessed on how to fix her little brother into following her footsteps. She wants somebody to be her protégé and she is practicing it with me. Maybe she finds me challenging. But I am hard as rock. Paano niya ako pababaluktorin?

"What is it?" I can hear her tears falling from the other side of the call.

"The police are here. Reporters are coming. And in an hour, my face will be flashed in the news agai---"

I didn't get to finish what I started because of Steven snatching away the phone from me. "Hello, Ate Raine. Steven here. I just want you to know that Ralph is bluffing you. But it's true that we're going to Nueva Ecija General Hospital."

Aagawin ko sana pabalik ang cellphone ngunit nasa kabilang kamay niya ito, malayo sa akin. Kung kunin ko man, baka mabitawan niya pa ang manibela. Hinayaan ko na lang siya ang makipag-usap sa magulo kong kapatid.

"There's this friend of ours that's asking for our help to look for blood donors. Yeah... Uh-huh... Alright. Bye."

Hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila pero mukhang napapayag ni Ven ang Ate ko na pumunta.

"She's on the way." Binalik niya ang smart phone sa kamay ko.

"Good."

"By the way, I forgot to tell you earlier. Lola Carmen woke up."

Nagitla ako. Hindi ko maiwasang mapangiti sa labi. Para bang may nawalang tinik sa puso ko. Lola Carmen is different from the rest of my family. She's the only one who loves me from who I am. Siya lang ang natatanging kakampi ko. Subalit dahil sa sakit niya, mas lalo kong naramdaman na ako na lang mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top