Chapter 26 • Steven
BUMUBUHOS ANG ULAN nang makarating kami sa kahabaan ng Ternate-Nasugbu highway. Nasa shotgun seat si Tam habang nagpapatulong akong hanapin sa labas ang nakatigil na Audi na sasakyan.
I am so mad at Ralph after he explained everything. Hindi ako makapaniwalang hindi namin siya nahanap sa party kagabi. I thought that I am free of stress today, but he just revealed that he is on the way to smuggle some drugs to a big client of Adrian. Kapag nakita ko talaga ang gagong 'yon, hindi lang sapak ang matatamo niya. Napaka inconsiderate niya talaga. Para siyang may ASPD dahil sa pagkawala niya ng empatya.
"Who's with Ralph?" Tam asked. She's been trying to call him, but his phone is busy.
"I don't know." I want to drive faster pero delikado ang kalsada dahil sa lakas ng ulan.
"He mentioned 'we.'"
"Maybe that scum friend of his." I meant Adrian. As much as possible, I don't want to mention his name. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa kaputanginahang ginawa niya sa akin noon.
"If it's him, bakit ikaw pa ang tinawagan niya, of all people? Hindi ba marami namang connection si Adrian?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Have you called the tow company?"
"Yup. But they will be late because of heavy rain." She sounds disappointed.
"Hey..." Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong lang sa hita niya. "It's not your fault. You did the best that you could." I caressed her fingers. Ayokong isipin niya na nasayang lang ang effort niya. Samahan niya lang ako rito ay malaking effort na.
I am really lucky to be with Tam. She understands me. Hindi lang kung ano ako ngayon pati ang rason sa likod nito. We both appreciated each other's past experiences because without it, we are not what we become today.
"Isn't that the car?"
I slowed down and observed the SUV on the other side of the road. "Yeah, that's it." Pinarada ko ang minamanehong Range Rover sa harap ng puting Audi. "Stay here." I uttered to my girlfriend. She gave me her umbrella so I can come over to Ralph. Subalit hindi ata payong ang kailangan ko nang maramdaman ang pagtalsik ng tubig. Malapit na umabot sa sapatos ko ang baha.
I made three knocks to the tinted window before he opened it. Nagulat ako sa kasama niya sa loob. Erica is shivering and Ralph is trying to resist his—ang taas talaga ng pride niya.
"Why are you on Adrian's car? Where is he?" Ayokong magmukhang galit kaya't kinalma ko ang sarili.
"I'll explain later. Just get her out of here." He sounds upset. Based on the atmosphere, there were some things that was said that he never wanted to hear or the other way around. Baka may mga sinabi siyang ayaw niyang sabihin.
Sunod kong tinignan ang babaeng katabi ni Ralph. "Erica, do you have an umbrella?"
Tumango siya bago buksan ang pinto.
"Let's go, Ralph." Aya ko sa problemado kong kaibigan. Base sa ekspresyon ng mukha niya, may pangyayaring pinagsisisihan niya.
Bata pa lang ay magkakilala na kami ni Ralph, para na rin kaming magkapatid. Bago pa niya makilala ang demonyong si Adrian, ako na ang kaibigan niya. Kaya't hinding-hindi siya makakapagsinungaling sa akin.
"You know I can't leave these here." Mabilis niyang tinignan ang mga kaban ng bigas sa likod.
"Why do you care? Kay Adrian 'tong sasakyan. Let him get in trouble this time." Nakakalimutan niya ata ang dahilan bakit nalaman ng mga magulang niya na gumagamit siya. Dahil sa ganitong business din. Dahil ginawa na naman siyang alagad ni Adrian.
We were second year college that time. Ralph was busted by the police when he smuggled some marijuana for Adrian. It was thanks to his dad that he got off of jail that same night. Kung wala sigurong kilala ang tatay niya sa pulisya, malaking balita na ang sisira sa pangalan ng pamilya nila. His family interrogated me if I knew his dealings. Ang alam ko lang ay lagi niyang nakakasama si Adrian sa mga party. We were young and dumb during those years; drugs were part of our youth. But to Ralph, it was not just a recreational activity. It became his habit. I tried everything to keep him from intoxication... until that night.
I never got the full details after that night. I tried asking my dad because Ralph was not attending our classes, subalit wala itong konkretong sagot sa akin. Tinanong ko si Ate Raine, of course. Ralph is my bestfriend and I am deeply worried. I know how evil his grandfather can be when aggravated by anger. Doon sinabi ni Ate Raine na pinabugbog si Ralph ng sarili nilang Lolo at hindi niya rin 'yon malalaman kung hindi sinabi ng nanay nila na naka-confine si Ralph sa ospital. Wala na ring nagawa ang dalawang babaeng nag-aalala kay Ralph dahil sa pamilya nila, walang boses ang mga babae. They decided to let him enter the rehabilitation program, not just for his sake, of course.
After all the trauma he's been through, alam kong hindi madaling magbago. Kahit sabihin na isang taon siyang malinis, iba pa rin kapag nasa labas na siya ng kulungang pinagbabawal ang bisyo niya. The counselors taught them how to restrain themselves, so they thought the patients are ready to go back in the society. Leaving rehabilitation may lead to perspective that someone is getting better but, the real temptation lies beyond the white-wall institution. They never fought the resistance inside.
"I need to do this in exchange of driving his car," he answered in exhaustion.
"Why do you need his car? Nasaan ang bike mo?"
I feel like a dad every time Ralph gets in trouble. Even Tam brings this up in our arguments. But, sa akin lang makikinig si Ralph ngayon. Alam kong wala siyang ibang pinagkakatiwalaan bukod sa akin. A trusted friend is what he needs.
"I said I'll explain later. Can you just accompany her to her dormitory?" He is referring to Erica who's just waiting outside.
Malakas akong bumuntong hininga. Hindi ko siya mapipilit. Sa palagay ko'y hindi rin siya handa na sabihin.
Sinamahan ko si Erica sa sasakyan ko. Nagpasuyo ako kay Tam na ihatid siya pabalik sa Maynila. Marunong din naman siyang magmaneho, katunayan ay may sarili siyang sasakyan. Madaling naintindihan ni Tam ang sitwasyon kaya't pumayag na siya. Mamaya niya tatanungin lahat ng bumabagabag sa isip niya.
Binalikan ko si Ralph upang kausapin, tinabihan ko siya sa loob. "What happened?" Inagaw ko ang kabubukas lang na alak na mukhang galing sa trunk ng sasakyan.
"I don't know. Hindi ako mekaniko." Pinatong niya ang magkabilang siko sa manibela habang tinatapik ang mga daliri sa braso.
"I meant between you and Erica."
Hinarap niya ako. "Give me the bottle."
Iniiwasan niya ang tanong ko. Paniguradong hindi maganda ang nangyari sa kanila. Paniguradong may nasabi na naman siyang masasakit na salita. Kung sa akin at sa Ate niya'y wala ng tabla 'yon. Pero iba si Erica. She's a fragile person. Hindi siya sanay sa mga bulgar na salita ni Ralph. Kahit nga si Tam ay ngayon pa lang sinasanay ang sarili. Both of them are not exposed to our environment.
Nilabas ko ang kamay ko na hawak-hawak ang bote sa bintana.
"Putangina, Steven. Hindi ako nakikipagbiruan."
"Tumikhim ka ba kagabi?" Seryoso kong tanong. Parehas naming alam na hindi lang basta party ang hinost ni Adrian kagabi. Doon ginaganap ang mga rave niya. Hindi lang weed ang mayroon katulad sa regular niyang party. Last night was different, that's why I insist on Tam to come with me because I knew Ralph would be there. Kaso magaling siyang magtago.
Iniwasan niya ako ng tingin. "No."
"Are you sure?"
"Puta! Ano pa bang gusto mong sabihin ko? That I almost do but Erica stopped me? So, in return I hurt her feelings?!"
He's guilty.
Hindi ako makapaniwalang napigilan ni Erica si Ralph. Kaya ako nagpasama kay Tam kahapon para tulungan ako dahil hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko ang kaibigan ko. Pero kung sino pa ang akala niyang mahina, iyon pa ang may kakayahang magpabago sa kanya.
"You're just gonna continue hurting her kung hindi mo pa titigilan 'yung deal mo kay Adrian."
"I already won." Nilingon niya ako. "She confessed." Subalit hindi masaya ang mga mata niya. Bahagya akong napangiti sa'king isip.
I knew it. He has second thoughts. Hindi lang si Erica ang may nararamdaman sa kanilang dalawa.
"She told you she likes you?" Dahan-dahan kong binalik sa loob ang kamay ko. Sa tingin ko'y kalmado na siya. Humihina na ang pagsasalita niya.
"Indirectly. She's asking for a label, for God's sake." Sinuntok niya ang manibela. "I hurt her but she's asking for label." Umiiling-iling ito.
I try to be the better person and be his therapist for today. Kailangan niyang ma-realize that he too, likes her. He needs to admit it. He needs her.
"So, what is it?"
"Hindi ko kailangan ng label, you know that. Ever since Sofie."
Masyado akong nagpakampante kaya naman naagaw niya ang alak sa kamay ko. Napakamot ako sa batok dahil hindi ko na siya napigilan pa.
Ganito talaga kami. Mahilig takasan ang tunay na saloobin sa pamamagitan ng pag-inom ng alak. Minsan ginagamit din namin ito para parusahan ang sarili.
"But she's not Sofie."
"And she's just a bridge for me to access my millions."
"Alam mong magsisisi ka sa dulo."
Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nilaklak niya muli ang alak. Maybe I'm right.
Bumuntong hininga ako. "I'm gonna tell Tam."
Mariin niyang hinila ang kwelyo ng suot kong polo. Nagbabanta ang mga mata niya. Even I am not my size before, wala pa ring takot si Ralph na suntukin ako. And if he ever hurts me, I know he wants to be punched too. Lagi siyang talo sa mga suntok ko at kahit alam niyang masasaktan siya, ipagpapatuloy niya lang. Dahil 'yon ang gusto niya... ang masaktan. He wants to be punished for his guilty deeds.
He let go of me without letting go his cold gaze. Lumabas siya upang magpaambon at manigarilyo. Hindi ko siya ginambala pa. Now, I triggered him. He will busy himself by pondering my opinion.
♣♦♥♠
Kalahating oras nang naghihintay si Ralph sa labas ng kotse. Sa tingin ko'y doon niya na hihintayin ang pagdating ng tow truck. Ang galing talaga niyang magpaasiwa ng paligid.
Lumitaw ang pangalan ni Tam sa phone ko kaya't agad ko itong sinagot. "How are you?"
"What happened? Bakit bigla na lang umiyak si Erica sa tabi ko kanina?" She's whispering.
"Where are you?" Pagtataka ko. Baka tinatopic niya si Erica sa harap nito mismo.
"I am outside, gas station. Erica's asleep inside the car. I think she's exhausted from crying or from whatever happened." Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Alam ko ring gusto niya na agad ng explanation.
I sighed. "Apparently, she indirectly confessed her feelings to Ralph."
"What?" Nasa 'confessed' pa lang ako na word ay napasigaw na siya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Cristeban Jacinto the third!"
Kapag tinatawag niya na ako sa buong pangalan ko, dapat na akong kabahan. Ito na ang simula ng pagiging dominante niya. Hindi sa sinasabi kong hindi ako ang nasusunod sa relasyon namin. Subalit, madalas talaga ay siya ang mayora.
"I clearly told you to talk to your playboy friend! Look what happened. Kasalanan mo 'to, e."
"I reminded him many times, you know that Tam. Do you think I want this to happen? Look, I care for Erica, too. Siya ang unang matinong tao na pinakilala niya sa atin."
Hay. Why do we sound like Ralph's parents? Talaga bang tumatanda na ako at ito na ang mindset ko?
"Don't worry. I think his feeling is mutual," pagpapagaan ko ng loob niya.
"What's not to worry in that? Hindi ba mas lalala ang situation? Ralph might pull her down to his hellhole."
Matagal bago ako nagsalita. As much as possible, I want Tam to understand what he's been through, how it would be hard for him to cope in different means. We should support Ralph and not act like he cannot change.
"You know he's trying to be better, right? He resisted the temptation last night because of Erica."
"Erica is different, Ven. The moment I saw her, I know she's pure. Pero ngayon parang pasan niya na ang buong mundo."
"It's just a love problem, honey. Pwede natin silang tulungan."
"You're really a hopeless romantic. But do you think she can handle Ralph?"
"We can all handle Ralph if he lets us."
I heard her sigh. "Kuya's done with the tank na. I'll talk to you later once I get home." I agreed then we said our goodbyes after.
Hindi pa ako nakakahinga ay may tumawag muli sa cellphone ko. Ang ate naman ni Ralph ngayon.
"Hello? Ate Raine?" Pagsagot ko.
"Hi, Ven. I'm so sorry for disturbing you. But are you with Ralph right now? He's not answering my calls and texts."
"Yes, I'm with him. Why?"
"Really? Oh, thank God. Well, Nana woke up." Kaya pala parang hindi siya mapakali. She's delighted.
"Wow, that's good news, Ate. I'll let him know."
"Thank you, Steven. But where are you? Umuwi ba siya kagabi? There are so many tasks to do in the office that's why I haven't had a chance to come back at my unit."
Mahirap sumingit kay Ate Raine dahil magkakasunod ang gusto niyang sabihin. Minsan hindi ko na rin alam ang tanong na dapat kong sagutin. Sa tingin ko'y marami lang talaga siyang kinikimkim at kung tamang tao ka, ikaw ang pagsasabihan niya ng mga 'to.
"We're driving back to Manila."
"How is Ralph doing?"
Nilingon ko ang bintana upang silipin si Ralph. "Same old, Ralph."
I heard her sigh, "Nagkukwento ba siya sayo?"
Kung magkakaroon ng contest ang mga taong nag-aalala kay Ralph, paniguradong panalo na si Ate Raine. Mas close kasi sila kumpara sa panganay nilang kapatid na si Kuya Chad. Noong bata kami ay si Ate Raine ang madalas na kasa-kasama namin. Madali siyang makasundo kumpara kay Kuya Chad. Masyado kasing seryoso ang panganay nilang kapatid, pag-aaral ang priority nito. Siguro'y pressured din siya dahil maraming matang nagmamasid sa kanya. Mataas ang expectation sa mga panganay ng pamilya, lalo na kung may mamanahin na business. Kaya't laking pasalamat ko na bunso ako sa mag-anak, libre kong mapipili ang gusto kong gawin sa buhay. Maybe that's why naging magkasundo rin kami ni Ralph. Except from the fact that both our families are long-time political partners.
"Even though, he's staying with me, I still feel like he's not there," dagdag ni Ate Raine.
"Don't worry yourself too much, Ate Raine. He will not go back to rehab."
"That's not what I'm worried about. I'm afraid Lolo might repeat what he did last year and I still can't do anything."
Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. "Hey, let's focus on the good thing right now. Nagising na si Lola Carmen." Mahirap din kapag pinupuno ng pag-aalala ang isip.
She agreed. We talked for a little more before she ended the call.
Lumabas ako upang tignan ang kalagayan ni Ralph. Ngunit hindi ko inaasahan ang dalawang itim na kotse na nakaparada sa kabilang lane. Hinarap ko si Ralph dahil paniguradong kilala niya ang lulan ng sasakyan. Pinagmamasdan niya lang ito habang binubuga sa hangin ang usok mula sa sigarilyo.
"Who are they?" I firmly asked.
"Banerji's underdogs."
Banerji is a familiar name. Ilang beses kong narinig ang pangalan na 'yon sa kanya noon. "The gang leader?"
"He's not the leader. Mataas lang ang ranggo niya. Much like of a sargeant." Wala akong makitang takot sa mata ni Ralph. Samantalang sa loob ko ay kinakabahan na ako. Dalawa lang kami at hindi ko alam kung ilan ang sakay ng itim na kotse. Paniguradong bugbog-sarado kami sa oras na inisin ni Ralph ang mga 'yon.
"Huwag kang matakot, Ven. Kukunin lang nila 'yung bigas sa kotse ni Adrian."
Alam kong hindi lang simpleng bigas ang laman ng mga kaban. The illegal drugs are camouflaged in it.
"And paano kung may makakita? Hindi natin alam kung kailan may pulis na dadaan." Kahit pa sabihing tuloy-tuloy ang takbo ng mga sasakyan, maraming atensyon ang mapupunta sa amin dahil sa kahina-hinalang galaw namin.
Malakas itong tumawa bago apakan ang upos ng sigarilyo. Tinapik pa nito ang balikat ko, tila sinasabing masyado pa akong muwang sa buhay. "Bro, they are the fucking police."
"Ano?!"
"Corruption inside the police is a news to you?"
"Tangina, Ralph. Paano kung buy bust pala 'yan? Gusto mong bumalik na naman sa loob ng selda?"
"Matagal nang kliyente ni Adrian ang mga 'yan. Calm your tits, bro."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil lumapit na ang isang lalaki na napakaraming layer ng damit na suot. Naka-shades din ito para hindi ko matandaan ang itsura niya. Isang hindi pa gamit na sigarilyo ang nakasabit sa kaliwang tainga niya.
May dalawa pang lalaki na nakasunod lang sa kanya na tila malalaki ang katawan kaysa sa akin. Kung subukan ko mang gumawa ng gulo, paniguradong hindi namin sila kayang labanan.
"What? Tumaba ata si Adrian?" pang-aasar ng lider-lideran nila. Hindi ko ito inintindi dahil confident naman ako sa pangangatawan ko. Isa pa, sabi ni Tam na gusto niya ang mga lalaking chubby, buff body kumabaga. At wala akong ibang dapat pakinggan kundi si Tam.
"Oh, 'musta ang pambansang bayani?" Malakas nitong tinapik ang dibdib ni Ralph kaya hindi niya mapigilang mapaubo. "Heroin addict ka pa rin ba? Oh, 'yung drugs ang tinutukoy ko, ha? Hindi 'yung babaeng nanloko sayo." Malakas siyang tumawa at saka hinampas muli nang pabiro ang dibdib ni Ralph.
Napailing na lang ako nang makita ko ang nagbabantang kamao ni Ralph. Pinipigilan niyang iangat iyon dahil alam kong maging siya ay alam ang kahihinatnan namin kapag pinatulan niya ang lalaki.
"Sige, kunin niyo na," rinig kong utos niya sa dalawang dambuhalang lalaki. Sinundan ko sila ng tingin papunta sa compartment ng kotse.
"Bilisan niyo." Akmang bubuksan ni Ralph ang pinto sa may driver's seat nang pigilan siya ng lalaki. Bakas sa mata ng kaibigan ko na hindi na siya nakikipaglaro.
"O baka may bago ka nang kinaaadikan? Mind to share?"
Bago pa gumawa si Ralph ng bagay na pagsisisihan naming dalawa, nagsalita na ako. "P're, ba't di mo na lang tulungan mga kasama mo?"
Humarap siya sa'kin tapos ay dumura sa tabi. Ilang sentimetro lang ang layo nito sa mga sapatos ko. Tiningala ko siya. Masyadong malapad ang mga balikat niya na naghahamon ng away.
"Ano bang problema nitong matabang Adrian na 'to, Hero? Kanina pa ako inaangasan, eh."
Akala ko'y hanggang salita lang siya ngunit sa isang iglap ay naramdaman ko na ang kamao niya sa tiyan ko.
Shit!
"Alam mo naman, Hero, ang pinaka kinaiinisan ni Banerji ay ang paghihintay. Mahalaga sa kanya ang oras."
Napasandal ako sa kotse upang alalayan ang sarili. Habang ang kupal na lalaki sa harap namin ay patuloy lang sa pagtalsik ng mga laway sa kaharap niya.
"Ayaw niyang pinaghihintay. Ayaw niyang hindi sumusunod sa napag-usapan. Ilang beses mo na kaming nabiktima." Kinuha nito ang sigarilyo sa tainga at nilagay sa bibig. Humarap siya kay Ralph upang magpasindi. Pagkatapos niyang masarapan sa usok ay nagsalita siyang muli. "Ito na ang huling pagkakataon na maghihintay kami. Dahil isang kalabit na lang, alam mong hindi lang pasa sa mukha ang makukuha mo."
Pinanood lang namin silang umalis nang may ngisi sa mga labi. Pagkasakay na pagkasakay nila sa sasakyan ay agad na sinipa ni Ralph ang gulong ng kotse ni Adrian. "Fuckin' cunt!"
"Magkano ba talaga ang utang mo sa kanila?" This is the first time I ask this. Even before, he didn't mention anything, he always reverted the topic to some other things.
"Kasi hindi ka naman kamumuhian nung Banerji kung maliit lang 'yan," dagdag ko.
"Two point five million."
"Lang? Two point five lang pero ganyan na sila makaasta?" Alam kong hindi basta-basta ang 2.5 million pero kung totoo ang sinasabi nilang they are an influential gang in the Philippines, hindi sila aaktong bata para sa baryang halaga.
"That's the initial. Pinautang ako ni Banerji sa isang gabi ng 2.5M. But I lost all of it in just thirty minutes. Akala ko mababawi ko kaya't umutang ako ng kalahating milyon. I was high that time, I can't even remember na inutangan ko pala siya." Napayuko ito, hinaharangan ng buhok niya ang mukha. Paniguradong ayaw nitong makita ko na emosyonal siya. Sa aming tatlong magkakaibigan, siya ang pinakamataas ang pride. Hindi niya kayang ipakita na tao lang din siya na may emosyon.
"Of course, he gave me a deadline to pay him. Siyempre hindi ko nasunod. Tangina, saan naman ako kukuha ng tatlong milyon? Kaya pumayag akong maging drug dealer ni Adrian."
"Bakit hindi ka na lang sa'kin humingi ng tulong?"
"I know you, Ven. Paniguradong magsusumbong ka kay Ate kung nalaman mo."
Tama siya. Dahil maging ang college self ko ay hindi alam ang gagawin kung magsabi man si Ralph ng ganoong problema sa akin.
"Anong sunod na nangyari?"
Mukhang hesitant pa siyang magpatuloy ngunit kalauna'y binuksan niya na rin ang bibig. "Then, hinamon muli ako ni Banerji in a game of poker. If I win, wala na akong babayaran sa kanya. Pero kapag natalo ako, I should give him my fully-furnished condo unit, my Aston Martin, and the fucking three million pesos." Napapakamot ito sa ulo, marahil nagsisisi sa mga ginawa niya noon.
Tatapikin ko na sana ang balikat niya upang ipahayag na hindi siya nag-iisa sa problema niya ngunit nagsalita muli siya. "Obvious naman ang naging resulta—olats. Kaso nang dapat kukunin na niya ang ari-arian ko, pinabugbog naman ako ng sarili kong Lolo." Mahina siyang napaismid. "Talk about bad luck." Umiling-iling ito.
I don't know how to comfort him anymore. Ganito lang siya naging seryoso. Akala ko'y wala siyang balak ipaalam kahit kanino ang tunay na dahilan. Hindi ko alam kung epekto ba 'to ng mga therapy niya sa rehab o may ibang dahilan ng pagbabago niya.
Kung ano o sino man 'yon, sana ay tuloy-tuloy na. Dahil inaamin kong hindi ko na rin alam ang gagawin upang mahila si Ralph sa tamang landas.
--------------------
Author's Note: Hello! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng story ni Erica at Ralph. Kung may mga silent readers pa ako d'yan, let me know. Huwag kayo mahiya para I can dedicate a chapter to you. Just to show my appreciation.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top