Chapter 24 • The Heroine
MABABALIW ATA AKO sa kakulangan sa tulog dahil sa pag-aalala—una, kay Claire. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin. Pinapahalata niya talagang iniiwasan niya ako. Kahit anong subok ko na lapitan at kausapin siya ay wala akong napapala. Galit pa rin siya kahit na nanindigan akong nilalayuan ko na si Ralph.
At si Ralph. Tatlong araw na rin siyang walang paramdam. Hindi sa nagrereklamo ako, pabor nga sa'kin na hindi niya ako ginugulo. Walang sumisira ng araw ko. Pero mas lalo akong kinakabahan. Lalo na sa huling sinabi niya sa'kin.
Let's meet at my playground. Anong ibigsabihin nu'n? Ipapakita ba niya ang tunay niyang anyo sa'kin? Para kasi siyang leon na naghihintay ng tamang pagkakataon na atakihin ang kuneho.
Nagba-browse ako sa internet ng potential topic na gagamitin ko---namin para sa paper sa Business Statistics. Nandito ako sa electronic library section ng school kung saan puno ng mga mahahaling computer na puwedeng gamitin ng estudyante sa paggawa ng assignments, projects, thesis, o kahit pag-browse sa social media. Walang limit sa kada araw na paggamit ngunit kapag nagamit mo na ang 24 oras na kasama sa tuition fee, hindi ka na makakagamit pa ngayong semester. Hindi ko naman masyadong nagagamit ang oras ko. Minsan ay wala pang 30 minutos ay tapos na ako. Kadalasan ay dalawang beses lang sa isang linggo ako kung gumamit; kapag may assignment na kailangang hanapin sa internet.
Napabalikwas ako dahil sa kamay na dumampi sa balikat ko. Lumingon ako sa kaliwa at ang kakaibang ngisi sa mukha ni Adrian ang nasaksihan ko. Hindi ako makapaniwalang nag-aaral din siya dito sapagkat buong-akala ko'y tapos na siyang mag-aral.
"Sabi na't dito kita makikita." Umupo siya sa bakanteng silya sa kaliwa ko.
"A-anong kailangan mo?" Hindi ako makapagpokus sa monitor. Pakiramdam ko ay sugo siya ni Ralph.
"I'm gonna be straightforward with you, Betty La Fea." Humarap ito sa'kin at dinekwatro ang paa na kanina'y nakabukaka. "I want to hire you as a waitress in my party tomorrow."
Kinunutan ko siya ng noo. Bakit?
"Well, you were a big help the other night. And I want to hire you again. This time, with compensation." He slowly leans his body towards me. Ang normal na reaksyon ko ay umusod palayo sa kanya. Kaya naman umalingawngaw ang maingay na urong ng inuupuan ko.
"It's all monetary, of course. Equal to your monthly pay. That's for one night," dagdag niya.
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako interesado sa oportunidad na inaalok niya. Ngunit ang pangambang kasama ito sa plano ni Ralph ay patuloy na gumagambala sa kakayahan kong magpasya.
"What do you say?" He leaned back. Balik sa pagbuka ng binti niya sa akin habang ang mga daliri ay pinaglalaruan ang keyboard sa tapat. Mas childish pa siya kaysa kay Ralph.
"Aattend ba si Ralph?"
"Not sure. But I invited him. Why?" He became curious. I suppose men are not like women, they don't always tell each other about personal stuff.
"W-wala naman." I go back into typing non-existent words. Just to let him see I'm busy.
"So? G ka?"
"Pag-iisipan ko pa. Kailangan kong magpaalam kay Sir A."
"Si A? Tsk. Akong bahala sa kanya. Just be there tomorrow." Tinapik nito ang likod ko bago pumunta sa kabilang dulo ng kwarto.
Sa dulo ng utak ko, alam kong hindi maganda ang kalalabasan nito. Pero ang kabilang dulo naman ay tumatalon sa tuwa dahil sa posibilidad na makita ko si Ralph.
Naguguluhan na rin ako. Kaakibat ng paglayo ko sa kanya ay itong pananabik na makita siyang muli.
♣♦♥♠
Lagi na lang akong sinusorpresa ng mga natutuklasan ko kay Adrian. Noong una akala ko'y isa lang siya sa mga customers na malulungkot at maperang lalaki na may kayabangan at mahilig sa babae. Ngunit hindi ko inaasahan na estudyante pa rin siya ng university at pamangkin ni Mr. S. Tapos ngayon ay may panibago siyang party. Hindi lang sa penthouse niya, kundi sa isang pribadong resort sa Batangas.
May mali na talaga sa takbo ng utak ko. Totoo ata na kinokonsumo na nilang magkaibigan ang malayang pagpapasya ko. Sino ang nasa tamang pag-iisip ang sasama kay Adrian? Sa lalaking nang-harass sa akin kumakailan.
Dumating ako lulan ang pulang SUV na galing sa Grab application. Si Adrian ang nag-book ng masasakyan ko, para bang pinipilit niya talaga akong sumama. Halos dalawang oras din paikot-ikot ang utak ko habang tinatahak ng sasakyan ang daan papunta sa lugar na paggaganapan ng party ni Adrian.
Kahit alas siete pasado na ako nakarating ay wala pang mga bisita. Tanging si Adrian at iilan na tulad kong waiter ang nasa loob ng lobby ng resort. Lahat sila ay naghahanda para sa magaganap na kasiyahan.
Kung pagmamasdan, malaki ang lobby ng pagdadausan ng party ni Adrian. Tila gawa sa kawayan na upuan at lamesa ang nakahalayhay sa paligid ng reception area. May malaki pang TV screen sa likod ng receptionist na paulit-ulit na promotional video lang ang palabas. Mukhang nakareserba sa party ni Adrian ang kabuuan ng resort dahil may nakalagay na 'private event' sign kanina sa entrance.
Hindi kalayuan sa reception area ay ang munting bar na may katabing pinto—na sa tingin ko'y ang kitchen area. Iisa lang ang bartender na naroon na pawang nililinis ang mga nakahandang baso. Kapag dumiretso pa ay mapapansin ang nakabukas na glassdoor na tanaw ang beach. Pansin kong may tatlong lalaki ang nag-aayos ng lighting at maliit na stage. Parang may magko-concert pa mamaya dahil sa set up nito. Laking gulat ko nang buksan ang mala-disco lights na nasa gitna mismo ng beach.
Lalabas na sana ako upang makalanghap ng sariwang hangin nang harangin ako ni Adrian. "Good. You're here. Akala ko ito-talkshit mo ako." Pinaglalaruan nito sa kamay ang baso ng alak na may kasamang yelo.
"Pinagpaalam mo naman ako kay Sir A, diba?"
Sa kabilang banda, naisip ko na mas okay pang dito magtrabaho ngayong gabi kaysa tiisin ko ang pang-aalila ni Sir A sa Samael's.
"Yeah, yeah---whatever. Change your outfit."
Nagtaka ako. "Anong mali sa suot ko?"
He looks at me from bottom to top. Bigla akong na-conscious. Pakiramdam ko tuloy mali ang pinili kong damit. Samantalang puro jeans at t-shirt lang din naman ang natitira kong damit sa aparador.
"You're overdressed for a bohemian theme."
"Hindi ko alam na may theme pala. Para saan ba 'tong party na 'to?"
Sinundan ko ang paa niya na naglalakad patungong dagat. "Wala lang. Trip ko lang."
"Kaya pinareserve mo 'to?" paglilinaw ko.
"Yeah. Something like that." Ngumiti ito at humarap sa'kin. "I don't pay you to interview me, right? Might as well help the others prepare."
Iba talaga silang mayayaman. Kung anong gusto nila, makakamit nila dahil may pera sila. Hindi katulad ko na kailangan pang tiisin ang mga kagaya nila para pangtustos sa araw-araw. Kaya siguro hindi rin nila sineseryoso ang pag-aaral. Alam kasi nila na hindi mawawala ang pera pambayad sa susunod na semestre.
Bumalik na ako sa loob. Buti na lang at siya na mismo ang nagkusa na pabalikin ako. Akala ko'y required ko siyang kausapin buong gabi.
May lumapit sa'king isang babae na mabulaklak ang suot na bistida. Maaliwalas itong tignan kasama ang bohemian necklace na maraming layers. Binigay nito ang bistida na susuotin ko. Puti ang kulay nito at napapalibutan ng lace ang maluwag na manggas na aabot hanggang siko ko. Hugis ng letrang V ang collar nito kaya't hindi ako gaanong komportable lalo pa't parang tinirintas lang ang tela sa bandang dibdib. Ang nakatutuwa lang sa damit na 'to ay lagpas tuhod ang haba. Pansin kong may nakadikit na nameplate sa damit. Sumimangot ako dahil imbes na pangalan ko ay Betty La Fea ang nilagay ni Adrian. Sa inis ay tinanggal ko na lang ito.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagdating ng mga guests ni Adrian. Ang mga babae ay tila nagpapaiksihan ng suot samantalang ang mga lalaki ay halos tanggalin na ang mga butones sa suot nilang floral polo. Para bang wala lang sa kanila ang malakas na ihip ng hangin, tila sanay na sa malamig na kaligiran. Gaano kaya kadalas ang paganitong party ni Adrian?
Madali lang ang iniutos sa aking gawin. Hahawakan ko lang ang tray na may lamang snacks o baso ng alak. Tapos ay hihintayin ko lang na maubos habang nag-iikot sa party area. Sunod ay babalik ako sa kitchen upang mag-refill. Mas nasisiyahan pa ako sa ginagawa ko rito kaysa sa Samael's. Idagdag pa na mas mataas ang pasahod ni Adrian. Ngunit wala pa rin akong tiwala sa kanya at sa pera niya. Ramdam kong may mahuhukay pa ako sa kailaliman ng tunay niyang intensiyon.
Pampitong balik ko na ata sa kitchen ngayong gabi. Kahit masakit sa paa ay kaya ko na ring tiisin lalo kapag nakikita ko ang kasiyahan sa beach area–parang gusto ko ring sumali.
Dalawang mukha ang hindi ko inaasahan na makikita ko rito. Kagagaling lang nilang entrance ng resort at namukhaan agad ako ni Tam.
"Erica? What are you doing here?" Pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa hawak kong tray na puno ng walang laman na baso.
"Umextra lang ngayong gabi." Nginitian ko siya.
"Paano ka napapayag ni Adrian?" Si Steven naman ang nagtanong.
Nagkibit-balikat ako. "Mapilit siya, e. 'Tsaka, okay din 'yung bayad."
"So? How is your night? Hindi ka naman ginugulo ni Ralph?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Tam. Katunayan ay hindi ko pa nakikita si Ralph ngayong gabi. Ngunit hindi pa rin mapanatag ang loob ko, baka bigla na lang siyang sumulpot. O baka andito na siya at hindi ko lang makita sa sobrang dami ng tao. Ang mahalaga ay hindi kami magkrus ng landas.
Umiling ako. "Hindi ko pa nakikita si Ralph."
"Ralph's not here? Are you sure?" Nagtataka si Steven. Siguro'y inaasahan niya na dito madadatnan si Ralph.
Hindi ko alam ang isasagot, mabuti na lang at lumapit na si Adrian sa'min. "Wow. It's your first time in my party with your girlfriend," saad niya kay Steven.
"I did not come here for you," sagot ni Steven. Napatingin ako kay Tam nang bigla nitong mahigpit na hawakan ang kamay ng boyfriend niya. Ramdam ang namumuong hidwaan sa paligid.
"What? Are you looking for Ralph?"
"I'm trying to make sure that you will not ruin his life again," matikas na sagot ni Steven.
Nais ko na sanang umalis dahil alam kong wala ako sa lugar para makinig sa usapan nila ngunit mas nakakahiya dahil nakapalibot silang tatlo sa'kin kaya't wala akong daan palayo.
"Alam mo, pare, malaki na si Ralph. He can do whatever he wants. Even his parents cannot tell him what he should do."
Rinig ko ang pagbulong ni Tam sa kasintahan niya. "Let's just look for Ralph, Ven." Maging siya siguro ay natatakot sa palitan ng tingin ng dalawa.
Sa pag-alis ng dalawang magkasintahan ay bumukas na rin ang daan ko patungong kitchen.
Ang akala ko lahat ng kaibigan ni Ralph ay magkakaibigan din. Akala ko'y pare-parehas sila ng pinagkakaabalahan. Pero mali ako. Iba si Steven sa kanila. Si Steven lang ata ang matino. Ang swerte talaga ni Tam sa kanya.
♣♦♥♠
Mag-aalas dose na. Ganitong oras ay sakay-sakay na ako ng motorbike ni Ralph pabalik sa dorm. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kahit halos tatlong linggo lang namin pinaulit-ulit 'yon ay para bang matagal kong malilimutan ang lahat.
Sa pagod ay umupo muna ako sa lobby malayo sa kasiyahan. Pinapaypay ko ang kaliwang kamay sa sobrang init. Samantalang ang isang tissue na hawak-hawak ay punong-puno na ng pawis. Ayon kay Adrian alas kwatro pa matatapos ang party niya. Hindi ako sanay sa mahabang trabaho na walang pahinga. Kahit bawal ay dumudukot ako sa nachos at fries na hinahain para lang may laman ang tiyan ko. Buti nga ay natatago ng malakas na music ang pagkulo ng tiyan ko kanina. Subalit ngayong malayo ako, tanging tunog lang ng gutom kong sikmura ang umaaligid sa tainga ko.
Habang lulan ng sakit ay nahagip ng mata ko ang pagdaan nina Steven at Tam sa'king harap. Base sa postura nila ay pauwi na sila.
"Erica, pauwi ka na rin ba? Gusto mong sumabay?" Alok ni Tam. Pinagmamasdan ko sila kanina, hindi naman sila uminom. Sa bar lang sila nakatambay habang pumapapak din ng masasarap na snacks.
"Naku, mamaya pa ako." Sinubukan kong ngumiti sa gitna ng pag-ungol ng tiyan. "Kayo? Bakit ang aga niyo umuwi?"
"We're just here for Ralph. But he's not here," sagot ni Steven.
"We're trying to stop him from taking drugs again. Do you know naman what happened before, diba?" dagdag ni Tam.
Tumango ako kay Tam.
"Ayaw lang namin masayang 'yung isang taon niya sa rehab. Isa pa naman si Adrian sa may malaking influence sa kanya when it comes in doing illegal things," ani ulit ni Steven.
Napangiti ako. Maswerte pa rin si Ralph dahil may mga kaibigan siya kagaya nilang dalawa. Paano kaya nila natitiis ang ugali ni Ralph?
"Edi masama pala talaga ang ugali ni Adrian?" I spontaneously asked.
Mahinang tumawa si Steven. "He is the devil's counterpart on Earth."
Bigla namang siniko ni Tam ang boyfriend niya. "Huwag mo namang tinatakot si Erica," rinig kong saad nito. "The three of them used to be friends. Si Steven lang ang may lakas ng loob magbago."
Hindi ako makapaniwala sa bagong impormasyon na bigay ni Tam. Kaya pala parang may hindi pa nareresolbang gusot sa mga tinginan nina Steven at Adrian kanina.
"I can feel that Ralph's going to change. He's not here nga, oh."
Baka hindi pumunta si Ralph dahil sa'kin. Baka sinabi ni Adrian na nandito ako. Baka sa Samael's siya nagsasaya ngayon. Nagagalak kaya siya na iniiwasan ko siya? Wala na siyang responsibilidad na ihatid-sundo ako. Hindi niya na kailangang mag-alala sa'kin.
Sinubukan kong alisin sa isip ko ang pangalan ni Ralph. Nagpaalam na ako kila Tam at saka bumalik sa kitchen. Nakailang minuto pa lang ngunit gusto ko na namang magpahinga. Nakararamdam na naman ako ng hilo. Kailangan ko na talagang kumain.
Napagdesisyunan kong dumiretsong comfort room para doon naman magpahinga. Sa mga bakanteng cubicle ako madalas umuupo nang matagal para umiwas sa ingay. Paborito ko ang lugar na 'to dahil dito lang ako puwedeng mag-isa.
Subalit hindi ko inaasahan ang taong makikita ko sa loob ng lady's restroom.
Kitang-kita ko ang pagtama ng mata namin ni Ralph sa salamin. Nagulat siya pero agad niyang binawi. Pinagpatuloy niya at ng kasamang babae ang ginagawa na mas malala pa sa nadatnan ko noong isang araw. Nililinya ni Ralph ang powder sa sink. At alam kong hindi ito regular na powder lang.
Inilagay ko ang kamay sa may sink kung saan nakahilera ang dalawang linya ng mala-asukal na pinagbabawal na droga. Mabilis kong pinadulas ang bawat daliri papunta sa hangganan upang mahulog ito.
"What the fuck?" Mura sa'kin ng babaeng kasama ni Ralph. Nagulat ako nang hilahin niya pababa ang buhok ko. "Alam mo ba kung magkano ang isang sachet niyan?"
Nanginginig lang ako. Hindi ako makalaban sa pananakit ng babae sa'kin.
"Isa kang malaking pakialamera at tangina!" Sa bawat pantig ng salita ay siyang hila niya sa kung saang direksyon ang buhok ko.
Nagulat ako nang tanggalin ni Ralph ang sabunot ng babae sa'king buhok at mahigpit na kinapit ang kamay niya sa palapulsuan ko. Hinila niya ako palayo sa bar. Palayo sa labas kung saan nagsisiya ang mga tao sa malakas na tunog ng base na dumadaloy sa malalaking speaker. Hinila niya ako sa salungat na direksyon—kung saan kaming dalawa lang ang makakakita ng kung ano mang binabalak niyang gawin ngayon.
Napunta kami sa maliit na espasyo sa pagitan ng magkatabing two-storey cottage. Mula sa labas, makikitang walang presensya ng tao sa loob dahil walang ilaw na rumereplek sa mga bintana. Wala akong mahihingan ng tulong. At paniguradong walang saysay ang sigaw ko dahil halos kalahating kilometro ang layo namin sa party.
Napasandal ako sa pader, ramdam kong bumabaon ang suot kong lumang sneakers sa buhangin. Nanginginig rin ang kamao ni Ralph habang pabalik-balik ang lakad na tila pinag-iisipan mabuti ang susunod na aksyon.
"I don't want to hurt you, Erica." Tumigil siya sa harap ko. "Mukha akong basagulero pero kahit isa wala pa akong nasasaktan na babae—but, damn! You're really testing me. And I don't fucking like it."
Yumuko ako. Namumuo ang pawis sa batok ko. Hindi mapakali ang kamay ko kahit hindi naman ako uminom ng sampung kape.
I built up my courage. Dahil kung hindi ko sasabihin 'to ngayon, kung hindi ako magsasalita upang depensahan ang panig ko, baka wala nang ibang pagkakataon pa. "G-gusto lang kitang tulungan, Ralph."
"How many times should I tell you that I don't want your help?!"
"Isipin mo naman sina Steven, Tam, ang Ate mo. Lahat sila nag-aalala sa'yo. Alam mo bang umattend sila Steven sa estupidong party na 'to para lang bantayan ka? Nanga---"
"Sino bang nagsabi sa kanila na bantayan ako?" Napabalikwas ako nang malakas niyang hinampas ang palad sa pader. "Fuck!"
"Nag-aalala sila sayo. Dahil importante ka sa kanila." Nanginginig na ang boses ko.
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. Amoy ko ang sigarilyo at alak kay Ralph. Kinulong niya ako sa pader. Naka-abante sa akin ang dominanteng braso niya. Ito ang humaharang sa tanging lagusan paalis sa masikip na puwestong kinalalagyan namin. Bukod sa pagiging matangkad, isa pa sa kalamangan niya mula sa akin ay madaling mabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Tiyak siyang takot ako.
"And you? Why does it matter to you?"
Hindi ako sanay na ganito siya kalapit. Hindi ako makatingin nang diretso sa mata niya. Kapag binababa ko ang tingin sa labi niya ay mas lalo lang bumibilis ang takbo ng puso ko.
Tumikhim ako. "Kaibigan kita, diba?"
"Fucking BS!" He smeared. "That's bullshit, Erica. Ayaw mo nga akong kausapin, diba?"
Tama siya. Ayaw ko siyang kausapin pero kaibigan ko pa rin siya. Tulad kung paano ako iniiwasan ni Claire pero magkaibigan pa rin kami. Parang mga kasintahan na nagtatampuhan pero magbabati rin pagtapos ng araw. Subalit hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya ako magugustuhan.
"Kailangan ko nang bumalik." Nagmakaawa ang mga mata ko. Wala na akong mukhang maiharap sa kanya.
"That's where you're good at, always giving your waitressing excuses without facing the truth." Nahuli niya ang mga mata ko at kinandado sa kanya. Wala akong laban dahil sa akin na nakatutok ang baril, samantalang ang pulis sa harap ko ay hinihintay lang akong makulong sa selda ng mga babaeng nahuli niya at napaglaruan.
"Parehas lang pala tayo. Mahilig ka ring tumakas sakay ang motorbike mo."
Maloko ang mga tawa niya. Siguro'y hindi makapaniwala na kaya ko na siyang labanan ngayon. Hindi niya alam na sa bawat oras na nakakasama ko siya, hinahanda niya ako para sa ganitong sitwasyon. Nakasanayan ko na siya. Kaya kahit alam kong may posibilidad na saktan niya ako, kahit halos atakihin na ako sa puso dahil sa kaba sa balak niyang gawin, hindi ako naglakas-loob na itulak siya palayo at tumakbo.
"Don't compare me to you, Betty La Fea. Because I can do this..."
Nanlaki ang mata ko nang ilapat niya ang labi sa'kin. It was as if I went back to time—after his brother's wedding when we were at the condominium's lobby. The difference this time is he is fully aware of what he's doing.
Hindi ko inaasahan na malalasahan ko ang labi niya sa pangalawang pagkakataon. Alam kong saglit lang 'yon, ginawa niya lang para makabawi sa'kin. Para ibalik sa'kin ang galit niya. Segundo lang ngunit masakit para sa akin. Trinato niya na naman akong laruan nang malugod itong ngumisi.
"...without feeling anything." Umayos siya ng postura. "And you will be forever doomed in my game."
Hindi ko napigilan ang sarili at malakas siyang sinampal. Tumakbo ako palayo habang ang mga patak ng luha ko ang nagsisilbing yapak sa mga buhangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top