Chapter 2 • The Hero
MAYBE I AM LYING when I promised my counselor at rehab that I will not go back to drinking, that I will stay sober for the rest of my life. Sinabi ko lang 'yon dahil sa excitement na makalalabas na rin ako sa kulungan na 'yon. It has been a year since ikulong ako ng walang hiya kong pamilya. Ang pamilyang nagpapakaperpekto kaya't tinatago ang nag-iisang mantsa sa commercial-like nilang damit.
A loud sad music is playing when I came at Samael's RestoBar. Alas siete pa lang kaya paniguradong rated PG pa ang mga nasa loob. Umiling na lang ako dahil ganitong oras pa talaga naisipan na imbitahin ako. Pinagbigyan ko siya dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita.
Malayo pa lang ay tanaw ko na siya. He's surrounded by hookers with STD wearing their undies. Nakapwesto siya sa VIP area ng bar, nakaupo sa round sofa table at ngising-ngisi pa ang kupal.
Akmang paupo ako nang may bumangga na naman sa akin. Tangina, wala bang matinong waitress si Samael?
Nang tignan ko ang babae ay bigla akong napangisi. Siya lang pala ang hindi matino rito.
"If it isn't the absent-minded, Betty La Fea." Pinagpag ko ang balikat upang ipadama sa kanya kung gaano ako karindi sa katawan niya.
Nanlaki ang mata niya. Siguro sa gulat dahil ako na naman ang nasilayan niya. Wala pang bente kwatro oras pero tatlong beses ko nang nakita ang katawa-tawa niyang mukha. Hindi niya pa nga ako nababayaran sa damage na ginawa niya kahapon, then now she's already tailing me? What's with women and their obsession with me?
"Betty La Fea, nice name." Pansin kong nasa amin na pala ang atensyon ni Adrian—ang lalaking kanina lang ay sarap na sarap pa sa dalawang seksing babae sa tabi niya.
"Nah, I just call her that 'coz she looks like one." Itinaas ko ang pantalon upang makaupo sa tapat ng kaibigan ko.
Pinagmasdan ko si Betty La Fea mula ulo hanggang paa. Magulo na buhok, acne-filled face, rectangular glasses, and no distinguished body waves. In short, unattractive. Her appearance shouts dull and plain. Wala man lang akong pleasure na maramdaman. Hindi siya ang kailangan ko. I need the sexy waitress.
Pumasok sa isip ko ang pangyayari kanina sa men's restroom. Para siguro sa tulad niya ay panibagong experience ang nasaksihan- making out inside the restroom. Pero normal na araw lang 'yon sa akin.
"So, kilala niyo ang isa't isa?" Aid looked back and forth at us.
Nakapatong lang ang siko ko sa header ng malambot na upuan samantalang ang tatlong daliri ay sinasalo ang nakatabingi kong ulo upang hindi mahulog. I am mind-telling her to answer the damn question if she doesn't want to be damned.
Pansin kong kinakabahan si Betty. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya.
Am I really that intimidating?
I smirked. Mukhang hindi pa talaga nawawala ang charm ko.
"H-hindi. Enjoy the night!" Mabilis na tumakas si Betty La Fea sa harap ko. Mas lalo akong napangisi.
She will be damned.
Inabutan ako ni Adrian ng isang shot ng paborito niyang tequila kaya umayos ako ng upo.
"Who's that?"
Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Adrian at saka tumungga ng alak. Napangiti ako nang maramdamang gumihit ito sa'king lalamunan. Tangina, na-miss ko ang pakiramdam malasing.
Matagal ko nang kaibigan si Adrian. Simula elementary pa lang ata ay kabisado ko na ang tarantado niyang ugali. Mas lumala ito ngayong nagkolehiyo kami. Siya ang dahilan kung bakit ngayon ay stuck pa rin kami sa college. Gusto nitong magmukhang bata para mabenta pa sa freshmen.
"Hindi mo alam but you're smirking?" tanong niya ulit.
"Why won't you ask your uncle Samael, then?" balik ko sa kanya.
Siya ang dahilan kung bakit kilala ko ang may-ari nitong restobar at ilan sa mga empleyado nito. Dahil malapit kami ni Adrian, hindi malabong mapalapit ako sa kamag-anak niyang katulad namin, mga mahilig sa alak. Si Samael ang dahilan kaya't madalas akong nakakakuha ng libreng alak dati.
"No, mas gusto ko pang sayo malaman."
Well, ang alam ko lang ay kasama siya sa mababang uri ng social class, which is a guess by the way, I'm not that judgmental.
Naramdaman kong may naglalaro sa hita ko, nilingon ko ang sex toy ni Aid na nasa kaliwa ko. Hmm, she looks like a high school student. Umiling ako sa babae dahil hindi siya ang tipo ko. Ayokong makasuhan ng child trafficking. Kaso mukhang gustong-gusto niya akong paamuhin.
"So, bakit mo ako tinawag?" tanong ko matapos tunggain muli ang alak.
Pagkalabas kong rehab ay ito na agad ang gusto kong gawin, kung hindi lang dahil sa kamalasang nangyari sa'kin kahapon. Kaya't pahihirapan ko talaga ang waitress na 'yon.
"Celebration. Sa paglayas mo sa rehab at pagpasok sa impyerno," nakangising saad niya 'saka tinaas ang shot glass for a toast. I rolled my eyes at nilibot ang paningin.
My god, I missed this place! The people, the smell, and the sizzling-walking-porn waitress. Kanina ko pa siya hinahanap. Pinalitan na ba ni Samael ang mga waitress niya with the likeness of that Betty La Fea? Talk about bankruptcy.
"Hey, Aid, nandito pa ba 'yung sexy na waitress?" I asked while I scan the room. Kahapon ko pa siya hinahanap, kahapon pa ako uhaw sa katawan ng babae.
"Who? Meghan?"
"Ayon! Gago, nalimutan ko pangalan niya."
"Don't engage with her, balita ko kabit na siya ni A."
"The manager? Fuck that pimp." I cussed before I pressed my lips in the shot glass. Samantalang kahapon ay parang maiihi pa sa takot ang manager na 'yon nang makita niya ako. I am sure that he's sweating his ass knowing I can hook up again with his illicit affair.
"Balita ko binalikan ka ng BS," Adrian changed the atmosphere by changing the subject.
Palihim akong napakuyom sa kamao. "Yeah, the Bull Shits," I scoffed.
BS is the old gang of mine. Sila ang may kagagawan ng sugat sa mukha at pasa sa katawan ko. Ang mga gago na kumuha sa credit cards at condo unit ko kahapon. They are the reason that I am homeless and have nothing inside my pocket aside from two condoms.
"So, where are you staying right now?"
Tinitigan ko lang siya. Ngayon ko pa lang siya nakausap and I don't remember telling him anything about those bullshits.
"Kanino mo nalaman?"
Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya sa'kin. Alam ni Adrian na hindi ikabubuti ng mukha niya kapag nagalit ako.
"Kay Steven."
Umiling na lang ako bago malakas na hinampas ang table. "Sino pa ang may alam?"
"Well, I don't see your sister making a scene here so, maybe ako lang?"
Hindi ako umimik. Malilintikan talaga sa'kin si Steven mamaya. Hindi porket nakatira ako ngayon sa unit niya ay may karapatan na siyang ipagkalat na pobre na ako ngayon. Makakaapekto 'to sa halina ko sa mga babae.
"If you knew it from Steven, then it's obvious that I am staying with him. I don't have a choice, unless patirahin mo ako sa unit mo."
Sa unit niyang gabi-gabi yata may party ng mga hookers. Tangina, minsan nakakasawa rin 'yung laging nakakakita ng babaeng nakahubad.
"What if I told you, you have one?" Umayos ito ng upo, tinanggal ang kamay ng babae sa loob ng pantalon niya upang makapag-usap kami nang masinsinan.
Tinaasan ko siya ng kilay. He always has something up his sleeves, literally. May nilabas ito sa bulsa niya, a black leather checkbook cover. May sinulat siya sa piraso ng checkbook at iniabot sa'kin. Napangisi ako sa nakita ko.
"You still gamble?" Nanghihikayat ang ngiti niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami ni Adrian ay parehas kaming mahilig sa huwego, sa laro para sa pera. And he knows money is what I need the most, especially now.
"Anong kapalit?" pagtukoy ko sa five million pesos na nakasulat sa tseke niya. Kung saan niya nakuha? Let's just say he's a business expert when it comes to sex and other drugs.
"Betty La Fea." Dahan-dahan kong sinundan ang tinuturo ng nguso niya, nagse-serve ito sa malayong table. "Make her fall for you in fifty days."
Ibinalik nito ang tseke sa bulsa. Pero may pagdududa pa rin sa isip ko.
Tinitigan ko lang nang matagal 'yung babae. Typical promdi, madaling maloko, madali ring iwanan. Alam ni Adrian ang karisma ko sa mga babae. Hindi ako makapaniwalang ganito kadali ang ibibigay niya.
"Are you sure, man? Five million for that simpleton? Barya lang ba ang tingin mo dito?"
Hindi sumagot si Adrian bagkus humigop lang sa baso niya na siyang nag-iwan ng malakas na tunog. Hindi pa rin mawala ang ngisi sa labi niya.
I know what he wants. Gusto niya makakita ng palabas. Palabas na kakaiba sa usual na porn na pinapanood. Napakatarantado talaga niya.
"Deal." Nakipagkamayan ako sa negosyante kong kaibigan. If both of us will benefit from this, then why would I not take the sale?
"Then, you'll see this cheque in fifty days."
Naiwan ang kakaibang ngisi sa labi ko habang pinagmamasdan ang babaeng papaiyakin ko after fifty days.
You poor, unfortunate soul.
Hindi niya pa nga nababayaran ang duming iniwan niya kahapon pero may paparating na panibagong bagyo na sisira sa inaalagaan niyang puso.
♣♦♥♠
After having sex with some random chick inside the women's restroom, I head at the back of the Restobar to get some air and smoke some cigarettes. It's not that I haven't got laid while I'm inside the center, pero iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag alam mong hindi mo na ulit sila makikita. Unlike, inside the rehab, the nurses were always awkward when I'm around, maybe because they knew how unethical it was. Pero hindi naman nila kayang pigilan ang tawag ng laman, lalo kung ako ang laman na matitikman nila.
Umaalingawngaw sa labas ang bandang tumutugtog sa loob. Walang tao rito maliban sa'kin. Ang tanging katabi ko ay ang motorbike na muntik pang nakawin sa akin. Kunin na ni Banerji ang lahat huwag lang ang kaisa-isang bagay na nagpapabuhay sa'kin ngayon.
I exhaled the smoke from the cigarette, trying not to remember what I had been before entering rehab, back at the time when my heart was still intact.
Bago pa ako madala ng nakaraan ay umugong ang lumang pinto. Napalingon ako sa babaeng lumabas, she's wearing her simple maong jeans and a shirt. Mahigpit ang kapit ng kamay niya sa lumang brown body bag na nakasabit sa katawan niya.
I smirked. Mukhang mapapaaga ang sabak ko. Even though I know there's no such thing as fate, I know that it's playing with us. Mukhang bored din ito at gustong malaman kung gaano karupok ang babasaging kubyertos sa harap ko.
"Good, you're here. Kanina pa kita hinihintay." I kept my cold façade. I tried not to laugh when her panicked face showed up. I think I will enjoy my new toy.
Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. I really gave a strong first impression on her. At ang mga babaeng tulad niyang mababa ang loob ang madaling pasunurin.
"Bakit?"
Sinubukan niyang dumaan sa gilid ko pero madali ko siyang hinarangan. Hindi ka mananalo sa laro ko, Betty La Fea. Hangga't ako ang nasa linya sa patintero, hinding-hindi ka makakatakas papuntang dulo. We will play this game until I get my five million.
"You still owe me a shirt, remember?" I looked down at her. She was just biting her lip- looking pass me, strategizing how she will get out of my game.
Nanatili lang kami sa pwesto habang binubuga ko ang usok sa kanya, hinihintay kung anong sunod niyang gagawin. Kampante lang akong naghihintay sa galaw niya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita nang malakas niya akong tinulak sa dibdib.
"Tulong!" she shouted before running like a chicken.
I cussed. Hindi makapaniwalang nawalan ako ng balanse sa tulak niya at tuluyan siyang nakawala sa bakod ko.
Tangina. Ginagalit mo talaga ako, Betty La Fea.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top