Chapter 18 • The Hero
SANAY NA AKONG magsinungaling especially when it comes to my feelings towards someone. Aakitin ko lang sila ng mamulaklak kong salita para makuha ang gusto ko. I'm generally comfortable with it because of my distinguished abhorrence towards sincerity. However, I don't understand why I'm guilty of lying straight to Quisumbing's face. Sinabi kong walang kapalit ang lahat kahit pa alam kong binigyan na siya ng presyo ni Adrian.
Kaya ba makikipag-away na naman ako kay A para mawala ang konsensya ko?
Fuck it, Quisumbing. Do I already treat you as a friend?
"Nagdala ka pa talaga ng back up, Quisumbing."
Kaharap ko ngayon si A. Ramdam kong nagtatapang-tapangan na naman siya. Makunat na ang mga buto niya kaya paniguradong siya ang matatalo sa aming dalawa.
Hindi ko narinig na nagsalita si Quisumbing. I'm sure that deep inside, she's also thankful for what I'm about to do. And I won't just do this for her. Gagawin ko 'to para ipakita kay A na kahit kailan hindi siya makakaangat sa'kin.
"You know, Ralph, whatever the consequence is, ako pa rin ang may huling sabi sa status ng employment ng girlfriend mo."
"She's not my---" I stopped myself. Wala akong panahon para ipaliwanag sa kanya ang relasyon namin ni Quisumbing.
"Ralph, tara na, please. Ayokong mawalan ng trabaho," bumubulong siya sa likod ko. Pero may pag-aalinlangan ang boses niya.
"What do you think would happen if I left?" Hinarap ko siya subalit agad niyang binaba ang mga tingin.
"Ewan ko. Pero ayokong may magkasakitan. 'Tsaka tuwing weekends lang naman ako double shift. 'Yon ang napagkasunduan namin."
"Makinig ka na lang sa payo ng girlfriend mo," saad ng matandang manager niya.
Nilapitan ko siya na nagtatago sa likod ng mahaba niyang lamesa. Nilapat ko ang mga palad doon bago ihagis ang gawa sa metal na nameplate niya. "Remember, I'm one tap away from calling Samael." I made sure that my glare would stop whatever the hell he is planning right now.
"Come on, Quisumbing." Hinila ko siya papalabas ng mabahong opisina ng manager niya.
I can feel that she's trying to let my hand go but I won't make her. Tinulungan ko siya ngayong gabi kaya dapat sumunod siya sa gusto kong gawin. Tuturuan ko siya kung paano magkaroon ng lakas ng loob.
"Sakay," utos ko nang tumigil kami sa tapat ng motor ko.
"Magtatrabaho ako," she firmly said.
I scoff. "I'll take you to Samael and I want you to explain everything to him."
"A-ano?"
"I can't let that pig-man abuse you. He needs to be fired and you're the one who'll trigger that." Kailangan niyang tumayo para sa sarili niya. Hindi pwedeng lagi lang siyang nakayuko, kaya pinagsasamantalahan ang kabaitan niya, e.
Umupo na ako sa motorbike ko habang hinihintay siyang sumunod sa akin. The only thing written on her face is fearful doubt. I bet she's picturing every possibility inside her head.
"Quisumbing!" I commanded. Hindi pa rin siya sumunod.
"Nahihibang ka na ba? Ba't ko gagawin 'yon?"
"I'm teaching you how to defend yourself. How can you face the world when you're that timid?"
There's silence afterwards. I wish I can go beyond her head so I can hear the thoughts inside it.
Madali akong napangiti nang sumampa siya sa likod ko. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa magkabilang dulo ng t-shirt ko. Lagi niya 'tong ginagawa tuwing inaangkas ko siya kaya tuloy parang hahabulin ng plantsa ang gilid ng damit ko.
"Ayusin mo." Palihim ko siyang tinignan sa side mirror. Gusto kong matawa sa nagtataka niyang mukha. "Ayusin mo ang pagkapit," pagpapaliwanag ko.
"P-paano?"
Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at mahigpit na niyakap ang mga ito sa bewang ko. Bago pa siya makaangal ay mabilis ko nang pinaandar ang sasakyan.
♣♦♥♠
Ibang-iba ang Morato branch ng Samael's kaysa sa Sampaloc. Bukod sa mas maraming tao at mas maingay, mas wild ang mga kliyente rito. Tinatawag pa naming kumbento ang branch sa Manila dahil sa kabanalan ng mga customers doon. Siguro, isang factor din na katabi lang nito ang isang sikat na club.
I can feel that Quisumbing's uncomfortable. Bago sa paningin niya ang lugar at wala pa siyang kaalam-alam sa paligid. Hindi ako makapaniwalang sa school-dorm-Samael's lang umiikot ang buhay niya. Napaka-boring niya talaga.
Hinila ko siya papasok dahil mukhang nakadikit na ang paa niya sa sahig. Mukhang metal-band ang tumutugtog ngayon dahil sa nakakairitang feedback mula sa mic. Kung mapapansin, lutang na rin ang karamihan sa mga customers kahit masyado pang maaga. Isinawalang bahala ko ang pag-oobserba at dumiretso sa restricted area. Hinarang pa ako ng isa sa mga waiter ngunit nang sabihin ko ang pangalan ni Samael at relasyon namin ay pinapasok na rin kami.
"Ralph..." Napatingin ako sa kamay na nagpupumiglas sa'kin. Sunod kong hinarap ang mukha niya. "Hindi ko ata kayang gawin 'to." She bit her lowerlip.
Kabisadong-kabisado ko na ang ekspresyon niya na 'to. She's probably worried or overthinking again. At 'yon ang kailangan niyang alisin sa katawan kung gusto niyang umangat-angat sa buhay.
"I don't care. Either way, malalaman pa rin naman ni Samael." I made sure that my voice is too powerful for her to have enough courage.
Kakatok na sana ako sa pinto sa tapat ko nang marinig ko ang boses ni Samael galing sa hallway. "What the hell are you doing here?" Mabilisan niya akong tinignan bago pagmasdan ang babaeng katabi ko. "Quisumbing?" he frowned.
"She's got something to tell you." Ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
After few minutes, we're all settled down in Samael's office. Nag-aabang lang si Samael na bumuka ang bibig ng babaeng nakaupo sa tapat niya ngayon. Para namang nasa sahig ang bawat salitang sasabihin ni Quisumbing at hanggang ngayon ay hindi niya pa masaulo.
Naaatat na ako. Mas lalo niya lang akong ginagalit sa pagiging tahimik niya. Kung nagawa niya akong sagot-sagutin noong nakaraang linggo, paniguradong mas kaya niyang ilaglag ang hayop niyang manager.
"What is it, Erica?" Samael asked. His eyes are asking what the hell is going on.
"Fuck it," I mumbled to myself. "A is overworking her." Tinignan ko muna si Quisumbing bago ko ipagpatuloy ang sasabihin. Nakayuko pa rin siya habang pinipilit na lukutin ang maong pants niya. "Without pay," I continued.
"What? Is this true, Erica?"
"Do you think I'm lying, Samael? Sa tingin mo she'll be this scared if I'm not being honest with you?" Tangina. What am I so mad for?
"Chill, Ralph." Kalmado pa rin ang mukha niya, hindi gaya ko. "Tell me the truth, Erica."
Nilingon ko si Quisumbing. Unti-unti siyang humarap kay Samael bago tumango.
"See? Now you need to fire him," utos ko rito.
"I can't do that."
I crumpled my forehead. "What?"
"Thanks for letting me know, though. I'll talk to him." Parang wala lang sa kanya ang nalaman. Akala ko ba may pakialam siya sa mga trabahador niya? Or was that a fucking lie?
"S-salamat, Mr. S." Tumayo na si Quisumbing sa kinauupuan.
"Just tell me if there will be problems again. You can go home now." Nginitian niya pa talaga si Quisumbing na akala mong magiging ayos lang ang lahat. Umalis na siya subalit nagpaiwan muna ako upang komprontahin si Samael.
"Tangina, ano 'yon, S?" Hinarap ko siya at tinignan mata sa mata.
"I can't fire him. He's been with me since I don't know when. He'll be hard to replace."
"I don't care. Alam mo bang kabit niya si Meghan?"
"So, is it what's this about? You're fucking jealous, man." Magkamag-anak talaga sila ni Adrian. Parehas na parehas sila ng ngisi.
"No. I'm just telling you that he's screwing every employee he sees just because he has the power. Are you gonna let that happen?"
Inayos niya ang sarili at pinagbuksan ako ng pinto. "I'll talk to him." He shoots a reassuring look. "Drink's on me." He then tapped my shoulder before I exit his office.
Mahigpit kong kinuyom ang kamao. Now, I really need a drink. But first, I should locate Quisumbing's whereabouts inside this crowded bar.
Hindi ko alam kung gaano ko katagal siyang hinanap sa loob bago ako napadpad sa labas ng restobar. May kausap siyang lalaking hindi kalayuan ang tangkad sa'kin. Napakunot ang noo ko habang pinapagmasdan na may iabot siyang pitaka sa lalaking 'yon.
What the fuck's happening?
Mabilis akong lumapit sa sidewalk na kinaroroonan nila bago ko siya hilahin papalayo sa lalaki. Doon ko napagtanto kung sino ang kausap niya. Isa sa mga alagad ni Banerji, isa sa mga gumulpi sa akin nung isang araw. Naramdaman kong may ibang mata pang nakamasid sa'min. He's not alone. May dalang resbak si Gago.
Anong ginagawa ng mga pugitang 'to rito? May ginawa na naman bang katangahan ang kapatid ko?
"Sino siya?" He blabbered. He seems friendly with Quisumbing. Anong mahika kaya ang ginamit niya ngayon?
"She's with me." Mas lalo ko pang nilayo si Quisumbing sa kanya. Aaminin kong hindi maganda ang pakiramdam ko, mukhang may mangyayari na namang hindi kaaya-aya. I didn't think Banerji would level up and infiltrate my private life.
Pumagitna sa'min ang alagad ni Banerji. "Miss, ginugulo ka ba nito?"
I scoff. Siya pa talaga ang may ganang magtanong n'yan?
Nang makita kong bubuksan na ni Quisumbing ang bibig niya at saka ko siya pinangunahan. "No. Can you fuck off?"
Kung wala lang siyang resbak, kanina ko pa siya nasuntok. At kung wala lang din akong pakialam sa magiging reaksyon nitong kasama ko, baka nakahilata na siya sa sahig ngayon.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Sinuklian nito ang matatalim kong tingin. "Pulis ako." May pinakita siyang badge galing sa likod ng pantalon niya.
Akala niya ba matatakot niya ako? I've been to hell. Nakasama ko nang magkape si Satanas. Walang binatbat ang pinapakita niya ngayon.
"Kung hinaharas ka niya, pwede kang sumama sa'kin at magsampa ng kaso," pagpapatuloy niya habang nakatingin pa rin kay Quisumbing. Hindi ko inaasahan ang paghimas nito sa balikat niya.
"A-ayos lang po ako, Sir. K-kasama ko po siya."
Alam kong hindi ako dapat mapangiti ngayon subalit hindi ko maiwasan ang pagkurba ng labi ko nang nilapit ni Quisumbing ang sarili sa'kin. Mas may tiwala siya sa'kin kaysa sa demonyong pulis na kaharap niya.
"Okay. Mag-ingat ka lang, bata." Sumuko na ito at dumiretso sa kotseng nakaparada ilang metrong layo sa'min. Kilalang-kilala ko ang kotse na 'yon. Sinadya kong gawing tinted ang mga bintana para walang makakita habang may ka-sex ako sa loob. Pero ngayon, mga katulad na lang ni Banerji ang sakay. I know he's in there observing me.
"Fucker," bulong ko.
"Sino siya?" tanong ni Quisumbing.
"I'm the one who should be asking you that. Why are you with him?"
"Nahulog niya 'yung wallet sa loob. Sinauli ko lang."
Napakaluma na ng taktika nila. Ano na naman kayang kailangan ng gagong Banerji? He's threatening me again. Hindi ba't nasa kanya na ulit ang ari-arian ko? Ano pa bang kailangan ng bumbay na 'yon?
"And you believed him?"
"Huh?"
"Ano pang sinabi niya sayo?" Baka mamaya may iplinanta na pala sa utak niya na bomba na bigla na lang sasabog sa oras na gusto nila.
"Wala na. Nag-thank you lang siya." Bakas naman sa mata niya na nagsasabi siya ng totoo. "P-pero tinanong niya ang pangalan ko kaso hindi ko nasagot kasi hinila mo na ako kanina," mahinahon niyang pagpapaliwanag.
"So, it's my fault now?" I'm sure that I only said this inside my head but there's no assurance why I blurted the words out.
"Bakit ba nagagalit ka? Binalik ko lang 'yung wallet niya. May mali ba do'n?"
Tumigil ako sa paglalakad upang harapin siya. Her eyes are getting fiery again, she's pissed. If only she had this much courage earlier then we won't be here in the first place.
"If you just talked back like that to A, matutuwa pa ako."
She sealed her mouth. Mukhang iniisip niya mabuti ang salitang sasabihin dahil baka gamitin ko laban sa kanya. Siguraduhin niya lang na tama ang nasa isip niya.
"Magkaiba naman kayo."
Hindi ko alam kung anong meron sa paraan ng pagkakasabi niya, I was not offended by it. I actually treat it as a compliment.
Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating sa parking space kung nasaan ang motorbike ko. The atmosphere around us is different from a minute ago. Kakaiba sa lahat ng naramdaman ko simula nang una ko siyang makasama. It's not unpleasant, there were no graceless discomfort hovering over us; I may as well say, we're at ease with each other.
♣♦♥♠
Nandito na naman kami sa labas ng dormitoryo niya. Ngunit imbes na magmadali siya pumasok sa loob, nakaupo lang siya sa sidewalk habang nakasalumbaba. Ala una pasado na kaya't sarado na ang gate. Nalimutan kong si Cinderella nga pala siya. Hanggang alas dose lang siya puwedeng magsaya.
"What are you going to do?"
"Maghihintay." She embraced herself.
Tinignan ko ang paligid. Dadalawang streetlight lang ang nakabukas, patay-sindi pa ang isa. Ni walang kaisa-isang taong naglalakad. Ang tanging seguridad niya lang ay ang CCTV na nakatapat sa daanan papasok sa dorm niya. I'm not even sure if it's working properly.
This place screams danger. Sigurado ba siyang kaya niyang maghintay nang tatlong oras? Paano kung makatulog siya rito?
"Can't you just call the guard or the owner? I'm sure papapasukin ka."
"Seryoso ang pag-implement nila dito ng curfew. Hindi tulad sa iba." Wala ng gana ang boses niya, pakurap-kurap na rin ang pilikmata nito.
I can't watch her sulk like this. "Nope. Come with me." I looked at her straight in the eye.
Lapitin siya ng disgrasya kaya't hindi kakayanin ng konsensya ko- na hindi ko alam na meron pala ako- na iwanan siya rito. Isa pa, paano kung balikan siya ng alagad ni Banerji?
"Okay na ako, Ralph. Sapat na 'yung mga tulong na nagawa mo ngayong araw."
Hindi ko kailangan ng tapang ng loob niya ngayon.
"Paano kung balikan ka nung---" I stopped myself.
"Sino?" Pagtataka ang bumalot sa mukha niya pero halatang dahan-dahan niya nang napagtatagpi ang balak kong sabihin. "Kakilala mo ba 'yung lalaki kanina, Ralph?" Tumayo na siya at sinubukang tignan nang diretso ang mga mata ko.
If I scare her, will she come with me?
"He's not as trustworthy as he sounds."
"Baka ngayon kailangan ko nang tumayo para sa sarili ko."
"And that's by spending three hours in this crime-inducing street?"
"Gaano ba talaga kapanganib 'yung lalaki kanina? Maayos naman ang pananamit niya. Mukhang wala rin naman siyang dalang baril o kutsilyo. Katunayan, mabait pa nga ang pakikitungo niya. Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit niya ako babalikan?"
Napasabunot ako sa sarili. Para siyang bata na mahirap patulugin sa tanghali. Ang dami niyang dahilan na sa tingin niya naranasan na niyang mamuhay sa totoong mundo. Ang hindi niya alam, balang araw ay pagsisisihan niyang hindi siya sumunod sa payo ng magulang.
Am I supposed to be her guardian now? Why should I care if that stupid-face Banerji come after her?
"Just don't run back crying at me." Sumampa na ako sa motor. Tahimik lang siyang nagmamasid.
I don't know why I'm waiting for her to stop me. What the fuck's wrong with me?
Bago ko pihitin ang ignition, sakto ang pagtunog ng cellphone ko. It's my sister. Ano naman ang kailangan niya ngayon? Hindi niya ba nakita ang mga damit kong nakatambak sa guest room niya? O pati ako ay may curfew na rin? Like I'm a fucking 12 years old.
"What?!"
"It's Nana." Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone. May pakiramdam na ako sa nangyari.
Shit. All she ever brings is bad news.
"What happened?" Please don't say what I'm thinking.
"She's in a critical condition."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top