Chapter 16 • The Hero
KAHARAP KO NGAYON ANG sariling repleksyon sa salamin ng shower room ni Steven. Kasusundo niya lang sa'kin galing ospital, wala siyang nagawa kundi bayaran ang hospital bills para makalabas ako. I volunteered to pay the bills once I get my money from Adrian, but he dismissed it. He is starting to oppose my plan on earning money by letting Quisumbing fall for me. When I asked him other easy ways to obtain cash, he suggested nothing aside from securing a real job. As if I'll ever condemn their capitalist desires.
Sinuot ko ang binigay ni Steven na itim na sunglasses para hindi makita ang blackeye ko. Napamura ako nang pisilin ko ang sugat sa'king labi. Lintek, paano ako makakahalik nito?
Hindi ko maatim na nadatnan ako ni Quisumbing sa gano'ng sitwasyon. Bukod sa wala akong pambayad ay ayokong makita niya ako sa pinakamababang kalagayan ko. Ayokong kaawaan niya ako, I don't even know why. Maybe because I am the supposed Hero but this time, I have no power to save myself. Is she really my savior?
Tapos kinonsensya niya pa ako dahil lang hindi ko siya pinasalamatan. She made a scene inside the ward and made me look like a bad guy from other patients there. Nasa itsura ko ba ang pagiging taos-puso? She should know by now that I am afraid of sincerity.
Kasalanan ko 'to. Ang akala ko'y mag-uusap lang kami ni Banerji pero plano na pala akong puruhan ng mga alagad niya. Masyado akong naging kampante dahil akala ko'y maayos na ang lahat. Subalit masyadong pakialamera ang Ate ko. Hindi ko alam kung kanino niya namana 'yon dahil parehong magulang namin ay walang malasakit sa amin, pwera na lang kung kailangan ipakita sa publiko.
Kaya galit na galit si Banerji sa'kin dahil binisita ni Ate ang unit ko kahapon. But that ugly rat Banerji and his stupid associates are profiting from it. Pinaparentahan niya ang unit na akala ko ay ginawa nilang drug den. Dahil emotionally over-reactive ang kapatid ko, hinanapan niya ng documents ang tenants. Of course, wala silang maipakita dahil hindi nila alam na illegal ang pinaggagawa Banerji.
Ang sunod niyang ginawa ay ang pag-report sa LTO ng Aston Martin ko na siyang pinangbayad ko sa utang kay Banerji. Isa pang dahilan kung bakit galit na galit si damulag dahil hindi niya na maibalandra ang kotse ko, wala na siyang maipagyayabang. Kaya't kanina ay nakipag-usap ako sa mga opisyal to give the car back to me dahil ako naman talaga ang may-ari, my name was the registered owner of it. Dahil binantaan ako ng damulag na si Banerji, wala akong nagawa kundi ayusin ang papeles at ipangalan sa kanya ang Aston ko. So, it's official, I don't have a car anymore.
Discussing this matter with my sister is the next agenda because if she would not put a stop into this, I'm afraid I'm not the only one who will be tortured. Ayoko ring saktan nila si Ate o kung ano pa mang binabalak ng malalaswa nilang utak. So, she needs to calm her ass down and let me do my thing. I know she is a lawyer now, but she cannot take Banerji down on her own, especially he has a whole gang behind his back.
My sister just needs to trust me on this. Malaki na ang improvement na nagawa ko in the past week. Kung hindi lang dahil sa nangyari kagabi, malamang makukuha ko na ang five million cash ko kay Adrian. Kailangan lang namin magtiis at magtiwala sa kakayahan kong mapahulog sa'kin ang Quisumbing na 'yon.
♣♦♥♠
Madali kong nahanap si Ate sa loob ng Samael's, masyadong nangingibabaw ang outfit niya. Hindi niya ata naisip na puro university students ang nandito. Napaghahalataan tuloy na ang tanda na niya.
Bago pa ako maupo ay nabangga na naman ako ni Quisumbing. Only this time, wala na siyang paki. I figured she's still mad, ni hindi man lang niya ako nilingon. Pero nalaman kong may kakaiba na sa kanya nang patuloy lang siya sa paglalakad na hindi man lang tinitignan ang dinaraanan. Marami pa siyang nabanggang balikat bukod sa'kin.
"What's with her?" I blurted.
"Speak." Halos hindi ko napansin na nagsasalita na pala ang babae sa tapat ko.
"You're the one who needs to explain."
"Did they do that to you?" She gently caressed my cheeks before I can avoid it. Meanwhile, I still can't take my attention off of Quisumbing. Ngayon nama'y may umaaway na muli sa kanyang isang customer.
Ano bang ginagawa niya? Gusto niya na naman bang palabasin si A sa lungga niya?
"She was your date, right?" Binago ni Ate ang topic nang mapansing pinagmamasdan ko lang si Quisumbing.
Shit. What's wrong with me?
"Don't try to change the subject."
She sarcastically chuckled. "Me? You're the one who's distracted."
Hindi ko siya pinakinggan dahil pinipilit kong marinig ang nangyayari sa kabilang dulo ng restobar. Madilim na nga sa loob, hindi ko pa gaanong makita ang nangyayari dahil sa estupidong accessory sa mata ko.
"Why isn't she saying anything?" Hinahayaan niya lang ang privileged kid na 'yon na duruin siya. Wala talaga siyang natitirang dangal sa sarili. Kailangan ko na naman ba siyang ipagtanggol?
Agad akong napatayo sa upuan nang makita kong biglang bumagsak si Quisumbing. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko upang kargahin siya palabas ng napakainit na restobar. Ang kaninang customer na nagpapahiya sa kanya ay siya na ngayong yumuko sa hiya. Mukhang sisikat siya bukas sa internet dahil sa pinaggagawa niya. Although, she's not totally at fault here. Something is going on inside Quisumbing that made her fall on the floor like that.
"What happened?" Pag-aalala ni Ate. Hindi ko alam na sumunod pala siya.
"She fainted." Pinagmasdan ko ang babaeng buhat-buhat ng dalawang bisig ko. Namumula ang mukha niya at pawis na pawis pa siya. Mas nilapit ko ang katawan niya sa'kin para malaman kung mainit ito.
"Let's get to my car."
♣♦♥♠
Sa E.R. siya sinugod nang makarating kami sa pinakamalapit na private hospital. Kinuhanan siya ng dugo at kung ano pang iba't ibang pag-eeksamina ang ginawa sa katawan niya para malaman ang vital levels niya. Hindi siya nagising kahit pa ilang karayom ata ang nilagay sa braso at daliri niya. She is lying on the bed looking lifeless as ever than before.
"Nakakatakot ang vital levels niya. Masyadong mababa ang blood pressure, iron, glucose, and sodium levels para sa BMI niya. Do you happen to know her medical history?" Nakatingin lang ang lalaking doktor sa medical chart na binigay ng nurse sa kanya. He looks younger than the other doctors that I passed through in the emergency room.
Mabilis akong umiling. "No."
"I don't think she's suffering from a long-term illness. Pero mukhang nahimatay siya dahil sa over fatigue at kakulangan sa pagkain. Is she a waitress?" He stood, glancing at Erica's dirty half-apron that is still glued at her body.
"Yeah." Walang-gana kong sagot. May karayom nang nakatusok sa likod ng palad ni Quisumbing upang pumasok sa katawan niya ang IV fluids.
"It also seems that she's taken too much ibuprofen. Kailangan niya lang magpahinga at kumain. For now, these fluids can sustain her," pagpapaliwanag ng doktor. May sinulat pa ito sa charts bago ibigay sa nurse. "Since, hindi kayo ang immediate family niya, I think it's better to let them know."
"Thanks, Doc." Naramdaman ko ang paghawak ni Ate sa braso ko at saka hinimas ito. "Do you have their contacts?"
Inayos ko ang suot na shades. "Wala."
I realized na kahit katiting ay wala akong alam tungkol sa kanya.
"We'll put her in the female ward," ani muli ng doktor.
Mabilis siyang nilapitan ni Ate. "No. Let her rest in a private room instead, please."
Nang umalis ang ang doktor at dalawang nurse ay agad ko siyang hinarap. "I cannot afford that."
She brought us to one of the tertiary hospitals here in Kyusi and she is insisting on booking a private room. Mas mahal pa ata ang isang gabi dito kaysa isang gabi sa motel na tinutuluyan ko ngayon.
"I will pay the bills. She better rest on a quieter place. Plus, she can get infected sa ward."
"So, that was your intention. Ang ipagyabang ang karangyaan ng pamilya mo. Pwede mo naman siyang dal'hin sa public hospital, right? Why? Takot kang pumasok sa ospital ng mahihirap?"
She gritted her teeth in annoyance. "Shut it up, Ralph. People are staring. If you want to talk, let's do it later." Tinalikuran niya ako at naglakad paalis.
Dumating na rin ang dalawang hospital staff na maglilipat kay Erica sa private room, sumama ako sa kanila. It is average for a tertiary hospital. The bed is near the tinted windows. There's a television, small refrigerator, one long couch and one single couch just beside the bed. Mas maayos pa 'to kaysa sa motel na tinuluyan ko.
Umupo ako sa couch katabi ng kama. Pinaglaruan ko ang mahabang itim niyang buhok na kasing lambot ng puso niya. Kitang-kita ko ang eyebags niya, she didn't bother to wear make ups like other ordinary women. Parang wala siyang pakialam sa itsura niya, ni hindi pa ata niya sinusuklayan ang buhok simula kaninang umaga.
"Isn't it funny? Kahapon lang ako ang nakahiga d'yan," I babbled as if she can hear me. Tinanggal ko ang eyeglasses niya upang hindi iyon masira. "I never thanked you for yesterday. I guess, this is it?" Without me knowing, my hands are already caressing the side of her face up to the outline of the hair on her forehead.
Tinigil ko ang ginagawa nang mapagtanto kong may kakaibang nararamdaman ang gitnang bahagi ng dibdib ko. Sakto naman bumukas ang pinto at pumasok si Ate. Una niyang tinignan si Quisumbing bago ako. Tumayo ako upang lapitan siya na nakatigil lang sa tapat ng pintuan.
"Don't worry, I'll pay for the expenses once I get my money," I firmly said. Ayoko mang magkautang sa kanya pero wala na akong ibang pagpipilian. Andito na si Quisumbing at mas mabuting dumito muna siya hanggang sa tuluyan siyang makapahinga.
"Money from whom, exactly?" Now, she's crossing her arms.
"Huwag mo na akong gambalain." Sinubukan kong baguhin ang topic. Hindi niya pwedeng malaman ang plano ko dahil paniguradong sisirain niya na naman. "Don't you ever dare investigate."
I was about to reach the handle of the door when she blocked it with her expensive pouch. "Tell me the truth."
Hindi ko siya sinagot at pilit na binubuksan ang pinto.
"Damn it, Ralph! Just tell me!" Sigaw nito kaya't agad kong binaling ang tingin kay Quisumbing, nag-aalalang baka naantala ang pagtulog niya. "Fine, kung ayaw mo, I'll figure it out on my own."
She's threatening me. Hindi mo aakalaing iyakin siya dahil napakatapang ng mukha niya.
I wanna tell her what happened. Pero ayokong kaawaan, just like how my mother saw me when I was at my worst. I don't want anybody to give sympathy. It's not my thing to accept such idiosyncrasies.
"I lost it," I deep sighed. Umupo ako sa pahabang couch. It's better like this. Ayokong makita niya ang kaawa-awang itsura ng kapatid niya.
"What did you lose?"
"Myself." Yumuko ako at sinapo ang noo gamit ang magkadikit kong palad. Mukhang kailangan kong uminom ngayon.
"Ralph..." Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko.
"I want to forget. That's why I took drugs, I joined a gang to be more persuaded to abuse it. I gambled with them, then I left. I escaped with so many debts. Then, just when I thought I can start again, they came back for me. They took all my possessions, even the credit cards that our dad suspended." I explained as precisely as I can.
"How much?"
I didn't answer her.
"Magkano na lang ang hindi mo nababayaran with all the stuff they took from you?"
Oh, she doesn't wanna know how dumb I was back then.
"Don't tell this to anyone." Tumayo na ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng pakiramdam na ang liit-liit ko. I've been trying to prove that I'm not inferior, a weakling, that's why I won't accept her help. Kailangan may patunayan ako sa sarili; hindi ko kailangan ang pera nila para mabayaran ko ang utang ko.
"Alright."
Napatigil ako sa paglalakad patungong pinto at hinarap siya. I just can't believe na hindi na siya nagpumilit pa.
"In one condition, you're gonna stay with me," dagdag niya.
"I don't need a nanny." Tinalikuran ko siya.
"Then, I'm going to investigate---"
Agad ko siyang nilapitan. Mahigpit kong hinawakan ang kanang balikat niya. I already told her to keep her hair out of it. "That's the last thing you want to do."
"Then, the first thing you want to do is to get your things and live with your Ate." She smirked. She's really valiant, she didn't even rattle.
"Fine. As long as you won't stick your nose where it doesn't belong."
Palabas na ako nang tanungin niya kung saan ako pupunta. "Her friends need to know her condition," pagtukoy ko sa babaeng mahimbing na natutulog ngayon. Isa pa, ang kaibigan niya lang ang maaari kong pagtanungan tungkol sa mga magulang niya. Kailangan din nilang malaman ang nangyari kahit papaano.
"I'll watch for her while you're out," she offered. "And Ralph... I'm glad you're moving on." She genuinely smiled before I closed the door.
What does she mean by that?
Pagkalabas kong ospital ay agad kong kinuha ang isang stick ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito.
After what my sister heard, paniguradong gagawa siya ng legal actions, hindi siya makatitiis na gawin 'yon. But I need her not to. It's also a good thing that I'll be leaving in her condo unit for now, at least I can watch and warn her every fucking time. Hindi na siya dapat pang madamay sa kagaguhan ko. Wala na akong dapat idamay aside from myself. Wala akong dapat sisihin kundi ako at ako lang. This is my fault for being stupid; for being a fucking black sheep.
♣♦♥♠
Ang dapat na pagbalik ko sa Samael's upang kuhanin ang gamit ni Quisumbing ay nauwi sa pakikipagtitigan kay A at Samael. Nandito kami sa manager's office kung saan imprenteng nakaupo sa likod ng table si Samael samantalang ang manager na si A ay nasa kabilang side ng mesa.
"How's Erica?" asked Samael.
"Pretending to care for your employees, uh?" I satirically smiled. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Oh, didn't you know? She seems to be overworked." Hinarap ko si A. "I guess, it's because of poor management."
"What's with you, Ralph? Nung isang araw lang gusto mong magbigay ng complaint." Nagawa pa talaga niyang sumagot sa'kin. "It's her fault, boss. Dalawang beses na niyang tinatakasan ang trabaho in span of seven days," pagpapaliwanag niya kay Samael.
Tinignan ko si Samael. Hindi ko mahinuha ang nasa isip niya. Pero alam kong hindi siya kasing sahol ng pedo niyang pamangkin. Si Adrian ang dahilan kaya ko nakilala si Samael. Sampung taon ang pagitan niya sa'min kaya't parang nakababatang kapatid ang tingin niya sa'kin. Kaya nga't madalas akong nakakalibre ng alak dati noong siya pa ang namamahala ng branch na 'to. Pero three years ago, mas nagustuhan na niya ang customers sa Morato. Hindi ko siya masisisi, mas wild ang mga tao ro'n.
"This is unusual for Quisumbing. Hindi ba siya ang top two waitress natin last few months?"
"It's my fault." Sabay silang napalingon sa'kin. I, too, can't believe that I'm doing this shit. "I threatened her to accompany me yesterday and last Saturday."
"Why are you protecting her? Is she your new whore?" Malakas ang tawa ni A matapos. Agad kong sinipa ang tiyan niya kaya't napaatras ang inuupuan niya. Kanina pa ako iniinis ng matanda na 'to. Akala niya ata porket nakuha niya si Meghan ay naungusan na niya ako. He's just a cheater with low self-esteem and getting into an affair with a younger woman won't increase his numbers.
"Ralph!" pagpigil ni Samael sa akmang pagsuntok ko sa empleyado niya.
Pasalamat ang matandang 'to dahil nirerespeto ko si Samael. Kung hindi ay sa kanya ko na nilabas lahat ng galit ko kay Banerji.
"Watch your mouth, A. You don't know what I'm capable of." Dinuruan ko ang sapatos niya.
Tumayo si A habang pinapagpag ang dumi sa suot na polo shirt. "Get out of my office!" He shouted like I shamed his honor.
Sunod akong tumungo sa locker area upang kunin ang mga gamit ni Quisumbing, which is the reason why I'm here in the first place. Hindi ko inaasahan na madadatnan ko si Meghan sa loob, nakaupo lang siya habang naninigarilyo, sa itaas niya ay may signage na no smoking. Kaya siya kinaiinisan ng mga katrabaho niya, she's too confident that A won't fire her.
"Alam mo, Ralph, nung tinanong mo ako tungkol kay 'Sumbing, hindi ko akalain na ganito na pala kayo kaclose."
Hindi ko siya inintindi. "Where's her locker?"
Ngumuso ito sa maliit na locker box sa pinakababa. Nang buksan ko 'yon ay doon ko nadatnan ang luma niyang brown body bag.
"Do you know her friends? Do you have their contacts?"
"Mukha ba akong directory?" Nagawa niya pang magbiro. Hindi ko maiwasang mapatingin sa makinis at mahahaba niyang binti. Sa pagkakaalam ko ay pair of pants ang official uniform nila, pero itong si Meghan ay gumagawa ng sariling niyang attire policy.
"You seemed friendly." Kinalikot ko ang bag ni Quisumbing, naghahanap ng magagamit ko upang ma-contact ang mga kaibigan niya.
"Kilala mo naman siguro si 'Sumbing, diba? Hindi siya 'yung tipong kinakaibigan ko."
May punto siya. Sobrang magkalayo ang ugali nilang dalawa. Ibang-iba si Quisumbing kumpara sa mga nakasanayan kong babae. Akala ko'y madali kong mapapasok ang daan papunta sa puso niya, ayon pala'y masyado iyong makipot. Kung ibang babae lang siguro'y matagal ko nang nakuha ang pera kay Adrian.
"Ano bang status niyo?" Nagulat ako sa tanong niya. Napaka-chismosa talaga niya. Para siyang babaeng version ni Adrian na dapat alam ang baho ng bawat kakilala niya upang gamitin laban sa kanila mismo.
"How about our status?"
Pansin kong bahagya siyang napanganga, nagtataka. Ngumiti muna siya na tila alam niya kung saan pupunta ang usapan namin. "Fuck buddies," sagot niya.
"Yes. So, don't assume that I can tell you everything that's going on in my life."
Malakas na tawa ang sinagot niya na siyang kinagulat ko. Tumayo ito sa inuupuan bago iwanan sa ashtray ang upos ng sigarilyo. Pinagmasdan ko lang ang paghakbang niya papalapit sa'kin. Hindi ko alam kung na-offend ba siya sa sinabi ko dahil sa naging reaksyon niya.
Tumigil si Meghan sa tapat ko bago nilapat ang kamay niya sa kanan kong balikat. Nakapokus lang ang tingin niya sa pinto papalabas. "Kilala kita, Ralph. Sa'kin ka bumagsak nang iwanan ka ng 'friend with benefits' mo, diba?" Dahan-dahan siyang humarap. "Kaya't alam kong iniiwasan mo lang ang tanong ko."
Kakaiba talaga si Meghan maglaro ng utak. Minsa'y iniisip kong mas matanda pa siya sa'kin. Alam na alam niya kung paano ako basahin kahit pa wala pa sa dalawampung gabi kaming nagsama.
"Are you jealous?"
"Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo, ano?"
Napatawa na lang kaming dalawa. What am I thinking? Kung parehas nga sila ni Adrian, paniguradong wala rin siyang panahon para maglaan ng nakababaliw na damdamin para sa isang tao.
"Have fun with her. Tawagan mo lang ako if gusto niyong mag-threesome."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top