Chapter 14 • The Hero
NAKANGISI AKONG HUMIGA sa kama ng motel na pinagtutuluyan ko ngayon. Mukhang nahuhulog na si Betty La Fea sa patibong ko. Akala ko mahirap siyang paamuhin, kikiliti rin pala. Siyempre, I needed to compromise. I was sure mad with her pointing fingers at me. Pero totoong napabilib niya ako. Siya lang ang babaeng may lakas-loob na gawin 'yon, kahit ang sarili kong ina ay hindi pa pinaparanas sa'kin 'yon. Hindi ko akalaing may tinatago rin pala siyang tapang.
Still, hindi ko pa rin alam kung saan niya nalaman ang pagtatakwil ng pamilya ko sa'kin at ano ang tunay na nangyari nung Sabado. I don't want to lean too much on that. I should be focusing on the good news that all of it are going according to plan. Well, except for this shit my back is laying on.
Tatlong araw na akong naka-check in sa cheap na motel not because I've been continuously getting laid but because I've concluded that I'm just a burden for Steven. Since binigyan na rin ako ng iyakin kong ate ng pera, why not use it?
I never wanted this life. When I was young and naïve, akala ko ako ang magmamana ng kumpanya ni Lolo, that I'd live in a perfect life of a nouveau rich privileged Filipino, that I can easily get away with illegal things I've done. But all my dreams crumpled in my hands, thanks to my douche sibling.
Rich families tend to protect the image of their eldest son because he will be the heir, that's also why they tend to neglect the second eldest son. And hey, that's me!
It is as if I'm not important anymore because there's already an inheritor in the queue. Then, why the heck did they made me in the first place? To prove how superior they are? That they can control me?
I should prove them wrong. This is the thought that consumes my mind since I was a teen. I have been trying to be the delinquent and misplaced child, only because I am tired of pretending just for the sake of publicity—para maipakita sa taumbayan na tama sila ng binoto. Too good to be true, ika nga ng iba. Kaya't ako ang nagpatunay ng haka-haka ng mga sumusuporta sa kabilang partido. Ako ang nagpakita ng mantsa sa dekolor na damit.
Isa pa, wala naman silang pakialam. Sa dalawang nakatatandang kapatid ko lang nakatuon ang atensyon nila dahil sila ang magaling. I'm not afraid to admit that I am the only slow learner in the family. I forgot how many tutors I need in elementary, and the remedial classes I took in order to receive honorary medals. Hiyang-hiya ang tatay ko sa'kin dahil hindi niya ako maipagmamalaki sa father-in-law niya.
Ang tanging nakatiis lang sa akin noong bata ako ay si Nana, my grandmother. She was by my side when they decided I should be homeschooled. Because of that walang ibang pwedeng makakita ng kabagalan ko. 'Yon din ang dahilan kung bakit lagi akong pinagtutuunan ng pansin ng nanay ko, akala niya siguro'y mapapalapit ako sa kanya. Ang totoo ay mas lalo lang akong napalayo sa kanya—sa kanila. They made me feel weak. They were the one who molded me into the black sheep everyone feared of.
I believe fourth grade was the time that they agreed on letting me step on a real school. I was bullied first by Adrian, I still remember how he insulted my family in front of everyone, and how he kept on poking me during lunch. Doon ko nalaman kung gaano pala karami ang galit sa politiko. Siguro nakain din ako ng pag-iisip nila kaya't maging ako ay galit sa sarili kong pamilya.
Buti na lang at kalauna'y nakasundo ko si Adrian. Napag-alaman niya kasing kaibigan ko si Steven—na siyang apo ng Vice President noong panahong 'yon. Kami naman ang kinakatakutan ng kabataan sa eskwela. Binansagan kaming Lucifer's Trinity kaya hanggang high school ay walang may lakas ng loob na lumaban sa amin. Pati mga teacher namin ay walang nagagawa kapag tumatanggi kaming magpasa ng assignment.
I managed to change. Not my whole personality, but I adjusted some of my attitudes. Gano'n ata ang nagagawa kapag tangang umiibig. I fell for Sofie even though we have a four-year age gap. I tried to be mature in my looks because I was dating a college student. Buti naman at lagi lang sabay sa agos ko ang dalawa kong kaibigan. Sila ang kasa-kasama ko sa pagiging basagulero—mga tipikal na gawain ng mga delinquent college undergrads. Ngunit kahit anong pagbabago ang gawin ko sa sarili para kay Sofie, sa lintek kong Kuya pa rin ang bagsak niya.
"Welcome home, son."
Nakangiti kong tinignan ang kuya ko. Kababalik niya lang galing sa New York. He studied his Master's in Accountancy there. Now he's back for a two-week vacation before he returns for his graduation ceremony. Walang nagbago sa kanya aside from his facial hair—it is shaved. As far as I know, gustong-gusto niyang may facial hair because he looks more venerable with it.
"How's New York?" Bati sa kanya ni Mom. Lahat sila ay sa kanya lang ang atensyon, maging ang mga katulong at hardinero. He's the fam favorite. A perfect son every parent asked for. Walang bisyo at lagi lang sumusunod sa kanila. Puro mabuti ang ginagawa kaya di na kailangang magkumpisal.
Meanwhile, I am the dictionary definition of a prodigal son. I was King Midas, except that everything I touch will not turn into gold, rather it will be the pure beauty of profligate wasteful life everyone dreams of.
"It's good. The air's better there, of course." He tried to joke around. "Ralph..." Nang mahagip niya ang mata ko ay agad niya akong nilapitan. Tinanguan ko lang siya at nginitian.
Hindi kami gaanong close ni Kuya kahit noong kabataan namin. I always think he's too mature to handle my extravagance.
"Sofie talked about you almost every day. Ang swerte mo bro, the girl really loves you." Tinapik niya ang likod ko before going upstairs.
He knew Sofie, of course. Siya ang nag-refer kay Sofie sa university doon upang maging exchange student for her to explore more on her chosen degree, Fashion Design. She's been there for two months already, isang semester siya doon, that's why I really miss her. Hindi sapat ang Skype lang. I am longing for her warmth skin already. Hindi na ako makapaghintay na halikan siya ulit.
"How about you? Haven't you found someone?" Mom asked, following him. He's the oldest sa aming tatlong magkakapatid. Ilang taon na lang bago siya tumuntong sa thirty. Everyone expects him to be the next CEO of our family's business. Everyone except for our mom who wants to have an apo already. The thing that I won't ever give to her.
"I have." He answered our mother's question with a smile.
Subalit noong mga oras na 'yon, hindi ko alam na iisang tao lang pala ang tinutukoy namin. Wala pang isang buwan na nakakabalik si Sofie mula New York ay nakipaghiwalay na siya sakin. Without me knowing what I have done wrong. Sinabi niya lang na nasa kanya ang mali, that she has done something horrendous. Kahit pilitin ko ay hindi niya pinaalam ang kasalanang ginawa niya. Not until my grandfather's birthday celebration.
Even though I was drunk that night, I still remember how they fucked my feelings. Hindi ko masabi kung ilang mesa ang ginulo ko, ilang upuan ang sinipa, basong binasag, at bote ng mamahaling alak na binasag sa bar dahil sa panlolokong ginawa nila. Doon ko napagtanto kung gaano ako katanga, kung paanong hindi ko agad nalaman na ang kapatid ko na pala ang bagong lalaki ni Sofie.
Hindi ko ikakaila na nasa in denial stage pa ako nang gabi-gabi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila. Of course, I want us to work out kahit siya pa ang nangloko sa'kin. I was fucking dumb that time, telling myself that I can't live without her. Afterall, she was the one who saved me from drowning. I just didn't anticipate that her saving me was all part of her bigger plan to let me stay underwater forever.
I started smoking pot without my family's knowledge. I joined some gang para magmukhang malakas sa mga nakabanggaan ko. After few months in, I became more addicted. Hindi na lang cannabis ang hinihithit ko, hindi lang ako humihithit, I even gamble in casinos. Para lang makalimutan ko siya at ang kagaguhang ginawa nila sa'kin.
Hanggang ngayon ayoko pa ring paniwalaan na malakas ang epekto ni Sofie sa'kin. It's been three years already; everybody seems to forget what happened except for me. Hindi ko pa rin siya makalimutan. Ayoko pa ring tanggapin na katulad siya ng iba na pera lang ang habol.
Sofie is a wise woman. She married my brother because that guy can make her big. She can be a designer of famous stars. Meanwhile, all she can get from me is a poor, low IQ boy with no big dream. She could achieve nothing with me.
Tumunog ang phone ko kaya't tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Steven. Ang paalam ko lang kasi sa kanya ay makikipag-sex ako, pero tatlong gabi na akong hindi bumabalik sa unit niya. Mas may pakialam pa siya kaysa sa sarili kong mga magulang.
"What?" I answered the phone call.
"Seriously, what's wrong?" Base sa lakas ng buntong hininga niya, totoong nag-aalala siya.
"Nothing, man."
"Tangina, huwag mo ako ginagago. Is this because of your argument with Tam last Saturday?"
Ni hindi ko na nga maalala 'yon, eh.
"No. This is more of anti-burden self-care," I sarcastically answered.
I heard him sighed again. "So, nasaan ka ngayon? Don't tell me nasa condo mo?"
"If I went there, malamang sa hospital mo na ako madadatnan."
"Better."
"Ayos lang ako, gago. Huwag ka na magtanong di naman kita kafubu."
"I'm the only one who cares for you."
Muntik ko na siya murahin dahil sa kakornihan niya. Nang hindi ako magsalita ay bigla itong nagseryoso.
"Ralph, huwag mo nang dibdibin ang sinabi ng ate mo."
"You know what? I'll hang up." Dadramahan niya pa ako na parang babaeng nagmamakaawang makipag-sex ulit ako sa kanya. May sasabihin pa dapat siya kaso binaba ko na ang tawag.
♣♦♥♠
Maingay sa loob ng second floor ng isang lumang building kung nasaan ako ngayon. Samu't saring amoy ang pumapalibot sa ilong ko at hindi na ako komportable sa kakaibang lagkit ng pawis sa'king katawan. Mahigpit kong hawak-hawak sa kanang kamay ang tako ng bilyar habang pinapanood ang kalaban ko kung paano siya matalo.
The floor is too small for three pool tables and callow university students lurking around instead of going to their respective classes. More than a year ago, hindi pa ganito karami ang mga estudyanteng istambay rito. Samantalang ngayon ay para na kaming sardinas sa sikip. Hindi tuloy ako maka-score nang ayos.
Stupid freshmen.
This place is not new for me. Isang pool table pa lang ata ang meron noong una akong nakatuntong sa lugar na 'to, and that was when I was still a high school student. They disguise this place as an eatery downstairs, para hindi mahuli ng pulis, I guess. Marami kasing estudyante ang nagpupunta sa mga ganitong lugar, pampatanggal stress. Lalo na't malapit lang 'to sa university.
Masama ang ngisi ng freshman na kalaban ko sa'kin. Black ball ang laro namin at may natitira pa akong isang stripes. Habang parehas naming pinagmamasdan ang huling solid ball niya na mahulog sa isa sa mga bulsa ng lamesa.
I'm down on my luck. I exhausted all the money that was given to me. Kaya nga't nagbaka sakali akong dumoble ang mga 'yon. Pero hindi ko inaasahan na humuhusay ang mga batang 'to. O baka dahil lang matagal akong hindi nakapaglaro.
Fuckin' rehab. They just weaken all my abilities, and they dare to call it an act of restoring one's normal life. This is my normal life; this is where I should be. Ito ang dapat kong ginagawa, hindi 'yung umattend sa mga estupidong klase na wala rin naman akong maintindihan. Instead of wasting money in that capitalist university, I should just spend it on doing what I love. Hindi ba ito ang tinuturo ng mga motivational speakers? Those pseudo-therapists which only want to twist everyone's mind so they can get more money and fame than the actual professionals who spends hundreds of thousands of pesos on their tuition and thousands of hours of sleepless nights just to finish their thesis paper that they know would need another revision after six months. How do I know this? Sometimes, hindi mapigilan ng therapist ko ang mag-rant sa'kin, I guess I have certain charisma for that profession, too.
Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang pera kong mapunta sa bulsa ng iba. May nag-abot ng isang stick na sigarilyo sa tabi ko. Napangisi ako nang makita ang isang pamilyar na mukha.
"You're really back, uh?" Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya dahil sa nakaipit na sigarilyo sa bibig niya. "I thought one month pa ang hihintayin ko bago ulit kita makita rito." Inabot niya ang lighter sa'kin.
"We should've bet on that," sagot ko habang di pa rin mawala sa isip ang nasayang kong pera—pampa-gas ko na sana 'yon. Masyado kong minaliit ang newbie na 'yon.
"Speaking of bets, how's your waitress?" Kailangan ba talagang 'yon ang topic kada makikita niya ako?
"Why are you obsessing over it, Aid?" Diretso kong tanong sa kaibigan ko. Ibinalik ko na ang tako na walang silbi. "I'll just inform you once she's in the mouse trap."
Malakas niyang tinapik ang balikat ko bago diniinan ang paghawak. "I'm just disappointed. It just usually takes one-week bago mo sila mapahulog, aight? Why's this one taking so long?"
Ngumisi siya. Parang sinasabi na tuluyan nang nawawala ang pagkadalubhasa ko sa mga bagay na simple lang gawin para sa'kin dati. At hindi ko matatanggap 'yon.
"You know the saying 'slowly but surely?'" Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
I plan to get the hell out of this place when Adrian blocked my way. "Gusto mong mabawi ang perang natalo mo ngayon, Ralph?"
Tinitigan ko ito. Mukhang may pinaplano na naman siyang katarantaduhan at kung parehas kami ng iniisip, hindi ako magpapahulog sa patibong niya.
"I won't join any of your gangs again, if that's what you're asking."
Sarkastiko siyang tumawa. "Dude, you really think I'm that evil. I'm just offering you to be my dealer."
"Aren't those enough?" Pagtukoy ko sa dalawang estudyanteng nasa dulo ng kwarto. Parehas maayos ang mga uniporme nila; parehas din silang naka-snapback. Kanina ko pa sila pinagmamasdan dahil ramdam kong hindi sila komportable sa ginagawa.
"I know they are newbies. This is where you train them, right?" Hindi pa gaano diverse ang mga customer dito, mga kapwa estudyante lang. Mas madaling turuan, hindi gaya sa labas na iba't ibang klase ng tao ang bibili sayo. Kung mamalasin ka, mga pulis na nagpapalakas para tumaas ang ranggo.
"They are still novice. I need pros."
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang. Balak niyang pabalikin ako sa dati kong gawi. Ang dahilan kaya ako nahuli at pinadalang rehabilitation dahil hindi matanggap ng mga magulang kong may anak silang drug abuser at dealer. Pinalabas nila na I studied abroad, just to get out of the humiliation from public.
"Think about it!" Rinig kong sigaw nito habang tinatahak ko ang hagdan pababa.
Unlike upstairs, only few can be seen here since it's already two in the afternoon. Kakaunti na lang ang balak magtanghalian sa ganitong oras, malamang din ay malamig na ang mga ulam na nasa loob ng babasaging estante. Kaya't hindi ko inaasahan na makikita ko si Quisumbing dito.
She's not alone. Tatlo silang magkakasama, at bago sa paningin ko ang isang babae. Hindi ko siya madalas nakikita na umaaligid sa kanya, hindi gaya ng isa niyang kasama na napakasama kung tumingin.
Alam kong nagsimula siyang kabahan nang magtama ang mga mata namin. Mabilis siyang umiwas tulad ng lagi niyang ginagawa. She even pretended to drink in her half-empty glass of water.
Pwede ko naman siguro siyang kausapin since wala naman kami sa loob ng campus, like what we agreed on?
Inihanda ko ang sarili bago lumapit sa table nila. Hindi ko ininda ang matatalas na tingin ng isa niyang kaibigan.
I found the vacant seat beside her. "So, mamaya ulit?"
Gusto kong matawa dahil muntik na siyang masamid sa iniinom na tubig. But I should keep my composure.
Pansin kong pinagmamasdan lang ako ng dalawa niyang kaibigan sa tapat namin.
"Hi, we haven't met yet." Bati ko sa hindi pamilyar na babae. "I'm Ralph." Nilahad ko pa ang kamay sa kanya. Malugod niyang tinanggap 'yon at nagpakilala bilang Heidi.
Samantalang 'sing lamig pa rin ng yelo ang titig sa'kin ng isa. I don't even know her name, but I guess it can equate it to dreadfulness.
"Close kayo ni Erica?" Heidi asked.
I like this one, she initiates conversation unlike these two.
"We're just partners. Right, Quisumbing?" Tinignan ko siya subalit nasa pagkain lang ang mga mata niya.
"Ano bang gusto mo, Real?!" Sa wakas ay may lumabas na sa bibig ng isa pa niyang kaibigan. But does her voice supposed to intimidate me?
"Why? You'd treat me a meal?" Pang-aasar ko rito. If she thinks she can spook me with her fiery glares, then she's making a ghastly mistake here.
"Hindi kami nakikipaglaro sayo, Real."
Bakit ang tapang ng kaibigan mo Quisumbing?
"I'm not playing either. I'm here to befriend you." I smirked.
Pansin kong napasapo sa noo ang katabi ko. "She started it," bulong ko rito.
"T-tara na."
Nagulat ako nang tumayo si Quisumbing. Hindi niya pa nga nakakalahati ang kanin niya, aalis na siya? We're still having fun here. Isa pa, I want to get close with her friends.
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya upang pigilan siya, "Wait..." Ngunit agad kong binitawan nang makita kong nanginginig na ang kamao niya. I read the atmosphere and let her go.
♣♦♥♠
Hindi mawala sa isip ko ang alok ni Adrian. Hanggang ngayong gabi na lang ang nireserba ko sa motel at gabarya na lang ang pera ko. Heck, ni wala na nga akong pambili ng alak. Pero hindi ko alam kung bakit ako dinala ng motor ko sa tapat ng Samael's.
Maybe I can get a free drink if I flirt with one of the waitresses. Maybe I can get it without flirting at all. I can just mess with that Quisumbing's head again.
I entered the Restobar. The night is still young, so the customers here are still too young. They should've stayed in their rooms, masisira lang ang buhay nila rito kapag nakita sila ni Adrian.
Sa bar ako dumiretso dahil nandoon ang savior ko, ang magpapaasenso sa'kin sa kahirapang dinaranas ko ngayon. Umupo ako sa tapat niya. Nakayuko siya. She seems busy, mukhang may kinakalikot sa kabilang side ng counter.
"Bartender ka rin?" I asked which made her startle. Hindi niya man lang naramdaman na dumating ako. She's really dense.
Tinignan niya lang ako saglit at bumalik sa ginagawa niya.
What the hell?
Nagpapabebe na naman ba siya o may ginawa na naman akong hindi ko alam? Is she mad because of what happened earlier? Sinunod ko naman ang gusto niya. She's really difficult to understand.
"Hey." Mahina kong pinitik ang pisngi niya kaya't binalik niya ang atensyon sa akin. I gave her an alluring smile, para maakit siya at sa akin na magpokus.
"Hindi ako pwedeng makipag-usap sa customers," malamig niyang tugon.
Tumalikod ito sa akin. Did she just make up a rule?
"Are you messing with me?" Sinubukan kong magpadominante sa kanya bagkus, wala pa ring epekto.
Tangina. Wala akong panahon para sa borderline attitude niya. Desperado na ako sa pera.
"Do you want me to file a complaint?" With that, agad siyang humarap sa'kin. Now I know her weakness. "Good," I smirked.
Inayos niya ang postura at ang suot na apron. "Ano pong order niyo, sir?" Halatang-halata kung gaano kapeke ang ngiti niya.
I frown. Gusto niya ng ganitong laro, puwes, pagbibigyan ko siya.
"I'm gonna order rum and you," saad ko bago tumayo mula sa stool.
Dahil sa akto niya mas lalo lang akong nag-init. Kung hindi lang puro senior high school students ang nandito ay malamang naghamon na ako ng away.
Ako na nga itong lumalapit sa kanya, siya pa ang may lakas-loob na makipaggaguhan sa'kin. Hindi niya ba alam kung anong pribilehiyo ang binibigay ko sa kanya?
A couple of minutes had passed, and I already sublimated my anger by making out with this fine-ass woman in front of female's restroom. I don't know her age or what she does in life. All I know is she's full of sexual desires that needs to be gratified.
She moaned when I cupped her breast. It's not as big as what I thought, it was all a padding. However, it doesn't matter as long as I can taste free alcohol through her mouth. I tapped one of her legs—signaling for it to spread nicely for me. My hand is still titillating her excited area. Before I had the chance to enter my fingers inside her unzipped pants, my phone buzzed.
Hindi ko pinansin ang malakas na ringtone at pinagpatuloy ang pagpapalugod sa malalaswa niyang pagnanasa. Ngunit, tumunog na naman ang phone ko.
"Hindi mo ba sasagutin?" she asks before I bite her lower lip.
"Fucking mood killer," I whispered in my head.
It's a call from unknown number. I ignored it; I do not have time for strangers. Isa pa, busy ako sa pag-explore sa makipot na katawan ng babaeng 'to. But the phone keeps on buzzing like a vibrator. I do not know if she's moaning because of my hip movements or because of this stupid spam calls.
"I think you really should answer habang wala pa tayo sa climax," she sexily said behind my ears.
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto ng babae. "What the fuck do you want?" sigaw ko sa kabilang linya. Ang ganda na ng momentum, sinisira niya.
"I'm glad you answered, friendly neighborhood fuck boy."
Shit. I know that voice. It's Banerji. Ano pa bang gusto niya? Binigay ko na sa alagad niya ang mga pag-aari ko. Para na nga silang nanalo ng jackpot sa panghampaslupang gameshow.
"Go outside. We're going to talk," he said before he dropped the call.
Alam niya kung nasaan ako, I have a bad feeling about this. Fuck that bumbay!
I bite the girl's left earlobe before leaving. Bakas sa mukha niya ang disappointment. Maging ako ay nanghihinayang, ang sarap niya pa naman. Kaso kailangan ko munang ayusin 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top