Chapter 10 • The Hero
MALAKAS KONG SINIPA SI Steven nang magising akong nasa ibabaw niya.
"Putangina!" mura ko rito dahil parehas kaming walang saplot pang itaas.
"Ano ba 'yun?" Bakas ang pagkainis sa tono ng boses niya dahil naantala ko ang mahimbing niyang tulog. Naantala ko ang masarap na pagmamanyak niya sa katawan ko.
"Gago, anong ginawa mo sa'kin?" Agad akong tumayong kama upang lumayo sa kanya.
Sinabunutan ko ang sarili dahil hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Paano kung may nangyari---shit, I can't even finish my sentence! Ayokong mag-isip ng kaberdehan pero wala akong ibang maisip. Natulog kaming magkatabi at hubad na parehas suot lang ay undergarments.
"Gago, may jowa ako 'tol!" Hinagis nito sa'kin ang unan niya. Mabuti at nasalo ko ito.
"Ano palang nangyari kagabi? Bakit hindi babae ang katabi ko sa kama?" Malakas kong hinagis pabalik ang malambot na unan.
"You seriously can't remember?"
"Will I fucking react like this if I knew?" Ang aga-aga ginagalit ako ng nakakagagong sagutan niya.
I pick up the pair of gray trousers from the ground and immediately wear it.
"Then, let your imagination decide..." He's not a member of Lucifer's trinity if he isn't a cunt like me. Inayos din nito ang sarili bago lumabas ng kwarto.
On a serious note, wala akong maalala kung paano ako nadala ng sariling paa sa unit ni Steven. Ang huli kong naalala ay nakasakay ako sa kotse kasama si Betty La Fea.
"Where's Betty?" Sinundan ko si Steven na naglalakad patungong salas.
"Betty?"
"You know, my dork, naïve date yesterday."
"Why won't you just call her by her real name, Ralph? Promise, the world won't collapse." Hindi ko napansin na nasa kusina pala si Tam.
A modern-styled kitchen island separates the spacious sala and Steven's clean-to-perfect kitchen where Tam mostly do her baking stuff.
"So, nasaan siya?" I tried to change the topic and look at Steven instead. Kahapon lang pala ang pagtatalo namin ni Tam at parehas kaming hindi nagpakumbaba sa nangyari. Maliit lang naman na bagay 'yon. I'm sure, in time, parehas naming malilimutan ito.
"At her dorm." Si Steven na ang sumagot sa akin.
"How did I get here?"
Panandaliang walang nagsalita sa kanilang dalawa habang si Tam ay malakas lang na pinapatama ang whisk sa stainless bowl.
"Wala ka talagang naaalala? Sa susunod huwag ka na maglasing." Sarkastikong komento ng nag-iisang babae ngayon sa unit. She's still mad about what happened yesterday. Did she get offended when I raised my voice at her?
Binaling ko ang tingin kay Steven dahil wala akong makukuhang seryosong sagot sa girlfriend niya. At nang magtama ang mata namin ay doon ko napagtanto na mas wala akong makukuha sa kanya.
"I will fuckin' sue you for rape!" Dinuro ko ito bago dumiretso papuntang kwarto niya.
"Go ahead, bro! Kaso saan ka kukuha ng pera?"
Bago ko malakas na bagsakin ang pinto ay narinig ko pa ang tawanan nilang dalawa.
Tangina talaga ng magjowang 'to. Kailangan kong umisip ng pambawi sa kanila. May tiwala akong walang ginawang kababalaghan sa'kin si Steven. Ngunit kailangan kong mapunuan ang espasyo sa utak ko kung saan wala akong maalala.
Napasapo muli ako sa noo dahil pilit kong binabalikan ang mga ginawa ko kahapon simula nang makasakay akong Grab kasama 'yung Betty La Fea. Hindi pa nakatulong ang panaginip ko tungkol kay Sofie. Akala ko'y tuluyan na akong nakabangon sa kahimbingan ng nararamdaman ko sa kanya pero heto siya, hinahalikan ako sa panaginip. But that kiss felt real beneath my mouth. Siguro epekto lang ng alak, halos isang taon din akong walang tikim, tapos nitong nakaraang araw ay puro laklak ang ginawa ko.
I am a fuckin' fool to believe that she still loves me. Akala ko paglabas ko sa rehab ay babalikan niya ako. Sinabi niya lang pala ang mga salitang 'yon para tuluyan na akong mawala sa mga buhay nila.
Hindi ko alam kung nakailang mura na ako sa kanya sa isip ko nang malamang niloko niya lang ako. At hindi ko alam kung nakailang mura ako sa sarili ko kagabi nang makita ko kung gaano siya kaganda sa suot niyang wedding dress. Kilalang-kilala ko ang damit na 'yon dahil pinanood ko ang progreso ng pagdidisenyo niya while telling me it's what she'd wear on our wedding. Gusto ko siyang halikan nang nginitian niya ako kahapon. But I know it's just for courtesy or maybe she's fucking happy how miserable I was. Kakausapin ko dapat siya kaso sumingit ang lintek kong ama.
Doon ko napagtanto na wala ngang nakakaalam na nakalabas na ako sa rehabilitation maliban sa nagpalabas sa'kin, my chameleon mother.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong naglalaro sa PS5 ni Steven nang bigla itong pumasok sa kwarto niya.
"So, kumusta ang tulog?" mapang-asar niyang tanong.
"What happened last night?" Seryosong pagtatanong ko. But he's just giving me a creepy look as if we really banged each other.
"Fuck off!" Hinagis ko sa kanya 'yung unan. Ayaw umayos ni gago, eh.
"Believe me bro, I'm as ashamed as you." Umupo ito sa tabi ko kaya agad kong inilayo ang sarili. "Tangina pre, no homo tayo dito," dagdag niya.
"Siguraduhin mo lang dahil baka umiyak si Tam." Inihagis ko sa kanya 'yung isang controller.
"So, did you and your five million had a blast night?"
"Lower your voice, baka marinig ka ni Tam." The last thing I want is for Tam to know what my real plan is and sell me out to Betty.
Sarkastiko siyang tumawa. "Five million, naniwala ka naman sa kupal na 'yon?"
"Sa ating tatlo, siya ang pinakamayaman." Parehas kaming tutok sa 52-inch flat screen TV niya.
"Yeah, from drug-dealing." Alam kong matagal nang hindi pabor si Steven sa kinahantungan ni Adrian. And the uneasiness between them will never fade.
Hindi ko na lang siya sinagot at nagpokus na lang sa laro. Subalit hindi ako sanay sa katahimikan kaya't sinubukan kong mag-open ulit ng panibagong topic. "So, Betty..."
"You mean Erica?"
"Yeah, whatever her name is."
"Makaka-bingo ka na kay Tam."
"Fuck." Napamura ako nang ma-K.O. ang hero ko. Mukhang praktisadong-praktisado si gago. "Whatever happened to her?"
We choose to play again. Hindi ako makapapayag na matalo, this is my game. I owned this back when we were younger.
"Nung dumating kami sa condo ni Tam, parehas kayong nakaupo sa lobby, but she's the only one who's wide awake. Kelan ka pa nawalan ng malay sa alak?"
"Bad things do happen when you enter rehab," pabiro kong sagot sa kanya.
"Ralph." Tinignan ko si Tam na nasa pintuan ng kwarto, seryoso siyang nakatingin sa amin. "Si ate Raine," she continued.
Malakas akong bumuntong-hininga bago tumayo. Pansin kong nanatili lang si Tam sa kwarto ni Steven.
Pagkalabas ay bumungad sa akin ang panganay kong kapatid. Nakasabit ang Hermes bag niya sa braso. She is currently a tax lawyer in one of the top firms in the Philippines pero mas mukha siyang model. Nakadungaw lang siya sa nakasisilaw na bintana ni Steven at pinagmamasdan ang traffic sa baba.
Humarap siya sa akin, hindi ito ang unang beses na makita ko siya sa loob ng isang taon. Dumadalaw-dalaw siya dati sa rehab, but I guess I was a surprise to her last night. Pati sa kanya ay hindi pinaalam ng magaling kong ina that I am finally out of that mad-minded hospital.
"I ringed your condo," matapang na wika niya.
Napabuntong hininga ako, pakialamera talaga. Well, I expected her to do that after what happened yesterday.
"May iba na palang nakatira. Did you sell it?" Pagtanong niya at nag-cross arms. Nakatitig lang siya sa'kin, halatang-halata na ginigisa niya ako.
"Yes." Inayos ko ang t-shirt ni Steven na suot-suot ko, dahil wala naman akong naitagong sariling damit.
Alam ko na ang sasabihin niya at ayoko nang marinig pa 'yon. Palalabasin ko na siya. Ayoko nang mag-interview pa siya at baka malaman niya ang totoong nangyari. Walang nakakaalam sa kahit sinong miyembro ng pamilya ko na sumali ako sa isang gang at nabaon sa utang dahil sa sugal. Ang alam lang nila ay lutang ako sa droga.
"Kababalik mo lang for what? A week? Then, you get tired of your own home?"
"I don't want anything from your family."
I need a cigarette. Hinanap ko 'yung kaha ng sigarilyo ni Steven.
"Even your car? Your clothes, your shoes? Why? Anong dapat mong bilhin para ibenta ang mga ibinigay sayo ni---"
Hindi ko na siya pinatapos. Sinindihan ko ang isang sigarilyo at binuga ang usok bago magsalita. "It's none of your business. Matagal na akong hindi miyembro ng pamilya natin," walang emosyon kong saad. That's what my father told me---wait, dapat ko pa rin ba siyang tawaging ama if he already disowned me?
Matagal na akong itinakwil ng kinalak'han kong ama dahil lang sa utos ng Lolo ko. Gano'n siya kasunod-sunuran sa ama ng nanay ko na dating corrupt senator kaya't pakiramdam niya'y he's the most powerful man in this country. Aside from being a former senator, my grandfather is also the CEO and Managing Partner in their private investment and insurance firm. Dahil do'n ay kabilang siya sa Top 100 richest man in the Philippines. Maraming pribadong kumpanya ang mahal siya at kinukuha bilang shareholder.
Meanwhile, my father is currently a congressman and one of the stockholders of the said firm. Wala namang siyang pinagkaiba sa Lolo ko, parehas lang naman silang nasisilaw sa pera. Plano ata nilang manguna sa listahan ng Forbes Philippines.
I am the blackest of the blackest sheep of the family. I am not smart, unlike my other two siblings na sa malalaking university nag-aral and with flying colors pa nung grumaduate. Hindi rin kaaya-aya ang katawan ko: full of tattoos; unclean face with patchy beard; unnecessary piercings. I have bad habits. I am an alcoholic, smoker, and drug user.
I was once an abuser---four to six times a month, and mas lalong lumala as days gone by. But as of the moment, I practice abstinence.
They are ashamed of me because I embarrass our family name.
"Dahil pinili mong maging hindi." Pansin kong nagtutubig na ang mga mata ni Ate.
Ano? Iiyak na naman siya?
Umupo ito sa sofa. "I can't believe you let Sophia do this to you."
I clenched my fist; she's starting it again.
"How many times do I need to hear that? Kung wala ka nang sasabihin, just fucking go!" Malakas na bulyaw ko rito na alam kong rinig hanggang sa kwarto kung nasaan sila Steven ngayon.
"Ralph, that was three years ago! Aren't you going to move on? Because they already did!"
"No, they cheated!"
Shock was all over her face when I punched the sofa's headrest. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. My counselor mentioned that I have an anger management problem, and I think he's right.
"Oh, right, you didn't care 'coz you were busy impressing our Lolo." Lahat sila nagbulag-bulagan sa ginawa ng magaling kong ex at kupal kong panganay na kapatid. Ngayon, sisisihin nila ako dahil dinungisan ko ang malinis nilang pangalan? Talk about bullshit.
I let a long sigh. I think I want to drink again. Dagdag sakit sa ulo na naman si Ate.
"I never liked her; you know it. But she's a family now." Umayos ito ng tayo bago kunin ang bag niya. "I'm going now, tell Steven I said hi."
Hindi ko siya pinansin at hinithit muli ang sigarilyo. Bago siya umalis sa harapan ko ay may inabot itong small white envelope. Mukhang ito ang pinunta niya rito.
"Take this." Tagos sa papel ang laman ng envelope. "I heard that Dad cut-off your allowances."
Sa tingin niya talaga tatanggap ako ng kahit ano galing sa kaniya? Sa kanila?
"Ralph!" she shouted, just like how she disciplined me when I was a kid.
"Hindi ka ba nakikinig? Ain't it clear to you? I don't want anything from your stupid family!"
"Hindi ka ba nahihiya kay Steven? Nakikitira ka and even took his bed without paying him? Have some dignity for God's sake!" She run her hands through her hair, out of frustration.
"You're talking about dignity, huh? How about you? Hindi ka ba nahihiya na pera ng taong bayan ang pinambili d'yan sa Hermes bag mo?"
"Ralph, this is from Mom!"
"Yeah? At kanino galing ang pera niya? Hindi ba't from your corrupt grandfather?!"
"Would you stop it already?" She heaved a long sigh trying to tone her voice down, "You've clearly made your point one year ago. But my point now is to take this money in that way you can support yourself and not just be a burden to your best friend!"
"I'm not a burden!"
Tangina. Sino bang niloloko ko? Isa akong malaking pabigat at tangina.
"But you are, Ralph!" Nagulat ako nang malakas nitong pinalo ang dibdib ko, maybe to bring me back to my senses. "Can't you see Steven? He has a great job now, which you could also have if you hadn't decided to pursue your career on being a giant backpack burden in the family."
"Ahh!" I grunted. I'm about to punch her but I'm glad my fist stopped two inches before her face. The one that I despise the most is hurting women physically—except for sex, ibang usapan 'yan— because I am well aware na wala silang laban sa'kin.
She's right. That's why I want to punch her because she's freakin' right and I can't do anything about it.
"This money is from my own hard work. My unit is from my own salary. If you ever want to reconsider, you're always welcome there." Pinunasan niya ang luha matapos iwanan sa couch ang envelope.
"Why are you doing this?"
"Because you're my baby brother." She hinted a gloomy smile.
Hinayaan ko na lang siyang ihatid ang sarili palabas ng unit ni Steven. Binalik ko ang tingin sa iniwan niyang pera. Gaano siya kasiguradong hindi ko 'to gagamitin for recreational purposes?
"Bro, concerned lang sayo ang ate mo," ani Steven, nasa likod niya lang si Tam. Mukhang narinig nila ang pagtatalo namin.
Alam ko namang concerned siya, dun siya magaling, e. Sa sobrang concerned hindi na kaaya-aya.
I just hope na tumigil na siya ngayon 'coz I don't know whatever shit could happen if she ever try to investigate. Banerji doesn't mess around.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top