CHAPTER 9
Nagising si Marcus na wala ang asawa sa kan'yang tabi, agad s'yang bumangon at hinanap Ito sa boung silid, pero hindi nya Ito nadatnan sa loob.
"Manang ano po ba ang sunod na ilalagay?" Rinig n'ya sa boses ni Syn habang pababa Ito ng hagdan, napangiti s'ya ng malamang ang asawa n'ya ay nasa kusina.
Pumasok s'ya sa kusina ay niyapos nya ng kan'yang mga braso ang bewang ng asawa n'yang abala sa paghahanda ng agahan.
Napabitaw s'ya ng hampasin nito ang kamay n'ya.
"Nagluluto ako wag kang magulo." Sambit nito habang hinahalo ang gabi.
"What is that?" Kunot noong tanong nya ng makita ang hawak ni Syn.
"Suso to, Sabi ni manang masarap daw 'to sa ginataang gabi." Sagot nito at muling hinarap ang kan'yang niluluto.
"Masarap ba talaga yang soso mong yan?" Sinamaan sya ng tingin ng asawa dahil sa iba ang pagpunto nito sa kanyang sinasabi.
"Mas mabuti pa siguro kung magkape kana dun, baka kasi hindi ako makapagpigil at maSOSOntok ko yang mukha mo," Inis na sambit nito.
"Kung soso mo yung isusuntok mo sa akin, sige ba." Niyakap nya ito ng mahigpit.
"Mahampas pa kita ng sandok eh." Natawa sya ng marinig ang bulong ng asawa.
"Ito na ho ang kape nyo sir." Salubong ng isang katulong sa kanya.
"Ah Kayla, saan kayo nakakuha ng soso na niluluto ni ma'am Syn mo?" Tanong ni Marcus ang nilingon ang asawa n'yang naka taas ang isang kilay.
"Ahehehe sir sa kuwan" Lugampak ang isang bagay na malapit Kay Syn.
"Syn, ija. Ayos ka lang?" Tarantang tanong ni Manang Sabell.
"Ayos lang ho, pasensya na nadulas sa kamay ko." Bulong nito.
"Oh Kayla? Anong tinutunganga mo jan? Kakaringking kapa, kunin mo tong nabasag na baso. Baka maapakan pa itoo ni Ma'am." Bunganga ng ginang ng makitang wala itong ginagawa.
"Hindi Manang ako na ho." Sambit ni Syn bago lumuhod para kunin ang nabasag nya.
"Naku ija tapusin mo nalang yang niluluto mo, sa labas muna ako." Sambit ni Manang habang hawak ang braso ni Kayla na pinandidilatan ng mata.
Ramdam nito ang paglapit ni Marcus sa gawi nya.
"Ayan, luto na." Bulong n'ya sa sarili nya at pinatay ang stove.
Lumingon s'ya at halos mapugto ang hininga ng makita ang mismong mukha ng asawa, ilang pulgada lamang ang layo sa kan'ya.
"Are you jealous?" Rinig nya sa baritonong boses ng asawa nya.
Napayuko ito at marahang tumango.
"P-pero hindi ko talaga sinasadyang mahulog yung baso."
Inangat nito ang kan'yang mukha.
"Lumayo ka—" Hindi nya natapos ang sinabi nya ng sakupin ni Marcus ang labi nya.
Hindi s'ya nakagalaw habang namimilog ang mga matang nakatitig sa asawa n'yang hinahalikan s'ya, nakapikit ito, ninanamnam ang labi nito, wala sa sarili s'yang tumugon sa halik nito at yumakap sa leeg ni Marcus. Napasinghap s'ya ng binuhat s'ya nito paupo sa island counter pero wala s'yang ibang naririnig kundi ang nakakabingi na tibok ng puso n'ya at ang tanging na nararamdaman n'ya ang sinsasyong nag uumpisang magliyab sa pagitan nilang dalawa.
"Anak ng tipaklong!"
Napabitaw si Syn ng marinig ang boses ni Manang Sabell na papasok.
"Naka abala pala ako dito. Sige ipagpatuloy nyo na yan, para magka anak ulit kayo." Sambit nito at agad na umalis.
Napa iwas sya ng tingin dahil sa ramdam nya ang pag init Ng mukha nya Hindi dahil sa kilig kundi sa kahihiyang nararamdaman, kumuha sya Ng mangkok at sinimulang ilagay ruon ang niluto n'yang ginataang gabi.
Nakangising yumapos si Marcus sa kanya. "Still jealous?" Bumuntong hininga ito bago hinarap ang asawa saka umiling.
"Manang asan na ang agahan?!" Sigaw ni Ryke mula sa dinning area.
Inayos ni Syn ang kanin at ang niluto nitong gulay, kinuha n'ya ang kamay ni Marcus kaya napangiti Ito, ngumiti rin Ito sa kanyang asawa bago binigay sa kanya ang isang malaking mangkok ng kanin. Naiinis itong lumabas sa kusina dahil sa akala n'yang itutuloy ang naudlot nilang paghahalikan. Sumalubong sa kanya ang ang mga kaibigan nya at kapatid na nakaupo na sa Mesa.
"Asan si manang? Bakit ikaw gumagawa nyan?" Sinamaan ni Marcus ng tingin si Ryke. Feeling Hari Kasi.
"Manang—"
"Shut up Soberano, she's is not your servant." Matigas nitong sabi.
"Tama nga! Makautos ka kay mamang kahapon, parang ikaw nagpapasahod." Sang ayon ni Nisha habang ang tatlo ang nanatiling tahimik.
"Taran... Kain na." Singit ni Syn saka nilapag ang gulay.
"Ikaw ang nagluto?" Takang tanong Ng Kuya nya.
Umirap ito bago sumagot. "Opo."
"Baka may lason yan Syn?"
"Naalala ko pa yung dating niluto mong kinain ko sumakit ang tyan ko nun."
"Suso? Ate, seriously?" Angal ni Nisha.
"Ayaw nyo? Magluto kayo Ng sarili nyong ulam." Umiirap nitong Sabi.
"Paano to kainin?" Tanong ni Kael.
"Kuya pwede mong nguyain yung shell nya, matigas tigas rin yan eh." Matalim n'yang tinitigan ang kapatid.
"Paano nga kasi?!"
"Dude, suck out." Sambit ni Marcus at sinipsip ng isang suso.
"Expert Marcus natin." Bulong ni Ashton.
"Oo nga—" Hindi natapos si Ryke sa sasabihin nya ng batuhin sya nito Ng suso, napahawak sya sa noo n'yang tinamaan.
"Damn dude! It hurts." Reklamo nya at pinunasan ang noo na tinamaan ng soso, tumawa naman ang iba habang ito ang inis na inis sa ginawa ni Marcus.
"Pwede daw gamitin ang toothpick, tutusukin lang daw sabi ni namang." Singit ni Bogart, Hindi napansin Ng iba ang pag alis nya dahil sa asaran nila.
"Ayos, pagkatapos mong sipsipin, tutusukin." Nilingon ni Ryke si Marcus. "Take note about that dude." Sambit nito at kumindat pa kay Syn, ngunit hindi ito pinansin ni Marcus.
Umupo silang lahat sa hapag at napalingon sila sa kay Marcus na nagkakamay, tinabi nilang lahat ang tinidor at kutsara saka sabay na kumain. Masaya ang naging saluhan nila.
"Alam nyo ngayon lang lang ako nakatikim ng luto ni Syn." Komento ni Ryke.
"Wala s'yang ibang alam lutuin kundi instant." Sinamaan n'ya ng tingin ang kapatid.
"Nakikikain na nga lang kayo puro la kayo reklamo ah."
Sumilay ang malaking ngisi sa labi ni Marcus. "But my wife has a specialty." Pinandilatan ito ni Syn.
Sinabawang pancit canton.
"BILISAN MO, ATE.." Sigaw ni Nisha, matapos nilang kumain at napag-usapan nilang mag swimming dahil sa isang linggo na sila sa Isla ay hindi man lang sila nakapagligo.
"Seryoso ka talaga dito, Nisha?" Tanong nito sa dalaga habang nakaharap sa salamin na naka two piece.
Sinipat nya ang sarili nya sa salamin, nagpasimangot ito dahil pati s'ya nalalaswahan sa suot, pakiramdam nya isa s'yang babaeng bayaran.
"Yes, so gorgeous, stunning!" Kumento nito habang nakatitig sa maganda nitong katawan saka niyugyog ang balikat nya.
"Sure ako magugustuhan yan ni kuya." Kinikilig nitong ani.
Bumuntong hininga itong umirap sa hangin bago inabot ang puting tuwalya, saka binalot sa balikat nya. Sabay silang bumababa si Nisha, at nangatog sya ng makita ang asawa n'yang nasa sala habang nakaharap sa laptop nito.
"Saan kayo pupunta?" Tanong nito, hindi ito lingon sa kanilang dalawa.
"Anong ginagawa mo kuya?" Imbis na sumagot ay tumanong pabalik si Nisha.
"Inaayos ang problema sa kompanya, a piece of cake but my employees can't manage to settle this shit." Sagot nito.
"Kayo?"
"Ano ba, kuya. Maliligo lang kami ni Ate isang linggo na tayo dito pero di pa sya nakapagligo." Sagot ni Nisha.
Nangatog si Syn sa kinatatayuan, Marcus scan her body. Head to foot.
"Patay ako." Bulong ni Syn at kagat labing yumuko.
"Wife.." Lumapit ito sa kan'ya dahilan para mapaiktad s'ya.
"Sa kwarto may jogger pants at damit dun." He pull her closer. "Magpapalit ka o ako na mismo ang gagahasa sayo?"
Rinig nito ang mahinang tawa ni Nisha.
Agad na nagmartsa si Syn pabalik sa kwarto, parang gusto n'yang magalit kay Nisha dahil sa pagpilit nitong magsuot ng two-piece.
"Jogger? Damit? Ano ako magjojogging sa gitna ng dagat? Ikaw kaya pagliguin ko ng nakaganon, Marcus."
Patakbo itong bumaba sa hagdan, nakasimangot itong huminto sa harap ni Marcus.
"Happy?" Inis na sabi n'ya.
Pinasok nito ang mga kamay sa bulsa at ngumisi. "Yeah, very."
"Bubulagin ko ang mga makakakita ng hubad mong katawan." Sambit nito.
"Tara na." Inis na sabi ni Syn, pero paglingon nya ay wala si Nisha sa kinatatayuan nya kanina.
"Mauuna na daw sya." Sambit ni Marcus at hinapit ang bewang nito, para mapalapit ito sa kanya saka sabay na lumakad.
"Akala ko ba may aayosin ka pa?"
"Tinapos ko kaagad hindi din naman ako makakapagfucos kong wala ka sa bahay." Sambit nito.
She bite her lower lips to hide the vibrance, only Marcus can make her tame, para s'yang maamong tupa.
Fuck!
Dahil sa malalim na pag iisip ay hindi n'ya namalayan na nakarating na sila sa dalampasigan at sa hindi kalayuan ay nakita n'ya ang mga kaibigan. Kumaway sila kaya tumakbo si Syn patungo sa cottage.
"Akala ko nasu-swiming tayo pero, saan ka mag jojogging syn?" Pang aasar ni Bogart rito, umirap ito dahil sa inis. Gusto nya mang makipag bangayan pero mas gusto n'yang maligo lalo na at ng nakita nya si Nisha na nasa tubig na.
Hinawakan nya ang kamay ni Marcus, "Tara." Bulong nya at bahagya itong hinila.
"Kayo nalang, enjoy." Sagot nito na nagpasimangot sa kanya.
"Sige na... Please." Pamimilit nito, pero umiling ang asawa nya kaya bumagsak ang mga balikat nya.
Tumalikod saka hinubad ang tsinelas saka walang pasabi at lumapit Kay Nisha.
"Bobo ka ba, bakit hindi mo sinamahan?" Sambit ni Ryke Ng makalayo na si Syn.
"Oo nga, malay mo baka ngayon lang yan maglalambing. Pinalampas mo pa." Sang ayon ni Ashton.
He sighed at sumunod sa asawa. "Marcus!" Nilingon nya Ito.
It's Vienna, ang kababata nya. Papalapit ito sa kanya na nakasakay sa isang kabayo, it's a stallion horse.
"Kamusta? Matagal ka din bago makabalik dito." Sambit nito at bumaba sa kabayo.
Hindi maipagkakaila ni Marcus na humanga s'ya sa ganda nito, dati isa pa itong sipunin.
"Im doing fine, how about you? May asawa ka na?" Balik nitong tanong.
Malakas itong napahalakhak dahil sa sinabi ni Marcus kaya napalingon si Syn sa gawi nila.
"Wala, hinihintay ko pa kasi ang lalaking nangako sa akin dati." Sambit nito saka hinimas ang kabayo.
Habang masayang nag-uusap ang dalawa ay nakatitig si Syn sa kinila, na parang pinapatay na ni Syn ang babae sa utak nya.
Humanda ka sa akin mamaya, mukhang nag eenjoy ka d'yan ah.
Lumusong s'ya sa mas malalim na parte ng dagat at habang papalayo ay panay pa rin ang lingon ni Syn sa asawa n'ya. She know how Marcus faithful to her, pero hindi n'ya pa rin maiwasan ang mapaisip.
"Selos yan?" Natatawang sambit ni Nisha ng mapansin na nakapako ang tingin ni Syn sa dalawa.
"Sino ba kasi yang babaeng mukhang kabayo este may kabayo." Inis na ani nito.
"Kababata namin yan ni kuya, lapitan mo mas maganda yan sa malapitan." Sabi nito kaya naman mas umusok ang ilong nya sa inis.
Hinampas nya at tubig saka umahon sa tubig, gusto n'yang umiba ng daan dahil madadaanan nya talaga ang dalawa.
Ngumiti si Marcus ng makitang papalapit si Syn sa kanila.
"By the way, she's my wife." Sambit nito at hinintay na huminto si Syn sa harap nila para kamayan ang kababata nya.
Pero nilampasan sya nito na masama ang tingin sa kanya kaya salubong ang kilay nitong pinantayan ang titig ng asawa. Umirap ito na mas lalong kinakunot ng noo n'ya.
"Akala mo ha... tsk!" Bulong ni Syn.
"Oh, bakit ka umahon agad?" Tanong ni Kael sa kapatid habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop.
Bakit palaging busy ang mga taong ito?
"Baka kasi kumulo ang tubig alat pag nagtagal pa ako dun." Inabot ng kapatid ang tuwalya at hindi pinansin ang pagpuputok ng butsi n'ya.
Humanda ka lang talaga sa akin mamaya Marcus, tutudasin kita.
Bumuntong hininga s'ya saka umabot ng saging sa mesa ng cottage, napalingon sya sa dalampasigan ng makarinig ng anong ingay. Nakita n'ya ang isang lalaking sakay ng isang jet ski. Nakilala nya ito ng kumaway ito sa kaniya.
"Si Theo." Bulong nya saka kumaway pabalik.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Kael.
"Oo." Tipid nitong sagot saka lumapit sa binata.
"Hoy! Pasakay." Sigaw n'ya.
"Wag na, ma issue pa tayo eh." Natatawang sambit nito.
Pero hindi sya nakinig sa binata, umakyat sya sa bato bago sumakay sa jet ski.
"Doon tayo sa malayo." Bulong nito at tinuro ang bato sa malayo.
Nakarating sila sa gitna ng dagat at huminto sila sa tapat bato, dahan-dahang umalis sa pagkakaupo si Syn at lumipat sa bato.
"Hay salamat, bawala rin sila sa paningin ko." Sambit ni Syn.
"Who?"
"Mga damuhong na naglalandian sa tapat ng kabayo." Sambit nito bago tumalon sa tubig.
Napasinghap ang binata ng hindi nya makita si Syn sa tubig.
"Tangina! Mapapatay ako ni Zacharios nito." He cursed. Alam n'ya kong anong kayang gawin ni Marcus kapag asawa na nito ang pinag uusapan.
"Putang ina lang talaga!" Inis n'yang bulong at humanda sa pagsisid.
"Ang ganda pala sa ilalim." Ani nito habang habol hininga dahil sa pagsisid para namang nabunutan ng tinik si Theo at nakahinga ng maluwag.
"Talon na Theo, ang lamig ng tubig." Sambit nito.
Bumuntong hininga ang binata bago tumalon sa malamig na tubig.
"Theo magkwento ka nga tungkul sa buhay mo." Sambit ni Syn habang nakababad sila sa tubig ngunit malayo ang distansya nila sa isa't isa.
Tumikhim ang binata. "I was the only son Jetson and Neranda Scott who died three years ago, I was just seventeen years old when they died. Naging mahirap sa akin tanggapin yun, but Marcus help me to move on." Tumigil ito ng maramdaman ang panginginig ng kalamnan nya.
"Anong dahilan ng pagkamatay nila?"
"Car accident, pero sa tingin ko hindi lang yun isang simpling car accident yun. Naniniwala akong may sumadya sa pangyayari." He's voice was flat.
"I'll find that case—"
"No need Syn, kilala ko lang kung sino ang pumatay sa kanila."
"Sino? Bakit hindi ka man lang nagsumbong sa mga pulis?" Curiosity agramed her body.
"Wala akong sapat na ebedinsya." Matamlay nitong sagot bago bumalik sa jet ski.
"Let's go.." Gusto pa ni Syn tumagal sa tubig pero alam n'yang kailangan na n'yang bumalik, baka mainis pa tong lalaking 'to at iwan s'yang mangatog sa malamig natubig.
Umahon sya at sumakay sa jet ski, nanatili s'yang tahimik habang pabalik sila sa dalampasigan, pasulyap sulyap sya sa binata sa t'wing naririnig nya ang pagbuntong hininga nito.
Parang nahalungkat nya yata ang bagay na binaon na nito sa limot.
"Ayos ka lang?" Tanong nya nang nakarating sa sila sa dalampasigan.
Tumango ang binata kaya pinisil nya ang pisngi nito.
"Hoy ano ba! Ngumiti ka, ilabas mo yang gilagid mo." Inis na sambit n'ya kaya hindi mapigilan ng binata na napatawa sa sinabi nya.
"Oh see.. ang gwapo mo." Sambit nito.
"Yeah, I know." Mayabang nitong sagot.
"Samahan mo ako bukas, mamasyal." Sambit nya at alam n'yang tatanggi ang binata kaya tumalikod na agad sya rito.
Habang pabalik sa cottage nakatayo ang asawa n'yang naghihintay sa kanya. Tiim bagang itong nakatitig sa kanya. Humugot sya ng lakas para pantayan ang mapamatay nitong tingin.
"Enjoy hugging him?"
Anong yakap? Pisngi lang hinawakan ko ah.
"Yeah, he's fun." She answered to pissed him.
"Maybe tomorrow I'll grip his neck." He said and turn his back to her.
"Sige subukan mo lang, ako sasakal sayo!" Nambabantang sigaw ni Syn.
"So, your defending him now?" His sound irritated.
Umirap ito bago binaling kay Theo ang pansin saka matamis na ngumiti.
"Hoy bukas ha, wag mong kakalimutan." Sigaw nya sa binata kaya hinaplot ni Marcus ang balikat nya.
"Would you please stop doing that." Tiim bagang Ito habang tinitigan sya Ng masama.
"Doing what?" Kunwaring inosenting tanong nito bago inagaw ang kamay n'ya.
"Damn Syn! Stop smiling like that in the other man.. that making me jealous."
Lumagampak si Syn Ng tawa sa harap nya kaya mas lalo pa itong nainis.
"What are you laughing at?"
"Natutuwa kang nagseselos ako?"
She walked closer to him and peered to his glamourize blue eye's.
"Yes, I love it...." She bite her lower lips. "My possessive husband."
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top