"Nandito na ba tayo?" Nagtatakang tanong ni Syn habang bumababa sa van.
Kunot noo n'yang hinarap ang asawa na nakapamulsa, mukhang pinagloloko sya nito dahil nasa harapan nya ang isang malaking building.
"Asan na ang Isla dito?" Inis n'yang tanong.
"Wag kang atat ate, malapit na tayo."
"Malapit? Eh bakit—" magsasalita na sana ako ng hinila ni Marcus ang balikat n'ya papasok ng building, nilingon nya ang kanyang maleta at napanatag sya ng makitang nasa kabilang kamay ito ng asawa.
Nagpatianod si Syn hanggang sa makarating sila sa elevator, pinindot nito ang ika desi otsong palapag kaya agad itong umusad paakyat. Nanatiling magkahawak ang kanilang kamay na para bang nagpapalambot sa buo n'yang sistema. Napatitig s'ya sa magkahawak nilang kamay at hindi nya maiwasang mapangiti at pinagsaklob ng maigi ang kanilang kamay, alam n'yang naramdaman iyong ni Marcus dahil mahina nitong pinisil ang kamay n'ya.
Napaigtad s'ya ng marinig ang malakas na tunog ng helicopter at nakita n'yang naghihintay sa kanila ang kuya nya, si Nisha at ang mga kaibigan ni Marcus na ninong ng anak nya. Kumaway sya sa mga ito habang nalawak na ngumiti vakas sa mukha nila ang pagtataka, pati rin naman s'ya, nagtataka kong bakit ganoon ang kan'yang asta ngunit isa lang ang sigurado, tumatalon ang puso nya sa saya sa pagkakataong ito. Kasama nya ang dating tinuturing n'yang pamilya.
They walk towards their friends and hop in the helicopter. Namilog ang mata n'ya ng sapagsarado ni Ashton ng pinto ay nawala ang ingay.
Sosyal, soundproof.
Napaimpit s'ya ng maramdaman ang mahinang pag uga ng helicopter at unti unti nitong pag angat sa ere, kagat labi s'yang napahawak ng mahigpit sa kamay ni Marcus at bumabaon ang kuko nya sa likuran ng palad nito pero hinayaan lamang s'ya nito
Hindi sya takot sa heights, pero kinakabahan pa rin s'ya.
"Wag kang matakot.." Hindi na s'ya umangal, hinaplos ni Marcus ang likuran nya. It works, it distract her from her fear. Hinawakan nito ang ulo nya at pinasandal sa dibdib nitong matitipuno at wala sa sariling napapikit si Syn habang naririnig ang kalmadong tibok ng puso nito. Nanatili sila sa ganon lalapit na posisyon hanggang sa hindi namalayan ni Syn na nakatulog s'ya habang kalong ng asawa.
"YOHOOO!!!" Napamulat s'ya ng marinig ang malakas na sigaw ni Nisha.
"Ate kitang kita na ang dagat!!!" Sigaw nito, binitawan n'ya ang kamay ni Marcus at dinungaw ang ibaba. Ang ganda! Asul na tubig dagat dala ng replika ng asul ng kalangitan.
Bumalik sya sa pagkakaupo at nilapit ang labi nya sa tenga ni Marcus. "Ang ganda." Tumitig ito sa mga mata nya dahilan para kumabog ang kan'yang puso.
"Oo, kagaya mo." Umiwas s'ya ng tingin ng maramdaman ang ang pag init ng kan'yang pisngi, patago s'yang ngumiti at tinuon ang pansin sa asul na karagatan pero kahit anong iwas nya sa asawa ay ramdam nya ang presensya nito lalo na ang asul nitong mata na nakatitig pa rin sa kan'ya.
Sa sobrang pag iwas ni Syn ay hindi nya namalayan na nakababa na ang helicopter, sa pag ihip ng hangin sabay ng amoy tubig alat ay napangiti s'ya.
Ito na ba ang simula? Simula ng paglimot ko sa masamang nakaraan? Sana nga.
Hinigop ng dagat ang atensyon nya ng maramdaman ang pagdampi ng tubig dagat sa kanyang paa, naalala n'ya ang mga mata ng anak ko sa asul na karagatan, namana nya ito sa kay Marcus ang mala asul na mga mata at kahit dalawang taon na itong wala ay sariwa pa rin sa isipan nya ang inosenting ngiti at makikislap nitong mga mata.
Napabalik s'ya sa kan'yang wesyo ng marinig ang pagtikhim ni Marcus.
"Nasa cottage na silang lahat." Sambit nito at tumalikod na.
"Panira talaga kahit kailan." Bulong n'ya saka sumunod sa rito. Huminto bigla si Marcus dahilan para mabunggo ang noo n'ya sa matigas nitong likuran.
"May sinabi ka?" Sinapo nya ang sariling noo dahil sa lakas ng pagkakabangga.
Naalog yata ang utak ko.
Nang walang makuhang sagot ay nagpatuloy si Marcus sa paglalakad at tahimik s'yang sumunod.
"Hoy bigyan nyo'ko ng saging!"
"Dahan-dahan lang sa papaya!"
"Ang sarap ng lansonis."
"Pukpukin ko kayo ng durian eh!"
"Kainis, lansonis ko!!!"
Napalingon sya sa nagkakarambulang mga damuhong, pinag aagawan ang mga prutas sa mesa ng isang cottage.
Nang makalapit ay tumabi s'ya sa kan'yang kapatid na tahimik na kumakain ng mansanas sa isang sulok.
"Saan pweding magpahinga?"
Natigilan sa pag aagawan ang lahat at lumingon sa kan'ya bago pinilig ang tingin kay Marcus.
May mali ba sa sinabi ko?
"Para sa ano yang mga tingin na yan!" Inis n'yang sabi.
"B-buntis—"
"Let's go wife, kailangan mo na talaga ng pahinga." Inalalayan s'ya ni Marcus pa alis at hindi pinansin ang mga kaibigan.
Ang weirdo ng mga lalaking ito.
"May mali ba sa sinabi ko?" Pinilig n'ya ang tingin kay Marcus, umiling ito bilang sagot.
Natigilan s'ya ng nasa harap sila ng isang malaking bahay—mansion.
Napa awang ang bibig nya at nilingon uli si Marcus. Bihirang mas maganda at mas malaki ito sa bahay nila, kalahati lang. Hindi n'ya akalaing ganito pala kalaki ang bahay ni Marcus dito. She expected a cabin.
"Welcome to our home." Bulong nito at pinangko s'ya nito sabay buhat patungo sa loob.
Her heart jumped when she look at his face. Nanuyo ang lalamunan n'ya habang nakatitig sa mapula at manipis nitong labi, sinubsob nya ang mukha sa dibdib nito dahilan para malanghap nya ang nakakaakit nitong bango.
Ohh tukso layuan mo ako!
Marahan na nilapag ni Marcus ang asawa sa malambot na kama.
"Rest now." Nilapat nito ang labi sa kan'yang noo.
Kinumutan nya ito bago n'ya narinig ang mga yabag n'yang papalayo.
"Ang rupok mo Syn, wala pang isang linggo nahuhulog kana naman sa bitag ng asawa mo!" Inis n'yang sinabunutan ang sarili.
Kainis parang nawala lahat ng galit ko sa kanya, dahil lang sa ngiti? Sa balot at barbeque? Sa pagbuhat n'ya sa akin?!
"Kalma self, hindi ka marupok. Okey?" Huminga s'ya ng malalim habang kinukumbinsi ang sarili.
"But it's better than nothing, mabuti nang babawi kesa sa hindi."
"TSANAK, BANGON NA..." Mahinang sinipa nito ang kan'yang mukha n'ya.
"Ano ba Kuya, nagpapahinga ang tao eh." Inis s'yang bumangon sa pagkakahiga.
Parang may lahing kabayo.
"You should wipe your laway first." Nandidiri nitong sabi, napaismid s'ya rito.
Conyo ha!
Pinunasan n'ya ang kanyang mukha, inayos ang pagkakatali ng buhok at umalis sa kama.
Pababa sya sa hagdan at narinig n'ya ang seryosong pag uusapan ng magkaibigan.
"Ano ba kasi yang sasabihin mo Bogart!" Inis na ani ni Ashton.
"Malaking problima ba yan." Tanong ni Nisha
"Hindi problima ang makabun—"
"Shut up Monteverdi." Suway ni Marcus habang may hawak na tasa.
"Hi guys!" Niluwa ng pinto ang isang Ryke Soberano.
Ngumiti Ito kaya mas lalo pang nadagdagan ang gagwapuhan, he's handsome but a moron one. Lahat naman silang magbabakarda mga isip bata, naiiba lang si Marcus at Kael.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong n'ya sabay upo sa tabi ni Nisha.
Umupo ito sa tabi ni Ashton. "May inasikaso lang saka hindi naman ako magtatagal dito eh."
"Nandito lang naman ako kasi di'ba bukas birthday ng inaanak ko?" Damn! I almost forgot, it's my son birthday and.. and death anniversary.
Napuno ng katahimikan ang buong sala at mabigat ba paghinga nya ang nagbibigay ingay, pilit n'yang pinipigilan ang nagbabadyang luha.
Hindi dapat ako nandito, dapat nasa puntod ako ng anak ko.
Nilingon ko sila na masama ang tingin kay Ryke habang si Marcus ay nakayuko.
Set up nila tong lahat.
Humugot sya ng lakas ng loob at tumayo sa harapan ni Marcus.
"Gusto ko ng umuwi." Bulong n'ya.
Tahimik na umalis ang lima at hinawakan ni Marcus ang kamay n'ya sabay alalay sa pag upo.
Pansamantalang naghari ang katahimikan sa buong sala.
"Pwede namang dito nalang natin e celebrate diba?" Bulong nito.
"Hindi kailangan nasa tabi ako ng anak ko." Matigas n'yang sambit at binawi ang mga kamay n'ya sa pagkakahawak nito.
"Pero Syn.. mag tatatlong taon na bukas, can you please move on?" Tiim bagang nya itong nilingon.
"Move on? Madali lang sana yun eh..." Matalim n'yang tinitigan ang mga mata nito. "Kung hindi mo lang sana ako iniwan, pero hangga't hindi pa nakatanggap ni Nathan ang hustisya " Tuluyan ng lumandas sa pisngi n'ya ang luha.
Matapang sya pero pagdating sa ganitong usapan, pag anak nya ang pinag uurasapan, ang daling manaig ng sakit.
"Kahit ngayon lang Syn, pagbigyan mo'ko... Dito natin ipagdiwang ang kaarawan ng anak natin."
"At ang pagkamatay nya?"
Napayuko ito.
Tumayo s'ya at tumikhim bago nagsalita dahil ramdam n'yang sa ano mang oras pipiyok ang boses n'ya.
"Pagbibigyan kita.. pero pagkatapos ng dalawang linggo natin dito, dapat hindi ko na makikita ang pagmumuka mo." Sambit n'ya at napaangat ito ng tingin.
"I can't do that."
"Then, ayaw ko din sa gusto mong mangyare." Sambit n'ya at tinalikuran ito.
Parang sinasaksak ang puso nya habang palabas ng bahay, gaano ba katagal bago mawala ang sakit? Tumakbo s'ya para makalayo sa presensya ni Marcus, hindi n'ya alam kong saan sya dinala ng sarili n'yang mga paa. Natagpuan nya ang sarili sa dalampasigan sa harap ng isang malaking bato.
Umakyat sya rito hanggang nakarating sa tuktok, nakatayo sya habang nakaharap sa silaw ng palubog na araw, pinikit n'ya ang mga mata saka huminga ng malalim.
"Sa pag alis ko s islang to iiwan ko lahat Ng masasamang alaala Ng nakaraan ko." Bulong nya sa kawalan. Humakbang pa s'ya ng kaunti at dumungaw sa ilalim.
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng kung sino sa likuran, umaakyat ito sa bato kaya napa atras s'ya.
"Magpapakamatay ka ba?"
"Huh? Hindi ahhh." Gago ayokong mamatay sa islang 'to.
"Ay sayang, akala ko magpapakamatay kana kasi sabi nila ang taong magpapakamatay ay hindi tatanggapin sa langit kaya itutulak na lang sana kita para matulungan ka sa problima mo, matatanggap ka pa ni San Pedro." Ani nito sabay upo sa bato.
Iba ang mga tao dito, nakahithit yata. Tutulongan pa daw akong magpakamatay?
Tinitigan nya ito habang ito naman ay nakangiti lang sa kan'ya.
She wipe her tears and sat beside him. She don't know but she feel comfortable with the guy she don't even know his name.
"Hindi naman siguro kayo mangangagat na mga taga Isla no." Tumawa ito.
"Walang poging nangangagat." Sambit nito at umiling iling pa.
"By the way, I'm Theodoric Scott. The most gorgeous guy in the island." Inilahad nito ang kamay n'ya, marahan nya itong tinanggap.
Hindi na ngayon kasi nandito ang asawa ko.
"Syn Azrael Zacharios." Namilog ang mata nito
"Marcus..—"
"Wife." Matamlay na dugtong ni Syn.
"So, anong ginagawa ng isang Zacharios dito, hindi mo ba nakita yun?" Tinuro nito ang isang karatula.
'Danger' at may drawing ng isang tao na nahuhulog.
"Ilang tao na ba ang nahulog dito?" Tanong nta habang nakatingin sa karatula at tinanaw ang alon na humahampas sa bato.
"Wala pa naman.." he sigh "Nilagay ko lang yan d'yan para masulo ko 'tong lugar."
"Ang damot mo!" Inis na sigaw ni Syn.
Ang ganda kaya ng tapos lalagyan nya ng ganon para hindi pumunta ang iba? Asan ang hustisya? Siguro kong hindi s'ya umiiyak kanina nakita nya rin ang karatula, hindi s'ya aakyat sa bati. Pero ang ganda ng lugar na to, kitang kita ang buong dagat mula sa kinatatayuan nga.
"Hindi naman sa pinagdadamot ko to'ng lugar, pero gusto ko lang mapaga isa." Bulong nito.
"Ako rin gusto kong mapag isa, Kaya shoo!! Layas." Pagtataboy n'ya dito.
"Aba! Lugar ko to." Kumuha si Syn ng bato napangiwi itong tinatakpan ang bahagi ng katawan gamit ang kamay. "Walang hampasan ng bato!" Tumawa ako.
Ginuhit nya ang isang linya na naghahati sa bato sa dalawang bahagi.
"Akin tong kabilang bahagi tas ikaw jan sa kabilang bahagi." Pinandilatan nya ito "Ang lalampas patay."
Tumawa lang ito at tumango, nanatili silang tahimik habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na nagbibigay ng kakaibang kulay sa karagatan. Tumikhim si Syn at nilingon ang katabi.
"Theodoric—"
"Just call me Theo, ang pangit pakinggan ng boung pangalan ko." Kamut ulo ito.
She cleared her throat then peered to his eyes.
"Pwede kabang sabihan ng hinanakit?"
"Bakit? May galit ka agad sa akin?" Pang aasar nito, sinamaan nya ito ng tingin kaya sumeryoso ang mukha nito.
"Of course." Umusog ito sa tabi n'ya.
Huminga s'ya ng malalim dahil hindi n'ya alam kong saan magsisimula, ano ang una n'yang sasabihin. Hindi s'ya basta basta nagtitiwala agad sa iba—pero parang sasabog na ang puso nya kung hindi n'ya ilalabas ang sakit.
"Paano ba kalimutan ang masamang nakaraan?" Pumiyok ang boses n'ya sa huling salitang binanggit nya.
Tumikhim ito at sumagot.
"Ang tanong Syn, gusto mo bang kalimutan?" Tinitigan nito ang mga mata n'ya.
"At ayon sa mga mata mo, Oo. Gusto mong kalimutan pero may isang bagay ang humaharang dito."
"Sayo pa rin nakadepende yun Zacharios. Kung kakalimutan mo o hahayaan mong saktan nito ng paulit ulit ang puso mo." Nag init ang mga mata nya nagbabadyang mga luha na naman.
"At sa sitwasyon nyo ni Marcus, ang salitang kalimutan ang hindi dapat. Wala kayong dapat kalimutan, si Nathan ay mananatili dito." Tinuro nito ang dibdib n'ya.
Paano n'ya nalaman?
"Alam kong nagtataka kong bakit alam ko ito at alam ko din na sinisisi ko si Marcus sa nangyari at si Marcus ay sinisisi din ang sarili nya." Kaya ba sya lumayo?
"Alam mo ba kong anong nararamdaman Ng asawa mo sa mga panahong yun Syn?" Hindi ko sinubukang alamin.
Simula ng namatay si Nathan ay hindi ko sya kinausap, naalala ko pang ilang beses n'yang sinubukang magpaliwanag, pero hindi ako nakinig.
Napalunok sya ng sariling laway nang maramdaman ang nanunuyo ng sariling kalamnan.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan nya sa loob Ng dalawang taon, nagkulang ka Syn, nagpabulag ka sa galit." Bulong nito.
"Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat." Tiim bagang n'yang sambit.
"Oo, wala akong alam sa nangyare tungkol kay Nathan, pero alam ko ang nangyari kay Marcus sa loob ng dalawang taon." Bumuntong hininga ito saka tumayo.
"Kilalanin mo ng mabuti ang asawa mo Mrs. Zacharios." Humakbang ito papalayo.
"In two years....... He change a lot."
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top