CHAPTER 5


Habang naliligo si Syn ay rinig nya ang pagbukas ng pinto ngunit nagtaka s'ya ng walang marinig na yapag nito, it's dangerous when you can't hear the foot steps of a person. Dalawa lang ang pagpipilian, it either a thief or a killer.

Binaliwala lang iyon ni Syn at nagpatuloy sa pagsasabon sa kan'yang katawan.

"Ang aga mo nagising." Halos tumalon si Syn sa gulat ng marinig ang boses na iyon, napalingon s'ya sa kaliwa at agad s'yang napatakip ng kanyang katawan.

"Ano ba Marcus! Hindi ka man lang kumatok?!" Bulyaw n'ya rito habang tinatakpan ang masisilang bahagi ng katawan.

"What are you hiding?" He chuckle, "Nakita ko naman 'yan lahat." Hinagod s'ya ng tingin ni Marcus mula ulo hanggang paa at unti unting lumakad papalapit sa kan'ya.

"Wag kang lalapit, Marcus!" Sigaw n'ya habang pilit tinatakpan ang hubad na katawan.

Lumapit ito sa kan'ya habang s'ya naman ay umaatras hanggang sa maramdaman n'ya ang malamig na tiles sa kan'yang likuran, nilapit ni Marcus ang mukha nito sa kan'ya at halos mapugto ang hininga ni Syn dahil sa sobrang lapit.

"Good morning." Bulong nito at hinalikan ang kan'yang pisngi.

"Breakfast is ready."

Parang tumigil sa pag ikot ng mundo n'ya at napakurap kurap na lamang habang pinagmamasdan ang bulto ng asawang papalabas sa banyo.

Damn, I miss that morning kiss!

Nang makabawi ay agad n'yang pinagpatuloy ang kan'yang pagligo hanggang sa matapos, nagbihis s'ya at sinuklay ang nakalugay na buhok, naglagay s'ya ng kaunting lipstick at lumabas na sa silid.

Habang pababa sa hagdan ay rinig no Syn ang ingay ng mga kaibigan ni Marcus at kuya n'ya.

"Kuyaa!" Sigaw nya at sinalubong ito ng yakap, they are sweet to each other. Kahit hindi ito Halata ng iba pero ang pagsasamahan nilang magkapatid ang iba.

"Makayakap parang ilang taong hindi nagkita ah." Sambit ni Kael kaya agad na kumawala ang kapatid

"Ni hindi mo nga ako dinadalaw dito!" Nakasimangot na sagot ni Syn at mahinang hinampas ang braso nito.

Umiling iling lang ito at giniya s'ya patungo sa sa hapag kainan nadatnan nya si Marcus na seryosong nagbabasa ng newspaper kaya hindi nya ito pinansin habang ang kaibigan naman nito ay ngumiti sa kan'ya kaya gumanti rin s'ya ng ngiti, ngunit nagtaka s'ya ng agad na bumalik sa pagkain ang mga ito.

Lahat ng nakahain ang mukhang masasarap, mas lalong nagtubig ang bagang nya ng makita ang cookies na nakahain.

Mukhang masarap talaga!

Kumuha s'ya ng ng isang cookies at agad na sinubo, napangiti sya habang ninanamnam ang sarap nito ngunit napaangat s'ya ng kilay ng makitang sumilip si Marcus sa newspaper na hawak nito.

Tumikhim si Marcus, "do you like it?" Tanong nito, tinaasan nya lamang ito ng kilay at nagpatuloy sa pagkain. Para naman itong napahiya kaya binalik nito ang pansin sa binabasang newspaper.

"Ang sarap naman ng pagkakaluto mo Nay." Sambit ni Syn at muling kinagat ang pangalawang cookies na kinuha n'ya. Nanunuot sa bibig nito ang magkahalong linamnam ng gatas at tsokolate.

"Ah eh, anak si Marcus nagluto n'yan."

"Ano po bang niluto n'yo dito nay?" Tanong n'ya habang tinitignan ang ibang putahe.

"Wala akong niluto d'yan nak eh, mas maagang nagising ang asawa mo kesa sa akin." Kamot ulong sambit ni Nanay Rose.

"Ahh ganon ba, sige nay aalis na ako." Sambit nga at tumayo.

"Eh mag almusal ka muna iha, kagabi hindi ka rin nakakain. Nag aalala na ako sayo." Pinigilan sya nito pero pilit pa rin syang tumayo.

"Wag na nay, nawalan na ako ng GANA!" Nilingon nya si Marcus, nakayuko ito na parang walang naririnig.

"W-wife, kumain ka muna, baka—"

"Sa station na ako kakain." Iniangat nya ang kan'yang kilay  at tinalikuran ang hapag kainan.

"Syn." It's Kael.

"I'm sorry Kuya but I really need to go." She said.

"Sit!" He commanded.

Kuya please wag kang makigulo...

"Isang hakbang pa, Syn!"

Nakasimangot itong humarap sa hapag kainan at umupo.

"Eat." Agad na hinawakan ni Syn ang kutsara at tinidor.

Nakangiwi si Syn habang tinitingnan ang nakalagay na pagkain sa kan'yang harapan. taba, taba ng baboy. Alam nila na ayaw na ayaw ni Syn sa taba.

Nanadya ba ang mga 'to?!

Napalingon sya sa iba pang nakahanda sa mesa, agad na nagtubig ang kan'yang bagang ng makita ang salmon. Napalunok sya sa sariling laway saka sumandok ng salmon.

"Diba galit ka sa nagluto n'yan?" Tanong ng kuya nya kaya natigilan si Syn at hindi pinagpatuloy ang pagkuha, tahimik s'yang kumain kahit aminin nya sa kanyang sarili na ayaw n'ya talaga ng taba pero mas gusto nyang lunukin ang taba kaysa sa kanyang pride kaya habang ngumunguya ay napatitig s'ya sa salmon pinadadasal na tumalon ito patungo sa pinggan n'ya..

Napakurap kurap s'ya ng may lumagay sa plato n'ya ng salmon.

It's Marcus.

"I just realized you really hate fat." Nilagyan nito ng salmon ang pinggan n'ya. " and I assume you like this salmon."

"Buti naman naalala mo pa." Bulong n'ya at umirap sa hangin, ramdam nya ang pagtaas baba ng balikat ni Marcus.

"Ano yun Syn? Hindi ko narinig eh." Tanong ni Kael sa kan'ya kaya napakagat ba lamang sya ng kan'yang labi.

"Nothing." Tahimik silang kumain, walang gustong magsalita dahil sa awkward ng hangin.

"I'm done." Sambit ni Kael at umalis sa hapag kainan, sunod sunod din namang natapos sina Ashton, Bogart at Ryke. Silang dalawa na lamang ang natira, paminsan minsan ay nahuhuli ni Syn na nakatitig  sa kan'ya si Marcus.

"Tapos na ako, Nanay Rose kumain na din po kayo. Pakihatiran nalang si Nisha ng pagkain sa itaas, I'm sure late na 'yon magigising." Habilin ni Syn at umalis sa hapag.

"Wife, ihahatid kita." Presenta ni Marcus.

"No need Marcus, si Kuya na maghahatid sa akin." Sambit nya at naguhit sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Di'ba Kuya ko." Sambit nito at niyakap ang balikat ng kapatid, tumalikod ito sa kan'ya kaya napaangat ang kan'yang kilay.

Edi magtampo ka.

She walk towards the garage, limang sasakyan ang nakahilera pang anim ang sa kan'ya, lumapit s'ya sa isang SUV at binuksan ang pinto nito.

"Hey, kay Marcus yan." Suway sa kan'ya ni Kael.

Natigilan s'ya. "Eh saan ang kotse mo dito?"

Kael pointed the Ferrari, Hindi na masama, maganda rin naman. Para sa ano pa? Wala pa itong pamilya ni babaeng matipuhan, wala. Hindi n'ya alam kong pihikan ba talaga ito sa babae o sadyang naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon. Pero kaylan pa? Malapit na itong paglipasan ng panahon.

Habang nagmumuni ay saka na lamang nga namalayan na nasa loob na sya ng kotse ng kan'yang kuya at nagising ang diwa nya ng pag uga ng kotse.

"How long you will treat Marcus like that?" Panimula ni Kael kaya napakurap kurap s'ya.

"Treat like what?" She furrowed.

"Bakit ganyan ka Syn?" He stated.

"Ganyan? Ano?" Mas lalong kumunot ang noo nito. "Kuya hindi ko maintindihan mga pinagsasabi mo."

"You treat Marcus like a trash." She froze and look away, no one knows how she suffer without her husband. Kaya hindi nya masisisi ang sarili kong ganon nya ito tratohin.

"He deserved it." She whispered.

Matiim sya nitong tinitigan na may nangbabantang mga mata.

"Ang sama mo kay Marcus." Bulong nito at tinuon sa ang atensyon sa pagmamaneho.

"Wow ha, ako pa ang masama Kuya? Sino ba ang nang iwan sa ere? Alam mo ba kong anong pinagdaanan ko habang wala kayo, alam mo ba kong gaano kasakit ang mag isang ilibing ang sariling anak?" Muling gumuhit ang sakit sa kan'yang puso.

"No one knows my pain." Matigas n'yang sambit at marahas na pinalis ang luha.

Bakit ba hindi ito napapagod kakapatak, napapagod na s'yang umiyak at magmukhang mahina.

He sigh. " Hindi mo alam ang sakripisyo nya."

She chuckled and face him again.

"Wala akong balak alamin." Sambit nya at tinuon ang pansin sa bintana, tinatanaw ang mga matataas na building sa labas at pilit inaalis sa utak nya ang mga bagay na dumudurog sa puso nya

The car halted on the Police station parking lot, naunang bumaba si Kael at pinagbuksan sya ng pinto.

"Can you give him a chance?" He asked but she look away and kiss his cheek.

"Bye, salamat sa paghatid." She feel like she don't want to talk about it, her heart is not ready to answer it. Para pa rin itong pinipilas.

Tahimik s'yang naglakad patungo sa station, mabibigat ang yapag n'ya. "Hey!" Noah greeted her as she enter.

Sumaludo sa kan'ya ang ibang pulis at pinilit n'yang maging masigla sa pagsaludo nito pabalik.

"Nasa conference room na ang lahat." Tumango s'ya kay Klydrix at tungo sa conference room.

"Good morning everyone, sorry for being late. But bring me some good news about our case." She started, she wait for there response. But the whole conference room filled by quiet.

"Everyone? Any leads?"

"What the heck?! There's no improvement about this case?" She shouted out of control on her anger. Ayaw n'yang hindi sya pinapansin pag nagtatanong sya, ayaw n'yang nagmumukhang tanga.

"Wala namang improvement, nadagdagan lang ang patay na pulis." Singit ni Roland.

They all stood up salute to him.

"Who is the new victims?" Tanong ni Syn, wala s'yang natanggap na balita kagabi.

Binigyan sila ni Noah ng files sa pagbukas nya ay tumambad ang litrato ng tatlong pulis na may tama ng bala sa bawat noo.

Close range.

Hindi nawasak ang ulo ng mga biktima, patalandaan na malapitan ang pagbaril sa mga ito, muli n'yang siniyasat ang iba pang litrato. Mga pasa, paso, latay at basag na buto. Isa lang ang ibig sabihin, pinahirapan bago pinatay ang kasamahan nilang pulis.

"Malalang torture ang ginawala sa mga biktima," sambit ng malungkot na boses ni Noah.

"Kailangan kong makita ang katawan nila." Saad n'ya kaya nagkatitigan ang iba.

"Hindi pwede, hindi na sakop ng departamento natin ang pinangyarihan ng krimen." Sambit ni chief.

"Hawak naman natin ang kaso, di'ba?" Nagtatakang tanong ni Shaun, Marahang umiling si chief.

"Hindi, hinawakan ng kabilang departamento ang kaso." Sagot nito at mahigpit s'yang napahawak sa folder. Maaring ang kasong ito ay konektado sa kaso ni General Torres at sa isang military squad.

"Sargent Noah Claveria. Come with me in my office, everyone dismiss." He said and all of the police officers saluted him and he salute back, he walked into the door of the conference room. Sumunod si Noah sa kanya at sumunod silang lumabas.

"Hey Syn!" Nilingon ko si Klydrix, na naglalakad papalapit sa akin.

"May sasabihin—" natigilan sya ng may kumalambit sa bewang nya, it's S.P.O. 1 Divinigracia, isa sa mga tinuturing n'yang kaibigan sa loob ng departamento.

"Beng, may kailangan tayong pag-usapan."

"S.P.O.1 Divinigracia." May diin nitong tawag kay Melody kaya napaayos ito ng tayo. "Follow me." Utos ni Klydrix at nangunot ang noo nya sa inasta ng dalawa, ang mga weirdo nito. Napailing iling s'yang pumasok sa opisina nya, marahan s'yang napa upo at hinilot ang sintido.

Hindi n'ya pa rin alam kong anong susunod na mangyayari, sino ang susunod na magiging biktima. Pero isa ang sigurado sya  masisira palagi ang araw nya dahil sa kay Marcus. Palihim s'yang napangiting may mga masasayang alaala ang naglaro sa utak n'ya, kasama si Marcus at ang anak n'ya, si Nathan. Kaarawan yun ni Nathan a-at huling araw na nakasama nya ang anak nya. Napakagat sya sa ibabang labi habang pilit pinapakalma ang sarili. Dalawang taon na ang lumipas pero nadudurog pa rin ang puso habang naaalala ang pagkakataong iyon, parang isang bangungot na ayaw s'yang lubayan.

Pinilig nya ang kanyang ulo at kinuha ang files bago tinahak ang daan palabas ng opisina, nakasalubong nya si Melody at ibang pang babaeng pulis maiingay na naglalakad habang ang Iba ay abala sa pag aayos ng reports.

Kinapa ko ang phone ko and dial the number of Chief Roland.

"Hello?"

"Nahatid mo na sila? Pasensya hindi ako nakasama may bisita kasi akong hindi invited." Saad ko habang patuloy ang paglakad palabas.

"Nahatid ko naman sila ng maayos." Bulong nya sa kabilang linya.

"Good, by the way. Takpan amo ang butas na gagawin ko ngayong araw." Sambit nya at pinagay agad ang tawag.

Kahit walang kasiguraduhan kailangan nyang subukan, hindi pweding tumunganga lang sya sa opisina nya maghapon ng hindi kinikilos ang kasong hawak n'ya.

She stop walking when realization hit her.

Hindi ko pala dala ang kotse ko.

"Ma'am!" Hinihingal na huminto si Shaun sa harap n'ya.

"Ma'am, sasama ako." Hingal nitong sambit.

"Tsk! May kotse ka?" Tumango ito at pinakita sa kan'ya ang hawak nitong susi.

Inagaw nya ang susi na hawak nito at naunang naglakad patungo sa parking lot, nang makita ang kotse ng binata ay agad nya itong binuksan at pumasok.

"Ma'am, action ba ang pupuntahan natin." Saad nito habang papasok sa kotse.

"Ulol kukuha lang tayo ng ebedinsya." Anang inis n'yang boses.

"Diba pinagbawalan tayong makialam sa kaso—"  I'm a rule breaker

"Kilala mo ako, Hindi ako sumusunod sa utos." Nakangising sambit nya at binuhay ang makina ng kotse.

Narinig nya ang mahina nitong pagtawa.
"Saan tayo Ma'a—"

"Call me Syn, nakakainis ka pakinggan kaka ma'am ma'am mo eh!" Natawa ito dahil sa sinabi ni Syn.

"Saan ba tayo?" Muling tanong nito.

"Sa morgue." Sambit nya at nakita nya ang paglunok nito ng sariling laway pero hindi nya ito pinansin sa halip ay pinaharorot nya ang kotse patungo sa morgue.

Mabilis ang maging pagkilos n'ya, bumaba sya sa kotse at tumungo sa loob ng morgue. Hindi na nya nahintay si Shaun.

"Anong kaylangan nila?" Tanong ng may edad na babaeng naka lab gown habang nagsusuot ng gloves.

"Gusto kong makita ang mga katawan ng tatlong pulis." Tumitig ito sa kay Syn na parang nagdadalawang isip sa isasagot  nya, kaya kinuha n'ya sa kanyang bulsa ang kan'yang pitaka.

"Ah.. eh." Pinakita nya ang kan'yang tsapa kaya napalunok ang babae at agad na tumalima.

"Dito ho ma'am." Nauna itong naglakad kaya sumunod sya sa babae nang nasa harap na sya ng pinto ay napalingon sya ng may humawak sa balikat n'ya.

"Papasok ka?" Inis n'ya itong tinitigan.

"Hindi Shaun, lalabas ako." Singhal nya dahil sa inis.

"I-ikaw nalang mag isa." Winaksi ni Syn ang kamay nito.

"Niyaya ba kita?" Sarkastiko n'yang tanong habang nakaangat ang kilay.

"Takot kasi ako sa patay." Nakayukong bulong ni Shaun, napaismid si Syn habang pinipigilan na matawa.

"Paano ka nakapasa sa pagiging pulis?" Tanong ni Syn, " di'ba papasok tayo sa morgue mag isa para kumuha ng finger print ng isang patay?" May panunudyo itong ngumisi.

"Nagawa ko naman, m-muntik lang akong maihi sa pantalon ko." Nahihiya nitong sagot.

"Sige.. dito ka nalang, pulis na takot sa patay." Ngising aso  na sambit ni Syn.

Pumasok sya sa morgue at sumalubong sa kan'ya ang hubad na katawan ng tatlong biktima, napasinghap s'ya ng makita ang sinapit ng tatlong pulis.

"Ito po sila Ma'am." Sambit ng matanda at tinuro ang mga ito.

"Hinatid sila dito kaninang madaling araw. Matapos silang suriin ng mga doctor. Bali ang tadyang ng dalawa at basag naman ang bungo ng isa." Saad nito at nilahad kay Syn ang isang pares ng gloves.

Lumapit s'ya sa tatlo habang sinusuot ang gloves, umagaw sa pansin nya ang limang marka sa ulo nila. Limang paso ng sigarilyo na kong ipagkokonekta ay isang letrang 'M'. Sinipat nya ang balikat ng isa sa pulis, hindi s'ya nabigo nakita nga nya ang letrang 'K' na sulat naman ng isang uri ng dagger.

"Nagtataka din ako kong bakit may mga marka silang tatlo." Napalingon sya sa matanda.

"Pero sigurado akong... Malaki ang galit Ng may gawa n'yan sa kanila." Dugtong ng matanda at napayukom sya ng kan'yang kamao.

Kahit ano pang kasalanan nila, hindi nila dapat maranasan ang ganoong pahirap.

Napabuga si Syn ng hangin at hinubad ang suot na gloves, nanginginig ang tuhod n'ya habang naglalakad palabas sa pinto. Napahawak s'ya sa hamba ng pinto ng maramdaman ang pag ikot ng kan'yang paningin.

"May problima po b—" napahawak s'ya sa kanyang sintido habang nararamdaman ang matinding pagkahilo, nahihirapan s'yang huminga dahilan para manlambot ang buo n'yang katawan.

"Ma'am!" Rinig n'yang sigaw ni Shaun bago nawalan ng malay.

NAGISING s'ya dahil sa kamay na humihindot sa pisngi n'ya, inis nya itong tinapik.

"Oh, buti naman nagising ka pa," nakangising saad nito.

"Akala ko hindi takot sa patay, pero hinimatay." Inirapan nya ito at umayos ng upo.

"Mas mabuti pa rin yun kisa sa hindi daw takot mamatay pero takot sa patay." Nawala ang ngisi nito dahil sa sinabi n'ya

"Ma'am naman satin satin nalang yun." Inis na sambit ng binata

"Saan na ba tayo?" Takang tanong ko.

"Nasa harap na tayo ng isang restaurant, kanina pa ako nagugutom pero hindi naman kita pweding iwan dito mag isa sa kotse." Nakangusong sambit nito.

"Lalo na't wala akong dalang pera." Dagdag nito kaya akmang babatukan nya ito pero natatawang umatras ang binata.

Nangunot ang noo n'ya nang makitang madilim na ang paligid. "Anim na oras Kang tulog." Ani nito at napatango tango s'ya.

"Baka buntis ka Ma'am." Binalingan n'ya ito ng masamang tingin.

Paano mabubuntis eh kakauwi lang ng asawa ko, lokong to.

"Tara na nga lang, gutom na ako." Sambit nito at mabilis na naglakad.

"Libre mo'ko ha."

Bahagyang tumaas ang kaliwang bahagi ng labi n'ya.

"Ayoko nga, bahala ka jan magutom kang bata ka." Anang nangaasar na boses ni Syn.

"Ma'am naman parang hindi kabaro." Papadyak padyak nitong sambit.

Tumawa nalang ako at hinila sya papasok sa restaurant. Agad kaming umupo sa sa bakanting Mesa.

"Ikaw na ang pumili tutal matakaw Ka naman." Sambit n'ya at binigay sa binata ang menu.

"Ang pogi nya friend."

"Sayang mukhang girlfriend nya yata ang kasama nya." Nangunot ang noo nya sa narinig muka sa kabilang mesa.

"Yuck! Parang hindi sila magka edad ha."

Kumulo ang dugo n'ya at nilingon ang mga kababaehan sa likuran.

"Hindi ko boyfriend 'to miss." May diin n'yang sabi habang tinuturo si Shaun, may etsura naman si Shaun. May matangos at perpektong ilong, maninipis at mapupulang labi, maganda at mapupungay na mata pero malabong magustuhan nya ito.

Lalo na at parang alikabok lang ito pagkatabi si Marcus, he is gorgeous that even an angel will commit a sin just to got him.

"Pwede nyo sang landiin." Dugtong n'ya dahilan para magtilian ang mga ito sabay lapit sa kinauupuan ni Shaun.

"Pogi, pwedeng mahingi number mo?"

"Daddy, pwede ka ba bukas." Natawa s'ya sa reaksyon ni Shaun, para itong berhin na napapalibutan ng mga babaeng makasalanan.

"Papa, game ka ba sa damuhan—"

"Punyeta! Umalis kayo gutom ako!" Inis na sigaw ni Shaun kaya nilingon sila ng mga tao sa loob ng restaurant, nagsialisan ang mga babae at nagmamadali ang waiter sa paghatid ng ini order nila. Pailing-iling ang tumawa dahil sa kahihiyang ginawa nito.

"Pasta at fried chicken?" Kunot noong nakatitig ito sa pagkain.

"Soup nyo po." Bahabol ng waiter.

"Enjoy your dinner Ma'am, sir." Magalang nitong sabi bago umalis.

"Kain kana." Sambit nito habang puno ang bunganga ng pagkain.

"Halatang walang tanghalian ah." Natatawa n'yang sambit bago kinuha ang mangkok.

Amoy pa lang natutubig na ang bagang n'ya, kailangan n'yang bumawi ng lakas. Mukhang sobra sobrang stress ang naramdaman nya kaya sya hinimatay.

Tahimik at masaya s'yang kumakain ng may umubo sa harap n'ya, napaangat sya ng tingin at nakita nya si Shaun na namumula habang hampas hampas ang dibdib nito. Mabilis pa sa alas kwatro nyang inabotan ng tubig ang binata.

"Muntik na ako dun." Nakahinga ito ng maluwag.

"Buti nalang hindi ka natuluyan, nakakahiya naman kong ang nakalagay sa cause of death mo ay katakawan." Sambit n'ya kaya mahina itong natawa.

Pagkatapos nilang kumain ay agad na binayaran ni Syn ang kanilang bill.

"Hoy bilisan mo, baka hinahanap na ako ni mama sa bahay." Sambit nito habang hinihila sya palabas.

"Teka lang, sasabog yata ang tyan ko." Reklamo nya kaha binitawan nito ang kamay ko at naglakad kasabay nya.

"Mama's boy ka pala." Umiling ito.

"Wala lang kasi s'yang kasama sa bahay."  Malungkot ang mukha nito.

"Tara na, wag kang babagal bagal d'yan baka nag aalala na ang mama mo." S'ya na ang humila sa binata, alam ni Syn ang pakiramdam ng inang nag aalala kaya nang makarating sila sa kotse ay hinayaan nya itong magmaneho.

Tahimik na nagmaneho si Shaun hanggang sa makarating sila sa bahay ni Syn, huminto ito sa harap ng gate at agad naman s'yang bumaba.

"Sa uulitin yung libre Ma'am." Natawa s'ya sa sinabi nito, pinagbuksan sya ng guwardya at agad s'yang pumasok, napasilip sya sa kan'yang relo at nakahinga ng maluwag ng makitang alas otso pa lang ng gabi.

"You should call me to fetch you." Napalukso ang puso nya sa kaba ng makita nya si Marcus na nakaupo sa sofa, may hawak na baso ang kamay nito na may nakasukbit na sigarilyo.

"Paano kita tatawagan e,  wala akong number mo?" Pilit n'yang tinatago ang kanyang nararamdaman

"You can call Kael." He said and stood up. He slowly walk closer to her.

Nagseselos ka ba—" he cut her off.

"I never want to see you get out of another man's car again." Tagis bagang nitong sambit at halos hindi sya makahinga dahil sa sobrang lapit nito nalalanghap nya ang amoy ng alak na nagmumula sa hininga nito.

"May magagawa ka ba kung hindi ako susunod?" Tinitigan nya ang mata ng asawang nagliliyab sa inis pero nanlambot ito ng dumako ang tingin nito sa labi nya, parang nanuyo ang lalamunan n'ya sa nakakasakit na pagtingin ni Marcus, he roll his tongue on his lip and press it against her lips.

Napangisi ito ng makitang halos hindi sya makagalaw sa kinatatayuan.

"I'll bring you to bed and fuck you as a punishment."

That was a threat and he is not joking.

                    MaeReinStylus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top