Chapter 40
"Ano ba, Marcus! Bumangon ka na diyan!" Iritable ang boses ni Syn habang pilit na ginisiging ang asawa. Hindi siya makatulog dahil may hinahanap na gustong inumin ang lalamunin niya, hindi tubig ang hinahanap ng lalamunan niya. Kanina niya pa ginising ang asawa, alam niyang pagod ito sa pag-aasikaso sa kompanya nito at sa lilipatan nilang bahay sa Isla dahil binago nito lahat s bahay.
"Hmm? Wife? Anong oras na ba?" Mahinahon nitong tanong habang pilit nilalabanan ang antok. Napalingon siya sa orasan at napakagat labi siya ng makitang ala-una pa lamang ng gabi.
"Parang gusto ko ng buko." Sambit niya habang hinihimas ang apat na buwang tiyan. Nakangiti itong bumangon saka hinalikan siya sa noo.
"Ilan ba ang gusto mo?" Tanong nito habang kinukusot ang mga mata.
"Dalawang magkadikit na buko at dapat pink ang coconut husk nun." Inis niyang sambit, hindi niya alam kong ano bang kinakainis niya pero inis na inis siya sa asawa ng makita itong natigilan.
"Meron bang ganon?" Nagtatakang tanong nito.
Sinipa niya ito dahilan para malaglag ito sa kama. "Oo, nakita ko sa TikTok habang pinapakita ang laman ng niyog at saka hanapan mo rin ako ng papaya na walang buto. Wag ka ng magtanong kong meron ding ganon dahil nakita ko rin sa TikTok na may ganon!" Asik niya at masama ang tingin sa asawa.
"Dapat talaga nilalayo sa gadget tong mga buntis eh, kong ano-anong nakikita." Halos umusok ang ilong niya sa narinig.
"Anong sabi mo?!" Parang yumanig ang buong paligid sa lakas ng boses niya. Nataranta si Marcus at agad na lumapit sa kaniya.
"I'll call anyone the could find that kind of fruits. Just don't shout, natutulog pa ang mga tao sa bahay." Sinapo ni Marcus ang mukha niya at hinalikan siya sa noo, natigilan siya ng maramdaman na tinangay ng halik na iyon ang inis niya sa katawan.
"Kanina pa ako natatakam." Napanguso siya. "Sorry... Hormones siguro."
Bumuntong hininga na lamang ang asawa at halata sa mukha nito ang pagod pero kita niya rin kong paano ni Marcus isinantabi iyon, tinungo nito ang cabinet kasabay kuha ng cellphone agad rin itong bumalik sa kaniyang tabi, may tinipa ito sa hawak nitong phone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan.
"Hello? What the heck, Marcus! It's god damn one AM! " Rinig ni Syn sa boses ng sa kabilang linya, halatang na antala ang tulog nito sa pagtawag.
Tinitigan siya ng asawa na may hiya sa mga mata, bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"Theo, I need a twin coconut..." Nilingon siya nito. " Na pink ang coconut husk." Dugtong niya ng makitang may pagdadalawang isip sa mata ng asawa. "And seedless papaya." Dugtong ni Marcus habang kagat labi na hinihintay ang sagot ng kaniyang kausap.
"Para kay Syn?" Tanong ni Theo mula sa kabilang linya.
"Yes, deliver it as soon as possible." Humikab ito at pagbagsak na nahiga sa kama.
"Just give me an hour to deliver those food." Sambit nito.
"Ahmm, Theo." Agap ni Syn. "Dagdagan mo na rin ng saging na magkadikit." Kagat labi niyang tinitigan ang cellphone habang hinihintay ang magiging sagot ng kaibigan.
Bumuntong hininga ito. "Basta ba Ninong ako. Walang aberya."
"Sige, bilisan mo at nag-aamok na ang inaanak mo." She chuckle. Parang lahat ng kaibigan o kakilala ko gustong maging Ninong o Ninang.
Tinapos ni Syn ang tawag at nilingon si Marcus na nakahiga sa kaniyang tabi halatang nilalabanan ang antok.
"‘Wag mo akong tulog-tulogan jan, nong ginawa natin to halos hindi ako makatulog! Nauuhaw ako kanina pa." Dumilat ang isang mata ni Marcus kasabay na nauwi sa ngisi ang puyat nitong mukha.
Bumangon ito at hinalikan ang kaniyang noo. "Kukuha lang ako ng tubig babalik rin ako kaagad." Bumangon ito, tinungo ang pinto para kumuha ng tubig sa baba.
Humiga siya sa kama habang titig na titig sa kisame dahil may ediyang pumasok sa isip niya. Gusto niya nang pandesal, bumangon siya para hintayin ang asawa at hindi naman ito nagtagal sa kusina dahil agad na nakabalik.
"Mahal?" Malambing na tawag niya rito kaya kunot noo itong lumingon sa kaniya.
"Yes, Wifey?"
"Strip off while you're dancing." Mas lalong lumalim ang gatla ng noo nito sa sinabi niya.
"Huh?"
Inabot niya ang kaniyang phone at humanap ng kanta. Napangisi siya ng makita ang kantang Mr. Suave.
"Sayawan mo ako habang naghihintay ng prutas na gusto ko." Pinagkrus niya ang kamay sa dibdib. "Yun ang craving ko sa ngayon."
Natawa ito at napailing-iling sa sinabi niya. "From husband to striper huh?" Tumawa ito sabay salin ng tubig sa baso, lumapit ito sa kaniya at hinuli nito ang kaniyang mata. Malagkit at mapang-akit itong nakatitig sa kaniya kasabay inom ng tubig, hindi niya alam kong sinadya nito ang tapunan nito ng tubig ang damit bago inabot sa kaniya ang natitirang tubig sa baso. Tinitigan niya ito ng masama pero nanatili sa mukha nito ang ngisi kaya pumikit siya para inomin ang tubig na natira sa kaniyang baso.
Ako si Mr. Suave. Ohhh grabe
Habulin ng babae, araw man o gabe
Tumawa siya ng marinig na ang churos ng kanta ngunit gulat siyang napadilat ng maramdaman niya ang dalawang kamay na nakahawak sa kaniyang mga paa. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata ng makita na wala ng damit si Marcus. He was looking at her intently while moving his hips erotically.
"Oo ako si Mr. Suave," ngumisi ito ng makita kong gaano siya kagulat. "Oohhh grabe." Sabay nito sa kanta at pinakawalan ang kaniyang paa kasabay himas sa sariling katawan nito. Mula sa malabato nitong abs patungo sa dibdib nito. He teasingly licks his lips and moves his body seductively. "Hayup kung dumiskarte
Wala silang masabi."
God, my husband is a kind of striper that can make girls scream for more.
He moves like he has accompaniment to the song. Hindi kayang magsalita ni Syn habang nanunuyo ang kalamnan niya dahil halos hindi niya mabawi ang mga mata sa katawan ng asawa. His body is well-toned, the muscles are in the right place, firm and yummy.
Yummy? Ngayon ko lang na-realise to?
"Kaya't wag kanang malungkot." Lumuhod ito sa harap niya habang umaaktong bumabayo. "Problema'y ibaon sa limot." Dugtong nito habang kagat ang ibabang labi. "Pagka't nandito lang ako. Umiibig sa'yo." Gumiling ito na parang may malaking sasahurin sa pagssayaw lamang sa harapan niya. Tinaas nito ang dalawang kamay sa erena nagbigay diin sa malalaki nitong braso. Gustong natawa ni Syn habang nakikita ang kili-kili nitong malakagubatan.
"Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy!" Binaba nito ang kamay. Pinagkrus ang dalawang bulsuhan habang kagat ang ibabang labi kasabay kaldag nito nga ilang beses dahilan para hindi na mapigilan ni Syn ang bumitaw ng malakas na tawa.
"Ang aga aga niyo mga anak." Napalingon sila sa pinto kong saan nanggaling ang boses na iyon kaya pareho silang napasinghap ng makita ang nakangisi na matanda na nakadungaw sa pinto.
"Nay Rose, nanggugulat po kayo." Sambit ni Syn. Yumuko siya para itago ang pag-init ng mukha at marahas na tinaponan ng kumot ang asawang walang damit.
Rinig niya ang mahinang pagtawag ni Marcus bago siya nilapitan at hinalikan sa ulo. "Narinig ko na yung chopper ni Theo, baka nasa baba na yung mga prutas mo." Nilahad nito ang kamay. "Baba na tayo?"
Nahihiya man ay tinanggap niya ang kamay ng asawa, inalalayan siya nitong makatayo na para bang ano mang oras ay mababasag siya. Marcus is not as cruel a cruel member of that organization but as a good husband and caring father.
Marahan ang bawat hakbang nila nang madaanan nilang dalawang ang mapanuksong titig ni Nanay Rose sa kanilang dalawa, walang nagawa si Syn kundi ang itago ang mukha sa balikat ng asawa.
It's funny how her pregnancy cravings make her do silly things to his husband. At hindi man lang siya nito nagawang pagalitan sa pinagawa niya.
Tahimik silang naglalalad pababa sa hagdan at paminsan-minsan ay hinahaplos nito ang kamay niya o di kaya ay dadalhin sa bibig sabay gawad ng lamanbing na halik. Palihim siyang napangiti, mula ng matapos ng kaso ng anak ay mas lalong nagkaroon sila ng panahon sa isa't isa na nabibigay kasiyahan sa kaniyang puso.
Masyado ring maalaga ang asawa niya sa kaniya ngunit napabuntong hininga siya ng rumehistro sa isip niya si Krunox. Umuwi na ito sa sarili nitong bahay matapos tuluyang gumaling, maayos naman itong nagpaalam sa kanilang lahat pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nabasa niya sa mga mata nito. Puro pangungulila at parang nauupos na kandila sa ginta ng kadiliman, minsan niya na ring naramdaman iyon at alam niya na mahirap malunod sa ganong pakiramdam.
Pakiramdam na parang kakamuhian mo ang mundo dahil parang walang may nagmamahal sayo.
"Magandang umaga naman sa inyo kamahalan, pasensya na kong naantala ko ang inyong pagtulog. Narito na po ang mga prutas na gusto niyo." Nagising siya sa pagmuni-muni ng marinig ang sarkastikong boses ng kong sino. Hindi niya na namalayan na nasa sala na pala sila, salamat sa alalay Marcus at hindi siya nahulog dahil sa lalim ng kaniyang iniisip.
Matalim niya itong tinitigan ngunit tinangay iyon ng marahan na hinaplos ni Marcus ang kaniyang kamay. Inalis niya ang mga mata kay Theo at nahagip ng kaniyang mata ang kahon ng iba't ibang uri ng prutas na hindi naman niya hiningi.
"Nagdala na rin ako ng iba, baka gusto mong kumain ng mangosteen, melon o mangga. Marami diyan kase ng malaman ng taga-isla na naglilihi ka ay nagpadala rin sila ng makakain mo." Sambit ni Theo habang kinusukot ang kaliwang mata.
"Thanks, Man. You can stay here so you can rest." Sambit ni Marcus saka tumango ito sabay hakbang patungo sa ikalawang palapag ng bahay.
"May ibang tao pa pala sa Isla? Bakit hindi mo man lang ako pinakilala sa kanila?" May halong pagtatampo ang boses niya dahil totoo rin naman na hindi siya napakilala ng asawa sa mga taga Isla ang tanging mga kilala niya lang roon ay ang nakasalamuha niya.
"Maraming taga-baryo ng binili ko yun, hindi tayo nakaluwas sa baryo noong nagbakasyon tayo kaya hindi kita napakilala." Mas ngumuso lalo si Syn sa narinig. "Pero kapag doon na tayo tumira, ipapakilala kita sa lahat." Agap ni Marcus kaya agad nauwi sa ngiti ang pagnguso nito.
"Ayan na yung box ng niyog oh, balatan mo na kasi ihahalo ko sa papaya." Pinikit niya ang kaniyang mga mata habang iniisip kong paano nanamnamin ang sarap ng magkahalong papaya at niyog.
Nang bitawan ng asawa ang kamay niya ay agad na lumapit sa box ng niyog at hinanap nito kong may magkakambal ba para naman itong nakahinga ng maluwag ng makita ang magkadikit na niyog. Hindi niya na ito pinatuonan ng pansin, lumapit siya sa kahon ng mga papaya at nanubig ang kaniyang bagang ng makita ang isang papaya na makinis ang balat. It stand out. Agad niya itong dinampot saka tumungo sa kusina para balatan iyon.
Kumuha siya ng kutsilyo habang hinuhugasan ang papaya matapos ay parihaba niya itong hiniwa at gusto niyang maiyak sa tuwa ng makitang wala nga ito ni isang buto sa loob. Bahagya siyang yumuko para amuyin ito na mas lalong nagpatuwa sa kaniya ang nakakatakan nitong amoy.
"Swerte ang buntis ngayon..." Bulong niya na may tuno pa itong kumakanta ng swerte ang buntis ngayon at sinasabayan niya paa ito ng pagsayaw. Narinig niya ang pagpasok ng asawa pero hindi niya ito tinapunan ng tingin, pinagpatuloy niya ang paghiwa parang may kinuha ito sa isang cabinet.
"Wifey, your buko is ready." Paalam ni Marcus sa kaniya sakto namang natapos niya ang paghiwa ng papaya, nilagay niya sa basurahan ang balat nito bago kinuha ang mangkok.
Hindi pa man nakakalapit ay mas lalong lumaki ang kaniyang ngiti sa labi ng makitang kinurting puso nito ang niyog. Namula ang kaniyang pisngi dahil sa pagiging maeffort ng asawa.
"Hahaluan ba natin ng gatas?" Agad siyang umiling.
Tumango lamang nito habang pinanood siyang ipaghalo ang prutas. Nagkulay kahel ang tubig ng niyog dahil sa papaya.
"Hindi kaya sasakit ang tiyan niyan?" Kita niya ang paglunok nito ng sariling laway.
"Hindi naman siguro." Sumandok siya at agad na tinikman.
"Ang sarap!" Tili niya at hinalikan ang noo ni Marcus, bahagya itong natigilan kaya magana siyang kumain.
"Pwedi ka ng matulog, alam kong pagod ka." Sambit niya pero nagkibit-balikat ito.
"Nawala na yong antok ko, hihintayin nalang kita." Nakangiting sambit ni Marcus. "Tapos yakapin mo ako ng mahigpit."
HINDI maiwasan ni Syn na mapabuntong hininga habang nasa harapan ng departamento, sa pangalawang pagkakataon ay binitawan niya ang trabahong gusto niya para sa anak. Hinimas niya ang kaniyang tiyan bago napangiti. Para sa anak ko...
"Good morning, Lieutenant." Shaun saluted at her. Bumagsak sa kaniyang tiyan ang mata nito bago namilog ang mga 'yon. Sumaludo siya pabalik at sa pagbaba niya ng kaniyang kamay ay hinimas niya muli ang tiyan.
"Nandito si Chef?" Tanong niya at agad rin itong tumango, hindi na siya nagtangkang maipaliwanag rito kahit alam niyang nabigla ito.
Seryoso niyang naglakad papasok sa departamento at gaya ng palaging nangyayare sa tuwing papasok siya ay pinagtitinginan siya ng mga kasamahan pero sa pagkakataong ito ay gulat ang ekpresyon ng mga mata nito. Pero wala siyang sinayang na pagkakataon dahil pagkatapos rito pupunta siyang ospital para sa ultrasound, sinasamantala niyang busy si Marcus dahil may kutob siya sa anim na buwang tiyan dahil hindi ordinaryo ang laki nito.
Sa bawat nakakasalubong niya at sumasaludo sa kaniya ay natitigilan sa tuwing nakikita ang kaniyang tiyan. Huminto siya harap ng pinto bago kumatok ng tatlong ulit.
"Pasok..."
Pinihit niya ang pinto, pumasok at agad na sinarado rin iyon. Nakangiting sumaludo siya rito kaya sumaludo rin ito sa kaniya.
"Itutuloy mo talaga?" Nilahad nito ang kamay sa upuan kaya lumapit siya rito at umupo.
"Mas pipiliin kong alagaan ang anak ko." Sambit niya bago nilabas ang isang papel. Resignation letter.
Tumango-tango ito bago tinanggap ang papel. "Kung iyan ang gusto mo."
"Salamat..." Sambit ni Syn kaya natigilan ito. "I know that I wouldn't be a Lieutenant of this Department without you." Halos pabulong niyang sabi. Alam niyang alam nito ang tinutukoy niya, ang tanging lihim nilang dalawa.
Dati man siyang pulis bago pa namatay ang anak niya pero hindi pa rin patas na pagbalik niya sa serbisyo ay mananatili pa rin siya sa posisyong iniwanan niya. But in order to have the justice of my son, I pulled some string to be in this position again.
"Asus, parang hindi ka talaga malapit sa akin ang batang ito." Panunuya nito sa kaniya
"Pero ang trabaho natin ay labas sa personal nating buhay."
"Para saan pa? Ang importante nakuha mo na ang hustisyang gusto mo." Sambit nito kaya tumango tango na lamang siya.
"Ilang buwan na yan?" Tanong nito.
"Anim." Nakangiti niyang sambit at hinimas iyon.
Marami pa itong tinanong sa kaniya at magalang niyang sinagot ang bagat tanong nito hanggang sa nagpaalam siya, sa huling pagkakataon ay sumaludo siya rito at hinatid siya nito hanggang pintuan. Ngunit natigilan siya ng marinig ang bulungan mula sa labas pati na rin ang maraming yapag, baka busy lang ang mga tao.
Pinihit niya ang pinto at... "Congratulation!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito at pag-ingay ng torotot, sinundan niya ang ingay na iyon kaya nakita niya sina Noah, Klydrix at Shaun. Tig-iisa ng torotot habang hinihipan na parang wala ng bukas.
"At tuwang tuwa pa kayo na nag-resign ako?" Nakapameywang niyang tanong sa mga ito dahilan para magtawanan ang lahat.
"Sining hindi matutuwa kong wala ng mambabatok sa akin dito pagnagkamali?" Sigaw ni Shaun kaya nagsigawan ang lahat.
"Tatawagan ka nalang namin kapag may ipapaturtore kami sayo." Sabat naman ni Noah.
"Ano kayo? Hello?" Inis niyang tanong kaya muling tumawa ang mga ito at hindi niya maiwasang sumabay sa tawa. Kahit kailan talaga ay loko-loko pa rin itong mga pulis na ito. Kailan pa kaya magbabago ang mga ugok na to?
"Be a good mother, Lieutenant." Sambit ni Melody at sumaludo sa kaniya kaya natigilan siya. Humaplos ang kasiyahan sa kaniyang puso ng makitang sumaludo sa kaniya lahat ng officers. They respect me, kung may isang bagay man na mananatili sa pag-alis niya rito ay ang respito na pinakita at pinadama sa kaniya ng kapwa pulis habang nasa serbisyo siya pati na rin ngayon.
"Parang naging Nanay na kita noong baguhan pa lang ako, tinuruan kong paano hindi mamatay sa ganitong trabaho." Si Shaun iyon at kahit alam niyang seryoso ito ay parang natatae siya para pigilan ang tawa. "Kaya ito ako ngayon, baguhan pa rin." Nabitawan niya na ang kaniyang tawa dahil sa hauling sinambit nito.
"Wala ka talagang natutuhan." Usal niya.
"Ang importante ay hindi ako namatay." May pagmamalaki nitong sabi.
"Salamat, pag-iisipan ko pa kong iimbitahan ko kayo sa gender reveal ng anak ko." Sambit niya at hinaplos ang tiyan.
"Ang sama!"
"Ang daya naman ng pag-iisipan pa!"
"Si Lieutenant talaga!" Reklamo ng mga ito kaya naman natawa siya.
"Wala pa lang gender reveal na mangyayare para surprised birth pero sa binyag ang sigurado." Anunsyo niya kaya naghiyawan ang mga ito.
Kinulit pa siya ng nga ito bago siya nagpaalam para dumeritso sa ospital. May malaking ngiti siya sa labi ng makaalis sa departmento lalo na at malakas talaga na hindi iisa ang nasa kaniyang sinapupunan at wala siyang pinagsabihan dahil gusto niyang masupresa ang asawa. Nakangiting nakaharap siya sa malaking gusali, ang ospital kong saan niya kikitain kaniyang obygine.
"Kapit lang mga anak, gugulatin pa natin ang Taytay niyo." Bulong niya
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top