Chapter 39

Parang mabunutan ng tinik sa dibdib si Syn nang madaling naging maayos na ang kalagayan ng magkapatid at mabilis naghilom ang mga sugat ng mga ito. Noong nakaraang araw pa sila nakalabas sa hospital at napagkasunduan nilang titira kasama nila si Krunox dahil Malaki naman ang bahay para sa kanila.

"May iniisip ka na naman." Bulong ni Marcus habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. Magkatabi sila ng asawa at halata sa boses nito ang antok.

Sa halip na sumagot at napangiwi si Syn ng maramdaman niya ang pagkasungkal ng kaniyang sikmura, inalis niya ang pagkakayakap ni Marcus at pinipigilan  ang sarili masuka habang tumakbo patungo sa banyo.

"Ayos ka lang ba talaga? Kahapon ka pa ganyan." Haplos-haplos nito ang kaniyang likuran. "Pinag-aalala mo na ako."

Nagmumumog si Syn at nakangiting hinarap ang asawa. "Ayos lang ako. " Matamis nitong sambit at niyakap ang asawa.

"Sigurado ka ba?" Tumango siya ang inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa ang niyakap ito ng mahigpit.

"Sa kama muna tayo." Bulong niya sa asawa.

Ramdam niya ang pagngisi nito. "I like that." Kunurot niya ang tagiliran nito pero sa halip na uminda ay tumawa lamang ito sabay buhay sa kaniya patungong kama.

Magkayap pa rin silang dalawa habang nakahiga sa kama. Siniksik ni Syn ang katawan sa asawa, natatakot siya lalo na at pupunta ito sa headquarter ng organisasyon para akuin ang paglabag sa polisiya.

"Paano kong wag nalang kayong pumunta sa headquarter ngayon? Hindi naman nila malalaman na sinabi mo sa akin ang totoo dahil tayong dalawa lang naman ang nasa silid ng kwarto noon." At sa wakas ang tumakas na rin ang salitang kanina niya pa pinipigilan.

Mahinang tumawa si Marcus, kumalas ito sa pagkakayakap at sinapo ang kaniyang mukha. "Walks has ears, Wife. Hindi ginawa ang organisasyon para basta-basta lang ipagsabi sa iba." Tinitigan siya nito sa mga mata. " Hindi ko ugali na takbuhan ang gulo na sinimulan ko."

"Talaga ba?" Pambabara ni Syn sa asawa at sabay silang natawa.

Pero natigilan siya ng sinalat ni Marcus ang kaniyang noo. Kahapon pa to ganito.

"Namumutla ka.." Bulong nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Ayos lang ako..." Agad niyang sambit. I was plotting a surprise, alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ako.

"We should go to the doctor first, para masigurado ang lagay mo—" naputol ang iba pang sasabihin ni Marcus nang marinig nilang pareho ang pagkatok mula sa pinto.

"Marcus." It was Kael. "The organization—" hindi na pinatapos ni Marcus ang sasabihin nito.

"Danm!" Bumalikwas ito ng bangon at mabilis na binuksan ang pinto.

Mabilis ang naging pagkilos ni Marcus para bumaba kaya may kong anong kirot siyang naramdaman ng hindi man lang siya nito inalalayan.

Maybe I was so used to being pampered by him?

Kuwestyon niya sa sariling nararamdaman.

Marahan siyang bumangon sa kama at hindi pa man nakakalabas sa pinto ay nagulat siya ng masalubong ang asawa.

"I'm sorry.." hingi nito ng tawad at mabilis siyang pinangko habang malalaki ang hakbang pababa sa hagdan.

"Kapag ako nalaglag, bubusalan talaga kita!" Sigaw ni Syn habang mahigpit ang kapit sa leeg ng asawa.

"Dahan-dahan lang—" hindi natuloy ni Syn ang pagbulyaw sa asawa ng mahagip ng mata niya ang higit isang dosenang kalalakihan sa sala ng kanilang bahay at lahat ng mga ito ay nakapormal na pananamit.

Mas mukha pa silang negosyante kaysa myembro ng isang organisasyon.

Hindi niya namalayan na nakarating na sila sa sala dahil napako ang kaniyang mga mata sa mga lalaking makikisig ang katawan.

"Wife, they are the—"

"I know." Putol niya sa sasabihin ng asawa. Natigilan si Marcus ng maramdaman niya ang pagbuhat ng presinsya ng buong paligid.

"Good day, Madam."  The man in front greeted her.

Ngumiti siya. "It's not to me, shut it." Malumanay ngunit may diin niyang sabi.

"Nandito kami para pormal na kunin ang asawa mo—"

"Kunin niyo na." Utos niya sa mga ito at agad namang pumalag ang asawa.

"Wife.." he hissed. "Bakit parang pinamimigay mo lang ako na parang isa basahan?" Ngumuso ito.

Inirapan niya lang ito at muling hinarap ang mga lalaki. "Kinuha niyo siyang humihinga at iuuwi niyo siyang humihinga." Nilapitan niya ang asawa at hinawakan sa braso. "I will miss you." Bulong niya at tinulak ito papalapit sa mga lalaki.

"Hey, you're bullying me." Parang bata itong pumadyak sa harapan niya.

"No, I'm not. It's your responsibility to take the consequences of your actions." She pointed out and crossed her arms to her chest.

"Basta ibalik niyo lang siyang humihinga at hindi tayo nagkakagulo." Sambit niya at tinalikuran ang mga ito.

"Wala man lang akong halik bago umalis?" Rinig niyang pamamaktol ng asawa kaya awtomatikong kumilos ang kaniyang katawan papalapit rito ang nilapatan ng halik ang asawa. He stilled and that made her smile.

"Bring him back to me. Breathing, alive and kicking." She commanded to the man in front her. "Or else I destroy that organization." Napangisi siya ng makitang lahat ng mga lalaki ang hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya.

"Huwag niyo ng tanungin kong kaya niya." Sambit ni Kael na nasa likuran ni Syn. "She is my sister."

"And our friend." Dugtong ni Ashton dahilan para lalong napangisi siya.

Yumukod sa kaniya ang mga kalalakihan bago isa-isang lumabas sa kanilang bahay kasabay ang asawa at sumunod naman dito ang mga kaibigan.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang papalayo na ang mga ito.

"Medyo kinabahan ako sa mga lalaking yun ah." Tumabi sa kaniya si Nisha.

"You need to help me." Sambit niya at inakbayan ito.

"Anong itutulong ko ate?" Nagtatakang tanong nito.

"Help me arrange a surprise party." Sambit niya at nilampasan ang bayaw.

WALANG INGAY na sumama si Marcus sa mga tauhan ng organisasyon. Nang binilisan niya ang paglalakad ay agad na naalerto ang mga ito.

"Kalma, hindi ako tatakbo." Inis niyang bulong dahil sa mga inakto ng mga ito.

"Boss, your wife is so badass." Komento ng isang lalaki na sa kaniyang likuran.

Puno ng pagmamalaki siyang ngumisi. Of course, she is my wife.

"Nakakatakot yung presinsya niya.." Dagdag pa ng isa.

"Yun ang gusto ko sa babae, nakakapanginig laman." Sa narinig ay napahinto si Marcus at awtomatikong nilingon ang bumitaw ng katagang iyon.

"What did you say?" Walang emosyon niyang tanong.

"W-wala boss, ayoko sa mga babaeng nakakapanginig laman." Pagbabago nito sa sinabi.

Sa halip na makipag-argumento ay mabilis siyang sumakay sa kotse, hindi pa siya nakakalayo sa bahay nila pero parang gusto niya na agad umuwi at yakapin ng mahigpit ang asawa lalo na at parang sumasama ang pakiramdam nito.

"Drive faster, kailangan kong makauwi ng maaga." Utos niya sa nagmamaneho at tahimik na nagmasid sa buong paligid. Wala namang kahina-hinala, but I can't let my guard down.

Tinuon niya ang mga mata sa side mirror at nakita niya ang tatlong kotse ng mga kaibigan na nakabuntot sa kotse na sinasakyan niya.

Nakita niya ang paglisan ng kotse sa kabihasnan at tanging mga puno na lamang ang nakikita niya. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa headquarter at bumungad sa kaniya ang mga gwardya na alerto ang nga tindig.

Nagtatanong niyang tinitigan ang mga taong nagkukumpulan.

"They are making sure that the security is tight. Narito ang Testa." Bulong ng lalaking kaharap niya nang mahalata nito ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"He or she want to talk to the bosses." Dugtong ng pa ng isa at sa sinabi nito ay napangisi si Marcus.

How cunning that person to live without any trace, walang nakakaalam sa pangalan niya at kahit kasarian ay hindi alam ng mga tauhan. That person live like it doesn't exist, and rule  the huge impire without showing a face to be fear by the member. Only the commands, actions and connections make the enemy dread.

Huminto ang kotse at isa-isang lumabas ang mga tauhan, sumunod siya sa mga ito at agad na tinungo ang entrance kong saan naghihintay ang isang lalaki. He is the Sicario of the Testa.

"The Testa want to clarify something." Sambit nito at tumango lamang siya, ramdam niya ang pagtabi ng mga kaibigan at tinapik ang niya ang balikat ng mga ito saka sumunod sa kay Sicario.

Pumasok silang magkakaibigan at hindi na sila nagulat ng makita ang isang bulto na napapalibutan ng itim na tila na para bang balot na balot ang pagkatao nito.

"Sit." That voice is plain and unrecognizable, it sounds manly yet soft but the sounds is full of authority.

The whole room was dark and he could feel that the presence is heavy, the charisma of the Testa is sending shiver to his spine.

Hindi alam ni Marcus ngunit nakakaramdam siya ng kaunting kaba sa kaniyang kalooban, sa halos apat na taon siyang nagtatrabaho para sa taong ito ay hindi niya pa ito personal na nalapitan.

Testa, iyon lang ang alam niyang pagkakakilanlan nito.

"Now, that's all if you accomplished the mission." May binigay na isang papel ang Sicario sa kanila dahilan para magkatitigan silang anim.

"The one boss: Krunox Miller is unable to attend the session." Sicario whispered to the Testa.

Gumalaw ang tela na napalibot sa katawan nito hudyat na tumango ito.

"The Testa is giving all of you a privilege to cut off the contract by signing that paper." Sicario pointed the paper in front of Marcus.

"If we want to stay in the organization?" Kael asked, I know it. He is the one who is determined to be one of these organizations.

"Then you are still the boss of the Africa, continue your work. Keep monitoring the crime rate your designated area and deliver demons to hell." The Testa stated.

"We don't want this," sambit ni Marcus at unti-unting pinunit ang papel na nasa harap.

"There's a lot of people who our help, I still want cut off the head of those people who use their power to take advantage of those who can't protect themselves. Hindi pa tapos ang laban namin sa tuwing may tao pang hindi nakakatanggap ng hustisya na nararapat." Sambit ni Marcus at he heard the Testa scoff.

"If that what you want." Ramdam niya ang ngisi nito habang sinasambit ang mga katagang iyon. Tumayo ito at handa na silang iwan ng tumayo si Marcus.

"It's impossible that you don't know what I've done." Sambit niya dahilan para matigilan ito sa paglalakad.

Nilingon siya nito. "Your wife deserve to know the truth—"

"Stop being soft–" putol ni Marcus sa sasabihin niya, ayaw niyang kinaaawan siya.

Pero agad niyang pinagsisihan ang sinambit ng naramdaman ang pag-iiba ng presensya nito.

"I have given you enough power and connections to burn the people who come your way. I know what your capable to do and what you believe." Tinalikuran siya nito. "The door of asylum is open. Sicario will punish you there." Sa sanabi nito ay agad itong umalis sa harapan niya.

Mabilis siyang lumabas at tinungo ang daan patungo sa elevator, pinindot niya ang ground floor. Wala siyang sinayang na oras parang may nagsisilab sa pagkatao niya nang napagtanto niyang walang kasamang iba ang asawa sa bahay kundi ang kapatid at si Nay Rose lang.

"Fuck!" Puno ng frustrasyong mura niya ng bumukas na ang elevator, sumalubong sa kaniya ang iba't ibang uri ng mga espada. Different kinds of blades that can be used to kill anyone.

Agad niyang hinanap ang gapusan at tinali ang sariling nga paa.

"Hey! What are you doing?" Takang tanong ng isang lalaking nakamaskara habang nakasunod rito ang anim na nga kasama.

"Gago ka ba Marcus? Hindi mo man lang kami hinintay." Ungos ni Ryke na kitang pawis na pawis

Mukhang gumamit lang sila ng hagdan.

"Tie me up!" Utos ni Marcus sa lalaking naka maskara, kahit naguguluhan ay sinunod siya nito.

"Ano bang minamadali mo?!" Inis na tanong ni Bogart habang pinipwesto ang sarili sa gapusan.

"Sila Syn lang ang nasa bahay." Tanging sambit niya dahilan para maging alerto rin ang mga kaibigan.

"Make it fast..." Muli niyang utos sa mga tagaparusa.

"May I know what rule?" Tinutukoy nito ang patakaran na nilang niya.

"Rule number five, a hundred slashes. " Sambit niya at sunod-sunod namang sinabi ng mga kaibigan kong ilang laslas ang matatamo nila.

Humanda ni Marcus ang sarili sa pagtanggap ng sugat na matatamo niya pero nangingibabaw ang kaba niya sa tuwing iniisip ang asawa at wala siya sa tabi nito.

Isa-isang kinuha ng mga tagaparusa ang sandatang metal na gagamitin nila sa paghiwa ng katawan nila.

"I, punisher one." The man standing at the back of Marcus started.

"Punisher two." Sabat ng Isa

"Three."

"Four."

"Five."

"And, six." Sunod-sunod na bigkas ng mga tagaparusa.

"Will punish the six bosses of the six different continents for breaking the rule of rule number seven." Sabay itinaas ng mga ito ang sandata at himanpas sa likuran. Napadaing ang mga kaibigan habang si Marcus ay ninanamnam ang mainit na likido na dumadaloy sa kaniyang likuran.

"Make it fast." Muli niyang utos rito at eksperto nitong pinagalaw ang katawan sa pagwasiwas ng espada.

KINAKABOG NG KABA ang dibdib ni Marcus habang tinatahak ang direksyon papasok sa kanilang pamamahay, hindi niya pinansin ang hapdi ng kaniyang likuran mas importanting masigurado niya ang kaligtasan ng asawa.

"Wife! Wife!" Tawag niya sa asawa habang papasok pa lamang sa pinto at mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya ng makita ang kalat sa sala.

"Nay?! Nisha?" Umalingawngaw ang boses niya sa buong bahay pero walang sumagot sa pagtawag niya sa mga pangalan nito.

"Check upstairs." Utos ni Kael sa kaniya habang tahimik na nakasunod. Wala rin siyang narinig sa mga kaibigan habang naghahanap ito sa bawat sulok ng bahay. Tumakbo siya paakyat ng hagdan ay binuksan ang bawat pintong nadadaanan ngunit nanlamig ang kaniyang katawan ng wala siyang makita ni Isa sa mga ito.

"Wala rito." Rinig niyang sigaw ni Ryke.

"Fuck! Wala sila..." Boses iyon ni Ashton.

Natigilan siya ng maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang phone. A text from his wife.

Sa sementeryo

Tanging lamang ng mensahe kaya tumakbo siya pa baba ng hagdan.

"Sa sementeryo, kailangan nating magmadali." Sigaw niya at mabilis na tinungo ang garahe, pumasok siya sa kaniyang kotse at agad na pinaandar ang makina. Hindi na siya nagulat ng maramdaman ang pagpasok ng mga kaibigan niya, nasa backseat sina Bogart, Ashton at Ryke habang si Kael ay nasa passenger seat.

"Anong gagawin natin don sa sementeryo?" Tanong ni Ashton mabilis niyang minaobra ang manubela palabas sa gate ng bahay.

"My wife texted me." Sagot niya.

"Damn you take the bait that easily?" Ramdam niya ang inis sa boses ni Kael.

Tumahimik lang siya habang mabilis na pinapatakbo ang kotse patungo sa sementeryo, hindi pinansin ang reklamo ng mga kaibigan. Lumulutang si Marcus sa kaba at ang tanging gusto

Pagkarating ay dinala siya ng mga paa niya patungo sa puntod ng anak. Walang ibang pupuntahan ang asawa ko kundi ang anak ko lang.

Natigilan siya ng makita ang asawang masayang inaayos sa puntod ng anak kasama ang kaniyang kapatid at si Nanay Rose.

Timakbo niya ang pagitan nilang dalawa at walang pasabi-sabing niyakap ang asawa. Kumawala lahat ng takot at kaba sa katawan niya ng marinig ang mahina nitong pagkatawa.

"Surprise!" Maligalig nitong bulong sa kaniya.

"Pinag-aalala mo ako ng sobra." Bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa. Hindi niya pinansin ang hapdi ng kaniyang likuran basta masaya siyang nasa maayos na lagay ang asawa.

Kumawala si Syn sa pagkakayakap at hinarap si Nisha na may hawak na cake at may kandila sa ibabaw.

"Blow the candle, Marcus." Sambit nito at hinarap sa kaniya ang cake.

"I'm pregnant?" Basa niya sa nakasulat sa cake at tumango si Syn.

Nakakabinging pagkabog ng puso niya ang kaniyang naririnig sa tenga.

"B-buntis ako?" Pagsalin niya sa tagalog. "Paano ako mabubuntis?" Impossible naman yatang mabuntis ako eh—

Naputol ang pag-iisip niya ng bumaba ang kaniyang mga mata sa tiyan ni Syn habang marahan nitong hinihimas.

Rinig niya pa ang tawanan ng kaniyang mga kaibigan pero hindi doon nakatoon ang atensyon niya.

"Magiging papa ulit ako?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Marcus.

Tumango si Syn. "May tatawag ulis sayong, Taytay." Awtomatikong nanubig ang kaniyang mata, hindi niya akalaing mangyayare pa ito.

Ramdam niya ang pagbagsak ng kaniyang mga luha kasabay ng kaniyang pagkahilo, nanlalamig ang buo niyang katawan sa sobrang saya bago pa bumagsak ang katawan niya ay ang tanging nagawa niya ay lingunin ang puntod ng kaniyang panganay.

Magiging Kuya ka na, Nathan.

MaeReinStylus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top