Chapter 37

Kinakapos si Syn sa paghinga nang dumilat niya ang kaniyang mga mata, humihingos siyang bumangon habang hawak ang kaniyang dibdib. Nilibot niya ang kaniyang tingin sa isang puting silid at napa-igik nang maramdaman ang sakit sa kaniyang pulsuhan.

"Azrael, calm down." Gaya ng sinabi mi Kael ay pinakalma ni Syn ang sarili, her wrist is connected to the IV fluids. Her body is aching and her heart is racing.

Kalma, Syn. Nasa hospital ka na.

"S-si Marcus?" Ang unang taning na pumasok sa isipan niya.

"Isipin mo muna ang sarili mo sa ngayon, Syn." Iyon ang sagon ng kaniyang kapatid na naghatid ng kaba sa kaniyang puso.

"Kuya, sagutin mo ako." Pinilit niyang bumangon ng maramdaman ang pagsisid ng sakit mula sa kaniyang sinapupunan.

"Sabing kumalma ka muna!" Napaigtad siya nang sigawan siya ni Kael.

"K-kuya?" Naluluha niyang usal dahil sa unang pagkataon ay sininghalan siya ng kaniyang kapatid, naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa magkahalong sama ng loob at kaba.

"Brace yourself together, kailangan ng bata ng lakas mula sa‘yo."

"B-bata?" Ano?

"Oo, buntis ka." Kalmado nitong sagot sabay hilot ng sintido. "Hindi maganda ang nangyare sa iyo sa pangalawang linggo na nasa sinapupunan mo siya. Kailangan mong maging matatag para sa bata."

"Kuya, ano bang pinagsasabi mo?" Nanginginig ang kamay niya kasabay ng panunubig ng kaniyang mga mata. "Buhay naman ang asawa ko di'ba?" Puno ng pag-asang tanong ni Syn sa kapatid ngunit parang tumakas lahat ng pag-asa niya nang nag-iwas ito ng tingin.

"Kuya..." Pinilit niyang umalis sa kama kahit nahihirapan.

I needs to see Marcus, alive and unharmed.

"Stay still," she stopped. "Of course that jackass is still breathing." Nakangising sambit nito.

Owtomatikong inabot ni Syn ang unan saka marahas iyong tinapon sa kapatid pero tumawa lang ito habang sinasalag ang tinapon niya.

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig sa kapatid at marahan na humiga sa kama.

"Buntis ako?" Tanong niya nang nagsink in sa utak niya ang sinabi ng kapatid.

"Oo, pero mahina ang kapit ng bata." Sa sinabi ng kapatid ay napabuntong hininga si Syn. Gaya nga ng sinabi ng doctor dati.

"Mahihirapan ako nito..." Nanubig ang mata niya nang maalala ang nangyare sa mga panahong wala ang asawa. "Nalaglagan na ako dati at malaki ang posibilidad na maulit yon." Bulong ni Syn at rinig niya ang paglapit ng kapatid sa kaniya.

"Shhh... Don't say that. Nandito na kami." Pinalis nito ang kaniyang mga luha. "Hindi na ako mawawala sa mga panahong kailangan mo ako. You know I will always put you first, you are my princess."

"Cheesy..." Natatawang sabi niya dahilan para mawala lahat ng emosyon nito.

"Stop bullying me."

"You bully me first, we're even." Syn chuckle.

Kael stared at her flatly, alam niyang nainis niya ito.

"Alam na na nang iba?" Pag-iiba niya ng usapan.

"No, it's not my pregnancy to announce."

Mahina siyang natawa dahil sa pagiging sarkastiko nito ngunit nawala ang ngiti niya sa labi nang marinig ang mabilis na yapag papalapit sa kaniyang silid.

Pareho silang naging alerto ng bigla itong binuksan ang pinto.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Inis na tanong ni Kael sa hinihingal na si Bogart.

Sumandal ito sa pinto habang abot-abot ang paghinga.

"Si Marcus..." Huminga ito ng malalim. "Nagwawala, gustong makita si Syn." Sa sinabi nito ay napabangon si Syn sa hinihigaan at marahas na winaksi ang IV na nakakonekta sa pulsuhan nito.

"Dalhin niyo ako sa kwarto niya." Utos niya sa kapatid.

"Mabuti pa nga, baka balian niya ng buto ang mga doctor." Sambit ni Kael na mas lalo niya ikinakaba.

Agad na kumuha ng wheel chair ang dalawa at inilalayan siyang umupo. Ang kapatid niya ang tumulak sa kaniya palabas sa silid at nadaanan sila ng mga nurse na tumatakbo patungo sa isang silid.

"Let go of me! Kailangan kong makita ang asawa ko!" Boses iyon ng asawa niya.

"Kuya, bilis.." Agad namang bumilis ang hakbang ng kapatid at narrating nila ang silid ng asawa.

Natigilan ito nang makita siya, marahas nitong tinulak ang mga nakaharang na doctor at lumapit sa kaniya pero hindi pa ito tuluyang makalapit ay nawalan ito ng malay.

HAWAK-HAWAK ni Syn ang kamay ng asawa habang abala ang mga doctor sa balik ng monitor sa katawan ng asawa.

"Maayos lang ba ang lagay ng asawa ko, Doc?" Tanong ni Syn at magiliw siyang hinarap ng doctora.

"Maayos ang lagay ng asawa mo, Mrs. Zacharios. Sa katunayan, mabilis ang recovery niya pero dahil sa pagwawala niya ay nabinat ang mga sugat dahilan para mawalan siya ng malay." Sagot nito dahilan para makaramdam ng hiya si Syn.

"Pasensya—"

"No problem, Mrs. Zacharios. I'll procesa the request of private room for two." Imporma nito sa kaniya. "Maiwan ko muna kayo." Paalam nito at tumango lamang si Syn.

Bumuntong hininga si Syn habang hinahaplos ang kamay ng asawa, kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito kanina. Muli siyang bumuntong hininga bago nilingon ang mga kaibigan.

Sina Ashton, Bogart at Ryke na nakaupo sa mahabang sofa at parehong malalim ang iniisip. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito.

"Si Krunox?" Tanong niya sa mga ito.

"Still breathing.. tatlong ulit nag flatline pero buhay pa naman ang masamang damo na ‘yon." Si Ashton ang sumagot sa kaniya.

"He better be, marami akong itatanong sa hayop na iyon." Inis na bulong ni Bogart.

"Marami siyang dapat ipaliwanag sa atin." Sambit ni Ryke.

"Maniwala kayo sa bawat sasabihin niya." Sambit ni Syn kaya halos hindi makapaniwalang tinitigan siya ng tatlo.

"Paano mo nasisigurado na masasabi siya ng totoo?" Tanong ni Bogart.

She shrugged. "One thing I am sure, biktima rin siya." Sagot ni Syn at muling tinitigan ang maamong mukha ng asawa.

Biktima sila ng masama nilang Ama.

"Sumasakit ang ulo ko, magkakape lang muna kami." Boses iyon ni Ryke at hindi na siya sumagot ng marinig ang mga yapag ng mga ito.

Nang maiwan silang dalawa ay tahimik na tumayo si Syn at marahan na tumabi sa kama ng asawa, sinigurado niyang hindi niya matatamaan ang sugat nito sa tagiliran. Umusog siya patagilid at hinaplos ang dibdib ng asawa.

"Isang wasak na tadyang at balang muntik nang umabot sa puso mo.." bulong ni Syn habang inuulit ang sabi ng Doctor sa kaniya kanina. "You're such a hell out of men." Nakangiting sambit ni Syn.

Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa lumipas ang mahabang minuto. Gumaan ang paghinga nito dahilan para malaman niyang unti-unting nagigising ang asawa.

"Stop.." he groans. "My wife will be very very mad if she'll find out your touching my chest like that." He said with a low voice.

Palihim na napangiti si Syn sa narinig habang pagtuloy na hinahaplos ang dibdib ng asawa.

"I swear miss, my wife knows how to use gun and she won't hesitate to fire it on your hands." Garalgal ang boses nito.

Mahina siyang tumawa at hinalikan ito sa pisngi sabay bulong. "It's me."

Namilog ang mga mata nito kasabay ng pag-ingay ng monitor ng dalawang segundo, marahan itong humarap sa kaniya.

"Hey, Wifey..." Nakangiti nitong sambit.

"I heard the monitor says I make your heart race." She chuckle.

"Y-yeah, you heard it right."

"‘Wag niyo ngang gawin na hotel itong hospital, ‘pag kayo nireklamo ng ibang nurse." Nilingon ni Syn ang kapatid na nakasandal sa hamba ng pinto.

"K-kanina ka pa diyan?" Tanong ni Marcus.

Nagkibit-balikat ito. "Long enough to heard some cheesy words."

"Wala bang masakit sayo?" May paglalambing na tanong ni Marcus sa kaniya at marahan siyang umiling.

Marahan itong tumagilid para harapin siya, napaigik ito ngunit hinayaan lamang niya ito.

Maharan nitong nilapat ang labi sa kaniyang noo dahilan para mapapikit siya.

"Mabuti naman at hindi ka na nagwala." Boses iyon ni Ryke habang papasok sa silid.

"Baliw ka talaga, nabalian mo yata ng buto yung isang Doctor kanina." Singit ni Ashton.

"Imagine the shame, naging pasyente ka ng ospital na pinagtatrabahuan mo." It's Bogart.

Pagbagsak na umupo ang tatlo sa mahabang sofa. Mahabang katahimikan ang lumukob sa buong silid dahil hindi pinansin ni Marcus at Syn ang mga sinabu ng mga ito. Magulo ang isipan ni Syn habang iniisip ang mga nangyare, bakit wala pang pulis na nag-iimbistiga sa nangyare sa kanila? Anong koneksyon ng asawa sa organisasyon na TPC? How come my husband got involved to that organization?

Bumuntong hininga si Syn habang nakapikit ang mga mata. Hindi dapat ito ang inuuna ko. May anak akong dapat alalahanin.

"Is there something bothering you?" Masuyong boses ni Marcus ang gumising sa diwa niya.

"May bumabagabag sa isipan ko." Muli siyang bumuntong hininga para harapin ang asawa at salubungin ang tiim nitong titig.

"What is it?" He asked softly.

"Paano ka nasali sa organisasyon na ‘yon." Ang tinutukoy ni Syn ay ang TPC, at pinagdarasal niyang wag magsinungaling ang asawa sa kaniya.

Rinig niyang lumapit ang kapatid at timapik ang balikat ni Marcus.

"It is the time to tell her the truth, Marcus." Tinapunan siya ng tingin ng kapatid at bumuntong hininga. "Twenty slashes."

"I agree, I hate lying to her." It's Bogart. "Twenty slashes."

"She deserves the truth." It's Ryke, he tsk. "Twenty slashes din ang sagot ko."

Rinig niya ang marahas na buntong hininga ni Ashton. "Napapagod na akong umaktong parang wala akong nalalaman, she better know the truth. And knowing your wife.." nilingon ni Syn ang kaibigan. "Hindi 'yan titigil hanggang hindi nasasagot ang katanungan sa isip niya." Ngumisi ito. "Fifthteen slashes will be mine." Kamot batok nitong saad at rinig na rinig ni Syn ang sunod-sunod na mura nila Bogart at Ryke.

"Ang daya talaga ng gago na ‘to." Asik ni Bogart.

"Hey! It's voluntary not compulsory." Ashton defended himself.

Umalis ang mga ito kaya nilamon sila ng katahimikan.

Anong pinagsasabi ng mga ‘yon? Bente? Kense? Slashes?

"So, what is the your first question?" Napakurap si Syn sa tanong ng asawa.

"Ha?"

"Earth on my wife."  Umuklo si Marcus para halikan ang noo niya.

"You're going to interrogate me, right?"

Tumikhim si Syn at tinitigan ang mata ng asawa para magbasa ang mga emosyon nito habang nagsasalita.

"Kasali ka ba talaga sa organisasyon na ‘yon?" Tanong niya at agad na tumango ang asawa. "How?" Muli niyang tanong.

Huminga ito ng malalim bago sumagot. "TPC is known as The Psychopath Criminals organization because of me and my friends. Alam mong baliw kami at puro tarantado sa lahat ng bagay kaya tinanyag na ganon ang organisasyon dahil kuno tumatawa kami habang pinapatay ang target namin, which is true. But the real name of that organization is THE PRIME COURT, it is the organization where the justice can't be paid by any kind of wealth and connection. Walang koneksyon or pera ang makakapagpatahimik sa katotohanan na hinaharap ng organisasyon. At kong paano ako nasangkot? I joined the organization to have the justice for Nathan." Hinawakan nito ang kamay niya na para bang humuhugot ng lakas.

"K-kailan ka sumali?" Hindi mapigilan ni Syn na manikip ang dibdib sa impormasyon na pinoproseso ng utak niya.

"Noong panahon na ginamit ko na lahat ng koneksyon at pera ko para magkaroon ng hustisya ang anak natin. Pero kapag pera ang nagsalita, walang naglalakas loob na sumabat. Wala akong makuhang witness na idiin ang taong pinaghihinalaan ko dahil lahat ng ebidensya ay nagtuturo lamang sa isang tao." Kinagat ni Syn ang ibabang labi habang pinipigilan ang panunubig ng mga mata. It still hurts like it happened yesterday.

"No‘ng pagkakataon na ‘yon, may taong lumapit sa amin. And asked us to be the bosses of the organization. Syempre nong umpisa nagduda ako dahil paanong magiging boss agad kami nang organisasyon. Then the Testa, the head of the organization itself. Offered that if we joined the organization he or she would give us enough connection to protect the people around us while hunting the killers and criminals all over the world."

"At sa pagkakataon na iyon ay gulong-gulo ako, maraming banta na ikaw ang susunod na kukunin nila sa akin, they threaten me that they will kill you if I stay closer to you and I won't let that happen that's why—"

"You choose the organization over me." Pagtatapos ni Syn sa sasabihin ng asawa.

Marahan itong tumango at hinalikan ang kaniyang noo, masuyong hinahaplos nito ang kaniyang pisngi.

"Noong araw na umalis ako, ni ayaw kitang lingunin. Natatakot ako na baka makita ko palang ang mukha at mga luha mo ay matibag iyong lakas ng loob na binuo ko. Alam namin na susundan mo ako." Nag-iwas ito ng tingin. "At marupok ako pagdating sayo kaya pinalabas namin na may ibang babae akong kasama."

"Bakit inabot ng higit dalawang t-taon?" Tuluyang nagsilaglagan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Oo, masakit. Pero hindi ko kayang magalit lalo na at kaligtasan ko lang ang iniisip niya.

Pinalis nito ang mga luha niya at pinagpatuloy ang mga sasabihin. "Hindi naging madali ang pagtagpi-tagpi ko ng ebidensya kasabay pa noon ang mga responsabilidad ko sa bawat misyon na ibinibigay sa amin. Ako ang may hawak ng buong Asya at sa tuwing may utos na linisin ang lugar na hawak namin ay dapat naming gawin iyon kahit gaano ka mapanganip at madugo ang labanan." Hinawakan ni Marcus ang kaniyang baba para pagtagpuin ang kanilang mga mata. "Pero kahit gaano ako kaabala, walang linggo na hindi kita inuuwian at patago kang binabantayan, dahil ikaw pa rin ang asawa ko at ang babaeng pinakamamahal ko kaya responsabilidad kong bantayan ka kahit ikamatay ko pa ito." Dahil sa sinabi ay hindi na ni Syn mabigyan ng preno ang kaniyang mga luha at umiyak siya sa bisig ng kaniyang asawa.

Sa mga panahong galit siya rito dahil iniwan siya nito ay nasa paligid lang ang asawa, tahimik na pinoprotektahan siya.

"Paano ka nakabalik dito?" Tanong niya sa gitna ng hikbi.

Hinagod ni Marcus ang kaniyang likuran. "Noong natanggap mo ulit ang kaso ni Nathan, binigay agad ng Testa sa akin ang misyon na protektahan ka. Pero alam kong wala pa ring kwenta ang misyon dahil kahit hindi nila sabihin ang poprotektahan pa rin kita." Sinapo ni Marcus ang kaniyang mukha at nilapat sa noo nito ang kaniyang noo.

"May tanong ka pa?" Tanong nito pabalik sa kaniya pero wala na siyang maisip na malalim na tanong rito.

"Anong mangyayare kay Emilio ngayon?" Tanong niya rito.

"The organization commanded that they want him alive." He shrugged. "They need an information from him.

"And what will happen next?"

"He will be sent on the organization jail, where the security is so tight." Marcus chuckle. "A jail that even his erection will be monitored."

"Yon lang?" Dismayadong ang boses ni Syn, she want him to die. That's what she wants.

"The organization will punished if the outsider will try to harm him."Marcus made a tsk sound. "Pero sa dami ng kalaban niya bilang Emilio at mga taong may galit kay Krunox. He will surely taste the heat of hell before he'll die." The satisfaction on Syn's smirk.

"Pwedi bang sa ibang araw ko pa itatanong yung iba?" Pinaamo niya ang mukha para makombinsi ang asawa at hindi siya nabigo nang tumango ito.

"Nga pala, anong ibig sabihin nila kanina sa mga kense at benteng slashes na ‘yon?" Napanguso siya dahil wala siyang ka ide-ideya kong ano ang pinagsasabi ng mga kaibigan kanina.

"It's about the punishment." Kalmadong sagot nito.

"Punishment for?" Takang tanong niya.

"Punishment for telling you an information about the organization."

Slashes? Hiwa?

"Slashes?"

Tumango si Marcus. "One hundred slashes using a samurai sword, people maybe brave enough to endure the pain but blood they lost will kill them." Walang bakas ng takot ang boses nito kaya napatubtob si Syn sa kaniyang labi.

Being a member of this organization is not a joke!

MaeReinStylus





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top