Chapter 36
Isang malambing na paghaplos ang gumising sa diwa ni Krunox.
"Mom?" Nangangatal ang kaniyang mga labi sa nakita, unti-unting nanubig ang mga mata nito habang haplos nito ang kaniyang pisngi.
"Hindi ka na sana umawat, anak." Nanigas siya sa sinabi nito. It felt deja vu.
Gusto niyang yakapin ang Ina pero hindi makagalaw ang kaniyang kamatawan, na para bang hindi siya ang may kontrol nito. Bumangon siya at napansin niyang nasa harden siya ng bahay ng mga Miller.
"Hindi ko po mapigilan, hindi ko po kayang tingnan ka lang habang sinasaktan ka niya." Napahagulhol si Sentia sa narinig sa sariling anak.
"Sorry, anak.." iyon lang ang salitang lumabas sa bibig nito ngunit nanikip ang puso ni Krunox sa narinig, ilang ulit niya na itong narinig at nakitang umiyak dahil sa kagagawan ng sarili nilang Ama.
"Mommy, are you okey?" Munting boses iyon ni Marcus na nasa kanilang likuran, kita niya ang pagpalis ng sariling mga luha ng Ina at pilit ipininta ang sa mukha ang magiliw na ngiti.
"Oo, anak. Ayos lang si Mommy. Bakit kayo lumabas? Hindi pa namin kayo nahahanap ni Kuya ah." Lumapit ito sa kanila habang nakatiim bagang na nakatitig sa mukha niya. "Asan si Nisha?" Pilit inaagaw ni Sentia ang atensyon nito pero tiim na nakatitig si Marcus sa mukha ng kapatid.
"Nasa closet po." Magalang ngunit walang emosyon nitong sagot.
Iniwan sila ng Ina, "it's swelled," inabot ng kapatid ang mukha dahilan para mapaigtad siya.
"Hindi ka pa ba napapagod, Kuya?" Umupo ito sa tabi niya, tinitigan siya nito ng puno ng pag-aalala ang mga mata.
It pinched his heart, I never thought these eyes would see me in future with hatred, galit na halos ibaon ako sa sarili kong libingan.
"Hindi, wala akong karapatang mapagod." Hinarap niya ang nagtatanong nitong mga mata. "Kuya has to be strong, I won't let our father hurt you and Nisha." He sigh, "hangga't kaya ni Kuya, hindi ko kayo pababayaan. I'll protect you in any way that I could, kahit buhay ko pa ang kapalit." The finality of his voice shocked Marcus. Nang nakabawi ay niyukom ang kamao at nandidilim ang mukhang yumuko.
"I'll be at your back, to save your ass." Bulong ni Marcus na ikinatawa niya.
"Kuya Nox!" Boses iyon ni Nisha, sabay nilang binaon ang galit at magiliw na hinarap ang kapatid.
At the young age, I master the art of pretending.
"You didn't found us! Magaling talaga kami magtago ni Kuya Marcus." Yumakap ito sa kaniya kaya pigil siyang napaigik.
"Oo na, kayo na ang magaling." Ginulo niya ang buhok nito.
"Hey, don't ruin ng pony tail hair." Tumaas ang nguso nito na ikinatawa niya ngunit naagaw ng pansin niya ang Ina na hawak ng mga gamot.
"Come on, Kuya just learn a new hairstyle." Sambit niya habang pinapalapit ang kapatid.
"Saan mo natutunan, Kuya?" Taad baba ang kilay nito habang tinutudyo siya.
Mahina siyang natawa, "My friend, Ryke."
"I bet, he's gay." Bulong ni Nisha na ikinatawa nilang dalawa ni Marcus.
"Naisip ko na rin yan." Sabad ni Marcus at inabot sa kaniya ang suklay.
Sinuklay niya ang buhok ng kapatid at pinagbuhol ito ayon sa tinuro ng kaibigan. He is more than willing to do girly things for his princess, Nisha.
Mabilis niyang natapos ang pag-ayos sa buhok nito, abot-abot ang ngiti nito habang hinahaplos ang sariling buhok. Ngumiti siya rito at binagbuksan ng braso ang kapatid para yakapin. Mabilis itong yumakap sa kaniya, hinanap ng mata niya si Marcus at nakita niya itong papalapit kaya pilit niya itong niyakap.
"Kuya..." Inis itong nagpupumiglas pero hindi niya pinakawalan.
Umiiyak ang kaloob-looban niya habang yakap ang dalawang taong importante sa buhay niya.
Natawa si Nisha nang tumigil si Marcus sa pagpupumiglas at niyakap siya pabalik. Ilang sandali silang ganon nang bumulong ng sabay ang mga kapatid.
"Thank you, Kuya."
Pinakawalan niya ang dalawa. "Maglaro muna kayo, may aasikasuhin lang si Kuya." Sabay na tumango ang dalawa at patakbong tinungo ang sala.
Nang masiguradong ayos na ang dalawang kapatid ay umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. Pumasok siya sa kwarto ng Ina at naabutan niya ito sa harap ng salamin. Umiiyak habang ginagamot ang mga sugat.
"Mom? Can I?" Nang tumango ito agad siyang pumasok at lumapit dito.
Eksperto niyang kinuha ang cotton at alcohol, hindi ito ang unang beses na ginamot niya ang Ina kaya sanay na siyang tulungan ito.
Sa bawat haplos niya ng cotton na may alcohol sa balat nitong may sugat o namamaga ay namumuo ang poot sa puso niya. Natigilan siya ng makita ang isang malaking pasa sa gilid ng taenga nito, may namoong dugo doon na umiitim na, tanda na matagal na ang pasang iyon.
"Hindi ba tayo pupunta sa ospital para ipatingin sa doctor ito, Mom?" Nag-aalalang tanong niya rito.
"Knowing your father—"
"Cut that word off, Mom."
Bumuntong hininga ang kaniyang Ina bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Knowing him, he didn't even let me leave the house."
"Mommy, we had a chance to leave. Palagi siyang wala sa bahay kaya pwedi tayong umalis." Hinarap niya ito pero hindi ito makatingin sa kaniyang mga mata.
Marahas siyang napabuga ng hangin. "You still love him?"
Nanigas ito sa kinauupuan. "I don't know." Tinuro nito ang puso. "This is being irrational and in denial." Umiwas ito ng tingin.
"Gusto kong umalis sa pamamahay na ito, Anak. Pero paano kayo? Paano ko kayo bubuhayin? Ni hindi ko alam kong tatanggapin pa ako ng sarili kong ama." Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at sinalubong ang kaniyang mga mata.
"And your father, alam mong hindi niya tayo hahayaan mamuhay ng mapayapa at masaya. Makakaalis tayo pero hindi tayo magkakaroon ng tahimik na buhay, Krunox." Bumagsak ang tingin nito sa sahig.
"At kahit baliktarin pa ang mundo ay asawa ko pa rin ang halimaw na yon, Ama nyo pa rin ang lalaking iyon. Ayokong saktan niya kayo ng mga kapatid mo, ayokong madamay kayo." Bumagsak sa sahig ang mga luha nito, hinawakan niya ang pisngi ng Ina at iniangat iyon.
"Mom," tinuyo niya ang pisngi nito. "I promise, I won't let him hurt my siblings. I will make myself strong enough to endure pain, like you. I will protect them even if it means to kill someone for them." Puno ng sinsiridad niyang saad. "Kahit buhay ko pa ang kapalit, hindi ako mag aalinlangan."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nanikip ang dibdib ni Krunox, hinawakan niya iyon pero napakapit siya sa Ina nang maramdaman niyang may humihila sa kaniya papalayo rito.
SA MULING pagdilat niya ay nasa isang sasakyan siya. Kasama si Marcus at ang kaniyang mag-Ina.
"Marcus! Tinatakot mo na si Elyse!" Boses iyon ni Bette.
Sunod-sunod ang mura ni Marcus habang naririnig niya rin ang sunod-sunod na putok ng mga baril.
Emilio... Nalaman niyang inilalayo ko si Marcus sa kaniya. Fuck! This is not the plan! I messed up, no! I fucked up!
Sa bilis ng sasakyan ay halos hindi ma proseso ng utak niya kong anong gagawin, ang alam niya ay hinahabol sila ng tauhan ni Emilio.
He killed my wife and daughter. Para pumanig ako sa kaniya..
Hindi na niya kontrolado ang lahat ng bumagsak ang kotse sa tubig at narinig ang asawang nakikiusap sa kapatid niyang iligtas ng una si Krunox. Paulit ulit niya iyong narinig hanggang sa nawalan siya ng malay.
At muling pagmulat ng mga mata niya ay nasa harapan niya ang kaniyang kamukha, si Emilio. Tinututukan si Nathan ng baril.
Gusto niyang tumakbo papalapit sa Bata ngunit nang tingnan niya ang sariling paa ang nakagapos iyon, pati ang kamay niya at may nakabusak din sa kaniyang bibig.
Sa ikatkong pagkakataon, Wala along nagawa.
Pilit siyang kumakawala sa pagkakatali pero hindi niya magawang pakawalan ang sarili, ni sumigaw ay hindi niya magawa.
Nanghihina siyang umupo at tinitigan ang lalaking kamukha niya. Mukhang ng lalaking sumira sa buhay niya at ngayon ang sisira rin sa buhay ng kapatid niya.
Hindi na siya nagulat nang makitang kalabitin ni Emilio ang gatilyo kasabay no'n ang pagsigaw ng kapatid niya.
Ipinikit niyang muli ang mga mata at sa pagdilat niya ay isang bata ang umagaw sa atensyon niya. Tahimik itong nakamasid sa bintana habang tinatanaw ang mga batang naglalaro sa labas, the younger me.
Tahimik siyang humakbang papalapit rito. "Alam kong babalik ka." He stilled. Umikot ito para harapin siya.
"It's been a while." Walang emosyon ang mata nito habang lumalapit sa kaniya.
"You saved them.." Ngumiti ito.
"That's what we promised... " Umiwas siya ng tingin. "But I failed them three times—"
"But you didn't for the fourth time." Napipilan siyang umupo para tumama ang mga mata nilang dalawa. Ang kasiglahan na nakikita niya sa mata nito na alam niyang hindi na makikita ng iba sa mga mata niya.
Hinawakan nito ang kamay niya, may dugo iyon at bala. " You are a hero." Sambit nito pero agad siyang umiling.
"So, you're the villain?"
"No, I'm someone who keep his promise. To protect them and never let my father hurt them." Iniangat niya ang kamay para haplusin ang pisngi nang batang siya.
"But I lost you in the process of saving them." He whispered.
Nagkibit-balikat ito. "It's not too late to take me back, nabaon lang ako sa puso mo pero hindi ako nawala. Nadaganan lang ako ng maraming galit at poot." Hinawakan nito ang dibdib niya. "Naging mabuting kapatid ka, just like we always wanted. The pain that you endure for how many years is enough, you deserve to be happy.. after all we deserve to be happy. Don't let the hatred and pain cage us..."
"Mahirap—"
"Pero kinaya mo." Pagtatapos nito sa sasabihin niya.
Nanubig ang mga mata niya, hindi siya tanga para hindi maintindihan ang mga nangyayare. His brain is flashing a memories. Bilang nalang ang minuto niya sa mundo. Kasabay ng pagbagsak ng luha niya ay ang ingay ng mga taong naririnig niya.
"Kuya!" Boses iyon ni Nisha.
"Krunox! Gago ‘wag kang mamamatay!" Isa lang iyon sa narinig niya pero alam niyang mga kaibigan niya iyon.
"Kailangan mo ng bumalik." Sambit ng bata at umatras sa kaniyang kinatatayuan.
"Paano kong ayaw ko na?" Tanong niya rito at matiim siya nitong tinitigan.
"Kaya mo bang biguin sila?" Balik nitong tanong sa kaniya.
Ngumiti siya, Syempre, hindi. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at hayaang lamunin siya ng kadiliman.
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top