Chapter 26
Sa pagtili ni Ryke ay natigilan si Marcus, hindi niya maintindihan kong anong nangyayari pero ang inis niya kay Ryke ay hindi pa din nawawala.
Based on the noise that he heard, Ryke is doing something on his sister.
"Mahal 'wag ka ngang padalos dalos." sambit ni Syn na para bang pinipigilan ang pagtawa dahil sa nakita nito.
Ang mapupulang labi ni Ryke pati na rin ang make up nito at ang suot niyang dress tube na halatang kay Nisha. kinapa ni Marcus ang ulo ni Ryke at napakunot ang noo nya ng makahawak ng mabuhok na bagay sa ulo nito.
Magkaibigan na sila simula pagkabata kaya alam niyang hindi ito ang natural na buhok ng kaibigan.
"What the hell is this thing?!" Inis niyang sambit at marahas na hinila ang wig na nasa ulo ng kaniyang kaibigan.
"Aray!" Reklamo nito dahil sa lakas ng kaniyang pagkakahila.
Natatawang hinawakan ni Ashton ang balikat ni Marcus at inalalayang makaupo sa higaan ng kwarto ni Nisha.
"Kalma dude, naglaladlad lang ang kaibigan natin, at saka wala sa mga lahi ng MONTEVERDI ang rapist." sinadya niyang diinan ang apilyedo nito at nagsamaan sila ng tinging dalawa habang si Bogart ay nakaupo parin sa gilid habang hawak ang tiyan pinipilit niyang pigilan ang sariling tawa para hindi marinig ni Marcus ang tawa niya dahilan para sumakit ang kaniyang tiyan.
"I think, it's better if we talk about this mess....." Sambit ni Kael at nilibot ang tingin sa buong silid dahil sa sobrang kalat nito.
Mga damit, make up ni Nisha, parang nagkadelobyo sa loob ng kwarto niya.
"Pero sigurado ba kayong walang milagro na nangyari dito." Natatawang tanong ni Bogart bago tumayo at inayos ang sarili.
Inalalayan ni Syn si Marcus at napangiti naman siya ng tulungan siya ni Ashton sa pag-alalay sa asawa.
Naunang lumabas ang tatlo at sumunod naman si Bogart, akmang lalabas na si Nisha at susunod na din sana si Ryke nang pandilatan siya ni Kael.
"Fix yourself first. Nagmumukha kang baklang bayaran." Sambit ni Kael at sumunod na kay Nisha.
"Nisha! tulungan mo naman ako dito!" Sigaw ni Ryke pero wala siyang ibang narinig kundi ang pagtawa lamang ng dalaga.
Inis siyang napaharap sa salamin at padabog niyang kinuha ang wipes saka pinunasan ang mga make up na nilagay ni Nisha sa mukha niya.
HABANG PABABA NG HAGDAN SI KAEL ay nalilito pa rin si Marcus sa mga nangyayare sa paligid niya na para bang siya lang ang tangang walang alam.
"Nisha, explain to me what happened upstair." Malumanay pero may diin ang pagsambit nito.
"Ah... eh... Kuya inayosan ko lang po si Kuya Ryke." Hawak ng dalaga at pinagyayapos ang mga ito at panay kagat sa kaniyang ibabang labi.
"Then what the heck is the thing that I get---"
"I'm gay." He said directly without hesitation. Hindi siya natatakot na baka hindi siya matanggap ng mga ito kundi ay natatakot siyang baka may makaalam na iba at sabihin ito sa kaniyang Ama baka hindi siya tanggap nito.
Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nagulat, at nagtawanan nalang ang mga ito. maliban kay Marcus at Kael.
"Anong tinatawa tawa nyong mga bwesit kayo!" Padabog siyang umupo sa sofa at hindi pa siya nakuntento, hinampas niya sina Ashton at Bogart ng unan.
"Sino bang hindi matatawa sayo eh, mukha kang natatae habang kaharap mo si Marcus at sinabing........" umupo ito ng maayos at tumikhim " 'IM GAY' HAHAHA!" sinadya pa nitong lakihan ang kanyang boses. sa katagang ' im gay'
"Punyeta talaga kayong dalawa!" Gusto niyang pagsasakalin ang mga ito.
"Matagal na rin naming alam na bakla ka kaya ano pang kinakakaba mo diyan?" tanong ni Kael sa kanya dahilan para mapayuko sya.
"P-pero paano niyo nalaman?" Tanong ni Ryke.
"We're not fools, we can notice your actions. Matapang ka pero balingbing." Marcus said.
"Oo nga, sino bang hindi maghihinala sayo ni wala kang naging girlfriend o babaeng na kuwento sa amin na natipohan mo." Singit ni Ashton sa usapan.
"Did I ask your opinion? Swallow your fucking opion." Marcus said and glared to his side.
"Deserve..." bulong ni Nisha at pinipigilan din ang kaniyang pagtawa.
Nagsamaan sila ng tingin ngunit napaiwas pa rin ng tingin si Ashton ng tingin ng ngumisi ni Nisha sa kaniya.
"Wag mong isipin na hindi ka namin matatanggap dahil sa bakla ka, simula palang naman alam na namin ang baho mong damuhong ka." Sambit ni Marcus.
"Nyenyenye, whatever." Sambit ni Ryke habang umiirap sa hangin.
"Alam ko namang matatanggap niyo ako pero takot lang akong sabihin sa inyo ng harapan. Natatakot akong baka husgahan ako ng iba kahit alam kong di niyo magagawa sa akin yun pero paano ang ibang tao?" May halong lungkot ang boses nito.
Lumapit si bigart sa kaniya at hinaplos ang likuran nito.
"Simula pa naman nung bata pa tayo wala namang sekreto ang nabubunyag ah, gaya nung second year college tayo na nalasing si Ashton at naghubad sa loob ng bar. at yung nangayare naman kay Kael------" Lumipad sa eri ang unan at malakas na tumama sa noo ni Bogart.
"What the heck is your problem?!" he shouted.
"Nangbubulgar ka ng baho, ano sa tingin mo ang dapat kung gawin para mapatahimik ang mabaho mong bunganga." Sagot ni Kael habang masama pa rin ang tingin sa kay Bogart.
Napayuko ng kaniyang ulo si Bogart at nang pag angat nito ay may dugo na ang kaniyang dalawang ilong.
"Ahhhhh!!!! omg blood---" Agad na binatukan ni Ashton si Ryke dahil sa lakas ng tili nito.
"Umamin kalang na bakla ka, ang arte mo na." May halong inis na sambit ni Ashton.
Agad na lumapit din sina Nisha at Kael sa kaniya, agad na hinawakan ni Kael ang panga niya para makahinga ito at mapigilan ang pagdugo. Parang normal lang sa kanila ang ganitong bagay, nagkakasakitan ng hindi sinasadya dahil na rin sa asaran.
"Sa kusina tayo para malagyan ng bulak ang ilong niyan para tumigil ang pagdurugo." Sambit ni Kael at lumingon kay Syn at tumango, tumango rin naman si Syn rito at bumulong si Marcus.
Natigilan si Ryke ng marinig na tumikhin si Marcus, "Does he know about that?" Biglang sambit ni Marcus dahilan para manginig ang kalamnan ni Ryke.
"Hindi, ni isa sa pamilya ko wala." Nakayukong bulong niya.
"Natatakot ka?" Tanong ni Syn sa kaniya pero hindi siya sumagot.
"Ang tanda na natin Ryke" panimula ni Marcus na may seryosong tinig. " Simula pagkabata palagi ka nalang takot na sabihin sa iba ang tunay mong nararamdaman. Sa ngayon, piliin mo namang tumapang kahit kaunti, have the courage to tell everything that makes you feel you, kilala kita. Sa labanan hindi ka takot pero sa tunay mong pagkatao takot ka? minsan naiinis na ako sayo. Kaya mo nang tumayo s sarili mong paa kung hindi ka man niya tanggapin bilang anak. Nandito kami handa kang tanggapin bilang kapatid." mahabang litanya ni Marcus.
Natahimik suya at nagmunimuni, "Mga anak handa na ang hapag kainan." boses ni Nanay Rose ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa kanilang tatlo.
Tumikhim si Marcus at nauna ng tumayo. "Kain na tayo, nagugutom na ako." sambit ni Marcus kaya inalalayan siya si Syn papuntang kusina. Sumunod na rin si Ryke nang wang ingay na ginagawa. Iniisip nya ang sinabi ni Marcus sa kaniya, kung tutuosin ay tama din ang sinabi nito. Parang pinagloloko niya lang ang sarili niya.
Pag upo niya sa habag kainan ay tahimik na kumakain ang lahat habang si Bogart naman ay kumakain na may cotton sa kaniyang mga butas ng ilong halatang nahihirapan ito sa pagkain.
"Nagustuhan niyo ba yung niluto ko?" Tanong ni Nanay Rose sa kanila tumango lamang sila at nagpatuloy sa pagkain halatang wala sa kundisyon na makipag kulitan ang mga ito sa kaniya kaya natahimik na rin ang matanda.
"BABALIK KA NA BA DITO SA DEPARTAMENTO?" Tanong ni Noah mula sa kabilang linya.
Napabuntong hininga si Syn habang hawak ang kaniyang telepono habang nakahiga sa kama. Rinig nya ang mga yapak ng asawa niya at tumabi ito sa kaniya, malamang ay narinig nito ang sinabi ni Noah.
"Oo, babalik siya sa trabaho. Kaya ko naman ang sarli ko dito sa bahay." Sagot ni Marcus sa tanong ni Noah.
Magsasalita pa sana si Noah pero binaba na ni Syn ang kaniyang telepono, ramdam ni Marcus ang pagtitig ni Syn sa kaniya.
"Bakit?" tanong ni Marcus sa kaniya.
"Natatakot akong iwanan ka dito sa bahay, natatakot ako na baka sa pagbalik ko may kung ano nang nangyari sa inyong lahat, minsan na akong naging pabaya sa anak ko kaya hindi ko na hahayaan na mangyari ulit iyon." Sambit niya at pinasandal niya ang kaniyang asawa sa kaniyang dibdib.
"Narinig mo ba ang tibok niyan? Alam mo ba kong ang sinasabi niya? Pagod na siyang magdusa, pagod na siyang masaktan at ayaw na niyang mawalan pa ulit." bulong niya at hindi mapigilan ang panginginig na boses habang sinasambit ang mga katagang iyon.
"Pero kailangan ka ng mga kasama mo, nandito ako sa bahay. Kahit bulag ako mahal, pero lahat ay kaya ko paring gawin gaya ng dati, kahit bulag ako kaya ko parin kayong protektahan." Sambit ni Marcus at lalong siniksik ang mukha sa leeg ng asawa.
Ramdam ni Syn ang maiinit nitong paghinga na nagbibigay sa kaniya ng kapanatagan ng loob.
"Alam kung patuloy parin ang pagmamanipula ni Papa sa utak ng Kuya ko at habang kotrolado nito ang utak ng kapatid ko. May krimen na mangyayari at hindi iyon mapipigilan kung nandito kalang sa bahay para alalayan ako sa bawat kilos ko." Bulong nito saka ginawaran ng malambing na halik ang leeg ng asawa.
Ngumiti si Syn habang pinagmamasdan ang kesame, tama ang asawa sa sinabi nito at napansin niya ang pagiging madaldal nito sa pagkakataong ito.
I can do anything with his support, alam kong kahit anong klaseng laban ang haharapin ko nakatatayo ang asawa ko sa saking tabi.
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top