Chapter 18
March 28, 2022.
All are busy preparing for Nisha's birthday except Marcus, he's in the room. Nanginginig habang yakap ang sariling tuhod, natatakot s'ya para sa araw na ito. Sa sasabihin ni Krunox sa kay Syn na maaring nagpabago ng lahat.
Gusto ko ng manatili sa tabi ni Syn.
Nakarinig s'ya ng mga yapag kaya agad s'yang tumalikod sa pinto ng marinig ang pagbukas nito
"Ayos ka lang?" Tanong ni Syn habang nakadukwang sa pinto at tumango s'ya bilang sagot.
"Natawagan ko na lahat ng mga kaibigan ko at pupunta din sila, mga kaibigan mo? Inimbatahan mo na?" Tanong ulit nito.
"Alam mo naman yung mga kaibigan ko, they always invite theirself kapag may kainan." Sambit n'ya at hinarap ang asawa habang hawak hawak ang kamay nitong kinagat n'ya kahapon.
"Masakit pa ba?" Tanong n'ya bago umupo sa tabi nito.
"Medyo... Parang kagat kasi ng aso kailangan ko yatang mag pa anti rabist aray!—" hinampas s'ya ni Syn sa balikat, kahit mahina lang ang pagkakahampas ay umakto si Marcus na parang nasasaktan.
"Masyado ka ng mapanakit." Ani nito at tumingin sa malayo, hindi n'ya alam pero lahat ng pangamba n'ya ay nawala ng makita at maramdaman n'ya ang presensya ng asawa. Agad nitong napakalma ang natatakot n'yang puso.
"Tampo ako sayo mga one week kitang hindi kakausapin." Sambit ni Marcus at tinalikuran s'ya bago tumango sa banyo.
"Maliligo ka na?" Tanong ni Syn pero hindi s'ya sumagot at nag pagtuloy ito sa paglakad.
Inis na kinamot ni Syn ang buhok at sinundan ito papasok ng shower, rinig nya ang paglagaslas ng tubig kaya walang pasabi s'yang pumasok.
Kita n'ya sa mga nata ni Marcus ang gulat ngunit agad din itong nawala at nag iwas Ng tingin kay Syn, kaya niyapos nya ito habang sabay silang nababasa ng tubig galing sa shower ay hindi makagalaw si Marcus.
"Galit ka?" Malumanay na sabi ni Syn habang nakayakap ito sa likuran nya.
"Don't tease me Syn." He whispered and Syn heard it.
"Hindi kita inaakit, nilalambing lang galit yata ang asawa ko eh." Sabi nya at hinarap ang asawa kaya dumediretso sa mukha nya ang tubig.
"Hindi ako galit at alam mo na hindi ko kayang magalit sayo." Kunot noo s'yang tinitigan ni Syn.
"Sabi mo nagtatampo ka?!" Singhal nito at bumitaw sa pagkakayakap, sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi ni Marcus.
"Gusto ko lang na sundan mo ako dito." Ani nito kaya nagmamadaling umalis si Syn ng napagtantong hubot hubad ang asawa.
"You fucking son of a biscuit!" Sigaw nito Ng makalabas sa shower.
"What?" Tanong n'ya Kaya lumingon si Syn sa gawi n'ya na nakadukwang sa pinto ng shower, tinakpan ni Syn ang kan'yang mga mata para hindi makita ang hubot hubad ng asawa.
"Anak ka ng bwiset!" Sigaw n'ya at tuluyan ng lumabas sa banyo, mahinang napatawa naman si Marcus at pinagpatuloy ang paliligo.
"Walang hiya! Hindi na talaga nagbago. Napakamanyak pa rin." Ani ni Syn habang naghahanap ng damit nasusuotin sa closet.
She smiled when she saw the red tube dress, niregalo ito sa kan'ya ni Nisha noong nakapag shopping ito. Kinuha n'ya ito at ang mga undergarments nya, lumapit rin s'ya sa kanilang closet at hinanapan si Marcus ng susuoting damit. Ang pinili n'ya ay isang itim na pantalon at white long sleeve, sinuot n'ya ang damit na napili at inayos sa kama ang napiling damit na ipapasuot kay Marcus tamang tama naman na tumunog ang pinto ng banyo senyales na palabas na ito.
Tumayo ng tuwid si Syn at tinungo ang harap ng salamin bago umupo sabay kuha ng hair dryer, habang nakatitig sa salamin ang kita n'ya ang repliksyon ni Marcus rito na nakakunot ang noo.
"Hindi mo nagustuhan?" Tanong n'ya at inayos nito ang suot na tuwalyang nakapalibot sa sariling bewang.
"I like it, but are you sure you are comfortable with that dress?" Napaisip si Syn sa tanong nito bago tumango.
"Good, wala akong pakialam kung anong susuotin mo, hindi kita kukuntrolin dahil alam kong yan ang gusto mo. Basta kumportable ka sa suot mong iyan at walang sumusunod sayong mga mata, makakampanti ako." Palihim na lamang na napangiti si Syn ng marinig ang sinabi nito.
Isa sa nga bagay na nagustuhan ko sa kan'ya, ang pagiging possessive na nasa lugar.
Hindi na ito muling nagsalita pa at nagsuot na ng damit na nakapatong sa kama kaya pinagpatuloy na ni Syn ang pagpapatuyo sa kan'yang buhok, nang matapos magpalit si Marcus ay lumapit sya sa asawa at kinuha sa mga kamay nito ang hair dryer saka pinatuyo ang mahaba at matuwid na buhok ng asawa.
"Kahit hindi ka nag shampoo ang bango pa rin ah." Sambit n'ya habang nakaharap sa salamin kaya kita n'ya ang pag irap ni Syn.
"Naligo na kasi ako kanina!" Singhal nito.
Mahinang tumawa na lamang s'ya at pinagpatuloy ang ginagawa habang naghahumming ay kinuha nya ang suklay ay sinuklay Iang buhok ng asawa.
"Susuklayan na kita ha, kasi kawawa ka namang buhok ka pagwalang lakad ang asawa ko hindi ka nasusuklayan. Kasi ang tamad tamad magsuklay ng asawa ko kaya pasensya na ha. Ikaw nalang mag adjust." Parang Nanay na sabi nito habang kinakausap ang buhok ni Syn at hindi maiwasang mapangiti ni Syn.
Puro kalokohan.
"Kahit nagmumukha na s'yang lilipad na mananggal ay hindi pa rin nagsusuklay buti nalang palagi s'yang mukhang dyosa sa paningin ko." Dugtong nito at patuloy pa rin ang pagsusuklay.
"Ewan ko kung anong kasalanan ng suklay bakit s'ya galit rito." Ani ni Marcus ng biglang tumayo si Syn
"Upo." Utos nito kaya agad n'ya namang sinunod.
Kinuha nito ang hair dryer at tinuyo ang buhok ni Marcus, ilang minuto ang lumipas at natuyo ito. Medyo mahaba na ang buhok ni Marcus kaya ngumisi s'ya sabay kuha ng rubber band at tinali ang buhok ni Marcus.
"Hey! What are you doing to my hair." Reklamo nito pero hindi iniwas ang ulo dahil alam nya na Kung anong mangyayari, mababatukan sya Ng malala.
"Look, it's cute asawa ko!" Tili ni Syn kaya napanguso na lamang s'ya habang nakaharap sa salamin.
"Para akong dimenyong may isang sungay." Parang naiiyak na sabi ni Marcus at tinakpan ang mukha.
Biglang nag iba ang awra ni Syn ang kanina na parang kinikilig ay naging masungit na ang dating.
"Ayaw mo?" Nakataas ang kaliwang kilay nito. "Okey." Ani n'ya at akmang hahablutin ang tali sa buhok ni Marcus nang pigilan sya nito.
"May sinabi ko bang ayaw ko?" Napangiti si Syn.
"Ang cute cute mo talaga..." Kinurot ni Syn ang pisngi ng asawa kaya napahawak na lamang Ito sa bandang kunurotan.
"Wife, aasarin nila ako mamaya.." parang batang nagsusumbong sa Nanay si Marcus at niyakap ang bewang ng asawa.
"Isumbong mo sakin ang mang-aasar sayo at nang masapak natin." Ani nito at pinakita ang kamao, mahinang tumawa si Marcus at sinubsob ang mukha sa tiyan ng asawa.
"Sandali mag-aayos pa ako eh." Reklamo ni Syn at pilit tinatanggal ang pagkakayakap ni Marcus sa bewang nya.
"Masyado bang marami ang inimbita mo?" Tanong nito bago umupo ng maayos habang nakanguso pa rin.
"Mga kaibigan lang natin, ayaw daw ni Nanay Rose ng madaming hugasin." Sambit nito at lumapit sa salamin habang pinipili ang kulay na ilalagay sa labi nya, ngumisi sya mg makita ang itim na lipstick.
"Ah, ah, ah." Pinigilan ni Marcus ang kamay n'ya.
"Only witch wear black lipstick." Nanunudyo nitong sabi kaya napangiti na lamang si Syn dahil ito ang linyahan ng anak n'ya sa tuwing gusto n'yang mag-lipstick ng itim.
Nakaramdam s'ya ng lungkot ng nilapag ang lipstick sa mesa.
I miss Nathan so much. Deja vu.
Kita ni Marcus ang lungkot sa mga mata ni Syn kaya tumayo ito at ginawaran ng halik ang noo nito.
"But your the prettiest witch I love." He whispered and those word, enlighten her.
Hinawakan nito ang panga n'ya at hinuli ang mga tingin n'ya.
"You don't need make up to look pretty my wife, your smile is enough to make you more beautiful." Sambit n'ya at sinabit sa tenga nito ang mga buhok na nakaharang sa mukha n'ya.
Hinapit ni Marcus ang bewang nito at marahang naglakad palabas ng pinto, nagpaayon lang si Syn habang pinapakiramdaman ang parang sasabog n'yang puso.
Rinig na ni Marcus ang ingay ng kan'yang mga kaibigan habang pababa sila sa hagdan.
"Kuya!!!" Tili ni Nisha habang nakasuot ng white long dress, dahilan para tumingkad pa ang kagandahang taglay nito. It's simple but scream elegant just like Syn.
"Cutie!!" Tili pa rin nito at niyakap ang kan'yang kabilang braso.
"Sinong nag-ayos ng buhok mo?" Tanong ni Kael habang hawak ang isang baso ng wine.
"Sino sa tingin mo?" Balik n'yang tanong kaya napanguso si Syn nasa tabi ni Marcus, tinapik n'ya ang kamay ng lalaki kaya bumitaw ito sa pagkakahawak.
"Sasalubongin ko lang mga kaibigan ko." Bulong n'ya bago dumistansya rito, tumango si Marcus bilang tugon kaya agad ng hinawakan ni Nisha ang kamay n'ya.
"Samahan na kita ate, salubongin natin ang mga regalo ko." Bulong nito nasumasabay sa paglakad n'ya.
Paglabas nila ay tamang tama naman ang pagdating ni Melody kasama si Klydrix.
"Happy birthday, Nisha." Bati ni Melody sabay beso beso at abot Ng kan'yang regalo.
"Happy birthday.." Pagbati ni Klydrix at hinapit ang bewang ni Melody.
"Ano ba, nakakahiya!" Bulong ni Melody at sapat na para marinig ni Syn.
"Anong nakakahiya? "Takang tanong ni Syn.
"Pakipot kasi itong girlfriend ko." Sagot ni Klydrix kaya nimilog ang mata ni Syn.
"Hoy sinagot mo na?!" Tili nito, tumango ito nilang sagot kaya n'ya niyakap si Melody.
Yumakap rin ito sa kanya. " Nasa tamang lalaki ka, Beng." Bulong ni Syn habang hinahaplos ang likod nito, tinapik ni Klydrix ang balikat nya kaya napahiwalay ito sa pagkakayakap.
"May pag uusapan lang kami." Sambit ni Klydrix kay Melody at tumango ito sabay tabi kay Nisha.
"Kamusta kayo sa departmento?" Tanong ni Syn mg makalayo na silang dalawa sa kay Nisha at Melody.
"Si Hernandez ang traydor." Deritsang sabi nito.
"Paano nyo nalaman?"
"Wala na akong tiwala sa kan'ya simula pa lang kaya inimbistigahan ko s'ya." Bulong nito, natahimik si Syn at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Klydrix.
"Sinundan ko s'ya nun tanghali na iyon at nahuli ko s'yang kasama ng isang drug deal na si Mr. Davis." He added.
Wala akong pakialamsa drug dealer na iyon, ang pumatay sa anak ko ang kailangan kong mahuli.
"Ma'am!" Sigaw ni Shaun na kakalagpas pa lamang kila Melody at Nisha, napakamot si Syn sa buhok n'ya at hinarap ang binata.
"Wrong timing ka naman eh." Inis n'yang sabi at mahina namang napatawa si Klydrix.
"Pagnakabalik ka na saka mo malalaman ang lahat." Ani ni Melody at mahinang hinila si Klydrix, napatingin s'ya sa bulto nilang papalayo.
"Kamusta? Parang mas gumanda ka na yata ngayon." Napalingon s'ya kay Shaun na ngayon ay katabi na si Noah.
"Nakapagsuklay kasi." Sambit n'ya at pigil tawa naman ang dalawa.
"Kuya Krunox.." napalingon si Syn ng marinig ang tinig ni Nisha.
"Pumasok na kayong dalawa at lumamon na." Utos n'ya rito at sumaludo naman si Shaun sa kan'ya bago naglakad pasulong, napailing na lamang sya dahil sa pagka isip bata nito.
"Pumasok ka na din." Sambit n'ya pero hindi pa rin umaalis si Noah sa harap nya.
"You look gorgeous." Napairap s'ya dahil sa sinabi nito, maraming hindi nakakakita sa kan'yang nagsusuot ng ganitong damit dahil sanay ang mga ito na nakayuneporme s'ya kaya nakakapanibago ang mga papuri ng mga kaibigan.
"Sir, halika na!" Sigaw ni Shaun na may hawak na Plato na puno Ng pagkain.
Mahinang napatawa silamg dalawa at tinulak nya si Noah papasok, napilitan naman itong pumapasok kaya nakangiti s'ya habang pinagmasdan ang bulto nitong papalayo.
"Kamusta ka?" Napalingon s'ya ng marinig ang boses ni Krunox.
"Mabuti naman, ikaw ba? Anong pag uusapan natin? Nabasa ko yong text mo eh." Sunod sunod n'yang tanong rito.
"I'm good and about sa text ko—"
"Kuya pasok na tayo." Sambit ni Nisha habang nakatayo sa tabi ni Krunox.
Tumango lamang s'ya at kumapit si Nisha sa balikat ng kanyang kuya.
Habang papaalis ay nakalingon sa kan'ya si Krunox kaya tumango lang s'ya at ngumiti rito, may hinihintay pa sya. Ang Tiyo ni Marcus si Chief Roland, tinawagan n'ya ito kaya sigurado s'yang dadating ito.
"Wife?" Nakadukwang si Marcus sa pinto.
"Hmmm?" Lumapit si Marcus sa kan'ya.
"Pumasok na tayo sa loob." Ani ni Marcus.
"Hinihintay ko pa si Chief Roland." Sambit ni Syn.
"He texted me, hindi raw s'ya makakarating." Sabi ni Marcus kaya kibit balikat si Syn na kumapit sa braso n'ya at sumabay sa paglakad nito papasok.
Nagsimulang maging maingay ang boung bahay music at tawanan ng mga bisita ni Nisha, naiirita si Syn dahil sunod nang sunod si Marcus sa kan'ya kong saan s'ya pupunta.
"Ano ba, Marcus. Kanina ka pa buntot nang buntot sa akin ah." Bulong ni Syn habang hawak ang isang baso ng wine na zinfandel.
"Is zinfandel taste good?" Inagaw nito ang hawak n'ya at nilagok lahat Ng laman.
Hinampas ni Syn ang balikat n'ya kaya tumatawa n'ya itong nilagay sa Mesa.
"Open your gifts, Nisha!" Sigaw ni Bogart sabay taas ng hawak na basong may laman na tequila.
"Open! Open!" Sigaw ng bawat bisita.
Lumapit si Syn sa mga kaibigan n'ya at pumagitna s'ya kay Melody at Klydrix, kita Nya ang pagsama ng tingin ni Klydrix sa kan'ya kaya ngumisi s'ya.
"Hindi ba pupunta sila Kristen? Keith at Jean?" Tanong ni Melody.
Umiling s'ya ng ilang ulit at nilingon si Marcus. "Busy sila eh." Tanging sagot n'ya.
"Open open!" Sabay na sigaw ni Bogart Ashton at Ryke habang kaharap si Nisha at ang mga regalo nito.
"Unahin mo yung akin Nish, para matuwa Ka." Sigaw ni Ryke.
Umirap si Nisha at lumapit sa mic.
"Paano ko bubuksan eh ang dalawa kong Kuya wala pang regalo sa akin." Sambit nito.
Pailing iling si Marcus at lumapit sa kapatid sabay abot ng isang maliit na pulang box, sumama ang timpla ng mukha nito ng magtama ang tinginan nilang dalawa ni Krunox. Lumapit din si Krunox at inabot ang isang maliit na puting box.
Matamis na ngumiti si Nisha habang hawak ang dalawang maliliit na box, Una n'yang binuksan ang box na binigay ni Marcus. Namilog ang mga mata n'ya at pinakita sa lahat ang isang kuwentas na may pendant na brilyante.
"Kuya? Tunay ba 'to?" Pasigaw nitong tanong.
"Fake yan, nabili ko lang yan sa palingke. Fifty pesos." Sinamaan s'ya ng tingin ng kapatid.
"Totoo yan, ako pa mismo ang inutusan n'yang bumili sa españa n'yan." Singit ni Ashton kaya napangiti si Nisha at tinapat ang kwentas sa dibdib n'ya.
"Ate Syn, bagay ba?" Tanong n'ya at nag thumb's up naman si Syn sa kanya.
Ngumiti s'ya at binalik ito sa loob ng box sabay kuha ng isang box na binigay ni Krunox, Pagbukas n'ya ay halos lumuwa ang mga mata n'ya sa gulat.
"Susi ng kotse!!" Tili nya sabay wagayway nito sa ire.
"Thank you mga Kuya ko, Mahal ko kayo!" Sigaw nito sa mic at nagpalakpakan naman ang mga bisita.
Napako ang mga mata ni Syn kay Krunox na patungo sa kusina, bumuntong hininga sya at nilingon ang asawa. Mukhang busy ito sa pagkikipagkulitan sa mga kaibigan kaya tumayo sya at nagdesisyong sundan si Krunox.
"Sorry..." Sambit n'ya sa tuwing may nakakabangga s'yang bisita.
"Ijo, buti naman nakadalo ka." Natigilan si Syn ng marinig ang boses ni Nanay Rose mula sa loob hindi s'ya pumasok at nakinig sa pinang usapan ng dalawa.
"Alam kong espesyal to na araw ng kapatid ko, Kaya paano ko mapapalampas?" May halong pagmamalaki ang boses nito.
Alam ni Syn na hindi malapit ang dalawang magkapatid na lalaki at si Krunox lagi ang wala sa tuwing may okasyon dahil paminsan minsan nauuwi sa away nilang dalawa ang silebrasyon, alam iyon ni Syn dahil nangyare ang pangyayaring iyon noong first wedding anniversary nila ni Marcus. At naaalala n'ya pang napuno iyong ng sumbatan ng dalawa tungkol sa nakaraan at iyon rin ang dahilan para malaman ni Syn ang pait na dinanas ni Krunox sa kamay ng ama.
"Alam mo Marcus kong paano ako naghirap sa kamay ni Papa—"
"Patay na s'ya Kuya at sana mapatawad mo na s'ya sa mga nagawa n'ya sayo." Hinarap n'ya si Marcus at nilagok ang isang bote Ng tequila at dinuro ang kapatid.
Buhay na buhay s'ya, Marcus! Hawak n'ya ako sa leeg.
"Ikaw! Kayong dalawa.. ang sarap ng buhay nyo kasama si mama! Samantalang ako?! Binugbog, inalila at pinahirapan!" Singhal ni Krunox at muntikan ng matumba dahil sa sobrang lasing.
"May pagpipilian ka no'n pero pinili mo s'ya kahit pwedi naman si Mama." Kalmadong sabi ni Marcus, ngumisi si Krunox at sinamaan s'ya nito ng tingin.
Namumugto ang mga mata nito na para bang masyadong problimado sa buhay, napakapit na lamang si Syn sa balikat ng kanyang Kuya na nasa tabi n'ya at nakikinig din sa sigawan ng magkapatid. Hindi makasagot si Kael o makaawat sa dalawa dahil alam n'ya kong gaano kasakit ang pinagdaanan ng pamilya nila. Naghiwalay ang mama at papa nila dahil sa hindi nila alam na dahilan, naparating iyon sa husgado at si Krunox pa lamang ang nasa wasting edad para mamili kong kanino s'ya sasama. Kahit malupit ang ama nila ay pinili pa rin ito ni Krunox, umaasang magbabago pa.
"Dahil ayaw kong maramdaman n'yang nag iisa s'ya at hindi n'yo yun na isip! Ni hindi n'yo man lang ako nakuhang dalawin o kamustahin—" napahagulhol na lamang si Nisha habang nakalunod sa sahig.
"Dahil pinagbawalan kami ni Mama, natatakot s'yang pati kami saktan ni papa habang nasa pamamahay n'ya kami." Binagsak ni Krunox ang bote ng tequila sa sahig dahilan para kumalat ang mga bubog nito.
Napasabunot sya sa sarili na parang hindi mapakali habang nasa harap s'ya ni Marcus, nagsimulang magkarambola ang puso ni Syn kaya napahigpit ang pagkakakapit nya sa balikat ni Kael.
"K-runox.. Mahal?" Malumanay na boses ni Bette ang nagpatigil kay Krunox, kalong nito ang kanilang dalawang taong gulang na anak na si Elyse.
Napahawak si Syn sa malaki n'yang tiyan habang nakatitig sa bata, pagdating kay Elyse ay napupukaw ang pagkahilig ni Syn sa mga bata.
"Umuwi na tayo, masyado kanang lasing." Mahina at mahinahon na sabi ni Bette at nginitian ang asawa.
"Pagpasensyahan mo na sana Marcus, intindihin mo sanang lasing sya." Sambit nito at tumango si Marcus.
Hinawakan n'ya ang kamay ni Krunox kaya napaangat ito ng tingin sa kan'ya, ngumiti sya rito dahilan para mawala na parang bula ang galit ni Krunox.
When it comes to Bette, para s'yang maamong tupa.
"Tama na yan, let's go home." Sambit nito at marahang hinaplos ang palad nito,nagpaayon naman si Krunox sa kagustuhan ng asawa at umalis na hindi nililingon ang mga kapatid.
"Oh anak, Syn nandito ka pala." Napakurap-kurap s'ya sa ginang na kakalabas lamang sa kusina.
"May kukunin lang po ako sa kusina." Pagdadahilan n'ya kaya tumango ang matanda sa kan'ya at nilampasan s'ya.
Agad s'yang pumasok sa loob at nadatnan n'ya si Krunox na nakasandal sa pader habang hawak ang isang bote ng wine.
"Hey, lasing ka na?" Tanong n'ya rito kaya napalingon ito sa gawi n'ya.
Ilang ulit itong umiling. "Nope, walang magmamaneho sa akin pauwi." Tumango naman si Syn at lumapit sa counter kong saan nakalagay ang pitsil.
Si Bette, yung dating nagmamaneho sa akin pauwi.
"Nga pala ano yung sasabihin mong importante sa akin?" Tanong n'ya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Lumapit ito sa kan'ya at pinantayan ang mga tingin nya, seryosong tingin.
"Hindi ko na kasi kayang magsinungaling sayo ng ganito matagal." May halong pangamba ang boses ni Krunox at nangunot ang noo ni Syn
"Anong pinagsasabi mo Krunox?—"
"Marcus lied to you." Parang tumigil ang mundo ni Syn.
"Prank ba yan?" She asked and Krunox shook his head.
Bumuntong hininga ito dahilan para kabahan si Syn, alam n'yang seryoso ito sa sasabihin.
"Marcus is the one who kill... Nathan..."
MaeReinStylus
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top