Chapter 16

" Sa lunes na di'ba ang birthday ni Nisha?" Tanong ni Syn sa asawa habang ito ay abala sa kagkain.

Iniangat nito ang tingin sa kanya na halos hindi makapaniwala sa narinig nya.

" Muntik ko ng makalimulatan. "Bulong nito bago nilunok ang pagkaing nasa labi.

"Good morning!" Masiglang bati ni Nisha na pababa pa lamang sa hagdan, sinalubong nito ng yakap si Nanay Rose na may dalang tuwalya.

"Mukhang ang ganda bg gising mo anak ah." Sambit ni Nanay Rose ng makawala sa pagkakayakap nya.

"Hindi yung gising ko ang maganda nay, kundi ako." Sambit nito at kumindat sa ginang, napailing-iling na lamang ito habang papaalis sa harap n'ya.

"Good morning Ate at Kuya!" Sambit nito Nang makapasok sa dinning.

"Good morning too little sis." Sambit ni Marcus at yumakap sa kanya si Nisha sabay halik sa mga pisngi nito pagkatapos ay lumapit din kay Syn at humalik sa pisngi nito.

"Dahil ang sweet ko ngayong umaga, dapat may regalo ako sa lunes." Saad nito bago umupo sa tabing upuan ni Syn.

"Kahit si Roger lang Kuya." Dugtong nya sabay kindat.

"Gusto mo bang mabalian ng tadyang? Alam mo bang noong dumating iyang kabayo na iyon ay ilang bali ang natamo ko? —"

"Oo.." bulong ni Nisha habang si Syn naman ay nanglalaki ang mga mata.

"Mga limang bali lang naman iyon." Dugtong nya bago humalakhak.

"Nabalian ka?" Hindi makapaniwalang singit ni Syn sa usapan nilang dalawa.

Tumango naman si Marcus habang  pinipigilan ang matawa sa sarili pati si Nisha ay tawang tawa din.

"Buti nalang hindi s'ya nagalit nung ako ang sumakay sa kanya." Sambit ni Syn at sumubo ng kanin.

"Kasi sakin ka lang daw mangangabayo." Bulong ni Marcus at nabuga ni Syn ang kanin na nginunguya nya. Pati si Nisha ay natigilan sa kan'yang narinig at ang Ginang na dadaan lang sana sa kan'yang likuran ay matigilan rin.

"Abay batang ito!" Binatukan sya ni Nanay Rose na nasa likod lang nya. "Nandito lang ako sa likod mo at bigla bigla kang gaganyan abay! Tinuruan ba kita ng ganyan ha!" May halong inis ang boses ng Ginang habang nakapamewang sa likod ni Marcus na parang ina nitong nagagalit sa kan'yang anak.

"Tinuruan ba kita ng ganyan, Marcus? Nasa harap ka ng hapag kainan—"

"Syempre Nay hindi." Sagot ni Marcus.

"Tapos bakit mo iyon sinabi ha?!" Singhal ulit ng ginang.

"Nagising iyong kamanyakan ko, Nay." Kamot ulong sambit nito at agad na tumayo sabay lakad papalayo sa ginang.

"Aba saan ka pupunta?" Sambit ng ginang habang nililibot ang tingin. "Nisha nasaan na ang walis." Ani ng ginang habang nililibot pa rin ang tingin sa boung silid, hinahanap kung saan nakalagay ang walis.

Agad na lumapit si Marcus sa asawa at nagtago sa likod nito.

"Patay ako nito." Bulong n'ya habang nasa likod ng upuan ni Syn.

"Patay ka talagang bata ka, Syn anak ubusin mo na iyan. Magtutuos lang kami ng asawa mo." Sambit Ng ginang, hindi nakasagot si Syn sa halip ay nilingon nito si Nisha pero wala na ito sa tabi nya.

"Nisha ang walis." Sigaw ng ginang.

"Nisha wag mong ibibigay kay Nanay Rose!" Sigaw din ni Marcus.

"Aba! Lumalaban ka na." Singhal ng ginang.

"Nay...." Tinig iyon ni Nisha habang hawak ang isang walis nakalingon ito kay Marcus na naka taas baba ang mga kilay habang nakangisi.

"Tapos na ho ako." Sambit ni Syn bago tumayo pero bago pa man ito makahakbang papalayo ay hinawakan ni Marcus ang balikat n'ya.

"Ipaglaban mo ako." Sambit n'ya sa asawa.

"Kaya mo na yan, kamanyakan mo yan di'ba? Paninindigan mo." Sambit nito pero hindi binitawan ni Marcus ang balikat nya.

"Please...." Bulong nito at nilingon naman ni Syn si Nanay Rose na nakahanda ng ipalo kay Marcus ang walis.

"Bitawan mo ako, Marcus. Pag ako tinamaan ng walis, tatamaan ka sa akin ng malala." Sambit nito Kaya agad na bumitaw si Marcus.

   
"Nay sorry ho, sa uulitin ay hindi, hindi na po mauulit." Sambit ni Marcus.

"Mag sorry ka sa walis ko." Sambit ng ginang habang si Syn naman ay tuluyan ng lumabas sa kusina at dumiretso na sa sala kung saan nanduon si Nisha hawak ang isang tasang kape.

"Aray nay! Aray!" Sigaw ni Marcus mula sa kusina.

" Deserve."  Bulong ni Syn bago umupo sa sofa.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na huwag babastosin ang hapagkainan." Boses iyon ng ginang.

"Opo, aray nay tama na." Reklamo ni Marcus kaya mahinang napatawa si Nisha.

"Sa sala nalang ho sa susunod, duon nalang— aray!" Sigaw ni Marcus.

"Ayan, siguro titino kana." Sambit ng ginang.

"Ipagkuha mo nga ako duon ng tubig." Hingal nitong sabi bago umupo.

Agad naman itong tinalima ni Marcus ng makitang namumula ang ginang.

"Yan kasi nagagalit kayo, nay matanda na ho ako." Sambit nito bago sumalis Ng tubig sa baso.

"Matanda ka na nga pero minsan isip bata." Mahinang sambit nito.

"Paraan ko lang iyon para kahit minsan namawala sa puso ko ang sakit." Bulong n'ya at binigay sa ginang ang isang baso ng tubig.

Bumuntong hininga ang ginang at ginulo ang kan'yang buhok bago dahan dahang ininom ang tubig.

"Bakit hindi ko sinabi agad, Hindi na sana kita napalo." Saad ng ginang at binigay sa kan'ya ang baso.

"Namiss ko lang yung pamamalo mo." Tumawa Ito bago umiling." Simula kasi nung nagkaasawa ako 'di mo na ako pinapalo."

Tumawa na lamang ang ginang at ginulo ang buhok ng kan'yang alaga,  naiintindihan nito na gusto rin ni ni Marcus na sumaya kasama ang asawa at mga ibang Mahal nya.

Umalis ang ginang sa harap n'ya habang tumatawa at narinig nito ang tawanan ng dalawang babaeng mahalaga sa buhay  nya, Tahimik s'yang lumapit sa dalawa.

"So masaya? Iniwan nyo akong pinapalo duon?" May halong inis na sambit n'ya habang kaharap ang dalawa.

"Kasalanan ba namin?" Inis na tanong ni Nisha Kaya wala s'yang nagawa kundi ang huminga sa mga binti Ng asawa.

Ngumisi ito habang sinisiksik ang mukha sa pagitan ng puson at binti nito, habang si Syn naman ay masamang nakatingin sa kan'ya ay hinampas nito ang balikat nya.

"Chansing pa.." Napabaliwas si Marcus ng marinig ang boses Ng lalaki.

"Kuya.." mahinang sambit ni Syn bago lumapit rito at niyakap.

Gumanti ito ng yakap at pagkatapos ang hinarap si Nisha na nakataas ang kilay.

" Birthday mo na next day pero hindi kapa maghahanda?" Takang tanong nito.

"Bakit debut ba yun eh, twenty na ako eh." Nakangusong sabi nito. " Madadagdagan na naman edad ko."

"Ayaw gumurang ng kapatid ni Marcus." Biglang sumulpot ang tatlo sa pinto na may may mga dalang supot.

"Bakit kayo nandito?" Nakataas ang kilay ni Nisha. " Invited kayo?"

"We invite ourselves." Sagot ni Ashton habang nakasandal sa pinto.

Lumapit si Bogart sa sofa at umupo, sumunod ang dalawa sa kanya.

"Ang kakapal din Naman." Bulong ni Syn.

"Wife, masanay kana." Ani ni Marcus.

"Oo nga Syn, parang ngayon lang kami dumating sa buhay mo ah." Pag sang ayon ni Ryke at sumandal sa sofa na nasa harap nila Syn.

"Sabi ni Nisha, walang regalo di daw makakapasok dito sa lunes." Sabi ni Syn at kumindat sa kan'yang bayaw.

"Oo nga! walang regalo, di makakakain." Sang ayon nito.

"Yamaha panty Nisha gusto mo?" Tanong ni Ryke.

"Chinese garter?" Si Ashton.

"Barbie doll?" Si Bogart.

"Oh 'di Kaya..." Singit ni Kael na nakangisi sa kanya. "Medyas?"

Hinampas s'ya ni Nisha ng unan na nasa tabi nya at sinamaan ang apat ng tingin.

"Kung maninira Lang kayo Ng araw ako, mas mabuti pang lumayas kayo bukas ang pinto!" Inis n'ya singhal rito pero tinawanan lang siya ng mga ito.

Tumawa lang sila habang ang mag asawa ay nagsasamaan ng tingin.

"Tigil tigilan mo nga ako Marcus, baka masapak talaga kita." Inis na bulong ni Syn.

"Yumayakap lang naman ako ah." Inosenting ani nito habang nakasiksik ang ulo sa dibdib ni Syn.

"Anong yakap?! Parang dumedede ka kaya sa posisyon mo?!" Singhal ni Syn nang hindi mapigilan ang inis.

Natigilan ang lima sa pag aasaran at  sabay sila nitong nilingon.

"Anong kalandian yan ha?" Mapanuksong tanong ni Bogart na nakataas Baba ang kilay.

"Ang aga naka landian mode na kayong dalawa." Sambit Naman ni Ryke.

"Well, kung gagawa kayo ng milagro, Doon sa kwarto, wag dito sa sala." Ani ni Kael.

"Oo nga, nakakakilabot kayo." Singit naman ni Ashton.

Umirap si Marcus dahil sa sunod sunod na pang aasar ng mga kaibigan habang si Syn naman ay masama ang titig sa kanya. natigil lang ito ng tumunog ang phone n'yang nasa  bulsa nya.

Tumayo si Syn at bahagyang lumayo sa kanila bago sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan na si Jean.

"Oh ano? Any improvement?" Pabulong n'yang tanong nang makalabas sa bahay.

"We need you here." Tanging sambit nito at pinatay ang tawag.

Nagmamadali n'yang kinapa ang Susi sa bulsa nya at lumapit sa kan'yang bagong kotse, binuksan nya ang pinto nito nang maalalang hindi s'ya nakapagpa alam kay Marcus. Sinarado n'ya ulit ito bago nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay, nakikipag kulitan si Marcus sa kanyang kapatid habang ang apat naman ay wala na sa sala.

" Is there something wrong wife?" Takang tanong nito ng makita s'ya.

Umiling sya ng ilang ulit. "Wala, may pupuntahan lang ako." Sambit n'ya at nag iba ang reaksyon Ng mukha ni Marcus.

"Sasama ako." Sambit nito at tumayo.
   

"Hindi, Hindi na. Kay Jean lang naman ako pupunta eh." Nagsimulang kabahan si Syn.

"Bakit? Ano bang pag uusapan nyo?—"

"Wala." Malamig na sabi ni Syn, iyon lang ang paraan para hindi malaman ng asawa nya ang kan'yang gagawin. Alam n'yang umuurong si Marcus pag nakikita nitong galit sya.

"Aalis na ako." Sambit nya at hindi na Ito nilingon pa.

Alam n'yang bibigay sya pagnagtatama ang mga Mata nilang dalawa, deritso ang paglakad nya at pumasok sa kan'yang kotse.

Agad n'yang pinainit ang makina at agad na pinaharurot ito patungo sa kanilang hide out, ilang minuto lang ang ginugol ni Syn at nakarating na s'ya sa kanilang hide out.

Sumuok s'ya sa makipot na daan, hanggang sa makarating sa harap ng pinto ng kanilang hideout.

"Naiinis na ako, bakit kasi ganito Ka kipot at kasulasok ang lugar Na dinadaanan bago makapasok dito sa hideout." Rinig ni Syn sa reklamo ni Keith.

"Alangan naman ipaparada mo itong hideout natin no? Try ko kaya sa gitna ng kalsada ka magpatayo ng hide out kung hindi ka mamatay agad." Inis na sagot ni Kristen.

"Ahem, ahem." Tikhim ni Syn kaya napalingon ang tatlo sa kanya.

"Oh Syn, finally." Sambit ni Jean.

"Alam kong pumalpak kami kay Geronimo noong nakaraan kaya wag mo na kaming sermonan." Sambit ni Keith habang nakakrus ang mga braso nya sa kan'yang dibdib.

"Naiintindihan ko iyon, Normal lang naman iyon sa isang mission." Sagot ni Syn.

"But we found new subject, the hideout of Mr. K." Namilog ang mga mata ni Syn sa narinig mula kay Kristen.

"Ano pang hinihintay natin dito?!" Tanong n'ya.

"Ikaw lang naman ang hinintay namin dito." Nakairap na sabi ni Keith.

Hindi na ito pinansin ni Syn at tangkang lalapit sa sa cabinet na lalagyan ng kanilang mga baril ng iniabot sa kan'ya ni Kristin ang baril sabay hila palabas, nagpaubaya lang si Syn. Huminto sila sa kotse, Hindi alam ni Syn ang tamang lokasyon ng target nilang si Mr. K pero alam n'yang sigurado na ang mga kaibigan n'yang tama ito sa mga impormasyong nakuha.

Pumasok silang apat sa  itim na van, simple lang Ito at hindi kahina-hinala. Nakakabit na earpiece sa tenga ni Syn at nilingon n'ya ang mga kaibigan na mayroon na ring earpiece. Si Jean ang nagmamaneho, tahimik silang lahat hindi dahil sa kinakabahan kundi dahil nababahala kong ano ang kanilang kahihinatnan.

Sanay silang apat sa bakbakan pero sa sitwasyong ito hindi alam ni Syn pero may nararamdaman s'yang munting pangamba sa kanyang puso, nabalik sa ulirat si Syn na huminto bigla ang Van.

"Nandito na tayo.." Bulong ni Kristen, habang nakatitig sa labas.

Nilingon ni Syn ang lugar, mukha itong abandonadong lote pero maayos pa rin ang building. Medyo madilim ang boung paligid na nagbibigay banta Ng isang panganib.

"Ano pang hihintayin natin dito? Bomba?" Bulong ni Keith.

Sabay nilang kinasa ang kanikanilang baril bago binuksan ang pinto.

"You." Tinuro ni Syn si Keith at Kristen.
" At the North door." Ani nya at tinuro ang pinto na nakaharap sa norte.

"You." Turo nya si Jean, your coming with me." Ani n'ya kaya agad na silang maghiwalay na apat.

Tahimik ang boung paligid at tanging mahihinang tunog ng kaninalng yapak.
Pumasok sila sa pinto at sumalubong sa kanila ang isang lalaki, agad itong hinampas ni Jean ng baril.

"Wala namang tao dito." Rinig ni Syn sa sabi ni Keith, nakarinig si Syn ng mga nagtatakbohan kaya lumapit s'ya dito at tinutukan Ito ng baril. Pigio hinga ang dalawa habang nakataas ang kamay at namimilog ang mga mata.

Bumuga si Syn ng hangin bago binaba ang baril.

"Psst!" Sitsit ni Jean sa kanila, tinaas ang mga kamay at tinuro angapay na pinto.

Sumenyas si Syn na pumasok sa mga pinto. Isa isa silang pumasok sa kwarto para sisayatin ang bawat silid.

"Clear!" Sigaw ni Jean.

"Clear!" Sigaw rin ni Kristen.

"Clear!" Sigaw ni Keith.

Natigilan si Syn sa nakita n'yang mga nakadikit sa dingding. Mga litrato ito. Nila Marcus, Bogart, Ashton, Ryke at Kuya nya. Pati na rin kay Nisha at Nanay Rose.

Nabitawan si Syn ang mga baril sabay takip sa mga bibig nya habang pinipigilan ang mga luha nya, nang makita ang litrato ng kanyang anak na may ikis na pula.

"What's the meaning of this." Bulong nya.

Gumulo ang utak ni syn habang nakaharap sa mga litrato, Sino si Mr k? Siya ba ang  pumatay sa anak ko? Bakit parang may galit ito sa akun? Anong ibig sabihin ng mga litratong ito?

                      MaeReinStylus.                           

   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top