Chapter 11

Malalim ang iniisip ni Syn habang paalis sila ng Isla gumagambala sa kanya ang napanangipan nya, lumingon ito ng pinisil Ng Kuya nya ang kan'yang kamay.

"Babalik pa naman tayo dito eh kaya tsanak." Lumukot ang noo nito.

Pinili nilang mag yate para masulit ang magandang karagatan.

"Wag ka namang tumalon ha." Tumawa si Marcus na nakatayo sa tabi ni Kael.

Patawa tawa pa, itulak kaya kita sa yati. Nang malunod ka ng hayop ka.

Bumuntong hininga lang ito at hindi pinansin ang pang iinis ng kuya nya habang tinitingnan mg mga alon ay ramdam nya ang pagyapos ng dalawang makikisig na braso sa kanya, hinalikhalikan nito ang batok nya na nagbigay Ng mumunting kiliti sa puson nito.

"Sa lalim ng iniisip mo, baka lumubog tong yate na sinasakyan natin." Bulong nito sabay halik sa tenga nya.

Hindi n'ya ito pinansin, naiinis pa rin s'ya rito, pakiramdam n'ya ginagawa s'yang tanga sa t'wing tinatanong n'ya ito tungkol sa nangyare sa anak nila ay didilim ang mukha nito at magtatagis bagang pero hindi naman s'ya sinasagot, tatalikuran ng walang sinasabi kahit isang salita.

"Wife.." Hindi pa rin s'ya sumagot.

"Wifey." Hinalikan nito ang leeg nya.

Nanatili s'yang nakatitig sa tubig at umaaktong parang wala si Marcus sa tabi n'ya.

Hinawakan nito ang mga braso n'ya saka hinarap sa kanya, pero hindi nya ito tinapunan ng tingin.

"Hello, wife. I'm here." Sambit nito at kumaway.

Umirap s'ya sabay tinitigan ng masama ang asawa.

"Umalis ka sa harap ko." Mahinahon pero may diin nitong Sabi.

"Fuck, fuck the hell." Bulong ng asawa n'ya, Dahil alam nitong naiinis na naman si Syn sa hindi n'ya alam na dahilan.

"Minumura mo ako?" Taas kilay na tanong ni Syn

"Fuck Syn-" she pressed her lips into him.

𝘖𝘩 𝘨𝘰𝘥 𝘩𝘦𝘢𝘷𝘦𝘯!

"Gusto ko, ako lang nagmumura, pero ayokong ako ang minumura." Walang emosyon nitong sabi.

Wala sa sariling napahawak si Marcus sa kanyang labi, may naramdaman itong kiliti. Hindi mawari at napangiti ito ng hindi sinasadya.

"Damn." Bulong nya habang hindi makapaniwala, damn that kiss! Isa pa!

I need more wife. He's mind erupted, expecting for more, he's lips wanting for more!

Walang pasabi sabi na pinitik ni Syn ang labi nya, napangiwi si Marcus dahil sa sakit parang pakiramdam n'ya ang namaga agad Ito.

"Nakakadalawa kana ah! Dati sapak ngayon pitik na naman," inis nitong Sabi. "At sa labi pa talaga." Dagdag nito.

"Bakit may reklamo ka?" Inis na sabi nito

"Wala." Tipid n'yang sagot.

Umirap lang ito sa kan'ya saka s'ya tinalikuran.

𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 'to?

"May araw ka din sakin." Sambit nito saka tumalikod kay Syn.

"Marcus.." tawag nito pero hindi s'ya huminto sa paglalakad.

"Marcus!" Huminto s'ya pero hindi ito lumingon.

"Asawa ko.." malambing nitong Sabi.

Napangiti ito bago lumingon, "yes, wife?" Hindi n'ya alam pero kakaibang saya ang naramdaman n'ya ng tawagin s'ya nito ng 'asawa ko.' damn it!

Lumapit ito sa kan'ya.

"Sorry." Sambit nito at hinawakan ang labi nya.

"Masakit ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Umiling si Marcus, yumuko ito saka kinagat ang ibabang labi nya.

"Gusto ko lang talaga kasing malaman kong anong nangyare nung gabing yun." Sambit nito saka hinawakan ang kamay n'ya.

Bumuntong hininga s'ya.

𝘈𝘺𝘢𝘸 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘸𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸𝘢𝘯 '𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘰. Sa kaloob looban ni Marcus

"Syn please..." Pagmamakaawa n'ya. Ayaw n'yang pag usapan, hindi pa s'ya handa na ipagtabuyan ng asawa kong malaman nito Kong sino ang totoong pumatay sa anak nila.

Umirap ito dahil sa inis.

"Okey fine. Sabihin mo nalang kong bakit ayaw mong sabihin sa akin." 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘺 𝘥𝘪𝘣𝘥𝘪𝘣 𝘬𝘰, Putol sa sinabi nito.

"Wife.. You'll hate me as hell if I tell you. At ayokong mangyare yun, in a perfect time-malalaman mo din. But promise to me na Hindi mo ako iiwan pagnalaman mo ang totoo." Huminto ito para makahinga.

"Dahil baka ma ulol ako pag iniwan mo ako." Nagtaka ito ng gumuhit sa mukha n'ya ang ngisi.

"Buti nalang hindi ka namental sa halos tatlong taon." Sambit nito.

"Tumira nga sa mental ng isang taon eh." Bulong nito.

"Ha?" Tanong ni Syn dahil Hindi nito narinig ang sinabi nya.

Pero patuloy lang ang paglakad ni Marcus na parang hindi narinig ang asawa pero sa kaloob looban nito ay sadyang ayaw n'yang halungkatin ang nangyare sa kanya sa loob ng halos tatlong taon na wala sa tabi ng asawa.

MASAMA ANG titig ni Syn kay Marcus ng makadating sila sa daungan dahil hindi ito sanay sa yati ay nagsuka ito ng ilang ulit. Parang gusto n'yang pilipitin ang leeg nito sa inis. Bakit Kasi pinili nya ang yati? Kainis.

"Ayos ka lang, ate?" Tanong ni Nisha sabay akbay sa kanya.

Napataas ang kilay nito, bago binalingan ang dalaga.

"Sa tingin ayos ba? Lahat yata ng kinain ko, sinuka konng lahat." Inis nitong sabi.

Narinig n'ya ang mga tawanan sa likod n'ya at kong hindi s'ya nagkakamali ay asawa nya at mga kaibigan nito ang nagtatawanan, maliban sa kuya n'yang madalang lang tumatawa.

Hindi na n'ya ito pinansin at nagmadaling naglakad papalapit sa kotse ng Kuya n'ya, ayaw n'yang tarayan ang asawa sa lugar kong saan maraming tao.

"Ihatid mo'ko sa bahay." Sambit nito ng makapasok.

Nangunot ang noo ng Kuya nya ng makitang nakasimangot Ito.

"What's wrong?" Takang tanong nito.

"Wag mo akong ma what's wrong, what's wrong diyan Kuya!" Inis na banggit nito.

Ngumisi ito ng mahina dahil alam na n'yang naiinis ito sa asawa n'ya kanina pa, kita ni Kael ang masasamang tingin na pinukol ni Syn kay Marcus kanina habang sumusuka Ito. Sa simula pa lamang alam na nitong masamang ideya ang mag yate. Dahil sa tanang buhay ni Syn ay hindi pa nito nasubukang sumakay sa Yate.

Agad n'yang pinainit ang makina at nagmaneho ng mabilis, nita nya sa side mirror ang pagsunod ng kotse ni Marcus.

Nang makapasok sila sa village ay napabuntong hininga si Syn para kahit papano mawalanang inis sa asawa.

Kakapasok pa lamang ng kotse sa gate ay halos tumalon na si Syn palabas ng kotse dahil sa kagustuhang makita ang Nanay Rose nya.

"Nanay Rose!" Sigaw nito habang nakabalas ang ulo sa bintana ng kotse.

Kumaway ito sa kanya.

"Anak..." Nanlambot ang puso ni Syn Ng marinig ang boses ng ginang. Matagal na silang ulila ng kanyang Kuya kaya labis na lamang ang tuwa nito ng maramdam ang pagmamahal ng ginang, dahil tinuturing na sya nitong anak. At naramdaman n'yang mahal sya ng ginang. At ganon din sya, tinuring na nya itong ina.

Pagkahinto ng kotse ay agad s'yang lumabas saka niyakap ang ginang, gumanti ito ng mahigpit na yakap at hinaplos ang kan'yang buhok.

"Namiss ko ho kayo." Bulong nya bago kumawala sa pagkakayakap nito.

"Ako din nak, nakakaburyo ang boung araw na walang Syn na nagsisigaw." Humagikglhik ito.

"Nandito naman si Mang Islaw ah." Nilapit n'ya ang bibig sa tenga ng matanda. "May gusto po sa inyo yun." Bulong nya na may halong panunukso.

"Sus! maryosip kang bata ka! Ang tanda na nun." Gulat na sabi ng ginang.

"May asim pa rin yun." Nakangising sagot nito.

"Ikaw na bata ka, tigil tigilan mo nga ako, nagsisitayuan balahibo ko sayo." Sambit ng matanda at tinalikuran sya.

"Nay Rose, ang akin lang naman eh. Anong mali sa edad? Dalaga ka pa. Matanda dalaga pala. At si Manong islaw naman ay matagal ng balo." Yumakap sya sa balikat Ng matanda. "Walang mali dun nay, basta mahal nyo ang isa't isa wag ninyong hayaan na may hahadlang." Kumindat s'ya rito.

"Asus! Saka na pagmakabati na kayo ng asawa ko." Ngumisi ang ginang.
"Saka na ako kakaringking."

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi nya Ng marinig ang sinabi Ng ginang.

"Abay kumaringking ka na Nay dahil bati na kami." Sambit nito dahilan para mamilog ang mata nito.

"Talaga? Napag usapan nyo na?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Umiling ito na parang bata sabay nguso.

"Hindi pa daw ako handa para malaman ang boung nangyare." Bulong nya.

Bumaba si Marcus kasama ang mga kaibigan at kapatid nitong si Nisha. Pagbaba pa lamang nito ay agad na hinanap ng mga Mata n'ya ang asawa, alam n'yang naiinis ito sa kanyan kaya kailangan nya itong lambingin.

Tumabi sya kay Kael nang makitang nakasandal ito sa sariling kotse habang nakatitig sa kay Syn na masayang nakikipag kulitan sa ginang.

"She's back." Bulong ni Marcus at tumango si Kael rito.

She's back, the woman I love the most, my loving wife. Simula ng bumalik sya ay pansin nya ang pag iba ng ugali ni Syn. Madali nalang itong mainis o magalit. Hindi kagaya ng dati na mahaba ang pasensya.

Nilingon ito ni Syn na nakangiti saka lumapit sa kanya at niyakap ang bewang n'ya, halos mapugto ang hininga nito dahil sa ginawa ni Syn. He felt a flutter of butterfly in his stomach. This is damn! Fucking damn!

"Oh, diba bati na tayo?" She pouted like a baby, a childish Syn is now in front of him.

Tumango s'ya na wala sa sarili, parang hindi n'ya kontrolado ang katawan n'ya dahil sa nararamdaman n'ya, He can't explain it. At nagpapakiusap sya sa diyos na sana hindi s'ya pinagpapawisan.

"Hali na kayo, pasok na may hinanda akong meryenda." Sambit ng ginang at nauna ng pumasok.

Hinawakan ni Syn ang kamay n'ya sabay marahang hinila, na napagpakabog lalo sa puso nya.

Oh holy fuck! This feeling good. Nasa mood ang asawa ko.

Parang bumagal ang pag ikot ng mundo na parang sasabog ang puso nya sa sayang nararamdaman n'ya.

"Krunox!!" Tili ni Syn sabay bitaw sa kamay n'ya, parang tumakas lahat ng lakas nya sa katawan dahil sa pagbitaw ni Syn.

Lumapit ang asawa n'ya sa nakatayo n'yang nakakatandang kapatid , Hindi sya natuwa ng makita ang na malapit ito sa kan'yang kapatid, sa ibang lalaki.

Krunox grinned at him, and it annoyed him.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ni Syn.

Pinukulan sya nito ng masamang titig nito bago sumagot.

"I'm too busy." Tipid nitong sagot.

She pouted at him, in Krunox. Parang kumulo ang dugo ni Marcus ng makita iyon.

"Ehh na miss kita." Sambit ni Syn.

Naghalo ang inggit, inis at galit sa loob ni Marcus. Parang gusto n'yang ipagtulakan palabas ng bahay si Krunox.

"Ah.. A-ate, magbihis muna tayo." Singit ni Nisha ng makitang napayukom ang kamao ni Marcus.

Aangal pa sana ito pero agad namang hinila ni Nisha ito paakyat sa hagdan.

"So, what brings you here?" Tiim bagang na tanong ni Marcus. At umupo naman ito sa sofa na parang pagmamay-ari nya.

"Syn." Sagot nito sabay sandal ng likod nya sa upuan.

Susugudin na sana ito ni Marcus ng hawakan ng mga kaibigan n'ya ang balikat nya.

"Gusto mo bang malaman 'to ni Syn? Gamitin mo iyang utak mo wag ka puro galit." Inis na bulong ni Ryke habang pinipigilan sya.

"Calm down my dearest brother, Hindi ko pa sya kukunin sayo." Nakangisi nitong sabi.

"Not for now." Krunox whispered, Marcus glared at him furiously.

Pinantayan nito ang masamang na pinukol sa kanya sabay tayo.

Lumakad na ito at huminto sa pinto, Hindi ito lumingon kay Marcus but he can feel he smiled diabolically.

"Marcus.. wag kang malilingat."


MaeReinStylus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top