Chapter 10

"Marcus, pwede mo ba akong ihatid." Umangat ang isang kilay ni Syn ng marinig ang sabi ni Vienna.

Napairap s'ya sa hangin, "Marcus pwede mo ba akong ihatid." Panggagaya nyang sabi habang pa irap irap sa hangin.

Hindi pa talaga ito nakuntento kahapon, sinira nya ang araw ko kahapon pati pa ngayon? Nakikikain na, magpapahatid pa. Abuso 'to ah, ang yaman yaman dito nakikipag tanghalian kapal ng libag sa mukha.

Nilingon s'ya ni Marcus kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. Subukan mo lang ihatid yang mukhang kabayo na yan, sa labas ka talaga matutulog mamaya.

"Please..." Sambit nito ng makitang nag aalinlangan si Marcus.

"Oh ano pang hinihintay mo? Ihatid mo na yang brand new mong asawa." May diin n'yang bulong dito saka umalis, tinigilan sya ni Marcus kaya mariin n'ya itong tinitigan at nagmartsa palabas.

Inis n'yang sinipa sipa ang mga bato sa labas ng bahay, Hindi talaga sya sumunod? Hinatid nya talaga yung babaeng yun? Uunahin nya pa yun kaysa sa akin?

Huminto s'ya sa silong ng isang puno dahil sa sobrang init, tirik ang araw pati na ang mata nya kakahintay sa bulto ni Marcus na susundo sa kan'ya at sasabihing, "Hindi ko sya hinatid."

Napalingon sya sa ibang gawi ng marinig ang ingay ng mga kabayo, napangiti s'ya mg makita ang isang kulungan ng mga kabayo, lumakad s'ya papalapit dun at nakita n'ya ang isang matanda na nagbibigay ng pagkain sa mga kabayo. Kung hindi s'ya nagkakamali ay asawa ito ni manang Isabel.

Tumikhim s'ya para agawin ang atensyon nito.

"Magandang hapon po Ma'am." Sambit nito. Ngumiti at tumango sya rito, wala kasing maganda sa hapon n'ya.

Lumapit s'ya isa-isa sa mga kabayo, halatang alagang alaga dahil sa matitipuno nitong katawan at magagandang kulay. Bawat kabayong nadadaanan n'ya ang hinahaplos n'ya, maliban sa kabayong sinakyan ni Vienna kahapon.

Huminto s'ya sa harap ng isang itim na kabayo, ang mga paa lang nito ang mapuputi, it's a high breed stallion. Kitang kita sa katawan nito. Nilapat n'ya ang kamay sa mukha ng kabayo at pumikit naman ito.

"Mukhang nagustuhan ka ni Roger Ma'am." Sambit ni manong saka nilagyan mg tangkay ng palay ang kwarto ng kabayo.

Roger, nice name.

"Mukha nga.." Ani n'ya at masuyong hinaplos ang maganda nitong balahibo.

"Bihira lang po yan Ma'am, ako at si sir Marcus lang ang nakakahawak sa kanya." Mahilig pala sya sa kabayo? Bakit hindi ko alam yun? Bakit hindi nya sinabi? Hindi ako inform.

"Kahit po si Ma'am Vienna ay hindi pa nahahawakan ang kabayong yan, para kasing magkasalungat sila ng dugo ni ma'am Vien." Napa ismid s'ya, Deserve.

"Pwede ba kaming maglakadlakad ni Roger manong?" Tumango lang ito kiya hinawakan nya ang lupid nito at binuksan ang talangkahan ng kabayo.

Marahang sumunod ito sa kan'ya, inaamoy amoy ng kabayo ang buhok n'ya. Lumapit kami sa isang malaking bato para makaayat sya sa likuran ng kabayo.

"Ingatan mo ako ha." Bulong n'ya rito tsaka umakyat sa bato at umangkla sa likod ni Roger.

Hinila n'ya ang tali at hindi ito umangal pa, pinuntahan namin ang mga magagandang lugar dito sa Isla sinuyod namin ang boung paligid, para malibang n'ya ang sarili, para mawala na rin sa isip n'ya ang nakakainis na si Vienna. At kailangan n'yang masulit ang mga araw na nandito pa s'ya, ang magandang tanawin at masariwang hangin na nakakahalimuyak, this island can be called paradise because of it's possess beauty kaso may mga demonyo na nakatira, isa na dito ang hampaslupang mukhang kabayong si Vienna.

I totally hate her, the way she talk to Marcus? A fucking flirty one. May mukhang kabayo pero ahas mag isip.

Habang nasa malalim na pag iisip ay natagpuan nga ang sarili ko sa lugar na maganda, maaliwalas ito. Matataas na damo at mga bulaklak sa paligid, kamangha mangha ang lugar-pero pakiramdam n'ya ay naliligaw na sya.

Kinuha n'ya ang kan'yang telepono para tawagan ang asawa pero napabuga sya ng hangin dahil sa inis nang makitang walang signal sa lugar. Agad n'ya itong binalik sa bulsa at hinila ang tali ng kabayo para bumalik sa dinaanan nila kanina, napalunok sya ng makita ang dalawang daan. Wala s'yang maalala kong saan sila dumaan dahil wala sya sa sarili wesyo kanina.

"Puta saan na kasi ang daan pabalik?" Inis n'yang bulong habang pumipili sa dalawang daan.

Kanan ba o kaliwa? Gitna Kaya?

"Kanan siguro." Hinila nya ang tali ni Roger para igiya ito sa napiling daan.

Habang patuloy ang paglakad ni Roger ay parang mas nalalayo sila sa tamang daan, unti unti ng bumibilis ang pagtibok ng puso n'ya, palubog na ang araw pero hindi n'ya pa rin nakikita kahit bubong lang ng mansion.

Halos maluha sya sa inis dahil walang kasiguraduhan ang lugar lalo na at bago palang sya rito.

"Roger, uulan yata." Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa tali ng kabayo.

Pumikit si Syn ng makita ang pagguhit ng kidlat sa madilim na makulimlim na kalangitan kasabay noon ang malakas na tunog, hinigpitan nya ang paghawak sa tali ng magwala ang kabayo dahil sa gulat.

"Roger! Roger! Calm down!" Pakiusap nya sa kabayo at unti unti itong kumalma.

Lumalagaslas ang mga dahon ng malalaking puno kasabay ng pagpatak ng mumunting ulan. Dinilat nya ang mata ng naramdamang huminto ang kabayo nilibot nya ang paningin sa boung paligid para humanap ng masisilungan. Nakahinga sya ng maluwag ng makita ang isang kubo sa hindi kalayuan, hinila nya ang tali ni Roger para makalapit doon pagkalapit ay agaran syang bumaba at tinali ang kabayo sa isang puno.

Nagsimula ng kumulog kaya agaran s'yang pumasok sa kubo at naupo sa isang sulok, nagsimula ng lumakas ang ulan, kulog at kidlat. Habang tumatagal lalong lumalakas ang ulan, kasabay ng pagkalabog ng langit ay ang paglukso ng puso n'ya sa kaba.

Nanginig ang buong sistima n'ya dahil sa magkahalong lamig at pangamba sa sasapitin nya sa lugar na ito, hindi nya pinansin ang basang katawan dahil sa pag iisip kong paano makakaalis sa lugar.

Paano pa ako makakauwi nito? Wala bang mga engkanto dito? Aswang? O kaya tikbalang.

"Ano ba tong naiisip ko?" Bulong sa sarili nya at mariing pinikit ang mga mata.

Humigpit ang pagyapos ko a mga tuhod ko sabay kumawala ang hikbi na gusto Kong pigilan. "Marcus... Nasaan ka.." Bulong n'ya sa gitna ng malakas na ulan.

"MARCUS ISABAY ko nalang kaya si Nathan samin?" Banggit ng boses ng kong sino.

"Nah.. wife, our birthday boy is coming with me." Ha? Wife??

Hinanap ni Syn ang mga boses na naririnig nya at nakita nito ang sarili nasa loob mg isang puting van na nakabukas ang pinto.

"Marcus naman malakas na ang ulan oh." Inis na sagot ng kamukha nya... Ako, sa gabing huli kong nakita ang anak ko.

"Naynay... I'm a big boy na." Nakangiting sagot ni Nathan.

𝓑𝓪𝓴𝓲𝓽 𝓪𝓴𝓸 𝓫𝓾𝓶𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝓴 𝓼𝓪 𝓫𝓪𝓷𝓰u𝓰𝓸𝓽 𝓷𝓪 𝓽𝓸?

"Anak.."Bulong n'ya at lumapit sa anak, niyapos nya ito pero nagulat sya ng tumagos sya sa katawan ng anak.

𝓟𝓪𝓽𝓪𝔂 𝓷𝓪 𝓫𝓪 𝓪𝓴𝓸? No! Natulog lang ako eh.

"Hayst sige na nga. mag ingat kayo ha, mahal ko kayo." Sambit ng isang Syn at sinara ang pinto ng van.

𝓚𝓪𝓽𝓾𝓵𝓪𝓭 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 𝓷𝓰 𝓷𝓪𝓷𝓰𝔂𝓪𝓻𝓲.

"Isama mo si Nathan." Bulong ko habang nakatingin sa papalayong van. "Pakiusap..."

Nilingon ko si Marcus at Nathan, lumapit ito sa papa n'ya saka itinaas ang mga kamay n'ya Kaya kinarga ito ni Marcus.

"You said you're a big boy, Hindi na dapat kita kinakarga." Sambit ni Marcus at mahinang kinurot ang ilong nito.

"Taytay, I just said it. Para payagan ako ni Naynay na sumama sa inyo ni ninong Bogart." Sambit nito saka tumawa.

Parang gusto n'yang ihinto ang oras mg makita ang nakangiti ang mag ama sa harap n'ya, kung panaginip man 'to sana walang gumising sa kanya. Lumakad na si Marcus kaya sumunod s'ya sa kanyang mag ama, pumasok sila sa Venue kong saan namin napili ni Marcus na e celebrate ang birthday ni Nathan at sumunod pa rin ako. Kumaway si Nathan kila Kuya at sa mga ninong nito. Sila bogart, Ashton at Ryke.

"Mabuti naman at pumayag si tsanak na isama natin ang pinakamamahal n'yang anak." Sambit ni Kuya.

Bumaba si Nathan sa pagkakakarga sa kanya ng kanyang ama saka tumakbo papalapit Kay kuya at kumandong.

"Because Tito, I said I'm big boy na." Ngumiti ito at humarap a gawi ko.
"Old enough to find a girlfriend." Dugtong nya sabay kindat.

Natawa sila at pati na rin ako, sobrang kulit talaga ng anak ko.

Ginulo ng papa nya ang buhok nya kaya sumimangot ito.

"Okey lang sa akin, pero sa Naynay mo I'm not sure. Baka sungitan nya lang ang girlfriend mo." Natawa ako.

"Buddy Kaka-four mo pa lang, wag mong isipin yang mga girlfriends girlfriend na yan." Singit ni Ryke na printing nakasandal sa sofa.

" Look at me, us. Ang gwapo pa rin namin hindi kagaya ng daddy mo." Sambit ni Bogart Kaya tumaas ang sulok Ng kilay ni Marcus.

"Ninong Bogart, your handsome but if taytay on your side." Ngumiti .g nakakaloko si Nathan. "Nagmumukha ka lang pong isang agiw." Lumagampak ng tawa ang tatlo pero ang mata ko ay napako sa anak ko mg ngumiti Ito ng matamis.

"Kung mahahawakan lang sana kita anak ko. Kung mababalik ko lang sana ang mga panahong to." Bulong Ng isip at Hindi mapigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Wala akong alam sa boung nangyare, ni isa sa kanila ay walang nagsabi sa totoong nangyare, siguro ito ang pamamaraan ng panginoon para malaman ko kong sino talaga ang pumatay sa anak ko, ang panaginip na to. to put her or him behind the bars. Mapapayapa lang ang puso ko kong pagbabayaran na nila sa batas ang ginawa nila sa anak ko. But fuck? Anong sasabihin ko sa korte na napanaginipan ko ang boung nangyare? This is shit!

"Kukunin ko nalang ang kotse at deritso tayo sa hide out, para ipakita ang gustong Makita ni big boy." Sambit ni kuya at kumindat kay Nathan, nag thumb's up naman anak ko sabay kindat.

"Sasama kami." Sambit ni Bogart saka sumunod silang tatlo kay Kuya.

Napatingin ako sa bulto nilang papalayo, lumapit Naman si Nathan Kay Marcus bago kumandong sa ama. Pinaglalaruan nito ang nick tie ni Marcus, habang si Marcus naman ay hinahaplos ang buhok nito.

" Tay.." Sinanay namin ang anak kong tawagin kaming Naynay at Taytay, mas gusto kong matawag na Naynay kaysa sa Mommy. Sabi nila Kuya parang nakakatanda daw tawaging Nay at Tay ng anak. But for me it's sounds so cute.

"Yes Naknak?" Inangat ni Nathan ang ulo nya habang ako ay nasa isang sulok lang.

"If you're going to choose between me and Naynay, sinong pipiliin mo?" Nagulat ako sa tanong Ng anak ko.

Tumikhim si Marcus sabay lumingon sa gawi ko, hindi ko alam pero parang may kakaibang ibig sabihin ang pagtingin n'yang yun, Parang may pangamba sa mga mata n'ya.

"As long as I can, wala akong pipiliin pareho ko kayong mahal at hindi ko kaya ang mawala kayong dalawa sa akin, mababaliw ako kung mawawala kayo sa akin." Bulong nito at hinalikan ang noo ng anak ko, namin.

Lumapit ako sa umupo sa tabi nila, laking gulat ko ng umupo si Nathan a gitna namin, na para bang nararamdaman nilang nandito lang ako.

"How about you, son? I mean is kung papipiliin ka ng pagkakataon, halimbawa maghiwalay kami ng Naynay mo, kanino ka sasama?" Gusto kong sakalin si Marcus dahil sa tanong nya. Anong klasing tanong yun? Dapat ba yung itanong sa bata? Gusto ko s'yang murahin pero naagaw ang pansin ko ng isang mumunting hikbi.

"Maghihiwalay kayo? Bakit hindi nyo naba ako Mahal?" Umiyak Ito, dahilan para manikip ang dibdib ko.

"Ayokong maghiwalay kayo. Kasi kung mangyayari yun, paano ako?" Tumulo na naman ang luha galing sa mga mata ko.

"Shh...." Tarantang pinunasan ang ni Marcus ang mga luhang nagsilaglagan sa mga Mata nito.

"All I mean is, sino ang mas mahal mo sa aming dalawa." Paliwanag nito.

"Sabi mo big boy kana di'ba, walang poging umiiyak anak." Bulong nito kaya Napa upo Ng tuwid si Nathan.

"Of course, I'll choose Naynay." Tumikhim Ito at hinarap ang ama.

"She sacrificed her dream for me, for you Tay. Sabi ni Naynay gustong gusto n'yang maging police dati, gusto n'yang iligtas ang mga nangangailangan. But after she graduated in criminology, nagpropose ka sa kanya ay nag iba na daw ang pananaw nya sa buhay. After the wedding and I came to her life, it all change, nung pinagbubuntis nya ako ay nag iba daw ang pangarap nya, wala na s'yang ibang ginusto kundi ang isang mabuting ina at asawa. Kinalimutan nya ang pangarap n'yang maging police para sa akin, at Tay wag sanang sumama ang loob mo." Taas noong sabi nito.

Natawa ako dahil kung makapagsalita ay parang ang tanda na nya. And yes, kinukwento ko iyon lahat sa kanya. Parang matanda kong mag isip si Nathan ayaw n'yang binabasahan ko sya ng mga stories bago matulog. Instead he like to hear my pass. Masyado s'yang matanong na bata at naalala Kong nakuwento ko sa kanya ang bagay na yan ay nung gabing hindi naka uwi si Marcus sa bahay, dahil sa isang board meeting.

"Naynay is always beside me, alam mo nagseselos ako sa trabaho mo. Mas inuuna mo pa kasi yan kaysa samin. But Naynay told me that kaylangan mong gawin yun. For me to give me a better future." He hug Marcus. "But still I love the both of you," He said and kiss Marcus forehead.

𝓢𝓪𝓷𝓪 𝓪𝓴𝓸 𝓭𝓲𝓷, 𝓶𝓪𝔂 𝓱𝓪𝓵𝓲𝓴 𝓼𝓪 𝓷𝓸𝓸.

"I love you too my prince." Bulong ni Marcus at niyakap nya Ito.

Kahit panaginip lang ito, naiingit ako.

Gusto ko ring maramdaman ulit ang mahigpit na yakap Ng anak ko, Makita ang ngiti nya. Makasama sya sa tabi ko.

Kumalas si Marcus Ng tumunog ang phone nito, unknown ang tumawag.

"Wait nak, I need to take this." Sabi nito at bahagyang lumayo. Nanatili lang ako sa tabi ni Nathan pero ang mga Mata ko ang nakasunod Kay Marcus.

Kinausap nya ang kausap nya saka nilingon nito si Nathan na nangangamba ang mga Mata. "Please not my son-" naputol ang sasabihin nya, i never heard Marcus please somebody. Nagulat ito ng dumilim ang boung paligid, may kung sino ang pumatay ng mga ilaw.

"Nathan!" Rinig ko ang malakas na boses ni Marcus. Pero hindi sumasagot si Nathan. wala akong makita pero may naririnig akong mga yapag at alam kong hindi si Marcus iyon. I don't know but my heart beats so fast, parang Hindi ako makahinga sa kabang nararamdaman. God please.. gisingin mo ako.

Bahagyang lumiwanag dahil sa ilaw na galing sa cellphone ni Marcus. Nilibot ko ang tingin ko at mas kumabog ang puso ko sa kaba ng hindi makita si Nathan sa paligid.

"T-tay.." Biglang lumiwanag ang boung paligid at nakita ko ang anak kong hawak ng isang lalaking naka itim na maskara na naka tabon sa mukha n'ya at tanging labi lang nito ang nakikita.

Tinututukan nito ng baril ang ulo ni Nathan, nilingon ko si Marcus na may hawak na baril at nakatutuk sa lalaki.

"Bitawan mo ang anak ko." Tiim bagang saad nito at mahinang pero paulit ulit na nagmura.

"Why should I Marcus?" That voice was familiar to me, parang narinig ko na ito, pero hindi ko alam kong saan o kailan.

"Please let me off.." Bulong ng anak ko na nasasaktan sa higpit Ng pagkakahawak sa kanya ng lalaki, diniinan nya ang baril sa ulo ng anak ko kaya napapikit ito. Pati ako napapikit, kung ito man ang nangyare. Ayokong makita ang pagkamatay ng anak ko.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko, gusto kong gumawa ng paraan pero paano? Nanginginig ang tuhod ko ng makitang umiiyak ang anak ko.

"Naynay... Tulong." Rinig kong pagtawag ng anak ko sakin.

"Damn you kru-" pinaputukan nya ang kamay ni Marcus, dahilan para matapon nito ang baril na hawak.

"Tay!!" Sigaw ni Nathan at nagpupumiglas a pagkakahawak ng lalaki.

Dumugo ang kamay nito, pero tinago nya ang sakit at matapang na hinarap ang lalaki.

Dahil sa pagpupumiglas ay nakawala si Nathan sa kamay mg lalaki ay agad itong tumakbo papalapit kay Marcus. Pero hindi pa man nakakalapit ang si Nathan ay binaril sya ng lalaki.

"Nathan!"

Nagising si Syn ng may yumakap na matitipunong bisig sa kan'ya.

"M-marcus." Napayakap ako sa mababasa n'yang balikat.

"Shhh.... Okey lang ang lahat, nandito na ako,uuwi na tayo." Bulong nito habang haplos haplos ang likod nya.

"Nakita ko... Napanaginipan ko. Marcus Hindi si Austin." Hinarap nya ito.

Hindi si Austin, iba, mali ang taong nakulong.

"Alam kong alam mo na hindi si Austin ang lalaking pumatay sa anak natin." Gumuhit ang takot sa mata nya bago nag iwas ng tingin.

Nanatili s'yang tahimik habang yakap ang asawa. Nang walang marinig mula kay Marcus ay pinili n'yang ipikit ang mga mata.

"Iuwi mo nalang ako." Walang emosyon n'yang sabi.

Binuhat sya ni Marcus at sinakay sa kabayo.Napataas ang kilay nya ng akmang sasakay s'ya sa isang kabayo, ni Vienna. Kabayong sinakyan ni Vienna kahapon.

Hindi na malakas ang ulan, pero sapat parin ito para mabasa ang damit kmnya

Tumikhim ako kaya nilingon ako nito.

"Sigurado kang sasakay ka jan?" Taas kilay si Syn.

Bumuntong hininga sya at tinali ang kabayo sa isang puno.

𝘎𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘯𝘶𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘢.

Umurog si Syn at sumakay si Marcus sa kan'yang harapan, niyakap n'ya ito sa likuran para hindi masyadong makaramdam ng lamig.

"Bakit ayaw mong sabihin sa akin Marcus? Ang boung nangyare sa gabing yun."

Walang emosyon s'ya nitong nilingon.

"Dahil alam kong kamumuhian mo ako- pagnalaman mo."

   

MaeReinStylus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top