04 Toyang
04 Toyang
____________________________________
DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla
ToyangTalks: Didn't know there are sweeter words than, "I love you". xoxo
___________________________________
NAPAHILOT AKO SA sentido ko habang kausap sa cellphone si Don.
"Nang, pasensya ka na talaga. Kailangan ako ni Sasha sa pageant niya ngayon."
Hindi niya ako masusundo sa trabaho at ala-sais na ng gabi nang tumawag siya para ipaalam sa akin iyon.
Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Oh, sige. Basta umuwi ka agad pagkatapos mo r'yan, Don. Huwag kang magpapagabi kasi may pasok ka pa bukas."
"Opo, nang. Salamat talaga sa pag-intindi!"
I ended the call and leaned on my swivel chair. I stomped my feet in a sulking manner.
Dapat kasi nagjo-jowa na ako, e!
Mabait naman ako. Passionate at sobrang sipag pa.
Lord, bakit?
Nagligpit na lamang ako ng mga gamit at ipinasok agad sa itim kong Gucci duffle bag na maliit lang ang mga iyon. I slung its strap across my body and went out of the office.
Kung alam ko lang na hindi ako masusundo ni Don, sana pala ay hindi na lang ako nag-dress. Vintage iyon na hanggang tuhod at kulay gray na puff sleeves saka may flower embroidery sa magkabilang gilid. Pinaresan ko iyon ng black Gucci sneakers. I let my hair down too with two black hair clips sa magkabilang side ng buhok ko.
Gusto kong makatipid kaya bumalik ako sa Carmen para pumila roon sa sakayan ng Opol Liner na mga jeep pauwi. Kaya nga lang parang hindi na ako natuto sa huling sakay ko rito na inabot ako ng dalawang oras kakatayo at bandang alas-nueve na ng gabi nang makauwi sa bahay.
Nakauwi na kaya si papa?
Ayoko sana siyang abalahin pero baka pwedeng magpasundo kahit ngayon lang.
I took my phone out of my bag and called my mother right away.
"Ma, nand'yan ba si papa?"
"Oo, bakit? Nasaan ka na?"
"Nasa Carmen, ma. Ang haba ng pila. Baka pwedeng pasundo kay papa? Teka, nagpaalam ba si Don sa inyo?"
"Oo, nagtext kanina. Ikaw naman kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Ano bang silbi niyang cellphone mo ha, Antonnia?"
"Sorry, ma. Please pasundo ako kay papa. Kanina pa ako nakatayo rito. Ang haba pa ng pila."
"Oh, sige na. Maghintay ka lang d'yan at sasabihin ko sa kanya. Diyan ka lang sa maraming tao ha. Huwag ka nang umalis d'yan at baka makidnap ka. Malusog ka pa naman kaya tiyak na tiba-tiba sila sa'yo-"
"Ma, naman!"
Tumawa siya sa kabilang linya kaya natawa na rin ako.
Ito talaga si mama kahit kailan, mapanglait.
I keep glancing on my wristwatch from time to time. Pero madalas doon sa mamang nagpapaypay ng barbeque na tinda niya.
Sheeet, gutom na ako...
May dumating ulit na jeep kaya umusad iyong pila. Nang napuno na ay lumarga na ulit ito tapos sinundan naman ng isa pa. Konting tiis na lang at makakasakay na ako ng jeep sa sobrang tagal ni papa.
"Miss, abante na," sabi sa akin ng babaeng G na G nang umuwi sa likuran ko.
Napatitig kasi ako sa itim na Hummer na biglang nagpark sa may opposite na gilid ng pila.
"Sorry..." Umabante na ako pero hindi ko pa rin inaalis ang kunot ng noo at tingin doon sa sasakyan hanggang sa ibinaba no'n ang bintana sa may banda ko.
"Toyang."
Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. "Alek!"
"Sumakay ka na."
"Teka, nasaan si papa?"
"Sanaol..." dinig kong bulong na sinabayan pa ng hagikhik ng babaeng nasa likuran ko kaya binalingan ko siya.
"Boyfriend mo, te?" tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot pero napangiti ako sa naiisip.
"Soon to be," sagot ko na sinundan nang mahinang halakhak ko.
Paglingon ko ulit kay Alekhine ay nakakunot na ang noo niya. Alam ko namang hindi niya narinig iyon dahil may kalayuan siya pero nakakainis iyong mga paganyan niya. Parang Jboy, chaar.
Tatawid na sana ako papunta sa sasakyan niya nang mapaatras ulit ako dahil muntik na akong mabundol nang daraang motor.
"Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw niya sa akin.
"Pasensya na po!" I apologized whilst bowing my head.
Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto ng sasakyan ni Alek.
"Hindi ba ikaw ang dapat magdahan-dahan nang takbo? Nakikita mo namang may mga taong pumipila rito, humaharurot ka pa," seryosong ani Alekhine na nasa likuran ko na pala sa may driver ng motor.
"Sorry, sir, ma'am..." sagot naman ng driver na natakot ata kay Alek saka pinaandar na ang motor at maingat nang tumakbo.
"Ayos ka lang?" tanong niya habang nakatungo para tingnan ako.
Tango lang ang tanging naisagot ko dahil hindi pa rin ako nakakabawi sa nasaksihan ko. Kinilig ako sa pagtatanggol niya, e.
He held the door of the passenger seat open for me. Pumasok naman agad ako. Napabaling ako sa kanya dahil hindi pa rin niya naisasara ang pinto.
"Bakit?" tanong ko.
"Seatbelt, please," aniya habang bahagyang nakanguso roon.
Napangiti naman ako at nagseatbelt na. Ewan ko, ang cute niya sa tuwing ginagawa niya 'yon.
Napansin ko ring naka-navy blue na siyang v-neck tee shirt at beige cargo shorts saka itim na sandals. Naka-pambahay na siya.
Isinara niya ang pinto saka siya umikot sa harap at pumasok na rin sa driver seat. He buckled his seatbelt and started the engine.
"Nakisuyo si Tita Donna na sunduin ka. Umatake kasi ang rayuma ni Tito Jules," paliwanag niya habang marahang tumatakbo ang sasakyan.
Kaya pala...
"Pasensya ka na talaga sa abala ha. Sana pala tinext ko na lang si papa na huwag na lang akong sunduin kung alam ko lang na umatake iyong rayuma niya."
"Ayos lang. Wala naman akong ginagawa."
Nasa may Patag pa lang kami pero ramdam ko na ang awkward na tunog ng mga kulisap dahil sa katahimikan namin. Ang layo pa namin sa Opol!
I figured out that I have to start the conversation so that he wouldn't think I was boring. Kaso sa lahat ng topic, iyong tunog pang-chismosa pa ang naisip ko.
"Nagka-girlfriend ka na?"
Napapikit ako sa inis.
Itong bunganga ko talaga kung minsan may sarili niyang isip. Napaghahalataan tuloy akong may lihim na pagtingin.
He raised one brow and I laughed to just shrug it off.
"Ang feeling close ko ba? Sige, 'wag mo na lang sagutin."
"I had one before," biglang sagot niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Isa lang? Weh, 'di nga?" natatawang tanong ko na para kaming mag-bff. Ang kapal ko talaga!
Buong akala ko ay hindi na niya sasagutin iyon pero nagsalita ulit siya. "I focused on my studies and was busy with work so I didn't have anyone after her."
Woah, it's chika minute!
"Gaano kayo katagal?" Sinimulan ko na, e, kaya lulubusin ko na lang hanggang sa makauwi kami.
"Two, almost three years. We met during senior high school and we'd lasted until our freshmen years in college."
"Bakit kayo nag-break? Kung okay lang sa 'yong magshare. Kung ayaw mo naman, maiintindihan ko," I assured him because he's opening up to me now.
"When I got the scholarship in XU, I told myself I had to focus on my studies to keep that. But, she didn't understand."
"Paanong hindi niya naintindihan?"
"She demanded for most of my time and I couldn't give her that. She came from a well-off family and I didn't..." he trailed off, eyes still on the road.
Nanatili naman akong tahimik habang nakatitig pa rin sa kanya. I just didn't want to push him now to speak more. However, he continued.
"Hindi niya ako nagawang intindihin. Siguro hindi niya lang maunawaan kung gaano ako kapursigido ng mga panahong iyon na tulungan si papa, na ang pamilya ko muna ang prayoridad ko."
Binalot kami ng tahimikan ng ilang sandali saka siya nagsalitang muli.
"Alam mo 'yong pakiramdam... Iyong sakit na nakikita mo 'yong papa mong pasikretong umiiyak kada pag-uwi niya sa madaling araw galing sa pagda-drive dahil hindi pa rin sapat iyong kinikita niya para sa isang linggong gastusin namin..."
Tumango naman ako. Pareho kami ng kwento ni Alekhine kaya talagang naiintindihan ko siya. Our fathers worked the same job before so I really get what he meant.
Our life before wasn't really easy, and it truly hurts seeing your own support system break down right in front of you. Naalala ko noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo, habang nagdadasal kami bago matulog, umiyak si papa dahil sa hirap ng buhay. Ang sakit-sakit na panoorin siyang ganoon pero sabi niya sa amin, magdasal lang daw kami at makikinig ang Diyos.
One precious thing I have learned all throughout my previous journey was that we should never indeed underestimate the power of a single wholehearted prayer because it always gets to Him. Although the reply may not arrive in an instant, but it comes a long way. Magugulat ka na lang isang araw na nagbago na ang buong buhay mo.
"Nagpart-time ako sa may City Engineers Office bilang errand boy nila noong college pa ako. They really helped me a lot. Nakakapag-ambag ako sa mga gastusin sa bahay at may natututuhan din ako sa mga engineer habang tumutulong sa kanila," dagdag niya pa.
I smiled at him and said, "Sigurado akong proud sina tito sa 'yo at ipinagmamalaki nila nang sobra ang mga ginawa at sakripisyo mo para sa kanila."
Nasa may intersection na kami ng Bulua at terminal nang huminto kami dahil umilaw na ang pula sa traffic light.
Binalingan niya rin ako kaya nagkatinginan kami. The lampposts outside and the traffic light illuminated his pleasing features, especially his expressive eyes. I just then found my heart skipping a beat when he smiled at me warmly.
"Alam at ramdam kong proud din sa 'yo ang pamilya. Proud ako sa 'yo..."
I have heard, written, and said the words which I thought to be the sweetest before, but it never occurred to me that his last three words would tug some special strings in my heart.
I didn't expect that the simple 'Proud ako sa 'yo' could be sweeter than 'I love you'.
MULA SA BINABASANG libro ay nag-angat ako ng tingin kina Irish at Candy na kadarating lang sa canteen. Kanina pa kami ni Mariah dito nang matapos ang klase namin sa Liceo.
"Busy ka? E, busy din naman ako ha pero lagi akong may time para sa'yo! Ano 'to, Isaac? Ako na lang ba talaga magbubuhat lagi ng relasyong 'to?" panggagalaiti ni Candy sa kausap sa cellphone.
I looked at Irish to ask but she simply mouthed, 'LQ'.
"Space? Wow, kailangan mo pa ng space na lagay nating 'to? Ilang universe pa ba ang gusto mo para maihanda ko ha?!"
"Cands, kumalma ka muna," sabi ni Mariah sa kanya matapos niyang padabog na inilapag ang makapal niyang libro sa Med sa lamesa bago naupo.
Pinagtitinginan na rin kasi kami ng iba pang naroroon. Hinawakan ni Irish sa mga balikat si Candy para kumalma.
"E, 'di break kung break! Pakyu!" She ended the call immediately and looked at us like nothing big just happened.
"Kumain na tayo. Baka mangayayat si Toyang niyan," biro niya pa. Hindi ko na lang pinatulan.
We ate and didn't talk about it. Nang mag-ala-una na ay nagpunta na kami sa kanya-kanyang klase namin.
Pagkatapos ng klase ko sa masteral ay pumasok muna ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. I combed and tied my hair in a high ponytail so that it would match my outfit more. Nakasuot ako ng puting graphic tee shirt na may print ng Eraserheads. Tinuck-in ko iyon sa high-waisted jeans ko na may dark brown na belt. I paired it with my black converse.
My phone beeped inside my tote bag so I took out and saw Irish's text.
Let's drink tonight. My treat.
I groaned and immediately typed a response.
Hindi ako umiinom!
Mabilis naman siyang nagreply, hindi masyadong halatang G na G uminom.
Let's be with Candy tonight, sis. She needs us and it's nice to talk about heartbreak over some bottle of beers.
Hindi nga ako umiinom! May klase pa ako bukas ng umaga.
Sasama rin si Mariah. Kahit hindi na kayo uminom. Samahan lang natin si Candy. I already called Ice too. She said she's coming daw.
Magvideoke na lang tayo tapos kantahan natin siya ng Where Do Broken Hearts Go.
Haha no basta sa Panagatan tayo mamaya. See you later, sis! 😘
Gaya nga ng pinangako niya ay sinundo nila ako pagkatapos ng trabaho ko. Talagang kompleto na sila!
Sa front seat naupo si Mariah ng Audi convertible ni Irish. Nakababa ang roof no'n ngayon kaya kitang-kita ko sila sa loob. Wala akong ibang choice kundi makisiksikan kina Ice at Candy na mukhang ayos naman o nagpapanggap na ayos lang.
"Basta, Rish, libre mo 'to ha!" sabi ko pa sa kanyang tinawanan lang niya. Palibhasa rich kid.
"Sus, maliit na bagay lang daw 'yan," biro pa ni Candy.
We drove going to Opol and dined in Panagatan. Nagtext na rin ako kina mama na matatagalan ako nang uwi saka ihahatid naman daw kami ni Irish at kasama ko naman iyong mga kapitbahay kong sina Ice and Candy.
Mostly seafoods ang delicacies dito but I settled for an inihaw na isda and buttered shrimp. Since coastal area ang barangay namin ay lagi kaming nakakakain ng kung anu-anong seafoods kaya sawa na ako sa kahihimay ng mga alimango!
Pagkatapos kong kumain ng leche flan na dessert ay nag-order naman sina Candy at Irish ng dalawang bote ng red horse. Nanghingi rin sila ng limang baso.
"Oh, iinom dapat lahat," si Irish.
"Hindi nga ako umiinom!" I protested.
"Ako rin..." Mariah seconded.
"Mabuti pa dagdagan mo na lang 'yong dessert ko," dugtong ko pa sabay lapit kaunti ng platito ko sa kanya.
"Boo! Basagin ang baboy! Basagin ang baboy!" Candy teased so I glared at her. Natatawang niyakap niya lang ako.
"Isang baso lang tapos okay na," giit pa ni Irish na nilalagyan na ang lahat ng baso.
"Rish, huwag kang maglasing ha. Magdadrive ka pa..." Mariah reminded her.
"Sure, sure!"
Napilitan akong uminom. Si Mariah hindi na nila pinilit kasi kailangan niyang maging sober kung sakaling malasing si Irish dahil babalik pa sila sa siyudad. Kailangan may gumabay sa kanya sa pagdadrive.
"Hoy, Irish, tama na 'yan! Lakas mong uminom ha. Ikaw ba brokenhearted?" natatawang pigil ni Candy kay Irish na aabutin pa sana ang baso ni Mariah na hindi nito nainom.
"That's the last glass. We're not going home not unless that's already empty!"
"Lagot, tipsy na si Ate Irish." Ice giggled.
Inagaw ko sa kanya iyong baso at nilaklak ang laman no'n. Titig na titig sila sa akin nang ibaba ko sa lamesa ang basong wala nang laman.
"Hayan ubos na! Baka pwede na tayong umuwi?" tanong ko sa kanila. Gabi na kasi.
"That's right. Let's go," ani Mariah.
Tumayo ako at napapikit-pikit agad dahil parang nagiging blurry na iyong paligid ko. I shook my head to also shake that dizziness I'm feeling. Maglalakad na sana ako palabas nang bigla akong hatakin ni Candy pabalik.
"Iyong bag mo, Toyang!"
"Ay, oo nga pala!" Napapalakpak ako sa katangahan sabay tawa.
I spun around to go get it but Mariah already took it for me. Siya na rin ang nagsabit no'n sa balikat ko. Kaagad ko naman iyong niyakap.
"Inaantok na ako..." I whispered. I heard Candy's mocking laughter at the background.
"Lasing ka na sa tatlong baso? Isa kang mahinang nilalang!"
I grimaced with my eyes now closed. Nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi ko na rin alam kung kay Ice ba o kay Candy ang balikat na sinasandalan ng ulo ko ngayon.
I couldn't keep track of what happened. Basta ang alam ko ay malapit na akong makatulog kung hindi lang ako ginising ni Mariah na nasa tapat na kami ng Kamp Kawayan.
Bumaba siya tapos si Candy naman para makalabas ako ng backseat. Sila na rin ang nagdoorbell para sa akin. Sumandal ako sa may gilid ng gate at pinipigilan ang antok ko habang hinihintay si papa na pagbuksan kami ng gate.
"Tito, pasensya na po kayo kung ginabi kami. Pasensya na rin po kasi medyo lasing na si Toyang. Pero promise po tatlong baso lang nainom niya," I heard Mariah explained when the gate opened.
I slightly opened my eyes to see papa and I waved at him. "Hello, pa. I'm homeee!"
"Engineer, nandito po pala kayo," si Candy na mukhang nagulat.
Mas iminulat ko ang mga mata at nakitang nakatayo sa may hamba ng pintuan namin si Alekhine na naka-pambahay na at sa likuran naman niya ay may dalawang shot glass saka bote ng alak sa may coffee table ng patio namin.
"Nag-inuman din pala kayo. Cheers!" humahagikhik kong saad sa napagtanto na sinabayan ko pa nang pagtaas ng kanang kamay sa ere.
"Sige, ako na bahala sa kanya. Maraming salamat sa paghahatid niyo sa kanya. Mag-iingat kayo pauwi," sabi ni papa sa mga kaibigan ko.
Pumasok na ako ng gate at naupo sa may pintuan ng patio namin para hubarin ang sapatos ko kahit antok na antok na ako. Magagalit kasi si mama kapag ka pinasok ko iyon sa loob ng bahay.
"Diyan ka lang, Antonnia. Gigisingin ko muna ang mama mo," ani papa bago pumasok sa loob ng bahay.
Tumango-tango ako habang walang ganang tinatanggal ang sintas ng kanang sapatos ko. Ganito pala ang epekto ng alak? Nakakaubos ng energy.
"Ako na."
Nag-angat ako ng tingin sa nakatalungko nang si Alekhine sa tapat ko. He stretched my right leg and placed my foot on his lap so he could undid my shoelace.
"Uy, nakakahiya naman sa 'yo. Sorry na agad ha..." sabi ko.
He looked at me, slightly frowning. "Bakit ka nagsosorry?"
"Baka kasi mabaho iyong paa ko..." Mabilis kong tinakpan ang mukha ng mga palad sa hiya dahil sa sinabi. "Nakakahiya naman..."
I heard him chuckle.
"Ayos lang," kalmadong sagot niya.
Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko at nagtakip ulit ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
"Hindi naman mabaho," natatawang aniya matapos hubarin ang mga sapatos ko.
I lowered my hands and caught him placing my converse on my side neatly. "Salamat."
"Antonnia, gabing-gabi ka na umuwi tapos lasing pa!"
Kahit nasa malayo pa si mama ay dinig ko na agad ang ratatat niya. I groaned and laid on the floor with half of my legs still outside. I covered my eyes with my right arm. Gusto ko nang matulog, please!
"Antonnia, tumayo ka riyan! Nakakahiya ka kay Engineer, oh! Antonnia!"
Kinurot-kurot ako ni mama sa tagiliran pero napapahagikhik lang ako habang sinusubukang iiwas ang katawan dahil may kiliti ako roon.
"Inaantok na ako, ma," nakapikit kong sabi sa kanya.
"Kaya nga tumayo ka na r'yan para roon ka na mahiga sa kwarto mo."
I protested silently. "Dito na lang ako matutulog, ma..."
"Mabuti sana kung ang gaan mo. Tumayo ka na r'yan kasi utang na loob, Antonnia, bali-bali ang buto ng papa mo kung kakargahin ka niya paakyat ng kwarto mo!"
I didn't respond anymore. I just snored because really feel like snoring, and before I totally doze off, I heard Alekhine spoke. "Ako na po magdadala sa kanya sa kwarto niya, tita."
•|• Illinoisdewriter •|•
Special Announcement:
You will only be reading it up until here. This story is now completed on GoodNovel with a total of 34 parts. Should you be interested in further reading it, you can always visit it on GoodNovel. Just search for my username 'Illinoisdewriter' and you will find it in my list of stories, or use the link I will be providing in the comments section of this chapter.
You can actually unlock the chapters without spending money. You can do it through free coins or bonuses which you will be getting from checking in the app daily or from doing some reading activities.
In a world not-so-free, you will soon find yourself growing up and realizing that you have to capitalize on your skills and utilize your potentials in order for you to survive. I have to do this because I have bills to pay, a brother to send to medical school, and dreams of a bright future for my whole family. Writing is not only my hobby, passion, and therapy. It's now also my source of income, and I will forever cherish and appreciate the help you will be extending for me. Thank you so much and God bless!♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top