03 Toyang

03 Toyang


____________________________________

DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla

ToyangTalks: Love is the fruit of concern from the seedling of "I care". xoxo

___________________________________

"Ma, hindi pa po kayo tapos d'yan?" tanong ko agad kay mama paglapag ko ng backpack sa may kawayang upuan namin.

Kararating ko lang galing sa eskwela at pasado alas-kwatro na ng hapon pero naglalaba pa kasi siya. Nag-alala naman ako nang marinig ang pag-ubo niya kaya nilapitan ko siya agad.

"Babanlawan ko na lang ang mga 'to tapos isasampay ko na sa taas," aniya sabay punas ng kanang kamay niya sa suot na daster.

"Ako na po tatapos niyan," alok ko pagkatapos magmano.

"Naku, hindi na. Ako na rito. Mag-aral ka na lang d'yan."

Tumango ako at kinuha na lang ang rice cooker para magsaing nang sa ganoon ay maaga kaming makakain. Paniguradong gutom na ang mga kapatid ko pag-uwi nila. Pati si papa saka para naman maibsan ang mga gawain ni mama.

"Ma..." tawag ko habang nagsasaing at nakatalikod kay mama.

"Ano 'yon, Toyang?"

"May... May event po kasing pupuntahan sana iyong mga 2nd year na BA-COMM. Sa Manila, Ateneo raw, ma. Dalawang araw."

"Oh, maganda 'yan! Magkano ba?"

I looked at her and smiled timidly. "Ten thousand po, ma. Kasama na r'yan 'yong round trip ticket saka accommodation daw sabi ni sir."

Nagulat si mama. She pursed her lips shortly after.

Alam ko, ma. Masyadong mahal.

"Pwede pa ba sa susunod na taon?" she asked in a small voice.

I smiled at her and nodded vigorously. "Ayos lang po, ma. Hindi naman compulsory."

Magandang experience siya para sa kurso ko but I don't want to keep them bothered with all its expenses.

"I-chat mo kaya si Tito Macoy mo. Baka makatulong siya," she suggested and I shook my head.

"Ayos lang po talaga, ma. Mas kakailanganin natin iyong diyes mil sa mga gastusin dito," I assured her.

She turned her back on me to continue rinsing the laundry.

"Pasensya na talaga, Yang..." mahinang sabi niya.

"Wala naman pong problema sa akin iyon. Makakapaghintay naman ako," tugon ko para pagaanin ang loob niya.

"Naku, sabi ni sir baka 15k daw iyong magastos natin all in all. G ka pa rin, girl?" my classmate asked one of our freshies who will be joining the trip to Manila.

We won't be having our class today because they will spend it in further plotting and preparing for their trip.

"It's fine. My mom actually gave me 30K for the trip." Isang malaking sanaol!

"Sulit naman siguro 'yong gastos natin 'cause we'll be seeing Jessica Soho, Atom Araullo, Raffy Tulfo, and other artists there!" Sanaol ulit!

"Hoping madiscover ako sa tour natin sa ABS-CBN Studio!" Huwag niyo akong kakalimutan kapag ka sumikat na kayo, mga siswa.

"Ms. Villa, bakit hindi ka sasama? Sayang 'yong opportunity," my professor pointed out when he noticed me not raising my hand when he asked the class on who will be joining him.

Half of our class will join. Siyempre iyong mga may sinabi talaga sa buhay ang sasama. The other half remains. Most of my classmates in BA-COMM are actually rich kids. May anak ng doctor, seaman, businessman, at kung anu-ano pa. Pero may mga iskolar din naman kaso sa CHED nga lang o 'di kaya sa city. Ako naman sa school, academic.

"Titingnan ko po sa susunod kung makakasama po ako, sir. Gipit po kasi kami ngayon," I explained with a smile on my face.

Hindi naman masama iyong loob ko. Ayoko rin namang mag-enjoy habang nahihirapan dito ang pamilya ko. Ayos na sa akin 'to. I will take whatever my parents can afford to give me. Hindi ko sila pipilitin.

"TOYANG!" natatarantang sigaw ni mama habang sinasalubong ako sa may kanto ng purok namin.

"Ma..." I frowned. I just got home from work.

"Bakit po kayo nagmamadali?" I asked again.

"Halika, samahan mo ako sa barangay dahil nagrambolan daw iyong mga binatilyong nagbabasketbol kanina. Nandoon din iyong magaling mong kapatid!" paghihisterikal niya habang hila ako sa kamay.

"Si Lucho, ma?!" I asked, shocked and alarmed at the same time.

Dali-dali naming nilakad ang daan papuntang barangay na katabi lamang ng plaza at basketball court sa lugar namin.

"Ma!" tawag agad ni Lucho sabay tayo pagdating namin sa may barangay.

"Humanda ka. Mag-uusap tayo sa bahay," banta naman ni mama na may panlalaki pa ng mga mata kaya napaupo ulit si Lucho katabi ng iba pang basketball player.

Kaagad namang naupo si mama sa may monobloc chair na hinanda ng isang empleyado roon na nakapwesto sa may table ni Kapitan Pacino Lim, lolo ni Candy. Tumayo lang ako sa likod ni mama at hinayaan siya at ang ilang mga nanay ng mga players na maupo roon.

"Kap, ano po bang nangyari? Anong ginawa ng anak ko?" she asked.

"Mrs. Villa, kumalma po muna kayo. Wala pong ginawa si Lucho. Katunayan ay siya pa ang nagsuplong sa mga ito kaya naagapan agad ang gulo."

Kapitan explained everything to us then made the present mothers and guardians fill up and sign an agreement. Aniya naglalaro raw sila tapos biglang nakainitan kaya nagrambolan. Mabilis na tumakbo si Lucho sa barangay hall kaya napigilan ang gulo. Buti naman...

Mama and I both knew that Lucho might be stubborn sometimes but he will never engage in a petty fistfight.

Paglabas namin ng barangay ay tatakbo na sana si Lucho pabalik sa covered court nang hablutin ni mama ang likuran ng jersey niya.

"Lucienne Cholo, saan ka na naman pupunta?"

Umayos ng tayo si Lucho at hinarap si mama kaya bumitaw na ang huli sa pagkakahawak sa kanya. "Maglalaro lang ako saglit, ma."

"Anong maglalaro?! Hindi ka pa ba nadadala kanina? Naging rambolan na nga 'yong laro niyo!" paalala ni mama sa mas mataas na boses.

"Ma, hindi talaga ako madadala. Kaya nga hindi ako nakasama sa rambolan kanina kasi hindi nila ako pinaglaro. Bangko kasi ako, ma! Bangko!" giit ni Lucho na ikinahagikhik ko.

"Sayang naman 'yong jersey at suot niyang sapatos, ma. Hayaan mo na. Saglit lang naman siya saka sasamahan ko na lang," alok ko.

Mama smirked as if reading my mind.

"Inuuto mo pa ako, Antonnia. Gusto mo lang namang dumaan sa Kapehan ni Lourdes para kumain na naman."

"Yes! Thank you, ma!" Lucho cheered kahit wala pang final verdict ni mama at kumaripas na nang takbo papasok sa court.

"Sige na, ma. Saglit lang kami, promise. Snacks lang. Gusto mo, sama ka pa," suyo ko pa sabay hawak sa kaliwang braso niya.

"Sige na, magsnack ka na at baka ikapayat mo pa 'yan. Mauuna na ako sa bahay kasi walang nagbabantay sa tindahan. Sabay na kayong umuwi ng kapatid mo ha," bilin niya bago humayo.

I then went inside the covered court to witness Lucho dunked. He shouted in satisfaction after. Walang tao ngayon doon kundi kami lang dahil na rin sa gulo kanina.

"Manang, nakita mo 'yon?! Nagdunk ako! Nagdunk! Nakuhanan mo ba?" sunod-sunod at excited niyang sabi.

"Hindi kasi kararating ko lang."

"Manang naman. Kuhanan mo ako please. Magda-dunk ulit ako. Susubukan ko. Pang-My Day," natatawang pakisuyo niya.

I rolled my eyes but took my iPhone from my jeans' back pocket and filmed his attempts until he finally did it. Matangkad si Lucho pero mas matangkad si Don. Gayunpaman, pareho silang may ibubuga sa itsura. Tama nga sila kapag sinabi nilang sa magkakapatid, kung sino ang pinakamaliit ay siya ang panganay kasi ganoon ako. Hanggang baba lang ako ni Lucho at balikat naman ni Don.

Si Don mabait and is always dressed humbly. Si Lucho naman ang makulit at maarte manamit. Minsan nga dinala ko sila sa Penshoppe para mamimili ng damit, si Lucho ang daming biniling polo at pantalon pero si Don dalawang puting tee shirt lang at parehong plain pa!

"Nang, pic naman please. Pang-IG story," pakisuyo niya sabay tawa ulit saka dribble ng isang beses at lapit ng bola sa may tagiliran niya.

I sighed but still did what I was told. Pinaposisyon ko siya sa may side ng ring. Medyo malayo siya roon saka ko pinukos sa kanya ang camera, making the portion of the ring blurry.

He smiled, showing off his braces. Lucho's a typical millennial. Susubukan ang kung anong uso para maging 'in'. He kept bugging me before about those braces kahit na maayos naman ang mga ngipin niya. He said he just wanted to look cool which I found hilarious so I also keep telling him that wearing braces is considered as an unpleasant feature for people abroad. He just told me laughingly, "Hindi naman ako mag-aabroad. Nakakagwapo ang braces kapag ka nandito ka sa PH kaya siyempre mananatili ako sa kung saan ako gwapo."

I just did a facepalm. He will really insist his trivial reasons so I gave up and granted his favor. Sumunod naman iyong cross niyang piercing. Bawal iyon sa school niya kaya tinatanggal niya kapag ka pumapasok pero tuwing weekends at nasa bahay lang ay isinusuot niya. Ayoko sana pero ang kulit. Pinerfect pa ang exam sa math subject niya gaya nang napagkasunduan namin kaya wala rin akong nagawa kundi ibigay sa kanya iyon.

Pagkatapos namin doon ay nagpunta na kami sa may dalampasigan kung nasaan ang Kapehan Sa May Baybay ni Aling Lourdes. Parang simpleng snack bar iyon sa lugar namin na kilala rin ng mga dayo dahil sa masasarap na kakanin at drinks nila lalong-lalo na ng kape at mainit na tsokolate.

"Oh, Lucho, Toyang, ano ang sa inyo?" Aling Lourdes greeted us when we entered her lovely cottage.

"Mango shake po sa akin saka dalawang palitaw na may yema," sagot ni Lucho.

"Mango shake na rin po saka tatlong puto, dalawang kutsinta, at isang bibingka," order ko naman.

"Wow, sana ginawa mo na lang isang bilao, nang," tawa ni Lucho.

"Cho, huwag ngayon. Gutom ako."

Naupo kami sa may isang maliit na de kahoy na lamesa pagkatapos. Malapit lang sa counter kaya si Aling Lourdes na kilalang 'Radyo Cagaycay' dahil likas na tsismosa sa purok naming ang pangalan ay Cagaycay ay pasimpleng nagpupunas ng counter sabay bukas ng usapan.

"Balita ko may nagrerenta raw doon sa apartment na nasa second floor ng bahay nina Mareng Mercy, totoo ba?" panimula niya.

"Opo," sagot ni Lucho.

I drink from my mango shake bago ko nilamon sa isang subuan ang unang putong nahawakan.

"Engineer daw at gwapo?" Aling Lourdes asked again.

"Hindi po," tugon ko naman.

"Ngi," nakangiwing sambit ng matanda.

"Kasi sobrang gwapo," dagdag ko naman. I caught her eyes twinkled.

"Talaga? Gaano kagwapo, Toyang?"

Sinubo ko ulit ang isa pang puto at nginuya saglit bago itinabi sa bibig ko kaya lumobo ang isang pisngi ko.

"Kilala niyo po si Kim Soo Hyun? Ganoon ka-fudo..."

She's fond of KDramas pati KPop na rin. Iyong apo niya kasi ay nahiligan ang mga ganoong bagay kaya pati siya na rin.

"Ay, talaga?! Katatapos lang namin ni Chelsea manood ng It's Okay Not To Be Okay kagabi. Ang gwapo no'ng Gang-Tae! Siya gumanap no'n, di ba?"

Kitams?

Hindi papahuli ang lola niyo.

"Opo." I nodded vigorously.

"May girlfriend?" she asked. Lucho and I's laughter synchronized.

"Hindi po siya pumapatol sa tanders," biro ni Lucho kaya siniko ko. Ma-hurt pa 'yong matanda.

"Wala po," sagot ko.

"Talaga?! Madaan nga ako roon minsan tapos isasama ko si Chelsea para makasungkit naman ng gwapong engineer!" natutuwang hayag niya.

Aapila sana akong hindi pwede kasi akin na si Alekhine kaso wala palang kaming kaya shadap na lang muna ako. I munched my last puto and kutsinta happily. I was drinking my mango shake when Aling Lourdes asked me.

"E, maiba ko lang, Toyang. Kailan ka ba mag-aasawa, hija?"

Nasamid ako sa iniinom at napaubo. Tawang-tawa naman si Lucho habang marahang hinahampas-hampas ang likod ko.

"Aling Lourdes naman. Kasal agad? Di ba pwedeng jowa muna? Hindi pa ako sinasagot ni engineer pero malapit na..." pambawi ko with matching halakhak na parang ilusyunadang frog.

We headed home after eating. Naglalakad kami ni Lucho pauwi habang nakaakbay ako sa kanya. Napatigil kami sa paglalakad nang may bumusinang sasakyan sa amin kahit pa nasa gilid ng daan naman kami naglalakad.

We both spun around only to see a familiar Hummer came to a halt in front of us. Its heavily tinted window on the front seat side rolled down, exposing my love from the star inside. I smiled instantly.

"Pauwi na kayo?" he asked.

"Opo, Engineer!" sagot ni Lucho.

"Sakay na kayo." He gestured his head to ask us to come inside.

"Nang, magtulungan tayo kasi kapag ka malakas ka na kay engineer, dagdag pogi points iyon kay Calli," bulong ng kapatid ko at mabilis na lumapit sa backseat at pumasok doon.

Wala naman akong ibang choice kundi ang maupo sa front seat. Baka isipin niyang nagmumukha siyang driver kung pareho kaming nasa likod ni Lucho.

When I settled inside, he was looking at me. I looked at him too with my forehead slightly creasing.

"Bakit?"

"Seatbelt." Nginuso niya ang seatbelt. Napahalakhak ako lightly kasi ang cute no'n.

"Okay lang, malapit lang naman."

"It's better safe than sorry. Accidents happen in times when we least expect it," he told me. I pouted but nodded then put the seatbelt on.

Ang strikto naman...

Nagtanong si Lucho kung ayos lang na hindi siya nagseatbelt kasi nasa likuran ko naman siya nakapwesto at sinisiguro niyang safe siya. The latter just agreed.

"Manong Alek, kumusta po ang experience ninyo sa lugar namin?" It's Lucho trying to strike a conversation.

"The place's simple yet peaceful and I like it."

"E, sa neighborhood po namin?" Lucho asked again with little chuckles.

"Mababait ang mga tao."

"Sa pamilya po namin, anong masasabi niyo?"

"Thank you."

I looked at Alekhine to see his reaction. He was smiling. "I now understand why my papa's grateful to meet your family."

I smiled at that too until...

"E, kay Manang Toyang po?"

I quickly darted Lucho a glare at the backseat to silence him. He only chuckled and rested his back coolly on the seat.

I turned my attention to Alekhine again. He didn't answer but his lips subtly pulled up for a smile.

"Yang, bilisan mo na r'yan at nang makakain na tayo. Baka gutom na si Engineer," sabi ni mama sa akin.

I hastily clipped the last chicken from the frying pan using a tong and placed it on the plate alongside the previous ones.

I offered to cook. Wala lang. Nagpapabibo kay Alekhine. I chuckled lightly whilst looking at my spicy fried chicken.

"Ma, iyong 500 na hiniram mo nga pala last week. Kailangan ko na," bungad ni Lucho paglapit sa amin sa kusina.

"Saka mo na ako singilin kapag ka may pambayad ka na sa buhay mo," mama rebutted. Napanganga si Lucho.

"Ma, seryoso ka?" he asked, dumbfounded.

"Kailan pa ba ako nagbiro, Lucienne Cholo?"

I chuckled at that.

Ang hirap talagang singilin ni mama kaya nga kapag nanghihiram siya binibigay ko na lang.

Lucho groaned and was about to sulk inside his room when mama teased him.

"Toyang, ubusin mo 'yong fried chicken ng mga hindi kakain!"

Napairap si Lucho pero bumalik ulit sa hapag. He then took his phone out and scrolled through it. I placed the viand atop the table. Si mama naman tapos na ring mag-ayos ng mga plato sa lamesa.

Seconds later, Don who called Alekhine came. Kasama na rin nila si papa kaya nagsimula na kaming kumain. We prayed first then we proceeded to eating. Nasa plato ko na ang fried chicken. Iyong kanin na lang ang hinihintay ko. Pinauna ko na silang kumuha kasi may plano ako.

When the bowl of rice reached me, I scooped a lot. Narinig kong tumikhim si papa.

"Nak, dahan-dahan naman. Nakakahiya kay Alekhine," sabi ni mama sa malambing na tono pero pagbaling ko sa kanya ay nanlalaki na ang mga mata niya na parang nagbabanta.

I smiled sweetly at her and said, "Ma, promise hindi na ako magdadagdag mamaya."

Hindi na muna ako titingin kay Alekhine para hindi ako madistract. Gutom talaga ako, e.

Balak ko sanang himayin ang naiwan sa fried chicken ko kaso napansin kong may naiwan pang kanin. I reached for the bowl again and emptied it.

"Hindi na magdadagdag ha," bulong ni mama na naunang matapos sa pagkain pagdaan sa likod ko.

I stopped chewing my food and looked up when I heard Alekhine chuckle. We looked at each other then he smilingly lowered his eyes on his plate and finished his food.

Pagkatapos naming kumain ay nag-alok na rin akong maglinis. I want my parents to rest. Kung nasa bahay lang din naman ako at bakante ay ako na ang gagawa ng mga gawaing-bahay hanggang kaya ko.

I started collecting the plates whilst calling Lucho to help me who was sat at the sala, watching his ML game on the flat screen. Si Don kasi nagbabantay ng tindahan.

"Tulungan na kita," said Alekhine and tried picking the plate nearby which I was also about to get kaya aksidenteng nahawakan niya bigla ang kamay ko. His calloused hand perfectly fits mine.

Batid kong pareho kaming nagulat at mabilis na binitiwan ang platong hawak kanina. He averted my gaze and I chuckled to ease the awkwardness between us.

"Ayos lang, ako na," sabi ko saka tinapos na ang pagliligpit.

I was about to carry all the plates in one at the same time when I realized it was actually heavy. Babasagin iyon at takot ko lang kay mama kung mabasag ang mga iyon kahit na may pampalit naman ako. Sentimental kasi siya at gusto niyang iniingatan talaga ang mga gamit niya.

"Ako na niyan," Alekhine insisted when he noticed my struggle.

I smiled at him and nodded. His fingers grazed mine when he took them from my hold.

Bakit ganoon?

Nakakakuryente...

Hinayaan ko siyang buhatin ang mga iyon at dalhin sa lababo. Paglapag niya ng mga no'n doon ay nagsimula na siyang maghugas na siya namang ikinagulat ko.

"Hoy, Alek, ako na r'yan. Nakakahiya naman sa'yo."

"Sige na. Hayaan mo na ako. Kayo na naghanda at nag-alok na pakainin ako kaya gusto kong bumawi kahit dito man lang," aniya.

Napansin kong nababasa ng tubig iyong suot niyang tee shirt.

"Bakit hindi ka nag-apron?" I asked him and took the apron which I hung beside the fridge.

"Ayos lang."

"Sige na, suotin mo na 'to para hindi mabasa iyong tee shirt mo lalo." I handed him the apron then we both stared at his soapy hands.

"Paano na 'yan..." I murmured.

He licked his lips then lowered his head towards my side. "Pakisuot, please..."

I blinked three times and nodded. Isinuot ko sa kanya iyon. I even tiptoed just to reach his head because he's apparently taller than me. Lumipat din ako sa likod niya para itali iyon. Ang hindi niya alam ay ngiting-ngiti ako habang ginagawa iyon.

He resumed washing the dishes whilst I returned to the dining to clean the table. Mukhang makakatulog ako nang mahimbing sa gabing 'to, ah.

I groaned at the sound of my phone ringing. I reached for it atop my headboard and answered the call with my eyes still closed.

"Siswa!" Irish greeted.

"Hmm..."

"Naku! Naku! Wake up, mate! Nasa may Pelaez Sports Center kami ni Mariah ngayon for our morning workout. Punta kayo ng Ice Candy dali!"

Ice or Aicelle is Candy's cousin who's our dear friend also. Graduating na siya from nursing. Madalas kaming tumatambay noong college kina Candy kaya nakakabonding din namin siya and their names together make up the Ice Candy.

"Hmm..."

"Basta natawagan ko na si Candy. Ihahatid daw kayo ni Dr. Lim kaya sige na, bumangon ka na at may surprise ako sa'yo. Matutuwa ka." She ended the call.

Ayoko sanang sumama kaso binanggit niya si Dr. Lim, daddy ni Candy. May dentist clinic ang pamilya nila, share ko lang. They came from a family of medical professionals as you can see. Ang yumaong nanay naman ni Candy ay medical technologist, share ko lang ulit.

Nakakahiya naman kay Dr. Lim kung paghihintayin ko kaya bumangon na ako at pinilit mag-ayos. While brushing my teeth and preparing, I turned my phone on and listened to TedTalks on YouTube. Matagal ko na 'tong hobby. Nakahiligan kong makinig sa kwento at masasabi ng ibang tao about stuffs lalong-lalo na sa buhay.

You know, I really thought I have my whole life figured out at twenty. Na kailangan ko lang makapagtapos ng pag-aaral, find myself a decent job, and do good just so I could give my family a comfortable life. Now that I achieved all of it, I don't know what comes after. Maybe, just maybe I was really able to figure out a part of my life but not fully. There are still gaps which I need to fill in. Hindi ko naman sinasabing sa love life pero parang gano'n na rin.

Truth is, gusto kong magkapamilya in the future. I don't want to grow old alone. Trust me, it isn't easy. I took it from the experience of the youngest brother of my maternal grandmother and the youngest brother of my mother too. You still have your family but it's a different feeling and kind of care you will get if you have your own. Kaya nga siguro kahit hirap na hirap na si lola noong mga huling araw niya sa mundo ay ayaw niya pa ring bumigay hanggang sa hindi niya kusang nakukuha sa tiyahin ko ang assurance na aalagaan nito si lolo na kapatid niya kahit wala na siya.

I sported on a pink satin track pants from Adidas with its matching jacket. I wore a white tank top underneath it then a pair of white Nike shoes. I then pulled my ash blonde-dyed hair up for a ponytail. I also brought with me a Louis Vuitton mini backpack.

Nagpaalam naman ako kina mama at papa. Tuwang-tuwa pa si mama kasi sa tamang paraan ko raw nagagamit ang Sunday morning ko. Dinaanan ako nina Candy at Ice saka hinatid na kami ni Dr. Lim sa Pelaez Sports Center. Irish promised that she will take us home. Siyempre siya lang ang may kotse sa amin, e.

We paid for the entrance fee. Nagtulungan naman kaming tatlo na ilagay iyong sticker na bracelet sa mga pulso namin bilang palatandaang bayad na kami.

It's still 6:00 AM pero marami-rami na rin talaga ang mga nandoon para mag-ehersisyo.

"Sis!" Irish waved at us from the side. Nasa may gilid siya nakapwesto. Iyong gym bag niya ay nasa may well-trimmed bermuda grass nakalapag kasama ng gamit ni Mariah at iba pang pagmamay-ari ng ibang naroroon.

"Gaano ba tayo katagal dito..." pabulong kong reklamo kahit hindi pa nagsisimula habang palapit sa mga kaibigan.

"Hanggang sa pumayat ka, sis," tukso naman ni Candy.

I lightly slapped her on the shoulder. Natawa naman si Ice. Pagdating kaagad namin doon ay inilapag namin ang mga gamit. Irish then gestured us to come forward and have led the warm-up.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-la-lunge nang mapansin ang lalaking dumaan sa tapat namin. Dressed in black sleeveless shirt and gray Nike shorts then black shoes was Alekhine. He was having his jogs with his AirPods on.

Napaupo naman ako at binalingan ang mga kaibigan. "Nandito si Alekhine?"

"Surprise." Irish winked at me.

We had our morning jog around the oval then. Hindi pa nga kami nangangalahati sa unang round ay hinihingal na ako. Ang hirap talaga ng chubby.

"Go, Toyang!" Mariah cheered me up when she saw me catching my breath with hands on my bended knees.

"Hahabol ako," I told her.

Nang makabawi ay nag-jog ulit ako but I slowed down nang mapadaan sa banda ni Alekhine malapit sa may entrance. He was cooling down now. Mukhang uuwi na.

Lalapitan ko na sana siya nang marinig ko ang nagtitinda ng taho sa may labas ng Sports Center.

"Taho! Taho!" Mula sa chainlink barrier ay nakita ko iyong tindero.

Lumiko ako at dumiretso sa entrance para bumili.

Namimiss ko nang magtaho!

"Tay, pabili po," tawag ko sa kanya.

"Magkano sa'yo, ma'am?"

"Iyong pinakamalaki po."

The vendor handed me the taho and my eyes just sparkled the whole time, and it tasted like heaven when I got to sip on it. Ngiting-ngiti ako habang humihigop na sinabayan ko pa nang masayang pagkembot.

Ang sarap-sarap!

"Toyang!"

I spun around to see my friends.

"Ang usapan exercise tapos nalingat lang kami saglit, kumakain ka na?!" Candy ranted.

"Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito, e. Ang sarap, gusto niyo?" I offered.

Candy sighed. Natawa naman ang tatlo.

Bumalik na sila sa loob at pinapahabol ako pagkatapos kong ubusin iyon. Sumandal ako sa may pader sa banda ng court at sinulyapan ang banda ni Alekhine. He was already looking at me with an amused smile on his lips. He shook his head smilingly and resumed cooling down.

Ang sarap punasan no'ng pawis niya...

I bit the straw and chuckled.

Ka-igat, oy!

Nang maubos iyon ay bumalik na ako sa loob at nagjogging ulit. Kaso 'di nagtagal ay natanto kong nakakauhaw pala ang matamis kaya plano kong lumabas ulit para bumili sa may tindahan.

"Oh, saan ka na naman pupunta, Toyang?" tanong ng coach kong strikta na si Ma'am Candy.

"Iinom lang ng tubig!"

"Siguraduhin mong tubig lang, ah! Baka mamaya niyan magdala ka na ng buy-one-take-one na burger!" ganti niya.

"Be back right away, sis!" paalala ni Irish.

"Ate Toyang, pabili na rin ako please," Ice pleaded.

"Sure, siswa."

Maraming tindahan doon pero sinigurado kong bumili roon sa kung nasaan ngayon nakatayo si Alekhine.

"May bibilhin ka?" he asked when I stood beside him.

"Oo," I retorted with a nod and smile.

"Ano?"

"Dalawang tubig."

He nodded and looked in front of the store. "Tatlong bottled water po."

"Salamat, Alek. Ito nga pala bayad k-"

"No, it's okay. Ako na magbabayad," putol niya sa akin kaya nabitin tuloy iyong kamay kong may perang ibibigay sana sa kanya.

"Ha? Nakakahiya naman. Sige na, tanggapin mo na lang 'to. Nakakahiya talaga." Hindi ko naman kasi ugaling magpalibre kaya nakakahiya.

"Ayos lang," tipid niyang sagot.

Kapag ka ganito siya kaseryoso parang natatakot akong mag-insist.

"Ilibre mo na lang ako sa susunod...."

"Ha?" tanong ko sa kanya, paniniguro.

"Ito na po, sir." Inabot na ng ginang ang tatlong bottled water kay Alekhine. He handed me the two.

"Uuwi ka na?" I asked him, looking up, then he nodded.

"Uuwi muna ako ngayon sa bahay namin sa uptown."

"Kailan ka ba babalik sa Opol?" Tunog nag-aalala iyong datingan ng tanong ko. Alam ko.

"After supervising the construction this Monday."

"Sige, mag-iingat ka ha."

A ghost of smile appeared on his lips but he tried concealing it with his nods. Nagkatinginan kami. I blinked three times when I realized something.

"Hindi ka pa ba aalis?" I asked.

"Aalis na ako kapag nakabalik ka na sa loob," he stated while glancing at the Sports Center.

My heart did a backflip at that simple gesture.

I pursed my lips to hide my smile but it didn't even last. I nodded whilst smiling widely.

"Sige, babalik na ako. Take care." 'Cause I care.

He nodded and didn't even try hiding his worth million-dollar smile.

•|• Illinoisdewriter •|•

Translation:
• Ka-igat, oy!- Ang landi, oy! (Bisaya)
• Manong- Kuya; older brother (Ilonggo/Traditional Bisaya)
• Manang- Ate; older sister (Ilonggo/Traditional Bisaya)
• Giatay- an expression for surprise, regret, disappointment or something exclaimed in an unfortunate situation (Bisaya/ could be Ilonggo too)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top