02 Toyang
02 Toyang
Guys, send niyo na 'yong reflection niyo. Iyon na lang ang kulang.
Deadline na ngayon.
I waited for my remaining group mates to send me their reflections but none came. I glanced at the wall clock.
Isang at kalahating oras na lang.
I heaved a frustrated sigh and worked on their reflections. Kailangan ko nang masubmit 'to ngayon. Bahala na si Batman.
Pagkatapos kong gawin ang mga reflection nila at ang buong portfolio namin sa NSTP ay naghanda na agad akong pumasok kasi ipapa-print ko pa ang mga iyon saka ipapasa bago ang deadline.
"Magkano po lahat, ma'am?" tanong ko sa nag-aayos ng mga printed copies ng portfolio namin. Nasa tapat na printing shop na ako ng university namin.
"Php 235.00 lahat, hija."
Po?!
Napalunok ako at binuksan ang coin purse ko.
Singkwenta lang ang laman. Normal kong baon.
Napapikit ako saglit at kinuha sa backpack ko ang wallet. Kukuhanin ko na lang sa savings ko 'yong kulang.
Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang words nang bonggang-bonggang-bongga!
Php 200.00 lang din ang extrang ipon ko!
Bagsak ang balikat at masama ang loob na pumasok ako ng Liceo at umupo sa isa sa mga benches sa hallway. Kinuha ko ulit ang pitaka ko. Nanlumo ako sa barya roong naiwan.
Saan kaya aabot ang kinse ko?
I sighed my frustration. I lost counts on how many times I did that. I took my phone out. MyPhone iyon tapos may konting basag na rin, mag-aapat na taon na kasi kaming magkasama. Hindi na ako nanghingi nang bago kasi may DSLR camera naman ako kahit papaano. Iyong camera ko naman na ginagamit ko sa pagba-vlog ay si Tito Macoy ko pa na kapatid ni mama mula sa Canada ang bumili no'n dahil nga Communication ang kurso ko at may mga subject kami kung saan kakailanganin ko iyon. Although it's not a requirement, I just want to learn through experience that's why I politely asked for it from tito. Ngayon, active ako sa mga photowalk outside the school saka mga school event documentaries na rin.
Guys, good afternoon. Naprint ko na pala ang portfolio natin. Ipa-pass ko na rin. P235 iyong nagastos ko tapos 10 tayo sa grupo kaya dinivide ko iyon doon. P23 bawat isa sa atin.
I typed so fast and sent that right away. Wala na akong pera, e. Ang layo ng bahay namin. Hindi ko pwedeng lakarin. Although P23.5 dapat iyong hati namin, binuo ko na lang. I immediately read their consecutive replies.
Hala wala akong pera.
Antonnia, nasa Camiguin ako ngayon. SK kasi ako kaya need nila.
Thankyou kaso wala rin akong pera now.
Pagak na natawa ako sa binabasa. Iyong iba naman sineen lang ako. Ako na gumawa ng portfolio namin, ako pa nagprint gamit ang sarili kong pera at ako pa magpapasa tapos ngayon...
Bakit ginaganito nila ako? Bakit kailangan kong mag-effort nang ganito? Dahil ba iskolar lang ako? Oo, nagbabayad sila ng tuition pero pare-pareho lang naman kaming estudyante rito, ah!
Napasinghap ako at pinigilan ang panginginit ng gilid ng mga mata. I typed my reply quickly. Sobrang diin nang pagkakatipa ko sa magkahalong inis at galit. Hindi ako papayag. Lalaban ako oy!
Please lang mag-ambag naman kayo kasi iyong pera ko kagaya na lang ng pasensya ko, KONTING-KONTI NA LANG!
Sent.
Hindi pa ako nakontento kaya dinagdagan ko pa. Nanggigigil ako, e!
Mabuti akong tao kanina pero pagtingin ko sa pitaka ko kinse pesos na lang ang naiwan. Kulang pa ng singko pambili ng cornetto! Kaka-print ko 'yan sa portfolio na dinaig pa ang safeguard sa 99.9% na effort na binuhos ko! NAKAKA-HIGH BLOOD 'DI BA?! Ano na, mga germs?!
Sent.
Maya-maya pa ay nagreply na iyong pinakamatino sa mga kagrupo ko.
Nasaan ka?
Sa hallway.
Cge pupuntahan kita.
It didn't take Geron long to arrive. Radiologic Technology student siya. Actually, nasa Paseo del Rio ang campus ng mga paramedic courses. Hindi ko alam na nandito pala siya. Mabuti na lang talaga!
I didn't stand up from sitting. Nagpapakalma pa ako sa panggagalaiti sa kanila. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga.
"Magkano ba lahat nang nagastos mo?" he asked.
"Php 235.00 lahat."
He took his wallet from his pocket and handed me Php 500.00.
"Wala akong panukli r'yan. Kinse na lang 'yong barya ko," masama pa rin ang loob na hayag ko.
"Take it all," galante niyang sabi kaya sinipat ko agad.
Kapal ng mukha!
"Alam kong rich kid ka pero iyong kukunin ko ay iyong ginastos ko lang. You're making me feel like you're paying me for doing your projects and I really hate it," mataman kong wika. Siyempre maprinsipyo akong tao.
"Sige na, kunin mo na. Sa susunod mo na lang ibalik 'yong sukli," he insisted, offering me the money.
Napairap ako at isinukbit na sa balikat ang backpack. Obviously, wala nang next time kasi huli na naming pagkikita 'to kasi last requirement na 'to at graduate na kami sa NSTP. Tumayo na ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako.
"Heto na! Heto na!" aniya at kumuha ng dalawang one hundred saka isang singkwenta sa pitaka niya ulit.
"Hayan, siguro naman tatangapin mo na kahit iyong singkwenta. Wala akong barya na sakto sa trentay-singko," dagdag niya pa sabay bigay sa akin niyon.
Parang sinaniban ako ng sampung anghel at naawa sa kanya. Tutubusin niya iyong ibang germs kahit walang kasiguruhan kung makikita niya pa sila.
"Sigurado kang babayaran mo 'yong iba? Baka hindi mo na sila makita at masingil pa..."
"Ayos lang. Nakakahiya rin naman sa'yo, e..." he said and looked away.
I went to meet my be best friends and barkada na pinangalanan naming CAMI sa canteen. It's the combination of the first letters of our names. Si Candelaria, Antonnia, Mariah, and Irish.
Candy and I are the best of friends since we're in the 8th grade. Tapos pagkatuntong namin ng grade 9 ay nakapasok kami sa crack section or the higher section next to science class in MOGCHS where we met Mariah na consistent top achiever. We became friends then until senior high school until college. Freshmen naman kami nang makilala namin si Irish who was a transferee from Australia. We instantly clicked kaya naging magkabarkada kami.
"Why are you always buying that? Hindi ka ba nagsasawa r'yan?" asked Irish when she noticed my lunch again. Candy slightly and subtly bumped her on the shoulder to stop her from pointing it out.
Iyon kasing adobong itlog at atay ng manok na naman ang binili ko. Nagkakahalaga ng dose pesos iyon kung isa lang sa dalawa ang bibilhin tapos 24 pesos naman kong 'yong pares na with rice. Iyon kasi ang lagi kong binibili tuwing lunch para makatipid.
"Nagtitipid ako, be. Saka masarap na, mura pa! Oh, 'di ba, sulit na sulit!" hayag sabay ngiti ko sa kanya. She smiled too and stood up.
"I'll buy you a drink!"
"Be, ako rin!" pahabol pa ni Candy. Natawa na lang si Mariah.
I BLINKED THOSE memories away and turned to the eager Candy when she slightly pushed me. Naglalakad kami ngayon papuntang plaza para sumakay sa mga nakaparadang jeep na papuntang siyudad.
Sabay kami ngayong araw na papasok kasi wala akong klase. May event kasi ang mga SHS kaya walang klaseng magaganap sa araw na 'to.
"Ano ngang nangyari kagabi?" she asked.
"Hayun, hindi ko naenjoy 'yong pagkain kasi nakaupo sa tapat ko si Alekhine. Nakakakaba, sis!" natatawang saad ko sabay ayos ng pink beret sa ulo ko.
I'm dressed extra today. I don't know. Feel ko lang umarte, baka may maakit na. Charlang!
I'm wearing a chambray suspender palazzo pants over a white oversized shirt. I paired it with pink espadrilles too and took with me my holographic sling bag which I slung across my body.
"Candelaria, Antonnia!" tawag sa amin ni Lola Nida na nagsisiyesta sa tapat ng bahay nila habang nakaupo sa rocking chair niya at paypay sa sarili nang hawak na abaniko.
Isa siya sa mga magiliw na elderly ng neighborhood namin.
"Good morning po, la," bati ko sa kanya. Binati rin siya ni Candy.
"Saan kayo pupunta?"
"Mag-aaral po kami, la," sagot ni Candy.
"Aba, Xavier ka rin pala, hija?"
"Opo, la."
"Nag-ma-masteral ka rin kung gano'n gaya ni Antonnia?"
"Ah, nagproceed po ako ng med school, la," nakangiting tugon ni Candy.
"Anong kurso ka ba kamo grumaduate, neng?"
"Physical Therapy po."
"Ah... taga-hilot. Tamang-tama, daan ka mamaya dine ulit kasi masakit 'yong likod ko ngayon..." ani Lola Nida sabay kamot ng likod niya.
Pagbaling ko kay Candy ay naka-poker face na siya. Mukhang hindi nagustuhan iyon.
"Pigilan mo ako, dai. Masusupalpal ko 'yang matandang 'yan..." bulong niya.
"Pagpasensyahan mo na lang si Lola Nida. Matanda na kasi," alu ko na lang sa kaibigan.
"Be, hindi ako nagtapos at lalong-lalo nang hindi ko ipinasa ang board exam para lang tawagin akong masahista," sagot niya at binalingan na ang matanda.
"La, therapist po. Kung may therapist po sa utak, may therapist din po sa katawan at kritikal po ang role namin sa lipunan kasi nga po we are adding life to years," Candy explained, citing their college department's motto. She did it with a smile on her face that's so sweet it turned out fake.
"Ay, sang-ayon ako d'yan, hija! Kaya nga pagkatapos kong magpahilot lagi ay nabubuhayan ako." Tumawa si Lola Nida kaya nalaglag iyong pustiso niya.
Uuklo na sana ako para tulungan siyang kuhanin iyon pero... huwag na lang pala.
Dali-daling pinulot iyon ni lola at ibinalik sa bibig niya. Natawa naman si Candy sa tabi ko. "Ang bilis talaga ng karma."
"Halika na nga. La, alis na po kami," paalam ko sa matanda.
Tiyempo namang pumarada si Tito Noel sa plaza na asawa ng kapatid ni papa na si Tita Olga. "Tito!" Kaway ko sa kanya.
"Oy, Toyang, Candy! Sakay na kayo."
Tumango ako at hinila na si Candy papasok sa loob. Magdadalawang taon na 'tong jeep ni Tito Noel pero mukhang bago pa rin. Maayos pa rin iyong plastik cover ng upuan, halatang iniingatan. Tapos may plasma TV din siya para tamang pakinig ng music lang habang nasa biyahe. I bought this one for him before. Iyon kasing mga kasama ni papa na nagrenovate ng Kamp Kawayan ay siya at iyong dalawa ko pang tito na kapatid naman ni papa. Nakatipid kami kasi sa materials lang kami gumastos. Ayaw din nilang magpabayad ng labor. Kaso ayoko namang i-thank you lang iyong effort nila kasi kahit na traditional style ay sobrang gara niya at bongga ng Kamp Kawayan. I just gave them a source of income instead.
Iyong dalawang jeep kasama itong kay Tito Noel ay pumaparada sa siyudad samantalang iyong kay Tito Jack ay nasa probinsya namin sa Zamboanga, ginagamit nilang family service kapag ka may mga lakad ang aming big happy family doon.
"Anong oras ba ang mga klase niyo?" tanong ni tito.
"Mamayang hapon pa po. Inagahan lang namin para makatambay kami sa Chingkeetea at study kaonti," sagot ko.
"Asus, nahiya ka pa. Study kaonti, kain marami," pagtatama ni Candy sa akin. Sinipat ko agad siya.
"Ayos lang ba sa inyong maghintay sandali ng iba pang mga pasahero?"
"Naku, opo! Walang problema!"
"Dzai, magkwento ka na. So ano na?" bungad agad ni Candy paglingon ko sa kanya. Nakapwesto kami sa may dulo at gilid ng entrance.
"Siyempre nashookt ako nang bongga, be. Siya pala iyong engineer na sinasabi ni Aling Mercy na nagrenta roon sa apartment nila sa second floor. Nagpatulong kasi si Tito Baldo kay papa na hanapan si Alekhine ng mauupahan malapit sa trabaho niya para hindi na siya mapagod pang bumiyahe pauwing Xavier Estates mula Opol."
"Oh, tapos gaano katagal daw siyang uupa roon?"
"Six months or seven. Depende kung kailan matatapos iyong ginagawang supermarket."
Kinikilig na hinampas ako ng gaga. Naikwento ko na rin kasi sa kanila iyong pagkikita ulit namin sa house blessing celebration nila sa Xavier Estates.
"Dzai, si destiny na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kayo! Go, go na, dzaii! Humarot ka na para magkajowa ka na!" natatawang aniya.
"Bibig mo talaga kahit kailan," natatawang saway ko sa kanya.
Mayamaya pa ay isa-isa nang nagsipasukan iyong mga pasaherong papunta rin ng siyudad. Kinalabit ako bigla ni Candy kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"Mag-dj-dj ka muna. Aliwin mo naman sila. Tito No, may pa-Savage Love ka ba r'yan?" tanong niya kay tito na bahagyang natawa naman.
"Oo, meron."
"Sige, play niyo po pagkatapos mag-intro ni DJ Toyang." Nakangisi niya akong binalingan. I chuckled at her hilarious smirk.
"Good morning, good morning, good morning, passengers! Thank you for taking a seat in Noel's jeep. Maraming-maraming salamat po at para simulan ang ating araw, tayo ay umindak at gumalaw-galaw para mga kasu-kasua'y tumibay! Let's get groovin' to Jason Derulo's Savage Love. Tito No, bring the beat in!"
The song played right after that. Kaming dalawa naman ni Candy enjoy na enjoy while grooving our hands up in the air and to the beat.
After naming tumambay sa Chingkeetea, pagka-lunch time ay nagpunta na kami sa XU at tumambay naman sa canteen. I had ramen and milk tea at Chingkee so I decided to eat a light lunch for today. Ang totoo niyan gusto ko pa sanang humirit ng isa pang ramen kaso pinigilan na ako nina Mariah at Irish.
"Be..." Susubo na sana ako kaso siniko ako ni Mariah kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Tingnan mo 'to, oh. Kaka-post lang one hour ago pero may 1k reacts na," aniya. Kumunot naman ang noo ko pero sinilip pa rin ang cellphone niya. Sina Candy at Irish ganoon din ang ginawa.
Hahamakin ko ang Calculus, masilayan ka lamang, sir! 😍💘
That's the caption then Mariah played that minute-long video. It was Engineer Alonzo standing in front of the class with his usual princelike charms. He was dressed in his sky blue dress shirt that's folded up his elbows and tucked in his black trousers. He was holding and reading a book with his glasses on. He was so dashing I had to look away.
Nakakapanghina ng loob.
Ang gwapo masyado.
Parang hindi kami bagay.
"Speaking of the prince charming..." Candy stated and pointed something with her lips, a very Filipino manner.
Sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya. Pumasok sa loob si Alekhine kasama ng kapwa niya Engineering instructor. Sa pag-uusap nila kagabi, nalaman kong half-day siyang nagtuturo rito saka sa hapon naman hanggang gabi nagtutungo sa construction ng supermarket para palitan ang isa pang engineer na naka-supervise roon.
My eyes fixated on the beautiful lady who kept pace with him. She looked up and smiled at him. Sabay-sabay silang nagpunta sa isang stall para umorder ng lunch.
"Akala ko ba walang girlfriend si engineer?" Candy probed, darting me a curious look.
"Iyon ang sagot niya sa tanong ni mama." I shrugged and looked down on my plate.
"Pero nililigawan, baka mayro'n," si Irish.
"Kayo talaga, napakama-issue niyo. Magkasama lang 'yong dalawa, may kwento na agad," saway naman ni Mariah sa kanila.
"But don't you know her? She's Krista Falconer. The crowned Miss Cagayan last year and Miss Teen Philippines when she was in senior high school," Irish told us.
Lalo lang akong nanlumo. Bahagya ko pang inangat ang tingin para sulyapan ang banda nila. Nasa may unahang table namin sila nakaupo. Alekhine made her sit first before he followed.
The girl was indeed a beauty queen. Ang ganda niya at halatang may lahi. Maputi, makinis, she has a long brunette hair with tiny curls, matangos na ilong, heart-shaped lips at matangkad din. Higit sa lahat ay sexy siya. Sexy!
Nagbaba ulit ako ng tingin at walang gana kong hinati ang fried chicken saka nilagay sa kanin at susubo na sana nang biglang may umakbay sa akin.
"Chubs!"
Sinamaan ko ng tingin si Diether na bigla na lamang tumabi sa pwesto namin ni Mariah. Kapag nasa mood 'yan, gano'n ang endearment sa akin niyan. Hinatid niya siguro si Natalie kaya nandito siya ngayon.
"Subong-subo na ako. Utang na loob naman, pakainin niyo na ako," reklamo ko. Humalakhak lang si Diether.
"Alam mo, ikaw, Diether, kung hindi ko lang alam na may girlfriend ka na baka inisip ko nang may gusto ka r'yan kay Toyang," puna ni Candy.
Nagkatinginan kami ni Diether tapos nagtawanan.
"Hindi ko pagpapalit si Natalie 'no!"
"Mga be, para namang hindi niyo ako kilala. Basta friends, friends lang. Walang malisya," segunda ko pa.
Naismid naman si Candy. "Kaya nga! Mabuti na lang kilala ko kayo. Baka ano pang isipin ko."
Tinampal ko ang braso ni Diether sa balikat ko. Mabuti naman inalis niya agad. Dinaragdagan niya lang ang bigat na dinadala ko, e.
I decided to glance at the distant table before I resumed eating. I stilled when I found Alekhine looking my way. He raised one inquisitive brow when our eyes met. Nagkatinginan kami hanggang siya na ang naunang magbawi at binalingan ang katabing si Krista na kinakausap pala siya.
"Manang, maghahapunan na raw," tawag ni Don mula sa pinto.
"Bababa na!"
I quickly grab my liptint. Sinigurado kong hindi iyon masyadong light at dark. Iyong tama lang at natural ang shade. I then checked myself in front of the full-length mirror. I'm wearing a pink sleeveless dress na may print na cute teddy bear na sumisilip sa gitna. Labas iyong mga healthy kong braso pero hinayaan ko na lang. Kinuha ko ang brush at saglit na sinuklay ang buhok. I sprayed a little French vanilla perfume and descended from my room to join them for dinner.
Si mama kaagad na inamoy ako nang dumaan siya sa likod ko. "Handang-handa, ah."
"Ma..." saway ko sa kanya at pinigilang mangiti.
Tapos na naming mahanda ni Don ang lamesa nang dumating si papa kasama si Lucho.
"Lucho, natawag mo na ba si Engineer?" tanong ni mama.
"Ma, sabi niya salamat daw pero kumain na siya."
"Ha?!" Siyempre ako 'yan nang balingan si Lucho. Napahalakhak naman siya bago naupo sa pwesto niya.
"Ang bango ni Toyang ha," tukso ni papa na sinabayan niya pa nang mahinang pagtawa.
Napasimangot ako pero magana pa ring kumain. Sayang 'yong pagpapaganda ko but looking at the bright side of it, makakakain ako nang marami tonight.
"Toyang, nasaan ka na ba?" sigaw ni mama sa may main door namin habang kumukuha pa ako ng Monde mammon sa tindahan.
Ipinasok ko iyon sa backpack ko. Tamang snack lang mamaya sa discussion.
Sabado ngayon kaya maaga ang masteral class ko. Tapos sa hapon naman mula ala-una hanggang alas-tres ang schedule ko sa radyo pati na rin sa writing job ko.
Isinukbit ko na sa balikat ang puting backpack ko na may tiny We Bare Bears print sa gitna. I'm dressed simply today. Isang simpleng oversized shirt na may "Boyfriend, what boyfriend?" print. Nakatuck-in iyon sa high-rise jeans ko saka a combo of peach and white-colored sneakers. I tied my hair in a ponytail using a silk floral-printed bandana.
Lalabas na sana ako papunta sa gate nang harangan ako ni mama. Dala-dala niya pa iyong walis tingting habang may sinisilip sa labas.
"Ma, bakit po? Saka nasaan si Don? Magpapahatid na ak-"
"Diyan ka lang," utos niya bago lumabas sa gate.
Kumunot naman ang noo ko kasi nagwalis siya bigla. Ang weird ni mama...
Natigil siya sa pagwawalis nang may marinig akong tumunog na pag-unlock ng kotse.
"Engineer, good morning!" she greeted.
Kaya pala masama ang pakiramdam ko kanina pa sa mga kinikilos ni mama. Kaya pala hindi niya ginising si Don!
"Good morning po, tita."
"Saan ka pupunta, hijo?"
"Dadaan po muna ako sa XU para maibigay 'tong mga files saka ako babalik para magsupervise sa construction."
"Ay, tamang-tama! Hijo, may pakisuyo sana ako sa'yo..."
Inangat ni mama iyong props niyang walis at humakbang ng isang beses palapit kay Alekhine para mas dramatic.
"Si Don kasi napagod kaka-aral kagabi kaya naawa naman ako at hindi ko na ginising. Tapos itong si Toyang alas-otso iyong pasok ngayon. Kung ayos lang sa'yo, hijo, pwede bang makisabay si Toyang papuntang XU?"
Sinasabi ko na nga basdfghjkl!
"Kung ayos lang naman sa'yo, hijo..."
"Ayos lang po, tita. Walang problema."
"Naku, maraming salamat, hijo!" natutuwang ani mama na may patalbog-talbog pa habang hawak nang mahigpit sa dalawang kamay iyong props niya.
"Toyang, anak, sumabay ka na kay Engineer!" tawag niya sa akin.
Pinukol ko siya ng masamang tingin habang naglalakad palabas ng maliit naming gate pero kaagad ding pinalis iyon nang nasa tapat na niya ako.
Inakbayan ako ni mama habang inaayos niya iyong buhok ko at habang palapit kami sa itim na Hummer ni Alekhine. He put the folder he was holding at the backseat saka niya sinara iyon kaya nasilayan ko tuloy ang suot niya. He was wearing a plain black shirt at jeans saka brown boots. Hapit pa iyong damit sa muscles niya sa braso.
I silently made the sign of the cross.
Lord, bigyan niyo naman Po ako ng prince charming. Pero kung hindi naman Po si Alekhine... siya na lang Po please...
"Maraming salamat talaga, hijo."
Alekhine smiled and I felt my heart somersault at the sight of it. Susko!
"Walang anuman po," he courteously replied before opening the passenger seat for me.
Tinulak pa ako bahagya ni mama kaya nilingon ko siya. Kinindatan niya lang ako...
I sighed and went inside. Masyadong mataas iyong apakan kaya nahirapan pa ako noong una kaya sinubukan ko ulit. Nagulat ako nang hinawakan ako ni Alekhine sa beywang para tulungan akong makaakyat.
Windang na windang pa rin ako kahit nasa loob na sa nangyari. No one touched me on the spot right there. Clingy si Diether pero hanggang akbay lang iyon.
Napapikit ako. Para akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan, kinikilig, at kinakabag ata ako... Susme, hindi ko alam!
Ganito ba iyong feeling na mahawakan ni crush?
Kumaway si mama kay Alekhine pag-ikot nito sa harap para pumunta sa front seat.
Pagpasok niya at pag-upo ay binalingan niya ako kaya nagkatinginan kami.
Hindi ko alam ang gagawin basta tumitig lang ako sa kanya hanggang sa kumunot ang noo niya at may kung anong tinuro.
"Seatbelt, please."
I nodded vigorously when realization dawned on me. I hastily buckled my seatbelt. Ganoon din siya sa pwesto. Kumaway ako kay mama pero mukhang hindi niya kita kasi sobrang tinted ng salamin. Pero mula sa loob ay kitang-kita ko ang kinikilig na ngiti ni mama.
Palabas pa lang kami ng baranggay pero hindi na ako magkamayaw sa sobrang tahimik. Ang awkward...
I need to do something. I need to break the ice.
"Ahm... Sorry nga pala ha. Naabala ka pa namin ni mama," I began.
"It's fine."
Shit, ang tipid.
"Sigurado ka? Baka may magalit." Late na nang matanto ko ang lumabas sa bibig ko.
Pagsilip ko sa kanya ay nakakunot na ang noo niya.
"Sino naman?"
"Ahm... Girlfriend mo?" I guessed kahit na alam ko na iyong sagot niya r'yan.
"Wala akong girlfriend."
"E, nililigawan? Baka magalit siya..."
Lalong lumala ang kunot ng noo niya. I resumed talking. "Si Krista Falconer, iyong beauty queen na kasama mo kahapon?"
"I'm not courting her. I'm not courting anyone."
Weh?
Weh?
"Bakit naman?" Napapikit ako at pasimpleng tinakpan ang bibig.
"I mean, maganda siya. Yes, maganda." Hindi ko naman kasi kilala kaya ayokong mang-judge.
"Siguro dahil busy ako sa trabaho. Krista's the daughter of the owner of that supermarket I'm working on," he explained. I nodded.
"Pero may chance na ligawan mo siya?" pang-uusisa ko. Ang chismosa ko, I know.
Hindi sumagot si Alekhine pero nakakunot ang noo niya. Tumingin ako sa bintana tapos nang maalalang hindi pa ako nagpapasalamat ay binalingan ko ulit siya.
"Salama-"
"Sa'yo ba walang magagalit kapag nalaman niyang sumakay ka sa kotse ng iba?" he asked. I was stunned.
He glanced at me through his peripherals at natiyempuhan pang kumurap ako ng tatlong beses no'n. He centered his attention onto the road then.
"Wala naman..." mahinang sagot ko.
"How about that guy from yesterday?"
I nodded when I finally understood what he meant.
"Ah, si Diether! Kaibigan ko lang 'yon," nakangiting paglilinaw ko.
"Best friend?"
"Hmm... saktong friend lang. Like 3 in the scale of five," humahagikhik na sabi ko. Mahilig akong magtimbang ng closeness. Baka naweirduhan siya ro'n.
"He's so close for a level-three friend, I guess."
"Mahilig lang talaga siyang mang-akbay. Normal things," paliwanag ko pa. He nodded.
"Mahihirapan ka niyan."
"Mahihirapan saan?" I queried, confused.
"In dealing with a jealous boyfriend."
•|• Illinoisdewriter •|•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top