T O X I C
[ T O X I C ]
Para sa 'yo. . . Ano ba ang pagmamahal? Para sa 'yo. . . Anong mas sasakit pa sa naranasan mong pagkawasak ng puso? Para sa 'yo. . . Makakaya mo bang makita ang madilim na bahagi ng makulay na pag-ibig?
Tell me all those butterflies and hearts you always see and feel when you are with the one you love the most. Tell me all the experiences you have with that someone who completes your day and makes you feel safe. . .
Sabi mo ang pag-ibig ay isang laban, sabi mo ang pagmamahal ay isang masayang bagay, sabi mo ang kasiyahang mararamdaman doon ay walang kapantay. . . Iyon ang sabi mo naniwala naman ako. Pero alam mo bang naging tanga ako simula noong ipasok mo ang mga bagay na iyan sa buhay ko?
May ikwekwento ako. . . Huwag kang manghuhusga, huwag kang makikialam at higit sa lahat huwag mo sanang salungatin ang mga hinaing ko dahil kahit naman ipaalam ko sa 'yo ito ay walang mangyayari hindi naman magbabago ang isip mo, kaya manahimik ka na lamang at hayaan akong magsalaysay kung paanong ang. . .
Pagmamahal na sinasabi mo na siyang bumubuhay sa 'yo ay siya namang pumatay sa babaeng mahal na mahal ko. . .
Earlier this year, she was full of life. You would see her eyes sparkling, you would see her looking at him like he was the one who paint all the stars in the sky and he was the one who lit up the moon in the dark.
Nagagalit ako sa kaniya kasi bakit ba naman niya sasayangin ang purong pagmamahal niya sa lalaking ni hindi naman siya nakikita? Pero matigas ang ulo niya ang sabi niya hayaan ko siya sa ikakasaya niya, hayaan ko siya sa bagay na gusto niya. Hindi ba nga? Sabi mo—ninyo. . . Magpakatotoo lamang tayo sa ating sarili at sasaya na ang lahat?
She believed in your every words. Little did she know. . . Words were also not just lines of black and curves. . . Words are bloody, cruel and it could kill.
Nakikita ko siya kasama ang mga kaibigan niya sa eskuwela tumatawa siya, nakikipagkulitan, at nagkwekwento tungkol sa lalaking kaniyang pinapantasya. Bata pa siya kaya naman hinayaan ko na. Wala naman kasing masama na mag-mahal sa malayo at mag-isip ng mga posibleng bagay na gugustuhin mong mangyari, hindi ba?
Minsan ay sumama ako sa kaniya at wala siyang bukang bibig kung hindi ang lalaking kaniyang sinisinta. "Mapapansin din niya ako." Nakangiti niyang pahayag na punong puno ng kumpiyansa.
"Ano bang nagustuhan mo sa kaniya?" Tanong ko naman pabalik dahil nakakasawa na ding marinig ang kaniyang walang humpay na pangangarap sa lalaking gustong gusto niyang makamtan. Hinayaan ko na lamang siya dahil alam kong iyon ang magpapasaya sa kaniya. Hindi ko para alisin ang napakagiliw na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Mabait siya, maalalahanin, napakamaginoo, matalino, magaling din sa sports, mahilig din sa musika, matikas, maamo ang mukha, masayang kasama, ang mga ngiti sa kaniyang mga labi sadyang nakapanghahalina. Sinong hindi mahuhulog sa kaniya?" Nakangising sambit niya na halos sambahin na ang lalaking kaniyang tinutukoy. Pabiro ko siyang binatukan at agad niya akong sinamaan ng tingin.
"He's so perfect! Why can't you accept that?" Asar na wika niya, patuloy pa din sa kaniyang ipinaglalaban. "Inggit ka ano?" Paratang pa niya.
"No one is perfect. Everyone. . . have flaws." Maikli at makahulugang pahayag ko sa kaniya ngunit parang pumasok sa isa niyang tainga ang sinabi ko at agad ding lumabas sa kabila. She smiled at me and waved as she bid her goodbye.
Wala akong nagawa kung hindi titigan ang kaniyang likod na tumatakbo papalayo sa akin, habang lilingon lingon siya upang asarin ako sa pamamagitan ng pagdila. Napailing iling na lamang ako dahil doon. She was still young, indeed.
Tumungo na lamang ako sa kasunod na klase ko. Umupo ako sa dulo at ilang sandali lamang ay pumasok na siya, habang nakangiti sa mga nakakasalubong niya at sa mga nagpapansin sa kaniya. He's the typical guy who wants girls to be all over him, but the thing is. . . The thing that scared me is I could not predict his moves, there's something weird about him, yet nobody even noticed that because they are too busy praising his looks and the way he treats others.
I have never been someone who hates his guts. . . Sadyang hindi ko lamang ganoong nakikilala pa ang isang ito at dahil na din siya ang gusto ng makulit na babaeng iyon kaya naman hindi magaan ang loob ko sa kaniya.
Hindi ba sabi mo, ang mga lalaki madali lamang naman makuha ang mga iniisip nila? Na hindi sila kasing gulo ng mga babae. Na halos puro kalokohan lamang naman ang nasa isip nang iba sa kanila at syempre iyong iba ay matitino naman. Iyon ang sinabi mo hindi ba? Paano kung sabihin kong sa 'yo na mali ka? Na lahat sa mundong ito hindi mo kagaya mag-isip, na paano kung hindi lahat ay aayon sa mga sinasabi mo? Na hindi sa lahat ng pagkakataon tama ang ipinaparating mo? Matatanggap mo ba? Siguro ay hindi dahil ang gagawin mo ay hahanap ka nang kaparehas mo. . . Ang kaparehas mo na mag-isip para mayroon kang kasangga at kakampi laban sa aking mga salita.
Kasama ng mga kaibigan kong lalaki ay gumala kami sa upang magliwaliw. Ang ilan sa kanila ay walang ginawa kung hindi paikutin ang mga babae, pero kahit ganoon ay alam kong seryoso din sila sa babaeng totoo nilang minamahal.
Sa mga lumipas na araw ay palagi siyang nagkwekwento sa akin tungkol sa lalaking kaniyang kinahuhumalingan. Masaya akong sinasalaysay niya sa akin ang iba niyang nararamdaman, at pawang kasiyahan at positibong bagay lamang ang idinudulot sa kaniya ng lalaking iyon kaya lalo akong nawalan ng dahilan para sabihan siyang lumayo sa kaniya.
Sa paglipas din ng mga araw at gabi ay tuluyan nang nawala ang pag-aalala sa akin laban sa kaniya dahil sa mababango at mabubulaklak na salitang kaniyang sinasambit sa kaniya. Napaniwala niya ako, nakumbinsi niya ako. Iyon ang isa sa nakakatakot na kapangyarihan ng salita. Alam mo ba?
"Ang saya saya ko ngayon!" She enthusiastically screamed. "Pinansin niya ako! Inabot niya iyong panyo ko na nalaglag! Hindi ako makahinga kanina sa sobrang tuwa! Ang swerte ko. Kinausap niya ako sa sandaling panahon na iyon." Hindi mo maikakaila ang kasiyahan niya. Hindi ko mapigilang ngumiti at tuksuhin siya.
Ilang araw din siyang hindi makalimot sa maikling sandaling iyon. Ang kilig niya ay sadyang napakalakas ng kapit sa kaniyang damdamin dahil hindi iyon mawala wala.
Doon ko nakita ang sinasabi mo na ang pagmamahal ay isang kakaibang mahika. You say that love is magical. . . That it is —butterflies and unicorns. It is, at that moment. It is for her.
Unti unti hinayaan ko siya. Dahil para sa akin isa siyang kalapati, isang ibong puro at kailangan paliparin dahil doon siya nababagay sa alapaap. Her days passed by and she was the happiest girl when she had another encounter with him. Akala ko katulad iyon ng dati. Pinabayaan ko siya. Masaya siya. Hindi ko para putulin ang sinulid ng kasiyahan niya na dulot ng pag-ibig.
Their love story became the cliché one. Noong halos marindi ako sa reklamo niya na ayaw daw sa kaniya noong lalaki dahil napakakulit at napakaingay daw niya. She tried to changed it for him but the thing is she could not, because that who she is, and she wanted to be love by someone by who she is.
Aso't-pusa. Iyon sila, paminsan minsan ay natatawa na lamang kami noong mga kaibigan ko dahil sa kanilang mga bangayan at kaingayan. Their love hate relationship is too cute for their own good. Para silang mga bata na hindi makaintindihan sa pakikipagtalo kahit wala namang pupuntahan ang kanilang pagtatalunan.
Subalit kahit ganoon ay napakasaya na niya. Maayos na daw sa kaniya na iyon ang nangyayari kaysa tulad noong dati na para lamang siyang hangin sa kaniya. She became inspired because of him. She excelled in her academics, she competed in athletics, and her smiles of stardust. . . just glow brighter and brighter every day.
Nagsimula akong maging masaya para sa kaniya. Wala na akong mahihiling pa kung hindi iyong magandang epekto sa kaniya noong pagmamahal.
Tumagal nang tumagal mas nagiging malapit sila. Kung noon ay walang ganoong pumapansin sa kanila dahil puro away lamang naman sila, ngayon ay nagsimula na ang mga bulong bulungan.
Ganoon naman hindi ba? Kapag may sikat na nagkagusto sa isang simpleng katulad niya, paguusapan na ng lahat. Sabihin mo. . . Bakit ganoon? Anong mayroon at palagi na lamang malaking bagay iyon?
Masasakit na salita ang kaniyang natatanggap mula sa inyo. Alam kong nasasaktan siya, kaya sa palihim na paraan ay gumagawa din naman ako ng kilos. Alam kong kahit nagpapakatatag siya ay naapektuhan pa din siya kahit papaano. Kahit katiting. Pero dahil malakas siya ay hindi niya ipinakita.
Your words pierced through her heart and mind, she did not even budge it, and she accepted it.
Hindi ba sabi mo, the more you hate, the more you love? Tama ka sa sinabi mong iyon sa parte ng istorya nilang ito. Ang mga alitan at bangayan nila noon ay humupa at naging tahimik na pagmamahalan.
Nahulog na iyong lalaki sa kaniya at siya naman ay walang mapagsidlan ang saya. Ibinalita niya sa akin iyon at hindi ko mapigilang yakapin siya dahil iyong pinapantasya niya dati naabot na niya.
"Fangirl goals!" Masayang sigaw pa niya sa 'kin dahil nakuha na niya ang lalaking kaniyang iniibig. Hindi ako naging tutol sa relasyon nila. Katulad ng sinabi niya mabait naman iyong lalaki.
Halos buwan din ang lumipas at siya pa din iyong makulit at masayang babae na lagi kong pinagmamasdan. Her smiles, her eyes, her soft gestures, it was all for him. All the pure love and all the happiness. Syempre minsan nag-kakaaway sila pero naayos din nila iyon.
Doon tuluyang nawala lahat ng pakikialam ko sa relasyon nila.
Nagtuon na lamang ako ng pansin sa ibang kaibigan ko at syempre sa ibang babaeng nagugustuhan ko. Hiyaan ko siya kagaya ng isang kalapating malaya. Sa pagkakataong iyon hindi ko alam na unti unti na pa lang lumalayo ang loob namin sa isa't-isa.
Halos ilang beses na lamang kami magusap sa loob nang isang linggo dahil sa mga ginagawa naming pangsariling bagay. Nagsimula na din akong mahumaling sa isang babaeng simple pero ang kagandahang loob ay walang kapantay.
Sa kaniya ko itinuon ang pansin ko. Kung dati sa kaniya ko lamang nakikita ang sinasabi mong pagmamahal. Ngayon ay nararamdaman ko na iyon sa akin mismong karanasan.
Love is a miracle. It is. Indeed. Especially when I look at the woman I admire the most in this moment. She's flawed, she's broken but her eyes are full of courage. She's a beautiful paradox.
Dahil sa kaniya, nawala ang atensyon ko sa kwento nilang dalawa.
Masaya ako sa nangyayari. Masaya kaming dalawa ngayon dahil sa wakas ay kasintahan ko na siya. I treated her like a queen, I protected her like a soldier and I loved her with all my heart. At wala akong kasing saya noong suklian niya iyon kagaya ng ipinapakita ko sa kaniya.
We are happy. . . At akala ko ganoon din siya. Pero sa lumipas pa lang mga buwan ay may hindi ako nalalaman.
Ang dating matataas na grado niya ay unti unting bumababa, ang kaniyang kumpiyansa sa sarili ay unti unting nawawala at higit sa lahat ang ngiti niya ay unti unting naglalaho.
Akala ko ay katulad lamang iyon noong dati na dahil nag-aaway siya ng pinakamamahal niya pero hindi pala. . . May mas malalim na palang nangyayari.
Noong minsan ay nakita ko siyang umiiyak at nagsosolo sa kaniyang kwarto. Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi siya nagsasalita sa akin. Sinubukan kong tingnan ang kaniyang social media accounts pero wala namang akong nakikita kung hindi ang mga lumang mga salita na inilagay doon ng mga nakikiusyoso sa relasyon nila dati.
"Bakit ka umiiyak? Mahal ka pa ba noon ha?" Hindi mapigilang tanong ko sa kaniya noon. Hindi siya agad sumagot, sa halip ay nanatili ang tingin niya sa kawalan, habang yakap yakap ang sariling tuhod. Kumunot ako dahil doon. Lalapitan ko na sana siya para sigawan ng matauhan pero isang malungkot na ngiti ang hinandog niya sa akin.
"Mahal na mahal. . ." Maikling pahayag niya at saka tumungo. Ramdam ko ang katotohanan sa kaniyang sinabi kaya naman hindi na ako nakipagtalo pa. Pero ang hindi ko napansin ay may mas malalim na kahulugan pa pala ang mga katangang iyon ng hindi ko napapansin.
Lumipas ang mga linggo, at habang magkasama kami ng aking nobya ay may narinig akong usapan ng mga ilang estudyante tungkol sa kaniya. Puro masasakit na salita ang aming narinig at noong mapuno ako ay hinarap ko sila at sinabihang itigil ang kanilang mga usap usapan. Pero panandalian lamang natigil iyon dahil sa mga kasunod na oras ay patuloy ko iyong narinig.
"Nanlalaki daw siya?" Tanong ng aking nobya. Umiling ako.
"Hindi niya magagawa iyon." I said firmly. It's too unreal. Hinding hindi niya magagawa iyon. She was head over heels for him. She would never.
Gusto ko sanang kausapin siya tungkol sa aming narinig pero nagkataon na mayroon kaming pupuntahan sa ibang lugar dahil kailangan sa isa naming klase at mananatili kami doon ng isang linggo.
Nagpaalam ako sa kaniya pero lutang siya subalit hindi ako nagpatalo na pangaralan siya sa mga bagay bagay at sinabihan ko siya tungkol sa mga patakaran ko. At syempre na pababantayan ko siya sa tiya. Tumango tango lamang siya sa akin noon at sinabihan akong huwag mag-alala. At hinandugan ako ng pagkatamis tamis at purong ngiti.
Napanatag ako dahil doon at tuluyan nang nagpaalam sa kaniya. "Stop acting like a kid. You are already old enough to handle yourself." Huling hataw ko ng paalala at itinulak na niya ako paalis at papunta sa aking nobya. Natawa na lamang kami dahil doon.
Yeah, she's old enough but still. . .
Nagpaalam na din ako at umalis. Noong nasa lugar ako ng aming patutunguhan ay magaan ang pakiramdam ko. Nakikipagkatuwaan ako at iba pa. Pero habang tumatagal ay may bumabagabag sa puso ko at hindi ako mapakali sa bawat pagtagal ko doon.
Nanaginip pa nga ako ng kahilahilakbot na pangyayari kung saan naliligo siya sa sariling dugo. Hindi ako makatulog noong gabing iyon sa kibalot na nadadama. Kaya naman pinanuod ko na lamang ang isang video ng aking nobya na tumutugtog ng piano.
She's gently pressing every key and it made a wonderful sound.
Kahit papaano ay napanatag ako dahil doon.
Kinabukasan ay nagpunta kami sa isang conference at mayroon daw na mga bisita na magtatalakay sa isang bagay na napakaimportante ngunit hindi napapansin ng mga tao. Dahil masyado daw nabubulag ang ilan ngayon sa mga gusto nilang paniwalaan.
Ikaw? Sangayon ka ba sa sinabi nila? Are you blinded by your own thoughts and opinions that you forget to look at the other side of this world? Are you too focused by your own greedy words that you forget that someone might be hurting because of what you have said? Maybe no. . . Because you are stubborn, because you never listened to anyone, because you are too full of yourself.
Tinalakay nila ang bullying. Hindi ko mapigilan maging interesado sa kanilang mga binabanggit dahil lahat iyon ay patama sa mga taong walang ginawa kung hindi mangmaliit ng kapwa para lamang maipadama sa sarili na mas malaki sila. Hanggang sa napunta kami sa isang sensitibong paksa. . .
Abusive love. . .
"Ano ang pagmamahal?" Tanong noong nagsasalita sa unahan.
Sabi mo ang pagmamahal ay kasiyahan at sakit. Sabi mo ito ay isang magandang bagay na magpapakita sa 'yo nang ibang mundo. Pero paano kung ang sinasabi mo ay may iba pang bahagi na hindi mo pa nakikita? Paano kung ang sinasabi mo ay isa lamang maliit na parte sa kabuuan nito?
Ang pagmamahal pala. . . ay maaring maging isang lason. Maaring maging isang. . . krimen. At higit sa lahat maaring maging isang. . . kasangkapan para pumatay.
Bawat salita noong nasa unahan ay sadyang nakakatakot at nakakakilabot. Nakaramdam ako ng mga pagtayo ng aking balahibo habang naalala ko siya at kung paano siya umasta ay tumutugma sa senyales na kung paano mo malalaman na ikaw ay nasa isang ganoong klaseng pagmamahal.
Ang pagiging matamlay niya. Ang pagkibot niya kapag may naririnig siyang malakas na sigaw. Ang takot sa mga mata niya kapag may lalapit sa kaniyang ibang lalaki. Ang unti unting paglayo niya sa akin.
Kada may sinasabi iyong nasa unahan ay kumakabog ang puso ko. Lumalalim ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit kapag may sinasabi siya ang naisasalarawan ng utak ko ay ang hitsura niya na nakangiti at ang unti unting pagkawala noon.
Hanggang sa naalala ko ang nakita kong pasa sa kaniyang tuhod at braso. Noong tanungin ko siya noon ay sabi niya ay dahil iyon sa sports na kinabibilangan niya. Alam kong minsan ay lampa siya kaya't naniwala ako.
Natapos na ang presentasyon pero sariwang sariwa pa din sa aking diwa ang binanggit na mga kataga noong nagsasalita sa unahan.
May tatlong araw pa kami sa lugar na ito kaya naman hindi na ako mapakali at gusto ko nang umuwi hanggang sa napagpasyahan ko nang tawagan ang aking tiyahin para tanungin siya sa kaniya.
"Hijo." Agad na bati niya sa akin.
"Is she alright?" Tanong kong agad.
"Ah? Ang batang iyon. Hindi umuuwi. Pagkadating na pagkadating ko noon dito ay hindi ko na siya nadatnan at tanging mga mensahe lamang ang aking natatanggap na mayroon daw silang mga proyekto kaya naman hindi siya makakauwi. Ako'y nag aalala na hijo." Kaniyang litanya sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa telepono dahil doon. Hindi ko alam kung bakit ko sinabihan ang tiyahin ko na ipahanap na siya. May parte sa akin na parang naprapraning na pero mas hihilingin ko pang sana nga ay naprapraning na lamang ako kaysa masigurado ko ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.
Lumipas ang mga araw at wala pa din kaming balita hanggang sa lumipas ang isang linggo. Nakauwi na ako lahat lahat pero wala pa din. Alalang alala na kaming lahat. Hindi na ako mapakali sa paglipas ng araw.
Ang nobyo niya ay hindi ko mahagilap sa ekskuwelahan dahil ang sabi noong mga nakakakilala dito ay nangibang bansa daw ito. Gusto kong maniwala sa kanila na umalis nga ito sa ibang bansa. At kaya hindi umuuwi iyong isa ay dahil hindi niya matanggap na umalis na iyong nobyo niya.
Hanggang isang araw. . .
Sumugod kaming lahat sa ospital dahil mayroon daw natagpuang babae sa isang hotel na naliligo sa sariling dugo. Ang takot sa aking puso ay walang kapantay noong pagkakataong iyon. Para akong sinaksak ng ilang libong beses. Hindi ako makahinga at nanghihina ang buong katawan ko. Pero pinilit kong magpakatatag.
Hanggang sa hindi ko kinaya ang aking nakikita ko. She's covered in blood, her smiles and the sparks in her eyes were gone.
Tumulo ang luha ko noon at napaluhod ako sa sahig. Ang pihit sa aking puso ay walang kasing hapdi. Napakabigat sa pakiramdam. Parang dala dala ko ang mundong mundo ngayon sa aking mga kamay.
Sabihin mo nga. . . Ano bang ginawa niyang masama para maging ganoon?
Mabuti na lamang at naligtas siya. Nagising siya, pero tulala lamang siya at hindi nagsasalita. Ang sabi noong doktor ay natrauma daw ito sa nangyari ay walang kapantay na sakit nanaman ang aking nadama.
Matapos ang ilan pang mga araw ay pinalabas na siya sa ospital. Ang bawat kataga na binitiwan noong doktor sa akin ay lubhang hindi ko nakayanan. Pero nagpakatatag ako para sa kaniya.
Lagi siyang nasa kwarto niya. Nakaupo lamang sa kaniyang kama. Umiiyak sa kawalan. Iyon na ang isa sa pinakamasakit na tanawin na natanaw ko sa buhay ko. Inaalagan siya noong nobya ko. Hanggang sa isang araw. . .
Naging maayos siya kahit papaano. Hindi pa din nagsasalita pero kumikilos na nang kaniya. Nagagawa na nga niyang magtelepono. Gusto kong bawiin ang bagay na iyon sa kaniya sa totoo lamang pero ayaw ko namang sumama ang loob niya.
Ang lalaking may gawa sa kaniya noon ay malaya pa din at hindi mahanap hanap. Magsasampa sana ako ng kaso ang problema. . . inaalala ko ay siya. Dahil ang ibig sabihin lamang noon ay kailangan niyang sabihin paulit ulit ang dinanas niya at may kukuwestiyon pa sa kaniya. Tangina. Hindi ko na kakayaning makita iyon. Dahil napakasakit na noong umiiyak siya, iyon pa kayang pahirapan ko siya para sa hustisya.
Sabi mo ang hustisya ay pantay pantay at walang kinikilingan. . . totoo ba? O kagaya lamang iyon noong ibang sabi sabi mo?
Isang gabi, habang inaalagan siya noong nobya ko ay nanatili ako sa labas ng pinto niya habang nakaawang iyon nang kaunti at pinagmamasdan ko siya hanggang sa nagsalita siya sa unang pagkakataon.
"He. . . locked me in." Namamaos na pahayag niya sa kawalan at ang puso ko ay parang hiniwala ng pirapiraso dahil doon. Humigpit ang hawak ko sa isang baso ng tubig na sana ay dadalhin ko sa kaniya.
Nagsimulang umagos ang luha niya sa pisngi at wala nanaman iyong tigil. Ilang sandali pa ay hingal na siya dahil sa paghinga. Lumalim at bumilis ang aking sariling paghinga. Nanghihina ako noong pagkakataong iyon. Gusto ko siyang yakapin pero takot siya sa akin.
Oo. . . Nalayo siya sa akin kapag lalapit ako sa kaniya. Kaya nga iyong nobya ko ang nag-aalaga sa kaniya dahil takot siya sa lalaki.
"He. . . shouted at me. I was. . . terrified but he loves it when I am shaking in fear. . ." Patuloy na pagsasalita niya sa nababasag na boses. Kinakalma siya noong nobya ko pero naririnig ko na din ang paghikbi niya.
Sinarhan ko na ang pinto dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya. Bumababa ako at lumabas ng bahay at doon ko pinagsusuntok ang pader at doon ko binasag ang baso na hawak hawak ko kanina.
Galit at poot ang namuo sa aking puso. Habang isinasalarawan ng utak ko ang mga nangyari sa kaniya ay hindi ko kinaya. The way the glass shattered at her feet whenever he was angry. The way he would locked her up in that room so that he could feel comfortable with her weeps. The way he would slapped her face to make her feel she was nothing. The way he would shout at her to make her shook in fear. And the way he would love her so she could. . . die.
It terrified me. Thousands of shivers travelled through my spine. Nararamdaman ko din ang pagtaas ng balahibo ko sa batok at braso dahil sa nararamdaman. Madaming pasa, galos at sugat ang katawan niya nababakas ang hirap na kaniyang ininda.
Matapos noon naikwento pa sa akin ng nobya ko na sinabi daw niya na humingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya pero nagbulagbulagan ang mga ito dahil ayaw nilang madamay. Na nagbingibingihan ang mga ito dahil para sa kanila kasinungalingan lamang ang sinasabi niya. Nag-igting ang mga panga ko dahil doon.
Noong umalis daw ako noon ay gusto na daw niya tumakas at makipaghiwalay pero pinuntahan daw siya noong lalaki at pilit na dinala sa hotel kung saan siya natagpuan.
Iyak nang iyak ang aking kasintahan habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon sa akin. Samantalang ako ay walang humpay ang pag-agos ng luha. Para akong pinapatay noong pagkakataong iyon.
At ang pinakamalala?
"He. . . raped her." Tanginang iyan! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko noon at nasuntok ko na nang ilang beses ang sahig hanggang sa dumugo na ang sarili kong kamao.
Narinig ko na iyon sa doktor niya. Pero ang marinig iyon na nagmula sa kaniyang mga sariling labi habang ikinukwento sa akin nang aking nobya ay naging doble, hindi naging triple ang sakit sa akin. Ang tanga tanga ko kasi wala akong nagawa. Na hinayaan ko siya. Napakatanga ko.
Simula noong mangyari iyon sa kaniya ay naging tensyonado na ako lagi at hindi ko ipinatigil ang pagpapahanap ang gagong iyon para mapagbayaran niya ang kaniyang kasalanan.
Hanggang sa. . .
Lumabas na sa ibang mga estudyante ang nangyari sa kaniya. Syempre dahil mas kilala iyong lalaki at napakabait daw nito, ay hindi daw niya iyon magagawa at siya pa daw ang may kasalanan ng lahat dahil siya naman ang baliw na baliw sa kaniya na gawa gawa lamang niya ang kwento para masiraang reputasyon noong lalaki.
Muntik na akong gumawa ng rahas sa mga naririnig ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Iyon ang bagay na halos kumitil na sa buhay niya tapos gagawin ko? Napakalaki kong tanga kung ganoon.
Katulad mo sila, hindi ba? Doon ka kakampi sa mas kilala mo. Hindi mo papakinggan ang panig noong isa dahil sarado ang isip mo. At iyong ibang kasama mo? They would never care. Why? Because. . . It is not even their fucking business. Iyon naman iyon hindi ba?
Pero kapag hindi naman kailangan ng pangingialam nila, doon sila makikialam hindi ba? Ganoon naman kayo hindi ba?
Kumalat na daw sa social accounts niya ang nangyari sabi noong nobya ko. Kinuha ko ang mga bagay na maaring magpalala pa sa sitwasyon niya. Ang telepono niya ay hindi na niya nagagamit dahil nasa akin na.
Many are blaming her. And it is fucking ironic. She's the victim but everyone is saying it is her fault. How twisted your words can be? Sabi mo, kasalanan niya kasi bakit hindi pa siya umalis noong nagiging mapangabuso na iyong kasintahan niya. Sabi mo, bakit pa siya nanatili kung umaabot na sa ganoon ang kilos niya. Sabi mo, kasalanan niya kaya pagbayaran niya.
Iyan ang sinabi mo. Alam mo na ba ang kapalit ng mga salita mo ay ang buhay niya? Alam mo ba?
Hindi ko alam noon na nakagawa siya ng paraan para tingnan ang mga sinasabi sa kaniya. Huli ko na nalaman at nakita ko na lamang siya na hindi na humihinga at naliligo na sa sariling dugo habang hawak hawak ang telepono niya at noong buksan ko iyon. Nandoon ang lahat ng sinabi mo. Nandoon lahat ng paratang mo.
Who killed her? You ask? It was him. It was you. The one who stabbed the knife was her. But you were the knife and he was the one who whispered to her to end her life. So. . . tell me, are you involved? Maybe you will answer no firmly, but. . . for me, you are guilty. Pero hindi ko naman mababago ang iniisip mo hindi ba?
Everything became a mess after her death. I lost her. . . She was meant to fly, but you caged her. She was meant to live but you killed her.
Many people flooded us with condolences. Including you, but how ironic. You gave her the knife and you are still there wishing her to rest in peace? Huh! You have no shame. You added fuel to the fire. You rubbed salt in her wounds. Yet you are all acting like a saint? That's all bullshit.
We mourned her death. We mourned for my sister's death. Our parents already passed away, and now, I am all alone. I could not even took care of her properly. It hurts me.
At ang pinakamasakit sa lahat ay iyong pagkakataong dumalaw pa sa lamay niya ang walang hiyang lalaking iyon. He mourned like it was not his fault. He was devastated. He realized all his wrongdoings.
Pinilit kong kunin ang hustisya para sa kaniya, nakuha ko naman dahil kusang sumuko ang lalaking ito. But after a while. . . lumabas din siya sa bilangguan na parang walang nangyari. . .
Akala ko magbabago siya. . . Tama naman ako, nagbago nga siya, sa ibang paraan nga lamang. He just became like you. He became a toxic like you. . .
After everything he did. . . you engulfed him.
Love? It has a dark side. Love can be deadly, love can be a murderer, and love can be a toxic. But you. . . it depends on you. . . But the things is. . . You yourself is a poison. And if you were combined you would be a lethal combination. Just like what you did to her, to my sister.
Are you guilty? No. . . You were not and will never be. Because you always shut your ears and close your eyes. You only open it when you want to.
Words. . . Did you know? It could kill?
Love. . . Did you know? It could be a toxic?
If you really understand, and if you really know it. . . then why are you being a bystander? Why. . .
Matapos kong itipa sa keyboard ng aking laptop ang huling tuldok ay napa-inat inat ako at saka napahikab. Hindi ko napansin na malalim na ang gabi. I posted the story I typed and think about the things I've written in there.
Maraming mali doon, maraming puwedeng ipintas. . . Pero ang gusto ko lang naman maiparating ang ninanais ng puso ko. Sana naabot ko sila. . . Ikaw? Naabot kaya kita?
THE END.
Note: Sorry for all the errors. Sensitive topic siya for me, kaya sorry kung may naoffend or kung ano man. Trying hard lang mga bes! Hahaha. Anyways, highways. I was just inspired by Momo's HTS performance that's why I wrote this. Haha. Hope you enjoyed it. :) <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top