P R E L U D E

"You are lost."

I know. I really am.

Pinukpok ko ang manibela at walang ibang nagawa kundi lumingon sa backseat at kinuha ang bag.

"Kayo na lang pumunta rito, oh. Kapagod nang mag-drive kaya," pakiusap ko at natawang muli. Papaano nga ba kasi ako napasok sa sitwasyon na 'to? Oh, tama. Sinabi lang naman ng mga kaibigan ko na magkikita kami sa paborito naming bar 'tapos nang nandito na ako ay sasabihing mali ang napuntahan ko.

Lumabas ako ng sasakyan at tinitigan ang isang bar na napakaliwang. Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang tugtog mula sa loob nito. Nagdadalawang-isip pa ako noong una kung papasok ba ako o hindi nang dinala na ako ng sariling mga paa sa loob.

"Nasa counter lang ako. I'll just wait." I fixed my hair and tied it into a half-bun, my hand placing my phone near my ear. Panay ang lingon ko sa kung saan nang mas lalo pang dumagsa ang mga tao.

'Eto talaga ang palagi naming problema magkakaibigan, parati kaming 'di nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay. Kaya sa tuwing magkikita kami ay may isa sa 'min ang naliligaw; at ngayon ako na naman ang biktima.

"Hard, please," I told the bartender. For some reason, I wanted to soak myself with alcohols. Wala naman akong problema pero sadyang nakakaganang maglasing ngayon din.

"Copy, ma'am."

He hesitated a bit while seeing my face. Hindi na bago sa 'kin. Madalas talaga ay napagkakamalan pa rin akong bata dahil nga sa angelic raw ang mukha ko. Nasa twenties na ako pero 'yong mukha ko pang first year college pa rin.

"Chelsy!"

Napalingon ako nang marinig ang magkakasabay na sigaw ng mga pamilyar na boses na alam kong galing sa mga kaibigan ko. I chuckled and danced myself to face them. I was wearing my sexy dress that tightly fitted my curves that's why I caught attentions. I fought the urge to laugh when my friends, Johoney, Allysa, and Pearly, stared at my dress.

"What a bitch," Johoney whispered while smiling so proudly, "a very angelic bitch."

Hinayaan ko silang maghanap ng table hanggang sa naiabot na rin sa 'kin ang order ko. I closed my eyes as my lips touched the coldness of the glass. Dumaan ang pait pero bigla rin namang naglaho.

"Actually, akala ko wala nang maliligaw sa 'tin pero meroon pa rin pala," natatawang ani ni Allysa at umupo sa tabi ko. Kaharap ko naman si Johoney at Pearly na nakatingin sa stage malapit sa 'min. I heard may banda raw ngayon kaya maraming tao. Dalawang banda raw ang mag-p'-play para ngayong gabi bilang birthday celebration na rin ng may-ari ng bar.

"How's your duty ba, Chels?" Itinaas ni Pearly and kamay para magtawag ng waitress. "Wala ka ba talagang balak magtrabaho sa hospital ninyo?"

Paulit-ulit nilang tinatanong ang bagay na 'yan sa 'kin at paulit-ulit ko ring sinasabi sa kanila na may mahabang kwento kung ba't 'di ko kayang magtrabaho roon. At isa pa, komportable na ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon kaya ba't pa ako maghahanap ng iba, 'di ba?

"Kuya Rynierre is already in here. Sinabi niya sa 'king gusto niyang makipagkita kay Faith," nasabi ko nang wala sa oras at 'di maiwasang 'di mapangiti dahil sa wakas ay matutupad na rin ang isa sa mga hiling niya. He waited and lived without his Faith and I know it's a kind of torture. To be in love in a distance is not easy.

"Faith? Faith Simbajon?" magkasabay-sabay nilang tanong, at tumango na lamang ako.

"Good for your Kuya," si Johoney at biglang tinakpan ang bibig, kinikilig. "Pero sayang, akala ko kami talaga ang magkakatuluyan."

Sinapak siya ng lahat. Naging long time crush niya rin talaga si kuya. Panay nga ang selos nito noong sabihin ko na 'di siya ang gusto no'n!

"Hoy, Jo, umayos ka at may jowa ka! Alalahanin mo!" pang-aalaska ni Allysa sa kaniya dahil 'yon din naman ang totoo. Johoney's currently in a relationship. Paminsan-minsan ko lang makita ang lalaki na 'yon pero sabi nila ay mabait daw.

'Di namin namalayan na lahat kami ay nalulong na pala sa alak. 'Yong paningin ko ay para na ring nilindol at may after shocks pa. Mabuti na lamang at tapos na ang duty ko kanina para ang bukas na lang na trabaho ang poproblemahin ko.

"This moment will be the most memorable night because two bands are going to entertain us!"

'Yon ang sigaw ng isang babae na nagpaingay lalo sa paligid. Natawa akong mahina nang tumalon na rin ang mga kaibigan ko sa sobrang saya. Kaunti na lang din talaga at mapapasayaw na rin ako katulad nila.

"Before we enjoy this moment, wanna know something intriguing?" bulong ni Pearly sa 'kin at ipinakita ang screen ng phone niya. Gulong-gulo pa ako noong una pero 'di nagtagal ay tuluyan ko nang naproseso ang nabasang tweet galing sa isang artista.

Mapakla akong ngumiti at iniwas ang tingin, gusto na lamang ibaling sa iba ang atensyon pero 'di ko pa rin magawa.

Why is it so hard to forget?

I thought that time heals but in my case it seems so impossible. I thought letting years to pass will make my scars gone but it is even the reason why my heart still aches. I looked at my wristwatch to entertain myself. Pero . . .

"Pero may karapatan ka namang magsalita, Chelsy," nag-aalalang sabi ni Pearly sa 'kin. "The tie you have with him is still existing and so you have the right to say that you're happy knowing they just broke up."

Nagkatitigan kami ng kaibigan ko, at ako na naman ang unang nagbaba ng tingin. Tama ba talaga siya?

Do I really have the right to be happy that someone is suffering from a heartbreak?

Does the tie we both build still exist?

"Ikaw kaya ang mas kawawa, sa totoo lang," muling sabi ng kaibigan ko. "The tie still exists -- yes. But aren't you the only one who keep holding it?"

"Pinili ko 'to kaya titiisin ko." Labag man sa kalooban ay tinanggap ko na lamang ang totoo. Na sa loob ng ilang taon, mag-isa akong lumaban. Mag-asa kong hinawakan ang pangako niyang ako lamang ang nakakaalam. 'Yong mga pangako niyang akala ko ay sa 'kin niya lang sinabi.

"Two bands?!" Allysa joined the wild people to make me smile. "Hoy, Chelsy, ihanda mo na mga tenga mo!"

Natawa ako at umiling-uling. Hindi na ako kinausap ni Pearly dahil busy na siya sa sariling ginagawa. I stole her phone and stared at Amethyst's tweet hours ago telling the whole world how they broke up.

And this time, I wanted to become so true and take the mask off my face. I logged in my account nag-type ng comment na tiyak na aawayin ng lahat lalo na ng fandoms niya at siguradong dudugukin ng mga kakilala ko.

@ChelsyCattaneo: karma, sis.

In-off ko ang phone at napangiti sa sariling nagawa. Maaaring makita rin 'yon ng ex niya pero bahala na. Besides, 'karma' is what she deserves for fooling the old version of me. I even remembered how they unified to abandon me. Masyado nila akong sinaktan noon. What happens in them suits them -- kung tutuusin pa nga ay kulang pa.

"Let's welcome our first band, JOLO!" the speaker announced.

Isa sa mga sikat na banda sa Pilipinas ang JOLO. Kilala sila sa pagggawa at pag-play ng mga malulungkot na kanta. Kaya 'di na ako nagtaka pa nang halos marami ang naluha matapos ang isang kanta. Naluha na rin ako dahil bumagay ang kanta sa sitwasyon ko ngayon. No matter how they experience lots of pain, I am still the victim. Noon pa lang, ako na ang pinakanakakaawa.

"Ang susunod na kanta ay para sa mga taong ginawa na ang lahat subait 'di pa rin pinili . . ." Nagsimula na naman sila sa pagkanta at todo na talaga ang pag-agos ng mga luha ko. Wala sa plano ko ang umiyak pero 'eto ako at parang batang nagsusumamo.

"I told ya'. Mapanakit ang mga kanta nila." Nagpunas ng luha si Pearly at sabay-sabay silang bumaling sa 'kin dahil alam naming lahat na bagay sa 'kin ang kanta.

"Pinili naman ako, ah." I chuckled, bullets of tears in my cheeks. "Hindi nga lang nagtagal."

"Their lost, okay, not yours," mariin na sabi ni Allysa. "Cheer up, pretty--"

"And now let's welcome our second band, The OLYMPUS!"

Agresibong nanlaki ang mga mata ko at kaming mga kaibigan ko ay 'di na mapakali! I thought OLYMPUS is now performing outside the country?! Hinawakan ni Allysa ang kamay ko at lahat sila ay malambot na ang tingin sa 'kin.

"Thanks for the overwhelming welcome, everyone," sabi ng main vocalist, at halos manginig na ako sa kinauupuan ko! He's meters away from me but I still can feel the flames he solely owns. He's wearing a ripped jeans partnered with a black jacket and a white polo underneath it. Just as usual, there's a handkerchief in his forehead to add charms!

Everyone, including me, seemed being poisoned by his eyes! Hindi na ako magtataka kung marami ang maingay at tahimik na tumitili dahil mas lalo talagang gumanda ang imahe niya ngayong natatamaan nang lights ang mukha niya. His jaw is prominent and it looks like an artwork from a well-known sculptor. Damn. He's tall and it is one of reason why I still can see his face kahit na maraming tao ang nakaharang. He. . . Improves a lot. He towered me before, and now he still amazingly does.

Him and Amethyst crashed my whole world but funny how I still adore him despite that. Nakakatawang isipin na kahit sa gitna ng lahat baliw pa rin ako sa kaniya. Na napapangiti niya pa rin ako; Na binibigyan niya pa rin ng pag-asa ang dibdib ko.

"He will be your death."

Isa 'yan sa mga kataga na naririnig ko noon at ngayon ay mas lalo kong napagtanto na tama sila. He's as dangerous as a fire; I can be burned by just only seeing his view. 'Yong tipong, nakatitig pa lamang ako, pasong-paso na ako.

"Tanga ka na kung mahuhulog ka rin sa lalaki na 'yan."

Siya 'yong sinasabi nilang 'apoy' na sisira sa 'kin. Pero guess what? Sa kaniya pa rin ako lapit nang lapit. 'Yong tipong kahit pasong-paso na ako, wala pa rin akong makitang rason para huminto.

"This is a song for someone I used to know who happened to be the most flammable fire I have ever met," bulong niya sa microphone at lumingon sa kung saan-saan na parang may hinahanap. "Para sa babaeng minahal ako pero. . ."

Pero binelewala mo lamang.

"All right . . ." bulong niya sa paos na boses. "You tower me, darling. You tower the whole me."

I thought he's broken hearted since him and Amethyst just broke up?

"Akala ko 'di ka pupunta kaya. . . Nagulat ako sa presensya mo," sabi niyang muli, at nang mag-angat na naman ako ng tingin ay sandaling nag-krus ang mga mata namin.

I waited for his next words because I can feel that there are still more.

"I never thought this night would be this flammable," I heard him again, "to the point that I am burned for the nth time."

". . . but I am fighting, darling, yes. I fucking do."

How dare you to talk about that thing if you never ever appreciated me?

How dare you to talk about fighting if you really never ever fought?

Oh, I forgot.

You did fight.

But still gave up so easily.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top