CHAPTER 36
"He has a chance, right?"
Halos hindi ko na kausapin ang mga parents ko dahil sa nangyari kagabi. Nawalan ako ng gana sa conversation namin sa dinig kaya ay kinulong ko na lang ang sarili ko kagabi. Hindi ko namalayan at nakatulog ako.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. How dare him?! Ang kapal, kapal ng mukha! How dare him para umaming nasasaktan din siya kung in the first place siya naman itong nang iwan? May choices siya... May choices siya para ipaglaban ang relasyon namin. Pero ano ang ginawa? Sumuko. And no words can be scribbled to describe how that aggressive decision of his traumatized me!
Tumingin ako sa orasan at napagtantong kailangan ko nang magbihis. It's a good na kompleto pa rin ang mga gamit ko rito. Nakapapagod nang bumalik sa apartment.
Walang gana akong bumaba sa sala at nagkita kami ni mama. Her eyes are so red and that stopped me from walking.
"Good morning, dear..." Naka-pang night dress pa 'to pero mukhang hindi natulog. Hinaplos niya ang pisngi ko at nagulat ako sa ginawa niyang iyon dahil taon na rin ang lumipas simula noong hinahaplos niya ang mukha ko. "About last night... Please don't resent us."
"Ma... Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko pa rin 'yon matanggap, 'di ba?" I tried to ease my frustration. Sinadya ko ring kumalma sapagkat naawa ako sa mga mata niyang namumugto. "Why would I go back to someone whom I rescued myself from?"
"I understand..." pumiyok siya, yumuko, at pinagsiklop ang mga daliri namin. "Naiintindihan ko naman... Namin ng papa mo. Naiintindihan namin kung bakit hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang nagdaan, ay masama pa rin ang tingin mo sa kaniya. But... It was not fault. Kasalanan namin. Nangealam kami sa relasyon niyo. I already told you about that, didn't I? Sinabi kong hindi sumagi sa isip ni Cal ang hiwalayan ka."
Tila piniga ang puso ko nang marinig ang mumunti niyang iyak. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay at 'yon ang mas nagpayuko sa kaniya. Hanggang sa namalayan ko na rin ang sariling lumuluha. Lumuluha dahil sa gulo... Sa galit... At sa awa. It's ironic that I hated my parents so much to the point I question their love toward me at kasabay noon ay ayaw ko silang nakikitang nahihirapan.
"He's loyal to you, d-dear."
"Mom..." I plead. Sinubukan ko ang lahat magkatinginan lang kaming muli pero nanatili pa rin siyang nakayuko. To hear my mom sobbing is very alarming. Doble ang ganti nito sa akin. "Naaalala ko lahat ng sinabi mo sa akin, ma. I remember those explanations all too well. Hindi agad sumuko si Cal, right? Kahit sinabihan na siya ni papa ng mga masasakit na salita... Not until yoy challenged him right? You questioned his love for me... You challenge him... Na kung talagang... m-mahal niya ako, at kunt gusto niya talagang makuha ang blessing niyo, ay lumayo muna siya sa akin nang ilang taon. You challenged him to wait until I finish my studies, didn't I?
My mom replied by sobbing more. Niyakap ko siya at parang gusto ko na lang na huwag magsalita para hindi siya magsalita. My mom... Kahit gaano pa kalaki ang pagkukulang niya sa akin, kahit gaano sinira ng mga desisyon niya ang buhay ko... She's still my mother
"I am sorry kung masyadong nakabibigla ang nangyari. I am just too desperate to reciprocate his sacrifice. Gusto kong makabawi..."
"But mom, kagagaling niya pa lang sa isang relationship. Hindi niya rin natupad na hintayin ako nang ilang taon dahil nagka-girlfriend kaagad siya matapos niya akong iwan."
"He explained everything to me, Chelsy. Alam na ng papa mo iyan at tanggap niya rin ang mga rason ni Cal. Give him a chance he deserves, please... 'nak."
Nang magsalubong na ang mga namin ay nanlambot ako. She's crying in front of me. And hate that I am the main reason why she's like this.
"Mom... I can't be with him anymore... I can't choose him anymore. I can't give him another chance."
"Why? May rason siya. It's you that's he only wants," her voice broke.
"I am sorry, ma, pero ano ang magagawa ng mga rason niya? Anong magagawa ng pagmakakaawa niya kung hindi ko na siya mahal?"
Natigilan siya. I am trying my best to be calm as possible, para hindi ko masyadong masaktan si mama, kahit ang totoo ay ang sarap nang sumigaw nang mailabas lahat ng sama ng loob.
"Chelsy... Baka nabibigla ka lang? I am sure you still love him, hindi ba? Noon pa lang... Alam ko nang nagmamahal ka nang totoo. I was just too determined for you to finish your studies without distraction."
"I am finally over him, ma. Hindi ko na talaga siya mahal. Kung may nararamdaman man ako sa kaniya, hindi na 'yon pagmamahal. It's frustration.
Sa huli, pinagbigyan ko si mama. I will let Cal explain kahit na ayoko na. Nakiusap ko na huwag muna ngayon, o bukas. I need more days.
Sinubukan kong hindi ipakita ang pagtatampo ko sa parents ko. Dumalas ang bisita ko sa bahay para hindi isipin ni mama na galit ako sa kaniya. Binalikan ko na rin ang mga sariling responsibilidad.
I focused on my duty for weeks while visiting my parent's atleast thrice a week. Naibahagi ko na sa mga kaibigan ko ang nangyari at hindi na rin naman sila masyadong nagtanong pa. Ilang araw na rin walang paramdam si Cal. My mother might have already told him about my request na huwag muna akong guluhin until I become ready to listen.
Sa ilang araw na nagdaan, halos makalimutan ko na rin na galing aa breakup ang lalaki na iyon dahil iniwasan ko nang mag online nang matagal para hinsi makasagap ng kung anumang balita patungkol sa kanila.
"Thank you for visiting us more often, dear. It's very appreciated!" maligayang sumalubong si mama sa main door. "Anyway, did you know that your Kuya Rynierre is planning to reside here for good?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Ni isa ay walang nasabi si Kuya sa akin about diyan! Posibleng sinadya niyang huwag ipaalam sa akin! Pero still, nakakatuwa!
"You're crying..." pansin ni mama sa nag-alalang tono. Hindi ko napigilan at bumuhos ang mga luha ko. "Aren't you happy?"
"I am, mom! Sobra! It's just that... Nakakabigla at nakakatuwa! Finally, makokompleto na tayo!"
Tinapik niya ang likod ko at hindi na kumibo. What my family endured years ago was not easy. Halos hindi na makausap nina mama at papa si Kuya Rynierre. Mabuti na lang at mas pinili pa rin ni Kuya na tanggapin ang lahat... Kahit napakahirap gawin ng bagay na 'yan.
"May girlfriend na, hindi ba?" kinikilig na ani ni Johoney. "Sayang naman!" pabiro niyang dagdag.
We were having a coffee date in a shop located near Pearly's workplace. Ibinahagi ko na lahat ng nalalaman ko dahil sa pagkasabik. Hindi na rin ako mauubusan ng kwento dahil nakikita kong mas masaya sila sa naririnig.
"May boyfriend ka na, ah!" Inirapan siya ni Pearly. "Naku, johoney, kung iyan malalaman ng bf mo, naku!"
"Masasaktan 'yon," komento ko.
"Hindi, ah!" Tinawanan lang kami ni Johoney.
"But getting excited because of someone while you're in a commited relationship is micro cheating. Masakit iyan sa side ng boyfriend mo, Johoney," pangangaral ni Allysa sa kaniya na tinanguan lang namin.
"Guys..." panimula naman ni Johoney. "Naiintindihan ko na ayaw niyong itolarate ang behaviour ko. Nahahalata ko naman na naiinis kayo every time nagkakaroon ako ng crush habang may boyfriend... Sadyang, aware naman jowa ko na mahilig akong mag idolize."
Tumaas kilay ni Pearly. "Pumayag siya? Binantaan mo 'ata?"
"Ha?! He's okay with me crushing somebody else. He's too understanding. Minsan nga ang pinag-uusapan namin ang mga crushes ko kapag nagdidate kami."
Wala talaga akong masyadong kaalam-alam sa relasyon niya ng boyfriend niya. Dahil sa tuwing magkasama kami, ay palaging 'yong ibang mga idol niya ang kinukwento niya. Nakakamangha lang isipin na ganoon ang boyfriend niya. Baka 'pag ako ang nasa ganoong sitwasyon ay hindi na ako makahinga sa selos.
"Pwede ba yon?" nalilitong tanong ni Pearly. "Kahit kailan ba hindi iyan nagselos? What if ano... What if nasasaktan na pala 'yon nang palihim, ayaw niya lang ipakita sa iyo?"
Napahawak naman sa panga si Johoney, mukhang nag-iisip. "Parang hindi naman..
He's a very expressive type of man kasi. Pinapaalam niya kapag galit siya o nagtatampo. Napaka-transparent niya. Kaya kung ano ang pinapakita niya kapag nagkukuwento ako about sa mga crush ko, pinagkatitiwalaan ko na lang."
"That kind of man is rare, you know," ani ni Allysa. "But still, know your limitations, Jo, okay? You shouldn't take advantage of him. Filter your words."
"Opo, mama!" Sumaludo si Johoney sa kaniya at nagtawanan na lang kami. Our conversation continued until my phone rang. Sinagot ko ang tawag nang hindi pinapansi ang screen dahil baka si mama lang. A-attend kasi silang dalawa ni papa sa family reunion ng mga Catteneo next week at inanyayahan pa nga akong sumama.
Out of country ang celebration at ayaw ko rin namang iliban ang trabaho. Naka-attend naman ako noong sa nakaraan na celebration at matibay rin namna ang communication ko sa ibang mga Catteneo kaya higit na sapat ma siguro 'yon.
Nakakapagod na rin sumakay ng eroplano. Nakapapagod nang umalis ng bansa.
"Why, mom? May problema? Any concern?"
Malapit nang maubos ang macchiato naming tatlo, napansin ko. Hindi ko alam kung saan kami gagala pagkatapos nito. Gusto lang namin sulitin ang planong natupad kahit na busy kami sa kaniya-kaniya naming obligation. Sa totoo nga ay minsan na lang din kami kung mag-usap sa online dahil ang pagpapahinga kaagad ang naiisip namin matapos ang ilang oras na pagtatrabaho.
"Chelsy," a stranger voice welcomed me. But it's weird. It's weird because it made my heart uncomfortable. It's weird that this stranger sounded so familiar. "Are you busy right now? Your mom... Told me you're hanging out with your friends."
"Kanino mo nakuha number ko?" Walang gana kong sagot. Napatingin lang ang mga kaibigan ko sa akin saka bumalik naman sa pag-uusap. "And what's with this call? Anong pakay mo?"
"I am just..." Malalim siyang bumuntong-hininga. "I am just hoping that ... Even though a little, you'd still want to talk to me."
"And you hope for nothing." Napabaling isang beses si Allysa sa akin.
Nasabi ko na sa mga kaibigan ko ang nangyari noong nakaraang linggo. Nagulat sila, pero ika nilay medyo expected na rin naman daw. At alam ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin silang magsasawang ipaalala sa akin ang nangyari noong mga nakaraang taon. Kaya ay mas tumatatak sa isipan ko kung papaano ako nasira. Kung papaano dumilim ang mundo ko.
"Chelsy... My chelsy... Just tell me if you aren't yet ready to talk to me... I would understand. My purpose in calling you is that... I want to know when will you be available... And I've missed you so much."
Pinikit ko ang mga mata ko at nawalan ng gana sumagot. Hininaan ko ang volume ng phone at saka nilagay lang sa bag. Tila tumigil sa paggalaw ang mga kaibigan ko at doon pa lang alam kong napansin na nila ang katahimikan ko.
"That's call, right?" si Allysa.
"Remember what that man did to you, Chels," pagreremind ni Pearly. "He doesn't deserve any chance. Hindi ka niya deserve."
"Makinig ka sa amin, Chels, ha? Gusto ka lang namin protektahan, e'." Naramdam ko ang pagtapik ni Johoney sa akin. "We know that you don't want him anymore, but we don't know how exactly you feel. Pero, please lang, 'yong pag-iwan niya sa iyo... Huwag mo sanang ilagay sa limot."
"I don't forget..." sagot ko sa mahinang tinig. "I will never forget."
Suminghap lang si Allysa. "Alam mo naman na hindi na kami boto kay Cal, 'di ba? Alam mong pinakagusto naming makita kang nagmomove on at huwag nang bumalik sa taong nanakit sa 'yo. What did he want? A deep conversation with you? What do you want regarding to that? Are you comfortable granting his request? Are you ready to reject him? Are you... Ready for a final closure?"
Kinabukasan matapos ang pagtawag niya na 'yon ay araw-araw na siyang nagpapadala ng mga bulaklak at handwritten letters. Masama na kung pakinggan pero ni isa sa mga liham na 'yon ay wala akong binasa. I just kept them in a box and I had no plan reading them. Ang mga bulaklak naman ay tinago ko lang sa drawer.
"It's been how many days?" Allysa asked me. "Sinunog mo ang mga letters?"
Umirap na lang ako saka tumagilid ng higa. Day off ko ngayon at nandito si Allysa para siguro bumisita lang. Syempre naman, updated ang mga kaibigan ko sa lahat ng mga actions ni Cal. But still, hindi pa rin matibag tibag ang galit nila para sa lalaki.
"A week, actually," kaswal kong ani saka nag-isip kung bakit ilang araw nang hindi nang-iinvite sila mama for dinner. Sa isip ko, siguro busy lang sa trabaho. "Day off mo rin ngayon?"
She shrugged. "Yes, pero magshoshopping muna ako. Dumaan lang talaga ako para makita ka."
"Alright, Allysa..." bulong ko, gusto pang makatulog. "Ingat ka, ha?" Hanggang sa muli na naman akong dinapuan ng antok.
Kinabukasan, abala ako sa pakikipag-usap sa ibang nurse nang may bulaklak na dumating. Pinagkaguluhan 'yon ng mga kakilala ko at lahat sila kuryoso na kung kanino 'to galing! Hindi ko naman masabi na galing 'to sa lalaki na 'yon dahil base sa reputasyon niya, marami nang nakakilala sa kaniya!
Paniguradong hindi rin ako tatantanan ng lahat kapag nagsabi ako ng totoo!
"Secret admirer mo?" Dr. Dela Cruz teased me. Ngumiti na lang ako sa kaniya at kinawayan siya pabalik. "And a letter?" pansin niya sa hawak ko. Sinigurado ko kasing ako ang unang makakahawak sa letter. Bahala na ang ibang mga nurse na makuryoso sa bulaklak.
"Opo, doc!" maligaya kong ani.
"In your lover girl era?" muli niya na namang sabi. Habang ako naman, ang sarap siyang itama pero paniguradong mas magtatanong pa sila kaya sinasabayan ko na lamang.
Nang nasa akin na ang bulaklak, nilagay ko 'to kaagad sa bag kasama ang letter. Binalita ko rin sa mga kaibigan ko ang patungkol dito.
"Next month? Next month na siya uuwi?" excited kong tanong kay Kuya Adrian? "We must prepare a big welcoming party, should not we?!"
"For sure, our parents already planned that. Ilang araw ka na bang hindi bumisita sa atin, ha?"
Tinreat ako ni Kuya Adrian sa Mcdo para kuno hindi raw ako ma-pressure masyado. Kanina pa namin pinag-uusapan si Kuya Rynierre, at kahit hindi niya sabihin, alam kung sabik na rin siya na makompleto kami.
"Chelsy, do you have a boyfriend?"
Natigil ako sa pagsubo sa tanong niya. Bat naman bilang na curious ang kuya kong 'to. Hindi naman sa wala siyang pakealam sa love life ko pero hindi rin naman siya sobrang supportive.
"Wala, eh, bakit may irereto ka? Sorry, kuya, pero hindi ako interested." I jokingly flipped my hair. "Focus sa job."
"Noon, focus sa studies, ngayon focus naman sa job."
Inirapan ko na lang siya. "What's your intent ba kasi."
"May irereto lang sana."
Natawa lang ako sa kaniya habang siya ay napaka seryoso. Nahiya naman ang mga tawa ko kaya umayos ako ng upo.
"Walang balak, kuya sorry."
Wala na siyang sinabi matapos noon at hinatid ako sa apartment matapos niya akong ilibre sa watson.
Kuya Adrian: May mga nakalimutan ka bang bilhin?
Kinikilig ako na nagtipa.
Char, princess treatment yarn!
Kuya Adrian: Ako may nakalimutang sabihin, eh.
Go, haha!
About sa lalaking napag-usapan natin kanina. It's your ex. I was referring about Cal Ramirez.
Natigil naman ako sa pagtitipa. Napunta ako sa malalim na pag-iisip kung bakit namin pinag-uusapan ang ex ko. My parents and kuyas already knew my relationship with that man, yes. Alam nila partially ang daloy ng relasyon namin ni Cal. Pero papaano't nirereto na ni Kuya Adrian ang lalaki na 'yon?
Kuya Adrian: Are you still there?
Yeah. Nakagugulat ka lang talaga. Nakiusap ba sa 'yo ang lalaki na 'yon?
Just voluntarily helping a friend.
Friend na kayo?
Yes.
Kilala ko si kuya at alam ko kung kailan tapos na siyang mag-type, kaya ay nag-offline na rin ako at nag-isip-isip. If Kuya Adrian is doing all of this voluntarily, it means walang ibang ginawa si Cal para makuha ang loob ng kuya ko. Hindi niya ito tinakot, binantaan, o kung ano pa man.
This is the thing that I decided to hide from my friends. I just feel like kailangan ko tong i-keep personally.
It's strange, anyway, that Cal didn't contact me in messenger. Blocked siya sa accounts ko pero kung gagawa siya ng bagong accounts ay makamemessage naman siyang muli sa akin. Not that I want him to message me, it's just that... Ngayon ko lang na-realize na hindi siya gumagawa ng ways para magka-chat kami.
After our separation years ago, I made sure that his account's blocked. Matapos noon, walang ni isang paramdam na nangyari. 'Yong call kanina, it's the very first conversation after breakup.
It's already late in the evening when my mind is still consumed with consecutive questions. Mas lalo akong na-curious sa mga pinapakita niya. Hindi naman mukhang nagbibigay siya ng mixed signals o ano. It seemed natural, yet confusing.
Siguro... I really need a closure. Even though we ended up in bad terms, both of us still deserved clarification for us to move forward. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagiging bukas para sa panibagong pagmamahal ay dahil sa malaking parte sa akin ang nakakulong pa sa nakaraan.
Maybe I should somehow listen to Mom while comprehending Allysa's recommendations.
It hurts a lot. Nasasaktan ako habang gusto kong makarinig ng sandamakmak na mga eksplenasyon.
I am scared, yes. I am afraid to have a closure with the man whom I loved and hated the most.
But maybe, from now on, I should do things scared.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top